Lahat ng Kabanata ng Nuestro Amore ( Our Love): Kabanata 1 - Kabanata 8

8 Kabanata

Prologo: Ang Nilalang ng Dilim

Paalala Sa Mga Mambabasa: Ang akdang iyong mababasa ay hindi makatotohan at pawang kathang-isip lamang. Ang mga pangalan, tauhan, negosyo, lugar, kaganapan, lokal, at insidente ay produkto ng imahinasyon ng may-akda. Ang anumang pagkakahawig sa mga aktwal na tao, buhay o patay, o aktwal na mga kaganapan ay nagkataon lamang. ~MsDaydreamer~ ~*~ Pilipinas 1925... MAHIMBING na natutulog ang isang dalagita sa papag. Kailaliman na ng gabi at ang sikat ng buwan ay tumaagos sa pagitan ng mga maliliit na siwang sa tablang pumalibot sa kaniyang kwarto. Napabalikwas siya ng may narinig na may kung anong lumapag sa bubungan. Baka ibon o di kaya ay pusa. Ipinikit niyang muli ang kaniyang mga mata ngunit kaagad niya rin iyong imunulat ng makitang halos magkabutas ang pawid dahil sa mga paang naglalakad sa bubong. Kinabahan siya. Kung ano man ang inakala niya kanina ay paniguradong hindi kasing bigat ng mga paa n
last updateHuling Na-update : 2022-06-25
Magbasa pa

KABANATA I: Ang Katulong

~*~ NANG umandar ang kalesa ay hindi maiwasang manghina ni Estella. Iiwan niya ang nag-iisang lugar na kaniyang kinagisnan. Siguradong hahanap-hanapin niya ang bukang-liwaylaway na natatanaw niya sa kanilang bahay sa tuktuk ng bundok. Pati na ang paliligo nila sa batis ng kaniyang mga kaibigan. Huminga siya ng malalim at dinama ang mahinang pagdampi ng hangin sa kaniyang mukha. Madalas niya iyong gawin kapag nababahala o nalulungkot siya . Tila nabawasan ang isa sa ilang daang bagay na gumugulo sa kaniyang isip sa mga oras na iyon. Mag-aalas nuwebe na ng marating niya ang pwerto. Kahit na ilang beses na siyang nakapunta roon ay hindi pa rin siya nasasanay sa pinaghalong ingay ng mga tao at makina ngabapor. Nakakasulasok. Idagdag pa ang masangsang na amoy ng isdang nakapaloob sa mga banyera at amoy ng krudo. Tinungo niya ang parte ng daungan kung saan nakatigil ang mga bangkang tatawid papunta sa El Grande. Iyon na siguro ang pinakatahimik na bahagi ng pwerto. Mabibilang lang sa kamay
last updateHuling Na-update : 2022-06-25
Magbasa pa

KABANATA II: Ang Mga Mata sa Bintana

~*~ NALULA siya sa kwento ni Aling Chona. Espanya at Maynila. Para sa tulad niyang nagkamuwang sa piling ng bukid at walang katapusang kakahuyan, ang mga katagang iyon ay animo nababalot ng mahika. Hindi niya mapigilang isipin kung ano ang buhay ng mga tao sa mga lugar na iyon. Ang balutin ng karangyaan mula ulo hanggang paa. Ang pagsilbihan at ituring na parang isang makinang na ginto. Ang hangaan ng mga mga tao sa taglay na kagandahan at kayumian lalo na ng mga binatang nag-aral sa ibang bansa. Ngunit isang malabong pangarap iyon. Isang ilusyon na naghahari sa isang simpleng dalagitang tulad niya. Iwinaksi niya ang ganoong kaisapan. Hindi iyon mangyayari at isa pa hindi siya nandito para habulin ang mga bagay na iyon. Napaka-imposible. Itinuon niya ang atensyon sa labas ng carruaje mula sa maliit na siwang sa kurtina. Nahinuha niyang nasa laban na sila ng ari-arian ng mga Valiente dahil aninag na mula sa labas ang estruktura ng mansyon na kanilang pagmamay-ari . Hindi niya man iyon
last updateHuling Na-update : 2022-07-07
Magbasa pa

Kabanata lll: Ang Estranghero sa Kakahuyan

~*~ “ ITO ba ang bagong katulong?” tinitigan siya nito mula ulo hanggang paa na para bang hinahamak ang kanyang kaluluwa. " Opo, Senyora. Siya si Estella at simula ngayon ay maninilbihan na siya sa mansyon." Bahagya siyang siniko ni Nana Elsa at pinandilatan ng mata dahil nakatitig lang siya sa babae. Sa tanang buhay niya ay ito pa lang ang unang beses na kinabahan siya sa presensya ng isang tao. Kaagad naman siyang napayuko upang magbigay galang sa Senyora. “Mukhang masunurin din naman. Siguraduhin niyong alam niya ang kaniyang lugar sa pamamahay na ito,” anito sa mahinahon ngunit ma-otoridad at nagbabantang boses. Napalunok na lamang si Estella ng laway upang pawiin ang paniigas ng kanyang kalamnan dahil sa sinabi nito. " Sa tingin nyo, Manang. Ilang buwan kaya ang kakayanin ng batang ito?" Hindi niya parin inaalis ang kaniyang titig sa kanya. May pangahahamak din ang paraan niya ng pagsasalita. Hindi lingid sa kanyang kaalaman na mag-iisang buwan pa lang ang dati nilang katulong
last updateHuling Na-update : 2022-07-13
Magbasa pa

