Home / Mystery/Thriller / Nuestro Amore ( Our Love) / KABANATA II: Ang Mga Mata sa Bintana

Share

KABANATA II: Ang Mga Mata sa Bintana

last update Huling Na-update: 2022-07-07 09:21:24

                                                                       ~*~

NALULA siya sa kwento ni Aling Chona. Espanya at Maynila. Para sa tulad niyang nagkamuwang sa piling ng bukid at walang katapusang kakahuyan, ang mga katagang iyon ay animo nababalot ng mahika. Hindi niya mapigilang isipin kung ano ang buhay ng mga tao sa mga lugar na iyon. Ang balutin ng karangyaan mula ulo hanggang paa. Ang pagsilbihan at ituring na parang isang makinang na ginto. Ang hangaan ng mga mga tao sa taglay na kagandahan at kayumian lalo na ng mga binatang nag-aral sa ibang bansa. Ngunit isang malabong pangarap iyon. Isang ilusyon na naghahari sa isang simpleng dalagitang tulad niya. Iwinaksi niya ang ganoong kaisapan. Hindi iyon mangyayari at isa pa hindi siya nandito para habulin ang mga bagay na iyon. Napaka-imposible.

Itinuon niya ang atensyon sa labas ng carruaje mula sa maliit na siwang sa kurtina. Nahinuha niyang nasa laban na sila ng ari-arian ng mga Valiente dahil aninag na mula sa labas ang estruktura ng mansyon na kanilang pagmamay-ari . Hindi niya man iyon nakikita ng buo ay sapat na ang magarbong entrada nito upang mas lalo siyang humanga sa kung ano man ang naghihintay sa kanya sa loob nito. Nang maramdaman niyang papasok na ang carruaje sa puerta ay naglakas loob siyang hawiin ang kurtina sa bintana at sumilip sa labas ng bintana. Nakalatag sa kanyang harapan ang isang magarbong zaguan ng bahay na bato. Mas malaki at malapad ito sa kahit anong bahay na nakita niya sa kanila. Nasa unang palapag pa lang sila ngunit halos malaglag na ang kanyang panga sa magaganda at kakaibang ukit ng mga azulejo sa sahig at mga interesanteng muwebles. na nadoon. Presko din ang hanging umiikot sa paligid. Walang gaanong sikat ng araw ang nakakaabot sa parteng iyon ng bahay ngunit sapat ang aninag nito upang maging klaro ang lahat ng nakapaligid sa kaniya ng mga oras na iyon.

Sinenyasan siya ni Aling Chona na bumaba na. Kaagad niya namang ginawa ito. Doon niya nahinuhang hindi nabigyang-katwiran ng maliit na siwang sa carruaje ang kabuuan ng pinakamababang bahagi ng bahay. Pakiramdam niya ay lumulutang ang kanyang mga paa sa ulap habang bumababa ng kalesa. Animo'y naglalakad siya sa hangin. Dati madalas siyang magpanggap na isang prinsesa na nakatira sa palasyo. At ngayon, makakatapak na siya sa isang tunay na palasyo subalit ang problema ay hindi siya ang prinsesa. Hindi nababagay ang suot niyang gusot-gusot at luma ng baro at saya pati na rin ang mga damit na nakasuksuk sa dala niyang bayong.

Pinaninindigan ng kabuuang niyon ang estado ng pamilya Valiente sa lipunan. Kahit pagsasama-samahin pa ang mga mansyon sa kanila ay hindi nito mapapatanyan ang kung nasaan man siya. Sa gawing kanan niya ay ang terreza na napapalibutan ng mariwasang hilera ng rosas. Hitik na hitik ang kanilang bulaklak na tila ba nag-aanyayang pitasin. Nakakonekta ito sa azotea kung nasaan matatanaw ang aljibe. Nagbalik lang siya sa huwisyo ng marinig niya ang papalayong tunog ng carruaje.

