Chapter: KABANATA XPAGKATAPOS ng tagpong iyong sa pagitan nila ni Damian ay hinidi ito nagpakita sa kanya ng ilang araw. Siguro iyon na din ang katapusan ng kung ano mang namamagitan sa kanila. Naisip din niyang hindi din makakabuti para sa kanya ang magkaroon ng koneksyon sa misteryosong lalaking iyon. Parte lamang to ng kanyang panaghinip at wala ng iba. Anuman ang nangyari sa pagitan nilang dalawa ay hanggang doon na lang iyon.Simula noon ay ipinangako na niya sa sariling kakalimutan na ang mga panaghinip na iyon. Ang dapat niyang gawin ay ang bigyang pansin ang kanyang malagim na reyalidad. Subalit, ang babaeng nakita niya sa panaghinip na iyon, hinidi niya maintindihan kung bakit ito naging parte ito ng panaghinip niya. Parang pamilyar ito ngunit alam niyang imposible dahil hindi niya pa ito nakakasalamuha sa totoong buhay. Martes ng umaga. Wala siyang gaanong tulong dahil inihabol niya ang essay niya at ni Sherry. Maaga din siyang nagising dahil kailangan niya pang i-print ang mga iyon. Kaya
Last Updated: 2023-01-10
Chapter: KABANATA IX~*~ MALABO pa ang lahat nangyari sa isipan ni Elise matapos ang nangyari sa birthday party ni Sherry. Ang huling naalala niya ay ang pagbaba niya ng taxi pauwi sa kanilang dorm. Pagkatapos noon ay wala na. Ang sabi ni Agatha, natagpuan na lang daw siya nito sa harap ng kanilang dorm -lasing at parang wala sa sarili. Parang katulad noong natagpuan siyang walang malay sa isla. Pakiramdam niya ay parang may kung anong nakaharang sa kanyang isipan at pinipigilan siyang alalahin ang lahat. Madaling isipan na dahil iyon sa kalasingan niya iyon ngunit sa loob loob niya ay ramdam niyang may misteryong pilit na itinatago sa kanya. Napabiling siya sa kinahihigaan. Sabado at wala silang pasok kaya naman kahit na mag-aalas nuwebe na ay wala pa rin silang balak ni Agatha na bumangon sa kani-kanilang kama. “ Alam mo dapat talaga sinamahan kita sa birthday party ng bruhang si Sherry e. Kung andon ako siguradong, iningudngud ko na ang mukha niya sa dancefloor.” “ Okay lang. Hindi mo naman kasal
Last Updated: 2023-01-09
Chapter: Kabanata VIII~*~ BINATI si Elise nang dumadagundong na musikang nanggagaling sa loob ng club. Dinig na dinig din niya ang boses ng mga taong nasa loob nito. Bumuntong hininga siya ng malalim bago pumasok. Sumuot kaaagad ang amoy ng alak sa kanyang ilong. Halos mabulag din siya sa mga pula at asul na lightbeams. Ngunit ang una niyang napansin ay kung gaano ka iba ang suot niya sa mga taong naroon. Parang gusto niyang tumakbo palabas ng club dahil na rin sa natatanggap niyang tingin. Binalot siya ng pinaghalong pagkahiya at kaba nang mga oras na iyon. Napayuko na lamang siya sa sariling kahihiyan. Sinadya ni Sherry na ipahiya siya! Kung hindi ba naman siya tanga at kaagad na naniwala dito. Nakita niya agad sa gitna ng dancefloor sina Sherry at mga kaibigan nito . Unti-unti niyang inihakbang ang mga paa kahit palapit sa kinaroroonan ng mga ito kahit na gustong-gusto na niyang magtago na lamang sa cr at hindi na magpakita kailan man. " Andito ka na pala , Elise! How are you finding the party?" ng
Last Updated: 2022-12-29
