“BEAUTIFUL as ever, Phi,” nakangiting puri sa kanya ni Mia pero tango lang ang sinagot niya.
Parang gusto niyang sabihn na mas mukha siyang naglalakad na zombie kaysa isang babae. Pero hindi na lang niya ito pinansin. Mas gusto niyang ipakita na dito ang mga natapos niyang canvass.
She’s very much confident with her works sa lahat ng hindi siya sigurado sa mundo sa mga artworks niya may 101% siyang tiwala.
“Wala ka nang dila, girl? `Kaloka,” reklamo nito.
Kimi naman siyang napangiti, Mia is one of her friends since college. Nagtayo ito ng isang maliit na gallery, na unti-unti na ring nakikilala nitong mga nakalipas na taon. Kaklase niya ito sa fine arts noong nagaaral pa siya ng kolehiyo pero hindi ito nahilig sa pagpipinta kung hindi sa pangongolekta ng painting. Kaya sa tulong ng mga trust fund na Grandparents nito, ay nakapagpatayo ito ng sariling business.
Local paintings ang binebenta nito na malaking tulong sa mga kagaya niyang hindi pang mainstream ang mga gawa. Kung tutuusin ay maswerte pa rin siya dahil takaw pansin ang mga gawa niyang painting sa hindi niya malamang kadahilanan.
Napatingin siya sa canvass niyang bahagyang nakabukas mula sa pagkakabalot sa manila paper. Kahit siya ay hindi rin maipaliwanag kung bakit, but every painting have a part of her soul as an artist kaya siguro some people were quite interested with it.
“Para namang hindi ka pa nasanay sa`kin,” aniya.
“Oo na. So I’ll display this later on kapag may nagkainteresado, babalitaan kita agad.”
“Kahit na wag na, just direct the money on my bank,” sagot niya. Hindi na nito kailangan pang mag-abala na impormahin pa siya, dahil kahit na anong sabihin nito ay hindi pa rin siya makikipagkita sa mga bumibili sa painting niya. Kahit na iilang ccollectors na ang nagsabi na gusto siyang makilala ng personal.
“Ikaw talaga, ang sungit mo pa rin.”
“Hindi ako masungit, nagsasabi lang ako, nang hindi mo na pinapahirapan ang sarili mo.”
“Sige na nga, sabi mo eh.”
“Mauna na ko, baka next week babalik ako para sa bagong painting na nagawa ko.”
“Ah, Oo nga pala, bago ko makalimutan may gusto nga pala akong ibigay sa`yo,” may inabot siya sa kanyang folder.
Kunot-noo niyang tinignan `yon, at hindi niya maiwasang mapakurap nang makita niyang isa `yong proposal para sa isang solo exhibit.
“May isang collector na gustong mag sponsor ng solo exhibit mo, girl magandang chance to to promote your works locally, malay mo naman may maka recognize sa`yo internationally `di ba? Sayang `to kung nagkataon.”
As much as gusto niyang maging excited siya rito ay hindi niya magawa isa pa hindi talaga siya mahilig makipag-socialize sa maraming tao. With how her power fluctuate without any notice. as much as possible she want to lessen contact with other people.
Huminga siya ng malalim. “I’ll think about it Mia, I have confidence with my works, but I think this is not yet the time para magkaroon ako ng ganito kalaking event with my career.”
Nakita niya ang disappointment sa mukha nito, pero wala siyang magagawa with how the way she is malabong mangyaring magkaroon siya ng normal na interaction sa ibang tao.
“Sure, besides, it’s an open proposal you can tell me anytime.”
“Open proposal? Ganon ba talaga ka desperate ang sponsor na `yan just to have my exhibit?”
“The sponsor is a huge fan of yours, dahil din sa kanya kaya unti-unti na ring nakikilala `tong gallery. So you can say, na para siyang Daddy Long Legs sa buhay mo,” nakita niya ang pag-ningning ng mga mata nito, na para bang nag-iimagine ng kung ano.
“Much more like, it was a thigh you need to latch on para kumita.”
