My Bestfriend's Affection

My Bestfriend's Affection

last updateLast Updated : 2022-08-15
By:  AtengKadiwaCompleted
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
2 ratings. 2 reviews
77Chapters
7.2Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Magkababata sina Athalia Ramos at Luke Sebastian. Nagtungo ng Canada si Luke kasama ang magulang nito para doon mag-aral. Sa pagbalik nito, nalaman ni Athalia na may kasintahan na ito. Labis siyang nasaktan dahil umaasa siya na matutugunan na ni Luke ang nararamdaman niya para dito ngunit hindi pala. Naging kasintahan niya si Charles na nakilala niya sa Welcome Party para kina Luke. Nalaman na lang niya na hiwalay na si Luke at ang nobya nitong si Mickaela. Ipinagtapat ni Luke na mahal siya nito. Anong gagawin ni Athalia? Handa ba niyang sundin ang nilalaman ng kaniyang puso o ipagpatuloy ang relasyon kay Charles na walang ibang ginawa kundi ang mahalin siya?

View More

Chapter 1

His Arrival

  Athalia'sPOV

"ANAK, dalian mo kailangan natin magmadali. Ilang araw nalang darating na si Sir Luke at ang pamilya nito. Kailangan malinis ang hacienda, dahil paniguradong madaming bisitang darating." wika ng aking inay.

Papunta kami ngayon sa Hacienda Sebastian para maglinis at mag-ayos doon. Wala naman akong trabaho dahil linggo yun. Isa akong Marketing Staff sa Heirwone Enterprise na isang garment factory. Pagkagraduate ko ng kolehiyo, nagtrabaho na ako dahil narin inalok ito sa akin ni Ate Melissa na doon din nagtratrabaho. 

Ang ina ni Ate Melissa ay nakatatandang kapatid ng Ama ni Luke. Sila na ang naging katiwala ng Hacienda simula nung nag-migrate sa Canada. ang Pamilya Sebastian. Kaya ipinagkatiwala na sa mga ito ang Hacienda. 

Kababata ko si Luke. Mula limang taon hanggang sa mag sampo ako ay lagi na kaming magkasama. Dahil lagi ako sa bahay nila kapag dinadala ako ng nanay ko doon kapag wala akong pasok. Mas matanda siya ng dalawang taon. Pagka-graduate ni Luke ng elementarya sa isang pribadong paaralan ay nagpasya ang mga magulang niya na sa Canada na siya mag-aral ng High School at College. May negosyo rin kasi ang pamilya Sebastian sa Canada. 

Mayaman ang pamilya Sebastian. Kaya mayaman lang din ang nababagay para sa kanya. Nalungkot ako sa isiping iyon, dahil imposible na maging kami dahil sa katayuan namin sa buhay. Bakit ba yun ang iniisip ko? Dahil tiyak naman na di ako magugustuhan ni Luke. Dahil kababata lang ang turing niya sa akin. Bigla kong naalala yung sandali na nalaman ko na sa Canada na siya mag-aaral. 

*Nasa labas kami ngayon sa may hardin. Tinitingnan ang kagandahan nito. Ito yung parte ng Hacienda na gustong-gusto ko. Masarap sa paningin at masarap ang simoy ng hangin.

"May sasabihin sana ako sayo Athalia, aalis nako sa susunod na buwan. Pupunta na kaming Canada, doon na ako mag-aaral ng High School at College." paalam niya sakin.

"Iiwan mo na ako? Kelan ka babalik?" tanong ko sa kanya. 

Nangingilid na ang luha sa aking mga mata. Nasanay na akong kasama siya tapos ngayon maghihiwalay na kami. Hindi ko na napigilan ang umiyak. Itinaas niya ang ulo ko at pinunasan ang luha ko gamit ang mga daliri niya. 

"Huwag ka ng umiyak, ilang taon lang naman ako doon tapos babalik na ako dito. Ang sabi ng mga magulang ko, ako daw ang mamamahala sa Hacienda kaya kailangan sa ibang bansa ako mag-aral kasi mas magagaling daw mga guro doon at syempre mas madami akong matututunan doon."

"Mamimiss kita Best. Pangako mo yan huh. Babalik ka. Best Friends forever?" 

"Best Friends forever!" ang ikinawit namin  ang aming hinlilit na tanda na nangako kami sa isa't-isa.

