Luke'sPOV
Araw ng Lunes. Ngayon ang unang araw ni Athalia bilang Sekretarya ko. Alas-sais pa lang ng umaga pero hindi ko mapigilang ma-excite. This is it! Ito na yung araw na pinakahihintay ko. Alas-otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon siya rito. Ang gagawin niya ay imonitor ang mga tanim gaya ng abaka na kadalasang ginagamit sa paggawa ng tela o damit.
Subalit, may isang kompanya pa si Mr. Michael Lereño, na ngayon ay nagsisimula pa lang. Ang Pontañe Juicy-yo Company kung saan nangangailangan si Mr. Lereño ng mga produktong gagamitin sa paggawa ng Juice gaya ng Buko, Orange, Pineapple, Grapes, Apple, Mango, Melon.
Ang Pontañe ay galing sa pangalan ng kaniyang yumaong ama na si Pontacio Lereño. Mabuti nalang at sa tulong ni Ate Melissa nalaman ko na nangangailangan si Mr. Lereño ng magsusupply sa kaniya ng mga ito lalo at nagsisimula pa lang siya.
Kasi gusto niya mapagkakatiwalaan ang kailangan niya. Dahil sa nirekomenda ako ni Ate Melissa hindi nag-alinlangan si Mr. Lereño na tanggapin ang alok ko. Mabuti nalang tapos na ang kontrata sa mga bumibili sa mga tanim ko na ang nag-asikaso ay si Tita Odessa Yu na kapatid ni Daddy.
Ito lang ang tanging paraan para mapalapit ako kay Athalia, dahil kung hindi ako kikilos. Siguradong lalayo ulit ang landas namin, napapansin ko iyon na iniiwasan niya ako dahil sa may kasintahan na ako. At may nanliligaw sa kaniya, nakaramdam ako ng paninibugho dahil sa kaalamang iyon.
Pero may magagawa ba ako? Kung hindi ko lang iniisip ang mararamdaman ni Mom baka matagal na ako nakipaghiwalay kay Mickaela. Wala akong nararamdaman para sa kaniya. Pure lust only. Hanggang doon lang iyon. Pero kailangan kong makausap si Mom tungkol sa relasyon namin ni Mickaela. Hays. Sumasakit ang ulo ko dahil sa mga samu't-saring iniisip ko. Biglang may kumatok sa pintuan ng opisina ko dito sa mansiyon.
"Pasok!" pasigaw kong sabi para marinig ako ng nasa labas ng silid. Narinig ko ang pagbukas ng pintuan. Mula sa salamin na nasa aking harapan, nakita ko si Manang Daisy na sumilip sa nakaawang na pinto.
"Sir Luke nandito na po si Ms. Athalia. Nasa baba po siya, sa salas." ani Manang Daisy. Napakunot-noo ako. Alas sais y medya palang ng umaga pero bakit nandito na siya? Tinanguan ko si Manang Daisy.
"Sige po Manang. Pakisabi nalang po bababa na po ako. Pakibigyan narin po siya ng isang tasang kape." ani ko.
"Okay Sir." aniya at umalis na.
Tinapos ko na ang pag-aayos sa sarili. Napahawak ako sa dibdib kung saan naroon ang aking puso dahil sa bilis ng pagtibok niyon. Kinakabahan ako. Hindi ko akalain na ganito ang epekto sa akin ni Athalia. Noon mga bata pa kami, masaya ako na lagi ko siyang kasama.
Excited ako sumapit ang Sabado at Linggo dahil yun ang mga araw na makakasama ko siya. Crush na crush ko siya noon, kaya mas sumaya ako ng naging kaibigan ko siya. At excited akong makita siya lagi. Bumuga ako ng marahas na hininga. Tinitigan ko ang repleksyon ko sa salamin.
"Kaya mo iyan Luke! Ikaw pa! Si Athalia yan." pagkausap ko sa aking sarili.
Napailing-iling ako dahil sa ginawa ko. Nakasuot ako ng simpleng gray v-neck shirt at Lee maong jeans. Muli, huminga ako ng malalim at lumabas ng opisina para puntahan si Athalia.
NANG makababa ako ng hagdan, tinungo ko ang salas kung saan nakita ko si Athalia na abala sa pagtipa sa cellphone niya. Tumikhim ako para kunin ang atensyon niya. Natigil siya sa ginagawa at nag-angat ng ulo para tingnan ako. Tumayo siya at ngumiti siya sakin."Good Morning, Sir Luke." aniya habang titig na titig sakin.
