BYEONGYUN’S POV
“Zero, oneul sigangwa nalssi,” Zero, today’s time and weather, nakapikit kong utos kay Zero.
“The time is 6:32 am. Humidity is 96%, 4% rain probability, precipitation is 0.01016 mm, wind chill is 26, dew point is 25, 6% cloud cover, and UV index is 0.”
“Kamsahamnida.” Thank you.
Dahan-dahan ay tumayo na ako mula sa pagkakahiga ko. Nilapitan ko na rin ang floor-to-ceiling na pinto at nagsisilbi na ring bintana sa aking kuwarto saka hinawi ang kurtinang nakaharang dito.
“Nalsi johjyo?” Nice weather, isn’t it? sabi ko sa oras na tumama ang sinag ng araw sa aking mukha.
“Ye, majjayo,” Yes, that’s right, tugon ni Zero.
Voice command ang bahay ko. At iyong kinakausap ko kanina ay si Zero, pangalang ibinigay ko sa kaniya.
Matapos kong pagmasdan ang labas ay hindi na ako nag-abala pang magsuot ng kahit na anong damit nang maisipan kong lumabas na mula sa aking kuwarto. Bukod sa ako lang naman ang tao rito ay puro lang naman mga babaeng robot ang kasama ko.
Nang marating ko ang kusina ay agad akong kumuha ng maiinom mula sa refrigerator.
“Byeongyuna! Byeongyuna!”
Mula sa aking likuran ay narinig ko ang isa pang boses ng babaeng robot, si Uno.
Uno is a humanoid, four feet and six inches tall, and weighed 70 pounds. Kumbaga sa tao, ang taas niya’y para lamang sampung taong gulang na batang babae pero matured at advanced si Uno. She could walk with or without voice command, could speak about thousands of words, and could move her head and arms. Uno’s body consisted of steel gear, a camera and monitor, and motor skeleton covered by aluminum skin. Kulay pink siya ngayon.
“Byeongyuna! Byeongyuna!” muli niyang pagtawag sa akin.
Pagharap ko sa kaniya’y bitbit niya ang isang stripes na shorts dahilan para bahagya akong matawa.
“Uno-ssi? Mwohaneun geoya?” Miss Uno? What are you doing? natatawa kong tanong sa kaniya.
“Could you please wear your shorts, Byeongyuna? I hate seeing you walking around naked. Your thing is swaying.”
“M-mwo?” W-what? Mas lalo akong natawa. “My thing? My thing is swaying—ah. This?” sambit ko sabay turo sa aking alaga.
“I hate you! I hate you!” paulit-ulit niyang sabi saka nagpaikot-ikot sa kaniyang kinatatayuan. Bigla ring nagkulay pula ang kaniyang mga ilaw, senyales na naiinis siya.
“Alright. Give me my shorts, Uno. I’ll wear it.”
Doon ay lumapit siya sa akin saka niya iniabot ang shorts na kaniyang hawak-hawak.
“Your thing is swaying. Your thing is swaying. So disgusting! So disgusting!” aniya pa bago tuluyang bumalik sa sala.
Napailing ako’t muling natawa dahil daig ko pa ang may kasamang totoong babae. Ipinagpatuloy ko na rin ang pag-inom noong tubig saka muling bumalik sa aking kuwarto upang maghanda na sa pagpasok.
Isang oras pa bago ang unang klase sa umaga ay nakarating na ako sa school. Akala ko ay mapayapa akong makapaglalakad sa loob ng campus ngunit mali ako.
“Oppa!”
“Hi, oppa!”
“Ang gwapo mo naman.”
“Oppa, date me!”
“Hello, cute.”
“Can you be my boyfriend, oppa?”
Hindi ko pa rin lubos na maunawaan kung bakit ang daming gustong madikitan ako. Hindi naman ako Kpop member, hindi rin ako actor o model pero sa tuwing nasa school ako, nagiging instant celebrity ako.
