Home / Paranormal / Adamantine's Eyes / Chapter 1-The Girl Who Can See Ghosts

Share

Adamantine's Eyes
Adamantine's Eyes
Author: KnightOfSilverSky

Chapter 1-The Girl Who Can See Ghosts

Author: KnightOfSilverSky
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Pasado alas singko y media na ng umaga. Bagamat ito yung tipo ng kasarapan ng tulog ng mga tao ngunit para sa akin ito ang oras upang magbanat ng mga buto. Napansin kong nasa gitna pa ng kasarapan ng tulog sina Kuya Eli at Ate Gneiss. Kinuha ko ang aking tuwalya at pumasok sa banyo. Nakipagtitigan ako sa tubig na nasa may timba dahil ramdam ko ang lamig sa oras na dumampi ito sa aking balat. 

"Buwiset na buhay naman 'to oh!" ang aking sabi at isinabit ko ang aking tuwalya bago lumabas ng banyo. 

Nagpakulo na ako ng mainit na tubig dahil hindi ko kaya ang lamig ng tubig sinabayan pa ng simoy ng hangin na nagmumula sa labas. Habang naghihintay ako na kumulo ang tubig ay napansin kong may bata na nagtatago sa may tabi ng bigasan. Lumapit ako at napansin kong si Lorraine iyon. Sa pagkakaalala ko ay nagkaroon ito ng lagnat at maghapon siyang nagpapahinga sa kwarto. 

"O Lorraine, wala ka na bang lagnat? Anong ginagawa mo rito? Masyado pang maaga!" ang sabi ko. 

Akmang sisipatin ko ang kanyang noo upang tingnan kung wala na siyang lagnat. Ngunit laking gulat ko nang tumagos ang aking kamay. 

"Ate Ada! Tulungan mo ako! Natatakot na ako! Ang dami ko na pong nakikitang multo! Ayaw ko po sa kanila!" ang naiiyak na sabi ni Lorraine.

Kinilabutan ako at dali-daling nagpunta sa kwarto ng mga bata. Agad akong lumapit kay Lorraine at napansing inaapoy ito ng lagnat. Kinapa ko ang pulsuhan nito at napansin kong nanghihina na ito. Tumakbo ako sa headquarters ni Mother Superior pang humingi ng tulong. Pagdating ko sa headquarters ni Mother Superior at sunud-sunod kong kinatok ang kanyang kwarto. Wala na akong pakialam kung mabulabog ko ang ibang madre dahil prayoridad ko ngayon ang mailigtas si Lorraine. 

"Mother! Tulungan niyo ako! Si Lorraine po!" ang patuloy kong pagsigaw.

Nakita kong nakapantulog pa si Mother nang buksan niya ang pinto. 

"Sandali lang! Ano bang nangyayari?" ang nagtatakang tanong ni Mother.

Nataranta rin ang ibang madre dahil sa lakas ng aking pagkakakatok. 

"Mother si Lorraine po! Inaapoy po ng lagnat at humihina na rin po ang kanyang pulso!" ang naiiyak kong sabi.

Parang mga nakababata kong kapatid ang mga bata sa ampunan kaya naman mahalaga silang lahat para sa akin. Agad kaming nagsitakbuhan sa kwarto upang tingnan ang lagay ni Lorraine. Pagdating namin sa kwarto ay kinokombulsyon na si Lorraine kaya nataranta ang mga madre. 

Binuhat nila si Lorraine at agad isinakay sa sasakyan upang dalhin patungo sa ospital. 

Pagkatapos ng komosyon kanina ay bumalik na ako sa kusina. Naabutan kong nagsisimula nang sumipol ang takure kaya naman agad kong pinatay ang kalan. 

Lumapit naman sa akin ang kaluluwa ni Lorraine. Mukhang matindi talaga ang kondisyon niya sa puntong naggagala siya bilang isang kaluluwa.

"Ate Ada, maiba ako. Paano mo ako nakikita?" ang tanong ni Lorraine.

Halos mapatalon ako sa aking kinatatayuan nang itanong sa akin iyon. Kahit ako ay hindi ko rin alam kung ano ang aking isasagot. Umupo ako sa upuang monoblock at tiningnan siya.

"Alam mo Lorraine may mga bagay talaga sa mundo na mahirap ipaliwanag. Kahit ako ay hinahanap ko pa rin ang sagot sa tanong na iyan. Dahil hanggang ngayon, patuloy ko pa ring tinatanong ang diyos kung bakit sa dinami-raming tao sa mundo eh ako pa ang binigyan ng ganitng klaseng abilidad,"ang sabi ko.

Napansin ko na naglalaho na ang kaluluwa ni Lorraine. Senyales na bumubuti na ang kanyang katawan at maaari na siyang bumalik doon. 

"Lorraine, lagi mong tatandaan. Kasama mo lagi ang diyos. At kahit na anong mangyari ay lagi kang magpapasalamat sa kanya at lagi mong tatandaan na hindi ka niya pababayaan," ang sabi ko kay Lorraine bago siya tuluyang mawala.

Agad kong kinuha ang takure at isinalin ang laman nito sa isang timba ng tubig. Napaluha na lamang ako habang naliligo dahil may nailigtas na naman akong buhay. Ayaw ko nang maulit pa ang nakaraan na nakita kong kinuha ng taga-sundo ang kaluluwa ni Father Juan. Naalala ko pinigilan ko pa sina Father na umalis pero pinigilan ako ni Father. Ang sabi kasi niya hindi ko dapat baguhin ang mga bagay na dapat mangyari. Dahil maaari lang nitong masira ang balanse ng mundo. Wala na akong nagawa nang piniling lumisan ni Father Juan sa mundong ibabaw.

