Share

Witchy tale: The Oracle's Dream
Witchy tale: The Oracle's Dream
Author: Nadia Lucia

Chapter One

Author: Nadia Lucia
last update Last Updated: 2020-07-29 15:07:28

NAPABALIKWAS ng bangon si Phoebe sa kinahihigaan, rinig niya ang matinis na tunog sa tenga niya, kasunod ng malakas na pagkabog ng kanyang puso. Wala sa sariling nahagod niya ang d****b nanginginig ang mga kamay niya, tumatagaktak ang kanyang pawis sa kabila ng malamig na hangin sa pumapasok mula sa capiz na bintana.

          Mariin siyang napapikit kasabay ng marahas na pagbuga ng hangin, kailangan niyang kumalma kaysa matakot sa mga nakikita niya sa kanyang panaginip.

          Nakaramdam siya ng panunuyo ng lalamunan kaya naman tumayo na siya at lumabas ng kwarto.

          Sumalubong agad sa kanya ang tahimik na kabahayan, sanay na siya doon dahil ilang taon na rin simula nang mawala ang kaisa-isang tao na matatawag niyang pamilya.

          Ipinilig niya ang ulo saka nagsimula nang maglakad. Kabisado na niya ang buong kabahayan kaya hindi na siya nag-abala pang magbukas ng ilaw, isa pa lumalagos ang liwanag ng buwan kaya hindi na sa kanya problema ang sobrang dilim na paligid.

          Pagbaba niya sa kusina ay kumuha siya ng baso bago binuksan ang ref at uminom ng tubig. Napangalahatian na niya ang iniinom, bago iginala ang tingin sa labas. Maraming tao ang ayaw mag-isa sa dilim, pero para sa kanya sa mga ganoon na pagkakataon ay doon lang siya nakakahanap ng kapayapaan.

          Sa mga ganitong pagkakataon pakiramdam niya ay normal siya at walang kakaiba sa kanyang pagkatao.

          Napabuntong-hininga siya, saka ibinaba ang baso sigurado siyang hindi na siya makakabalik pa sa pagtulog kaya naman nagdesiyon na lang siyang tunguhin ang studio na adjacent lang sa lumang bahay niya ditto sa Antipolo.

          Sumalubong sa kanya ang amoy ng mga pintura, bahagya siyang napangiti nang makapasok siya sa lugar na itinuring na niyang munting paraiso. Umupo siya sa harap ng blankong lona at isinawsaw ang hawak niyang brotsa sa paleta. Hanggang unti-unti na niyang hinayaan ang sarili na malunod sa sariling imahinasyon. Sunod na lang niyang namalayan na isang pamilyar na mukha na naman ng isang lalaki ang naipinta niya.

          Hindi niya ito kilala at lalong kahit na minsan ay hindi pa niya ito nakita, ang hindi lang niya maintindihan ay ang paulit-ulit nitong paglitaw sa mga panaginip niya.

          Ilang taon na rin ang lumilipas pero wala pa ring siyang nakukuhang pangalan ng lalaki.

          Her dreams are like a silent movies, they move as if they don’t have actions, and talk was if they don’t have voices. Sinubukan niyang itong hanapin, pero wala naman siyang ideya kung saan nga ba siya magsisimula.

          Nang mamatay ang Lolo Tatay niya ay iniwan na nito sa kanya ang bahay kung saan siya lumaki, maging ang pera na pwede na niyang magamit sa buong buhay niya. Hindi siya palaalis, maliban na lang kung ipapasa na niya ang mga artworks niya para ibenta.

Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit ang lalaking `yon ang nakikita niya sa kanyang panaginip. May ipinapahiwatig kaya `yon? O sadyang nagkataon lang?

Napabuntong-hininga na lang siya minsan kasi kahit na anong gawin niya ay hindi pa rin masagot ang tanong sa isip niya. Kung bakit nga ba simula nang magkamuwang siya ay iba na siya kaysa sa pangkaraniwang tao.