Sinuklian ko siya ng isang matamis na ngiti. Nakasuot siya ng floral off-shoulder blouse na litaw ang makinis at maputi niyang balikat. At navey blue high waist pants na hakab na hakab ang makurba niyang katawan. F*ck! She looks sexy. Damn! Pakiramdam ko nag-init ang katawan ko. Tiningnan ko siya sa mata. Iwenestra ko ang kamay ko sa sofa.
"Maupo muna tayo. Bakit ang aga mo ngayon? 8:00 pa ang pasok mo. Iisipin kong na-miss mo ako kaya ka pumasok ng maaga." biro ko sa kaniya. Sana nga totoo na namiss niya ako. Dahil ako, namiss ko talaga siya. Kinagat niya ang labi at nag-iwas ng tingin.
"Ahm. Magpapaalam sana ako Sir Luke— pinutol ko na ang iba pa niyang sasabihin.
"Pwede namang Luke nalang. No need to be formal Athalia. Tayo lang naman dito. So ayos lang kung first name basis tayo. I don't mind" ani ko. Nasaktan ako dahil hindi niya sinakyan ang biro ko. O sabihin man lang na namiss niya ako.
Tiningnan niya ako at tumango. Kitang-kita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata. Bakit? Malungkot ba siya dahil kasama niya ako? Bakit napakasakit isipin na hindi siya masaya na magkasama kami? Huminga ako ng malalim para kahit papaano mawala ang kirot sa dibdib ko.
"So ano ipapaalam mo?" tanong ko sa kaniya.
"May pupuntahan kasi ako mamaya. Okay lang ba?" tanong niya.
"Sige. Ihahatid kita mamaya para hindi— pinutol niya ang iba ko pang sasabihin.
"Susunduin ako Luke, hindi mo na kailangan na ihatid ako. Thanks by the way." aniya.
Tumango nalang ako. Gusto kong tanungin kong sino ang susundo sa kaniya. Si Charles ba? F*ck! Nakaramdam ako ng inis dahil sa isiping iyon. Pero minabuti ko nalang na manahimik, baka masyado na akong nanghihimasok lalo at trabaho ang pinunta niya dito. Ayaw kong masira ang araw ko kapag narinig ko ang pangalan niya.
"Okay. Nag-agahan ka na ba?" tanong ko sa kaniya habang nakatitig ako sa maganda niyang mukha.
"Hindi eh. Nagmamadali kasi ako kaya hindi ako nakapag-agahan. Pero, okay na itong kape na nainom ko. Hindi naman ako nagugutom." pagdadahilan niya.
Hindi ko maiwasang mainis. Nang dahil sa may pupuntahan lang siya kasama ang magsusundo rito, hindi siya nag-agahan. Ganun ba kaimportante ang lakad niya. F*ck!
"Pwede ka naman mag-excuse kung sakali man na kailangan mong umalis ng maaga naiintindihan ko yun. Hindi yung pumasok ka nga ng maaga. Hindi ka pala nag-agahan. Kung hindi ko na tinanong hindi ko pa malalaman." ani ko sa seryusong tinig. Nakita kong natigilan siya sa sinabi ko. Lumunok muna siya at tsaka nagbaba ng tingin.
"Pasensya. Galit ka ba?" tanong niya sakin. Para naman kaya kong magalit sayo. Yun ang gusto kong sabihin.
"Walang dahilan para magalit ako Ath."—namiss ko siyang tawagin siyang Ath. Yun kasi ang tawag ko sa kaniya noong mga bata kami. At ako lang ang tumatawag sa kaniya ng ganoon. —"Halika, sabay na tayo mag-agahan." ani ko at tumayo na.
Kahit nag-agahan na ako sasabayan ko siya para may kasama siya mag-agahan. Tumayo na rin siya kaya ang ginawa ko hinawakan ko ang kanang kamay niya at hinila siya patungo sa kusina.
"Luke. Baka may makakita sa atin. Malaman ng girlfriend mo." ani Ath.
Tiningnan ko siya at kinindatan. Nakita ko ang pamumula ng kaniyang pisngi. Nag-iwas siya ng tingin. Sh*t! Bakit parang kinilig ako dahil ako ang dahilan ng pamumula ng kaniyang pisngi? Fxck! Fxck!
"Don't worry. Ako ang bahala. Subukan nila magsumbong. Ako makakatalo nila." ani ko at nag-iwas ng tingin.
