HINDI MAKAPANIWALA SI Raymund sa buhay na ngayo'y kaniyang tinatamasa. Maging ang pagpikit ay kaniya nang pinangangambahan dahil mistula itong isang panaginip na bigla na lamang maglalaho oras na magising siya.
Heto't lulan siya ngayon ng pribadong eroplano kasama ang CEO ng Guinto Company na ngayon ay kaniya nang asawa. Patungo sila sa London upang ipagdiwang ang kanilang honeymoon.
Kasalukuyan silang nasa loob ng isang private lounge at nakaupo sa isang mahabang couch nang bumungad mula sa pintuan ang isang magandang flight attendant. "Mr. and Mrs. Guinto, would you like to have lunch?" nakangiting tanong nito sa mag-asawa.
'Ahhh! Napakasarap mabuhay!' lubos na kagalakang nasabi ni Raymund sa kaniyang isipan bago humigop sa champagne glass. Maraha nitong hinimas ang braso ni Vivien na nakayakap sa kaniya.
"Let's go?" tanong ni Vivien kay Raymund na sinagot naman nito ng tango.
"Please follow me to the dinning room," magalang na wika ng flight attendant. Mula sa pagkakaupo ay natayo ang mag-asawa upang sundan ito.
Samantala, namangha si Raymund nang pasukin nila ang dinning area dahil mistula itong isang mamahaling restaurant.
Nang kapwa sila makaupo ay iniabot sa kanila ng flight attendant ang tig-isang menu plaque. "Here is the wine menu with all the wines we have selected for you."
"Don Preginon, please." Kaagad na nakapili si Vivien ilang segundo pa lamang nang makita ang listahan.
"Sure!" masiglang tugon ng flight attendant, at pagkatapos ay humarap ito kay Raymund. "How about you, Sir?"
Sandaling napako ang tingin ni Raymund sa hawak na menu plaque. Wala itong maintindihan sa mga nakasulat, at kahit ang bigkasin ang mga ito ay hindi rin niya alam kung paano. "Ah, eh, wala ba kayong Emperador?" tugon nito sa babae.
Natawa si Vivien ngunit kaagad din niyang pinigil. "Honey, we're on a luxury jet. Huwag kang mag-hanap ng mga bagay na nabibili lang ng ordinaryong mamamayan. You're now married to a billionaire, please keep that on mind. Kalimutan mo na ang nakasanayan," malambing na wika nito sa asawa.
Napangisi na lamang si Raymund sa kahihiyan. Mabuti na lang at banyaga ang flight attendant na sumisilbi sa kanila kaya't tiyak niya na wala itong naintindihan. "Sige, bahala na. Kung ano na lang din ang sa misis ko," anito sa babae. Nawala na rin sa isip niya na hindi ito makaiintindi ng Tagalog.
"He'll have the same," nakangiting baling ni Vivien sa attendant.
"Please wait for a moment," magalang namang tugon ng babae bago ito lumakad palayo.
Samantala, muling ibinaling ni Vivien ang atensyon sa asawa. "Are you enjoying your journey so far?" mapanlimbang nitong tanong.
"Mas mag-e-enjoy ako kapag na-romansa na kita," walang pakundangang tugon ng pilyong lalaki.
Kaagad na nawala ang ngiti sa mukha ni Vivien, napalitan ito ng seryosong ekspresyon. "Puwede ba, ayusin mo ang mga sagutan mo. Simula nang makasal tayo ay mga desenteng tao na ang nakakaharap at makakaharap mo, kaya umakto ka at sumagot na parang may pinag-aralan kahit na wala," mataray nitong wika. Samantala, nang mapansin niyang natigilan ang lalaki sa kaniyang naging asta ay marahan niya itong hinawakan sa mukha at ipinaikot ang isang daliri sa pisingi nito. "Nagkakaintindihan ba tayo?" Sa pagkakataong ito ay malambing na ang kaniyang tinig.