Pagkatapos nun, sumama ako sa Airport. Sobrang iyak ko noong namamaalam na siya sa amin. Sobrang iyakin ko noong mga panahong iyon. Naudlot ang pagmumuni-muni ko ng tawagin ako ni Inay.

"Halika na. Baka tayo nalang ang wala doon" wika niya. 

Kinuha ko na ang bag ko at nagmadaling lumabas ng bahay. Sumakay kami sa tricycle na huminto sa harapan namin. Medyo malayo ang bahay sa Hacienda Sebastian kaya kailangan naming magcommute. Mga labing-limang minuto ang layo nito. 

Pagdating namin naabutan naming busy ang lahat sa bahay dahil bukas na ang dating ng mga Sebastian. Sa isipin iyong bigla akong naexcite.

Makikita ko na ang kaibigan ko na ilang taon ko ng di nakita. Sana hindi siya nakalimot. Pagpasok namin sa bahay ay binati kami ni Ate Melissa. Bumati rin kami pabalik. Bitbit ko ang isang paper bag, pumunta ako sa taas kung saan nandoon ang kwarto niya para palitan ang kobre kama. 

Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang kulay abo na kwarto. Paborito niya ang kulay abo. Kapag may binibili ang Mommy niya mapa sapatos man o damit kailangan kulay abo iyon dahil panigaro hindi rin niya tatanggapin kapag hindi ganung kulay ang ibibigay. 

Pumasok ako sa loob at inilibot ang tingin sa kabuuan ng kwarto. Ngayon ko lang ulit ito nasilayan. Ganun parin yung dati, walang nagbago sa kwarto. Nililinisan lang ito ng mga katiwala.

Nasulyapan ko ang dalawang mesang maliit. Lumapit ako doon, dito kami madalas gumawa ng mga asignatura namin sa paaralan.

Pinalitan ko na ang kobre kama ng panibago. Maging ang punda ng unan. Pagkatapos ay pumunta ako sa banyo sa kwarto rin niya para kumuha ng basahan at tubig para maglinis. Napadako ang tingin ko sa isang larawan. Larawan niya iyon noong magtapos siya ng elementarya. 

Napangiti ako. Kamusta na kaya siya? May asawa na kaya siya o nobya? Biglang kumirot ang puso ko sa isiping iyon. Naputol ang pagmumuni-muni ko nang tumawag sakin mula sa labas ng kwarto.

"Anak, halika na. Bumaba ka na at ng makapag-tanghalian tayo." Yaya sakin ng aking Inay na nasa labas ng kwarto. 

"Sige po Nay. Sunod po ako." wika ko at umalis na si Inay. 

Muli kong sinulyapan ang larawan at lumabas ng kwarto. Bumaba na ako at pumunta sa hapag-kainan. Nagsasandok ako ng kanin ng biglang magsalita si Manang Daisy. Isa rin sa mga katulong dito sa Hacienda.

"Kasama daw na darating ni Sir Luke yung nobya neto na Pilipino rin daw. Grabe, ang ganda niya. Isang sikat na modelo." kwento niya.

May nobya na nga siya. Parang may punyal na tumusok sa dibdib ko ng mga pagkakataong iyon. Napaka-imposible ng mabawi namin ang mga panahon na hindi kami magkasama dahil may nobya na pala siya. May mapagtutuunan na siya ng pansin.

Pagkatapos kong mananghalian itinuloy ko na ang ginagawa hanggang sa matapos ko lahat ng kwarto na dapat palitan ng punda at kobre kama. Dito kaya matutulog yung nobya niya. Magtatabi ba sila sa pagtulong at may nangyari na ba sa kanila? Hindi malabong mangyari yun. Liberated na bansa ang Canada.

Bakit ba iyon ang iniisip ko? Eh ano naman ngayon kung may nangyari sa kanila? Wala na akong pakielam dun. Sabagay, pangakong bata lang yun. Maaring nakalimutan na rin niya ang pangako niya sakin. Isa lang ang kailangang kong gawin ngayon. Kalimutan siya. 

"Mauna na kami Ate Melissa, kailangan ko pang gumawa ng liham para sa pagliban ko para bukas." paalam ko. 

