"Kaya't kayo mga kapatid ay mangagsipag-ingat. Sapagkat hindi lahat ng tupa ay tunay na mabubuti. Marami sa kanila ay nagbabalat-kayo lamang na mga lobo at kinakasangkapan ng demonyo upang tayo ay ipahamak," sermon ni Father Eman sa kanyang pulpito. Unang beses na nakadalo si Minggay sa misa ng pari. Parang naninibago nga siya dahil noon ang tingin niya sa mga ito ay mga totoong banal, hindi madaling magalit at tunay na malapit sa Diyos. Pero nagbago lahat iyon noong tumira siya sa Casa Del Los Benditos kasama ang dalawang pari. Doon nalaman niyang mga normal pa din silang mga tao. May mga pangangailangan, nagkakasala, natutuwa, nagagalit."Anong regalo mo kay Father Tonyo para sa birthday niya mamaya?" Kalabit sa kanya ni Lila noong tapos na ang misa. "Ako, nagpaturo lang ako kay Nana Conrada kung paano magburda. Kaya ayun, tinahi ko 'yung pangalan niya sa panyo. Iyon na ang regalo ko. Ikaw ba?""Wala, simple lang. Gumawa na lang ako ng birthday card. Wala naman din kasi akong pera p
Sabado. Walang klase si Mr. Aragon at lahat bundat pa sa nagdaang piging. Pero naalala rin ni Minggay na ngayon ang kaarawan ni Caloy. Nami-miss na niya ang kapatid niya at wala siyang regalo dito kahit man lang kahit ano. Kahit birthday card. Gumawa siya kahapon ng isa pero binalewala lang ito ni Father Tonyo at ngayon, malungkot na nakapatong lang ito sa kanyang lamesa. Ni hindi man lang ito nabasa ng pinagbigyan niya. Kinuha niya ang card at binura ang pangalan na nakalagay doon. Tinabunan niya iyon ng tinta ng ballpen at ginuhutan na lang ng mga bulaklak at paro-paro para hindi mahalata. Tapos pinalitan niya ng Caloy ang pangalan ni Father Tonyo na nakasulat.Naligo siya at nagbihis. Dahil sa hindi pa gising ang dalawang pari, nagpaalam na lang siya kay Nana Conrada na may bibisitahing kaibigan sa bayan. Pero ang totoo, pupuntahan niya si Caloy para makita at maibigay ang card sa kanya. Hindi niya alam kung paano niya ito makakasama nang hindi sila nahuhuli ni Mama Linda, pero k
Nagbabasa ng librong pambata si Caloy sa isang lamesa. Banaag ang saya sa mga mata nito at manghang-mangha rin siya sa mga nakaguhit na mga duwende sa Snow White and The Seven Dwarfs habang bitbit ng mga ito ang mga piko at pala papunta sa minahan. Samantalang, hindi rin maalis ang atensyon ni Minggay sa larawan ni Father Greg sa may entrada. Anong ginagawa ng larawan ng isang pari sa aklatan? Panay ang sulyap niya rito Hanggang sa hindi na niya natiis at pinuntahan na niya ang librarian para mag-usisa. "Miss, 'di ba po si Father Greg 'yan?"Nakatingin si Minggay sa malaking larawan. Ibinaba ng librarian ang kahon ng mga index card. "Kilala mo siya?""Ummmm... opo. Kaibigan siya ng... Ummmm.. mama ko," pagsisinungaling ni Minggay. Hindi niya puwedeng sabihin na kilala niya ito dahil nakikita niya ang larawan nito sa simbahan kung saan siya nakatira ngayon. Baka mapaghinalaan pa siya nang kung ano-ano. "Bakit po may larawan ni Father Greg dito sa library?""Siya kasi ang nagpatayo nit