“Grabe siya, ano tingin mo sa`kin mukhang pera? Bakit, kailan pa ko nagkaroon ng tatlong mukha na nakalagay sa isang libo?”
“Kilala mo ba ang tatlong tao na nasa isang libo?”
“Jose Abad Santos, Josefa Llanes Escoda at Vicente Lim.” awtomatikong sagot nito, na ikinangisi niya nang makita niyang pinamulahan ito ng mukha.
“Mauna na ko,” iiling-iling niya sabi, habang nakanguso naman ito dahil nahulog ito sa pang-aasar niya.
She put her dark shades on and making her gloves secured, she’s wearing a thin long sleeve shirt at black skinny jeans. This was her protective gear, para kahit na nadadaiti ang balat niya sa kahit na sino ay hindi basta-basta gagana ang kapangyarihan niya.
Wala kasi siyang kotse at `ni minsan ay hindi niya naisipan na bumili, tutal ay may grab app naman siya. Iyon ang madalas na ginagamit niya tuwing aalis siya ng Antipolo. Magastos, Oo, pero kung iyon ang paraan niya para maging komportable ay wala iyong problema sa kanya.
Naramdaman niya nag pangangalam ng sikmuta, kaya bahagyang nililis ang long sleeve niya para makita ang wrist watch niya.
Past twelve na pala, sanay na naman siya sa irregular na kain. Isa pa sigurado naman siyang nagtabi ng pagkain si Magi para sa kanya sa bahay.
Nagsimula na siyang maglakad nang isang lalaking nagmamadaling papasok sa gallery. Muntik na silang makabanggaan mabuti na lang at maagap siyang nakailag.
“Sorry,” the guy muttered walang lingon-likod itong nagmamadaling pumasok. Kaya hindi na niya nagawa pang makita nag mukha nito.
Ilang minuto pa at bigla siyang natigilan. His voice suddenly ring on her ears, as his scents linger in the air. It was the smell of peppermint.
Marahas siyang napalingon pero bulto na lang nito ang nakita niya. Hindi na rin siya nag-abala pa na sundan ito. Baka kasi nagkataon lang, pero kung iyon nga ang lalaking nasa panaginip. Ano naman ang sasabihin niya? Na nagkita sila sa panaginip? Kahit siya baka imbes na maniwala, baka ma-weirduhan lang ito sa sasabihin niya.
Ipinilig niya ang ulo kung ano-ano na lang ang pumapasok sa isip niya mas mabuti sigurong umuwi na lang siya.
Pero kahit na nagawa na niyang makasakay ng Grab taxi ay hindi pa rin mawala sa isip niya ang lalaki, Why? Iyon ang tanong na pumasok sa isip niya. It was nothing but a brief encounter, wala pa ngang kasiguraduhan kung ito ang lalaking matagal na niyang hinahanap.
Sa buong durasyon ng byahe niya ay hindi niya ito maialis sa isip niya. Hindi niya tuloy namalayan na palapit na siya sa destinasyon niya dahil sa kakaisip.
“HEY, Miss!” pigil ng isang boses kay Phoebe. Napapitlag siya, saka niya napansin na muntik na pala tumama ang mukha niya sa may poste. Nariin siyang napapikit, gusto niyang kastiguhin ang sarili niya sa sarili niyang katangahan pero pinigilan niya ang sarili.
“Are you okay?” nahamig na niya ang sarili nang lingunin niya ang nagsalita. Napakurap siya nang makita ang itsura nito, she neer judge people just by looking at their appearance but she’s too eye catching to describe.
From hair to her feet ay punong puno ng accessories, hindi pa naman pasko pero para itong naglalakad na Christmas tree. Pero sino nga ba siya para mangmata ng fashion ng ibang tao? Siya nga `tong naka longsleeve kahit na summer pa lang.
“I’m sorry?”
“`Kako, okay ka lang ba? Muntik ka nang h*****k sa poste,” nag-aalalang tanong nito.
