Share

Chapter 4

Author: disguisedname
last update Huling Na-update: 2020-08-12 01:37:45

DEBORAH’S POV

“Bakit gan’yan ka? Hindi nakakasawang kasama maghapon. Puro tawanan, may kasamang asaran, pero sa dulo’y—”

Nahinto ang aking pagkanta nang may dumaang palaka sa may paanan ko habang naliligo ako sa banyo.

“Hoy, palaka!” sigaw ko rito. “Sinisilipan mo ba ako?” Hindi ako pinansin ng palaka at dire-diretsong nagsuot sa butas na labasan ng tubig.

“Basta kapag narito tayo sa school, gusto ko na nasa tabi lang kita. Ako na ang bahala sa iyo pagkatapos. I’ll do my duty as well as your Byeongyun.”

Napailing ako’t napanguso. “Ayaw niyang may feeling nagmamay-ari sa kaniya pero ano iyong ‘your Byeongyun’ na sinasabi niya? Tunog akin siya ah,” bulong ko sa aking sarili habang nagsa-shampoo.

“I told you already na ako na ang makikita mo, makakausap mo, at makikita mo araw-araw dito sa school.”

“Let’s see, midget. But don’t you believe in the saying na kung sino ang una mong naka-bonding sa unang araw mo sa school ay siya na rin ang magiging kasama mo the rest of the school year?”

“Teka lang, Deborah! Ano’ng meron at bigla mong naisip iyon? Itigil mo iyan!” pasigaw kong paalala sa aking sarili saka nagbuhos ng tubig.

“Mexico! Ano ba’ng ipinagsisisigaw mo riyan? Para kang baliw!” rinig kong sigaw ng aking ina.

“Mama naman! Deborah! Deborah po ang itawag ninyo sa akin!” pasigaw kong tugon sa kaniya saka kinuskos ang aking mukha gamit ang aking kamay.

“Ewan ko sa iyong bata ka! Bilisan mo na riyan at ako’y taeng-tae na!”

“Opo, patapos na po ako!”

Paglabas ko ng banyo habang nakatapis lamang ng tuwalya ay naabutan ko si Mama na nagluluto sa kusina na malapit lamang kung nasaan ang banyo.

“Mama, mapagkakatiwalaan ba ang mga lalaki?” tanong ko sa kaniya na alam kong ikakukunot ng kaniyang noo. Pagharap niya sa aki’y hindi ako nagkamali.

Agad niyang ibinaba ang kaniyang hawak na sandok doon sa kawaling may pinakukuluang karne ng baboy saka niya ako binalingan ng tingin.

“Hindi lahat,” sagot niya. “Bakit? Ano’ng meron at itinatanong mo sa akin iyan? Hindi ba’t dapat ay alam mo na ang sagot sa iyong tanong?”

“Wala lang po,” tugon ko. “Pero Mama, hindi naman magkakapareho ang mga lalaki, ‘di ba? Pero lahat po sila ay nagiging walang kuwenta sa kani-kanilang natatanging paraan. Pasok ka na sa banyo, Ma. Puwede ka nang tumae,” sabi ko pa bago tuluyang umalis sa harap ng banyo at nagtungo sa aking kuwarto.

“Kung anu-ano na namang sinasabi mo,” naiiling pa niyang turan.

Maya-maya pa’y muli kong narinig ang boses ni Mama.

“Hoy, Mexico! Kumain ka muna bago ka pumasok, ha? Malapit ng maluto iyong Adobo,” sigaw niya mula sa banyo na agad ko namang sinang-ayunan.

Mexico, Mexico! Ang kulit ni Mama. Sabi na kasing Deborah! Deborah ang pangalan ko!

Matapos kong kumain at mag-ayos bilang paghahanda sa pagpasok ay agad na rin akong umalis sa bahay. Habang nasa daan ay bigla kong naalala ang assignment na nakalimutan kong sagutan kanina.

Sa pagmamadali ko pa ay nakalimutan ko na ring mag-tap ng ID sa may gate kaya’t agad akong hinarang noong guard.

“Miss, nasaan ang ID mo?”

Nang mapagtanto kong hindi ko rin suot ang aking ID ay agad kong hinalungkat ang aking dalang bag.

“Saglit lang po,” sabi ko habang patuloy sa paghahanap ng aking ID na hindi ko naman sigurado kung naiwanan ko ba sa bahay o naiwala ko na.

“Hindi ka puwedeng pumasok nang wala ang iyong ID,” ulit pa noong guard.

“Hala! Mukhang hindi ko dala ang aking ID!” nag-aalala kong usal matapos kong masiguradong wala nga sa akin ang aking ID.

“Hindi ka puwedeng—”

Naputol ang sasabihin noong guard nang may biglang tumunog doon sa monitor, senyales na may nag-tapped ng ID.