Parang ayaw ko nalang pumunta bukas, parang mas gusto ko nalang ibuhos ang atensyon sa trabaho kaysa makita siya na kasama ang nobya niya. Pero kailangan kong harapin siya. Hindi ako duwag. 

"Osige. Mag-iingat po kayo, Tita." paalam ni Ate Melissa sa amin. 

Pagdating sa bahay ay agad kong hinarap ang laptop ko para gumawa ng liham. Pagkatapos gumawa at ipasa ay nahiga na ako sa kama. Kaya ko ba siyang harapin bukas? Nakatulugan ko na ang pag-iisip.

NARITO na ako sa Hacienda mga bandang alas kwatro ng hapon, inihahanda na ang buong Hacienda para sa pagdating ng mga ito. Paniguradong madaming darating na bisita ngayon. Mga kilalang tao sa industriya. Mga politiko at iba pa. 

Pasado alas syete na ng magsidatingan na ang mga bisita na sakay ang mga mamahaling sasakyan. Nakasuot ako ng puting polo blouse at skirt na kulay itim na hanggang taas ng tuhod ang haba kumbaga isa akong service crew ng mga pagkakataong iyon.

Nagsiupo na ang mga bisita. Binigyan ko ang isang mesa ng wine. Nilapag ko ang hawak kong wine sa mesa. Tumayo ang isang lalaki na nakaupo na sa tantya ko nasa 28 pataas ang edad.

"Good Evening. I'm Charles Andrew. And you?" Nilahad niya ang kamay sakin, bilang paggalang tinanggap ko iyun. 

"Good Evening din Sir. Athalia Patricia Ramos po" pagpapakilala ko sa aking sarili.

Nagpaalam na ako sa kanya na aalis na para magserve sa ibang bisita. Sobrang dagsaan talaga ang mga tao. Buti nalang madami kaming nirent na mesa, kaya di kami namomoblema kung saan uupo mga bisita kung sakali magkulang. 

Nakita kong may papasok na van. Ito na ata sila. Bumaba ang isang lalaki. Natigilan ako. Pamilyar sakin ang lalaki. Siya na ba si Luke? Hindi maikakailala na sobrang gwapo niya. Lalo at sa Amerika ito nag-aral mas lalo itong pumuti.

Binuksan niya ang pintuan ng sasakyan at bumaba ang isang Ginang at ito ang kanyang ina. Parang hindi tumanda ang ina nya, umikot siya sa kabila at binuksan ang pinto niyon at lumabas ang isang magandang babae na nakasuot ng kulay blue na fitted dress na may biyak sa gilid. 

Umabresete ito kay Luke, nauna na ang ina nito na inakay ng isang lalaki na nasa mid 60's. Hindi ko mapigilan manlilit sa sarili ko. Napakaganda ng babae, walang-wala ako sa kanya. Modelo ito samantalang ako, isa lamang hamak na empleyado. Pero masaya ako para sa kababata ko na nakita na niya ang babaeng magmamahal sa kanya.

"Athalia!" 

Napalingon ako sa tumawag sakin. Si Ate Melissa, itinuturo yung lalaki kanina na senervan ko ng wine. Lumapit ako sa kanya. Paglapit ko agad siyang tumayo at hinila ang isang bakanteng upuan para sa akin.

"Join us" wika niya. 

"Naku, huwag na po Sir. Marami pa kasing bisitang darating para asikasuhin ko."

Luminga ako sa paligid baka may makakita sa akin na imbes na ginagawa ko yung trabaho ko, iba ang ginagawa ko. Ng magawi ang tingin ko sa unahan kung saan nandun ang mesa ni Luke, nobya at ina niya. Nagtama ang aming mga mata. Para akong matutunaw sa titig niya. Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko. Agad akong nagbawi ng tingin. 

"Kahit 20 minutes lang. Para may kausap naman ako na medyo malapit ang edad natin." at ngumiti si Charles sa akin. 

Nginitian ko din siya pabalik. Pinakilala niya ako sa kanyang mga magulang. Magiliw naman akong nagpakilala. Tumingin ako sa unahan. Kumakain na siya at kakwentuhan ang nobya. Nilagyan ni Sir Charles ang plato ko ng pagkain na nakahain sa mesa.

"Salamat po Sir. Nag-abala pa po kayo."