Ito pa alng ang unang beses na nakita niya `to, kaya akala niya noong una ay pakitang tao lang ang ginagawa nito pero hindi. Kita niya kasi sa mga mata nito ang sincerity sa kabila ng mga weird na abubot na nakasabit dito.
Sasagutin na sana niya `to pero naunang magreklamo ang simura niya. Pinamulahan siya ng mukha, sa dami kasi ng iniisip niya ay nakalimutan na niyang kumain. Hindi naman niya magawang matignan ito ng diretso sa mata nang makita niya ang paglapad ng ngiti nito.
“Kumain ka na ba?”
Umiling lang siya.
“Kaya pala eh,” Sandali itong nag-isip. “Gusto mo bang sumama sa`kin?”
Nagtatanong ang mga matang nakatingin siya dito.
“May malapit na shop kasi ako dito it’s my lunch break, tamang-tama medyo napadami kasi ang order ko. Gusto mo bang kumain?” itinaas nito ang hawak na supot saka napalunok nang maamoy niya ang mga bagong lutong pagkain mula roon. Napahagikgik na lang ito sa naging reaksyon niya.
Para namna siyang tanga, kung basta na lang siya sasama sa total stranger `di ba? Pero bago pa siya makasagot ay nahawakan na nito ang may gloes niyang kama saka siya hinatak sa pinakamalapit na shop. Isang tingin pa lang niya alam na niyang kung hindi ito `don nagta-trabaho ay pagmamay-ari nito ang lugar.
Ganito ba talaga ang ibang tao? Basta na lang inaaya ang isang tao na kumain despite na hindi talaga siya nito kakilala?
But then feeling this warm hand beneath her gloves feels quite nice.
“By the way, my name is Fiper del Roje,” anito habang nakatingin sa kanya habang kumakain. Hindi talaga alam ni Phoebe ang nangyari sa nakalipas na mga sandali, the next thing she knew nasa loob na siya ng Love & Potions. Iyon ang shop na pinasukan nila nang basta na lang siya hatakin nito kanina. Sumalubong sa kanya ang mga nakahilerang estante na may mga nakalagat na naggagandahang accessories. Some are made of crystals and gems. Iyong sa tingin naman niya ay gawa ng silver at reak gold ay nakadisplay sa isang glass table malapit sa counter. She felt comfortable in the place, so comfortable na wala siyang maramdamang pagkaasiwa sa lugar. The place was bright, and the design are quite paano nga ba niyang pwedeng i-describe? Magical? It was a feeling na parang pumasok sa ibang mundo. Seeing how beautiful every single display on the place ang masasabi lang siguro niyang peculiar, ay ang mismong si Fiper. She could even be compared with Magi, sa una
SA pagmulat ng mga mata ni Phoebe ay nagulat siya nang makita ang liwanag na naglalagos sa labas. Noon niya napansin ang kumot na nakapatong sa kanya, at maayos na pagkapatong ng kumot sa katawan niya. Sandali siyang napakunot-noo nang maalalala niya ang mga nangyari. Naalimpungatan siya kinagabihan na ginigising ni Magi. Nakatulog na naman kasi siya sa may studio nang hindi niya namamalayan. Bumangon na siya at hindi niya maiwasang makaramdam ng ginhawa ito kasi ang unang beses na nakatulog siya nang matagal o nagigising dahil sa mga napapanaginipan niya. This time she dreamed nothing, as in wala, blangko napatingin siya sa suot na bracelet. Hindi kaya `to ang may dahilan kung bakit nakatulog siya ng maayos this time? Saka napansin niyang hindi siya ngayon ginising ni Magi, ibig sabihin ay hindi pa ito tapos sa trabaho, Inabot niya ang cellphone sa may bedside table, alas siete pa lang ng umaga. Ito yata ang unang beses na nagising siya ng gani
NAKAPANGALUMBABA si Phoebe sa may cashier counter ng Love and Potion kakatapos lang kasi niyang i-submit ang gawa kay Mia. Dapat ay si Magi ang kasama niya ngayon hindi ba noong isang araw lang ay naging buo na ang pasya niya para kilalanin ang lalaki sa panaginip niya? Ang kaso naman bigla itong may natanggap na emergency call nang araw ring `yon at wala itong magawa kung hindi pansamantalang munag ipagliban ang balak nilang dalawa. Hindi naman kasi siya marunong gumamit ng internet kaya malay ba niya kung paano mag-search `don? Kaya naman imbes na
NAPILI ni Jean ang card na lovers at agad naman iyong kinuha ni Phoebe. Hindi niya alam kung bakit pero may isang scene agad na pumasok sa isip niya. “Once you became a licensed Architect. “ nakita niya ang pagkagulat sa mukha into dahil wala naman itong sinasabi tungkol sa sarili nito. “Makikilala mo ang lalaking para sa`yo actually nasa tabi mo na siya for the whole time. Silently loving you from afar, waiting for you to achieve all your dreams because as far as he knows you are his dream. Don’t take him for granted dahil baka mawala pa siya sa`yo.”
