NANG TULUYANG MAKABABA ng taxi ay itinaas ni Raymund sa kaniyang ulo ang aviator na suot upang makita nang mas maayos ang matayog na gusaling nasa kaniyang harapan.
Namangha siya sa ganda ng istraktura ng Guinto Company. Pinagmasdan niya ito at napaismid.
Muli niyang ibinaba ang aviator sa kaniyang mga mata bago sinimulang lumakad patungo sa entrada nito.
"Ako si Raymund Capri at gusto akong makausap ng boss niyo," kumpiyansa niyang bungad sa guwardiya na nakabantay sa labas.
Sandaling natitig sa kaniya ang guwardiya. "Makikialis na lang ho muna ng salamin niyo sa mata," utos nito.
Napangiti nang mapakla ang binata bago itinaas ang suot na aviator. "Okay na? Puwede na ba akong pumasok?" mayabang niyang tanong.
"Sandali lang ho," tugon naman ng lalaki at saglit siyang tinalikuran upang kausapin ang receptionist. Pinindot nito ang intercom. "May naghihintay dito sa labas. Gusto raw siyang makausap ni Boss," dagling bungad nito sa kabilang linya.
"Mayro'n ngang naka-appoint na meeting si Boss ngayon sa isang Raymund Capri," tugon naman ng babae mula kabilang linya.
"Oh, sige, salamat." Muli nitong hinarap ang binata. "Patingin na lang ho ng ID niyo."
Napaismid si Raymund. Dali-dali nitong dinukot ang kaniyang wallet mula sa bulsa ng pantalon at mula roon ay kinuha ang kaniyang identification card, saka ito iniabot.
Agad naman itong tinanggap ng lalaki at saglit na tiningnan. Matapos ay iniabot ito pabalik sa binata at sandali siyang kinapkapan bago tuluyang pinapasok.
-
"HI, MISS. AKO si Raymund Capri. Ang taong gustong makausap ng CEO ng kumpanyang ito," mayabang na bungad ni Raymund sa babaeng nasa reception desk. Pagkatapos ay malagkit pa itong tiningnan.
"Makiki-fill-up na lang po sa log list, at paiwan ng isang ID," nangingiting tugon ng babae na kaagad ding iniwas ang tingin sa kaniya.
Nang matapos gawin ang ipinaguutos ng receptionist ay kaagad siya nitong pinapanhik sa taas. Sinabi rin ng babae sa kaniya ang tamang palapag na pupuntahan at inabisuhang maghintay na lamang sa receiving area roon.
Kaagad na tinungo ni Raymund ang elevator. Pilitin man niyang huwag ipahalata ang pagkamangha sa paligid ay hindi niya maiwasan dahil noon lamang siya nakapasok sa ganoon kagarang establisimyento. Bahagya pa itong nakaramdam ng panliliit sa sarili dahil pormal na pormal ang kasuotan ng mga kasabayan niyang pumasok ng elevator.
Muling ibinaba ni Raymund ang aviator sa kaniyang mga mata nang makalabas ito ng elevator.
Kumpiyansa niyang tinungo ang receiving area at doon ay naupo. Ipinatong niya ang kanang binti sa ibabaw ng kaliwang tuhod. Matapos ay isinandal naman ang likod sa upuan at inilagay ang kamay sa ibabaw ng backrest.
Maya-maya lang ay lumabas ang sekretaryang si Cookie mula sa pintuang nakaharap sa kaniyang kinauupuan kaya't kaagad niya itong nakita.
Muli niyang itinaas ang aviator sa ulo bago natayo sa pagkakaupo. "Hey! It's you again," magiliw nitong bati sa sekretarya at iniabot ang kaniyang kamay upang makipag-kamay, ngunit hindi ito pinaunlakan ng dalaga.
"Sumunod ka," utos ni Cookie sa binata at bahagya itong pinangikutan ng mata bago lumakad palayo. Pumasok sila sa pintuang kaniyang pinanggalingan.
Namayani ang pananabik sa dibdib ni Raymund nang mapasok ang silid. Muli itong namangha nang makita ang napakalawak nitong kalooban.
Bumungad sa kaniyang harapan ang dalawang hagdan na kunketado ng mahabang balustarde, sanhi upang maaninag ang kaloob-looban ng ikalawang palapag. Mistula itong isang magarang bahay.
Sinundan niya ang sekretarya hanggang sa pagakyat nito sa hagdan.
Nang malapit na nilang maakyat ang pangalawang palapag ay kaagad niyang natanaw ang isang babaeng nauupo katapat ng isang antigong coffee table. May kalayuan ito mula sa hagdan at nakaharap sa ibang direksyon kung kaya't hindi niya ito makita nang maayos.
Nang tuluyan silang makaakyat ay muli siyang hinarap ng sekretarya at sinenyasan na manatili lang muna sa isang tabi. Matapos ay dumiretso ito sa babaeng nakaupo, na kung hindi siya nagkakamali ay ang CEO ng Guinto Company.