She had a gift pero madalas na sinasabi niyang isang sumpa ang ganitong klaseng kapangyarihan. She can dream about the future minsan kapag tulog siya minsan naman kahit na gising siya ay bigla na lang dadating ang pangitain sa isip niya.

Hindi ba ilang beses na rin niyang sinabi sa sarili niya na ayar niya ng ganito? Ayaw niyang tinatawag na kakaiba, gusto lang niya ng normal na buhay pero sabi ng Lolo Tatay niya ay isang biyaya to para makatulong sa iba.

Pero hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay kaya niyang tumulong minsan pa nga may mga taong tumitingin sa knaya na para bang siya ay may dahilan ng kamalasan sa buhay nila kahit ang totoo ay hindi naman talaga siya.

 Wala sa sariling napatingin siya sa kakatapos lang na larawan, wala sa sarilin napasandal na lang siya sa kinauupuan.

Nitong mga nakaraang araw ay palala ng palal ang mga napapanaginipan niya tungkol dito na minsan parang nasa bangungot na siya pero hindi naman niya alam  kung papaano ito hahanapin at kung makita nga niya ito sigurado ba siyang paniniwalaan siya nito sa mga sinasabi niya.

Hindi madaling tanggapin ang mga sinasabi niya pero gusto baka naman may dahilan kung bakit niya ito napapanaginipan. Hindi ba at sinabi sa kanya ng kanyang lolo na may mga bagay sa mundong `to na may dahilan o kaya may koneksyon sa isa’t-isa?

Wala sa sariling napatingin siya sa lahawan at agad na tumutok ang mata niya sa parang buhay na buhay na painting na nagawa niya. Minsan kahit siya ay hindi maiwasang maasiwa na para sa saing lalaking hindi niya kilala ay masyadong detilyado ang pagkakaguhit niya dito.

Ipinilig niya ang ulo mas mabuti saka wala sa sariling napatingin sa bintanang capiz nang mapansin niyang mag-uumaga na pala at naririnig na niya ang pagtilaok ng mga manok mula sa di kalayuan.

Ramdam na niya ang mahinang dapyo ng hangin at ang amoy ng alimugmog sa umaga. Kahit na hindi niya aminin ay ito ang sisa sa pinaka paboritong oras niya sa buong araw kahit na ba minsan ay hindi niya namamalayan ang pagdating nito.

Tumayo na siya sa kinauupuan saka nag-inat muling nakaramdam na naman siya ng antok siguro mabuting matulog na muna ulit siya at sa pagkakataon na `to hiniling na lang niya na wala na muna siyang masamang panaginip nakikita,

Masyadong unpredictable ang kapangyarihan niya, pero kahit papaano nitong mga nakalipas na taon ay unti-unti na niyang natututunang kontrolin iyon. Minsan hinihiling niya n asana may makilala siyang kagaya rin niya.

Nang kahit papaano ay masabi niya sa sarili niyang hindi siya nag-iisa na kahit na ganito siya may mga taong tatanggapin pa rin sa kanya sa kung ano at sino talaga siya. Siguro pangarap na lang `yon para sa kanya pero mahirap ang nag-iisa minsan nga hindi rin siya sigurado kung hanggang saan pa nga ba ang kaya niya.

Iyon ang mga katagang na isip niya nang muli niyang balikan ang kanyang kama. Hindi nga lang niya akalain na sa susunod na mga araw ay unti-unti na ring magbabago ang mundong nakasanayan niya.

