"HINDI NA AKO papasok kaya't humanap na kayo ng ipapalit sa akin. Hindi ko na kailangan ng trabaho, trabahante na ngayon ang kailangan ko para sa sarili kong kumpanya. At kahit ngayon mismo, eh, kaya kitang bilihin sa kahit na magkanong halaga!" malakas at mayabang na tugon ni Raymund sa kaniyang boss na nasa kabilang linya. Matapos itong sabihin ay kaagad niyang ibinaba ang tawag at muling hinarap ang mga kainuman.
Isang malakas na tawanan ang pinakawalan ng mga lalake sa kaniyang harapan. Nabigla silang lahat sa nasabi ng binata.
"Grabe ka, 'Mund! Kumpyansa ka na talagang makakasal sa isang bilyonarya, ah!" mapang-asar na wika ng isang kainuman.
"Naman!" mariing tugon ni Raymund. "Nakita niyo sana kung paano niya ako titigan! Patay na patay sa akin ang babaeng iyon. At kahit hibla ng buhok ko, handa niyang bil'hin, mapasakaniya lang kahit konti sa akin," mayabang pa nitong dagdag.
"Easy lang, pare. Huwag ka munang magbilang ng sisiw hangga't hindi pa napipisa ang itlog. Saka mo na sa amin ibida 'yan nang hindi ka mapahiya sakaling hindi matuloy," sabat naman ng isa pang kainumang si Fernan.
Matalim itong tinitigan ni Raymund bago sinagot.
"Anong sabi mo?" pagalit niyang tanong na ani mo'y gustong mag-hamon ng away. "Tatandaan mo ito, oras na makasal ako, bibilihin ko ang lupang kinatatarikan ng mga pamamahay niyo. Tingnan natin kung saan kayo pupulutin, mga hampaslupa!"
"Wow!" Mapangasar na natawa si Fernan. "Pakatatandaan mo rin, hangga't wala ka pang ibedensiya na magpapatunay na kasal ka na sa isang bilyonarya, eh, mananatili kang kabilang naming hampaslupa."
Ikinapanting ito ng taenga ni Raymund. Mariin niyang ikinuyom ang mga kamay at akmang susunggaban ng suntok ang lalaki ngunit kaagad din siyang napigilan ng ilang kasamahan.
"Kapag ako nakasal, pati mga asawa niyo bibilihin ko!" singhal nito na halos maupos na ang boses sa gigil. "Palibhasa, ang papangit niyo! Walang babaeng magkakandarapang makasal sa inyo!" muling singhal nito sa mga lalaki bago nagpumiglas. Kaagad din naman siyang binitawan ng mga ito.
Nang tuluyang makawala mula sa mahigpit na pagkakahawak ay nagmamadali itong lumakad palayo bitbit ang sama ng loob at mithiing mapangatawanan ang mga salitang binitawan.
-
"HINDI NA USO sa akin ang kasal-kasal. Pirmahan mo na lang iyang marriage contract at pagkatapos, ganap na tayong mag-asawa." Iniabot ni Vivien ang hawak na ballpen kay Raymund.
Kaagad naman itong tinanggap ng binata at pigil-hiningang pinirmahan ang papel. Ani mo'y sa isang maling galawa lang ay makakawala ito sa kaniyang mga kamay.
Nang matapos nitong pirmahan ang nasabi'y kontrata ay kaagad nitong hinarap ang CEO. "Oh, tapos na. So, ano? Mag-asawa na ba tayo?" Sa puntong ito ay hindi na niya naitago ang labis na pananabik.
Natawa si Vivien. Lumapit ito sa lalaki at ipinatong ang dalawang kamay sa magkabilang balikat nito.
"You're now my husband," pagkukumpirma niya.
Kakaiba ang sayang naramdaman ni Raymund. Saya na noon lang niya naramdaman. "I-ibig bang sabihin niyan, a-akin na rin itong kumpanya?" mautal-utal nitong tanong dala ng labis na pananabik.
"Of course my love. Everything becomes marital property. What's mine is yours, and what's yours is mine," tugon ni Vivien habang ipinapaikot ang isang daliri sa pisngi ng lalaking ngayon ay ganap na niyang asawa.
Napaismid si Raymund. Napakapit siya sa baywang ng babae at marahan itong itinulak palapit sa kaniyang katawan. "Ngayong asawa na kita, siguro naman puwede na kitang mahalikan?" wika nito sa tonong tila nangaakit.
Hindi na nagsalita pa si Vivien at kaagad na singunggaban ng halik ang asawa. Malugod naman itong tinggap ng labi ni Raymund.
-
SA NAPAKALAWAK AT magarang bakuran ng mga Guinto ay idinaraos ang isang malaking pagsasalo. Lahat ng empleyado ng kumpanya ay inimbitahan kaya't ganoon na lamang kadami ang taong nagsitipon.