Nanatili si Raymund sa kinatatayuan habang pinagmamasdan ang sekretaryang makalapit sa babae. Mula sa malayo ay pinanood niya ang dalawang mag-usap. Maya-maya lang ay tunalikuran ng sekretarya ang babae at lumakad palapit sa kaniya. Nahinto ito sa kaniyang harapan at sumenyas naman na lapitan ang babaeng nakaupo. Agad naman itong sinunod ng binata, ngunit bago lumakad ay siniguro muna niyang maayos ang kaniyang itsura. Iklinaro rin niya ang lalamunan upang makasigurong maayos ang tinig na lalabas sa kanilang unang paguusap.
Mula sa kinalalagyan ay sinumulan nitong lumakad papalapit sa babae.
"Hi, ikaw ba ang CEO ng kumpanyang ito?" pambungad na tanong ni Raymund kahit na kaagad niya itong namukhaan base sa larawan ng babae sa internet. "Ako si Raymund Capri." Kaagad siyang nagpakilala.
Iniangat ng babae ang ulo upang tingnan ang matangkad na lalaking nasa kaniyang harapan. Sandali niyang pinagmasdan ang binata. Hindi niya inasahan na mas gwapo ito sa personal. Tugma sa larawan ay moreno ang balat nito at matikas ang katawan.
Mula sa wine glass na hawak ay marahan siyang humigop ng pulang alak bago sinagot ang binata. "Ako nga," maikli niyang tugon. "Maupo ka, Raymund," seryoso nitong anyaya na agad din namang napalitan ng ngiti na ani mo'y nangaakit.
"Vivien Guinto, hindi ba?" tanong ni Raymund habang nauupo sa harapan ng babae. "Mas maganda ka sa personal," dagdag pa niya nang tuluyang makaupo, at pagkatapos ay malagkit niya itong tinitigan.
Mapanlimbang na natawa ang babae. "Totoo nga talaga ang tsismis."
"Tsismis?"
"Na madali mong mapa-ibig ang isang babae sa unang pagkikita pa lang."
Napaismid si Raymund sa naging tugon ng CEO. Tama nga ang kaniyang hinala; kursunada siya nito. Ngunit paano nga ba siya nito nakilala? Ito ang kaniyang sumunod na naging katanungan.
"Siya nga pala, paano mo ako nakilala? At bakit mo ako gustong makausap?" magkakasunod nitong tanong habang ipinapatong ang kanang binti sa kaliwang tuhod. Ipinatong nito ang siko sa armrest ng antigong upuan at inilagay ang kamay sa kaniyang baba habang hinihintay na sumagot ang babae.
Napaismid si Vivien sa naging katanungan ng binata. Muli ay marahan siyang himigot ng pulang alak bago ito sinagot. "It was love at first sight. Hindi na mahalaga kung saan o paano. Basta't gusto kita, gustong gusto," direktang sagot nito sa unang katanungan. Mababakas sa kaniyang mga mata ang matinding pagnanais. "And whatever Vivien wants, Vivien gets. Ako lang naman kasi ang nag-iisang heredera ng Guinto Company. I have billions. Kaya kong bil'hin lahat ng kayang makuha ng pera." Muli itong humigop ng pulang alak habang nakatitig sa binatang namangha sa mga nasabi niya. "Pinapunta kita rito para alukin ng isang bagay na sigurado akong hindi mo tatanggihan," tugon naman niya sa pangalawang katanungan.
Kaagad na inalis ni Raymund sa kaniyang mukha ang pagkamangha. Ayaw niyang ipahalata ang pagkasabik sa alok nitong nakasisiguro siyang may kalakip na napakalaking salapi.
"A-anong alok?"
Sandaling napako ang tingin ni Vivien sa binata bago ito sinagot. Kahit walang ipinapakitang ekspresyon ang kaniyang mukha ay mababakas naman sa mga mata nito ang hindi mawaring emosyon.
"Marry me and be a co-owner of this company."