"Ano bang sinasabi mo?" Tanong ni Father Eman kay Minggay. Napatakbo sila ni Father Tonyo sa kanyang kuwarto nang marinig nila ang napakalakas niyang sigaw."Minggay, may nararamdaman ka ba? Masakit ba ang ulo mo o nilalamig ka?" Ipinatong ni Father Tonyo ang palad sa noo ni Minggay. "Hindi ka naman mainit.""Pero kitang-kita ko po. Si Mary Beth po talaga 'yung nasa picture. May kasama po siyang lalaki. Tapos... tapos..." hindi na niya alam ang sasabihin. Naaawa siya na kinikilabutan sa tuwing nagre-replay ang imaheng iyon ng kaibigan sa isip niya."Pero anong nakakatakot dito? Kami lang 'to ni Father Tonyo kasama si Father Greg. Mga two years ago pa yata 'to kinunan." Halos halikan na ni Father Eman ang larawan. Sinusuri niyang maigi kung ano, sino o saan ba 'yung sinasabi ni Minggay na nakakatakot sa litrato. Pero wala talaga siyang makita."Tignan niyo po 'yung pinto sa background, Father. May kamay po d'yan. Tapos yung sapatos... yung sapatos po na kulay pula, 'Yung.... 'yung.. ma
"Ano bang ginagawa mo? Bakit 'di ka sumusunod sa pinapagawa ko sa'yo, anak? 'Yung mga kapatid mo ang papayat na. Hindi ka ba naaawa sa kanila?" Hininaan ni Mama Linda ang boses para hindi sila pag-suspetsahan ng mga dumadaan."Mama, pasensya na. Nahuli kasi ako ng pari dito, si Father Tonyo, nu'ng kinukuha ko 'yung korona. Buti nga hindi ako pinakulong. Tapos sabi niya dito na lang ako tumira. Bale pareng inampon na niya ako. 'Pag tumanggi naman ako sabi niya isusumbong niya ako sa pulis. Kaya ayun, di na ako nakaalis. Hindi ko po alam gagawin ko." Totoo naman din ang sinabi ni Minggay. Naipit siya sa alok ng pari. Pero ang hindi niya sinasabi sa ina-inahan, gusto na rin niyang tumira sa simbahan. Na sa piling ng mga pari, hindi na niya kailangan pang magnakaw o makaranas pa ng gutom. Hindi nga lang niya ito maibulalas kay Mama Linda dahil natatakot siyang masabihang makasarili nito."Pero pa'no kami Minggay? Pa'no kami ng mga kapatid mo? Anong sinasabi mo? Na okay lang ka lang kasi k
Wala ng pakialam si Minggay kahit pagtinginan pa siya ng mga tao habang umiiyak. Nakaupo siya sa pinakalikod ng simbahan habang nakatingin sa Birheng Maria Ng Villapureza at sa makislap nitong korona. Nagdarasal siya sa mahal na ina na sana tulungan siya nito sa kanyang problema. Ayaw niyang magnakaw at umalis sa simbahan, pero kung hindi naman siya susunod sa utos ng ina-inahan, gano'n din ang kalalabasan. Siguradong makukulong din siya at ang mga kapatid niya ay magkakawatak-watak."Mama Mary, tulungan mo po ako. Litong-lito na ako kung ano ba ang dapat kong gawin," pagsusumamo ni Minggay. Bumalik siya sa simbahan pagkatapos niyang itago ang mga pang-linis sa lagayan nito.Nag-uumpisa nang mag-alisan ang mga maninimba. Tapos na ang misa na pinamunuan ni Father Eman. Wala naman talagang pakialam si Minggay sa mga naging sermon at pangaral ng pari. Masyadong nang magulo ang utak ni Minggay para intindihan pa ang mga ito."Kanina pa kita pinagmamasdan. Bakit ka umiiyak? Puwede kang mag
Tarantang pinihit ni Minggay ang doorknob pero hindi niya magawang buksan ang pinto dahil panay ang dulas ng kanyang mga kamay dala ng pawis. Napaka-init ng silid na tila ba may nag-iihaw ng barbecue sa harap niya."Minggay! Sandali lang. Anong problema?" Pagtataka ni Father Tonyo."Father, gusto ko na pong lumabas. Please po, Father. Parang awa niyo na po," pakiusap ni Minggay na gusto ng umiyak."Bakit? Alin? Dahil ba sa istatwa? Anong... Hindi kita maintindihan," sinusubukan ng pari na maging mahinahon. Ayaw na niyang dumagdag sa panic ni Minggay."Kamukha po niya 'yung pumapasok sa kuwarto namin ni Lila. Siya po 'yun. Ayan po. Tingnan niyo po 'yung sapatos. Katulad na katulad nu'ng nakita namin." Huminto muna si Minggay sa ginagawa at hinarap si Father Tonyo."Ano bang sinasabi mo? Alin? 'Eto ba?" Pinuntahan ng pari ang istatwa at kinatok-katok ang paa ng rebulto. Nagtunog kahon ito na walang laman sa loob. "Paano makakapasok or better yet, pa'no gagalaw 'to Minggay? Eh kahoy 'to.