Mula sa gitna ng isang entablado ay lumitaw si Vivien hawak ang isang mikropono at wine glass naman sa kabilang kamay. "I think you all heard about it," panimula nito. Natigil sa kani-kanilang ginagawa ang mga panauhin at natutok ang atensyon sa kaniya. "And the reason why I invited you all... is to confirm it." Sandali siyang natigil. "I'm married." muling patuloy niya at nagkaroon ng masasayang hiyawan. "Another reason why we are all gathered here is to welcome the new co-owner of Guinto Company, my husband, Raymund Capri!"
Malalakas na palakpakan ang pinakawalan ng lahat hanggang sa lumitaw si Raymund sa kanilang harapan suot ang mamahaling tuxedo. Kumpyansa ang tindig nito habang iniikot ang paningin sa lahat ng mga panauhin. Tinggap nito ang mikroponong iniaabot ng asawa at iklinaro ang lalamunan bago nagsalita. "Ikinagagalak kong maging parte ng napakalaking kumpanyang ito," wika nito sa tonong ani mo'y nagtatalumpati. "Mabuhay ang bagong kasal! Wohooo!" malakas at magiliw nitong hiyaw habang itinataas ang hawak na wine glass. Matapos ay nilipitan niya ang asawa at humawak sa baywang nito't mariing hinila papalapit sa kaniyang katawan. Muntikan pang matumba ang babae sa ginawa niya. Pagkatapos itong gawin ay sinunggaban niya ito ng halik.
Nabigla si Vivien sa ginawa ng asawa, maging ang mga panauhin ay nabigla rin. Kasabay nito ay may mga mahihinang tawanan at bulungan ang narinig. Naitulak ni Vivien ang lalaki dala ng pagkabigla at kahihiyan. Pumunas ito sa labi at inagaw ang mikropono sa asawa. "Wow! That was intense," natatawa nitong wika ngunit mababakasan ng kahihiyan. Sandali itong natigil bago muling nagpatuloy. "Once again, Raymund Capri! My husband and the co-owner of Guinto Company." Muling nagpalakpakan ang mga panauhin. Itinaas ni Vivien ang hawak na wine glass. "Let's all cheers!" magiliw nitong anyaya sa lahat. Natayo ang mga panauhin habang itinataas ang kani-kanilang wine glass. Matapos ay sabay-sabay silang nainom.
-
"AALIS NA AKO!" matapang na bungad ni Raymund sa kaniyang Landlady na nagulat nang pagbuksan siya ng pintuan.
"Oh, heto!" Ibinato nito sa mukha ng babae ang perang papel na hawak. "Ingudngod mo sa pagmumumkha mo hanggang malipat sa pera! Kumpleto 'yan. Walang labis, walang kulang."
Sandaling natigilan ang babae. Mababakas sa mukha nito ang pagkabigla sa inaasta ng lalaki. "Sandali nga lang muna, Raymund! Simula't sapul pinakitunguhan kita nang maayos kahit pa ilang beses kang na-delay ng bayad, kaya't huwag mo akong bastusin."
Mapaklang natawa si Raymund. "Huwag mo akong aktuhan na parang ang bait-bait mong Landlady. Kalat sa buong Barangay ang tsismis na hindi ako nakakabayad ng renta. Lakas makabawas ng pogi points no'n! Eh, hindi naman nila malalaman ang tungkol do'n kung hindi mo ikinuwento sa iba!" sunod-sunod nitong hinaing. "At ngayon, ang dating api ay isa nang ganap na bilyonaryo! Oo, ako! Isa na akong bilyonaryo ngayon! Nagmamay-ari ng pinakamalaking kumpanya ng alahas sa bansa, ang Guinto Company!" kumpiyansa at mayabang nitong wika.
Hindi na sumagot pa ang babae at patuloy na lamang siyang pinagmasdan sa tingin na tila kumbinsido itong nasisiraan na ng bait ang lalaki.
"Pagkatapos ng bakasyon ko sa London, babalikan ko kayong lahat! Pakasisiguraduhin kong pagsisisihan niyo na nakilala niyo ako!" Matapos itong sabihin ay ibinaba ni Raymund sa kaniyang mga mata ang aviator na nasa ulo at kaagad na nag-martsa palabas ng gate bitbit ang isang maleta.
Lumapit sa kaniya ang isang unipormadong lalake at kinuha ang maletang kaniyang hawak upang ipasok sa loob ng magarang sasakyang nakaparada. Lalakad na sana siya upang pumanhik sa sasakyan nang isang babae ang kumapit sa kaniyang kamay upang pigilin siya. "Raymund!" Nilingon ito ni Raymund at nakita si Didang, ang kaniyang kasintahan na matanda sa kaniya ng sampung taon. "Raymund! Maawa ka naman, buntis ako!" maluha-luhang pakiusap ng babae at naluhod pa sa kaniyang harapan. Mariing iniyugyog ni Raymund ang kaniyang kamay upang makalas ang pagkakahawak nito sa kaniya. Nang tuluyan siyang mabitawan ng babae ay muli siyang nagpatuloy sa paglalakad. Walang salita o kahit na ano. Naiwan ang babaeng naluluhod sa gitna ng maliit na kalsada't puno ng luha ang mga mata.