Hindi ko na hinintay ang ang sasabihin niya. Hinila ko na siya patungo sa patungo sa kusina. Ang sarap sa pakiramdam ng hawak ko ang kamay niya. Nakakawala ng problema at pakiramdam ko lumulutang ako sa alapaap. Ganito pala ang pakirdam kapag nahahawakan mo ang taong mahal mo.
"AHM. Paano ang gagawin ko? I mean ano mga gagawin ko? Tinanong ko kasi si Sir Michael kung ano ang mga dapat kong gawin. Ang sabi niya, ikaw na daw ang bahala." aniya habang hinihiwa ang steak na nasa plato. Hindi man lang nag-abalang tingnan ako. Hindi ko maiwasang mainis sa kinikilos niya."Look at me Athalia. If you want to ask, please look at my eyes. Are you avoiding me?" ani ko.
Ayaw ko man maging strikto pero nauubos na ang pasensya ko. Kailangan ko ng mailabas ang kinikimkim kong sama ng loob at pagtatampo. Kailangan ko na mailabas at baka mabaliw ako. Nag-angat siya ng tingin at tiningnan ako ng matalim.
"Hayan. Tiningnan na kita. Okay na? At tsaka hindi kita iniiwasan. Kung iniiwasan kita, sa tingin mo ba nandito ako? Hindi. Please, Luke. Be professional. Nandito ako para sa trabaho hindi para sa personal na bagay." aniya at tumayo na mula sa pagkakaupo sa stool.
"Tapos na akong kumain. Doon muna ako sa labas, magpapahangin muna ako." aniya at lumabas na ng kusina.
Ngunit hindi nakaligtas sa aking paningin ang pagtulo ng butil ng luha sa kaniyang mata. F*ck! This is my fault! Bakit ba kasi natanong ko iyon. Nasaktan ko tuloy siya. Napasabunot ako sa aking buhok.
"Argh! Fix this mess Luke. Wala pang isang araw na magkasama kayo, nagkaroon na kayo ng sagutan." pagkausap ko sa sarili.
Mabuti nalang wala si Manang Daisy. Nasa labas kasi siya nagsasampay ng damit. Bumuga ako ng marahas na hininga at inayos ang plato na pinagkainan tsaka nilagay iyon sa lababo. Lumabas ako ng kusina para sundan si Athalia. Kailangan kong humingi ng pasensya sa ginawa ko. That was rude! Napailing-iling ako, hindi na dapat ito maulit.
NAKITA ko siya sa labas ng bahay ng mansiyon. Sa puno ng niyog na nasa kanang bahagi ng mansiyon. Naglakad ako palapit sa kaniya. Lumingon siya sa gawi ko ng makalapit ako. Nag-iwas agad siya ng tingin. Hihingi sana ako ng pasensya pero naunahan niya ako.
"Im sorry. Nadala lang ako ng emosyon ko. Hindi ko dapat sinabi yun sayo. You are my Boss."—huminga siya ng malalim at tiningnan ako. Kitang-kita sa kaniya mata ang pagsisisi. Napakagat-labi siya—" I'm really sorry Luke." aniya. Hinawakan ko ang kaniyang pisngi at pinakatitigan ko siya.
"Tabigin mo ng kamay ko kapag ayaw mong hawakan ko ang mukha mo." ani ko.
Subalit ilang segundo kaming nagkakatigan pero hindi niya tinabig ang kamay ko. Ngumiti ako sa kaniya at tinitigan ang kaniyang labi na kaypupula, tsaka tiningnan ang kaniyang mga mata.
"Thank you. It's okay. kasalanan ko din dahil mali ang tanong. I mean, hindi tama dahil nandito ka para sa trabaho. Diba?" tanong ko. Pilit kong iniinda ang sakit sa mga sinabi ko. Pero yun ang totoo. Tumango siya.
"Yes."
"So let's start. Ituturo ko sayo ang mga dapat mong gawin." ani ko at tumalikod na. Lumingon ako sa kaniya.
"Come on. Sa office ko kita tuturuan." ani ko at nauna nang naglakad.
Hindi ako papayag na ganito ang magiging relasyon namin. Boss-employee relationship, kaya ko siya kinuhang Sekretarya ay dahil gusto kong maging malapit kami sa isa't-isa. Gusto kong bumawi sa mga panahon at mga taon na hindi ko siya nakasama.
Nang makapasok kami sa mansiyon. Dumiretso kami sa pangatlong palapag kung saan naroon ang opisina. Nang makapasok kami sa loob. Nagriring ang cellphone ko. Agad ko iyon nilapitan na nakapatong sa study table. Si Mickhaela ang tumatawag. Sinagot ko iyon.