Minadali kong isinuot iyong black face mask at iyong hood ng suot kong jacket saka nagmadali sa paglakad sa hallway.
Bakit ba kasi ang daming high school student na nakakalat sa college department?
“Si Byeongyun ba ‘yon?”
Tumakbo na ako nang makita kong lalapitan na ako ng iba pang grupo ng mga babaeng sa tantiya ko’y mga senior high school.
Yeah, I know I’m cute, but it irritates me everytime they want to squeeze me on the school hallways!
“Oh hey—aish!”
“Aray ko naman! Masakit sa pwet ha? Hindi mo ba ako nakikita?”
Inalis ko ang suot kong face mask at tiningnan kung sino iyong nabangga ko habang tumatakbo ako. Napangisi ako nang makita ko kung sino.
“Yeah, I didn’t see you. Ang liit mo kasi, midget.”
Pagtingala niya sa akin ay saka niya ako tinaasan ng kilay. Sabi niya, “Goliath? Anong itsura iyan? Mukha kang kidnapper! Saka teka nga, ako na lang ba lagi ang kailangang mag-adjust? Lakihan mo kaya iyang mga mata mong singkit!”
“I have no time to explain right now. Come on! Get up!” sambit ko nang mapansin kong hindi pa rin tumitigil sa paghabol sa akin iyong mga estudyante kanina.
“Saglit nga! Ang sakit kaya sa puwet!” reklamo pa niya na dahan-dahan pa sa kaniyang pagtayo. Nang mapansin kong malapit na iyong mga kababaihan ay tinulungan ko na si Deborah sa kaniyang pagtayo.
“Ppalli kaja!” Let’s go fast! sabi ko saka ko siya hinila upang tumakbo.
“H-hoy, sandali!” aniya saka ako pinisil sa aking kamay dahilan para matigil ang aming pagtakbo. “Ano bang problema mo? Bakit tayo tumatakbo? Bakit kailangang tumakbo?”
“I’ll explain later.”
“Oppa! Wait!”
“Anong later? Byeongyun ano—”
“Aish!” Tsk! Muli kong hinila si Deborah saka muling tumakbo.
Hindi ko alam kung sino o ano ang dapat kong sisihin. Should I blame my face instead?
“Teka, hinahabol ka nila? Walanghiya nga naman! Iba ka rin talaga—ahh!” Napasigaw na lamang siya nang dagdagan ko ang bilis ng aking pagtakbo.
Makaraan ang ilang minuto ay nagtago kami sa isang room nang pumihit kami pakaliwa matapos naming baybayin ang mahabang pasilyo.
“Bitawan mo na ako. Hindi na nila tayo mahahabol,” hinihingal at naiinis niyang sabi sa akin nang maisara ko na ang pinto. Agad ko naman siyang binitawan saka rin naghabol sa aking paghinga.
“Mian,” Sorry, sambit ko saka ko inalis ang suot kong jacket at mask.
Matapos niya akong irapan ay kaniyang sinabi, “Ano bang ginagawa mo, ha? Anong meron?” Namaywang pa siya’t tinaasan ako ng kilay.
“Hiding,” mabilis kong sagot.
“Hiding? Bakit? Dahil hinahabol ka ng mga fans mo?”
“They’re not my fans.”
“So anong tawag mo ro’n?” tanong niya habang inaayos ang kaniyang buhok. Dagdag pa niya, “Eh kasalanan mo rin naman kasi e. Kung hindi ka siguro ipinanganak na g—”
“Guwapo?”
Agad namang tumikwas ang kaniyang nguso dahil sa aking tanong. “N-nevermind,” sagot niya saka siya tumalikod. “Nasaan na iyon?”
Nang makita ko sa lapag ang kaniyang hinahanap na panali sa kaniyang buhok ay agad ko iyong kinuha.
“Found it,” sabi ko dahilan para bahagya niya akong lingunin. “Let me tie your hair. Ang ikli ng mga braso mo,” sabi ko saka pumuwesto sa kaniyang likuran.