"HINDI NA AKO papasok kaya't humanap na kayo ng ipapalit sa akin. Hindi ko na kailangan ng trabaho, trabahante na ngayon ang kailangan ko para sa sarili kong kumpanya. At kahit ngayon mismo, eh, kaya kitang bilihin sa kahit na magkanong halaga!" malakas at mayabang na tugon ni Raymund sa kaniyang boss na nasa kabilang linya. Matapos itong sabihin ay kaagad niyang ibinaba ang tawag at muling hinarap ang mga kainuman.Isang malakas na tawanan ang pinakawalan ng mga lalake sa kaniyang harapan. Nabigla silang lahat sa nasabi ng binata."Grabe ka, 'Mund! Kumpyansa ka na talagang makakasal sa isang bilyonarya, ah!" mapang-asar na wika ng isang kainuman."Naman!" mariing tugon ni Raymund. "Nakita niyo sana kung paano niya ako titigan! Patay na patay sa akin ang babaeng iyon. At kahit hibla ng buhok ko, handa niyang bil'hin, mapasakaniya lang kahit konti sa akin," mayabang pa nitong dagdag."Easy lang, pare. Huwag ka munang magbilang ng sisiw hangga't hindi pa na
HINDI MAKAPANIWALA SI Raymund sa buhay na ngayo'y kaniyang tinatamasa. Maging ang pagpikit ay kaniya nang pinangangambahan dahil mistula itong isang panaginip na bigla na lamang maglalaho oras na magising siya.Heto't lulan siya ngayon ng pribadong eroplano kasama ang CEO ng Guinto Company na ngayon ay kaniya nang asawa. Patungo sila sa London upang ipagdiwang ang kanilang honeymoon.Kasalukuyan silang nasa loob ng isang private lounge at nakaupo sa isang mahabang couch nang bumungad mula sa pintuan ang isang magandang flight attendant. "Mr. and Mrs. Guinto, would you like to have lunch?" nakangiting tanong nito sa mag-asawa.'Ahhh! Napakasarap mabuhay!' lubos na kagalakang nasabi ni Raymund sa kaniyang isipan bago humigop sa champagne glass. Maraha nitong hinimas ang braso ni Vivien na nakayakap sa kaniya."Let's go?" tanong ni Vivien kay Raymund na sinagot naman nito ng tango."Please follow me to the dinning room," magalang na wika ng flight att
"GOOD AFTERNOON, SIR. Good afternoon Ma'am. My name is Lucas, and I'll be your porter. I'll be looking after you for the duration of your stay," magalang na bati ng unipormadong banyaga sa mag-asawang Guinto. May hawak itong isang kahon. "This is a little gift from the hotel, and here's a message card," anito habang inilalapag sa mesa ang hawak. Samantala, iniabot niya ang card kay Vivien na kaagad naman nitong tinanggap."Wow naman!" Mula sa pagkakahilata sa malambot at mahabang upuan ay bumangon si Raymund upang tingnan ang kamo'y regalong iniabot sa kanila. "Yown!" Masiglang nitong sambit nang tuluyang mabuksan ang kahon na naglalaman ng mga mamahaling tsokolate at dalawang bote ng wine. Kaagad nitong binuksan ang isang kahon ng tsokolate at sinimulang kainin. "Ayos 'yang relos mo brad, ah. Ang gara!" puno ang bibig na wika nito nang mapatingin sa kumikinang na wrist watch ng porter.Walang naging tugon ang porter dahil wala rin naman itong naintindihan sa kaniyang
"IYONG NAKAITIM, SIYA ba?" tanong ng sekretaryang lulan ng isang magarang puting sasakyan.Tanging pagtango lang ang tinugon ni Vivien; ang CEO at tagapagmana ng Guinto Company na isang kilalang luxury brand ng alahas sa bansa.Mula sa sasakyan ay lumabas ang sekretaryang si Cookie at tinawid ang maliit na karinderyang napupuno ng mga naka-unipormeng trabahante na abalang kumakain. Mula roon ay nilapitan niya ang lalaking pakay. "Hi, ikaw si Raymund Capri. Hindi ba?" pambungad nito.Napaangat ng ulo ang lalaki upang tingnan ang taong nakagambala sa masarap niyang kain. Halos mabilaukan pa ito nang makita ang magandang sekretarya. Bahagya itong nahiya sa kaniyang itsura na halos mahayok sa pagkain dala ng gutom. Dali-dali nitong inabot ang isang basong tubig at nainom. Nang maklaro ang lalamunan ay muli nitong hinarap ang babae upang sagutin. "Oo, ako nga, Miss," nangingiting wika nito habang pumupunas sa bibig. "Bakit? Anong kailangan mo?""May gust

NANG TULUYANG MAKABABA ng taxi ay itinaas ni Raymund sa kaniyang ulo ang aviator na suot upang makita nang mas maayos ang matayog na gusaling nasa kaniyang harapan.Namangha siya sa ganda ng istraktura ng Guinto Company. Pinagmasdan niya ito at napaismid.Muli niyang ibinaba ang aviator sa kaniyang mga mata bago sinimulang lumakad patungo sa entrada nito."Ako si Raymund Capri at gusto akong makausap ng boss niyo," kumpiyansa niyang bungad sa guwardiya na nakabantay sa labas.Sandaling natitig sa kaniya ang guwardiya. "Makikialis na lang ho muna ng salamin niyo sa mata," utos nito.Napangiti nang mapakla ang binata bago itinaas ang suot na aviator. "Okay na? Puwede na ba akong pumasok?" mayabang niyang tanong."Sandali lang ho," tugon naman ng lalaki at saglit siyang tinalikuran upang kausapin ang receptionist. Pinindot nito ang intercom. "May naghihintay dito sa labas. Gusto raw siyang makausap ni Boss," dagling bungad nito sa kabilang liny