Paglingon ko’y nakita ko ang aking mukha sa monitor, kasunod ng mukha ng isang lalaki.

“Byeongyun?” agad kong sambit nang makita ko siya sa aking likuran habang hawak ang aking ID.

“Ako nga, Mexico,” nakangiti niyang sagot. Pagpaling niya sa guard ay agad niya ring sinabing, “She dropped her ID earlier. Luckily, I found it. Can we go now?”

Pagtango noong guard ay agad akong hinila ni Byeongyun papasok.

“H-hoy, t-teka lang! Teka lang!” Bahagya kong hinila ang aking braso dahilan para itigil niya ang kaniyang paghila sa akin.

“Bakit nasa iyo ang ID ko?” agad kong tanong nang lungunin niya ako.

“Nahulog mo nga kanina habang nasa daan ka,” sagot niya.

Agad kong pinagkrus ang aking mga braso saka siya tiningnang mabuti.

“Hindi ako naniniwala,” sabi ko.

“Bakit? Iyon ang totoo,” aniya saka namulsa.

“Sigurado ka?”

“I’m telling you the truth, Mexico.”

“Huwag mo akong tawaging Mexico. It’s Deborah. Now tell me, bakit nga nasa iyo ang ID ko?”

Ilang segundo niyang akong tinitigan bago siya ngumiti nang ubod ng lapad. Sabi niya, “Okay. Nahulog mo ito kahapon habang nasa CR tayo. Dagdag pa niya, “Mahirap ka sigurong lokohin, ano?” Saglit akong natahimik dahil sa kaniyang sinabi.

Mahirap akong lokohin? Hindi ko alam. Niloko na ako noon kaya’t hindi ko masasabi kung madali ba akong lokohin o hindi.

“Mexico? Ang layo na yata ng lipad ng isip mo?”

“Tse! Huwag mo nga akong tawaging Mexico! Deborah, okay? Deborah!” singhal ko sa kaniya nang matigil ang aking pag-iisip. “Akin na nga iyan!” Agad ko siyang nilapitan saka kinuha ang aking ID na hawak-hawak pa niya.

“Wae andwae?” Why not? tanong niya. “Mexico is your second name. It’s actually part of your name.”

“H-hindi tayo c-close para... para tawagin mo ako sa second name ko! Tse! D’yan ka na nga!” naiinis kong sabi saka siya iniwanan.

“Ya!” Hey! sigaw niya pero hindi ko na siya pinansin pa. “Anong klaseng close pa ang gusto mo, ha? Hey, midget! Sandali lang, Mexico!”

Nang makarating kami sa classroom ay agad kong inilabas iyong worksheet ko saka nag-focus sa pagsasagot. Ngunit mukhang hindi yata maayos ang takbo ng aking utak ngayon.

Ilang minuto na lang ay malapit nang magsimula ang klase ngunit ayaw pa rin makisama ng aking utak.

“Ayaw ko nang mag-isip!” iritable kong sambit sabay pabagsak kong ibinaba ang aking ballpen sa table ko. 

Inalis ko rin pansamantala ang suot-suot kong eye glasses at minasahe paikot ang aking sintido. Pero hindi iyon sapat para mawala ang sakit ng ulo ko dahil sa Mathematics na ito.

“What’s with the face, midget?” tanong ng katabi ko na kasalukuyang nagbabasa ng libro.

“Huwag mo akong bubwisitin ha. Sinasabi ko sa iyo!” banta ko sa kaniya saka sumubsob sa table ko. “Bakit kasi may Mathematics ang AB Psychology, tsk!”

Ibinaba naman niya ang kaniyang libro saka pumihit paharap sa akin. “Let me see,” sabi niya sabay kuha ng papel ko.

“Ah. Ito iyong assignment natin. Symbolic form. This is easy,” aniya saka kinuha ang hawak kong ballpen. “Let p represent, a poodle is a cat.”

Tinitigan ko siya habang binabasa niya iyong given question sa papel ko.

“The given in number 6 is, a poodle is not a cat, so the answer should be... it should be not p (~p),” sabi pa niya. “Oh, you’re done! Thanks to me.”

“Midget?”

“Hey, midget?”

“Mexico!”

“Oh, ano yun? May sinasabi ka?” gulantang kong tugon sa kaniya matapos niyang kalampagin nang pagkalakas-lakas ang table ko.

Nginitian naman niya ako nang nakakaloko.

“Kanina ka pa lutang. Nagu-guwapuhan ka sa akin, ano?” 

Pagkasabi niya noo’y ngumisi siya sa akin dahilan para mag-isang linya ang mga mata at bibig ko.

“Naninigarilyo ka, ‘di ba? Umamin ka. Nahuli kita noong isang araw,” sabi ko. Kumunot naman ang noo niya.

“Yeah. Why?”