“Talagang kailangang may panlalait?”
“Hindi kita nilalait,” pagtanggi ko saka hinawakan ang kaniyang buhok. “I’m describing you.”
“Siraulo—aray ko!”
“Huwag kang sumigaw! Baka may makarinig sa atin!”
“Ayusin mo kasi. Dahan-dahanin mo! Masakit kaya!”
“Just don’t move. Ito na, inaayos ko na nga. Saka hinaan mo iyang boses mo.”
Nang maitali ko ang kaniyang buhok ay saktong pagbukas naman ng pinto.
“Bro, anong ginagawa ninyo dito?” natatawang tanong ni Einon at Watt nang maabutan nila kami sa loob. Kapwa sila mga kaklase rin namin.
“Bakit kasama mo rito si Deborah?” tanong pa ni Watt.
“Akala ko CR ‘to. Mukhang naging motel na,” pangngisi naman ni Einon.
Agad na nanlaki ang mga mata ni Deborah nang mapansin niya ang aming paligid.
“T-teka, nasaan—ano ‘to? CR ng mga lalaki?” bulalas niya saka niya ako tiningnan nang masama. “Siraulo ka talaga, Goliath!”
“Sabagay. Sa ganda ba naman ng CR dito ay mukhang hindi CR,” sambit pa ni Einon saka iginala ang kaniyang paningin.
“Siraulo—aray ko!” biglang panggagaya ni Watt kay Deborah na agad namang sinakyan ni Einon.
“Huwag kang sumigaw! Baka may makarinig sa atin!” sambit ni Einon na ginagaya ang sinabi ko kanina.
“Ayusin mo kasi. Dahan-dahanin mo! Masakit kaya!”
“Just don’t move. Ito na, inaayos ko na nga. Saka hinaan mo iyang boses mo.”
Pinigilan ko ang aking sariling huwag matawa dahil sa ginagawa noong dalawa at sa itsura ngayon ni Deborah.
“Alam ninyo bang rinig na rinig kayong dalawa kanina sa labas?” natatawang pahabol ni Einon.
“Goliath!” sigaw ni Deborah. Mukha na siyang kamatis ngayon. Maliit at kulay pula.
“It’s Byeongyun,” nakangiti kong sabi.
“Naiihi na ako. Hindi pa ba kayo tapos?” usal ni Watt saka tumingin sa aming dalawa ni Deborah.
“Bwiset!” muling sigaw ni Deborah saka dali-daling tinungo ang pinto.
“Where are you going? Ayaw mo bang makakita ng lumilipad na ibon, Deborah?” pahabol na pang-aasar ko pa sa kaniya dahilan para linungin niya ako.
“Anong ibon? Maya? Iyong maliit at kulay brown?”
Wala na akong ibang narinig maliban sa malakas na tawanan nila Einon at Watt. Nakita ko rin ang pagngisi ng maliit na babaeng iyon bago siya tuluyang lumabas ng pinto.
“Bro, maliit daw iyan at kulay brown? King ina!”
“Iba rin ang tabas ng dila ni Deborah, pre. Malakas!”
Sinamaan ko na lamang sila ng tingin ngunit pagpihit ko patalikod ay pasimple rin akong napangiti.
Maliit? Tingnan na lang natin sa banda riyan kung alin ang mas maliit Deborah. Ang height mo o itong alaga ko.
BYEONGYUN’S POV“Nakakapagtaka. Hindi naman niya ito nabanggit noong unang araw ng pasukan.”“Baka confidential, bro?”“Nan molla,” I don’t know, bulong ko sa aking sarili.Nakatitig lang ako sa bagay na napulot ko kanina sa CR nang maramdaman kong nag-vibrate ang aking telepono.“Go ahead. May sasagutin lang akong tawag,” sabi ko roon kina Einon at Watt habang nasa hallway kami patungong classroom.Bahagya ko namang binagalan ang aking paglalakad saka sinagot ang tawag. Itinago ko na rin sa aking bulsa iyong hawak ko kanina.“Yes?”“Ya eodiya?” Hey! Where are you? sabi noong babae sa kabilang linya. Siya ang nag-iisang kapatid ko, si Ate Jiyun.“Hakgyo. Wae?”
