Share

Fulfilled Duties (Tagalog)
Fulfilled Duties (Tagalog)
Author: disguisedname

Chapter 1

Author: disguisedname
last update Last Updated: 2020-08-11 22:52:18

DEBORAH’S POV

“Hindi naman katulad ng pagtae ang pagkakagusto sa isang tao,” saad ni Watt na nakapagpasamid kina Byeongyun at Einon. Pati ako ay napatitig sa kaniya. “Kapag naitae mo na, wala na iyong feeling na natatae. Iyong pagkagusto ko sa kaniya, hindi gano’n.”

“Gross.” Napailing si Byeongyun.

“Kadiri,” ismid na sabi naman ni Einon.

“Ikaw ba, hindi?” Biglang tumaas ang kilay ni Einon sa banat ni Watt. Akala mo ba hindi ko alam na nagkagusto ka kay Deborah?”

Ay king ina, Watt.

Agad akong napamulaga sa aking narinig. Mabilis ding umakyat ang lahat ng dugo sa mukha ko nang magtama ang tingin namin ni Einon. Ang bilis namang sumegwey ng topic?

“Ha?” Napaawang na lang ang bibig ko. Hindi ko kasi inaasahan na mauungkat pa iyon. Hindi ko rin nabanggit kay Byeongyun kasi para saan?

Pero sabagay. Ang alam ko lang naman ay nagkagusto sa akin si Einon. Hindi ko alam kung bakit at paano niya ako nagustuhan. Hindi ko na rin naman siya tinangkang tanungin dahil ang pag-amin niya sa nararamdaman niya para sa akin ay ang huling beses din na sinabi niyang gusto niya ako.

“Hoy gago ka. Ano’ng sinasabi mo?” namimilog na mga matang singhal ni Einon.

“Bakit? Takot ka ba kay Byeongyun?”

Palihim akong napalingon kay Byeongyun na tahimik na nilalantakan iyong siomai na pina-order niya sa labas sa isang staff ng ate niya rito dahil nagke-crave daw siya. Wala kasi iyon sa menu.

Pero hindi natinag si Byeongyun. Mukhang hindi niya narinig o wala talaga siyang pakialam. Ay teka, ano ba’ng gusto kong mangyari?

Napaismid naman ako.

“Einon, paabot ng tissue,” sambit ni Byeongyun na parang hindi namin sila pinag-uusapang dalawa.

Agad iyong inabot ni Einon kay Byeongyun. “Oh.”

“I knew about it already,” saad ni Byeongyun. “Since first day of school.”

DUNCAN UNIVERSITY

Isang private school na sikat sa pagkakaroon ng mga foreign students. Private, as usual, mahal ang tubig, mahal ang pagkain, mahal ang ambagan, mahal ang lahat... ako na lang ang hindi nagmamahal. Mahal—mahal ang tuition na akala mo ay ipapadala ang aircon at wifi sa sobrang mahal.

Unang araw ko rito sa gintong school na ito. Sa totoo lang ay hindi ako makakapasok sa University na ito kung hindi dahil sa scholarship ko. Unang-una, hindi kami mayaman. Pangalawa, lima na kaming pinag-aaral ng aming mga magulang. Sapalaran pa nga kung makakapag-aral pa iyong isa ko pang nakababatang kapatid.

Ang magandang balita, kung hindi ninyo naitatanong ay nanalo ako sa isang Academic Quiz Bee noong nakaraang taon, at sa pagkasuwerte-suwerte ko nga naman ay ako ang nagkamit ng unang puwesto. Ang premyo? Dalawampung-libong piso kada semester sa buong apat na taong kurso.

Suot ang puting blouse na may kaparehang kulay maroon na kurbata at kulay maroon na paldang lagpas lamang ng kaunti sa aking mga tuhod ay tahimik kong binaybay ang daan patungong gate ng school nang makababa ako ng tricycle.

“Makiki-tap muna ng mga ID ninyo,” sambit noong isang guard na nakabantay sa main gate.

Isa pa sa nakakatuwa ay ang pagiging high tech ng school na ito. Bago ka makapasok ay kailangan mo munang i-tap iyong ID mo sa isang maliit na scanner na nakadikit sa pader at pagkatapos ay lalabas ang iyong mukha sa monitor, senyales na naka-logged in ka na. Ganoon din ang gagawin bago ka lumabas ng school para mai-log out at malamang wala ka na sa loob ng school.

Ilang hakbang pa ay narating ko na ang isang pagkahaba-habang pasilyo.

Maganda.

Halos lahat ng makita kong building ay nagtataasan at mababa na ang limang palapag. Rinig na rinig din ang malakas na ingay mula sa malaking gymnasium at kitang-kita rin ang kagandahan ng Terraza mula sa aking kinatatayuan. Talagang maganda dahil kung hindi ay malamang kurakot ang nga nilalang dito. Sa mahal ng ibinabayad na tuition dito ay dapat lang na maganda rin ang school!

Sa pagpapatuloy ng aking paglalakad ay mas lalo kong narinig ang maingay at nakabibinging paligid. Ang daming estudyante. May mga elementary na nagtatakbuhan habang kanilang hila-hila ang mga de gulong nilang bag, may mga juniors, seniors, at syempre, mga college na halos nagpupulahan ang mga pisngi dahil sa kanilang make-up. Ako? Tamang pahid lang ng kaunting pampapula sa labi para hindi ako magmukhang clown katulad noong babaeng kadadaan lamang sa aking harapan.