“Nag-iinom ka rin ba?”

“Yes.”

“Tapos may tattoo ka pa,” sabi ko pa sabay turo sa magkabila niyang braso.

“So?”

“In short, hindi ako nagu-guwapuhan sa mga adik na katulad mo!”

Agad na nagsalubong ang mga kilay niya dahil sa aking sinabi.

“A-ako? This face?” aniya sabay turo sa mukha niya. “Itong mukha na ito? Mukha ba itong adik?”

Pinagkrus ko ang aking nga braso saka siya tinitigan.

Hindi naman siya mukhang adik katulad ng sinabi ko. Guwapo talaga si Byeongyun na may itsurang bad boy. Kung tutuusin ay puwede siyang maging isang Korean Drama actor, model, o isang KPop group member dahil sa kaniyang itsura. Matangos ang ilong, maliit ang mukha, at bukod sa tangkad niyang anim na talampakan ay kulay labanos rin ang kaniyang balat. Makinis siya at talagang may panama kung itatabi mo kay Kim Taehyung ng sikat na KPop group na BTS o kaya naman ay kay Cha Eunwoo ng ASTRO.

Inirapan ko na lang siya saka ko sinabing, “Oo! Ang kapal naman ng mukha mong sabihing nagu-guwapuhan ako sa iyo!” 

Agad ko na ring inagaw sa kaniya iyong ballpen at papel ko na nakapagpasimangot lalo sa kaniya.

“Aish jinjja!” Tsk seriously!

Isang tanong pa ang muli kong naisip.

“Byeongyun?” tawag ko sa kaniya.

“Mwo? Mwo?” What? What? Halata sa boses niya ang inis.

“Retokado ka ba?”

Nanlaki ang kaniyang mga singkiting mata nang marinig niya ang aking tanong. 

“M-mworaguyeo? Ya!” W-what did you say? Hey! bulyaw niya sa akin. “Napakabastos ng bibig mo!”

“Nan keunyang muleobwa! Wae?” I’m just asking! Why?

“Jamkkanman. Hangukeo hal jal ala?” Hold on. You can speak Korean?

“Jom.” A little bit.

“Ah, teka! Saglit! Balik tayo sa tanong mo. Anong sinabi mo? Kung retokado ako? Ako?”

“Tanong lang naman—”

Natigil ako nang bigla niyang hawakan ang parehas kong kamay at ilagay iyon sa magkabilang pisngi niya.

“Hindi ako retokado, Mexico. Natural kong itsura iyan!” aniya saka niya inilagay ang kanan kong kamay sa ilong niya. “Kahit pisilin mo iyan, walang mababali o madudurog na kung ano sa mukha ko dahil hindi peke iyan.”

Dahil sa ginawa niya’y napatitig ako sa kaniya. Masyado siyang malapit sa akin kaya kitang-kita ko ang bawat detalye ng kaniyang mukha... mukhang Goliath.

“Oo na, sige na! Hindi ka na peke!” sabi ko sabay bawi sa kaniya ng mga kamay ko.

Sumimangot naman siya. “Lapastangan ang iyong bibig. Nag-iinom at naninigarilyo lang ako pero hindi ako adik. May tattoo lang din ako pero hindi ako retokado!” naiinis pa niyang sabi. Palihim naman akong natawa dahil doon.

“Buwan na ba ng Wika? Kung makalapastangan ka naman,” reklamo ko naman.

Nilingon niya ako. “Sariling wika ay mahalin, pati ako ay idamay mo na rin,” aniya na nakapagpabungisngis sa akin.

King ina! Para siyang hilaw na makata!

“King ina! Ano iyon? Saan mo natutunan iyon?” natatawa kong tanong sa kaniya.

“I just saw it on Facebook last night. Ikaw, saan mo natutunang magmura, ha?” sambit niya saka pinitik ang aking noo.

“Aray naman!” Habang hawak ang aking noo ay akin pang sinabi, “Kay Watt. Narinig ko lang. Ang cute kasi pakinggan.”

“Cute?” hindi makapaniwalang tanong pa niya.

Nagulat na lang ako nang bigla niyang batuhin ng nilukot na papel si Watt sa may bandang likuran namin.

“King ina! Sinong bumato sa akin?” bulalas ni Watt nang matamaan siya noong papel na ibinato sa kaniya ni Byeongyun.

Habang hawak ang kaniyang telepono ay iginala niya ang kaniyang paningin sa loob ng classroom.

Hindi lang ako ang nagpigil sa pagtawa dahil halos lahat ng nakakita sa reaksyon ni Watt ngayon ay talagang matatawa.

“Ako, bro,” walang ganang sabi ni Byeongyun. “Sorry, mali ang pagkakabato ko. Hindi nagdiretso sa basurahan.” Sumimangot na lamang si Watt pagkatapos.