Chapter: Kabanata VII~*~ MATIWASAY na natutulong sa tabi ni Elise si Damian. Tanging ang nakatalukbong na kumot lang ang nakatakip sa hubu't hubad nitong katawan. Hinaplos niya ang pisngi nito at dinama ang init ng paghinga nito sa kanyang balat. Nitong mga nakaraang araw ay naiisip niyang mas mabuting manatili na lang siya sa panaghinip na ito. Dito kasama niya si Damian. Dito tila ba nawawala pansamantala ang lungkot at sakit na nararamdaman niya sa reyalidad. Dito walang Sherry o Jules na gumagambala sa kanya. Ngunit alam niya sa kanyang kaibuturan na pansamantala lang ang nararamdaman niyang kapayapaan dito. Bukas gigising ulit siya para harapin ang kanyang reyalidad. Doon na tinamaan si Elise ng pagod sa kanilang p********k. Namigat ang kanyang mga talukap ngunit nilabanan niya ito. Nais niyang manatili pa sa kanyang panaghinip. " Kailangan mo ng bumalik, Elise," ani ni Damian at hinawakan ang kanyang kamay saka ito masuyong hinalikan. " Ayoko ko pa. Gustong kong magtagal dito." " We both k
Last Updated: 2022-12-27
Chapter: Kabanata VI~*~ NANG mapamulat si Elise ay agad na sinalubong ng pamilyar na tanawin. Nakahiga siya sa pamilyar na kama. Ang silid na iyon- ganoon pa rin ang itsura nito nang huli siyang naroon. Medyo madilim pa rin ang paligid at aninag nya ang bilog na buwan sa malaking bintana. Nakasuot pa rin siya ng puting bestida. Nilibot niya ang paningin - wala ang lalaki. Nag-iisa siya sa kwartong iyon. Niyakap niya ang sarili. Malamig ang hangin ng gabing iyon. " Kanina ka pa ba?" Unti-unti na siyang nasasanay sa presensya ng estrangherong iyon. Nagsalubong ang kanilang mga mata.Kakapasok lang nito sa kwarto. binigyan siya nito ng pilyong ngito ng humagod ang kanyang paningid sa katawan nito. tanging ang tuwalyang nakapupulot sa bewan ang suot nito. kitang kita niya ang magandang hubog ng katawan nito at mamasa masang balat. " Dont stare at me like that. Alam ko namang nabibighan ka sakin., " anito at tumaas-baba ang kilay nito. Napaismid naman siya sa kinikilos nito. Mahangin pa rin ito hanggang
Last Updated: 2022-12-19
Chapter: Kabanata V~*~ DISMAYADO si Elise nang magising siya kinaumagahan. Hindi nagpakita sa kanyang panaghinip ang lalaki. " Shit! Anong ginagawa ko?" Parang nais niyang iumpog ang ulo sa salamin na nasa kanyang harap. Bakit hinahanap niya ang misteryosong lalaking iyon sa kanyang panaginip? Nababaliw na ba siya ng tuluyan? At ngayon heto siya, dismayado dahil hindi man lang lumitaw ang lokong iyon. Sinipat-sipat niya din sa salamin ang bahagi ng kanyang leeg na hinalikan nito kagabi at hinaplos iyon. Bakit parang totoo ang lahat? Ang init ng labi nito sa kanyang labi. Ang paraan ng paghagod nito sa kanyang balat. " Hindi na to tama, Elise," saway niya sa sarili. "Panaginip lang iyon at at wala nang iba." Bago pa man mawala ang kanyang katinuan nang umagang iyon ay pumasok na siya sa isa sa mga bakanteng cubicle sa shower room. Pinihit niya ang shower at nagsimulang bumuhos sa kanyang katawan ang malamig na tubig. Ang lamig na dulot niyon sa kanyang balat ay nagpabalik sa kanyang katinuan.
Last Updated: 2022-12-05
Chapter: Chapter Four: EvanThat night was long and cold, just like the many nights that passed.Tahimik na naihiling ni Evan na sana ay matapos na ang gabing iyon. He was tired of hearing his parents shouting at each other. It was always like this. Nasa ikatlong palapag ang kwarto nilang magkakapatid ngunit kasing klaro ng tubig ang mga boses ng mga ito. Sometimes he really hates his psychic abilities lalong lalo na ang mga sensitibo niyang pandinig. He keeps on hearing things he don't want. Gusto na niyang matulog ng mga oras na iyon ngunit hindi niya magawa dahil sa ingay ng kanyang mga magulang sa ibaba. Their fighting never seems ceased rather, it becomes more intense as the days passed."I can't take this anymore, Lucienne! Please, just let me leave.."" Yngrid... "" You said you love me. You promised me that it will worked out in the end- na masasanay din ako sa paraan ng pamumuhay niyo pero hindi eh. I have been stucked here for 10 years," hikbi nito.Their mother is a human which makes them half-blood.
