Billionaire's Toy

Billionaire's Toy

last updateLast Updated : 2022-01-26
By:   Angela Lee  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
5Chapters
1.5Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Scan code to read on App

Synopsis

Hambog, babaero at manggagamit; ganiyan ilarawan ng mga kakilala ang dalawampu't walong taong gulang na si Raymund Capri. Tila part-time job na nga nito kung ituring ang panghuhuthot ng pera sa mga babaeng kaniyang napapa-ibig. Palibhasa'y likas ang angking kagwapuhan, matangkad at matikas ang katawan kaya't ganoon na lamang kadali sa kaniya ang gawin ito. Katunayan, maging si Vivien Guinto ay napa-ibig niya nang kamo'y una siya nitong makita. Higit pa nga sa nanalo sa lotto ang kagalakang kaniyang naramdaman nang kaagad siya nitong alukan ng kasal. Ito lang naman kasi ang CEO ng Guinto Company na isang kilalang brand ng gintong alahas. Ito na nga kaya ang simula ng kaniyang pag-ahon sa kahirapan?

View More

Latest chapter

Free Preview

Kabanata I

"IYONG NAKAITIM, SIYA ba?" tanong ng sekretaryang lulan ng isang magarang puting sasakyan.Tanging pagtango lang ang tinugon ni Vivien; ang CEO at tagapagmana ng Guinto Company na isang kilalang luxury brand ng alahas sa bansa.Mula sa sasakyan ay lumabas ang sekretaryang si Cookie at tinawid ang maliit na karinderyang napupuno ng mga naka-unipormeng trabahante na abalang kumakain. Mula roon ay nilapitan niya ang lalaking pakay. "Hi, ikaw si Raymund Capri. Hindi ba?" pambungad nito.Napaangat ng ulo ang lalaki upang tingnan ang taong nakagambala sa masarap niyang kain. Halos mabilaukan pa ito nang makita ang magandang sekretarya. Bahagya itong nahiya sa kaniyang itsura na halos mahayok sa pagkain dala ng gutom. Dali-dali nitong inabot ang isang basong tubig at nainom. Nang maklaro ang lalamunan ay muli nitong hinarap ang babae upang sagutin. "Oo, ako nga, Miss," nangingiting wika nito habang pumupunas sa bibig. "Bakit? Anong kailangan mo?""May gust...

