Share

2: Ghost in School

 

 

Nababagot ako na nagdo-drawing sa likod ng aking notebook. Nagdi-discuss si ma’am pero walang nakikinig, nakakantok kasi siya magturo. Well, ano ba’ng aasahan niya sa class F? Tapos science pa ang tinuturo niya. Natuwa ako nang mag-ring na ang bell. Indikasyon na tapos ang klase.

 

"Class--" paninimula ni Miss Delisa, sa sobrang tuwa ko napatayo ako bigla.

 

"Dismissed. WOO!” dugtong ko sa sasabihin ni Ms. Delisa saka tumayo at ready ng umalis nang sawayin niya ako.  Naibaba kong muli ang aking bag. Saka ko na-realize ang kabastusan na nagawa ko. Napalingon ako sa classmates ko, nagpipigil sila ng tawa.

 

"Garcia, p’wede bang patapusin mo muna ako, excited masyado?" nagagalit na sabi sa akin ni Miss Delisa. Nagpameywang siya sa harap kaya naman napukaw namin ang atensiyon ng iba kong classmates. Nagtawanan sila habang tinuturo ako.

 

"Uwing-uwi na si panget ma'am! Hahaha,” pang iinsulto sakin ni Joshua, ang numero unong nang-aasar lagi sa’kin. Nagtawanan ulit sila.

 

Naningkit ang mga mata kong tinignan siya. Napaka- nya talaga, porque sikat siya sa room namin akala mo kung sino na. Oo nga chinito, matangkad at maputi sya. Eh ano naman? Masama pa rin ang ugali niya. Hindi ko talaga alam kung bakit itong si Joshua ay hilig akong asarin.

Umupo ulit ako at nag sorry sa teacher namin. Nakakahiya, halatang excited ako.

 

"Bago kayo umuwi. May homework akong ipapagawa sa inyo." She said as we all grunted. Homework na naman, hirap na nga kami intindihin ang mga sinasabi niya.

 

Napasimangot akong tumingin sa kanya. Umiling na lang ako na kinuha muli ang notebook ko upang mag take down note.

"Mag-interview kayo ng isang taong dumaan na sa heart break. Magtanong kayo sa kaniya at ilagay ang mga sagot niya sa isang journal, ipasa niyo sa’kin. Nasa sainyo na kung ano ang itatanong niyo sa kanila basta ang main question ay kung ano ang naramdaman niya."

 

Napanganga ako sa sinabi niya. Heart break? Science? Say what? Ano kayang magiging kinalaman no’n sa subject namin.

 

"Marami akong mapagtatanungan nyan, ma’am. Broken hearted kasi ‘tong mga kaibigan ko. Hahaha," sabi pa ni Joshua. "Mga hugot lines ma'am baka gusto mo?"

 

Inirapan lang sya ni ma'am tsaka nag dismiss ng klase. Dali-dali akong tumayo at tumungo na sa pinto nang harangin ako ni Joshua kasama ang tatlo niyang ugok na tropa. Kaya ayaw ko na mahuli ng paglabas dahil alam kong ganito ang mangyayari. Madalas niya akong hinihintay, hindi para ihatid o kung anuman kun’di para asarin ng walang humpay kasama ng mga kaibigan niya.

 

"Hoy, panget." Nakapamulsa pa siyang humarang sa akin at nakachin up.

 

Heto na sya. Napakapit ako sa bag ko, yakap-yakap ko ito kasi nasira kanina ang strap kaya binibitbit ko na lang. napayuko ako nang inilapit niya ang mukha niya sa akin.

 

"A-ano?" garalgal kong tanong.

 

"Ang ganda mo,” he said seriously.

 

Napatingin ako sa kaniya ng biglan. "H-ha?"

Totoo ba to? He said I'm beautiful? Omg! This can't be.

Alam kong siraulo siya pero gwapo naman. Kung looks lang naman ang pagbabasehan talagang walang panama ang iba sa almost perfect niyang mukha. OMG! Ibig sabihin ba, magiging boyfriend ko na sya? Jusko I can’t even. "Really? Nagagandahan ka sakin?"