Dala ng pagkamangha sa aking mga nakikita ay hindi ko na napansin ang aking dinaraanan.

“Kabayo! Hala, sorry po!” agad ko namang paghingi ng tawad nang may makabangga akong estudyanteng lalaki sa aking paglalakad.

Kung inaakala ninyong dito na magsisimula ang istorya ng aking pag-ibig ay isa iyong malaking kalokohan! Ni hindi niya man lamang nga ako nilingon at diretsong naglakad ulit. Dahil doon ay agad na tumikwas ang aking nguso sa pagkadismaya.

“Tsk! Sa mga drama lang talaga sa TV may mga babae at lalaking magkakatitigan sa ganoong eksena,” usal ko saka nagpatuloy sa paglalakad. “Pero sa totoong buhay, wala—ay kabayo ulit!”

“Aish jinjja!” My goodness!

Take two pero ibang karakter. Para siyang kidlat. Agad kasi niya akong nahawakan sa aking braso dahilan para hindi ako bumagsak pagkatapos ko siyang mabangga at mawalan ng balanse.

Pag-angat ng ulo ko ay nakita ko ang mala-anghel niyang mukha, matangos na ilong, fair-skin, may pa-bangs, at talagang siya’y matangkad. First foreigner na nakita ko rito nang malapitan.

“K-Korean?” wala sa sariling sambit ko.

“Ne,” Yes, walang emosyon niyang sagot. Pansin ko ang paghugot niya ng kaniyang hininga bago niya marahang binitiwan ang aking braso. Kapagkuwa’y namulsa siya saka niya sinabing, “Do not face the floor, and look where you’re going, midget. Kaya ka nababangga e.”

I immediately fixed myself nang mapatitig ako sa kaniya. Parang hindi ko yata gusto ang tabas ng kaniyang dila.

According to English thesaurus, midget is synonymous to Lilliputian, baby, diminutive, knee-high, miniature, minikin, pocket, teensy, teeny, tiny, short, small...

“A-ano? Anong—hoy! Anong midget ang sinasabi mo, ha?” singhal ko sa kaniya saka ko siya tinaasan ng kilay. Ngumiti naman siya.

“Midget,” ulit niya saka bahagyang yumuko upang tingnan ako nang malapitan. Dagdag pa niya, “Small. Short. Baby. Ah, no. Scratch that. Let’s say, minion. Gets?”

Suot ang nakakaloko niyang ngiti na dahilan ng paniningkit ng aking mga mata ay agad akong napabuga ng hangin dahil sa nararamdaman kong pagkaasar.

“Midget? Still there?” aniya saka niya ikinaway ang kaniyang kanang kamay malapit sa aking mukha. Doon ko rin napansin na mayroon siyang tattoo ng dragon sa kaniyang magkabilang braso.

“Oo, nariito ako! Hindi mo ba ako nakikita? Tsk! ‘Wag mo nga akong tawaging midget!” pagrereklamo ko sa matinis na boses.

“A majja,” Oh, that’s right, sambit niya saka muling inayos ang kaniyang tindig. “I can clearly see how little you are pero magpatangkad ka muna, okay?” With his both hands on his pocket, nagsimula na siyang maglakad papalayo.

“Siraulo ka!” pahabol kong sigaw sa kaniya.

“Ah, hold it,” sabi pa niya saka siya tumigil sa paglalakad. Paglingon niyang muli sa akin ay kaniyang sinabi, “Are you lost, little girl? You are in the college department at bawal ang elementary students dito.”

Mas lalong kumulo ang aking dugo nang ngumiti siya nang mas malapad.

“Bulag ka ba? Hindi mo ba nakikita itong suot kong uniform? College na ako! College! Ano ba’ng problema mo sa height ko, ha? Bwiset ka!” naiinis kong sigaw sa kaniya.

Pakiramdam ko’y magkakaroon na akong ng totoong wrinkles dahil sa pangungunot ng aking noo dahil sa mga pang-aasar niya.

“Ah. Okay,” aniya sa pagitan ng kaniyang mahinang pagtawa. Doon ay hinayaan ko na siyang maglakad palayo.

Minasahe ko ang aking mukha at saka nag-relax. Kung hindi ko pa kasi siya hahayaang umalis ay baka hindi ko na mapigilan pa ang aking sarili na hindi mag-evolve at maging si David dahil sa Koreanong Goliath na iyon!

“Relax, Deborah. Simula pa lang yan,” bulong ko sa aking sarili. “Baka mas marami pang kurimaw na mas malala pa riyan kaya relax ka muna.”

Humugot ako ng isang malalim na paghinga, inayos ang sarili ko saka ako nagmadali sa paglalakad patungo sa classroom ko.

Wala pa man ako sa pinto ay narinig ko nang binanggit ang pangalan ko.

“Miss Macalintal?” ani ng isang boses ng babae.

“Miss Deborah Macalintal?”

“Yes, ma’am! Present po!” medyo pasigaw kong tugon nang makatuntong na ako sa pinto ng aming classroom.

“Oh, you’re here,” nakangiting sabi sa akin noong professor. Dagdag pa niya, “You may sit beside Mr. Yoon, but introduce yourself first.”

Tumango naman ako at tumayo sa unahan na walang kamalay-malay sa aking sunod na makikita at maririnig.

“Akala ko ba college na tayo? Bakit may kinder sa unahan?” pambungad na pang-aasar ng isa sa mga lalaking magiging kaklase ko dahilan upang magtawanan ang lahat.

