Share

Chapter 3

BYEONGYUN’S POV

“Nakakapagtaka. Hindi naman niya ito nabanggit noong unang araw ng pasukan.”

“Baka confidential, bro?”

“Nan molla,” I don’t know, bulong ko sa aking sarili.

Nakatitig lang ako sa bagay na napulot ko kanina sa CR nang maramdaman kong nag-vibrate ang aking telepono.

“Go ahead. May sasagutin lang akong tawag,” sabi ko roon kina Einon at Watt habang nasa hallway kami patungong classroom.

Bahagya ko namang binagalan ang aking paglalakad saka sinagot ang tawag. Itinago ko na rin sa aking bulsa iyong hawak ko kanina.

“Yes?” 

“Ya eodiya?” Hey! Where are you? sabi noong babae sa kabilang linya. Siya ang nag-iisang kapatid ko, si Ate Jiyun.

“Hakgyo. Wae?”  School. Why?

“Bogosipyeoseo,” I miss you, pagpapa-cute pa niya. “Come to my place.”

“Wae?” Why? nangingiti kong tanong. “Irereto mo na naman ba ako sa mga kaibigan mo? Ayaw ko.”

“You don’t want to see me, do you?”

“It’s not like that,” sabi ko saka bumuntong-hininga. “Alright. I’ll find time. See you at your restaurant soon.”

“Okei. Arasso.” Okay. I understand.

“Kkeunheulkeyo,” I will hang up now, sabi ko pa bago ko ibaba ang tawag.

Nang makarating na ako sa classroom ay napagtanto kong hindi pa pala ako ligtas. Akala ko ay tapos na ang encounter session ko sa mga agresibong babae, hindi pa pala.

“Oh, you’re here. Hi babe,” sabi ni Soobin pagkaupo ko sa aking table. Siya iyong kaklase kong mukhang mannequin. Nasa tabi ko siya’t panay ang kaniyang paghawi sa kaniyang buhok.

Sa halip na pansinin siya’y tinalikuran ko na lamang siya. Nang maalala ko naman kung sino dapat ang nasa aking tabi ay agad akong pumihit paharap sa babaeng katabi ko ngayon.

“Why are you here? Where’s midget?” agad kong tanong na kaniyang ikinakunot ng noo.

“Iyon siya bro, nasa unahan,” sabi ni Einon mula sa aking likuran.

“Mukhang nagalit sa iyo, pre. Ayaw ka na sigurong makatabi,” natatawang dagdag ni Watt.

“Midget? Sino si... midget?” maang na tanong naman ni Soobin na hindi ko pinansin.

Nang igala ko ang aking paningin ay agad kong nasipat ang maliit na nilalang na aking hinahanap.

Tumayo ako. “Midget,” tawag ko sa kaniya pero hindi niya yata ako naririnig dahil sa pakikipagkuwentuhan niya.

“Sino ba kasi iyong tinatawag mo, Byeongyun?” tanong pa ni Soobin na may paghatak pa sa laylayan ng aking suot na polo. “Ako na ang seatmate mo, okay?”

Hindi ko siya pinansin bagkus ay tinawag ko ulit si Deborah.

“Midget, get back here!”

For the second time, hindi niya ako pinansin. Bingi ba siya o sadyang nagbibingi-bingihan?

“Byeong—”

“Midget!”

“Yoon Byeong—”

Malakas na puwersa kong ibinagsak ang pareho kong kamay sa table dahilan para matahimik si Soobin at mapalingon ang lahat sa akin.

“Deborah Macalintal!”

Isang malakas na sigaw ang aking pinakawalan sa pagtawag ko sa buong pangalan ni Deborah.

“Si Deborah? Gosh! Why are you calling her?” tanong ni Soobin na takang-taka.

Doon ay hinarap ko siya at binigyan ng isang nakakatakot na tingin.

“Go back to your own seat, will you? And stop bothering me. It’s none of your business,” naiinis kong sabi sa kaniya.