Binilisan ko ang pagligo at agad akong nagbihis ng damit. Sinimulan kong gisingin ang mga bata dahil oras na nang kanilang paggising. Katulad ng dati, ay pinilit kong maging masaya sa tuwing gigisingin ko sila.

"Rise and shine, mga bata!" ang sabi ko at hinawi ko ang mga kurtina.

Dahan-dahan silang bumangon at nag-ayos ng kanilang mga pinaghigaan. Napansin ko na tahimik ang isang batang lalaki sa may sulok. Siya si Fred ang batang laging kalaro ni Lorraine.

"Ate nasaan po si Lorraine?" ang tanong ni Fred at luminga-linga ito sa paligid.

Umupo ako sa tabi ni Fred. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala para sa kaibigan.

"Hayaan mo, bibisitahin natin si Lorraine mamaya. Kaya ikaw, ligpitin na natin ito at saka maligo ka na kasi ang bantot mo na,"ang sabi ko kay Fred sabay pisil sa kanyang pisngi.

Agad namang sumunod si Fred at binilisan niya ang pagiimis. Nagpunta naman ako sa kusina at tumulong na ako kay na Kuya Eli. Kinuha ko ang apron at sinimulang magtadtad ng mga gulay. 

"O Ada,hindi ba ngayon ang unang araw mo sa kolehiyo? Bakit narito ka pa?" ang tanong ni Ate Gneiss.

Napatingin naman ako sa aking relo at nagulat ako nang makita kong pasado alas otso na ng umaga. Ay putek! Dahil sa nangyari kanina nalimutan ko na ang oras. Agad akong nagspray ng pabango at kinuha ang aking mga gamit. 

"Ate Gneiss! Kuya Eli! Aalis na po ako!" ang sigaw ko at nagmamadali akong umalis. 

Lumabas si Kuya Eli sa kusina at saka iniabot sa akin ang baon kong pagkain. 

"Mag-ingat ka sa pagpasok mo. Madami pa namang balasubas sa school,"ang paalala ni Kuya Eli.

"Sila ang mag-ingat sa akin. Sanay akong makipagbugbugan sa kanila,"ang sabi ko at saka sumakay sa bisekleta.

Binilisan ko ang pagpadyak dahil kung hindi ay maghuhuli ako sa pagpasok ko sa Colegio De Santa Carmen. Ang tagal ko din hinintay ang pagkakataong ito na makapagtapos.

Nang makarating na ako sa bike park ay agad kong kinadena ang aking bisikleta lalo na't talamak pa naman dito ang mga sira ulo. Binilisan ko ang aking paglalakad lalo na't nasa pang-limang palapag pa naman ang aming classroom. 

Pagdating ko sa classroom ay nagkakagulo ang mga kaklase ko dahil may nangyari daw sa kabilang building. Ilalapag ko na dapat ang aking bag nang makita kong may tinta ng ballpen ang nakakalat sa mismong upuan. Pinalitan ko ang upuan at saka ako umupo. Mga tao talaga rito, hindi talaga nila iniisip ang kahalagahan ng tamang asal. 

Umubob ako dahil masakit ang ulo ko. Kaya pakiusap ko lang naman ay tapalan nila ang kanilang mga bibig. Nagulat ako nang biglang may bumato sa akin ng libro.  Napatingala ako at hinanap ko ang bumato ng libro.

"Sinong may sabing maaari kang matulog dito?" ang tanong nito.

Napabuga ako nang hangin dahil hindi ko inakalang may isang tao ang nagtangkang umubos ng pasensya ko ngayon. 

"Sa pagkakaalala ko ang paaralan ang pangalawang tahanan kaya sa tingin ko naman ay pwede akong matulog basta't walang klase. At sa pagkakaalala ko, wala tayo sa perya upang magwala na parang mga tanga,"ang sabi ko.

Nagpantig ang kanyang mga tenga. Napansin kong napalunok silang lahat sa aking naging sagot. Bakit porket siga na siya sa paaralang ito ay may karapatan na siyang maghari-harian. Pwes nagkakamali siya. Pinulot ko ang libro at saka hinampas sa kanyang pagmumukha. 

Ibinabalik ko lang ang pabor sa kanya. Huwag niya akong susubukan. Baka bigla akong magpatulong sa mga multong nasa paligid niya.

Kinewelyuhan ako ng mokong dulot na rin siguro lakas ng pagkakahampas ko sa kanya.

"Alam mo bang ikaw lang ang bukod tanging kumalaban sa akin? Gusto mo bang matikman ang sakit ng katawan?" ang tanong niya.

Napatingin ako sa likuran niya at nakita ko ang isang magandang babae. Nasa edad kwarenta na ang edad nito at kita ko ang lungkot sa kanyang mga mata.

"Nakikiusap ako, pigilan mo si Gray. Hindi ko hinangad na lumaki siya sa ganitong klaseng mundo," ang naiiyak na sabi ng multo.

Tiningnan kong muli ang lalaking kaharap ko. Hay naku, tulungan ko na nga lang ang multo. 

"Alam mo, may hitsura ka sana. Ang kaso katulad ng pangalan mo, walang kabuhay-buhay ang mga mata mo. At kung nakikita ka ng Mommy mo, hindi siya matutuwa, Gray,"ang sabi ko at kumalas ako sa kanyang pagkakakwelyo.

Bakas sa mga mata niya ang pagkagulat at muli niya akong hinatak. 

"Sa pagkakaalala ko, hindi naman ako nagpapakilala sa'yo. Paao mo nalaman ang pangalan ko?" ang tanong niya.

Hinatak ko ang kanyang ID lace at saka pinulupot sa kanyang leeg.

"Uso magbasa rito, tanga," ang sabi ko at saka tinulak ang mokong.