“Kuya Leo saan lakad mo ngayon?” tanong sa kanya ng nakababatang kapatid na si Jean nang sumilip ito sa kwarto niya saka ito dumiretso sa kama niya at doon umupo. Inayos niya ang suot na kurbata habang kunot noong napalingon sa kapatid nito kasing mga nakaraang araw ay palagi itong nagtatanong kung saan siya pupunta kaya hindi niya maiwasang magtaka hindi naman kasi nito Gawain na itanong kung saan siya pupunta. &
“HERE at ATV News. Kasalukuyang inaapula ang apoy sa yateng sumabog ditto sa Manila Yatch Club na pagma-mayari ng businessman na si Domingo Del Valle. Ayon sa mga nakasaksi ay ilang metro lamang ang layo ni Leandro Toledo— na siyang ka-meeting ni Mr. Del Valle— nang bigla na lamang sumabog ang yate. Mabuti na lamang at parehong hindi nakarating sa tamang oras ang dalawa at walang nasaktan.” Pagtatapos ng video na pinanuod ni Phoebe sa cellphone ni Magi. Napabuntong-hininnga siya, hindi man live na nainterview ang binata ay nai-flash naman sa video ang picture nito na nakunan sa isang s
IT HAD been weeks since na nangyari ang insidente sa Manila Yatch Club malaki talaga ang pasasalamat ni Leo na walang nangyaring masama sa kanila ni Jean dahil kung nagkataon na napahamak ito kasama siya siguradong hindi niya mapapatawad ang sarili. Medyo nanahimik na ang press sa at hindi na siya masyadong kinukulit nitong mga nakaraang araw pero patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga pulis kung ano talaga ang nangyari. Nitong nakaraang linggo ay nagpatulong na siya kay Rion isa sa malapit niyang kaibigan na may sariling detective agency para sumagawa ng isang private investigation dahil sa totoo lang sa bagal ng pagiimbestiga ng mga pulis ay wala tal
“YOU like it?” nilingon niya si Mia habang nakaakbay na rito si Zen habang papalapit sa kanya. “How come hindi niyo nabanggit sakin na may bagong painting si Cassiopeia?” aniya habang hindi pa rin mapagkit ang tingin niya sa larawan. “It reall looks like me. Sinipat ni Zen ang painting. “Now that you mentioned it kahawig mo nga ang model nitong painting.”
“YOU know, when I say that I will sponsor your works as Cassiopeia, this is not what I meant.” Iyon ang reklamo ni Leo kay Phoebe habang papasok sila ng Illusions.Kung saan for the first time, her past works are displayed. Why past? Dahil hindi na siya nagpipinta in the mortal world, that is.Isang taon na ang nakakalipas simula noong sundan siya nito sa Witchester and from there on he didn’t turn back. On her, and on the things that she nneeded to face as a member of her family.Maraming tao ngayon sa loob ng gallery, para ngang ito lang ata ang unang pagkakataon niya na nakitang ganito karaming tao sa loob.But then sino nga bang hindi macu-curious sa fiancee ni Leonard Toledo? Na kasama nitong namatay sa isang car accident.