Kapagkuwa’y nakita ko na si Deborah na papalapit na sa puwesto namin. Nakakunot kaniyang noo habang nakatingin sa akin.

“Hoy siraulo ka! Bakit ka ba sumisigaw, ha? Anong problema mo?” singhal na bungad niya nang makalapit na siya sa akin.

Tinabig ko na lamang si Soobin saka hinarap si Deborah. Sabi ko, “You shouldn’t be sitting anywhere else, Deborah. Pack up your things there and bring it here,” I instructed her.

“Hey, wait,” biglang sabat ni Soobin sa aming dalawa. “You know, I just can’t understand why—”

“Shut up,” I cut her off.

“Teka, sandali lang Byeongyun,” sambit ni Deborah. “Nakipagpalit ako ng upuan kay Soobin kasi iyon rin ang gusto niya. Siya na lang ang katabi mo.”

Nanliit ang mga mata ko kasabay ng pagpanting ng tainga ko dahil sa sinabi ni Deborah.

“Bakit ka nakipagpalit? Sinong nagsabi sa iyo na makipagpalit ka ng upuan?”

“G-gusto ko lang. Payag naman si Soobin—”

“Deborah, sabi ko bumalik ka rito sa upuan mo!” sigaw ko sabay turo sa upuan na katabi ng aking table. “Dito sa tabi ko!”

“Eh nakipagpalit—”

“Babalik ka ba o hindi?”

“Ano bang problema? Ano—”

“I’ll count five. Kapag hindi ka bumalik rito, gagawa talaga ako ng eksena,” pagbabanta ko sa kaniya. Namaywang naman siya’t tinaasan ako ng kilay.

“Hoy, Goliath! Are you... are you threatening me? Hindi iyan uubra sa akin. Tigil-tigilan mo ako!”

“One.”

“Tigilan mo nga ako, Byeong—”

“Two.”

“Byeongyun, can you just accept na ako na ang seatmate mo for—”

“Bumalik ka na, Deborah,” usal ni Einon.

“Three,” sabi ko saka tinitigan si Deborah.

“S-seryoso ka ba talaga?” Halata na sa itsura ni Deborah ngayon ang pag-aalala sa maaari kong gawin.

“Four.” Hinawakan ko ang table na aktong handa na akong ibalibag iyon.

“Mukhang may gulong magaganap,” litanya pa ni Watt.

“Fi—”

“Oo na! Oo na!” biglang sigaw ni Deborah dahilan para matigil ang aking pagbibilang. “Saglit lang, okay? Letse ka! Ito na, babalik na ako r’yan!” bulyaw niya sa akin sabay alis para kuhanin ang kaniyang mga gamit.

Inayos ko naman ang aking tayo saka ngumisi habang pinanonood siyang hakutin ang kaniyang mga gamit mula sa unahan.

“W-what?” Napalingon ako kay Soobin na hindi na maipinta ang mukha. “Listen to me, Byeongyun! I should be your deskmate!” sigaw pa niya.

“No, I don’t want you beside me,” I sarcastically said. 

“What? Are you... even serious?”

“Yeah. I'm dead serious,” sagot ko at hindi na siya tinapunan pa ng tingin.

Pagbalik ni Deborah ay agad niyang hinarap si Soobin. “Pasensya na Soob—”

“Whatever!”

“Soobin! Choi Soobin!” pagtawag pa ni Deborah sa papalabas na mannequin.

Pagkatapos ng eksenang iyon ay bumalik na ang lahat sa kani-kanilang mga ginagawa.

Nakasimangot namang umupo sa tabi ko si Deborah nang makaalis na si Soobin. Pabagsak niya ring inayos ang kaniyang mga gamit habang nakatingin sa akin nang masama.

“If I see you leave this chair again, I’ll—”

“Oh, come on! Stop threatening me, Goliath!” putol niya sa sinasabi ko.