Related chapters

  • Witchy tale: The Oracle's Dream    Chapter Two

    “PHOEBE,,, Phoebe!” napakunot siya nang noo nang makarinig ng pagtawag sa pangalan niya. Sa naaalala niya ay wala naman siyang kasama sa bahay kaya bakit may tumatawag sa pangalan niya? Lalo namang walang multo dito kaya parang napakaimposible nang mga naririnig niya. Dahan-dahan niyang ibinukas ang mga mata at sumalubong sa kanya ang pamilyar na ceiling. Hindi uso sa kanya ang aircon lalo pa at may mabinin

    Last Updated : 2020-07-29
  • Witchy tale: The Oracle's Dream    Chapter Three

    “BEAUTIFUL as ever, Phi,” nakangiting puri sa kanya ni Mia pero tango lang ang sinagot niya. Parang gusto niyang sabihn na mas mukha siyang naglalakad na zombie kaysa isang babae. Pero hindi na lang niya ito pinansin. Mas gusto niyang ipakita na dito ang mga natapos niyang canvass. She’s very much confident with her works sa lahat ng hindi siya sigurado sa mundo sa mga artworks niya may 101% siyang tiwala. “Wala ka nang dila, girl? `Kaloka,” reklamo nito. Kimi naman siyang napangiti, Mia is one of her friends since college. Nagtayo ito ng isang maliit na gallery, na unti-unti na ring nakikilala nitong mga nakalipas na taon. Kaklase niya ito sa fine arts noong nagaaral pa siya ng kolehiyo pero hindi ito nahilig sa pagpipint

    Last Updated : 2020-07-30
  • Witchy tale: The Oracle's Dream    Chapter Four

    “By the way, my name is Fiper del Roje,” anito habang nakatingin sa kanya habang kumakain. Hindi talaga alam ni Phoebe ang nangyari sa nakalipas na mga sandali, the next thing she knew nasa loob na siya ng Love & Potions. Iyon ang shop na pinasukan nila nang basta na lang siya hatakin nito kanina. Sumalubong sa kanya ang mga nakahilerang estante na may mga nakalagat na naggagandahang accessories. Some are made of crystals and gems. Iyong sa tingin naman niya ay gawa ng silver at reak gold ay nakadisplay sa isang glass table malapit sa counter. She felt comfortable in the place, so comfortable na wala siyang maramdamang pagkaasiwa sa lugar. The place was bright, and the design are quite paano nga ba niyang pwedeng i-describe? Magical? It was a feeling na parang pumasok sa ibang mundo. Seeing how beautiful every single display on the place ang masasabi lang siguro niyang peculiar, ay ang mismong si Fiper. She could even be compared with Magi, sa una

    Last Updated : 2020-07-30
  • Witchy tale: The Oracle's Dream    Chapter Five

    SA pagmulat ng mga mata ni Phoebe ay nagulat siya nang makita ang liwanag na naglalagos sa labas. Noon niya napansin ang kumot na nakapatong sa kanya, at maayos na pagkapatong ng kumot sa katawan niya. Sandali siyang napakunot-noo nang maalalala niya ang mga nangyari. Naalimpungatan siya kinagabihan na ginigising ni Magi. Nakatulog na naman kasi siya sa may studio nang hindi niya namamalayan. Bumangon na siya at hindi niya maiwasang makaramdam ng ginhawa ito kasi ang unang beses na nakatulog siya nang matagal o nagigising dahil sa mga napapanaginipan niya. This time she dreamed nothing, as in wala, blangko napatingin siya sa suot na bracelet. Hindi kaya `to ang may dahilan kung bakit nakatulog siya ng maayos this time? Saka napansin niyang hindi siya ngayon ginising ni Magi, ibig sabihin ay hindi pa ito tapos sa trabaho, Inabot niya ang cellphone sa may bedside table, alas siete pa lang ng umaga. Ito yata ang unang beses na nagising siya ng gani

    Last Updated : 2020-07-30
  • Witchy tale: The Oracle's Dream    Chapter Six

    NAKAPANGALUMBABA si Phoebe sa may cashier counter ng Love and Potion kakatapos lang kasi niyang i-submit ang gawa kay Mia. Dapat ay si Magi ang kasama niya ngayon hindi ba noong isang araw lang ay naging buo na ang pasya niya para kilalanin ang lalaki sa panaginip niya? Ang kaso naman bigla itong may natanggap na emergency call nang araw ring `yon at wala itong magawa kung hindi pansamantalang munag ipagliban ang balak nilang dalawa. Hindi naman kasi siya marunong gumamit ng internet kaya malay ba niya kung paano mag-search `don? Kaya naman imbes na