Gustuhin ko mang iikot ng 360° ang aking mga mata dahil sa inis ay hindi ko magawa. Seriously? Hindi ba pwedeng mind their own height na lang? Kanina pa ha.

“Stop making fun of her, Neo.”

Napalingon ako doon sa lalaking nagsalita at nagsaway sa may bandang likuran. Nalukot lang lalo ang aking mukha nang malaman kong magiging kaklase ko pala siya. Naka-pokerface siya nang tingnan niya ako mula sa kinauupuan niya.

“Be friendly with a kid like her,” dugtong pa niya na ikinatawa na nang malakas ng lahat estudyanteng nasa loob ng classroom.

Tinitigan ko siya’t pasimpleng sinamaan ng tingin. Koreanong Goliath!

“Quiet, everyone!” saway naman nitong professor na nasa aking tabi. Kapagkuwa’y agad ring humupa ang tawanan nila. “Miss Macalintal, please introduce yourself.”

“Deborah Macalintal,” maikli at walang gana kong pagpapakilala. Ni hindi ko na rin magawang ngumiti dahil sa pagkainis.

“O-okay,” napipilitang ngiti ng professor saka niya ako sinenyasan na puwede na akong maupo.

“Boring.”

Napangisi ako nang mahagip ng aking tainga ang kaniyang ibinulong. Isang lalaking parang kakambal ang crescent moon. Hinarap ko siya at saka siya nginitian.

“Mas mabuti iyon para hindi ka magka-interes sa akin,” sabi ko.

“Burn baby!” natatawang sambit ng kaniyang katabi.

“What the—”

Maglalakad na sana ako patungo sa aking upuan nang maalala ko kung sino ang aking makakatabi. Muli ko namang hinarap iyong professor namin.

“Ma’am, puwede po bang makipagpalit ng desk?” tanong ko na agad niyang hindi sinang-ayunan.

Napasimangot ako nang bahagya sa kaniyang sagot. Tumalikod na lang ako pagkatapos saka tinunton ang aking magiging upuan kung saan ay kitang-kita ko na ang mukha ng isang Koreanong Goliath.

“Stop pouting. Mukha kang goldfish,” panimula niya pagkaupo ko pa lamang sa tabi niya.

“Tigilan mo ako, Goliath!” saway ko sa kaniya saka siya bahagyang tinalikuran.

“Goliath?” nagtatakang tanong niya ngunit hindi ko iyon pinansin. Ngunit sadya yata siyang may lahi ng pagiging makulit nang marinig ko na naman ang kaniyang boses.

“Ma’am, puwede po bang makipagpalit ng desk?” panggagaya niya sa akin kaya mariin akong napapikit. Pilit pa niyang pinaliit ang kaniyang boses kaya mas lalo akong nairita. “Tss. Ayaw mo ba akong katabi?” tanong pa niya sa mapang-asar na tono.

Dahan-dahan ko siyang nilingon suot ang isang pekeng ngiti. “Obvious ba? Kailan ka ba titigil? Kailan ka mawawala?”

Umiling siya. “There’s no way you can get rid of me, midget. Anyway, I’m Byeongyun. Yoon Byeongyun,” pagpapakilala niya sa akin.

“Tigilan mo na ako, puwede? Tumahimik ka na lang. Hindi ko naman tinatanong.” Tinaasan ko lang siya ng kilay saka ko inayos iyong mga gamit ko sa table.

“We’re classmates.”

“Ano naman ngayon?”

“Araw-araw mo akong makikita. Araw-araw mo akong makakausap at makakasama. It’s cool, isn’t it?”

“Cool mo mukha mo. Kumukulo ang dugo ko sa iyo!”

“Tss. Easy ka lang.”

Hindi ko na siya pinansin pa. Kung ganito lamang din naman ang aking makakasama, makikita, at makakausap araw-araw ay mas gugustuhin ko pang makipag-usap sa aking sarili!

“Deborah? That’s a nice name, but I prefer calling you midget,” aniya saka tumawa.

Muling nagpanting ang aking tainga kaya’t nang mahawakan ko ang isang makapal-kapal kong notebook mula sa aking bag ay agad ko iyong naihampas sa kaniya. Agad na nahinto ang kaniyang pagtawa dahil sa aking ginawa.

“Masakit? Tumahimik ka kasi,” sarkastiko kong sabi saka siya inirapan.

Bago ko alisin ang aking paningin sa kaniya ay nakita ko pang nag-pokerface siya.

Kung bakit ba naman kasi hindi na lang siya naging mabait! Bibihira na nga lang ako makakita ng Koreano tapos ubod pa ng bully.

“Midget,” sambit niya.

Awtomatiko kong nailagay ang aking mga kamay sa magkabila kong tainga nang marinig ko na naman ang kaniyang pang-aasar. Tinamaan ka nga naman ng magaling!

Ilang minuto pa’y lumabas na ang professor matapos makapagpakilala ng lahat. Wala raw munang klase kasi anytime, pwede pang mabago ang schedule kaya sa amin na muna ang natitirang time sa klase niya.

Break time at ang lahat ay halos naglilibot sa buong campus. Pumunta muna ako sa canteen para sana bumili ng tubig.

“Ate, tubig nga po!” medyo pasigaw kong sambit dahil sa dami ng nakaharang sa unahan ko ay hindi ako maririnig.

“Ate, pabili po ng—aray ko! Ate, tubig—aray! Tubig po!”

Anak ng! Minsan talaga ang hirap din maging maliit. Muntik na akong mapisa kanina. Jusko!