 

Wala pa’ng nagsabi sa akin na maganda ako bukod sa mama ko. Kahit kailan never akong nasabihan ng ibang tao ng ganoon.

 

He was serious but he burst into laughter. ‘Yong tawa na parang mamamatay ka na, gano’n. Napahawak pa siya sa tiyan niya, animo nakarinig siya ng katatawanan na hindi niya makayanan. Nagsimula na rin tumawa ang mga kaibigan niya.

 

Napasimangot ako. Oo nga pala. Siya si Joshua, ang number one bully ng buhay ko. Potek! Muntik na akong maniwala.

Napabuntung-hininga ako na yumuko ulit. Ako nga pala si Flare, ang laging tampulan ng tukso, bakit ba kasi ako ang lagi nilang napagti-trip-an? Wala naman akong ginagawang masama sa kanila.

 

"Nakakatawa ka talagang panget ka! Hahaha! Funny-walain!" Nagpunas pa siya ng luha sa gilid ng  mga mata. Tuwang-tuwa ang loko. Gusto ko na lang talaga na bigla na lang maglaho sa harapan nila.

 

"Asa ka naman, manalamin ka kaya. Ang panget mo sobra!" Luke-Joshua's squad member said.

 

Alam ko naman na hindi o walang magkakagusto sa akin, hindi totoo ang sinasabi nilang ‘Love is blind’ at hindi ko rin alam kung bakit kailangan ko pa’ng umasa. Wala nga pala ako sa telenovela, nasa reyalidad nga pala ako kung saan ang mga magaganda lang ang napapansin at natatanggap sa lipunan.

 

"Ako? Gusto ka? Baka nangangarap ka pa,"nang-iinsulto niyang sabi.

 

Gusto ko siyang isubsob na lang sa sahig para hindi na siya magsalita kung anu-ano pero hindi ko p’wedeng gawin. Lalo lang lalakas ang loob nila na awayin ako.

 

"Haha. Pre, nananaginip na naman yata si ugly duckling eh!" Mark-his close friend said.

 

Joshua smirked. "Alam mo panget, kahit ikaw na lang ang nag-iisang babae sa balat ng lupa..." Inilapit niya ang mukha sa akin kaya napaangat ako ng tingin. Nakita ko ang mapang-insulto niyang mga mata. "Hindi kita magugustuhan, malahian pa ako ng panget no, Eww." Pandidiri niya sa akin.

 

Pakiramdam ko tutulo na ang luha ko nang ‘di oras ngunit pinigil ko lang. Yumuko na lang ako saka lumabas nang tuluyan sa classroom. Napakarami ko na namang kahihiyan na inabot ngayong araw, may mas lalala pa ba rito? Malayo na ako ngunit naririnig ko pa rin ang mga boses nila Joshua.

 

Pumunta ako sa garden. Umupo ako sa ilalim ng malaking puno ng mangga roon. Kapag doon ka umupo, tanaw na tanaw mo ang soccer field pati ang building ng college department.

 

Matatanaw mo rin ang mataas na pader na naghahati sa pagitan ng High School at College division. Sumalampak ako sa damuhan. Nag-indian seat ako saka tumingin sa langit, gusto ko nang umiyak pero ano nga ba’ng magagawa ng pag-iyak? Hinawakan ko ang mga damo at ibinaling na lamang doon ang inis ko. Atleast kahit papaano nakatulong ako sa school namin sa pagbubunot ng damo rito.

 

"Bwisit siya, ang yabang yabang nya. Porque ba may itsura siya e, ganu’n-gano’n na lang sya manghusga? Ang kapal," I hissed, I forcefully pulled the grass and even the roots went out. Wala akong humpay kakabunot sa mga inosenteng damo nang may marinig akong sumitsit.

 

"Pssstt."

 

Napalingon ako sa paligid, huminto ako sa pagbunot. Wala naman akong nakikitang tao na malapit sa akin. ‘Yung ibang students napapadaan lang naman. Busy rin sila kakatingin sa mga naglalaro ng  soccer sa ‘di kalayuan o kaya naman nakaupo sa bench malayo sa pwesto ko. Baka naman guni-guni ko lang. ipinagkibit balikat ko na lang. Pinagtuunan ko ulit ng pansin ang mga damo.