“Alam mo,” aniya pa at hinarap ako, “hindi ko maintindihan kung bakit ayaw mong katabi si Choi Soobin. Ang ganda-ganda niya, Koreana, maputi, maki—”

“Cut the crap, midget. She’s too annoying. Tss,” sabi ko saka umupo sa tabi niya. Pagkatapos noo’y nakita ko siyang ngumuso.

Didn’t I tell her that she looks like a goldfish when she pouts?

“Ayusin mo nga iyang nguso mo. Para kang isda.” Bahagya naman niyang hinila ang aking buhok dahilan para malukot ang aking mukha.

“Aray ko naman!” daing ko pa.

Hinarap niya ako. “Masyado bang big deal kung hindi ako ang katabi mo ha? Arte-arte mo.”

Tiningnan ko siya saka ko sinabing, “Ako pa ang maarte? Iyong iba nga, gustong-gusto akong makatabi samantalang ikaw, ako na mismo ang nagvo-volunteer ayaw mo pa?”

“Napakapilian mo.”

“Ako pa ang pilian? Why? Hindi ba’t ikaw ang may gustong iba ang makatabi unang araw pa lang ng pasukan?”

Mamaya-maya’y tumayo siya at tinangkang umalis ngunit agad ko naman siyang napigilan.

“Dito ka lang. Maupo ka na dahil hindi ka na tatangkad.”

“Buang!” sabi niya nang mapaupong muli sabay hampas pa sa kamay ko.

“Ano nga? Mabaho ba ako kaya ayaw mo akong katabi? Pangit ba ako? Kapalit-palit ba ako? Ba—”

“Ungas ka! Ang dami mong sinasabi!” Tinalikuran pa niya ako para lang maitago niya sa akin ang pagpipigil niya ng kaniyang pagtawa.

“You know, you’re the only one who made me feel comfortable,” sabi ko sabay ayos ng aking pagkakaupo. Bigla naman siyang natahimik kaya’t nagpatuloy ako.

“Well, I’m a bit popular because of my face. You see, I’m cute and handsome and—hey! Where are you going?”

Tumayo na naman siya bigla kaya agad ko siyang pinigilan. Halos umikot na yata ang kaniyang eyeballs at around 360° dahil sa pag-irap niya sa akin.

“Napakahangin mo!” singhal niya.

“Umupo ka nga! I’m just kidding.”

Nang maupo na siya’y muli akong nagsalita.

“You made me feel comfortable that’s why I want you here,” sabi ko sabay turo sa inuupuan niya, “sa tabi ko.”

Ipinagpatuloy naman niya ang pag-aayos ng kaniyang mga gamit saka niya sinabing, “Anong meron? Ako? Ano ba’ng ginawa ko?”

“Look. Calling me oppa is okay, but ‘Oppa, can you be my boyfriend?’ or ‘Hi babe!’ or ‘Date me, oppa!’ is really annoying! Like calm down, I don’t know you!” litanya ko. Nang lingunin ko si Deborah ay pulang-pula na ang kaniyang mukha.

“What’s wrong with—”

Hindi ko na nagawang ituloy pa ang aking sasabihin nang tumawa siya nang malakas. Hinampas-hampas pa niya ang aking braso dala ng kaniyang kasiyahan.

“Why are you laughing?” seryoso kong tanong sa kaniya na mas ikinatawa niya.

“Ya! Geuman!” Hey! Stop! saway ko sa kaniya.

“Hindi na ako tatawa,” sabi niya sa pagitan ng kaniyang pagtawa. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

“Deborah, stop laughing.”

“Oo na. Nakakatawa kasi ang hitsura mo kanina. Mukha kang diring-diri,” aniya saka siya huminga nang malalim. “Seryoso? Ayaw mo sa ganoon? Ayaw mong tawagin kang oppa? Bakit iyong mga Kpop idols? Parang okay lang naman ah?”

Bumuntong-hininga ako bago ko siya sinagot.