"Father, hindi pa po ba tapos? Masyado na po kasing marami," nag-aalangang tanong ni Minggay. Napuno na ng dugo niya ang platito at ito ay umaapaw na. Limang patak na nito ang tumulo sa sahig.Parang hindi siya nadinig ng pari. Patuloy ito sa pagpisil nang madiin sa kanyang daliri. "Father, tama na po. Masakit na po," iyak muli ni Minggay. Saka niya binawi ang daliri.Doon lang tila nagising ang pari. "Ah, oo. Pasensya na. Patawad." Inabutan niya ng panyo si Minggay at sinabing doon ipahid ang daliring may sugat."Ano pong gagawin sa dugo ko, Father?" Panay pahid ni Minggay sa sugat na nagkulay pula na.Ipinatong ni Father Tonyo ang platito sa may paanan ng santo. "Ilalagay lang natin 'to. Simbulo ito ng marubdob mong pananampalataya sa ating patron. And then ikaw, lumuhod ka sa harap niya at magpasalamat ka muna sa opportunity ipinagkaloob na mabisita mo siya rito at pagkatapos, sabihin mo na ang kahilingan ng iyong puso."Parang kakaiba na ang nararamdaman ni Minggay noong mga sand
Pagkaraan ng isang buwan."Sir, puwede po ba makausap kayo sandali?" Hiling ni Minggay sa guro. Sampung minuto na ang nakakalipas nang matapos ang klase nila.Hinubad ni Minggay ang kuwintas na may susi na pendant at ipinakita iyon kay Mr. Aragon. "Naaalala niyo pa ba 'to? 'Di ba po ang ganda? Nakita niyo na po 'to, 'di ba? Tingnan niyo pong maigi. Ayan po. Titigan niyo po."Marahang idinuyan-duyan niya ang kuwintas. Kaliwa. Kanan. Kaliwa. Kanan. Kaliwa. Kanan. Ang nakasabit na pendant na susi, kumikislap sa tuwing nasisinagan ng papalubog na araw mula sa bintana. "Bakit... Na... Sa'yo... 'Yan?"Nabitawan ni Mr. Aragon ang hawak na libro at unti-unting nawala ang tensyon sa kanyang mga balikat. Ang mga tupi niya sa noo ay pumatag at ang mga mata ay tumigil sa pagkurap. "Ganyan nga po, Sir. I-relax niyo lang po ang katawan niyo. Masarap pong magpahinga paminsan-minsan. Nakakapagod po ang puro trabaho," udyok ni Minggay. Hini-hypnotize niya ang teacher matapos malaman mula kay Nana Con
Nilakad-takbo ni Minggay ang daan papunta kay Tangkad. Hindi na siya nagtakip ng mukha gaya ng ginagawa niya noon sa tuwing mapapadaan sa lugar nila. Wala na siyang pakialam kung may makakilala sa kanya. Una, dahil nasa ospital na rin naman si Mama Linda. At pangalawa, wala na rin siyang pakialam sa kung ano ang kayang sabihin at gawin sa kanya ng ibang tao. Sa tindi nang pinagdaanan niya nitong mga nakalipas na araw, wala na siyang panahon para isipin pa ang mga isyu nila sa kanya. O baka kaya rin naman malakas ang loob niya ay dahil sa enerhiyang dumadaloy sa kanya na nagmumula sa suot niyang kuwintas. Hindi niya eksaktong maipaliwanag kung anong klaseng enerhiya ito, pero nararamdaman niya ito sa kanyang sistema na para bang kaya niyang lumipad, bumuhat ng gusali o gumawa ng mga ilusyon. Sa madaling salita, parang wala siyang limitasyon sa mga kaya niyang gawin. Ito yata ang ibig sabihin ng salitang "fearless" na binabanggit sa kanya ni Mr. Aragon noon sa English class nila.Pagda