DEBORAH’S POV“Bakit gan’yan ka? Hindi nakakasawang kasama maghapon. Puro tawanan, may kasamang asaran, pero sa dulo’y—”Nahinto ang aking pagkanta nang may dumaang palaka sa may paanan ko habang naliligo ako sa banyo.“Hoy, palaka!” sigaw ko rito. “Sinisilipan mo ba ako?” Hindi ako pinansin ng palaka at dire-diretsong nagsuot sa butas na labasan ng tubig.“Basta kapag narito tayo sa school, gusto ko na nasa tabi lang kita. Ako na ang bahala sa iyo pagkatapos. I’ll do my duty as well as your Byeongyun.”Napailing ako’t napanguso. “Ayaw niyang may feeling nagmamay-ari sa kaniya pero ano iyong ‘your Byeongyun’ na sinasabi niya? Tunog akin siya ah,” bulong ko sa aking sarili habang nagsa-shampoo.“I told you already na ako na ang makikita mo, makakausap mo, at makikita mo araw-araw dito sa school.&rdquo
DEBORAH’S POV“Sinong kinakausap mo? Saglit pa lang akong nawawala sa tabi mo, kung sinu-sino na agad ang kinakausap mo.”Sinimangutan ko na lamang siya’t nagsulat ng kung ano sa aking notebook.“Tss. Wala,” maikli kong sagot sa kaniya.“Ano ba’ng ginagawa mo?"“Hindi ba obvious? Nagsusulat ako.”“Yeah. I mean, what’s it all about?”Tiningnan ko siya. “Bakit ka curious?”“Masama ba’ng magtanong?”“Hindi,” patuloy kong tugon.“Ano kasi iyan?”Sa tangkad niya’y hindi ko agad magawang bawiin sa kaniya iyong aking notebook nang magawa niya itong hablutin mula sa akin.“Synopsis? Oh, so you’re writing a story?” sabi niya sabay lipat nito sa kabilang page.“Ibalik mo na iyan, ano ba? Hoy!”“Wait. Just let
BYEONGYUN’S POVPanibagong araw na naman.Sa aking paglalakad patungong gate ng school matapos kong mai-parked ang aking motor ay isinalpak ko ang earphones sa magkabilang tainga ko habang humihithit ng sigarilyo.Missing You by The VampsAgad namang natigil ang pinatutugtog kong kanta nang biglang may tumawag sa aking telepono na agad ko namang sinagot.“O noona?” Yes, Ate Jiyun? sambit ko.“Jal jinesseoyo?” How have you been?“Gwaenchana. Hakkyoae kakoisseoyo. Wae?” I’m okay. I'm on my way to school. Why?“You were at the restaurant yesterday?” tanong niya. “Mianhae.” I’m sorry.“That’s fine. I was there with a friend, Deborah. Doon kami nag-lunch. I was about to introduce her to you, but you weren’t there yesterday,” sagot ko. “Bappayo?” Are you busy?“A girl?” Tila sumigla ang boses niya sa kabilang linya kaya agad akong napangisi.“Why?” tanong ko sabay hithit muli sa aking sigarilyo.“Date her.”Muntik na akong masamid. “M-mwo?” W-what? “Date her!” ulit pa niya.“Seriously? We’r
DEBORAH’S POV“King ina! Paniguradong aasarin na naman ako ng ungas na iyon!”Pasabunot kong isinuklay ang aking mga daliri sa aking buhok habang nasa loob pa rin ng cubicle at nakaupo sa toilet.“Inhale tapos exhale, Deborah,” sabi ko sa aking sarili saka huminga nang malalim.“Bakit ka ba nagkagano’n kanina? Para kang siraulo, Macalintal! Eh ano naman kung sumama siya sa mga babaeng iyon? Ano naman sa iyo? Edi hayaan mo siyang mag-party! Malaki na si Byeongyun, okay? Siya nga si Goliath, ‘di ba? Buwisit kasing guard iyon e! Hay!”Muli akong huminga nang malalim saka ilang minuto pang nanatili sa loob ng cubicle para mahimasmasan.Nang tangkain ko nang tumayo para sana lumabas sa cubicle ay sakto namang may narinig akong nag-uusap sa labas kaya’t napaupong muli ako.“Ang ganda ni Choi Soobin, ‘di ba?”“Tama ka. Kaya nga nakakapagtaka na ayaw sa kaniya ni Byeongyun e. Sayang. Kung hindi siguro dahil sa nangyari noon sa kanila, hindi siguro magagalit sa kaniya si Byeongyun nang gano’n.”