Napaubo naman si Gray kaya naman bumalik ako sa aking upuan. Kung inaakala niyang magpapaapi ako sa kanila nagkakamali siya. Hindi ako ganung klaseng tao. Hind ako ipinanganak upang maging mahina sa mundong ito.

Nang matapos ang klase para sa araw na iyon ay nagtungo na ako sa bike park para kunin ang bisikleta ko ngunit laking gulat ko nang makita kong flat na ang mga gulong nito at pingkot ang ilang parte nito dahil sa sinasadyang pagsira dito. Huminga ako nang malalim dahil pinipigilan ko ang sarili ko na makapatay ng tao ngayon dahil sabi nga ni Father Juan ay masama iyon.

"Father naman eh. Kung mga tangang tao rin lang ang makakasalamuha ko sa araw-araw ay ipasundo niyo na lang ako kay kamatayan!"ang sigaw ko.

Nakita kong lumapit ang babae kanina. Hinawakan niya ang aking bisikletang sinira ng kanyang napakagaling na anak. 

"Pagpasensyahan mo na ang aking anak na si Gray. Simula kasi nang mamatay ako ay napabayaan siya ng kanyang Daddy. Abusado kasi ito kaya lagi siyang binubugbog noong bata pa siya. Ayaw kong makitang nakikitang nagkakaganito ang aking anak. Malamang sinisisi niya pa rin ang kanyang sarili dahil sa pagkamatay ko," ang sabi ng babae.

Napailing naman ako. Kung misyon ko rin lang na baguhin ang ugali ng tukmol na iyon ay mas gugustuhin ko na lang bumalik ng ampunan. 

Nakita kong dumaan ang isang asul na kotse. Bumukas ang bintana at nakita kong nakangisi si Gray. Napahalukipkip na lang ako at pinipigilan kong magsabi ng mga bad words pero dahil sa naalala kong sinira ng tangang ito ang bisikleta ko ay isasantabi ko na lang ang pagiging laking ampunan ko dahil sa hayop na ito.

"Salamat sa talaga ha. Hindi ko inakalang magkakaroon ako ng kaklaseng kasing walang kwenta ng kanyang ama," ang sabi ko at ang ngising pinakita niya sa akin ay unti-unting napalitan ng galit. 

Nagpasya na lang akong maglakad pauwi dahil aabutan lamang ako ng dilim sa daan kung patuloy akong maghihimutok sa pagkasira ng aking bisikleta. Mahalaga rin sa akin ang bisikletang iyon lalo na't regalo iyon sa akin ni Father Juan.

Bumaba siya ng kotse at hinabol ako. Hinatak niya ang aking kamay at agad ko naman iyong binawi. Kung anuman ang problema niya sa kanila ay huwag niya sanang dalhin dito sa paaralan.

"Anong sinabi mo?" ang tanong ni Gray.

Napataas ang kilay ko dahil sa lalaking ito. Hindi lang pala uso ang tanga dito pati rin pala ang pagiging bingi.

"Walang kwenta katulad ng ama mo. Hindi ba namatay ang Mom mo dahil lagi kang binubugbog ng Daddy mo? Bakit hindi mo inilabas ang tapang mo noong sinasaktan ng Daddy mo ang Mommy mo? Eh di sana buhay pa ang Mommy mo. Ah nga pala, duwag ka nga pala pagdating sa Daddy mo pero matapang ka kapag ibang tao na ang kaharap mo!" ang sigaw ko.

Naikuyom niya ang kamao niya at sinuntok ang puno sa likuran ko. 

"Paano mo nalaman ang tungkol dun? Sino ka ba talaga?" ang tanong niya.

"Tanga! Nag-introduction tayo kanina, ni hindi mo man lang pinakinggan ang pagpapakilala natin?" ang pabalang kong sagot.

Halatang nagpipigil ng galit si Gray. Hindi ko rin alam ang isasagot sa kanya kung paano ko nalaman ang tungkol sa Mommy niya.

"Ang tinutukoy ko ay ang tungkol sa Mommy ko! Paano mo nalaman?" ang sigaw ni Gray.

Itinulak ko papalayo si Gray. Wala na akong pakialam kung magmumukha akong baliw.

"Nakakakita ako ng kaluluwa! Masaya ka na? At kanina noong nag-aaway tayo sa classroom, nandoon ang kaluluwa ng Mommy mo at nakikiusap na baguhin ang ugai mo!" ang sigaw ko. 

Tumingin ako sa kaluluwa ng Mommy ni Gray. 

"Pasensya na po kayo ha! Pero kung ipapabago niyo man ang ugali ng anak ninyo. Mukhang napakaimposible! Eh mas matigas pa ang puso nito kaysa sa mga antigong simbahan eh!" ang sigaw ko.

Umalis na ako dahil naiinis akong isipin na posibleng baguhin ang ugali ng lalaking iyon! Pasado ala singko y media na ako nakarating sa ampunan. Nagulat ako nang salubungin ako ng mga bata.

 

"Ate Ada!" ang tawag sa akin ng mga bata. 

"O, kumain na ba kayo?" ang tanong ko.

"Opo, Ate. Ate tingnan mo 'to oh!" ang sabi ni Chloe at ipinakita ang kanyang mga drawing. 

Napangiti naman ako dahil napawi ang galit ko. Sabay-sabay kaming nagpunta sa hapag-kainan at naabutan ko sina Mother na naghahanda ng hapunan. Tumulong naman ako sa paghahanda ng mga pagkain upang makakain na ang mga bata. Lumapit ako kay na Sister Kat at Sister Serene. Gusto ko sanang alamin ang kundisyon ni Lorraine.

"Sister, kamusta na po si Lorraine?" ang tanong ko.