NATULOS si Phoebe sa kinatatayuan niya habang nakatingin siya kay Leo, habol nito ang hininga habang tagaktak ang pawis nito. Halata na tumakbo ito ng pagkalayo-layo para lang makita siyang muli. His eyes is saying it all, na para bang wala siyang malaking kasalanan na nagawa dito, yet he was here, and can’t believe that this is really happening. Bumaba siya sa kinatutungtungan, habang nakaalalay sa kanya ang mga fairies. There wings are fluttering excitedly as if they are watching something that is amusing on their eyes. Gusto niyang lapitan ito sabihin ang lahat ng mga gusto niyang sabihin, that she’s sorry, that she never meant this things to happened, and that she really loves him. Pero kahit na ba nakababa na siya sa bato a
PAGKAIBIS ni Leo sa sasakyan ay napatingin siya sa bakal na gate sa labas ng mansyon nila Magi. Hindi siya sigurado sa kung ano nga ba ang mangyayari pero alam niya sa sarili niyang hindi siya aalis sa lugar na `yon hangga’t hindi siya nakakagawa ng paraan para muli niyang makita si Phoebe.
NAGISING si Leo sa kanyang kwarto at hindi niya maiwasang mapangiwi nang maramdaman niya ang pagkirot ng ulo niya pakiramdam niya para sa siyang hang-over pero alam naman niyang kahit na ba nakainom siya ng wine ay malakas naman ang alcohol tolerance niya. Napatingin siya sa bintana at nakita niyang gabi niya kaya sigurado siyang hindi niya magagawang puntahan ang lugar na gusto niyang puntahan.
KANINA pa ni Leo gustong tigilan itong kahibangan na ginagawa niya, he’s been searching for hours pero wala siyang makitang bagay na hindi naman pamilyar sa kanya. Nakit aniyaang pagkalito sa mukha ng mga katulong dahil sa ginagawa niya pero sinabihan na lang niya ang mga ito na hayaan na lang siya. Mukha naman kasi siyang tanga kung sasabihin niya sa mga ito hindi niya alam kung ano ang hinahanap niya.
LEO felt tired it was the first thing that he noticed after he got out of the hospital. Kaya nga hindi na siya nagtataka kung bakit mas pinili siya ng kapatid na magpahinga siya trabaho giving him a force vacation. May mapagkakatiwalaan namna siyang tao sa companya kaya hindi na rin niya kailangan pa ng mga dapat alalahanin pa ang kompanya.
LEO felt something weird, na para bang may nanunuod sa kanya pero alam naman niyang mag-isa lang siya sa loob ng opisina. There maybe CCTV inside pero matagal na `yong nakalagay dito pero kakaiba itong nararamdaman niya. Natigil siya sa pagsusulat sa dokumento na hawak niya habang parang bigla na lang bumilis ang pintig ng puso niya. It was as if its telling something to him pero hindi naman niya maintindihan `yon.
“INIISIP mo na naman siya `no?” hindi mapigilan na magitla ni Phoebe sa tanong na `yon ng kanyang ina. Sandaling umalis ang kanyang ama dahil sa tawag mula sa magical device nito kaya napagiwanan silang dalawa sa tabi ng talon. Tumango na siya tutal naman kasi ay totoo ang sinasabi nito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin kasi ttalaga mawala sa isip niya si Leo kahit na anong gawin niya, kahit na saan siya pumunta parang hidni pa rin siya makatakas sa nararamdaman niya para sa binata.
HINDI maiwasang mapakunot ng noo si Erebus nang walang sumalubong sa knaya pag-uwi inagahan pa man din niya ang pagtatapo lahat ng mga trabaho niya sa opisina para makasama niya ang magina niya sa mga natitirang oras pero hindi niya maiwasang magtaka kung bakit walang tao. Napansin agad ng isang tagapag-silbi nila ang pagdating niya at inabot ang mga gamit niya.