"Wala yun, masaya lang ako dahil may nakilala akong napakagandang dilag ngayong gabi." ngumiti ako bilang tugon.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Ychin Remaxia
nice one so beautiful story
2022-05-28 01:23:09
2
user avatar
HanaIchiOne
Highly recommended! The story has a good plot and flow!
2022-05-18 13:49:43
4
77 Chapters
His Arrival
  Athalia'sPOV "ANAK, dalian mo kailangan natin magmadali. Ilang araw nalang darating na si Sir Luke at ang pamilya nito. Kailangan malinis ang hacienda, dahil paniguradong madaming bisitang darating." wika ng aking inay. Papunta kami ngayon sa Hacienda Sebastian para maglinis at mag-ayos doon. Wala naman akong trabaho dahil linggo yun. Isa akong Marketing Staff sa Heirwone Enterprise na isang garment factory. Pagkagraduate ko ng kolehiyo, nagtrabaho na ako dahil narin inalok ito sa akin ni Ate Melissa na doon din nagtratrabaho.  Ang ina ni Ate Melissa ay nakatatandang kapatid ng Ama ni Luke. Sila na ang naging katiwala ng Hacienda simula nung nag-migrate sa Canada. ang Pamilya Sebastian. Kaya ipinagkatiwala na sa mga ito ang Hacienda.  Kababata ko si Luke. Mula limang taon hanggang sa mag sampo ako ay lagi na kaming magkasama. Dahil lagi ako sa bahay nila kapag dinadala ako ng nanay ko doon kapag wala ako
last updateLast Updated : 2022-03-06
Read more
Welcome Back
NATAPOS ang kainan at ang mga bisita ay binati ang bagong dating ng "Maligayang Pagbabalik". Nasa may bandang sulok ako kung saan walang ilaw na pwede magbigay liwanag sakin. Ininom ko ang natitirang laman ng baso ko. "Athalia, ikaw ba yan?"  Anang baritonong boses na manggagaling sa likuran ko. Lumingon ako at nasilayan ang isang napakagwapong nilalang na nakatayo malapit sakin. "Luke? Oo ako nga. Kamusta ka? Maligayang Pagbabalik!" bati ko sa kanya.  Nginitian ko siya at ngumiti rin siya pabalik. Lumakad siya papalapit sakin. Napakagwapo talaga niya sa suot na kulay abong suit. Yung sapatos niya lang ang itim. Tumabi ito sakin. Tiningala ko ang buwan. Tumingala rin siya. "Hindi ka parin nagbabago Luke. Ikaw parin yung adik sa Color Gray." At nagtawanan kami. Tinitigan niya ako. Nagbaba ako ng tingin. Hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya. Parang anumang oras mawawalan ako ng urirat.  "Ikaw, ang laki ng pinagb
last updateLast Updated : 2022-03-06
Read more
First Kiss
PAGKADATING nila sa Sago Restaurant. Isang sikat na Restaurant sa aming bayan. Na-feature na ito sa TV dahil sa sarap ng mga pagkain dito. Pinagbuksan ako ni Charles ng pinto. Namangha ako sa kanyang nakita. Hindi ko akalain na makakapunta ako sa ganitong mamahaling restaurant. Napatingin ako sa sasakyan na nagpark di kalayuan samin. Napakunot noo ako. Iisa lang destinasyon namin. Posible kayang si Luke yun? "Tara. Ano ba tinitingnan mo?" napatingin ako kay Charles. Nagsimula na kaming maglakad papasok sa Restaurant.  "Ah wala. Tinitingnan ko lang kabuuan ng parking area ng restaurant. Sobrang lawak pala." Pagdadahilan ko. Hindi naman pwede sabihin ko sa kaniya na may sumusunod samin.  "Magandang gabi po." anang dalawang babae na empleyado ng naturang restaurant ng makapasok kami. Mararamdaman mo talaga na welcome ka sa Restaurant pagpasok mo palang dito.  Iginiya kami ng mga ito sa bakanteng mesa na may dalawang upuan. Hinila ni Charle
last updateLast Updated : 2022-03-06
Read more
Business Partner