"Bumubuti na ang lagay ni Lorraine kahit papaano. Nasa PICU pa rin siya at patuloy na inoobserbahan ng doktor. Sa oras na magnormal ang kanyang mga lab test ay maaari na siyang ilipat sa normal na ward," ang sagot ni Sister Serene.

Nakahinga naman ako nang maluwag dahil sa sinabi ni Sister. Nagsimula kaming magdasal bago kumain. Nang imulat ko ang aking mata upang simulan ang pagkain ay laking gulat ko nang makita ko sa harapan ko ang kaluluwa ng Mommy ni Gray. Ano na naman ang kailangan niya?

"Ate Ada, okay lang po ba kayo?" ang tanong ni Fred.

"Ah ayos lang ako. Tara kain na tayo," ang sabi ko.

Nang matapos na kaming kumain ay tumulong ako sa paglilinis ng katawan ng mga bata at sinamahan sila papuntang chapel upang magdasal bago matulog. Simula kanina ay patuloy akong sinusundan ng kaluluwa ng Mommy ni Gray. Nang matapos na ang pagdadasal sa Chapel ay bumalik na ang mga bata sa kanilang mga kuwarto upang matulog.

"Good night, Ate Ada!" ang sabi ng isang bata. 

"Good night!" ang sabi ko at saka ako lumabas sa kwarto.

Lumingon ako sa may bench at nakita kong tinatanaw ng Mommy ni Gray ang kalangitan.

"Ang swerte ng mga batang ito sa iyo. Mayroon silang napakabuti na ate," ang sabi ng Mommy ni Gray.

"Maswerte si Gray at may mommy siya na katulad niyo," ang sabi ko.

Napatingin naman sa akin ang mommy ni Gray at napansin kong lumuluha siya. Maswerte si Gray dahil may nakagisnan siyang mommy. Ako nga dito na ako lumaki sa ampunan eh. Ni minsan ay walang nagtangkang umampon sa akin dahil sa kakaiba ang kulay ng aking mga mata. Ni impormasyon na magtuturo sa mga magulang ko ay wala rin. Siguro kaya ako inabandona ng mga magulang ko ay dahil na rin sa kulay lila kong mga mata. Siguro inisip nila na isang kamalasan lang ang maidudulot ko sa kanila kaya nila ako iniwan. 

Kung sakali mang bumalik sila sa buhay ko ay hindi ko na sila tatanggapin dahil wala na akong pakialam sa kanila. Hindi ko na sila hinahanap pa.

"Namimiss ko na ang anak ko, Ada. Gusto ko na siyang yakapin. Gusto kong itama ang kanyang mga pagkakamali pero hindi ko magawa. Wala akong magawa," ang sabi ng Mommy ni Gray.

Napabuntung-hininga na lang ako dahil patuloy ko lang maririnig ang pag-iyak ng Mommy ni Gray kung hindi ko siya tutulungan.

"Wala po ba kayong tiwala sa inyong anak? Sa pagkakataong ito, walang ibang tutulong sa kanya kundi ang sarili niya. Kung gusto niyang magbago, magbabago siya para sa sarili niya," ang sabi ko.

"Pero Ada. Anong gagawin ko? Paano siya babalik sa dati kong Gray?" ang tanong ng Mommy ni Gray.

Tumingala ako sa itaas at nakita ko ang kagandahan ng kalangitan. Hindi mo aakalain na pinagsamang helium at hydrogen ang mga bituin na isinaboy sa kalangitan.

"Nahuli po ba ang Daddy ni Gray?" ang tanong ko.

Umiling ang Mommy ni Gray. Kung ganun alam ko na ang magpapalambot sa puso ng tukmol na iyon. 

"Masyadong makapangyarihan ang Daddy ni Gray. May katungkulan siya sa gobyerno kaya lagi niyang natatakasan ang kanyang mga kaso," ang sabi ng Mommy ni Gray.

"Alam ko na po ang magpapalambot sa anak ninyo. Ang hustisya po para sa inyo. Alam kong may tutulong po sa atin," ang sabi ko.

Lumitaw ang isang lalaking multo sa harapan namin. Kapag may mga multong lumalapit sa akin at humihingi sila ng tulong ay si Calix ang katuwang ko sa paglutas. 

"Calix? Matutulungan mo ba ako?" ang tanong ko.

Ngumiti naman si Calix at narinig ko ang mahinang pagtawa nito.

"Malamang? Kailan ba ako tumanggi? Isa pa, hindi ba lagi mo akong ipinagdarasal kaya wala akong problema d'on," ang sabi ni Calix.

"May flashdrive ako na tinago sa kwarto ng anak kong si Gray. Nandoon lahat ng video ng mga taong sinaktan niya,"ang sabi ng Mommy ni Gray.

Nagkatinginan naman kami ni Calix. Baka sa oras na pinakuha ko sa kanya ang flashdrive ay baka himatayin sa takot si Gray.

"Pagkakataon na nating makuha iyon. Malamang tulog na sa mga oras na ito si Gray," ang sabi ng Mommy ni Gray.

"Calix, samahan mo siya. At mag-iingat kayo kahit tanga ang anak nito ay magaling makipagbugbugan ang lalaking iyon, maliwanag ba?" ang sabi ko.

Agad na umalis ang dalawa upang makuha ang flashdrive. Agad kong kinuha ang laptop ko at nagsimula na akong tipahin ang keyboard. Nagsimula na akong i-type ang mga e-mail at passcode ng aking blogsite. Ilang oras na lumipas ay wala pa rin yung dalawa. Saan na kaya yung mga yun?

Sumilip ako sa may bintana at nakita ko ang mabilis nilang paglipad. Lumabas ako ng kuwarto bitbit ang laptop ko.

"Ano nangyari? Bakit ang tagal niyo?" ang tanong ko.