Baka naman hindi ako iyon.

 

"Pst."

 

Tumigil ako sa ginagawa ko at lumingon na naman sa kanan ko, supposed to be pinanggalingan ng sitsit.

 

PERO WALA NAMANG TAO!

 

"S-sino yan?" Kinakabahang tumayo ako at aglinga-linga. Baka naman sila Joshua na naman iyon, aba talagang hindi ako titigilan ng mga ‘yon ah. Hanggang dito ba naman pinagti-trip-an ako?

 

"Pst. Dito."

 

Lumingon ako sa kaliwa. Tumaas ang balahibo ko nang marinig ko ang boses niya. Alam niyo ‘yung boses na galing sa malamig na lugar? ‘Yong parang nangangatog pa. Nakakakilabot!

 

"Mali, dito sa kanan mo."

 

Lumingon naman ako. Wala pa rin namang tao. Gusto ko ng tumakbo paalis pero naku-curious din ako sa kung sino man ang taong iyon. Pakiramdam ko lalaki siya kaya baka si Joshua lang din iyon.

 

"Oops. Sorry sa kaliwa pala."

 

"Nang-aasar ka ba? tantanan mo ako wala ako sa mood ah," asar kong sabi but deep inside kinakabahan na ko. Ang layo ko sa mga students, hindi ako makahingi ng tulong kung sakali mang masamang tao sya. Napahawak ako sa puno ng mangga na malapit sakin.

 

Nasaan ba siya? Bakit hindi siya magpakita? Bukod sa puno na sinasandalan ko may isa pang puno ng mangga ‘di kalayuan sa puwesto ko. Mga dalawang dipa ang layo sa akin. Inisip ko na baka doon siya nagtatago.

 

Bigla na lang lumakas ang ihip ng hangin. Nagdala iyon ng sensasyon sa buong katawan ko. Nilamig ako parang gusto ko magkumot bigla, hinangin nang malakas ang buhok ko, sa sobrang hangin nakakain ko na ang ilang hibla niyon.

 

"Ang baho ng buhok mo. Hmm," reklamo ng lalaki na hindi ko naman nakikita. Nagsalita siya banda sa tainga ko.

 

Laitin daw ba ang buhok ko? Tsss.

 

"S-sino ka ba ha?" naiinis na ako, para na akong tanga kakatingin sa paligid kung nasaan man siya naroon. May kung ano’ng pumuwing sa mata ko kaya kinusot ko iyon. Pagdilat ko, may mukha na humarang sa paningin ko.

 

His face is pale, nakasuot siya ng school uniform namin, mayroon siyang linya na kulay pula sa paligid ng leeg niya.

 

Napasigaw ako nang bigla siyang ngumisi.

 

Napasigaw din siya at umatras. "Dahan-dahan naman baka malunok mo ko sa laki ng bunganga mo,” nakasimangot niyang sabi sa akin.

 

Umatras ako ng kaunti nang mapansin na tila ba may mali sa kanya pero winawaksi ko lang. Tao naman siya eh, mayroon lang talaga sa pakiramdam ko na mali. "B-bakit, bakit ganon?"

 

Tiningnan ko sya taas-baba. Ngayon ko lang nakita ang mukha niya sa campus namin. Baka naman transferee siya dito?

 

"Sandali." Lumapit siya sa akin saka iwinagayway ang kamay niya sa harapan ko. "Can you see me?" nangingiti niyang tanong sa akin.

 

Gusto ko tuloy siya batukan. Kung hindi ko siya nakikita e ’di dapat hindi ko na siya hinanap kanina pa. Bakit siya nagtatanong kung nakikita ko siya, dapat ba’ng hindi ko siya makita? Namamangha at nagtataka ang boses niya tapos ngumiti. Muntik na akong masilaw sa puti ng ngipin niya.

 

Umatras ulit ako hanggang sa nasandal na ako sa puno ng mangga. Shit! parang may mali sa nangyayari ngayon.

 

"Bakit, dapat bang hindi kita makita?" I asked him out of curiousity.

