"IYONG NAKAITIM, SIYA ba?" tanong ng sekretaryang lulan ng isang magarang puting sasakyan.
Tanging pagtango lang ang tinugon ni Vivien; ang CEO at tagapagmana ng Guinto Company na isang kilalang luxury brand ng alahas sa bansa.
Mula sa sasakyan ay lumabas ang sekretaryang si Cookie at tinawid ang maliit na karinderyang napupuno ng mga naka-unipormeng trabahante na abalang kumakain. Mula roon ay nilapitan niya ang lalaking pakay. "Hi, ikaw si Raymund Capri. Hindi ba?" pambungad nito.
Napaangat ng ulo ang lalaki upang tingnan ang taong nakagambala sa masarap niyang kain. Halos mabilaukan pa ito nang makita ang magandang sekretarya. Bahagya itong nahiya sa kaniyang itsura na halos mahayok sa pagkain dala ng gutom. Dali-dali nitong inabot ang isang basong tubig at nainom. Nang maklaro ang lalamunan ay muli nitong hinarap ang babae upang sagutin. "Oo, ako nga, Miss," nangingiting wika nito habang pumupunas sa bibig. "Bakit? Anong kailangan mo?"
"May gustong kumausap sa'yo," tugon naman ni Cookie at sabay na nilingon ang magarang sasakyan na kaniyang pinanggalingan.
Agad naman itong sinundan ng tingin ni Raymund at namangha nang makita ang magarang sasakyan na nakaparada sa tabi ng magulong kalsada. Muli niyang inilipat ang tingin sa babaeng kausap. "Sino?" naguguluhan niyang tanong.
"Ang CEO ng Guinto Company," sagot ni Cookie na walang ipinapakitang ekspresyon ang mukha.
"Ginto? Pasensya na, hindi ako pamilyar do'n." Higit na naguluhan si Raymund.
"Hindi na bale. May magandang kapalarang naghihintay sa iyo, 'yon ang mahalaga," muling tugon ni Cookie, ngunit sa pagkakataong ito ay mapang-asar siyang ngumiti.
"Ha? Teka lang, Miss. Nabibigla ako sa'yo, eh. Tungkol saan ba ito, at paano mo nasabi 'yan? Ilang buwan na akong hindi tumataya sa lotto, kaya malabo mangyari 'yang sinasabi mo," natatawang biro ng binata.
"Higit pa sa papremyo ng lotto ang matatamasa mo." Mula sa bulsa ng suot na blazer ay kinuha ni Cookie ang isang calling card at iniabot ito sa binata. "Heto, tawagan mo ang numerong 'yan para makapagpa-schedule ng appointment with the CEO."
Naguguluhan itong tinanggap ni Raymund. Saglit niyang nailipat ang tingin sa hawak na card at nakita ang pamilyar na logo ng kumpanya. Nang ibaling niyang muli ang paningin sa babae ay nakalakad na ito palayo.
Naiwan ang binata na may katanungan sa isipan. Patuloy niyang pinagmasdan ang babae hanggang sa makasakay ito ng sasakyan at tuluyang mawala sa kaniyang paningin.
-
ALAS-KUWARTO NG HAPON nang makauwi si Raymund sa kaniyang tinutuluyang apartment. Nagtatrabaho ang binata bilang isang salesman sa isang tindahan ng mga pabango na nakapuwesto sa kilalang mall.
Hinubad nito ang suot na itim na jacket at nahiga sa kama.
Mula sa bulsa ng kaniyang pantalon ay dinukot niya ang calling card na iniabot sa kaniya kanina ng magandang sekretarya.
Sandali siyang natitig sa logo ng kumpanya. Talaga nga namang kilalang brand ito na madalas niyang makita sa kung saan.
Gamit ang selula ay sinimulan niyang itipa sa search bar ng isang search engine ang pangalan ng kumpanya. Maya-maya pa ay tumambad ang mga itinitinda nitong gintong alahas na nagkakahalaga ng ilang libong piso.
"Wow!" Namangha si Raymund.
Kasunod nitong hinanap ang pagkakakilanlan ng CEO na kamo'y gusto siyang maka-usap. Agad namang lumabas ang pangalang Vivien Guinto kasabay ng mga larawan nito.