"Nakuha namin ang flashdrive. Pero nawalan ng malay si Gray nang makita niyang lumulutang ang flashdrive," ang natatawang kwento ni Calix.

Nagpigil naman ako ng tawa dahil baka magising sina Sister. Sayang dapat pala sumama ako para napicturan ko ang mukha ng tangang iyon. Kinuha ko ang flash drive at nagtype ako ng code upang hindi ma-track ang aking web address. Ilang taon ko ring prinogram ang software na iyon at sa wakas ay nakumpleto ko rin ito. Isinalpak ko ang flashdrive at iniupload ko ito online. Ito na ang simula ng pagbagsak ng mapang-aping ama ni Gray.                              

  

Related chapters

  • Adamantine's Eyes   Chapter 2-The Paranormal Detectives

    Pasado ala singko kwarenta'y singko na ng umaga ng bumangon ako sa aking kama. Masyadong naging exciting ang nangyari kagabi dahil sa wakas ay nabunyag rin ang sekretong pinakalilihim ng ama ni Gray. Nagpakulo ako ng tubig upang magtimpla ng kape dahil dama ko pa yung antok na dumadaloy sa aking sistema. Binuksan ko ang tv at nakita ko ang balitang dinakip na si congressman dahil sa mga video na inupload ko. Patuloy niyang itinatanggi ang mga akusasyon sa kanya. Hindi ko alam kung saang lupalop kumukuha ng kapal ng mukha si Congressman at nagagawa niyang magsinungaling sa harap ng madaming tao. Nang kumulo na ang tubig ay isinalin ko iyon sa thermos at naglagay ako sa aking tasa. Dinama ko ang bawat patak ng aking kape. Naligo na rin ako upang maghanda patungo sa school. Naalala kong maglalakad nga pala ako ngayon dahil sinira ng tukmol ang aking bisikleta. Nagsimula na rin akong magtakal ng walong gatang ng bigas dahil marami-rami rin ang kakain ng almusal.

    Last Updated : 2024-10-29
  • Adamantine's Eyes   Chapter 3- The Grudge Of the Weak (Act 1)

    Mahimbing nang natutulog si Fred. Patuloy siyang binabantayan ng ibang madre. Idinulog na rin ni Sister sa pamunuan ng mga Exorcism priest ang insidente. Patuloy pa ring bumabagabag sa isipan ko ang sinabi ni Aurelia. "Ada, kumain ka na ba?" ang tanong ni Ate Gneiss. Bakas pa rin sa mukha niya ang pagkabahala dahil sa nangyari kay Fred kanina. Umiling ako bilang sagot. Sa dami ng mga nangyari kanina, tila nawalan na ako ng gana para kumain. Nagpunta ako sa silid na tinutulugan ko at saka binuksan ang laptop ko. Binuksan ko ang social media account ko at nakita ko ang dalawang friend request. Nagmula iyon kay Arius at Gray at agad ko namang inaccept iyon. Nagulat ako nang wala pang isang minuto ay nagchat si Arius. "Look, I'm just worried nang bigla mong binanggit yung pangalan ng kaluluwa. You should not be reckless next time and I'm sorry kung nasigawan kita,"ang sabi ni Arius sa message. Tinipa ko ang keyboa

    Last Updated : 2024-10-29
  • Adamantine's Eyes   Chapter 3-The Grudge Of The Weak (Act 2)

    Naalimpungatan ako dahil sa malamig na simoy ng hangin na nagmumula sa bintana. Nakakapagtaka dahil sa pagkakaalala ko ay sarado ang jalousie bago ako pumasok kanina sa kwarto bago matulog. Tumayo ako upang saraduhan ang bintana ngunit laking gulat ko nang makita ko si Fred na nakatayo sa labas ng kwarto ko at laking gulat ko nang bigla niyang batuhin ang bintana. Agad akong lumayo sa bintana upang hindi ako maabutan ng mga bubog nito. Agad kong kinuha ang phone ko sa mesa bago tuluyang tumakbo palabas ng kwarto.“Saan ka sa tingin mo pupunta?” ang tanong ni Fred.Mali. Hindi si Fred ang isang ito! Si Aurelia ito! Binilisan ko ang pagtakbo patungo kay Mother Superior. Kahit na hindi ako makahinga dulot ng aking pagtakbo ang mahalaga ay makaligtas ako mula kay Aurelia. Sunud-sunod kong kinatok ang pinto ng headquarters ni Mother Superior ngunit walang sumasagot.“Binalaan na kita! Hindi ka dapat nagtitiwala sa mga tao sa

    Last Updated : 2024-10-29
  • Adamantine's Eyes   Chapter 4- Danag (Act 1)

    Napapahikab ako habang nagrorosaryo sina Sister at Mother Superior. Siniko naman ako ni Sister Kat dahil napalakas ang hikab ko. Sinamaan naman ako ng tingin ni Mother Superior. Totoo nga sigurong hindi mapapalitan ng kape ang kulang kong tulog. Nagsorry naman ako kay Mother Superior at saka ipinagpatuloy nila ang pagrorosaryo. Napabuntung-hininga na lang ako dahil ang tindi ng pagod na inabot ko nang habulin ako ni Fred kagabi noong sinapian siya. Nang matapos na ang pagrorosaryo ay pabagsak akong napahiga sa kama.Ipinikit ko ang aking mata at sinimulang namnamin ang aking araw ng pahinga. Muli naman akong napamulat ng bombahin ng sunud-sunod na katok ang pinto ng kwarto ko. Ibinato ko ang unan ko sa kama at saka bumangon. Binuksan ko ang pintuan at nakita ko ang hyper na si Ate Gneiss. Sana all, may pahingang matiwasay. “Adamantine!" ang sigaw ni Ate Gneiss. “Bakit , Ate? May problema ba?" ang tanong ko kay Ate Gneiss habang kinukusot ko ang aki