Mula sa kung saan , nakaramdam si Estella ng parang may nakatitig sa kanya. Puno iyon ng intensidad. Pinagmamasdan nito ang kanyang bawat galaw. Inilibot niya ang paningin sa paligid upang kompirmahin ang pakiramdam na iyon. Noong una, akala niya gawa-gawa lang iyong ng kanyang isip ngunit napalitan iyon ng takot nang dumako ang kanyang mga mata sa siwang ng malaking bintana sa itaas na bahagi ng bahay. May pares ng malahalimaw na mga mata ang sumalubong sa kanyang tingin. Nasemento siya sa kanyang kinatatayuan. Hindi niya maigalaw ang kanyang katawan o ipikit man lang ang kanyang mga mata. Naging mabagal ang kanyang paghinga at rinig na rinig niya ang malakas na tibok na kanyang puso. Pakiramdam niya ay para siyang isang kunehong nabitag ng mangangaso. Kahindik-hindik ang mga matang iyon. Mapupula at kakulay ng dugo. Napatalon na lamang si Estella sa gulat nga may kung sinong tumapik sa kanyang balikat. Impit siyang napatili at nabitawan ang kanyang bayong.

"Estella! Kanina pa kita tinatawag. Hindi mo ba ako narinig?" mahinahong sita sa kanya ni Aling Chona.

" Hi-hindi niyo po ba iyon nakita?" nanginginig ang kanyang boses sa takot at kaba. 

 Napakunot-noo ito sa kanyang tanong, " Ang alin? Ano ba ang nakita mo?"

" S-sa may bintana. May nakatitig sa akin kanina."

Kahit papaano'y nagawa niyang hindi mautal habang ikinikwento kay Aling Chona ang nakita niya . Kaagad naman nitong sinundan ng tingin ang tinutukoy ni Estella.

" Wala naman. Baka guni-guni mo lang iyon. Hay, kabataan nga talaga. Ang dali niyong matakot."

" Pero nakita ko ho talaga. Nasa-," ibinalik niya ang tingin sa eksaktong pwesto kung saan niya nakita ang malahalimaw na mga mata ngunit parang bulang nawala na iyon doon. Tanging ang malaking bintana lang ang naroon na tila ba nakatitig din sa kanya pabalik. 

" Huwag ka kasing maniwala sa pinagsasabi ng mga tao tungkol sa El Grande. Tara na nga at siguradong gusto ka ng makita ni Senyora."

                                                                            ~*~

HABANG papasok sila sa loob ng mansyon ay naisip niyang baka nga tama si Aling Chona. Baka guni-guni niya lang ang malahalimaw na mata sa may bintana. Isa pa ay simula ng pagdating niya dito ay napapraning na siya dahil sa mga kwento ng katatakutang naririnig niya tungkol sa El Grande. Huminga siya ng malalim at ikinalma ang kanyang isipan. 

Nang marating na nila ang pintuan papasok ay kumatok muna si Aling Chona upang ianunsyo ang kanilang pagdating. Umingit ang seradura at iniluwa nito ang nakakunot-noong mukha ng isang matandang babae. Maayos na nakapusod ang kulay abong buhok nito. Ni wala ni isang hibla ng buhok man lang ang nakatindig. Tindig at postura pa lang nito ay nagpapakita na sa kanilang dalawa ni Chona ay mas mataas ang katungkulan nito sa mansyon. Matindi ang kaniyang titig kay Estella na parang sinisiyasat ang kanyang buong pagkatao. Kaagad niyang inilayo ang kanyang mga mata dito

" Hindi ba't ilang beses na kitang pinaalalahanan na huwag na huwag mong paghintayin si Senyora Celeste?," sita nito kay Aling Chona. Napapiksi naman ang isa dahil sa tinig nitong puong-puno ng panumnumbat .

" Eh kasi Manang Elsa-----," magdadahilan pa sana ito ngunit kagyat ding pinutol ng matanda.

" Naku, nakipagkwentuhan ka na naman doon sa katulong ng mga Ramirez sigurado. Chona, hindi gusto ni Senyora na nakikipagkaibigan ka sa kung kani-kanino lang. Walang tabas pa naman ang dila mo at kung ano- ano ang ikinekwento mo doon tungkol sa mga Valiente. Tandaan mo ano ang lugar mo sa pamamamahay na ito. May responsibilidad tayong protektahan at hindi dungisan ang pangalan nila. Naiintindihan mo ba?"

"Opo."

Halos manigas naman ang katawan ni Estella ng ibinaling ni Manang  Elsa ang mababagsik na mga mata nito sa kanya.