“Siraulo!” pabulong kong sabi kay Byeongyun pero sinamaan lang niya ako ng tingin.

“Ikaw!” aniya sabay amba ng isang panibagong pitik sa aking noo. Dahil doo’y napapikit na lang ako. “Kung anu-anong natutunan mo!”

Nang maramdaman kong hindi niya naman ako pinitik sa noo ay agad na rin akong nagmulat. Doo’y nakita ko siyang bumalik sa kaniyang pagbabasa.

“O daebak! Jinjja gomawo Goliath!” Awesome! Thank you so much, Goliath! ngiting-ngiti ko namang sabi sa kaniya nang makita kong may sagot na pala iyong assignment ko.

Pagkatapos ng huling klase namin sa umaga ay may apat na oras kaming bakante bago ang huling klase sa hapon.

Bumuntong-hininga ako nang maisip kong masyadong mahaba ang apat na oras para walang gawin.

“Baka masinghot mo na ako, Mexico.”

Agad na nalukot ang aking mukha nang marinig ko na naman ang mapang-asar na boses ni Byeongyun.

“Deborah nga sabi! Ang kulit mo!”

“Deborah Mexico Macalintal. It really sounds nice, midget.”

“Tumigil ka na,” banta ko sa kaniya.

“Close na tayo, ‘di ba?”

“Paanong close muna?” tanong sabay arko ng aking kilay.

Agad siyang lumapit sa akin saka niya isiniksik ang kaniyang katawan sa aking upuan.

“Like this,” aniya. “See? Magkadikit na tayo. Close na close.”

Nasapo ko na lamang ang aking noo saka ko siya itinulak palayo dahil sa taglay niyang kakulitan.

“Oh ano, tara na sa cafeteria?”

“Hey, guys! Sa labas na tayo kumain? My treat!”

“Come on! Gutom na ako!”

Nang mapatingin ako sa orasang nakasabit sa pader ng classroom ay pasado alas dose na pala ng tanghali.

Nakita ko ang mga kaklase ko na grupo-grupo kung umalis sa room. Napabuntong-hininga na lamang ako sabay kuha ng notebook at ballpen.

Excuse me? Hindi ko kakainin ang notebook at ballpen ha. Tss.

Maya-maya pa’y nilapitan na rin si Byeongyun ng mga kaibigan niyang sina Einon at Watt na kapwa bitbit na ang kanilang mga bag at handa na sa pag-alis.

“Bro, treat ni Einon. Ano, game? Tara?”

“Sure,” agad namang tugon nito sabay salpak ng mga gamit niya sa loob ng kaniyang bag.

Kapagkuwa’y magkakaakbay silang lumabas ng room habang pinag-uusapan kung saang mamahaling kainan sila kakain.

Nagkibit-balikat na lamang ako nang mapansin kong ako na lamang mag-isa ang naiwan sa loob ng classroom.

“Okay. Sabi ko nga, wala akong kaibigan sa room na ito e. Walang magyayaya sa akin kumain sa labas o kahit sa tabi-tabi man lang. As usual,” bulong ko sa aking sarili saka bumuntong-hininga.

“By any chance, do you have a ghost friend?” 

“Ay halimaw ka!” Agad akong napalingon dahil sa gulat nang may magsalita sa tabi ko.

“Sinong kinakausap mo? Saglit pa lang akong nawawala sa tabi mo, kung sinu-sino na agad ang kinakausap mo.”

May isang matangkad at gwapong imahe ang nakapamulsa na may pagtatakang mukha ang nakatingin sa akin ngayon.

Si Byeongyun.

Kaugnay na kabanata

  • Fulfilled Duties (Tagalog)   Chapter 5

    DEBORAH’S POV“Sinong kinakausap mo? Saglit pa lang akong nawawala sa tabi mo, kung sinu-sino na agad ang kinakausap mo.”Sinimangutan ko na lamang siya’t nagsulat ng kung ano sa aking notebook.“Tss. Wala,” maikli kong sagot sa kaniya.“Ano ba’ng ginagawa mo?"“Hindi ba obvious? Nagsusulat ako.”“Yeah. I mean, what’s it all about?”Tiningnan ko siya. “Bakit ka curious?”“Masama ba’ng magtanong?”“Hindi,” patuloy kong tugon.“Ano kasi iyan?”Sa tangkad niya’y hindi ko agad magawang bawiin sa kaniya iyong aking notebook nang magawa niya itong hablutin mula sa akin.“Synopsis? Oh, so you’re writing a story?” sabi niya sabay lipat nito sa kabilang page.“Ibalik mo na iyan, ano ba? Hoy!”“Wait. Just let