    Last Updated : 2024-10-29
  • Adamantine's Eyes   Chapter 5-Danag (Act 2)

    Paulit-ulit na bumabalik sa isipan ko ang hitsura ng biktima ng pangalawang kaso. Hindi ko lubos maisip kung paano nagkaroon ng Danag sa campus. Isa pa, ayon kay Arius, hindi tulad ng ibang bampira ay hindi sila tinatatalaban ng sikat ng araw tulad ng mga napapanood sa mga pelikula. Sino bang mag-aakala na dahil sa kasong ito ay magbabago ang paniniwala ko tungkol sa mga bampira. Ayon kay Arius, maituturing na isang uri ng bampira ang mga Danag. Kasalukuyang na-kansela ang mga klase at nagkaroon ng emergency ang lahat ng facullty members ng lahat ng college department. Lumapit naman sa akin si Arius na nanatiling seryoso sa kaso."Okay ka na? You should've used to it. Posibleng hindi lang ito ang unang beses na maka-engkwentro ng kaso ng pagpatay. Hindi makukuntento ang Danag hangga't nabubuhay sila at hangga't may mabibiktima sila," ang sabi ni Arius.Napahilamos na lang ako dahil mukhang mauudlot pa yata ang mapayapang taong inaasam ko. Hindi naman na ako makakaurong

    Last Updated : 2024-10-29
  • Adamantine's Eyes   Chapter 5- Danag (Act 3)

    Naiiyak na lumapit sa akin si Quillia. Bakas pa rin sa kanyang mukha ang takot. Sino bang mag-aakala na ang paglabas mo sa gabi ang magiging mitsa pa ng kamatayan mo?"Tulungan mo ako! Hindi ko ginustong mamatay! Dapat talaga nakinig na lang ako kay Calla!" ang sabi ni Quillia."Teka sino ba si Calla?" ang tanong ko.Napatingin naman sa akin si Quillia. Lumingon-lingon ako sa paligid dahil baka mapagkamalan akong baliw at isiping bagong takas ako sa mental hospital."Ang mabuti pa ay bumalik tayo sa lumang building. Huwag kang mag-aalala ligtas ka sa amin. Isa kami sa nagsosolve ng kaso tungkol sa pagkamatay mo," ang sabi ko sa kanya.Nakita ko ang ka-aliwalasan sa kanyang mukha at agad siyang lumapit sa akin."Talaga? Tutulungan mo ako?" ang tanong ni Quillia sa akin.Tumungo naman ako. Napalingon naman ako sa aking likuran at nakita ko ang lalaking nakabunggo ko kanina."Pasensya ka na. Nagulat ba kita?" ang tanong nito

    Last Updated : 2024-10-29
  • Adamantine's Eyes   Chapter 5-Danag (Act 4)

    Nakaramdam ako ng kilabot nang marinig ko ang nakakakilabot na boses nito. Naging pula ang mga mata nito at humaba ang mga kuko nito. "Me. Re. Dith. Alam mo naman siguro na hindi pa naisisilang ang papatay sa akin hindi ba?" ang sambit ni Xander at wala pa sa alas kwatro ay nasakal niya na si Meredith. Nagpupumiglas si Meredith sa pagkakasakal ni Xander. Sinugatan naman ni Arius ang kanyang daliri at naririnig ko ang dasal na binabanggit niya sa ibang lenggwahe. Gumuhit ng pentagram si Arius sa hangin at hindi tulad nitong nakaraan ay naging kahel ang kulay nito na may halong dilaw. "Nam qui ducibus et protegat mundum es ingressus inIn luceat in tenebris et luceat per nos in tenebrisArmor libertatem et gladium iustitiae defendat ab omni maloMitte tuos custodes et auxilio nobis defendat nostri dilecto mundo Vocabo te Bathhala!" ang pagsambit ni Arius sa dasal at hinila niya mula sa loob ang isang espada na parang apoy ang kulay ngunit

    Last Updated : 2024-10-29
  • Adamantine's Eyes   Chapter 6-The Phantom Club First Activity: Villa Illumina (Act 1)

    Nagising ako sa pagsampal ng sinag ng araw sa aking mukha. Heto na naman at panibagong araw na naman ang aking sisimulan. Napatingin ako sa orasan at pasado alas otso na ng umaga. Wala ako sa wisyo upang magmadali kahit na alas otso na. Oo nga pala, wala akong pasok ngayon. Napangiwi naman ako nang may maramdaman akong mahapdi sa aking braso. Wala pa naman akong ginagawa at sa hindi malaman na dahilan ay wala naman akong naalala kung saan ko nakuha ang injury na ito. Ramdam ko ang aking pagod kahit na ilang oras na akong nakatulog. Pilit kong inaalala kung may napanaginipan ba akong kakaiba o wala. "Magandang umaga, Ada!" ang masayang bati ni Calix. Napatingin naman ako kay Calix na prenteng nakahalukipkip habang nakasandal sa pader ng aking kwarto. Naalala ko na naman ang gabing nakipagsagupaan siya sa Danag. Ni hindi rin nagkukuwento si Calix kung paano siya namatay. At lalong nagdagdag ng kanyang pagiging seryoso ay ang pinagmulan ng espadang ginamit niya la