"Here you go." Bago pa man makasagot si Raymund ay nabaling ang kapwa nila atensyon sa flight attendant na bumungad dala ang alak na kanilang hiniling. "We also have some fruits ready for you," wika ng babae nang tuluyang mailapag ang kanilang inumin sa mesa. "The dinner will be served shortly. Today, we'll have a classic French dish for you," dagdag pa nito.
Samantala, hindi pa man nagtatagal ay naihain din ang pagkain sa kanila.
"Here you go, small duck breast with orange sauce," wika ng attendant nang tuluyang maihain sa kanilang harapan ang pagkain.
Kaagad itong tinikman ni Raymund na ani mo'y takam na takam. Ngunit ilang sandali lang ay masuka-suka niya itong iniluwa. "Ahhhhh! Ang pangit ng lasa, mas masarap pa 'yong tig-kinse pesos na itlong ng itik," anito bago nainom ng alak. Kapwa nabigla si Vivien at ang babaeng attendant sa naging asta nito.
"I'm sorry..." paumanhin ng babae na kaagad namang pinutol ni Vivien.
"No, don't worry. The dish is fine."
"Pasensya na. Ibang s**o ang trip ko, eh," nakangising sabat ni Raymund.
"Will you stop being silly!" Sa puntong ito ay hindi na napigilan ni Vivien na mainis sa kapilyuhan ng lalaki.
"Baby, naman. Chill ka lang. Tayong dalawa lang naman ang nagkakaintindihan dito, eh," malambing namang tugon ni Raymund sa nakasimangot na asawa, at pagkatapos ay sinunggaban ito ng halik sa labi ngunit kaagad siya nitong naitulak palayo.
"Never kiss me, unless I asked you to do so." Matalim ang pagkakatitig ni Vivien kay Raymund, mababakas din sa tinig nito ang pagpipigil ng galit.
"Oh, bakit na naman? Alam mo, hindi kita maintindihan. Minsan sobrang lambing mo, tapos isang iglap parang gusto mo akong tirisin sa inis." Nagsimula na rin mag-simangot si Raymund.
"Because you don't want to stop being stupid!" Sa puntong ito ay bahagyang napalakas ang boses ni Vivien. Sandaling nabaling ang kaniyang atensyon sa attendant nang mapansing tahimik sila nitong pinanonood. "I think we should be all set," aniya rito at bahagyang nangiti. Bahagya namang nayuko ang babae bilang tugon bago lumakad palayo. Muling ibinaling ni Vivien ang atensyon kay Raymund. "Honey, please naman, oh. Stop doing and saying silly things para hindi ako nagagalit," malambing nitong wika.
"Oh, tulad niyan. Biglang lambing mo ulit, tapos mamaya aawayin mo na naman ako," nakabusangot na tampo ni Raymund.
"Alright, I'm sorry," mahinahong tugon ni Vivien at sabay na h*****k sa labi ng lalaki na malugod naman nitong tinanggap.
Matapos ang kanilang tanghalian ay nagtungo sila sa master suit upang mag-shower at mamahinga. Umabot ng labing apat na oras ang kanilang biyahe.
"Thank you, Captain. Thank you for flying us," nakangiting bati ni Vivien sa unipormadong lalaki na sumalubong sa kanila nang kapwa sila makababa ng eroplano.
"Thank you very much for flying with us, this is something to start your life together. Best wishes on this wonderful journey," masiglang tugon naman ng kapitan ng eroplano.