    Huling Na-update : 2020-08-12
  • Fulfilled Duties (Tagalog)   Chapter 6

    BYEONGYUN’S POVPanibagong araw na naman.Sa aking paglalakad patungong gate ng school matapos kong mai-parked ang aking motor ay isinalpak ko ang earphones sa magkabilang tainga ko habang humihithit ng sigarilyo.Missing You by The VampsAgad namang natigil ang pinatutugtog kong kanta nang biglang may tumawag sa aking telepono na agad ko namang sinagot.“O noona?” Yes, Ate Jiyun? sambit ko.“Jal jinesseoyo?” How have you been?“Gwaenchana. Hakkyoae kakoisseoyo. Wae?” I’m okay. I'm on my way to school. Why?“You were at the restaurant yesterday?” tanong niya. “Mianhae.” I’m sorry.“That’s fine. I was there with a friend, Deborah. Doon kami nag-lunch. I was about to introduce her to you, but you weren’t there yesterday,” sagot ko. “Bappayo?” Are you busy?“A girl?” Tila sumigla ang boses niya sa kabilang linya kaya agad akong napangisi.“Why?” tanong ko sabay hithit muli sa aking sigarilyo.“Date her.”Muntik na akong masamid. “M-mwo?” W-what? “Date her!” ulit pa niya.“Seriously? We’r

    Huling Na-update : 2020-08-12
  • Fulfilled Duties (Tagalog)   Chapter 7

    DEBORAH’S POV“King ina! Paniguradong aasarin na naman ako ng ungas na iyon!”Pasabunot kong isinuklay ang aking mga daliri sa aking buhok habang nasa loob pa rin ng cubicle at nakaupo sa toilet.“Inhale tapos exhale, Deborah,” sabi ko sa aking sarili saka huminga nang malalim.“Bakit ka ba nagkagano’n kanina? Para kang siraulo, Macalintal! Eh ano naman kung sumama siya sa mga babaeng iyon? Ano naman sa iyo? Edi hayaan mo siyang mag-party! Malaki na si Byeongyun, okay? Siya nga si Goliath, ‘di ba? Buwisit kasing guard iyon e! Hay!”Muli akong huminga nang malalim saka ilang minuto pang nanatili sa loob ng cubicle para mahimasmasan.Nang tangkain ko nang tumayo para sana lumabas sa cubicle ay sakto namang may narinig akong nag-uusap sa labas kaya’t napaupong muli ako.“Ang ganda ni Choi Soobin, ‘di ba?”“Tama ka. Kaya nga nakakapagtaka na ayaw sa kaniya ni Byeongyun e. Sayang. Kung hindi siguro dahil sa nangyari noon sa kanila, hindi siguro magagalit sa kaniya si Byeongyun nang gano’n.”

    Huling Na-update : 2020-08-12
  • Fulfilled Duties (Tagalog)   Chapter 8

    BYEONGYUN’S POV“Galit ka ba?” tanong ko kay Deborah na hindi pa rin natitinag sa mga pagtawag ko sa kaniya.Hindi ko kasi alam kung kanino na ba talaga siya galit, doon sa guard, sa akin, o kay Soobin?Bahagya akong lumapit sa kaniya saka itinapat ang aking bibig sa kaniyang tainga.“Remember,” bulong ko, “I’m too cute to be ignored, midget. I’m telling—”“Look at them!”“Omg!”Nakita ko kung paano nanlaki ang mga mata ni Deborah matapos maglapat ang aming labi nang lingunin niya ako.Sa gulat ko ay hindi rin agad ako nakagalaw.“Everyone, eyes on me!”Nang biglang dumating ang aming guro ay kapuwa kami napaayos ng aming upo.“Alright. I think, we... we should just talk later,” sabi ko na lamang at hindi na siya tinapunan pa ng tingin.Buong oras ng klase ay hindi ako kinausap

    Huling Na-update : 2020-08-12
  • Fulfilled Duties (Tagalog)   Chapter 9

    DEBORAH’S POV“Inang! Bakit may halik? Bakit nangyari iyon? Bakit? Bakit may gano’ng eksena? Bakit? Hay!”Panay ang aking sigaw sa aking kuwarto habang nakahiga sa aking kama at may taklob na unan ang aking mukha.“Yoon Byeongyun! Isa ka talagang harot na Goliath! Nakakainis ka—”“Mexico, ano ba’ng nangyayari na naman sa iyo?”Agad akong napabalikwas matapos akong hampasin ni mama sa aking binti. Nasa kuwarto ko na siya’t nakatitig na sa akin, naghihintay ng isasagot ko sa kaniyang tanong.Anong sasabin ko? Na nahalikan ako ng isang kanong pinaglihi sa kitikiti?Napakamot ako sa aking ulo saka nag-Indian sit.“Wala naman, Ma,” tugon ko. “Nakaka-stress lang po sa school.”“Pagkain lang ang katapat niyan. Kumain ka na!”“Mamaya po,” sagot ko pa saka muling nahiga at nagtaklob ng