Tinimbang ni Minggay ang kuwintas na may susi na pendant sa kanyang kamay. Medyo mabigat ang pendant, siguradong yari sa purong ginto. Ang mismong kuwintas, 'di kakikitaan ng kahit anong marka ng gasgas o pagkupas. Habang tumatagal sa pagtitig si Minggay sa alahas, mas lalo rin siyang naaakit dito. May nasasagap siyang daloy ng enerhiya mula rito na parang pinararamdam sa kanya na siya ay malakas, na siya ay makapangyarihan. Pero sa kabila nu'n, parang may hindi tama. Batid ni Minggay na huwad at galing sa masama ang kapangyarihang taglay ng kuwintas. Agad niya itong hinubad."Ayoko po. Hindi ko po kayang tanggapin ang maging tagapag-bantay," kinuha ni Minggay ang palad ni Nana Conrada. Inilagay niya roon ang kuwintas at saka ito isinara. "Aanhin ko ang kuwintas kung magiging kapalit naman po ang kaluluwa ko."Tumingin si Minggay sa rebulto ni Saint Serberus. "Hindi mo 'ko mabibili."Napabuntong-hininga si Nana Conrada. "Pero ineng, hindi mo naintindihan. Wala kang pagpipilian dito. H
Isang magaspang at mamasa-masang bagay ang dumila sa buong katawan ni Minggay mula sa kanyang ulo pababa sa kanyang mga paa. Hinihimod-himod na pala siya ng demonyong may tatlong ulo ng aso. Hindi siya makakilos dahil sa lapot at lagkit ng laway nito na ipinaligo sa kanya. "Huwag!"Isang panaginip.Napabangon siya nang 'di oras. Una niyang nakita si Nana Conrada na nakaupo malapit sa may pinto. Hinahalo-halo nito ang isang mangkok ng mainit na sopas."Mukhang gising ka na nga," bati ng matanda sa kanya. "Nagluto ako ng sopas para magkalaman naman 'yang tiyan mo. Halos buong araw ka na kasing tulog."Nasa loob sila ng kanyang silid. Sa labas ng bintana, kulay kahel na ang langit at kaunting minuto pa tuluyan na itong kakainin ng dilim."Si Serberus..." Nagsipagtayuan ang mga balahibo ni Minggay sa braso at batok pagkabanggit niya sa pangalan na iyon. Napangiwi siya nang isandal ang likod sa headboard ng higaan."Siya ba? Nasa taas. Sa ipinagbabawal na silid." Inilagay ni Nana Connrada
"Huwag kang susuko, Minggay!""Kaya mo 'yan!""Bumangon ka na, please.""Huwag mo kaming susundan. Malungkot dito.""Huwag mong hayaang magwagi ang kasamaan.""Hindi ka nag-iisa. Nandito lang kami kasama mo."Boses iyon nila Mary Beth at ni Lila kasama ng mga mukha ng ilan pang mga bata na hindi niya kilala."Huwag kang magpatalo.""Lumaban ka, Minggay!"Mga mukha na marahil nakatira rin dati sa Casa Del Los Benditos bago pa sila dumating doon.Tama sila. Sa kabila ng mga pighati at paghihirap, mas masarap pa rin ang mabuhay. Gusto niya pang tulungan ang mga kapatid niyang marating ang mga pangarap nila. Gusto niya pang makita si Caloy na makapag-tapos ng pag-aaral. Gusto niya pang maipagpatayo sila ng disenteng tirahan. Gusto niya pa ring marinig na umawit ang mga nakadapong ibon sa mga sanga ni Tangkad. Ang totoo, ayaw niya pang mawala.Iminulat ni Minggay ang mga mata at una niyang nakita ang kutsilyong nakapatong sa mangkok malapit sa kanya. Dinakma niya agad iyon habang abala pa
Napakapit na parang talaba si Minggay sa binti ni Father Eman. Umiikot pa rin ang paligid niya, pero hindi na 'to kasing lala gaya kanina. Hindi na lumilihis ang paningin niya. 'Yun nga lang, katawan niya ang may problema. Lalong-lalo na ang balikat. Napalakas talaga yata ang hampas niya sa dingding. Sa palagay nga ni Minggay may nabali na siyang buto sa likod. Kaya kahit gustuhin man niyang manlaban, wala na halos siyang lakas na natitira."Father, 'wag po. Huwag po parang awa niyo na po," Nalunod na ng luha ang mukha ni Minggay. Hindi siya makatingin sa napakalaking impaktong nasa harapan nila. Sa sobrang laki, sinakop na nito ang kalahati ng silid. "Gusto ko pa pong mabuhay. Please po, Father. Wala po akong pagsasabihan nito. Gusto ko pa po makasama mga kapatid ko.""Anong sabi mo? May mga kapatid ka? Akala ko ulila ka na. Ang sabi kasi sa akin ni Father Tonyo mag-isa ka na lang daw sa buhay. So, nagsinungaling ka na naman sa amin, Minggay?" Kinakalas ni Father Eman ang mga braso n