    Last Updated : 2020-07-31
  • Witchy tale: The Oracle's Dream    Chapter Seven

    NAPILI ni Jean ang card na lovers at agad naman iyong kinuha ni Phoebe. Hindi niya alam kung bakit pero may isang scene agad na pumasok sa isip niya. “Once you became a licensed Architect. “ nakita niya ang pagkagulat sa mukha into dahil wala naman itong sinasabi tungkol sa sarili nito. “Makikilala mo ang lalaking para sa`yo actually nasa tabi mo na siya for the whole time. Silently loving you from afar, waiting for you to achieve all your dreams because as far as he knows you are his dream. Don’t take him for granted dahil baka mawala pa siya sa`yo.”

    Last Updated : 2020-07-31
  • Witchy tale: The Oracle's Dream    Chapter Eight

    “Kuya Leo saan lakad mo ngayon?” tanong sa kanya ng nakababatang kapatid na si Jean nang sumilip ito sa kwarto niya saka ito dumiretso sa kama niya at doon umupo. Inayos niya ang suot na kurbata habang kunot noong napalingon sa kapatid nito kasing mga nakaraang araw ay palagi itong nagtatanong kung saan siya pupunta kaya hindi niya maiwasang magtaka hindi naman kasi nito Gawain na itanong kung saan siya pupunta. &

    Last Updated : 2020-08-01
  • Witchy tale: The Oracle's Dream    Chapter Nine

    “HERE at ATV News. Kasalukuyang inaapula ang apoy sa yateng sumabog ditto sa Manila Yatch Club na pagma-mayari ng businessman na si Domingo Del Valle. Ayon sa mga nakasaksi ay ilang metro lamang ang layo ni Leandro Toledo— na siyang ka-meeting ni Mr. Del Valle— nang bigla na lamang sumabog ang yate. Mabuti na lamang at parehong hindi nakarating sa tamang oras ang dalawa at walang nasaktan.” Pagtatapos ng video na pinanuod ni Phoebe sa cellphone ni Magi. Napabuntong-hininnga siya, hindi man live na nainterview ang binata ay nai-flash naman sa video ang picture nito na nakunan sa isang s

    Last Updated : 2020-08-02

Latest chapter

  • Witchy tale: The Oracle's Dream    Epilogue

    “YOU know, when I say that I will sponsor your works as Cassiopeia, this is not what I meant.” Iyon ang reklamo ni Leo kay Phoebe habang papasok sila ng Illusions.Kung saan for the first time, her past works are displayed. Why past? Dahil hindi na siya nagpipinta in the mortal world, that is.Isang taon na ang nakakalipas simula noong sundan siya nito sa Witchester and from there on he didn’t turn back. On her, and on the things that she nneeded to face as a member of her family.Maraming tao ngayon sa loob ng gallery, para ngang ito lang ata ang unang pagkakataon niya na nakitang ganito karaming tao sa loob.But then sino nga bang hindi macu-curious sa fiancee ni Leonard Toledo? Na kasama nitong namatay sa isang car accident.

  • Witchy tale: The Oracle's Dream    Chapter Fifty-Two

    NATULOS si Phoebe sa kinatatayuan niya habang nakatingin siya kay Leo, habol nito ang hininga habang tagaktak ang pawis nito. Halata na tumakbo ito ng pagkalayo-layo para lang makita siyang muli. His eyes is saying it all, na para bang wala siyang malaking kasalanan na nagawa dito, yet he was here, and can’t believe that this is really happening. Bumaba siya sa kinatutungtungan, habang nakaalalay sa kanya ang mga fairies. There wings are fluttering excitedly as if they are watching something that is amusing on their eyes. Gusto niyang lapitan ito sabihin ang lahat ng mga gusto niyang sabihin, that she’s sorry, that she never meant this things to happened, and that she really loves him. Pero kahit na ba nakababa na siya sa bato a