Last Updated: 2022-07-29
Chapter: Chapter Three: Shannon~Shannon~ NAGISING si Shannon sa ingay ng kanyang electric fan. There are beads of sweat all over her face kahit na sobrang tutok ng hangin sa kanyang mukha. There were also dried tears in her cheeks Nagpalinga-linga siya. She was most definitely not in her own room. It was too cramped. Her belongings are all stock in a big brown boxes that are scattered in the floor. Her bed is just enough to cater her slim figure, hindi na niya kayang magpaligid-ligid gaya ng kanyang nakasanayan sa mansyon. Then it hit her. She is no longer there. Nasa dati siyang apartment nila noon ng kanyang ina. The first time she got here, she could not help but imagine her mother coming from the kitchen, smiling at her, just like she did before whenever she comes home after class. It feels empty. All it has are memories of long forgotten days. But then, this is all she has now. Nasa ilalim ng kanyang pangalan ang apartments na iyon. Turned out, her mother has purchased the property long before. Mag-iisang li
Last Updated: 2022-07-10
Chapter: Chapter Two: Evan~Evan~Their kind has been depicted in array of versions across culture- embedded in myths and legends. Ngunit, ang karamihan sa mga paniniwala tungkol sa kanila ay nasa imahinasyon lang ng sangkatauhan. May mga bagay parin silang hindi alam sa misteryosong mga nilalang na katulad ni Evan. But all of these has changed in the past months. His father was bold enough to exposed their very existence to the world. Kahit na marami sa kanilang angkan ang kontra dito ay walang nakapigil a kanyang ama. Hindi lang sa kanilang angkan kundi pati na rin sa mundo ng mga tao. A great scientist and doctor, his father is an exeptional man who has successfully integrate vampires into human society. Evan still feel the surreality of it all. Sa isang kisap mata ay animo naging instant celebrity silang magakakapatid. Their father especially insisted they make themselves more visible to humans. Katulad na lang pakikibagay nila sa mga teknolohiyang kinahuhumalingan ng mga tao.Nang makababa si Evan ng chopp
Last Updated: 2022-07-09
Chapter: Chapter One: Shannon~Shannon~ " Hi everyone and to my beautiful interviewer for this morning, Miss YumiHime. Sana maganda ang araw niyo." " Siguradong maganda ang umaga ng ating mga tagapakinig dahil sa presenya mo, Drake. You know, its just that the whole thing seems surreal." " Yeah actually me too. Akala ko tatanda ako malayo sa sibilisasyon but then, our leader has decided to let the world know that we- vampires actually exist." Pumapailanlan ang palabas na iyon sa buong kwarto niya. It's been a month already, Shannon thought. Noong una akala ng karamihan ay isang hoax si Lucienne Ravenheart, na gawa-gawa niya lang ang lahat ng patungkol sa mga bampira. He is afterall, involved with business too. May-ari ito ng pinakamalaki at prominenteng pharmaceutical company sa buong mundo. Pero ng lumaon ay naging kumbinsido din ang majority ng populasyon sa planeta na they are authentic clan of vampires. After his revelation, nakipag-partner ito sa mga batikang lawmakers sa US, at Europe at ilang bansa sa As
Last Updated: 2022-07-05