PAGKATAPOS namin kumain ay agad na kaming pumunta ni Ate Melissa sa kanya-kanyang opisina. Umupo siya sa swivel chair. Naalala pala niya yung bulaklak na bigay ni Charles. Kinuha ko iyon sa gilid kung saan ko iyon nilagay. Binuklat ko ang papel. Pasensya na kung di kita nasundo. May urgent meeting lang talaga ako. Babawi ako pagkatapos nito." - Charles Tumunog ang aking cellphone. Kinuha ko iyon sa loob ng bag. Tiningnan ko kung dino ang tumatawag. Si Charles ang tumatawag, sinagot ko agad iyon. May twenty minutes pa naman ako para magsimula sa trabaho. "Hello, Charles. Kamusta?" tanong ko sa kaniya nang masagot ko ang tawag mula rito. Bumuntong-hininga siya na para bang nahihirapang huminga.  "May problema ba Charles?" tanong ko. Parang ang bigat kasi ng dinaramdam niya.  "Pasensya na kung hindi kita nahatid kanina. Kaya dinaan ko nalang sa bulaklak ang paghingi ko ng paumanhin. Nagustuhan mo ba?" tanong ni
last updateLast Updated : 2022-04-16
Read more
His Secretary
Athalia'sPOV Nang makapasok ako sa CR. Humarap ako sa salamin at tiningnan ang repleksyon sa salamin. Nakikita ko ang isang babae na kababakasan ng kasiyahan sa mukha, at takot sa mga mangyayari. Ano ba ang naisip ni Luke at kinuha niya akong Sekretarya niya? Nag-iisip ba siya? Bumuntong-hininga ako. Sabagay, walang masama sa ginawa niya. Pero ginulat niya ako. Hindi man lang siya nagpasabi sa akin na may balak siyang ganito para hindi ako nagulat ng ganito. Ngayon, walang dahilan para iwasan ko pa siya. Dahil kahit iwasan ko siya, siya ang kusang lumalapit sa akin. Ano bang ginagawa mo sa akin Luke? Ipinikit ko ang mga mata at kinalma ang sarili. Binuksan ko ang faucet at naghugas ng kamay.  Muli, bumuntong-hininga ako bago nagpasyang lumabas ng Comfort Room. Nang makalabas ako, nakita kong seryusong nag-uusap sina Luke at Mr. Lereño habang may papel na nasa harapan. Yun na ba ang kontrata? Naglakad ako palapit
last updateLast Updated : 2022-04-19
Read more
First Day
Luke'sPOVAraw ng Lunes. Ngayon ang unang araw ni Athalia bilang Sekretarya ko. Alas-sais pa lang ng umaga pero hindi ko mapigilang ma-excite. This is it! Ito na yung araw na pinakahihintay ko. Alas-otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon siya rito. Ang gagawin niya ay imonitor ang mga tanim gaya ng abaka na kadalasang ginagamit sa paggawa ng tela o damit. Subalit, may isang kompanya pa si Mr. Michael Lereño, na ngayon ay nagsisimula pa lang. Ang Pontañe Juicy-yo Company kung saan nangangailangan si Mr. Lereño ng mga produktong gagamitin sa paggawa ng Juice gaya ng Buko, Orange, Pineapple, Grapes, Apple, Mango, Melon.Ang Pontañe ay galing sa pangalan ng kaniyang yumaong ama na si Pontacio Lereño. Mabuti nalang at sa tulong ni Ate Melissa nalaman ko na nangangailangan si Mr. Lereño ng magsusupply sa kaniya ng mga ito lalo at nagsisimula pa lang siya. Kasi gusto niya mapagk
last updateLast Updated : 2022-04-21
Read more
The Visit
Athalia'sPOVNatigilan ako sa ginagawang pagtetext, nang tawagin ako ni Luke sa palayaw na madalas niyang itawag sakin noong bata pa kami. Namiss ko na tawagin niya ako sa palayaw ko sa kaniya. Sobrang namiss! Nag-angat ako ng tingin at tiningnan siya. Seryuso ang kaniyang mukha, walang emosyon na mababasa. Ibinalik ko ang cellphone sa bag. "Sino ang katext mo?" tanong niya sakin. Nagbaba ako ng tingin. Galit ba siya? Nahihiya tuloy ako, dahil umuusad ang oras ko pero iba ang ginagawa ko. Sh*t! Ginawa ko lang dahilan yun para hindi mapunta ang atensyon ko sa kaniya na kausap si Mickaela. "Pasensya na, may tinanong lang sakin si Charles." ani ko. Tinatanong niya kung matutuloy ang lakad namin mamaya. Alam ni Charles na dito ako nagtratrabaho, ramdam ko sa mga salita niya kagabi ang selos. Pero, nirerespeto niya ang relasyon naming dalawa ni Luke —bilang magkaibigan. Bumuntong-hininga si Luke.