 

He shrugged his shoulders and puts his both hands in his pocket. Hindi niya inaalis ang tingin sa akin kaya nahintakutan na talaga ako, mukhang nasa impluwensya siya ng droga.

Nagpagpag ako ng palda. "S-sige dyan ka na." Tumalikod na ako upang umalis. Ang creepy kasi grabe, parang may mali talaga. Hindi ko lang ma-identify kung ano at kung bakit.

 

"Wait a minute."

 

Huminto ako nang magsalita siya. Tumaas ang balahibo ko sa boses niya, bakit parang galing sa ilalim ng lupa ang voice? Ang creepy talaga. Napapikit na lang ako nang maramdaman na pumunta na naman siya sa harapan ko.

 

Nag-uusal ako ng dasal na sana tantanan na niya ako pero busy yata si Lord dahil lalo pa niya akong kinulit, pinitk niya ang tungki ng ilong ko. Para akong binuhusan ng yelo sa lamig ng pakiramdam dahil sa pagdampi ng daliri niya sa balat ko.

Dahan-dahan akong dumilat at pilit na ngumiti.

 

"My tummy is aching," he pouted his lips and touched his stomach.

 

"Edi, kumain ka?" patanong kong sagot sa kaniya. Pati ba naman iyon ay kailangan ko pang problemahin?

 

"Can you buy me marshmallows?" Nagpa-cute siya sa harapan ko at ipinagdaop ang kanyang kamay. He pouted his lips kaya lalo akong nailing. Sinasabi ba niya na ako ang bumili? At bakit ko naman gagawin iyon.

 

Napataas ako ng kilay, nagpameywang ako sa harap niya kahit deep inside natatakot na talaga ako. "Hoy,excuse me.. May paa't kamay ka malapit lang dito ang canteen. Bumili ka mag isa mo bakit kailangan mo pa mang-utos?"

 

"I have no money,” direkta niyang sabi kaya napabuga ako ng hangin.

 

"Aba, kasalanan ko? mukha ka namang mayaman. Nangingikil ka ba sa akin, ha? Para sabihin ko sa’yo halos walang binibigay na baon sa akin ang mama ko atsaka nag-iipon ako ng pera pambili ng merchandise.” paliwanag ko sa kaniya.

 

He smirked at me. I don't know what happened but I found myself at the cafeteria buying the snacks that he wants. Mabuti na lang at uwian na kaya kaunti na lang ang halos nasa cafeteria.

 

"Marshmallows, cola, french fries, and ah! That pizza!" he said as he pointing all of his orders. Nakadisplay ang mga ito sa counter, nakalagay sa loob ng show case. Napahigpit ang hawak ko sa school credit card ko, lumunok ako ng laway na nakatingin sa mga presyo. Malilintikan ako kay mama kapag umabot sa 200 ang nagastos ko sa isang araw.

 

Sinabi ko lahat ng tinuro niya dahil parang walang narinig ang crew na nakatingin lang sa akin. Tumalima naman ang crew, habang naghihintay ng order ay tiningnan ko siya nang masama. 

 

"Dahan-dahan naman. For your information hindi ako mayaman. Ang dami mong pinili ah." I nagged him as I give my card to the crew. Sa school kasi namin hindi pera ang ibabayad mo kundi ang parang credit card na exclusive lang sa cafeteria namin o ‘di kaya sa mga store na accredited nito.

 

"Sino'ng kausap mo, miss?" tanong ng babaeng crew, takang-taka siya sa akin. Lumingon ako sa kaniya tapos sa lalaking hindi ko pa alam ang pangalan. Nakayuko lang siya at nakangisi. He's looking on the display, tila takam na takam siya sa mga naroon.

 

"Don't talk to me, mapapahiya ka lang." Ngumiti siya na hindi ko maintindihan pero kinilabutan ako.

 

"Bakit naman?" Hindi ko inintindi ang crew at mas tinuunan ng pansin ang stranger.

 

"Miss, kunin mo na ang order mo." Inilapag ng crew ang tray na nilagyan ng order ko sa counter. "Umalis ka na, kinikilabutan ako sayo." Tatalikod na sana ang crew pero inabot ko ang laylayan niya at itinuro ang lalaking katabi ko.