"GOOD AFTERNOON, SIR. Good afternoon Ma'am. My name is Lucas, and I'll be your porter. I'll be looking after you for the duration of your stay," magalang na bati ng unipormadong banyaga sa mag-asawang Guinto. May hawak itong isang kahon. "This is a little gift from the hotel, and here's a message card," anito habang inilalapag sa mesa ang hawak. Samantala, iniabot niya ang card kay Vivien na kaagad naman nitong tinanggap."Wow naman!" Mula sa pagkakahilata sa malambot at mahabang upuan ay bumangon si Raymund upang tingnan ang kamo'y regalong iniabot sa kanila. "Yown!" Masiglang nitong sambit nang tuluyang mabuksan ang kahon na naglalaman ng mga mamahaling tsokolate at dalawang bote ng wine. Kaagad nitong binuksan ang isang kahon ng tsokolate at sinimulang kainin. "Ayos 'yang relos mo brad, ah. Ang gara!" puno ang bibig na wika nito nang mapatingin sa kumikinang na wrist watch ng porter.Walang naging tugon ang porter dahil wala rin naman itong naintindihan sa kaniyang
"IYONG NAKAITIM, SIYA ba?" tanong ng sekretaryang lulan ng isang magarang puting sasakyan.Tanging pagtango lang ang tinugon ni Vivien; ang CEO at tagapagmana ng Guinto Company na isang kilalang luxury brand ng alahas sa bansa.Mula sa sasakyan ay lumabas ang sekretaryang si Cookie at tinawid ang maliit na karinderyang napupuno ng mga naka-unipormeng trabahante na abalang kumakain. Mula roon ay nilapitan niya ang lalaking pakay. "Hi, ikaw si Raymund Capri. Hindi ba?" pambungad nito.Napaangat ng ulo ang lalaki upang tingnan ang taong nakagambala sa masarap niyang kain. Halos mabilaukan pa ito nang makita ang magandang sekretarya. Bahagya itong nahiya sa kaniyang itsura na halos mahayok sa pagkain dala ng gutom. Dali-dali nitong inabot ang isang basong tubig at nainom. Nang maklaro ang lalamunan ay muli nitong hinarap ang babae upang sagutin. "Oo, ako nga, Miss," nangingiting wika nito habang pumupunas sa bibig. "Bakit? Anong kailangan mo?""May gust
NANG TULUYANG MAKABABA ng taxi ay itinaas ni Raymund sa kaniyang ulo ang aviator na suot upang makita nang mas maayos ang matayog na gusaling nasa kaniyang harapan.Namangha siya sa ganda ng istraktura ng Guinto Company. Pinagmasdan niya ito at napaismid.Muli niyang ibinaba ang aviator sa kaniyang mga mata bago sinimulang lumakad patungo sa entrada nito."Ako si Raymund Capri at gusto akong makausap ng boss niyo," kumpiyansa niyang bungad sa guwardiya na nakabantay sa labas.Sandaling natitig sa kaniya ang guwardiya. "Makikialis na lang ho muna ng salamin niyo sa mata," utos nito.Napangiti nang mapakla ang binata bago itinaas ang suot na aviator. "Okay na? Puwede na ba akong pumasok?" mayabang niyang tanong."Sandali lang ho," tugon naman ng lalaki at saglit siyang tinalikuran upang kausapin ang receptionist. Pinindot nito ang intercom. "May naghihintay dito sa labas. Gusto raw siyang makausap ni Boss," dagling bungad nito sa kabilang liny
"HINDI NA AKO papasok kaya't humanap na kayo ng ipapalit sa akin. Hindi ko na kailangan ng trabaho, trabahante na ngayon ang kailangan ko para sa sarili kong kumpanya. At kahit ngayon mismo, eh, kaya kitang bilihin sa kahit na magkanong halaga!" malakas at mayabang na tugon ni Raymund sa kaniyang boss na nasa kabilang linya. Matapos itong sabihin ay kaagad niyang ibinaba ang tawag at muling hinarap ang mga kainuman.Isang malakas na tawanan ang pinakawalan ng mga lalake sa kaniyang harapan. Nabigla silang lahat sa nasabi ng binata."Grabe ka, 'Mund! Kumpyansa ka na talagang makakasal sa isang bilyonarya, ah!" mapang-asar na wika ng isang kainuman."Naman!" mariing tugon ni Raymund. "Nakita niyo sana kung paano niya ako titigan! Patay na patay sa akin ang babaeng iyon. At kahit hibla ng buhok ko, handa niyang bil'hin, mapasakaniya lang kahit konti sa akin," mayabang pa nitong dagdag."Easy lang, pare. Huwag ka munang magbilang ng sisiw hangga't hindi pa na