last updateLast Updated : 2022-04-23
Read more
Jealousy
Luke'sPOVHuminga ako ng malalim nang makalabas ako ng barn. Naiinis ako sa topic nila. Sino ba naman ang hindi? Pinag-uusapan nila ang lalaking pinagseselosan ko! F*ck! Kinalma ko ang sarili at inilabas ang cellphone sa bulsa, pumunta sa camera at inanggulo ito sa tamang postora paharap sa abakahan. Kasama sa report na ipapadala ni Athalia ay ang litrato ng abakahan. Pagkatapos kong makakuha ng tatlong litrato, ibinulsa ko na ang cellphone. Saktong palabas ng abakahan sina Lando, Ramon at Tiyo William. "Ayos na ang abakahan, siguradong pwedeng pwede na itong anihin sa susunod na linggo." ani Tiyo William sa mga kasama."Tiyo William!" tawag ko sa kaniya. Bumaling sa direksyon ko si Tiyo William na agad na lumapit nang mamukhaan ako."Bakit nandito ka iho? Baka mangati ka." aniya."Ipinasyal ko po si Athalia, nasa barn po siya kasama sina Manong Amboy, Manong Broncio at Daniel. Patungo po ba kayo sa barn?" tanong ko.
last updateLast Updated : 2022-04-25
Read more
Charles's Effort
Athalia's POVBinabagtas namin ni Charles ang daan patungo sa bayan. Hindi ko maiwasang isipin si Luke. Ano kaya ang ginagawa niya ngayon? Kitang-kita ko kanina sa kaniyang mga mata ang sakit at selos dahil magkasama kami ngayon ni Charles. Pero bakit? Hindi ba dapat maging masaya siya para sakin? Pero bakit parang kabaligtaran iyon? Iba kasi ang ipinaparamdam niya kapag kasama ko siya. Nahinto ako sa pagmumuni-muni ng biglang huminto ang sasakyan sa may gilid ng daan. Tiningnan ko si Charles na nakatitig sakin."Bakit ka huminto?" tanong ko sa kaniya. Huminga siya ng malalim habang titig na titig sakin. "Kanina pa kita tinatawag, Ath. Subalit hindi ka sumasagot. May problema ba?" tanong niya. Naramdaman ko sa kaniyang boses ang sakit, maging ang pagbabago ng kaniyang ekspreksiyo na kakikitaan ng lungkot. Sino ba naman ang hindi  masasaktan at malulungkot? Kung ang ka-date mo ay naglalayag ang isipan? Hindi ko ma
last updateLast Updated : 2022-04-28
Read more
Safekeeping
Luke'sPOV"LUKE!" Nanhihinang tumingin ako sa pintuan ng kwarto kung saan naroon si Athalia at nakatayo. Dali-dali niya akong nilapitan sa kama kung saan ako nakaupo. Biglang nawala ang kalasingan ko dahil sa presensya niya. Ano ba ang nangyari? Ano ba ang ginawa ko? Umupo siya sa tabi ko at hinawakan ang mukha ko."Ayos ka lang? Bakit ka ba naglasing?" aniya at tiningnan ang nagkalat na mga basag na gamit na nasa kwarto, porcelain jar iyon at vases. F*ck! Naramdaman ko ulit ang pananakit ng ulo. Bahagya kong pinisil ang sintido ko dahil sa kirot niyon."Humiga ka at ako na ang bahala sayo." aniya. Sinunod ko siya dahil pakiramdam ko mabubuwal ako dahil sa sakit ng ulo at ang panghihilo. Nang makahiga sa kama at ipinikit ang mga mata para kahit papaano mawala ang pananakit ng ulo ko. Nakarinig ako ng papalapit na mga yabag."Ayos lang ba siya, iha?" mukhang si Manang Daisy ang nagsalita."Hindi po eh. Pakibantay muna siya Manang. Kukuha lang po ako ng maligamgam na tubig at gamot."
last updateLast Updated : 2022-05-01
Read more
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status