"Vivien Guinto?" bigkas ni Raymund sa pangalang ngayon lamang niya narinig. Matapos ay pinagmasdan naman niyang maigi ang larawan ng babae.
Hindi niya inaasahan na isa itong babae at mukhang hindi nalalayo ang edad sa kaniya. Maganda at sopistikada, ito ang una niyang impresyon dito. Kasunod niyang napansin ang pagkahilig nito sa matingkad na pulang lipstick dahil ganoon ang suot nito sa lahat ng litrato. Hindi rin ito mahilig ngumiti ayon din sa iba't ibang larawan kung saan wala itong ipinapakitang ekspresyon.
Ngunit tulad ng pangalan nitong noon lang niya narinig, ay noon lang din niya ito nakita. Napaisip tuloy ang binata, ano nga ba ang maaaring dahilan upang naisin nitong makausap siya? Napaismid na lamang siya habang iniisip ang magandang kapalarang kamo'y naghihintay sa kaniya.
Muli niyang hinarap ang kaniyang selula at nagtungo sa dialer nito, dito ay sinulan niyang i-dial ang mga numero sa calling card na hawak. Matapos ay kaagad niyang pinindot ang call button. Maya-maya pa ay narinig na niya ang magkakasunod na ring mula rito, badya na tuluyan nang nakapasok ang tawag.
Hindi pa man nagtatagal ay nasagot na ang kaniyang tawag.
"Thank you for calling Guinto Company, how can I help you?" ani ng babae sa kabilang linya.
"Hello? Si Raymund ito, iyong kausap mo kanina," nangingiting tugon ng binata.
"I'm sorry, I think you got the wrong number, Sir. You reached Guinto Company. Kindly check the numbers before calling."
"H-hindi! Ah, ibig kong sabihin..." saglit itong natigil upang mag-isip ng magandang isasagot bago nagpatuloy. "May lumapit sa akin kanina at pinatawagan itong numero niyo para magpa-schedule ng appointment. Gusto raw akong makausap ng CEO niyo."
"Oh, siya nga! Hinihintay nga po namin ang tawag niyo. Kayo si Raymund Capri, hindi ba?" Mababakas sa tono ng boses ng babae na nasiyahan siya. Ani mo'y nasabik ito nang marinig ang sinabi ng binata.
Dito ay higit na nakumpirma ni Raymund na talaga ngang gusto siyang makausap ng CEO ng isang kilalang kumpanya. At dahil diyan ay mayabang siyang napangiti.
"Oo, ako nga. Ikaw ba iyong kausap ko kanina?"
"Naku, hindi po. Pero nasabihan na kami tungkol sa iyo. Kailan ka puwede makausap ng CEO? Para makapag-set tayo ng schedule sa lalong madaling panahon."
"Puwede ako bukas, kahit anong oras."
"That's great! Maari ko po bang makuha ang cellphone number mo para i-text ang address?"
"Itong numero na ginamit ko para tawagan kayo, dito niyo na lang i-text."
"I'll take note of that. Isasabay ko na rin sa text ang oras ng appointment."
"Oh, sige. Hihintayin ko 'yan." Kaagad na ibinaba ni Raymund ang tawag matapos itong sabihin.
Bahagya niyang ibinato ang selula sa malambot na higaan at masayang humilata. "Wohooo!" napasigaw pa ito dahil sa labis na kagalakan. Kagalakan sa kapalarang naghihintay para sa kaniya. Ito na nga kaya ang simula ng kaniyang pag-ahon sa kahirapan?