  • Witchy tale: The Oracle's Dream    Chapter Fifty-One

    PAGKAIBIS ni Leo sa sasakyan ay napatingin siya sa bakal na gate sa labas ng mansyon nila Magi. Hindi siya sigurado sa kung ano nga ba ang mangyayari pero alam niya sa sarili niyang hindi siya aalis sa lugar na `yon hangga’t hindi siya nakakagawa ng paraan para muli niyang makita si Phoebe.

  • Witchy tale: The Oracle's Dream    Chapter Fifty

    NAGISING si Leo sa kanyang kwarto at hindi niya maiwasang mapangiwi nang maramdaman niya ang pagkirot ng ulo niya pakiramdam niya para sa siyang hang-over pero alam naman niyang kahit na ba nakainom siya ng wine ay malakas naman ang alcohol tolerance niya. Napatingin siya sa bintana at nakita niyang gabi niya kaya sigurado siyang hindi niya magagawang puntahan ang lugar na gusto niyang puntahan.

  • Witchy tale: The Oracle's Dream    Chapter Forty-Nine

    KANINA pa ni Leo gustong tigilan itong kahibangan na ginagawa niya, he’s been searching for hours pero wala siyang makitang bagay na hindi naman pamilyar sa kanya. Nakit aniyaang pagkalito sa mukha ng mga katulong dahil sa ginagawa niya pero sinabihan na lang niya ang mga ito na hayaan na lang siya. Mukha naman kasi siyang tanga kung sasabihin niya sa mga ito hindi niya alam kung ano ang hinahanap niya.

  • Witchy tale: The Oracle's Dream    Chapter Forty-Eight

    LEO felt tired it was the first thing that he noticed after he got out of the hospital. Kaya nga hindi na siya nagtataka kung bakit mas pinili siya ng kapatid na magpahinga siya trabaho giving him a force vacation. May mapagkakatiwalaan namna siyang tao sa companya kaya hindi na rin niya kailangan pa ng mga dapat alalahanin pa ang kompanya.

  • Witchy tale: The Oracle's Dream    Chapter Forty-Seven

    LEO felt something weird, na para bang may nanunuod sa kanya pero alam naman niyang mag-isa lang siya sa loob ng opisina. There maybe CCTV inside pero matagal na `yong nakalagay dito pero kakaiba itong nararamdaman niya. Natigil siya sa pagsusulat sa dokumento na hawak niya habang parang bigla na lang bumilis ang pintig ng puso niya. It was as if its telling something to him pero hindi naman niya maintindihan `yon.

  • Witchy tale: The Oracle's Dream    Chapter Forty-Six

    “INIISIP mo na naman siya `no?” hindi mapigilan na magitla ni Phoebe sa tanong na `yon ng kanyang ina. Sandaling umalis ang kanyang ama dahil sa tawag mula sa magical device nito kaya napagiwanan silang dalawa sa tabi ng talon. Tumango na siya tutal naman kasi ay totoo ang sinasabi nito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin kasi ttalaga mawala sa isip niya si Leo kahit na anong gawin niya, kahit na saan siya pumunta parang hidni pa rin siya makatakas sa nararamdaman niya para sa binata.

  • Witchy tale: The Oracle's Dream    Chapter Forty-Five

    HINDI maiwasang mapakunot ng noo si Erebus nang walang sumalubong sa knaya pag-uwi inagahan pa man din niya ang pagtatapo lahat ng mga trabaho niya sa opisina para makasama niya ang magina niya sa mga natitirang oras pero hindi niya maiwasang magtaka kung bakit walang tao. Napansin agad ng isang tagapag-silbi nila ang pagdating niya at inabot ang mga gamit niya.

DMCA.com Protection Status