BYEONGYUN’S POV“Galit ka ba?” tanong ko kay Deborah na hindi pa rin natitinag sa mga pagtawag ko sa kaniya.Hindi ko kasi alam kung kanino na ba talaga siya galit, doon sa guard, sa akin, o kay Soobin?Bahagya akong lumapit sa kaniya saka itinapat ang aking bibig sa kaniyang tainga.“Remember,” bulong ko, “I’m too cute to be ignored, midget. I’m telling—”“Look at them!”“Omg!”Nakita ko kung paano nanlaki ang mga mata ni Deborah matapos maglapat ang aming labi nang lingunin niya ako.Sa gulat ko ay hindi rin agad ako nakagalaw.“Everyone, eyes on me!”Nang biglang dumating ang aming guro ay kapuwa kami napaayos ng aming upo.“Alright. I think, we... we should just talk later,” sabi ko na lamang at hindi na siya tinapunan pa ng tingin.Buong oras ng klase ay hindi ako kinausap
DEBORAH’S POV“Inang! Bakit may halik? Bakit nangyari iyon? Bakit? Bakit may gano’ng eksena? Bakit? Hay!”Panay ang aking sigaw sa aking kuwarto habang nakahiga sa aking kama at may taklob na unan ang aking mukha.“Yoon Byeongyun! Isa ka talagang harot na Goliath! Nakakainis ka—”“Mexico, ano ba’ng nangyayari na naman sa iyo?”Agad akong napabalikwas matapos akong hampasin ni mama sa aking binti. Nasa kuwarto ko na siya’t nakatitig na sa akin, naghihintay ng isasagot ko sa kaniyang tanong.Anong sasabin ko? Na nahalikan ako ng isang kanong pinaglihi sa kitikiti?Napakamot ako sa aking ulo saka nag-Indian sit.“Wala naman, Ma,” tugon ko. “Nakaka-stress lang po sa school.”“Pagkain lang ang katapat niyan. Kumain ka na!”“Mamaya po,” sagot ko pa saka muling nahiga at nagtaklob ng
DEBORAH’S POV“Byeongyun daw ang pangalan niya, Ate.”Ganoon na lang ang aking pagkagulat nang malaman kong si Byeongyun pala ang sinasabing tao ng aking kapatid na nasa labas ng aming bahay.“King ina! Bakit ka nasa labas ng bahay namin?” sigaw ko sa telepono saka dali-daling lumabas ng aking kuwarto.“Do you really have to cuss?” aniya sa kabilang linya.“Anak, bakit may kotse sa labas ng bahay natin? Sino ba iyon?” tanong ni Papa na pasilip-silip sa labas habang nakaupo sa sala.Sa halip na sagutin siya ay nagdire-diretso na ako sa labas ng pinto.Naroon nga si Byeongyun.Nasa labas siya ng kaniyang sasakyan, nakasandal habang may bitbit na malalaking supot na papel ang kaniyang magkabilang kamay. Doon ko rin napansin na nakasuot pa rin siya ng uniform.“Ayos ka rin,” sabi ko sa telepono nang makita ko pa siyang nakakiling dahil nasa pa