    Huling Na-update : 2020-08-22
  • Fulfilled Duties (Tagalog)   Chapter 10

    DEBORAH’S POV“Byeongyun daw ang pangalan niya, Ate.”Ganoon na lang ang aking pagkagulat nang malaman kong si Byeongyun pala ang sinasabing tao ng aking kapatid na nasa labas ng aming bahay.“King ina! Bakit ka nasa labas ng bahay namin?” sigaw ko sa telepono saka dali-daling lumabas ng aking kuwarto.“Do you really have to cuss?” aniya sa kabilang linya.“Anak, bakit may kotse sa labas ng bahay natin? Sino ba iyon?” tanong ni Papa na pasilip-silip sa labas habang nakaupo sa sala.Sa halip na sagutin siya ay nagdire-diretso na ako sa labas ng pinto.Naroon nga si Byeongyun.Nasa labas siya ng kaniyang sasakyan, nakasandal habang may bitbit na malalaking supot na papel ang kaniyang magkabilang kamay. Doon ko rin napansin na nakasuot pa rin siya ng uniform.“Ayos ka rin,” sabi ko sa telepono nang makita ko pa siyang nakakiling dahil nasa pa

    Huling Na-update : 2020-08-22
  • Fulfilled Duties (Tagalog)   Chapter 11

    DEBORAH’S POV“Papatayin ko ba ang character? Ano ba’ng isusunod ko? Hay!”Napasubsob na lamang ako sa aking mesa nang hindi ko magawang sundan ang isinusulat kong nobela.Hindi ko na alam kung kailan ako nagsimulang magsulat. Sa pagkakantanda ko lang ay isa ang pagsulat ng mga kuwento sa pampalipas-oras ko.She left me. Dami left me. I still have no idea why, so I’ll not be using this until she comes back.Marahan kong ipinikit ang aking mga mata nang maalala ko na naman ang mga katagang iyon na nakasulat sa Bio ng Instagram account ni Byeongyun.Buwan na ng Agosto, isang buwan na ang nakalilipas matapos kong halungkatin ang account niyang iyon at ni minsan... ni minsan ay hindi ko nabanggit sa kaniya iyon. Natatakot akong magtanong at ayaw kong makialam. Hindi ko nga lamang lubos na maintindihan ang aking sarili kung bakit hanggang ngayon ay binabagabag ako ng aking mga nakita gayong unang-una ay wala naman akong kinalaman doon.Bahagya naman akong napalingon sa bakanteng upuan sa ta

    Huling Na-update : 2020-08-22
  • Fulfilled Duties (Tagalog)   Chapter 12

    BYEONGYUN’S POVPasado alas dyes na ng umaga at tatlumpung minuto na akong huli para sana sa huling meeting ng Department tungkol sa selebrasyon ng Buwan ng Wika bukas.Ano ba’ng magagawa ko kung sa tingin ko’y mas importante ang bagay na inuna ko kaysa sa meeting na dapat ay naroon ako bilang Presidente ng buong CTELA?Habang nakatayo sa harap ng aking sasakyan ay namulsa ako’t muling sumulyap sa police station na aking pinanggalingan kanina.Why are there so many unfair people?“Soksanghaeyo. Jinjja! Aish!” It’s really upsetting. Tsk!Napabuntong-hininga ako bago ko napagpasyahang pumasok na sa loob ng sasakyan.Saktong pag-locked ng aking seatbelt ang pagtunog ng aking telepono mula sa bulsa ng aking polo. Kinuha ko naman agad iyon.Nang makita kong si Tito Paps ang nag-text sa akin ay agad ko iyong tiningnan at binasa.“Maraming salama

    Huling Na-update : 2020-08-27

Pinakabagong kabanata

  • Fulfilled Duties (Tagalog)   Chapter 43: Finale

    DEBORAH’S POV Maaga akong nagising kinabukasan. Buhay na buhay ang group chat namin nila Byeongyun, Einon, Watt, and Bavi nang mag-online ako. Yes, kasama si Bavi. A week old pa lang ang group chat namin. “Balita ko umalis na raw si Soobin?” entrada ni Einon. “Hindi man lang nagpaalam sa akin,” tugon ni Watt na may umiiyak na emoji. “Salamat daw sa tula, Watt. Pero sorry, hindi ka raw talaga niya type,” sabi ko. Ang harsh ng dating pero iyon talaga, e. Para maka-move on na rin talaga siya. “Paano mo nalamang binigyan ko siya ng tula?” “Hala, ang corny mo talaga, Watt. Oh ayan ha, hindi ka talaga type,” pang-aasar pa ni Einon. “Pero nice guy ka daw naman, Watt,” sabi ko. Pampalubag-loob sa kaniya. “Did you two talk?” biglang singit ni Byeongyun. “Oo, saglit. Bago siya umalis kahapon. She apologized to everyone,” sagot ko. “Ikaw, kinausap mo pa ba siya?” “Nah.” “If Soobin’s really leaving, mukhang magiging okay na ang mga susunod na araw para sa iyo, Mexico,” Bavi commented.