    Last Updated : 2024-10-29

Latest chapter

  • Adamantine's Eyes   Epilogue

    Nakatayo sa isang helipad si Arius at lumapit sa kanya si Calix. Pinagmamasdan nila ang kagandahan ng siyudad sa kalaliman ng gabi bagamat hindi maipagkakaila na lumalaganap na naman ang organisasyon ng mga bampira na siyang tumutuligsa sa layunin ng mga spirit meisters at exorcists na panatilihin ang kaligtasan ng bawat lahi. Iniabot ni Calix ang isang crystal at tiningnan iyong maigi ni Arius. “Alam ba ni Ada ang ginagawa mo?”ang tanong ni Calix. “Wala ngayon si Ada. Nasa Singapore siya dahil sa may dinevelop siyang bagong program para sa mga exorcist,”ang sagot ni Arius at napailing si Calix sa sinagot nito. Nababagabag si Arius lalo na’t hindi pa handa ang mga naiwang miyembro ng Phantom Club upang labanan ang ganitong uri ng organisasyon. Para kay Arius ay ayaw na niyang maulit ang nakaraan dahil minsan na niyang nailagay sa kapahamakan ang buhay ni Ada. “Handa ka na ba, Arius?” ang tanong ni Calix. Ngumisi lamang si Arius at inilabas niya ang isang tarot card. Ang Ace

  • Adamantine's Eyes   Chapter 79-New Members of Phantom Club

    Huling taon na namin sa kolehiyo. Nagkahiwa-hiwalay kami ng klase dahil nga mga irregulars kami noong una kaming magkita nina Arius at Gray. Sino bang mag-aakala na ang mokong na si Gray ay isang mechanical engineering student at si Arius naman ay isang psychology student. Nahiya naman ako sa mga mokong dahil pang-ibang level ang kanilang mga utak. Hindi na ako magtataka kung bakit ganun na lamang ang kanilang mga pag-iisip. Kakatapos ko lang magpresent ng thesis at masasabi kong finally ang gradwaiting ay nag-level up na sa graduating! Totoo na talaga ito! Habang lutang pa ako sa dahil sa ilang buwan din akong puyat dulot ng revision ng thesis, bumangga ako sa isang pader. Mukhang wala nang epekto sa akin ang purong kape na iniinom ko. May nakakapa pa akong mala-pandesal na parte sa tiyan nito at nang lalayo na ako ay laking gulat ko nang bigla na lang siyang nagsalita. “You should looked on your way. I don’t know what Kuya Arius find interesting about you but you look plain,” ang s

  • Adamantine's Eyes   Chapter 78-The Last Embrace Of A Mother

    Bumabalik sa aking isipan ang mga nangyari sa Vesmir. Halos tatlong buwan na rin ang nakakalipas simula nang mabuo ang Phantom Club. Hindi ko lubos maisip na lilisanin na namin ang mundong iyon upang gawin ang aming tungkulin bilang member ng Phantom Club. Sa ilang buwan na pamamalagi namin sa Colegio De Santa Carmen ay maraming kaluluwa na rin ang natulungan naming makatawid sa kabilang buhay. Sa pagkakataong ito ay isang kaluluwa na lamang ang aming tutulungang makatawid sa kabilang buhay. Ang kaluluwang naging mahalaga para kay Gray. Si Tita Portia. Nakaupo kaming lahat sa sofa ng clubroom at hinihintay naming matapos ang pag-uusap ni Gray at Tita Portia. “Sigurado ka na ba, Gray? Kaya mo na ang mag-isa?” ang tanong ni Tita Portia habang umiiyak. Isa sa pinakamahirap na sitwasyon para sa isang ina ay ang iwan ang kanya’ng anak. Ngunit ito ang batas ng mundo. Kailangan niyang umalis upang makasama ang maykapal. Lalo na’t hindi dapat gumagala ang mga kaluluwang katulad niya. Tumun

  • Adamantine's Eyes   Chapter 77-Miss Amaranthine’s Farewell Letter

    Natulala ako sa sinabi ni Sebastian. Kung gan’on, hindi lang pala kami kay Calix magpapaalam? Nabalot ng katahimikan ang buong silid dahil sa hindi lang isa, kundi tatlong kaibigan pala ang magpapaalam sa amin. Mamimiss ko ang kaingayan ni Miss Amaranthine kapag lasing siya. Mamimiss ko ang pang-aasar ni Manong Curtis kay Miss Amaranthine. At higit sa lahat mamimiss ko ang pagiging masungit ni Calix sa araw-araw. Humihikbi ako dahil ang sakit sa pakiramdam na kailangan mong magpaalam sa kanila at hindi ko maisip ang isang araw na wala sila. “Ada, ilabas mo lang iyan. Alam kong masakit. Sana noon pa lamang ay may nagawa kami upang pigilan ang digmaan,. Ngunit may batas ang mundo ang ang aming sinusunod upang mapanatili ang balanse nito. Hindi lahat ng nagpapaalam ay malungkot. Isipin mo na lamang na ito ang simula ng panibagong yugto ng kanilang buhay,”ang sambit ni Mama. Pilit akong pinatatahan ni Mama. Nanumbalik sa akin ang mga panahon na kasama ko si Calix, si Miss Amaranthine

  • Adamantine's Eyes   Chapter 76- Farewell, Vesmir

    Nakaupo kaming lahat sa dining hall. Nakalapag sa harap namin ang isang red velvet cake. Katahimikan ang bumabalot sa paligid at ni isa sa amin ay walang gustong bumasag ng katahimikan. Hindi ako mahilig sa matamis dahil pinagcrecrave ko ngayon ay ang spicy omelette na laging niluluto ni Ada. Mahilig ako sa maanghang na pagkain.Pero sa sitwasyon ngayon hindi ko alam kung makaka Kumukulo ang dugo ni Haring Euthymius sa ginawa ni Arius kay Ada. Ikaw ba naman, mahuli mong maghahalikan ang anak mo at kanya’ng kaibigan. Pilit namang pinapakalma ni Cryon si Sebastian dahil nakarating sa kanya ang ginawa ni Arius na paghalik sa labi ni Ada. Tsk. Tsk. Iba talaga ang ganda ni Ada. “Kailan pa kayo may relasyon?”ang tanong ni Haring Euthymius. Nakapangingilabot ang boses ng papa ni Ada kaya hindi ko alam ang nararamdaman ni Arius. Pero kung sakaling mamatay si Arius dahil sa maaaring gawin ni Haring Euthymius sa kanya, good luck na lang sa kanya at bawi na lamang siya next life. Pero mukhang