" Ikaw naman, ija. Sana ay tandaan mo din ang mga sinabi ko. Ipinagbabawal sa ating tagasilbi ng pamilyang ito ang makipagkaibigan o makipag-usap sa kung kanino lang lalo na sa mga katulang nga ibang pamilya sa El Grande."

Napakunot-noo si Estella at ibubuka sana ang bibig upang magtanong kung bakit ngunit hindi na niya nagawa pa.

" Huwag ka ng magtanong at sundin mo na lang. Simula ngayon ay pagsunod sa kahit anong utos sa pamamahay na ito ang gagawin mo. Hindi mo kailangang magtanong kung bakit dahil iyon ang responsibilidad mo. Naiintindihan mo ba?"

Tumango-tango na lamang siya sa lahat ng sinabi ni Nana Elsa kahit na may ilang daang katanungang naglalaro sa kanyang isipan.

" Halika at hinintay ka na ni Senyora Celeste sa itaas." Inakay siya nito papasok at saka muling bumaling kay Aling Chona, " At ikaw naman Chona, mag handa ka na ng tanghalian."

Nang tuluyan na siyang makapasok sa mansyon ay kaagad na dumapo ang kanyang paningin sa engradeng entrasuelo. Nakahilera sa gilid nito ang ilang mga litrato ng pamilya Valiente. Ilan sa mga ito ay kuha sa ibang bansa. Magarbo ang kanilang mga kasuotan at naghuhumiyaw sa pera at kapangyarihan. Sa pinakatuktuk ng hilera ang litrato ng pamilya. Mas malaki ito kumpara sa iba na katamtaman lang ang laki. Kahit na medyo luma na iyon ay hindi pa rin maitatangi ang magandang lahi ng mga Valiente. Napapagitnaan sina Senyor at Senyora ang kanilang mga anak, isang babae at dalawang lalaki. Naglalaro ang kanilang edad sa pagitan ng sampu at dose. Mapapansin din ang pagkakahawig nila. Ang kanilang abuhing mata ng kanilang ama ay namana ng nakakatandang lalaki at nakababatang lalaki. Habang ang ikalawang batang lalaki ay mas kahawig ng kaniyang ina. Kulay asul ang mga mata nito, manipis ang mga labi at nasa perpektong angulo ang ilong. Kasing kulay ng langit tuwing malapit nang bumaba ang araw. Mahinahon at malamlam.

Inilayo ni Estella kaagad ang kanyang mga mata sa litrato nang mapansin ang isang eleganteng babae ang pababa ng engrandeng escalera . Animo reyna itong nakatanaw sa sinasakupan niyang kaharian. Lumapit ito sa kanila. Otomatikong napayuko ang kanyang ulo sa presensya nito. Doon niya lang din napansin na wala itong kahawig sa kung sino man ang nasa litrato.

Nabuburdahan ang suot niyang baro at saya ng makukulay na disenyo. Halata rin ang mataas na kalidad ng tela nito . Ang kaniyang pustura ay mapagmataas habang ang walang pintas nitong mukha ay diretsong nakatitig sa kanyang kabuuan. Natigilan siya at kaagad na inayos ang ilang hibla ng buhok sa kanyang mukha. Hindi maipagkakaila ang disgusto sa mukha ng Senyora dahil kanyang pananamit.

MsDayDreamer99

Hi ! If you are reading this story, thank you so much for giving this a shot. I am a newbie writer here hehehhehe. I hope you enjoy this story as much as I enjoy writing it. Constructive criticism is welcome so feel free to comment. I will update everyday except for Sunday, will decide the time later as of now my writing schedule is not yet fix. And also, I will be publishing another book here on Goodnovel , its the same genre but more modern ( it is the reason why I was not able to add chapters on this one >_<).