 

"Wait lang. Hindi mo ba siya nakikita, hah?" I asked the crew.

Napakunot-noo siya. Napatingin siya sa tinuro ko ngunit lalo lang siyang nagalit sa akin. "Umalis ka na lang pwede? Marami pang nakapila oh." Tinuro niya ang mga tao sa likod ko. Lumingon naman ako only to find out na all of them are glaring at me and cussing. Hinawi niya rin ang kamay ko na nakahawak sa damit niya.

 

"Thank you." Kinuha ko na lang ang tray tsaka naghanap ng mauupuan. Pumalakpak ang lalaking kasama ko habang nakatingin sa pagkain. Bago pa ako makalayo, tiningnan ko ulit ‘yong crew. Naweweirduhan niya akong sinundan ng tingin palayo, nakita ko pa ang pag-sign of the cross niya.

 

"Doon tayo." Tinuro ng lalaking weirdo na ito ang table sa sulok. Sumunod na lang ako sa kaniya.

 

I was looking at him while he is eating. Grabe, gutom na gutom ba siya? Ako ang hinihingal sa ginagawa niya, eh. Can he pause for a minute? Kumuha ako ng fries pero bigla niyang pinukpok ang kamay ko, parang wala akong karapatan na kumain ng binili ko.

 

"P’wedeng huminga ka kahit kaunti? Ako hinihingal sa ginagawa mo," I hissed. Napatukod na lang ako sa lamesa habang pinagmamasdan siya.

 

"Hayst." Tumigil siya sa pagkain tsaka sumandal sa upuan. "Kahit ano’ng gawin ko, parang gutom pa rin ako."

I scanned him from head to toe. Hindi halatang matakaw sya ah ang payat-payat niya kasi. Napabawi ako ng tingin nang magtama ang mata namin.

 

"Eat," sabi niya.

 

"No, thanks. Hindi ako gutom," tanggi ko kahit nagugutom talaga ako. Hindi sumang-ayon ang tiyan ko nang kumulo ito. Napapikit na lang ako. Kung kailan ayoko nang kumain, kanina pinalo niya ang kamay ko, hay nako.

 

The guy smiled at me. "Hindi raw gutom pero kumukulo ang tiyan." Parang tanga na hinimas-himas niya ang tiyan at mahinang tumawa.

 

I glared at him. "Akala mo nakakatuwa ka? Hindi mo ba alam na one week allowance ko ang naubos mo ngayon? Hays." I crossed my arms. Napatingin ako sa fries kaya naman kinuha ko iyon upang kainin. Napatigil ako saglit nang makita na halos wala naman bawas ang pagkain. Pero kanina nakita ko halos maubos na ito. Napatingin ako sa iba kong in-order, walang bawas lahat. Nagtataka akong tumingin sa kaniya, iniwas niya ang tingin.

 

Napalingon ako sa mga kapwa ko students sa loob ng cafeteria. Nakanganga silang nakatingin sa ‘kin tapos ‘yong iba nagbubulungan habang tinitingnan ako. ‘Yong ibang students malapit sa table namin, umalis at lumipat sa ibang table.

 

Why? May something strange talaga.

 

The guy laughed. "Don’t you notice something?"

 

Nanlalaki ang mata ko na tumingin sa kanya. Oh no. Hindi ko gusto ang naiisip ko ngayon. Kanina lang desidido ako sa hinala ko pero iwinaksi ko iyon, ngayon naman halos itanggi ko ang katotohanan.

 

“Ano’ng ibig mong sabihin?” Gusto kong murahin ang sarili ko kung bakit pa ako nagtanong.

 

"Sa tingin mo, nakikita nila ako?" Hindi ko nagustuhan ang paraan niya ng pagngiti sa akin. Kumunot-noo ako. "Wag mong sabihin na?"

 

Tinaasan niya ako ng kilay at ginaya ang pag-cross arms ko. Ngumiti siya ng pilit na tila ba sinasabing, ‘nakuha mo ang gusto kong ipahiwatig.’

 

Nailaglag ko ang fries. Ibig sabihin isa syang…

 

---end of Chapter 2

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status