“Oh, tubig.” Pagharap ko sa aking tagiliran ay nakita ko si Byeongyun na iniaabot sa akin ang isang bottled water.

“Take it. You’ll just get hurt kapag nakipagsiksikan ka pa sa kanila. Sa liit mong ‘yan, maiipit ka lang nila.”

Concern ba ito o sadyang nang-aasar lang? Talagang iba rin ang tabas ng dila nito e.

“Salamat ha,” sarkastikong sambit ko sabay hablot sa kaniya noong bote ng tubig.

“My pleasure, midget,” aniya sabay kindat sa akin at saka nakapamulsang umalis.

Aba, ay maharot ang kano! Kumindat pa?

“Nakita mo ‘yon? Kumindat si kuyang pogi!”

“Oppa wink at us. Omo. Omo.”

Awtomatikong pumihit ang leeg ko sa likuran ko nang marinig ko ang itinitili ng mga harot na ito. Mga senior high school students.

Nang mapansin nilang nakatingin ako sa kanila agad nila akong tinaasan ng kilay. Aba’t—mga balasubas!

Magtataray na sana ako kaso nakita kong nagliwanag bigla iyong mga mukha nila. Mukhang nakakita ng artista sa likuran ko. Sa pagtataka ko’y pumihit ulit ang leeg ko para tingnan kung saan sila nakatingin.

“Hi, midget,” ngiting-ngiti na bati niya sa akin.

Napatikwas ang nguso ko nang makita ko na naman siya. Kaya naman pala. Artistahin nga. Kapagkuwa’y napangisi ako. Ang makaisip ng kalokohan ngayon ay saktong-sakto lamang.

“Bakit ka bumalik?” komportable kong tugon sa kaniya na halatang kaniyang ipinagtaka. Nilingon ko ulit iyong mga asyumera sa likuran ko na tumitili parin. Napairap ako bago ko muling lingunin si Byeongyun.

“Come with me. We’ll go around the campus,” pagyayaya niya sa akin na sinang-ayunan ko naman kaagad. Napangisi na lang ako sa naisip ko.

“Sure! Let's go!” bumubungisngis kong sambit sabay hawak sa braso niya.

“Great,” usal niya na hindi binigyang-pansin ang ginawa kong paghawak sa kaniyang braso saka kami naglakad palabas ng canteen. Bago pa man kami tuluyang makalayo ay nilingon ko sa huling pagkakataon iyong mga bruhang senior high school students na ngayon ay mga nakakunot ang noo. Natawa naman ako.

“Mga assuming!” bulong ko sabay dila sa kanila.

Ilang segundong katahimikan.

“You’re so cute and funny. Para kang bata sa ginawa mo,” natatawa-tawang usal ni Byeongyun sa gitna ng aming paglalakad. Diretso lang siyang nakatingin sa daan.

“Tss. Hindi naman siguro sila mamamatay kung patulan ko sila,” naaasar kong sambit.

“Ginawa mo pa talaga akong props?” pang-aasar pa niya kaya kumalas agad ako sa pagkakahawak ko sa braso niya nang mapagtanto kong kanina pa pala ako nakakapit sa kaniya.

“Tse! Acting lang iyon! Sa iyo na braso mo, oh!” singhal ko sa kaniya saka ko siya mahinang itinulak.

“Ngayon ka pa kumalas?”

“Bakit? Nag-e-enjoy ka pa?”

Nang inguso niya ang aming paligid ay naintindihan ko na.

“Masiyado tayong agaw-pansin,” nakangiti niyang sabi na ikinataas ng aking kilay.

“Wow. Sikat ka pala sa mga babae, ano?” Tiningala ko si Byeongyun. Sabi ko pa, “Alam mo minsan, mag-face mask ka na lang para hindi ka pinagkakaguluhan. Sus! Para hawak lang sa braso e,” sambit ko at nagpatiuna sa paglalakad.

“Hey, midget! Wait for me,” sigaw niya habang hinahabol ako. Madali naman niya akong naabutan dahil mahahaba ang biyas niya kumpara sa akin.

“Just don’t mind them. Kung gusto mo, humawak ka na ulit sa akin kasi baka mamaya, maligaw at mawala ka pa. Hawak lang naman—aw!” Napadaing na lamang siya nang hampasin ko siya sa gitna ng pang-aasar niya sa akin.

“Siraulo ka.”

“If I know, tuwang-tuwa ka sigurong hawakan ako. Hawak—aray!”

“Humanap ka ng kausap mo, Goliath!”

“Baka may iba ka pang gustong hawakan sa akin—ouch! Hey! Nakakarami ka na!”

“Tumigil ka na nga, Goliath!”

“It’s Byeongyun.”

“Goliath.”

“Okay, midget.”

“Ugh!”

“Ayaw mo na talagang humawak—okay. I’ll stop.”

Tinangka kong unahan siya sa paglakad ngunit sa laki niya’y hindi ko siya magawang takasan.

Natapos ang maghapon sa paglilibot namin sa school facilities at different departments na meron ang school. At sa maghapon na iyon, hindi ko man inaasahan ay si Byeongyun lang ang nakasama ko sa buong tour kahit maya’t maya ko siyang hinahampas dahil sa pagiging alaskador niya.

“Ayaw mo talagang ihatid kita?”

Hindi ko na mabilang kung pang-ilang beses na niyang naitanong sa akin iyon habang papalabas kami ng gate ng school.

“Oo, ayoko nga. Baka kung ano pa’ng isipin ng mga iyan,” sabi ko sabay nguso sa paligid.