  • Adamantine's Eyes   Chapter 75-I’m Back

    Nasa madilim na silid ako at nagmumukmok ako dahil pa rin sa pagkawala ni Calix. Hindi ko alam kung may lugar pa ba akong babalikan o makakaya ko bang harapin ang bukas kahit na wala na si Calix. Buong buhay ko ay lagi akong naka-depende kay Calix. Nakalimutan kong may pusong mortal si Calix at kailangan niya rin ng panahon para sa sarili niya. Nakarinig ako ng yabag at nakita ko ang isang magandang babae na may headdress na sungay. Maputla ang kanya’ng balat at mas mapula pa sa dugo ang kanya’ng labi. Purong itim ang kanya’ng kasuotan at may gintong tungkod siyang hawak. “Hanggang kailan mo balak magmukmok sa lugar na ito?”ang tanong niya sa akin. Napatingala ako ngunit muli akong napatungo sa tuwing naalala kong halos masaktan ko sina Arius. “Hindi ko alam. Dahil hanggang ngayon, hindi ko pa rin napapatawad ang sarili ko sa pagkawala ni Calix,” ang sagot ko. Sa totoo lang, nahihiya ako dahil sa muntik na akong mamatay dahil sa pagiging makasarili ko. Ginawa nila ang lahat upang

  • Adamantine's Eyes   Chapter 74-God of Restoration

    Ilang araw din ang lumipas matapos ang digmaan sa pagitan ng mga Celestial at Astral Mages. Hanggang ngayon ay wala pa ring malay si Ada. Nagsisimula nang ibangong muli ng mga Celestial Mages ang kontinente ng Edoris para sa bagong simula. Tumutulong naman ang walumpu’t pitong constellation sa pagtatayo ng mga gusali. Ngayong wala na si Calix, hindi ko na alam kung may pag-asa pa bang mabuong muli ang mga constellation. Ang espadang ginamit ni Spigel upang paslangin si Calix ay aking itinabi sa lugar na hindi maaabot ng sino mang taga-Vesmir. Alam kong balang-araw ay magagamit ko iyon sa tamang panahon. Dumating si Lola Seraphine sa mundo ng Vesmir ngunit hindi sa kanya’ng matandang kaayuan.Nakabusangot naman si Lolo Elion dahil pinagmamasdan ng mga lalaking Celestial Mages si Lola Seraphine. Nang makita niya si Ada na nagpapahinga ay napailing na lamang siya. Sinilip niya ang kalagayan ni Ada kaya naman tumingin siya sa magulang ni Ada. “Hindi ko inakalang muli kong makikita ang bat

  • Adamantine's Eyes   Chapter 73- Adamantine’s Eyes

    Matapos ipikit ni Calix ang kanya’ng mga mata, nakita ko ang unti-unting paglalaho ng kanya’ng katawan. Inalog-alog ko ang kanya’ng katawan baka sakaling niloloko lamang ako ni Calix. “Calix, hindi magandang biro ito! Gumising ka! Huwag mo akong iwan! Di ba malakas! Huwag mo akong iwan!”ang sigaw ko. Hindi na muling iminulat ni Calix ang kanya’ng mga mata hanggang sa huling sulyap ko sa kanya’ng maamong mukha kapag tulog. Muling pumatak ang luha ngunit alam kong kahit na ano’ng gawin ko ay hindi na nito maibabalik ang buhay ni Calix. “Hindi na ako maiinis sa mga sermon mo! Kaya please lang imulat mo ang mga mata mo, Calix!” ang sigaw ko. Kahit na ano’ng sigaw ko, alam kong hindi na ako naririnig ni Calix. Hindi ko na maririnig ang kanya’ng sermon sa tuwing nagpapalit ako ng damit kahit na nasa loob pa siya ng kwarto. Hindi ko na maririnig ang kanya’ng pagsusungit sa tuwing may ginagawa akong kalokohan. Hindi ko naisip na darating ang araw na ito. Akala ko walang hangganan ang buhay

  • Adamantine's Eyes   Chapter 72-Chalice Bearer

    Sa pagsigaw ni Athaliah ng Constellation Code Spell, Nagliwanag ang walumpu’t walong constellation na siyang itinalaga ni Athaliah. Napalitan ng battle attire ang aming mga kasuotan na siyang matagal nang pinaghandaan ni Athaliah. “Ipagtanggol ninyo ang naapi! Ipaglaban ninyo ang tama! Para sa kinabukasan ng Vesmir!” ang sigaw ni Athaliah. Nagsimula ang pakikipaglaban namin sa mga Astral Mages. Ginawa kong espada ang tubig na nagmula sa kopita. Nakangisi naman si Phoenix habang sinusunog niya ang mga Astral Mages. “Handa ka na bang ipagpatuloy ang naudlot nating kompetisyon?” ang tanong ni Nether. Ngumisi lamang ako dahil sa tingin niya ba ay masyado na akong matanda para malimutan ang nasimulan namin? “Hindi ako ulyanin upang malimutan ang ating paligsahan, Nether, ”ang paalala ko sa kanya. Tumalsik naman sa aming harapan ang isang malaking shield at hinarangan nito ang isang malakas na atake mula kay Spigel. “Kung may panahon kayo upang magpaligsahan, sana ay may panahon r

DMCA.com Protection Status