  • Fulfilled Duties (Tagalog)   Chapter 42

    DEBORAH’S POVTumahimik ang buhay ko for the past few days. Walang nananakit sa akin o nangti-trip. Nakakahinga na ako nang maluwag na hindi iniisip kung may mangyayari na namang masama sa akin.“Pupunta ako sa canteen,” I announced, looking at the three boys. “Sasama ba kayo?”Mabilis pa sa alas kuwatrong tumayo si Byeongyun sa tabi ko. Tumayo na rin sina Einon at Watt habang tumatango.Sampung araw na rin ang nakakalipas matapos kaming ipatawag ng Board of Discipline. The penalty of expulsion of Choi Soobin with prior approval of the Secretary together with the supporting papers were forwarded to the Regional Office. Oo, mae-expel na si Soobin.Pagdating sa canteen ay bumili lang kami ng iced coffee saka naupo sa bakanteng table.“Threathening another with infliction of harm upon his person, destroying property belonging to any member inside the school, participating in brawls or inflicting physical injuries on others inside or outside the campus, physically assaulting any student,

  • Fulfilled Duties (Tagalog)   Chapter 41

    DEBORAH’S POVI was sitting among these men, Einon, Watt, and Byeongyun. Isa-isa ko silang tinititigan habang nag-uusap sila sa harap ko sa isang glass table. In the North was our best choice for lunch after morning class. Treat ni Byeongyun.Napabuntonghininga na lamang ako nang maalala ko ang mga pangyayari nitong mga nakaraang araw. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi ngayong may patunay na laban kay Choi Soobin. Maraming nangyaring hindi ko inaasahan at isa na doon ang ginawa ni Watt.“I won’t judge you for liking Choi Soobin, nagmamahal ka lang naman,” nakaismid na sabi ni Einon kay Watt na tahimik lang na nakasandal sa kaniyang upuan. “Mahal kita pero hindi ako support, bro.”Parang noong isang araw lang ay halos lumuwa ang mata ni Einon nang aminin sa amin ni Watt na gusto niya si Choi Soobin. Si Byeongyun? Hindi ko alam.“Isa pa, hindi ko pa rin matanggap na nagawa mong maglihim sa amin. Ang galing mo doon, hindi ko nahalatang marunong ka palang umibig,” nanunuksong dag

  • Fulfilled Duties (Tagalog)   Chapter 40

    WATT’S POVSabi ko sa sarili ko, I should be in love with a nice person. Kasi kahit hindi ako mahal, mabait pa rin. Kahit hindi ako gusto, she would treat me nicely. Pero hindi ko akalain na magkakagusto ako sa kaniya, kay Choi Soobin. King ina! I had never tried to tell it either to Einon or Byeongyun kasi para saan pa? Itatago ko na lang siguro hanggang sa mawala. Almost everyone in the class despised her. She was once nice to me, not until I confessed to her.I had been trying to look okay everytime I would saw her talking with Byeongyun. Alam ko kung gaano niya kagusto ang kaibigan ko. Alam ko rin kung gaano nasusuya si Byeongyun sa ugali ni Soobin. Nasasaktan ako para kay Soobin, but I hid it anyway. Alam ko sa sarili kong hindi magiging maayos kung ipagpapatuloy ko ang pagkagusto ko sa kaniya, but I couldn’t help it. Gusto ko siya pero sa tingin ko rin ay sumusobra na siya. These past few days had been a chaotic days for us dahil kay Soobin.“Hindi ninyo pa rin ba makontak?” tan

  • Fulfilled Duties (Tagalog)   Chapter 39

    BYEONGYUN’S POV It was just so tiring recently. Lalo pa ngayon na may hindi pa nagpapakilalang nagsasabi na si Soobin ang may kagagawan ng pagkawala ng drafts ni Deborah. “Paano ninyo nagagawang pagbintangan si Choi Soobin kung kasalanan naman talaga ni Deborah kung bakit hindi niya makita iyan? Hindi siya ninakawan. Malinaw na kay Deborah ang sisi kung hindi niya nakita ang draft dahil nasa mga gamit niya pa rin iyan. Puwede ba? Tigilan ninyo ang kasisisi sa kaibigan ko!” “See? It’s really her fault,” may pagmamalaking giit pa ni Soobin sabay punas sa basa niyang pisngi. “Are we done? Ugh! Such as waste of time!” “Hindi ko alam... bakit...” nauutal na sabi ni Deborah na halatang hindi rin makapaniwalang nasa mga gamit lang pala niya ang nawawalang drafts ng essay niya. Matapos ang pangyayaring iyon ay umalis ng classroom si Soobin kasama si Selena. Ang ipinagtaka ko nga lamang ay halos kaladkarin niya si Wyn palabas ng classroom. Agad akong kinutuban saka napailing. “This is a