Ang dami kasing babaeng bet na bet ang Koreano na ito. Sa dami nila ay baka maging meat ako sa Samgyeupsal kapag nagkataon.

Nang makarating kami sa parking area ay agad niyang kinuha ang kaniyang helmet.

“So? I just want to give you a ride to say thank you kasi sinamahan mo ako kanina sa pagtu-tour around the campus,” pagpapaliwanag pa niya sabay salpak noong helmet sa ulo niya.

“Sus! Thank you is enough. Saka hindi mo naman ako girlfriend para ihatid pa sa bahay.”

“Mwo?” What? nangingiti niyang tanong sa akin saka niya ako tinitigan. “Required ba na dapat girlfriend lang ang inihahatid sa bahay ng isang lalaki?”

“A-ano? Ay ang—”

“Kung gano’n ay girlfriend na kita. Halika na,” aniya saka dali-daling sumakay sa kaniyang big bike.

“Siraulo ka ba talaga?”

“Hindi naman.”

Napasapo na lamang ako sa aking noo dahil sa kaniyang mga pinagsasasabi.

“Umuwi ka na nga. Saka i-preno mo rin minsang iyang bibig mo. Ang dami mong kalokohan!” naka-irap kong sabi.

“No one can say, midget. Malay mo, soon.” Saglit akong natahimik dahil sa sinabi niya. Soon, my foot.

Nakita ko naman kung paano pa ngumiti nang isang malapad si Byeongyun nang marinig niya lalo ang mga bulungan sa paligid.

“Get lost, Goliath!”

Sa kahihiyang nararamdaman ko ay tinalikuran ko na siya at nagsimula nang maglakad palayo.

“I told you, it’s Byeongyun!”

“Bye!”

“Okay. Bye, midget! See you tomorrow!”

Hindi ko na siya nilingon pa at nagdiretso na lang sa paglalakad.

Sa dinami-rami ng puwede kong makilala sa unang araw ay iyon pang saksakan ng kulit. Talaga bang siya na ang makakasama, makikita, at makakausap ko araw-araw sa school na iyon?

Related chapters

  • Fulfilled Duties (Tagalog)   Chapter 2

    BYEONGYUN’S POV“Zero, oneul sigangwa nalssi,” Zero, today’s time and weather, nakapikit kong utos kay Zero.“The time is 6:32 am. Humidity is 96%, 4% rain probability, precipitation is 0.01016 mm, wind chill is 26, dew point is 25, 6% cloud cover, and UV index is 0.”“Kamsahamnida.” Thank you.Dahan-dahan ay tumayo na ako mula sa pagkakahiga ko. Nilapitan ko na rin ang floor-to-ceiling na pinto at nagsisilbi na ring bintana sa aking kuwarto saka hinawi ang kurtinang nakaharang dito.“Nalsi johjyo?” Nice weather, isn’t it? sabi ko sa oras na tumama ang sinag ng araw sa aking mukha.“Ye, majjayo,” Yes, that’s right, tugon ni Zero.Voice command ang bahay ko. At iyong kinakausap ko kanina ay si Zero, pang

    Last Updated : 2020-08-11
  • Fulfilled Duties (Tagalog)   Chapter 3

    BYEONGYUN’S POV“Nakakapagtaka. Hindi naman niya ito nabanggit noong unang araw ng pasukan.”“Baka confidential, bro?”“Nan molla,” I don’t know, bulong ko sa aking sarili.Nakatitig lang ako sa bagay na napulot ko kanina sa CR nang maramdaman kong nag-vibrate ang aking telepono.“Go ahead. May sasagutin lang akong tawag,” sabi ko roon kina Einon at Watt habang nasa hallway kami patungong classroom.Bahagya ko namang binagalan ang aking paglalakad saka sinagot ang tawag. Itinago ko na rin sa aking bulsa iyong hawak ko kanina.“Yes?”“Ya eodiya?” Hey! Where are you? sabi noong babae sa kabilang linya. Siya ang nag-iisang kapatid ko, si Ate Jiyun.“Hakgyo. Wae?”

    Last Updated : 2020-08-11
  • Fulfilled Duties (Tagalog)   Chapter 4

    DEBORAH’S POV“Bakit gan’yan ka? Hindi nakakasawang kasama maghapon. Puro tawanan, may kasamang asaran, pero sa dulo’y—”Nahinto ang aking pagkanta nang may dumaang palaka sa may paanan ko habang naliligo ako sa banyo.“Hoy, palaka!” sigaw ko rito. “Sinisilipan mo ba ako?” Hindi ako pinansin ng palaka at dire-diretsong nagsuot sa butas na labasan ng tubig.“Basta kapag narito tayo sa school, gusto ko na nasa tabi lang kita. Ako na ang bahala sa iyo pagkatapos. I’ll do my duty as well as your Byeongyun.”Napailing ako’t napanguso. “Ayaw niyang may feeling nagmamay-ari sa kaniya pero ano iyong ‘your Byeongyun’ na sinasabi niya? Tunog akin siya ah,” bulong ko sa aking sarili habang nagsa-shampoo.“I told you already na ako na ang makikita mo, makakausap mo, at makikita mo araw-araw dito sa school.&rdquo