Chapter: Prologue~Shannon~MASIGABONG ang naging palakpakan ng mga tao sa buong reception hall ng hotel pagkatapos ng speech ni Shannon. Hindi niya inaasahan na magiging ganoon ang reaksyong matatanggap niya. Nang makabalik siya sa kanilang table ay tinungga niya agad ang isang baso ng wine. Nais niyang alisin ang natitirang pagkabalisa at kaba sa kanyang sistema. Ilang segundo lang ang lumpias ay ng kislot sa kanyang sintindo. Epekto siguro ng nainom niya. Inilibot niya ang paningin sa paligid. The blue and red beams hovered everywhere as if dancing to the soft music of the orchestra playing in the corner. Puno ang hall ng mga batikan at prominenteng pangalan sa industriya ng business. Hindi lang sa Asia , may mga nanggaling din sa Europe at US ang nandoon upang saksihan ang pinakamalaking business expo sa Asia which served as a great oppurtunity to meet potential investors, clients, and partners alike. Her grandfather was supposed to attend this event, but he is currently in Spain for a business t
Last Updated: 2022-07-04
Chapter: Kabanata VII: Ang Silid___________ ISANG palahaw ang nagpabalik sa huwisyo ni Estella. Nanggaling iyon sa malaking aparador. Dahil sa ingay ay sumingasing ang pigura sa kanya. Kitang-kita niya ang matatalas nitong ngipin at pagkinang ng malahalimaw nitong mga mata. Nilakasan niya na lang ang kanyang loob at hinablot ang pinakamalapit na bagay sa kanya- ang isang gunting na nakapatong sa ibabaw ng mesita ni Clara. Hawak-hawak iyon ay sinugod niya ang pigura. Akmang itatarak na niya rito ang gunting nang tumalon ito sa bintana at naglaho sa dilim at ulan ng gabing iyon. Sa kanyang palagay ay lumipad ito papalayo dahil hindi niya itong nakitang lumapag sa lupa. Wala din itong iniwang bakas. Kaagad niyang isinara ang bintana at iniharang ang isang may kaliitang aparador doon. Nang maging panatag ang kanyang loob ay binitawan niya ang gunting at tinungo niya ang may kalakihang aparador. " Senyorita Clara?" tawag niya sa bata bago buksan iyon. Tumambad sa kanya ang takot na takot na si Clara. Nakasiksik ito sa g
Last Updated: 2022-08-25
Chapter: Kabanata VI: Ang Halimaw~*~ HINDI na nakasagot pa si Senyora Celeste kay Crispin na lihim namang ipinagbunyi ng loob ni Estella. Sa isang banda ay sumagi agad sa kanyang isip ang mga kwentong kanyang naririnig patungkol sa isla. Ang mga kadalagahang misteryosong nawawala at natatagpuan na lamang na walang buhay sa mga kakahuyan. Nanindig ang kanyang balahibo. Hindi kaya ay isa ang babaeng iyon sa tinutukoy sa kwento? Hindi. May indikasyon na nais na itago ng kung sino man ang pumatay dito ang kanyang bakas- na gusto nitong sirain ang kahit anong ebidensya. Subalit, hindi ito naging matagumpay dahil hindi nasunog ang bangkay ng babae. Malayong-malayo ang krimen na iyon sa naririnig niyang halimaw na gumagala sa isla at pumapatay ng mga kadalagahan. Kahit sinong tao ay kayang gawin ang ginawa nito. Naputol ang kanyang malalim na pag-iisp nang ang kanilang carruaje na ang sumunod sisiyasatin. Sinenyasan sila ng isa sa dalawang gwardiya sibil na bumaba. Pinangko niya si Clara at binitbit pababa ng carrua
Last Updated: 2022-07-17
Chapter: Kabanata V: Biktima"ESTELLA! ESTELLA!" Nagising si Estella ng maramdaman na may kung sinong yumuyugyug ng kanyang balikat at tumatawag ng kanyang pangalan. Si Aling Chona. " Magbihis ka na at sasamahan mo si Senyora sa bayan, " sabi nito. Tama ba ang narinig niya? Isasama siya ni Senyora Celeste sa bayan? O baka nanaghinip pa rin siya? Parang napakaimposible naman. Sigurado siyang dahil sa ginawa niya kahapon ay papaalisin na siya nito. Nagpabiling-biling siya sa banig at mas lalong niyakap ang kanyang unan. Kahit man lang sa huling araw niya sa mansyon nais niyang magkaroon ng masarap na tulog. " Si Aling Concha talaga nagbibiro. Eh babalik na ako sa amin mamaya," naantok na sagot niya rito. Nagpalinga-linga siya sa labas. Makapal pa ang dilim sa labas at nagsisimulang pa lang magising ang mga manok. Sa tantya niya ay alas tres pa lang ng madaling araw. Ipinikit niya muli ang kanyang mga mata. Marami pa naman siyang oras. Hindi na din naman kailangan pang mag-impake dahil tanging ang kanyang bayon