| Like

Kaugnay na kabanata

  • Nuestro Amore ( Our Love)   Kabanata lll: Ang Estranghero sa Kakahuyan

    ~*~ “ ITO ba ang bagong katulong?” tinitigan siya nito mula ulo hanggang paa na para bang hinahamak ang kanyang kaluluwa. " Opo, Senyora. Siya si Estella at simula ngayon ay maninilbihan na siya sa mansyon." Bahagya siyang siniko ni Nana Elsa at pinandilatan ng mata dahil nakatitig lang siya sa babae. Sa tanang buhay niya ay ito pa lang ang unang beses na kinabahan siya sa presensya ng isang tao. Kaagad naman siyang napayuko upang magbigay galang sa Senyora. “Mukhang masunurin din naman. Siguraduhin niyong alam niya ang kaniyang lugar sa pamamahay na ito,” anito sa mahinahon ngunit ma-otoridad at nagbabantang boses. Napalunok na lamang si Estella ng laway upang pawiin ang paniigas ng kanyang kalamnan dahil sa sinabi nito. " Sa tingin nyo, Manang. Ilang buwan kaya ang kakayanin ng batang ito?" Hindi niya parin inaalis ang kaniyang titig sa kanya. May pangahahamak din ang paraan niya ng pagsasalita. Hindi lingid sa kanyang kaalaman na mag-iisang buwan pa lang ang dati nilang katulong

    Huling Na-update : 2022-07-13
  • Nuestro Amore ( Our Love)   Kabanata lV: Latay

    ~*~ DAPIT-HAPON na nang magising si Estella. Halos lamunin na ng dilim ang buong kalangitan. Napansin din niyang bigat ng kanyang ulo at katawan ngunit sa kabila noon ay nagawa niyang makabangon. Kailangan niyang siguraduhin kung ayos lang si Clara. Lumabas siya ng kubo at pumasok sa mansyon. Dumaan siya sa volada mula sa kusina patungo sa comenador. Habang humahakbang ang kanyang mga paa sa nagnining na sahig ay rinig na rinig niya ang galit na tinig ni Senyora Celeste mula sa sala . “ Akala ko ba pipi ka lang ngunit bingi ka rin pala Clara?! Ilang beses ko bang sinabi sa iyo na hawag na huwag pupunta sa kakahuyan?” Nasurpresa si Estella sa paraan ng pagtrato ng Senyora Celeste sa sarili nitong anak. Ang akala niya sa mga katulong lang ito ganoon ngunit pati rin pala sa sarili nitong anak. Umaalingawngaw ang hikbi ni Clara sa bawat dingding ng mansyon. Nang marating niya ang pintuan ay otomatikong napatigil siya sa paghakbang. Pinakiramdaman muna niya ang buong sitwasyon na nagagan

    Huling Na-update : 2022-07-15
  • Nuestro Amore ( Our Love)   Kabanata V: Biktima

    "ESTELLA! ESTELLA!" Nagising si Estella ng maramdaman na may kung sinong yumuyugyug ng kanyang balikat at tumatawag ng kanyang pangalan. Si Aling Chona. " Magbihis ka na at sasamahan mo si Senyora sa bayan, " sabi nito. Tama ba ang narinig niya? Isasama siya ni Senyora Celeste sa bayan? O baka nanaghinip pa rin siya? Parang napakaimposible naman. Sigurado siyang dahil sa ginawa niya kahapon ay papaalisin na siya nito. Nagpabiling-biling siya sa banig at mas lalong niyakap ang kanyang unan. Kahit man lang sa huling araw niya sa mansyon nais niyang magkaroon ng masarap na tulog. " Si Aling Concha talaga nagbibiro. Eh babalik na ako sa amin mamaya," naantok na sagot niya rito. Nagpalinga-linga siya sa labas. Makapal pa ang dilim sa labas at nagsisimulang pa lang magising ang mga manok. Sa tantya niya ay alas tres pa lang ng madaling araw. Ipinikit niya muli ang kanyang mga mata. Marami pa naman siyang oras. Hindi na din naman kailangan pang mag-impake dahil tanging ang kanyang bayon

    Huling Na-update : 2022-07-15
  • Nuestro Amore ( Our Love)   Kabanata VI: Ang Halimaw

    ~*~ HINDI na nakasagot pa si Senyora Celeste kay Crispin na lihim namang ipinagbunyi ng loob ni Estella. Sa isang banda ay sumagi agad sa kanyang isip ang mga kwentong kanyang naririnig patungkol sa isla. Ang mga kadalagahang misteryosong nawawala at natatagpuan na lamang na walang buhay sa mga kakahuyan. Nanindig ang kanyang balahibo. Hindi kaya ay isa ang babaeng iyon sa tinutukoy sa kwento? Hindi. May indikasyon na nais na itago ng kung sino man ang pumatay dito ang kanyang bakas- na gusto nitong sirain ang kahit anong ebidensya. Subalit, hindi ito naging matagumpay dahil hindi nasunog ang bangkay ng babae. Malayong-malayo ang krimen na iyon sa naririnig niyang halimaw na gumagala sa isla at pumapatay ng mga kadalagahan. Kahit sinong tao ay kayang gawin ang ginawa nito. Naputol ang kanyang malalim na pag-iisp nang ang kanilang carruaje na ang sumunod sisiyasatin. Sinenyasan sila ng isa sa dalawang gwardiya sibil na bumaba. Pinangko niya si Clara at binitbit pababa ng carrua