"Tara na!" anyaya ni Raymund sa driver bago tuluyang pumasok sa loob ng sasakyan.
HINDI MAKAPANIWALA SI Raymund sa buhay na ngayo'y kaniyang tinatamasa. Maging ang pagpikit ay kaniya nang pinangangambahan dahil mistula itong isang panaginip na bigla na lamang maglalaho oras na magising siya.Heto't lulan siya ngayon ng pribadong eroplano kasama ang CEO ng Guinto Company na ngayon ay kaniya nang asawa. Patungo sila sa London upang ipagdiwang ang kanilang honeymoon.Kasalukuyan silang nasa loob ng isang private lounge at nakaupo sa isang mahabang couch nang bumungad mula sa pintuan ang isang magandang flight attendant. "Mr. and Mrs. Guinto, would you like to have lunch?" nakangiting tanong nito sa mag-asawa.'Ahhh! Napakasarap mabuhay!' lubos na kagalakang nasabi ni Raymund sa kaniyang isipan bago humigop sa champagne glass. Maraha nitong hinimas ang braso ni Vivien na nakayakap sa kaniya."Let's go?" tanong ni Vivien kay Raymund na sinagot naman nito ng tango."Please follow me to the dinning room," magalang na wika ng flight att
"GOOD AFTERNOON, SIR. Good afternoon Ma'am. My name is Lucas, and I'll be your porter. I'll be looking after you for the duration of your stay," magalang na bati ng unipormadong banyaga sa mag-asawang Guinto. May hawak itong isang kahon. "This is a little gift from the hotel, and here's a message card," anito habang inilalapag sa mesa ang hawak. Samantala, iniabot niya ang card kay Vivien na kaagad naman nitong tinanggap."Wow naman!" Mula sa pagkakahilata sa malambot at mahabang upuan ay bumangon si Raymund upang tingnan ang kamo'y regalong iniabot sa kanila. "Yown!" Masiglang nitong sambit nang tuluyang mabuksan ang kahon na naglalaman ng mga mamahaling tsokolate at dalawang bote ng wine. Kaagad nitong binuksan ang isang kahon ng tsokolate at sinimulang kainin. "Ayos 'yang relos mo brad, ah. Ang gara!" puno ang bibig na wika nito nang mapatingin sa kumikinang na wrist watch ng porter.Walang naging tugon ang porter dahil wala rin naman itong naintindihan sa kaniyang
"IYONG NAKAITIM, SIYA ba?" tanong ng sekretaryang lulan ng isang magarang puting sasakyan.Tanging pagtango lang ang tinugon ni Vivien; ang CEO at tagapagmana ng Guinto Company na isang kilalang luxury brand ng alahas sa bansa.Mula sa sasakyan ay lumabas ang sekretaryang si Cookie at tinawid ang maliit na karinderyang napupuno ng mga naka-unipormeng trabahante na abalang kumakain. Mula roon ay nilapitan niya ang lalaking pakay. "Hi, ikaw si Raymund Capri. Hindi ba?" pambungad nito.Napaangat ng ulo ang lalaki upang tingnan ang taong nakagambala sa masarap niyang kain. Halos mabilaukan pa ito nang makita ang magandang sekretarya. Bahagya itong nahiya sa kaniyang itsura na halos mahayok sa pagkain dala ng gutom. Dali-dali nitong inabot ang isang basong tubig at nainom. Nang maklaro ang lalamunan ay muli nitong hinarap ang babae upang sagutin. "Oo, ako nga, Miss," nangingiting wika nito habang pumupunas sa bibig. "Bakit? Anong kailangan mo?""May gust
NANG TULUYANG MAKABABA ng taxi ay itinaas ni Raymund sa kaniyang ulo ang aviator na suot upang makita nang mas maayos ang matayog na gusaling nasa kaniyang harapan.Namangha siya sa ganda ng istraktura ng Guinto Company. Pinagmasdan niya ito at napaismid.Muli niyang ibinaba ang aviator sa kaniyang mga mata bago sinimulang lumakad patungo sa entrada nito."Ako si Raymund Capri at gusto akong makausap ng boss niyo," kumpiyansa niyang bungad sa guwardiya na nakabantay sa labas.Sandaling natitig sa kaniya ang guwardiya. "Makikialis na lang ho muna ng salamin niyo sa mata," utos nito.Napangiti nang mapakla ang binata bago itinaas ang suot na aviator. "Okay na? Puwede na ba akong pumasok?" mayabang niyang tanong."Sandali lang ho," tugon naman ng lalaki at saglit siyang tinalikuran upang kausapin ang receptionist. Pinindot nito ang intercom. "May naghihintay dito sa labas. Gusto raw siyang makausap ni Boss," dagling bungad nito sa kabilang liny