    Last Updated : 2020-08-12
  • Fulfilled Duties (Tagalog)   Chapter 5

    DEBORAH’S POV“Sinong kinakausap mo? Saglit pa lang akong nawawala sa tabi mo, kung sinu-sino na agad ang kinakausap mo.”Sinimangutan ko na lamang siya’t nagsulat ng kung ano sa aking notebook.“Tss. Wala,” maikli kong sagot sa kaniya.“Ano ba’ng ginagawa mo?"“Hindi ba obvious? Nagsusulat ako.”“Yeah. I mean, what’s it all about?”Tiningnan ko siya. “Bakit ka curious?”“Masama ba’ng magtanong?”“Hindi,” patuloy kong tugon.“Ano kasi iyan?”Sa tangkad niya’y hindi ko agad magawang bawiin sa kaniya iyong aking notebook nang magawa niya itong hablutin mula sa akin.“Synopsis? Oh, so you’re writing a story?” sabi niya sabay lipat nito sa kabilang page.“Ibalik mo na iyan, ano ba? Hoy!”“Wait. Just let

    Last Updated : 2020-08-12
  • Fulfilled Duties (Tagalog)   Chapter 6

    BYEONGYUN’S POVPanibagong araw na naman.Sa aking paglalakad patungong gate ng school matapos kong mai-parked ang aking motor ay isinalpak ko ang earphones sa magkabilang tainga ko habang humihithit ng sigarilyo.Missing You by The VampsAgad namang natigil ang pinatutugtog kong kanta nang biglang may tumawag sa aking telepono na agad ko namang sinagot.“O noona?” Yes, Ate Jiyun? sambit ko.“Jal jinesseoyo?” How have you been?“Gwaenchana. Hakkyoae kakoisseoyo. Wae?” I’m okay. I'm on my way to school. Why?“You were at the restaurant yesterday?” tanong niya. “Mianhae.” I’m sorry.“That’s fine. I was there with a friend, Deborah. Doon kami nag-lunch. I was about to introduce her to you, but you weren’t there yesterday,” sagot ko. “Bappayo?” Are you busy?“A girl?” Tila sumigla ang boses niya sa kabilang linya kaya agad akong napangisi.“Why?” tanong ko sabay hithit muli sa aking sigarilyo.“Date her.”Muntik na akong masamid. “M-mwo?” W-what? “Date her!” ulit pa niya.“Seriously? We’r

    Last Updated : 2020-08-12
  • Fulfilled Duties (Tagalog)   Chapter 7

    DEBORAH’S POV“King ina! Paniguradong aasarin na naman ako ng ungas na iyon!”Pasabunot kong isinuklay ang aking mga daliri sa aking buhok habang nasa loob pa rin ng cubicle at nakaupo sa toilet.“Inhale tapos exhale, Deborah,” sabi ko sa aking sarili saka huminga nang malalim.“Bakit ka ba nagkagano’n kanina? Para kang siraulo, Macalintal! Eh ano naman kung sumama siya sa mga babaeng iyon? Ano naman sa iyo? Edi hayaan mo siyang mag-party! Malaki na si Byeongyun, okay? Siya nga si Goliath, ‘di ba? Buwisit kasing guard iyon e! Hay!”Muli akong huminga nang malalim saka ilang minuto pang nanatili sa loob ng cubicle para mahimasmasan.Nang tangkain ko nang tumayo para sana lumabas sa cubicle ay sakto namang may narinig akong nag-uusap sa labas kaya’t napaupong muli ako.“Ang ganda ni Choi Soobin, ‘di ba?”“Tama ka. Kaya nga nakakapagtaka na ayaw sa kaniya ni Byeongyun e. Sayang. Kung hindi siguro dahil sa nangyari noon sa kanila, hindi siguro magagalit sa kaniya si Byeongyun nang gano’n.”

    Last Updated : 2020-08-12
  • Fulfilled Duties (Tagalog)   Chapter 8

    BYEONGYUN’S POV“Galit ka ba?” tanong ko kay Deborah na hindi pa rin natitinag sa mga pagtawag ko sa kaniya.Hindi ko kasi alam kung kanino na ba talaga siya galit, doon sa guard, sa akin, o kay Soobin?Bahagya akong lumapit sa kaniya saka itinapat ang aking bibig sa kaniyang tainga.“Remember,” bulong ko, “I’m too cute to be ignored, midget. I’m telling—”“Look at them!”“Omg!”Nakita ko kung paano nanlaki ang mga mata ni Deborah matapos maglapat ang aming labi nang lingunin niya ako.Sa gulat ko ay hindi rin agad ako nakagalaw.“Everyone, eyes on me!”Nang biglang dumating ang aming guro ay kapuwa kami napaayos ng aming upo.“Alright. I think, we... we should just talk later,” sabi ko na lamang at hindi na siya tinapunan pa ng tingin.Buong oras ng klase ay hindi ako kinausap

    Last Updated : 2020-08-12
  • Fulfilled Duties (Tagalog)   Chapter 9

    DEBORAH’S POV“Inang! Bakit may halik? Bakit nangyari iyon? Bakit? Bakit may gano’ng eksena? Bakit? Hay!”Panay ang aking sigaw sa aking kuwarto habang nakahiga sa aking kama at may taklob na unan ang aking mukha.“Yoon Byeongyun! Isa ka talagang harot na Goliath! Nakakainis ka—”“Mexico, ano ba’ng nangyayari na naman sa iyo?”Agad akong napabalikwas matapos akong hampasin ni mama sa aking binti. Nasa kuwarto ko na siya’t nakatitig na sa akin, naghihintay ng isasagot ko sa kaniyang tanong.Anong sasabin ko? Na nahalikan ako ng isang kanong pinaglihi sa kitikiti?Napakamot ako sa aking ulo saka nag-Indian sit.“Wala naman, Ma,” tugon ko. “Nakaka-stress lang po sa school.”“Pagkain lang ang katapat niyan. Kumain ka na!”“Mamaya po,” sagot ko pa saka muling nahiga at nagtaklob ng