NANG TULUYANG MAKABABA ng taxi ay itinaas ni Raymund sa kaniyang ulo ang aviator na suot upang makita nang mas maayos ang matayog na gusaling nasa kaniyang harapan.Namangha siya sa ganda ng istraktura ng Guinto Company. Pinagmasdan niya ito at napaismid.Muli niyang ibinaba ang aviator sa kaniyang mga mata bago sinimulang lumakad patungo sa entrada nito."Ako si Raymund Capri at gusto akong makausap ng boss niyo," kumpiyansa niyang bungad sa guwardiya na nakabantay sa labas.Sandaling natitig sa kaniya ang guwardiya. "Makikialis na lang ho muna ng salamin niyo sa mata," utos nito.Napangiti nang mapakla ang binata bago itinaas ang suot na aviator. "Okay na? Puwede na ba akong pumasok?" mayabang niyang tanong."Sandali lang ho," tugon naman ng lalaki at saglit siyang tinalikuran upang kausapin ang receptionist. Pinindot nito ang intercom. "May naghihintay dito sa labas. Gusto raw siyang makausap ni Boss," dagling bungad nito sa kabilang liny
"HINDI NA AKO papasok kaya't humanap na kayo ng ipapalit sa akin. Hindi ko na kailangan ng trabaho, trabahante na ngayon ang kailangan ko para sa sarili kong kumpanya. At kahit ngayon mismo, eh, kaya kitang bilihin sa kahit na magkanong halaga!" malakas at mayabang na tugon ni Raymund sa kaniyang boss na nasa kabilang linya. Matapos itong sabihin ay kaagad niyang ibinaba ang tawag at muling hinarap ang mga kainuman.Isang malakas na tawanan ang pinakawalan ng mga lalake sa kaniyang harapan. Nabigla silang lahat sa nasabi ng binata."Grabe ka, 'Mund! Kumpyansa ka na talagang makakasal sa isang bilyonarya, ah!" mapang-asar na wika ng isang kainuman."Naman!" mariing tugon ni Raymund. "Nakita niyo sana kung paano niya ako titigan! Patay na patay sa akin ang babaeng iyon. At kahit hibla ng buhok ko, handa niyang bil'hin, mapasakaniya lang kahit konti sa akin," mayabang pa nitong dagdag."Easy lang, pare. Huwag ka munang magbilang ng sisiw hangga't hindi pa na
HINDI MAKAPANIWALA SI Raymund sa buhay na ngayo'y kaniyang tinatamasa. Maging ang pagpikit ay kaniya nang pinangangambahan dahil mistula itong isang panaginip na bigla na lamang maglalaho oras na magising siya.Heto't lulan siya ngayon ng pribadong eroplano kasama ang CEO ng Guinto Company na ngayon ay kaniya nang asawa. Patungo sila sa London upang ipagdiwang ang kanilang honeymoon.Kasalukuyan silang nasa loob ng isang private lounge at nakaupo sa isang mahabang couch nang bumungad mula sa pintuan ang isang magandang flight attendant. "Mr. and Mrs. Guinto, would you like to have lunch?" nakangiting tanong nito sa mag-asawa.'Ahhh! Napakasarap mabuhay!' lubos na kagalakang nasabi ni Raymund sa kaniyang isipan bago humigop sa champagne glass. Maraha nitong hinimas ang braso ni Vivien na nakayakap sa kaniya."Let's go?" tanong ni Vivien kay Raymund na sinagot naman nito ng tango."Please follow me to the dinning room," magalang na wika ng flight att
"GOOD AFTERNOON, SIR. Good afternoon Ma'am. My name is Lucas, and I'll be your porter. I'll be looking after you for the duration of your stay," magalang na bati ng unipormadong banyaga sa mag-asawang Guinto. May hawak itong isang kahon. "This is a little gift from the hotel, and here's a message card," anito habang inilalapag sa mesa ang hawak. Samantala, iniabot niya ang card kay Vivien na kaagad naman nitong tinanggap."Wow naman!" Mula sa pagkakahilata sa malambot at mahabang upuan ay bumangon si Raymund upang tingnan ang kamo'y regalong iniabot sa kanila. "Yown!" Masiglang nitong sambit nang tuluyang mabuksan ang kahon na naglalaman ng mga mamahaling tsokolate at dalawang bote ng wine. Kaagad nitong binuksan ang isang kahon ng tsokolate at sinimulang kainin. "Ayos 'yang relos mo brad, ah. Ang gara!" puno ang bibig na wika nito nang mapatingin sa kumikinang na wrist watch ng porter.Walang naging tugon ang porter dahil wala rin naman itong naintindihan sa kaniyang