Nakita ni Minggay si Father Eman na nakaupo sa gilid ng kama. Sa kamay niya ang kuwintas na may pendant na susi na ngayon ay inangkin na niya. Ninanamnam ni Father Eman ang ganda nito na para bang unang beses pa lang niya iyon namasdan.Sinuot ng pari ang kuwintas. "Ayan. Mas maganda pala 'pag ako ang may suot sa'yo." Tumayo ito at humarap sa salamin. Kaliwa't kanan siyang nagpabaling-baling para sipatin nang maigi kung bagay ba sa kanya ang kuwintas kung titingnan sa iba't-ibang anggulo. Kasama ni Minggay sa sahig si Father Tonyo. Ang nakabukas nitong mga mata ay direktang nakatingin sa kanya. Nalaman ni Minggay na patay na nga talaga ang pari noong hindi ito kumurap ni minsan sa kanya. Pansamantalang nilunok muna ni Minggay ang nagbabantang sigaw sa kanyang lalamunan. Saka na. Mas gusto na lang muna niyang humiga dahil medyo nahihilo at sumasakit pa ang kanyang balikat."Anong masasabi mo Father Tonyo? Ako na ngayon ang may hawak ng susi. Ako na ngayon ang bantay. Tapos na ang pagh
Inaamoy-amoy ni Father Tonyo ang panty ni Minggay habang pinaliligaya niya ang sarili sa kubeta. Para sa kanya wala ng mas babango pa sa halimuyak ng isang birheng dalaga. Mas lalo siyang ginaganahan. Ang libido niya sa katawan ay umaapaw. Ang totoo, si Mary Beth talaga ang gusto ni Father Tonyo, pero noong hingin na ito sa kanya ni Serberus, wala na siyang nagawa kundi ang ialay ang bata rito.Pero mabait talaga siguro ang santo sa kanya. Siniguro muna nitong may ipapalit siya kay Mary Beth bago niya inumin ang dugo nito. At ang pagnanasang iyon ni Father Tonyo ay nalipat kay Minggay pero mas malalim. Hindi lang basta tawag ng laman ang nararamdaman niya para sa dalaga. May kasama itong damdamin. Hindi nga lang siya isang daang porsyentong sigurado kung pagmamahal na ba ang matatawag niya roon. Basta ang alam niya, gusto niyang nakikita si Minggay palagi. Hindi niya pinalilipas ang isang buong araw na hindi niya ito nakakausap. Masaya na siya kahit sa isang simpleng kumustahan lang.
"Father, anong nangyari du'n sa pulis? Ba't siya nagka-gano'n?" Usisa ni Nana Conrada. Lumipat na sila sa kuwarto ni Tonyo. Pinupunasan ng matanda ang basang sahig nang matapunan niya ito ng tubig kanina dahil sa pagmamadali."Una, hindi talaga nila mabubuksan ang pinto dahil naka-lock 'yun. See?" Inilabas ng pari ang kuwintas na may susi na pendant. Kuminang ito pagtama ng liwanag mula sa fluorescent dito. "Secondly, walang sinuman ang puwedeng magbukas ng pinto kundi ang bantay - at ako 'yun. Ang sinumang mangahas na humawak sa lagusan na 'yon, siguradong mapapahamak. Ganito kasi: ipapaala ng pinto ang lahat ng madidilim at masasakit na sikretong itinatago sa puso nu'ng taong humawak hanggang sa puntong mako-control na nito ang pag-iisip at emosyon niya. Puwede ring silang mabaliw, parang ganu'n. 'Yun ang sabi sa akin dati ni Father Greg. Hindi ako naniwala sa kanya dati until nakita ko mismo kanina ang nangyari du'n sa babaeng pulis."May dalawang putok silang narinig galing sa la