    Last Updated : 2020-08-22

Latest chapter

  • Fulfilled Duties (Tagalog)   Chapter 43: Finale

    DEBORAH’S POV Maaga akong nagising kinabukasan. Buhay na buhay ang group chat namin nila Byeongyun, Einon, Watt, and Bavi nang mag-online ako. Yes, kasama si Bavi. A week old pa lang ang group chat namin. “Balita ko umalis na raw si Soobin?” entrada ni Einon. “Hindi man lang nagpaalam sa akin,” tugon ni Watt na may umiiyak na emoji. “Salamat daw sa tula, Watt. Pero sorry, hindi ka raw talaga niya type,” sabi ko. Ang harsh ng dating pero iyon talaga, e. Para maka-move on na rin talaga siya. “Paano mo nalamang binigyan ko siya ng tula?” “Hala, ang corny mo talaga, Watt. Oh ayan ha, hindi ka talaga type,” pang-aasar pa ni Einon. “Pero nice guy ka daw naman, Watt,” sabi ko. Pampalubag-loob sa kaniya. “Did you two talk?” biglang singit ni Byeongyun. “Oo, saglit. Bago siya umalis kahapon. She apologized to everyone,” sagot ko. “Ikaw, kinausap mo pa ba siya?” “Nah.” “If Soobin’s really leaving, mukhang magiging okay na ang mga susunod na araw para sa iyo, Mexico,” Bavi commented.

  • Fulfilled Duties (Tagalog)   Chapter 42

    DEBORAH’S POVTumahimik ang buhay ko for the past few days. Walang nananakit sa akin o nangti-trip. Nakakahinga na ako nang maluwag na hindi iniisip kung may mangyayari na namang masama sa akin.“Pupunta ako sa canteen,” I announced, looking at the three boys. “Sasama ba kayo?”Mabilis pa sa alas kuwatrong tumayo si Byeongyun sa tabi ko. Tumayo na rin sina Einon at Watt habang tumatango.Sampung araw na rin ang nakakalipas matapos kaming ipatawag ng Board of Discipline. The penalty of expulsion of Choi Soobin with prior approval of the Secretary together with the supporting papers were forwarded to the Regional Office. Oo, mae-expel na si Soobin.Pagdating sa canteen ay bumili lang kami ng iced coffee saka naupo sa bakanteng table.“Threathening another with infliction of harm upon his person, destroying property belonging to any member inside the school, participating in brawls or inflicting physical injuries on others inside or outside the campus, physically assaulting any student,

  • Fulfilled Duties (Tagalog)   Chapter 41

    DEBORAH’S POVI was sitting among these men, Einon, Watt, and Byeongyun. Isa-isa ko silang tinititigan habang nag-uusap sila sa harap ko sa isang glass table. In the North was our best choice for lunch after morning class. Treat ni Byeongyun.Napabuntonghininga na lamang ako nang maalala ko ang mga pangyayari nitong mga nakaraang araw. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi ngayong may patunay na laban kay Choi Soobin. Maraming nangyaring hindi ko inaasahan at isa na doon ang ginawa ni Watt.“I won’t judge you for liking Choi Soobin, nagmamahal ka lang naman,” nakaismid na sabi ni Einon kay Watt na tahimik lang na nakasandal sa kaniyang upuan. “Mahal kita pero hindi ako support, bro.”Parang noong isang araw lang ay halos lumuwa ang mata ni Einon nang aminin sa amin ni Watt na gusto niya si Choi Soobin. Si Byeongyun? Hindi ko alam.“Isa pa, hindi ko pa rin matanggap na nagawa mong maglihim sa amin. Ang galing mo doon, hindi ko nahalatang marunong ka palang umibig,” nanunuksong dag

  • Fulfilled Duties (Tagalog)   Chapter 40

    WATT’S POVSabi ko sa sarili ko, I should be in love with a nice person. Kasi kahit hindi ako mahal, mabait pa rin. Kahit hindi ako gusto, she would treat me nicely. Pero hindi ko akalain na magkakagusto ako sa kaniya, kay Choi Soobin. King ina! I had never tried to tell it either to Einon or Byeongyun kasi para saan pa? Itatago ko na lang siguro hanggang sa mawala. Almost everyone in the class despised her. She was once nice to me, not until I confessed to her.I had been trying to look okay everytime I would saw her talking with Byeongyun. Alam ko kung gaano niya kagusto ang kaibigan ko. Alam ko rin kung gaano nasusuya si Byeongyun sa ugali ni Soobin. Nasasaktan ako para kay Soobin, but I hid it anyway. Alam ko sa sarili kong hindi magiging maayos kung ipagpapatuloy ko ang pagkagusto ko sa kaniya, but I couldn’t help it. Gusto ko siya pero sa tingin ko rin ay sumusobra na siya. These past few days had been a chaotic days for us dahil kay Soobin.“Hindi ninyo pa rin ba makontak?” tan