Last Updated: 2022-07-15
Chapter: Kabanata lV: Latay~*~ DAPIT-HAPON na nang magising si Estella. Halos lamunin na ng dilim ang buong kalangitan. Napansin din niyang bigat ng kanyang ulo at katawan ngunit sa kabila noon ay nagawa niyang makabangon. Kailangan niyang siguraduhin kung ayos lang si Clara. Lumabas siya ng kubo at pumasok sa mansyon. Dumaan siya sa volada mula sa kusina patungo sa comenador. Habang humahakbang ang kanyang mga paa sa nagnining na sahig ay rinig na rinig niya ang galit na tinig ni Senyora Celeste mula sa sala . “ Akala ko ba pipi ka lang ngunit bingi ka rin pala Clara?! Ilang beses ko bang sinabi sa iyo na hawag na huwag pupunta sa kakahuyan?” Nasurpresa si Estella sa paraan ng pagtrato ng Senyora Celeste sa sarili nitong anak. Ang akala niya sa mga katulong lang ito ganoon ngunit pati rin pala sa sarili nitong anak. Umaalingawngaw ang hikbi ni Clara sa bawat dingding ng mansyon. Nang marating niya ang pintuan ay otomatikong napatigil siya sa paghakbang. Pinakiramdaman muna niya ang buong sitwasyon na nagagan
Last Updated: 2022-07-15
Chapter: Kabanata lll: Ang Estranghero sa Kakahuyan~*~ “ ITO ba ang bagong katulong?” tinitigan siya nito mula ulo hanggang paa na para bang hinahamak ang kanyang kaluluwa. " Opo, Senyora. Siya si Estella at simula ngayon ay maninilbihan na siya sa mansyon." Bahagya siyang siniko ni Nana Elsa at pinandilatan ng mata dahil nakatitig lang siya sa babae. Sa tanang buhay niya ay ito pa lang ang unang beses na kinabahan siya sa presensya ng isang tao. Kaagad naman siyang napayuko upang magbigay galang sa Senyora. “Mukhang masunurin din naman. Siguraduhin niyong alam niya ang kaniyang lugar sa pamamahay na ito,” anito sa mahinahon ngunit ma-otoridad at nagbabantang boses. Napalunok na lamang si Estella ng laway upang pawiin ang paniigas ng kanyang kalamnan dahil sa sinabi nito. " Sa tingin nyo, Manang. Ilang buwan kaya ang kakayanin ng batang ito?" Hindi niya parin inaalis ang kaniyang titig sa kanya. May pangahahamak din ang paraan niya ng pagsasalita. Hindi lingid sa kanyang kaalaman na mag-iisang buwan pa lang ang dati nilang katulong
Last Updated: 2022-07-13
Chapter: KABANATA II: Ang Mga Mata sa Bintana~*~ NALULA siya sa kwento ni Aling Chona. Espanya at Maynila. Para sa tulad niyang nagkamuwang sa piling ng bukid at walang katapusang kakahuyan, ang mga katagang iyon ay animo nababalot ng mahika. Hindi niya mapigilang isipin kung ano ang buhay ng mga tao sa mga lugar na iyon. Ang balutin ng karangyaan mula ulo hanggang paa. Ang pagsilbihan at ituring na parang isang makinang na ginto. Ang hangaan ng mga mga tao sa taglay na kagandahan at kayumian lalo na ng mga binatang nag-aral sa ibang bansa. Ngunit isang malabong pangarap iyon. Isang ilusyon na naghahari sa isang simpleng dalagitang tulad niya. Iwinaksi niya ang ganoong kaisapan. Hindi iyon mangyayari at isa pa hindi siya nandito para habulin ang mga bagay na iyon. Napaka-imposible. Itinuon niya ang atensyon sa labas ng carruaje mula sa maliit na siwang sa kurtina. Nahinuha niyang nasa laban na sila ng ari-arian ng mga Valiente dahil aninag na mula sa labas ang estruktura ng mansyon na kanilang pagmamay-ari . Hindi niya man iyon
Last Updated: 2022-07-07