Share

Mysterious Case of Love
Mysterious Case of Love
Author: Mystshade

1: Day dream

One: Daydream

 

LUMABAS ako mula sa elevator ng school namin. Inaabangan ako ng mga students sa labas nito, may nag-abot sa akin ng bouquet of flowers. Nginitian ko siya pero binulungan ko siya na 'wag nang umasa, hindi ko siya magugustuhan. Iniwan ko siya ngunit sinundan pa rin ako ng ibang lalaki. Lahat ng madadaanan ko, sinusundan ako ng tingin. Naririnig ko pa ang ibang babae na nagsasabing ang ganda ko raw. Nginingitian ko lang sila, hinawi ko pa papunta sa likod ang aking buhok.

 

Habang naglalakad ako papuntang library, naririnig ko pa ang saliw ng tugtog na nanggagaling sa broadcasting department namin; can't take my eyes off you.

 

 

 

I am Flare Joshel Garcia. Maganda, sophisticated, maputi, makinis, at matalino. I'm good at everything. Sports, academic, curricular activities, name it. I'm also popular and all of the students respects me because I'm their student council president.

 

Who says nobody's perfect? Ano ang tawag ninyo sa akin?

 

"Miss! Tatamaan ka ng bola!"

 

Napaangat ako ng tingin nang may marinig ako na boses ng isang lalaki.

 

Ano raw?

 

Huli na para makaiwas pa ako, tumama sa mukha ko ang bola galing sa mga varsity player na naglalaro sa basketball court ng school namin. Natumba ako, nauna ang pwet ko sa pagbagsak pagkatapos ay naitukod ko ang kanang siko ko. Tumalsik ang libro na binabasa ko kasama ang eyeglasses ko. I touched my head, umiling-iling ako para maialis ang sakit ng ulo pero walang nangyari.

 

Gumulong ang bola sa gilid ko. Ang bolang may kasalanan ng naudlot kong introduction. Marami pa  akong dapat sasabihin!

 

Lumapit sa akin ang tatlong lalaki na naka-jersey. Nag-aalala sila sa akin, lumuhod sila ng bahagya para makita ang itsura ko.

 

"Miss,okay ka lang?" tanong ng lalaki na sumigaw kanina sa akin. Nakablue jersey siya, naka bandana siya ng white, medyo nakataas ang buhok niya.

 

Hindi ako makasagot, masakit pa rin ang ulo ko eh.

 

"Hay nako." Masungit na nameywang ang isang lalaki na nakayellow jersey. Mukha siyang pimple na tinubuan ng mukha, kilala ko siya. Siya 'yong mayabang na varsity player. Kapag may laro sila kasama kalaban ang ibang school, siya ang pinagmumulan ng kaguluhan. "Ano ba kasing iniisip mo? Bakit ka tumawid sa basketball court, huh? Lutang yata to, p're, eh," naiinis na sabi niya.

 

Hays, sila na nga nakatama ng bola sila pa ang galit. Tiningnan ko siya nang masama, hinanap ko ang eyeglasses ko, hindi pa naman malabo ang mata ko pero naglalagay lang ako nito para masabi naman na matalino ako, hahahha.

 

Isinuot ko ang eyeglasses, kunwari ay nagulat ako sa itsura ng lalaking naka-yellow jersey. Nakita ko naman na lalo siyang napasimangot.

 

Kinuha ng naka orange jersey ang bola. Tumingin muna siya sa akin tapos parang pinipigilang tumawa na bumaling sa mga kasamahan niya.

 

"Halika na, practice ulit tayo. Baka hindi tayo makasali sa try-out kung iintindihin pa natin 'yan. Lutang 'yan." Pinatalbog niya ang bola tsaka lumipat sa kabilang side ng court. Nararamdaman kong halos lahat ng nanonood sa court or should I say ‘yong mga nasa bleachers ay pinagtatawanan ako. Hindi pa kasi ako makatayo sa sobrang bigla.

 

 

Parang wala lang na iniwan na nila ako at nag-practice na ulit. Pisteng mga 'yon ah. Ni hindi man lang ako tinayo.

 

Tumayo ako na sapo pa rin ang ulo. Pagtayo ko naman ay nasira ang strap ng bag ko na nakasukbit sa balikat ko. Sa inis ko, paharas ko itong inangat pero hindi ko namalayan na nasira na rin ang zipper ng bag kaya nalaglag lahat ang laman ng bag ko sahig. Lalo akong pinagtinginan ng mga tao, pati mga nagta-try out ay tinawanan ako. Ay nako, nakakainis ngayon pa ako minalas!

 

Nahihiya kong pinulot ang mga gamit ko. Tatlong libro, mga notebooks, pencil case, malaking gunting at malaking lagayan ng pulbo. Ano ba yan,nakakahiya nakita nila yung pulbo ko na pam-family size na kinuha ko lang sa bahay namin. Nagdadala ako nito ngunit hindi ko naman nagagamit. Nakita ko ang libro na kanina ko pa binabasa, isiniksik ko iyon sa may kili-kili ko.