  • Fulfilled Duties (Tagalog)   Chapter 38

    DEBORAH’S POVHalos mabiyak na ang aking ulo sa kaiisip kung ano’ng nangyayari. Ang gulo. Hindi ko alam kung bakit may nagte-text sa amin na may nagnakaw ng draft ko sa essay gayong nakita rin ito sa mga gamit ko. Ang dami kong tanong ngunit parang ang hirap hanapan ng sagot.“Sino ba kasi iyan? Totoo pa ba iyan o ginugulo na lang tayo?” reklamo ni Watt makaraang malaman nila na may nagpadala rin ng text message sa akin.Nakita ko kung paano gumalaw ang panga ni Byeongyun. Kita sa hitsura niya na napipikon na siya.“Hindi ko talaga alam na narito ang mga papel na pinagsulatan ko. Wala na akong matandaan,” sabi ko saka sinimulang ayusin ang aking mga gamit na nakakalat sa lapag. Agad naman akong tinulungan ni Einon.“Kahit ako ay naguguluhan na rin,” sambit pa ni Einon saka niya iniabot sa akin ang aking bag.“Ayaw ko na talaga ng gulo. Hangga’t maaari, sana huwag na

  • Fulfilled Duties (Tagalog)   Chapter 37

    BYEONGYUN’S POVIlang minuto na naming pinag-iisipan kung kanino maaaring nanggaling ang text ngunit ni isa sa amin ay walang ideya.“Hindi ko alam kung sino iyan pero sa tingin ko, nasa loob lang ng classroom na ito ang nakakita sa nagnakaw ng piece mo,” sambit ko.Panay ang buntong-hininga ni Deborah habang nakatingin sa aking telepono. Hindi ko alam kung ano’ng iniisip niya.“Deborah?” tawag ko sa kaniya.Tumunghay siya ngunit hindi pa rin siya nagsalita matapos niyang makita ang text.“Hey, speak up,” untag ko pa sa kaniya pero nabaling lang ang aking atensyon nang magsalita sa aking likuran si Watt.“Sino naman kaya talaga ang nagnakaw ng draft mo?” tanong niya kay Deborah ngunit isang kibit-balikat ang isinagot nito rito.“Iisa lang naman ang puwedeng gumawa niyan.”Agad kaming napalingon kay Einon na naglakad palapit sa

  • Fulfilled Duties (Tagalog)   Chapter 36

    DEBORAH’S POVPara akong nabunutan ng tinik kaya habang naglalakad ako patungo sa room habang nasa tabi ko si Byeongyun ay hindi ko mapigilang hindi mapangiti.Maayos na sila ni Bavi. Maayos na rin kaming dalawa. Magiging maayos na rin kaya ang takbo ng buhay ko sa paaralang ito?“Bakit mo na naman ako iniisip?”Agad akong napalingon sa katabi kong kapre at halos mapunit na rin ang kaniyang labi sa lapad ng kaniyang ngisi.“Ano’ng sinasabi mo?”“I don’t need to ask kung sino ba ang crush mo kasi for sure, ako iyon. Saka ang mga ganiyang ngiti? Ngiti ng mga iniisip ang kanilang crush. In short, ako ang crush mo, ako ang iniisip mo kaya ganiyan ang ngiti mo.”Napasinghap ako sa kakapalan ng kaniyang mukha.“Hoy!” bulyaw ko sabay duro pa sa kaniya. “Kailan ka pa nagsimulang kumorni nang kumorni, ha? Ang kapal ng mukha mo. Nakangiti ako kasi ok

  • Fulfilled Duties (Tagalog)   Chapter 35

    DEBORAH’S POV“The Korean guy... Byeongyun,” usal ni Bavi. “Okay, look, Byeongyun. It’s... it’s not what you think.”Sa pagitan ng mga hikbi ko’y muli kong tinawag ang pangalan ni Byeongyun.“Byeongyun...”Nang mapalingon siya sa paligid ay mas lalong kumunot ang noo niya. Doon niya lang rin siguro napansin kung ano’ng hitsura ko ngayon.Tumakbo na siya palapit sa akin saka niya hinawakan ang magkabilang balikat ko.“Bakit... bakit ka umiiyak? Bakit ang dumi mo? Ano’ng nangyari? Ha? Answer me, Deborah!” untag niya sa akin ngunit hindi ko nagawang sabihin kung bakit.Dahil doon ay nilingon niya si Bavi. Agad kong hinawakan ang mga braso niya nang maramdaman kong tensyonado na siya ngunit hindi iyon tumalab.“You!

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status