Kabanata lV: Latay

~*~ DAPIT-HAPON na nang magising si Estella. Halos lamunin na ng dilim ang buong kalangitan. Napansin din niyang bigat ng kanyang ulo at katawan ngunit sa kabila noon ay nagawa niyang makabangon. Kailangan niyang siguraduhin kung ayos lang si Clara. Lumabas siya ng kubo at pumasok sa mansyon. Dumaan siya sa volada mula sa kusina patungo sa comenador. Habang humahakbang ang kanyang mga paa sa nagnining na sahig ay rinig na rinig niya ang galit na tinig ni Senyora Celeste mula sa sala . “ Akala ko ba pipi ka lang ngunit bingi ka rin pala Clara?! Ilang beses ko bang sinabi sa iyo na hawag na huwag pupunta sa kakahuyan?” Nasurpresa si Estella sa paraan ng pagtrato ng Senyora Celeste sa sarili nitong anak. Ang akala niya sa mga katulong lang ito ganoon ngunit pati rin pala sa sarili nitong anak. Umaalingawngaw ang hikbi ni Clara sa bawat dingding ng mansyon. Nang marating niya ang pintuan ay otomatikong napatigil siya sa paghakbang. Pinakiramdaman muna niya ang buong sitwasyon na nagagan
last updateHuling Na-update : 2022-07-15
Magbasa pa

Kabanata V: Biktima

"ESTELLA! ESTELLA!" Nagising si Estella ng maramdaman na may kung sinong yumuyugyug ng kanyang balikat at tumatawag ng kanyang pangalan. Si Aling Chona. " Magbihis ka na at sasamahan mo si Senyora sa bayan, " sabi nito. Tama ba ang narinig niya? Isasama siya ni Senyora Celeste sa bayan? O baka nanaghinip pa rin siya? Parang napakaimposible naman. Sigurado siyang dahil sa ginawa niya kahapon ay papaalisin na siya nito. Nagpabiling-biling siya sa banig at mas lalong niyakap ang kanyang unan. Kahit man lang sa huling araw niya sa mansyon nais niyang magkaroon ng masarap na tulog. " Si Aling Concha talaga nagbibiro. Eh babalik na ako sa amin mamaya," naantok na sagot niya rito. Nagpalinga-linga siya sa labas. Makapal pa ang dilim sa labas at nagsisimulang pa lang magising ang mga manok. Sa tantya niya ay alas tres pa lang ng madaling araw. Ipinikit niya muli ang kanyang mga mata. Marami pa naman siyang oras. Hindi na din naman kailangan pang mag-impake dahil tanging ang kanyang bayon
last updateHuling Na-update : 2022-07-15
Magbasa pa

Kabanata VI: Ang Halimaw

~*~ HINDI na nakasagot pa si Senyora Celeste kay Crispin na lihim namang ipinagbunyi ng loob ni Estella. Sa isang banda ay sumagi agad sa kanyang isip ang mga kwentong kanyang naririnig patungkol sa isla. Ang mga kadalagahang misteryosong nawawala at natatagpuan na lamang na walang buhay sa mga kakahuyan. Nanindig ang kanyang balahibo. Hindi kaya ay isa ang babaeng iyon sa tinutukoy sa kwento? Hindi. May indikasyon na nais na itago ng kung sino man ang pumatay dito ang kanyang bakas- na gusto nitong sirain ang kahit anong ebidensya. Subalit, hindi ito naging matagumpay dahil hindi nasunog ang bangkay ng babae. Malayong-malayo ang krimen na iyon sa naririnig niyang halimaw na gumagala sa isla at pumapatay ng mga kadalagahan. Kahit sinong tao ay kayang gawin ang ginawa nito. Naputol ang kanyang malalim na pag-iisp nang ang kanilang carruaje na ang sumunod sisiyasatin. Sinenyasan sila ng isa sa dalawang gwardiya sibil na bumaba. Pinangko niya si Clara at binitbit pababa ng carrua
last updateHuling Na-update : 2022-07-17
Magbasa pa

Kabanata VII: Ang Silid

___________ ISANG palahaw ang nagpabalik sa huwisyo ni Estella. Nanggaling iyon sa malaking aparador. Dahil sa ingay ay sumingasing ang pigura sa kanya. Kitang-kita niya ang matatalas nitong ngipin at pagkinang ng malahalimaw nitong mga mata. Nilakasan niya na lang ang kanyang loob at hinablot ang pinakamalapit na bagay sa kanya- ang isang gunting na nakapatong sa ibabaw ng mesita ni Clara. Hawak-hawak iyon ay sinugod niya ang pigura. Akmang itatarak na niya rito ang gunting nang tumalon ito sa bintana at naglaho sa dilim at ulan ng gabing iyon. Sa kanyang palagay ay lumipad ito papalayo dahil hindi niya itong nakitang lumapag sa lupa. Wala din itong iniwang bakas. Kaagad niyang isinara ang bintana at iniharang ang isang may kaliitang aparador doon. Nang maging panatag ang kanyang loob ay binitawan niya ang gunting at tinungo niya ang may kalakihang aparador. " Senyorita Clara?" tawag niya sa bata bago buksan iyon. Tumambad sa kanya ang takot na takot na si Clara. Nakasiksik ito sa g
last updateHuling Na-update : 2022-08-25
Magbasa pa
DMCA.com Protection Status