    Huling Na-update : 2022-07-17
  • Nuestro Amore ( Our Love)   Kabanata VII: Ang Silid

    ___________ ISANG palahaw ang nagpabalik sa huwisyo ni Estella. Nanggaling iyon sa malaking aparador. Dahil sa ingay ay sumingasing ang pigura sa kanya. Kitang-kita niya ang matatalas nitong ngipin at pagkinang ng malahalimaw nitong mga mata. Nilakasan niya na lang ang kanyang loob at hinablot ang pinakamalapit na bagay sa kanya- ang isang gunting na nakapatong sa ibabaw ng mesita ni Clara. Hawak-hawak iyon ay sinugod niya ang pigura. Akmang itatarak na niya rito ang gunting nang tumalon ito sa bintana at naglaho sa dilim at ulan ng gabing iyon. Sa kanyang palagay ay lumipad ito papalayo dahil hindi niya itong nakitang lumapag sa lupa. Wala din itong iniwang bakas. Kaagad niyang isinara ang bintana at iniharang ang isang may kaliitang aparador doon. Nang maging panatag ang kanyang loob ay binitawan niya ang gunting at tinungo niya ang may kalakihang aparador. " Senyorita Clara?" tawag niya sa bata bago buksan iyon. Tumambad sa kanya ang takot na takot na si Clara. Nakasiksik ito sa g

    Huling Na-update : 2022-08-25
  • Nuestro Amore ( Our Love)   Prologo: Ang Nilalang ng Dilim

    Paalala Sa Mga Mambabasa: Ang akdang iyong mababasa ay hindi makatotohan at pawang kathang-isip lamang. Ang mga pangalan, tauhan, negosyo, lugar, kaganapan, lokal, at insidente ay produkto ng imahinasyon ng may-akda. Ang anumang pagkakahawig sa mga aktwal na tao, buhay o patay, o aktwal na mga kaganapan ay nagkataon lamang. ~MsDaydreamer~ ~*~ Pilipinas 1925... MAHIMBING na natutulog ang isang dalagita sa papag. Kailaliman na ng gabi at ang sikat ng buwan ay tumaagos sa pagitan ng mga maliliit na siwang sa tablang pumalibot sa kaniyang kwarto. Napabalikwas siya ng may narinig na may kung anong lumapag sa bubungan. Baka ibon o di kaya ay pusa. Ipinikit niyang muli ang kaniyang mga mata ngunit kaagad niya rin iyong imunulat ng makitang halos magkabutas ang pawid dahil sa mga paang naglalakad sa bubong. Kinabahan siya. Kung ano man ang inakala niya kanina ay paniguradong hindi kasing bigat ng mga paa n

    Huling Na-update : 2022-06-25
  • Nuestro Amore ( Our Love)   KABANATA I: Ang Katulong

    ~*~ NANG umandar ang kalesa ay hindi maiwasang manghina ni Estella. Iiwan niya ang nag-iisang lugar na kaniyang kinagisnan. Siguradong hahanap-hanapin niya ang bukang-liwaylaway na natatanaw niya sa kanilang bahay sa tuktuk ng bundok. Pati na ang paliligo nila sa batis ng kaniyang mga kaibigan. Huminga siya ng malalim at dinama ang mahinang pagdampi ng hangin sa kaniyang mukha. Madalas niya iyong gawin kapag nababahala o nalulungkot siya . Tila nabawasan ang isa sa ilang daang bagay na gumugulo sa kaniyang isip sa mga oras na iyon. Mag-aalas nuwebe na ng marating niya ang pwerto. Kahit na ilang beses na siyang nakapunta roon ay hindi pa rin siya nasasanay sa pinaghalong ingay ng mga tao at makina ngabapor. Nakakasulasok. Idagdag pa ang masangsang na amoy ng isdang nakapaloob sa mga banyera at amoy ng krudo. Tinungo niya ang parte ng daungan kung saan nakatigil ang mga bangkang tatawid papunta sa El Grande. Iyon na siguro ang pinakatahimik na bahagi ng pwerto. Mabibilang lang sa kamay