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
5 Chapters
Kabanata I
"IYONG NAKAITIM, SIYA ba?" tanong ng sekretaryang lulan ng isang magarang puting sasakyan. Tanging pagtango lang ang tinugon ni Vivien; ang CEO at tagapagmana ng Guinto Company na isang kilalang luxury brand ng alahas sa bansa.Mula sa sasakyan ay lumabas ang sekretaryang si Cookie at tinawid ang maliit na karinderyang napupuno ng mga naka-unipormeng trabahante na abalang kumakain. Mula roon ay nilapitan niya ang lalaking pakay. "Hi, ikaw si Raymund Capri. Hindi ba?" pambungad nito.Napaangat ng ulo ang lalaki upang tingnan ang taong nakagambala sa masarap niyang kain. Halos mabilaukan pa ito nang makita ang magandang sekretarya. Bahagya itong nahiya sa kaniyang itsura na halos mahayok sa pagkain dala ng gutom. Dali-dali nitong inabot ang isang basong tubig at nainom. Nang maklaro ang lalamunan ay muli nitong hinarap ang babae upang sagutin. "Oo, ako nga, Miss," nangingiting wika nito habang pumupunas sa bibig. "Bakit? Anong kailangan mo?""May gust
last updateLast Updated : 2022-01-26
Read more
Kabanata II
NANG TULUYANG MAKABABA ng taxi ay itinaas ni Raymund sa kaniyang ulo ang aviator na suot upang makita nang mas maayos ang matayog na gusaling nasa kaniyang harapan.Namangha siya sa ganda ng istraktura ng Guinto Company. Pinagmasdan niya ito at napaismid.Muli niyang ibinaba ang aviator sa kaniyang mga mata bago sinimulang lumakad patungo sa entrada nito."Ako si Raymund Capri at gusto akong makausap ng boss niyo," kumpiyansa niyang bungad sa guwardiya na nakabantay sa labas.Sandaling natitig sa kaniya ang guwardiya. "Makikialis na lang ho muna ng salamin niyo sa mata," utos nito.Napangiti nang mapakla ang binata bago itinaas ang suot na aviator. "Okay na? Puwede na ba akong pumasok?" mayabang niyang tanong."Sandali lang ho," tugon naman ng lalaki at saglit siyang tinalikuran upang kausapin ang receptionist. Pinindot nito ang intercom. "May naghihintay dito sa labas. Gusto raw siyang makausap ni Boss," dagling bungad nito sa kabilang liny
last updateLast Updated : 2022-01-26
Read more
Kabanata III
"HINDI NA AKO papasok kaya't humanap na kayo ng ipapalit sa akin. Hindi ko na kailangan ng trabaho, trabahante na ngayon ang kailangan ko para sa sarili kong kumpanya. At kahit ngayon mismo, eh, kaya kitang bilihin sa kahit na magkanong halaga!" malakas at mayabang na tugon ni Raymund sa kaniyang boss na nasa kabilang linya. Matapos itong sabihin ay kaagad niyang ibinaba ang tawag at muling hinarap ang mga kainuman.Isang malakas na tawanan ang pinakawalan ng mga lalake sa kaniyang harapan. Nabigla silang lahat sa nasabi ng binata."Grabe ka, 'Mund! Kumpyansa ka na talagang makakasal sa isang bilyonarya, ah!" mapang-asar na wika ng isang kainuman."Naman!" mariing tugon ni Raymund. "Nakita niyo sana kung paano niya ako titigan! Patay na patay sa akin ang babaeng iyon. At kahit hibla ng buhok ko, handa niyang bil'hin, mapasakaniya lang kahit konti sa akin," mayabang pa nitong dagdag."Easy lang, pare. Huwag ka munang magbilang ng sisiw hangga't hindi pa na
last updateLast Updated : 2022-01-26
Read more
Kabanata IV
HINDI MAKAPANIWALA SI Raymund sa buhay na ngayo'y kaniyang tinatamasa. Maging ang pagpikit ay kaniya nang pinangangambahan dahil mistula itong isang panaginip na bigla na lamang maglalaho oras na magising siya.Heto't lulan siya ngayon ng pribadong eroplano kasama ang CEO ng Guinto Company na ngayon ay kaniya nang asawa. Patungo sila sa London upang ipagdiwang ang kanilang honeymoon.Kasalukuyan silang nasa loob ng isang private lounge at nakaupo sa isang mahabang couch nang bumungad mula sa pintuan ang isang magandang flight attendant. "Mr. and Mrs. Guinto, would you like to have lunch?" nakangiting tanong nito sa mag-asawa.'Ahhh! Napakasarap mabuhay!' lubos na kagalakang nasabi ni Raymund sa kaniyang isipan bago humigop sa champagne glass. Maraha nitong hinimas ang braso ni Vivien na nakayakap sa kaniya."Let's go?" tanong ni Vivien kay Raymund na sinagot naman nito ng tango."Please follow me to the dinning room," magalang na wika ng flight att
last updateLast Updated : 2022-01-26
Read more
Kabanata V
"GOOD AFTERNOON, SIR. Good afternoon Ma'am. My name is Lucas, and I'll be your porter. I'll be looking after you for the duration of your stay," magalang na bati ng unipormadong banyaga sa mag-asawang Guinto. May hawak itong isang kahon. "This is a little gift from the hotel, and here's a message card," anito habang inilalapag sa mesa ang hawak. Samantala, iniabot niya ang card kay Vivien na kaagad naman nitong tinanggap."Wow naman!" Mula sa pagkakahilata sa malambot at mahabang upuan ay bumangon si Raymund upang tingnan ang kamo'y regalong iniabot sa kanila. "Yown!" Masiglang nitong sambit nang tuluyang mabuksan ang kahon na naglalaman ng mga mamahaling tsokolate at dalawang bote ng wine. Kaagad nitong binuksan ang isang kahon ng tsokolate at sinimulang kainin. "Ayos 'yang relos mo brad, ah. Ang gara!" puno ang bibig na wika nito nang mapatingin sa kumikinang na wrist watch ng porter.Walang naging tugon ang porter dahil wala rin naman itong naintindihan sa kaniyang
last updateLast Updated : 2022-01-26
Read more
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status