 

 

Napansin ko lang, papunta pala ako ng library para magreview. Hindi ko namalayan na nakapasok na ako sa covered court ng school namin kung saan may mga nagpapractice. Tiningnan ko ang tamang daan papuntang library. Baliw lang, dapat kumaliwa ako eh sa kanan pala ako napadaan.

 

Ano ba kasing nasa isip ko? Naman eh. Busy kasi ako kakabasa hindi ko namalayan.

 

Nakayuko akong umalis sa court. Naririnig ko pa ang mga babae sa bleachers na nadaanan ko paalis ng court, sabi nila nakakahiya raw ako. Napa-face palm na lang ako. Naiinis ako na tama sila.

 

Teka, nagday-dream na naman ba ako?

 

Ako si Flare Joshel Garcia.

 

At 'yong intro ko kanina? Hindi 'yon totoo. Pangarap lang ang lahat ng yon. So let me rephrase that.

 

Ako ay panget, magaslaw, walang yaman, at hindi matalino. Walang lalaki na nagkakagusto sa akin, sa itsura ko ba naman na laging may traffic sa ulo ko, marami akong taghiyawat sa mukha, makapal ang kilay, at laging gusot ang uniform na malaki pa ang size sa akin, wala talagang mangingimi na lumapit sa akin.

 

Sa bawat lakad ko, sinusundan ako ng tingin ng mga lalaki only to find out na nilalait lang nila ako dahil sa makalola kong pananamit. My classmates, schoolmates, even celebrities, kilala ako bilang numero unong tampulan ng tukso.

 

 

 

Wala akong alam pagdating sa sports and take note, pagpapantasya lang sa kpop artist at fictional character ang hobby ko.

 

 

Hindi ako ganoon katalino. Bokya ako sa lahat ng test. Nasa last section din ako kaya gusto kong mag-review sa library kahit alam kong 0.01 ang chance na masaulo ko iyon. Malay niyo naman tumalino ako kahit saglit lang. Kailangan ko kahit papaano ay mag-excel.

 

 

Pinangarap ko na maging student council president pero wala akong self-confidence para tumakbo. Hindi naman ako sikat no, tsaka kung tumakbo ako malamang kahit isa walang bumoto sakin. Bukod pa don lagi akong nanonominate na muse ng homeroom class namin pero pagdating sa botohan kahit ang nagnominate sa'kin hindi bumoboto. Pinagtatawanan lang nila ako at pinapahiya.

 

 

 

Maraming nanliligaw sa akin, kung tao lang sana ang mga langaw baka nasabi ko ring stalker ko sila. Araw-araw akong nakakatanggap ng letter, letter ng panlalait. Kung anu-anong sinusuksok nila sa locker ko. Wala akong ka-chat sa social media, mas mukha pa raw kasi akong lalaki kaysa sa kanila. Humihiling na sana mapansin naman ako ng mga ina-add kong mga pogi at crush ko ang kaso parang naka-delete request lang ako sa kanila.

 

Hindi bat nobody's perfect naman? So don't judge me, please.

 

Haaay, ito ang totoong ako. Kapag matutulog na ako,magmumuni-muni muna ako sa buhay na gusto ko. Dahil alam kong when I woke up, the truth will slap me hard, really really hard. Pero kahit gising lumilipad pa rin ang utak ko.

 

 

 

How I wish na sana lahat ng day dream ko ay totoo. Pero daydream nga 'di ba? So, it's impossible. Siguro alam niyo na kung paano ako napunta sa court kung ang gusto kong puntahan talaga ay ang Library? Wala kasi ako sa wisyo. Laging lumilipad ang utak ko. Ano'ng gagawin ko eh, ganoon talaga ako.

 

 

 

LIBRARY

 

 

 

Nagtambak ako ng mga libro sa mesa na in-occupy ko at unti-unting nagbasa. Susko, nakakaisang libro pa lang ako, sumasakit na ang utak ko. Pinipilit kong mag-memorize ng kahit isang lesson man lang namin para sa test pero darn! Wala talaga akong ma-memorize. Buntong-hininga kong sinara ang libro. Sumandal ako sa upuan, pumikit ako para mahismasmasan. Inaantok ako lalo sa pinaggagawa ko.

 

 

Hindi ako ito, hindi ako mahilig magbasa at mag-self study. Mabuti ba kung fictional books ito eh kaso hindi naman.

 

"Wala akong maintindihan, anong gagawin ko?hmmmpp." Iniyuko ko ang ulo sa may mesa. Wala na naman akong masasagot sa test. Paniguradong bagsak na naman ako. Kumakain naman ako ng peanut, hindi ba't pampatalino 'yon? Pati nga balat kinakain ko eh pero bakit walang improvement?

 

Tumingin ako sa digital clock sa library. Patay! matatapos na ang breaktime namin kailangan ko nang makabalik sa classroom!