  • Fulfilled Duties (Tagalog)   Chapter 39

    BYEONGYUN’S POV It was just so tiring recently. Lalo pa ngayon na may hindi pa nagpapakilalang nagsasabi na si Soobin ang may kagagawan ng pagkawala ng drafts ni Deborah. “Paano ninyo nagagawang pagbintangan si Choi Soobin kung kasalanan naman talaga ni Deborah kung bakit hindi niya makita iyan? Hindi siya ninakawan. Malinaw na kay Deborah ang sisi kung hindi niya nakita ang draft dahil nasa mga gamit niya pa rin iyan. Puwede ba? Tigilan ninyo ang kasisisi sa kaibigan ko!” “See? It’s really her fault,” may pagmamalaking giit pa ni Soobin sabay punas sa basa niyang pisngi. “Are we done? Ugh! Such as waste of time!” “Hindi ko alam... bakit...” nauutal na sabi ni Deborah na halatang hindi rin makapaniwalang nasa mga gamit lang pala niya ang nawawalang drafts ng essay niya. Matapos ang pangyayaring iyon ay umalis ng classroom si Soobin kasama si Selena. Ang ipinagtaka ko nga lamang ay halos kaladkarin niya si Wyn palabas ng classroom. Agad akong kinutuban saka napailing. “This is a

  • Fulfilled Duties (Tagalog)   Chapter 38

    DEBORAH’S POVHalos mabiyak na ang aking ulo sa kaiisip kung ano’ng nangyayari. Ang gulo. Hindi ko alam kung bakit may nagte-text sa amin na may nagnakaw ng draft ko sa essay gayong nakita rin ito sa mga gamit ko. Ang dami kong tanong ngunit parang ang hirap hanapan ng sagot.“Sino ba kasi iyan? Totoo pa ba iyan o ginugulo na lang tayo?” reklamo ni Watt makaraang malaman nila na may nagpadala rin ng text message sa akin.Nakita ko kung paano gumalaw ang panga ni Byeongyun. Kita sa hitsura niya na napipikon na siya.“Hindi ko talaga alam na narito ang mga papel na pinagsulatan ko. Wala na akong matandaan,” sabi ko saka sinimulang ayusin ang aking mga gamit na nakakalat sa lapag. Agad naman akong tinulungan ni Einon.“Kahit ako ay naguguluhan na rin,” sambit pa ni Einon saka niya iniabot sa akin ang aking bag.“Ayaw ko na talaga ng gulo. Hangga’t maaari, sana huwag na

  • Fulfilled Duties (Tagalog)   Chapter 37

    BYEONGYUN’S POVIlang minuto na naming pinag-iisipan kung kanino maaaring nanggaling ang text ngunit ni isa sa amin ay walang ideya.“Hindi ko alam kung sino iyan pero sa tingin ko, nasa loob lang ng classroom na ito ang nakakita sa nagnakaw ng piece mo,” sambit ko.Panay ang buntong-hininga ni Deborah habang nakatingin sa aking telepono. Hindi ko alam kung ano’ng iniisip niya.“Deborah?” tawag ko sa kaniya.Tumunghay siya ngunit hindi pa rin siya nagsalita matapos niyang makita ang text.“Hey, speak up,” untag ko pa sa kaniya pero nabaling lang ang aking atensyon nang magsalita sa aking likuran si Watt.“Sino naman kaya talaga ang nagnakaw ng draft mo?” tanong niya kay Deborah ngunit isang kibit-balikat ang isinagot nito rito.“Iisa lang naman ang puwedeng gumawa niyan.”Agad kaming napalingon kay Einon na naglakad palapit sa

  • Fulfilled Duties (Tagalog)   Chapter 36

    DEBORAH’S POVPara akong nabunutan ng tinik kaya habang naglalakad ako patungo sa room habang nasa tabi ko si Byeongyun ay hindi ko mapigilang hindi mapangiti.Maayos na sila ni Bavi. Maayos na rin kaming dalawa. Magiging maayos na rin kaya ang takbo ng buhay ko sa paaralang ito?“Bakit mo na naman ako iniisip?”Agad akong napalingon sa katabi kong kapre at halos mapunit na rin ang kaniyang labi sa lapad ng kaniyang ngisi.“Ano’ng sinasabi mo?”“I don’t need to ask kung sino ba ang crush mo kasi for sure, ako iyon. Saka ang mga ganiyang ngiti? Ngiti ng mga iniisip ang kanilang crush. In short, ako ang crush mo, ako ang iniisip mo kaya ganiyan ang ngiti mo.”Napasinghap ako sa kakapalan ng kaniyang mukha.“Hoy!” bulyaw ko sabay duro pa sa kaniya. “Kailan ka pa nagsimulang kumorni nang kumorni, ha? Ang kapal ng mukha mo. Nakangiti ako kasi ok

  • Fulfilled Duties (Tagalog)   Chapter 35

    DEBORAH’S POV“The Korean guy... Byeongyun,” usal ni Bavi. “Okay, look, Byeongyun. It’s... it’s not what you think.”Sa pagitan ng mga hikbi ko’y muli kong tinawag ang pangalan ni Byeongyun.“Byeongyun...”Nang mapalingon siya sa paligid ay mas lalong kumunot ang noo niya. Doon niya lang rin siguro napansin kung ano’ng hitsura ko ngayon.Tumakbo na siya palapit sa akin saka niya hinawakan ang magkabilang balikat ko.“Bakit... bakit ka umiiyak? Bakit ang dumi mo? Ano’ng nangyari? Ha? Answer me, Deborah!” untag niya sa akin ngunit hindi ko nagawang sabihin kung bakit.Dahil doon ay nilingon niya si Bavi. Agad kong hinawakan ang mga braso niya nang maramdaman kong tensyonado na siya ngunit hindi iyon tumalab.“You!

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status