    Huling Na-update : 2022-06-25

Pinakabagong kabanata

  • Nuestro Amore ( Our Love)   KABANATA II: Ang Mga Mata sa Bintana

    ~*~ NALULA siya sa kwento ni Aling Chona. Espanya at Maynila. Para sa tulad niyang nagkamuwang sa piling ng bukid at walang katapusang kakahuyan, ang mga katagang iyon ay animo nababalot ng mahika. Hindi niya mapigilang isipin kung ano ang buhay ng mga tao sa mga lugar na iyon. Ang balutin ng karangyaan mula ulo hanggang paa. Ang pagsilbihan at ituring na parang isang makinang na ginto. Ang hangaan ng mga mga tao sa taglay na kagandahan at kayumian lalo na ng mga binatang nag-aral sa ibang bansa. Ngunit isang malabong pangarap iyon. Isang ilusyon na naghahari sa isang simpleng dalagitang tulad niya. Iwinaksi niya ang ganoong kaisapan. Hindi iyon mangyayari at isa pa hindi siya nandito para habulin ang mga bagay na iyon. Napaka-imposible. Itinuon niya ang atensyon sa labas ng carruaje mula sa maliit na siwang sa kurtina. Nahinuha niyang nasa laban na sila ng ari-arian ng mga Valiente dahil aninag na mula sa labas ang estruktura ng mansyon na kanilang pagmamay-ari . Hindi niya man iyon

  • Nuestro Amore ( Our Love)   KABANATA I: Ang Katulong

    ~*~ NANG umandar ang kalesa ay hindi maiwasang manghina ni Estella. Iiwan niya ang nag-iisang lugar na kaniyang kinagisnan. Siguradong hahanap-hanapin niya ang bukang-liwaylaway na natatanaw niya sa kanilang bahay sa tuktuk ng bundok. Pati na ang paliligo nila sa batis ng kaniyang mga kaibigan. Huminga siya ng malalim at dinama ang mahinang pagdampi ng hangin sa kaniyang mukha. Madalas niya iyong gawin kapag nababahala o nalulungkot siya . Tila nabawasan ang isa sa ilang daang bagay na gumugulo sa kaniyang isip sa mga oras na iyon. Mag-aalas nuwebe na ng marating niya ang pwerto. Kahit na ilang beses na siyang nakapunta roon ay hindi pa rin siya nasasanay sa pinaghalong ingay ng mga tao at makina ngabapor. Nakakasulasok. Idagdag pa ang masangsang na amoy ng isdang nakapaloob sa mga banyera at amoy ng krudo. Tinungo niya ang parte ng daungan kung saan nakatigil ang mga bangkang tatawid papunta sa El Grande. Iyon na siguro ang pinakatahimik na bahagi ng pwerto. Mabibilang lang sa kamay

  • Nuestro Amore ( Our Love)   Prologo: Ang Nilalang ng Dilim

    Paalala Sa Mga Mambabasa: Ang akdang iyong mababasa ay hindi makatotohan at pawang kathang-isip lamang. Ang mga pangalan, tauhan, negosyo, lugar, kaganapan, lokal, at insidente ay produkto ng imahinasyon ng may-akda. Ang anumang pagkakahawig sa mga aktwal na tao, buhay o patay, o aktwal na mga kaganapan ay nagkataon lamang. ~MsDaydreamer~ ~*~ Pilipinas 1925... MAHIMBING na natutulog ang isang dalagita sa papag. Kailaliman na ng gabi at ang sikat ng buwan ay tumaagos sa pagitan ng mga maliliit na siwang sa tablang pumalibot sa kaniyang kwarto. Napabalikwas siya ng may narinig na may kung anong lumapag sa bubungan. Baka ibon o di kaya ay pusa. Ipinikit niyang muli ang kaniyang mga mata ngunit kaagad niya rin iyong imunulat ng makitang halos magkabutas ang pawid dahil sa mga paang naglalakad sa bubong. Kinabahan siya. Kung ano man ang inakala niya kanina ay paniguradong hindi kasing bigat ng mga paa n

DMCA.com Protection Status