 

Dali-dali akong tumayo upang umalis na. Payakap kong dinala ang bag ko. Hindi pa man ako nakalayo sa inupuan ko, bigla akong sinita ng librarian. "Miss Garcia. Wala ka na naman bang balak ibalik ang mga librong ginamit mo?"masungit na tanong ni miss Annie sa akin. Bakit kaya ang mga librarian laging masungit? Nakakastress ba rito?

 

Nginitian ko siya bago dahan-dahang bumalik sa upuan ko. "Bumubwelo lang po," palusot ko na parang hindi naman niya pinaniwalaan dahil tinaasan niya lang ako ng kilay.

 

Iniwan ko muna saglit ang bag ko sa may inupuan ko. Isa-isa kong binalik ang mga libro sa pinagkuhanan ko nito, ang hirap naman ibalik! 'Yung space gapiranggot na lang. Kailangan ko pang isiksik ang mga libro sa gilid para magkaspace ito. Kaya naman pala tamad ang ibang students kumuha ng libro, imagine kung gaano kahirap ibalik ang mga ito sa pinaglagyan. Kaya rin siguro masungit ang librarian dahil sila ang nagbabalik nito.

 

I heaved a deep sigh matapos kong ibalik ang pinakahuling libro na hiniram ko. "Hufff!" Nakapameywang akong tumingin sa shelf. Sa wakas natapos din. "Pinahirapan mo ako ah. Sa uulitin hindi na ako manghihiram sa'yo." Turo ko sa shelf. Bumaling ako sa kanan ko, baka kasi may makakita sa akin, isipin nababaliw ako dahil kinakausap ko ang nonliving things na shelf dito sa library.

 

Napa-second look ako sa kaliwa ko nang may makita akong tao. Ngunit imbes na mahiya ay napanganga ako. May isang lalaki na nakatayo isang dipa ang layo sa akin. Nakauniform siya, may eyeglasses at matangkad. Mayroon siyang slight messy brown hair, ang mga mata niya may pagka-sharp kung titingnan. Parang anytime na mapatingin siya ay matatakot ka, matangos ang ilong niya at ang labi medyo makapal sa ibabang parte, pinkish din ang lips niya Jusme, ang gwapo nya! kahit nerd ang datingan nya ang pogi pa rin.

 

Nakaharap siya banda sa akin at nakasandal sa mahabang hilera ng shelves. Maigi siyang nagbabasa roon. Napapakunot-noo pa nga siya sa binabasa niya. Tiningnan ko siya, halatang matangos ang ilong niya dahil sa salamin niya. Jusme, may apparition akong nakikita.

 

Para siyang si Kpop artist!

 

Umiling-iling ako. Ano ba, Flare bakit mo pinagpapantasyahan? OMG, brain, pagpasensyahan mo ang pagiging marupok ko.

 

Hay. Ano kayang pangalan niya? Napatingin siya sa akin. Ngumiti siya nang matamis. Ipinakita niya ang kanyang magandang ngiti at ngipin. Pakiramdam ko babagsak na ako sa mga nakasisilaw niyang ngiti. Sinara niya ang libro at lumapit sa akin. Nakangiti pa rin siya habang papalapit. Hahalikan ba niya ako? Ay nako, hindi pa ako ready, saglit lang baka bad breath ako. Ay nako! wala nang time nasa harap ko na siya.

 

Mabilis pa sa kidlat na pumikit ako, hinihintay kong may dumapong sa labi sa akin.

 

"You're drooling," baritonong boses na sabi. Dumilat ako para lang makita ang lalaki sa harapan ko, tinabig niya ako ng kaunti para ibalik ang binasa niyang libro doon sa shelf.

 

I winked two times. Nakita ko siyang nakakunot-noong nakatingin sakin.

 

Napatingala ako. Ang tangkad naman nya grabe. "Hi," lutang kong sagot.

 

"Laway mo,miss."

 

Natauhan ako bigla. "Ha?" Pinunasan ko ang gilid ng labi ko. May laway nga! sh*t nakakahiya! Naglaway ako sa harapan niya! Day dreaming again! He just smirked at me at nilagpasan ako. Sinundan ko siya ng tingin.

 

Teka bakit parang kilala ko ang mukha niya? Kanina na malapit siya ay di ko siya nakilala pero ngayong palayo na siya ay tsaka ko lang naalala. Mayroon kasi akong pambihirang katangahan na hindi ko madaling maalala ang tao base lang sa mukha pero kapag nakita ko siya na naglakad o nakita ang mannerism niya, tsaka ko siya nakikilala and this guy is…

 

"Vice pres!" sigaw ko sa kanya, sakto naman na lumingon siya, nginisian niya lang ako at tumalikod na.

 

Binatukan ko ang sarili ko. Nakakahiya ka talaga Joshel! Tsk. Bakit sa harapan pa ng student council vice president?

 

--end of chapter 1.

 

 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status