“Hindi lahat gusto iyon,” sagot ko. “Haven’t you heard the news about a certain Kpop idol who was caught trashing his fans? Well, he likes calling him oppa, but when it comes from his fans, he gets annoyed. That guy led him getting kicked out from that boy group.”

“Oh? Ang sama naman pala ng ugali ninyo kung gano’n?” may halong pagkadismayang sabi niya.

“It’s not like that, Deborah. Yeah, maybe some. Ang akin lang, hindi na nakakatuwa. I just don’t like it.” Tumango-tango naman siya pagkatapos.

“You aren’t that weird at all unlike all the other girls na gusto lagi akong i-corner sa hallway.” I smiled widely, but she just raised an eyebrow on me.

“So you’re saying na weird din ako?”

“Um. Not at all.”

“Eh kung tugakan kaya kita ngayon?” Pakiramdam ko’y ako naman iyong napataas ang kilay.

“Tugakan?”

“Wala!”

“Tss. I just want you to be beside me, at all cost. Ayaw kong may iba pang babaeng lumapit sa akin na walang ibang ginawa kung hindi lingkisin ako at gawin akong pag-aari.”

“A-ano? Teka nga, takot ka ba sa mga babae?”

“A little?”

“Eh? Bakit hindi ka takot sa akin?

“Bakit? Babae ka ba?”

“Siraulo ka ah!” aniya saka ako inambahan ng isang sapak na hindi naman natuloy nang iharang ko ang aking kamay sa kaniya.

“Biro lang,” natatawa kong sabi. “Hindi naman. Siguro ay sa mga ganoong uri lang ng babae. Iyon lang ang ayaw ko.”

“Sus!” aniya saka ako sinimangutan. “Ang laki-laki mong tao, takot ka sa kanila? Niloloko mo ba ako?”

“Just help me, please?” pagpapa-cute ko. Ngunit dahil hindi siya madaling masilaw sa angkin kong kaguwapuhan ay kailangan ko pa ring manuyo.

“Hindi puwede! Paano naman ako? Ako ang mapapahamak sa gusto mo, alam mo ba iyon? Hahabulin lang ako ng kutsilyo ng mga babaeng humahabol sa iyo. Tse! Huwag ako!”

“I won’t let that happen, midget. Well, as my deskmate, you should be at least responsible with me, right?”

“Responsible ka riyan. Ano ka, bata?”

“Look. Kapag absent ako, for sure sa iyo ako hahanapin ng professor. Deskmate tayo. Partner!”

“Ang dami mong alam. Ano ako, guardian mo?”

“Something like that,” tatango-tango kong sagot. “I think we’re settled. From now on, it is your duty as my deskmate, okay?”

“Hoy, sandali!” nanlalaking mga matang sabi niya. “Anong settled?”

“Help me,” nakangiti kong ulit. “Tapos ako na ang bahala.”

“Sandali nga! Anong... anong bahala saan?”

“Ako na ang bahala sa iyo kapag pumayag ka,” sabi ko sabay kuha ng aking telepono mula sa aking bulsa.

“A-ano?”

“Basta kapag narito tayo sa school, gusto ko na nasa tabi lang kita. Ako na ang bahala sa iyo pagkatapos. I’ll do my duty as well as your Byeongyun,” sabi ko saka naglaro sa aking telepono.

“Anong sinabi mo? ‘My Byeongyun’ kamo?” nagtataka pa niyang tanong kaya muli ko siyang nilingon.

“I told you already na ako na ang makikita mo, makakausap mo, at makikita mo araw-araw dito sa school,” sagot ko.

“Hindi lang naman ikaw ang tao rito sa school, ‘no!” bulyaw niya sa akin.

“Let’s see, midget. But don’t you believe in the saying na kung sino ang una mong naka-bonding sa unang araw mo sa school ay siya na rin ang magiging kasama mo the rest of the school year?”

Nginitian ko na lamang siya matapos niyang mapatitig sa akin dahil sa mga sinabi ko.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Joyce Cabardo Gaviola
ang Ganda kasi nv story na aaliw ako......
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status