"Mickhaela. Napatawag ka?" tanong ko. Naramdaman ko na biglang natigilan si Athalia pagkarinig ng pangalan ni Mickhaela.
"Sweet, name basis? But, it's okay. Tumawag ako para ipaalam sayo na pupunta kami ni Tita Olivia sa Laguna. Titingnan niya daw ang Seb Farm. So, baka doon muna kami mag-stay. Mamimiss kita Sweet. Tatawag ako kapag may time." aniya.
Tiningnan ko si Athalia. Abala siya sa cellphone niya. Sino ba ang katext niya at abala siya sa pagtipa?
"Sweet are you still there?" tanong ni Mickhaela. Tumikhim ako.
"Yes, I'm still here. Okay, basta tawagan mo ako kapag pauwi na kayo." ani ko.
"Ofcourse. And we made love again and again and again. I miss those moment how you cherish my body, sweet. So I'm so excited to— pinutol ko na ang iba pa niyang sasabihin.
"Mickhaela, i have many things to do. I hang up now. Take care okay? Bye." ani ko at pinatay na ang tawag.
Made love? For me, it's just a sex. Kung may iba man na gusto kong gawin ang bagay na yun with love. I will do it with Ath, my beloved bestfriend. Natigilan ako sa isiping iyon. F*ck! Hindi dapat ako nag-iisip ng ganito. Tiningnan ko si Athalia.
"Ath." ani ko para kunin ang atensyon niya.
Athalia'sPOVNatigilan ako sa ginagawang pagtetext, nang tawagin ako ni Luke sa palayaw na madalas niyang itawag sakin noong bata pa kami. Namiss ko na tawagin niya ako sa palayaw ko sa kaniya. Sobrang namiss! Nag-angat ako ng tingin at tiningnan siya. Seryuso ang kaniyang mukha, walang emosyon na mababasa. Ibinalik ko ang cellphone sa bag."Sino ang katext mo?" tanong niya sakin. Nagbaba ako ng tingin.Galit ba siya? Nahihiya tuloy ako, dahil umuusad ang oras ko pero iba ang ginagawa ko. Sh*t! Ginawa ko lang dahilan yun para hindi mapunta ang atensyon ko sa kaniya na kausap si Mickaela."Pasensya na, may tinanong lang sakin si Charles." ani ko.Tinatanong niya kung matutuloy ang lakad namin mamaya. Alam ni Charles na dito ako nagtratrabaho, ramdam ko sa mga salita niya kagabi ang selos. Pero, nirerespeto niya ang relasyon naming dalawa ni Luke —bilang magkaibigan. Bumuntong-hininga si Luke.
Luke'sPOVHuminga ako ng malalim nang makalabas ako ng barn. Naiinis ako sa topic nila. Sino ba naman ang hindi? Pinag-uusapan nila ang lalaking pinagseselosan ko! F*ck! Kinalma ko ang sarili at inilabas ang cellphone sa bulsa, pumunta sa camera at inanggulo ito sa tamang postora paharap sa abakahan. Kasama sa report na ipapadala ni Athalia ay ang litrato ng abakahan. Pagkatapos kong makakuha ng tatlong litrato, ibinulsa ko na ang cellphone. Saktong palabas ng abakahan sina Lando, Ramon at Tiyo William."Ayos na ang abakahan, siguradong pwedeng pwede na itong anihin sa susunod na linggo." ani Tiyo William sa mga kasama."Tiyo William!" tawag ko sa kaniya. Bumaling sa direksyon ko si Tiyo William na agad na lumapit nang mamukhaan ako."Bakit nandito ka iho? Baka mangati ka." aniya."Ipinasyal ko po si Athalia, nasa barn po siya kasama sina Manong Amboy, Manong Broncio at Daniel. Patungo po ba kayo sa barn?" tanong ko.
Athalia's POVBinabagtas namin ni Charles ang daan patungo sa bayan. Hindi ko maiwasang isipin si Luke. Ano kaya ang ginagawa niya ngayon? Kitang-kita ko kanina sa kaniyang mga mata ang sakit at selos dahil magkasama kami ngayon ni Charles. Pero bakit? Hindi ba dapat maging masaya siya para sakin? Pero bakit parang kabaligtaran iyon? Iba kasi ang ipinaparamdam niya kapag kasama ko siya. Nahinto ako sa pagmumuni-muni ng biglang huminto ang sasakyan sa may gilid ng daan. Tiningnan ko si Charles na nakatitig sakin."Bakit ka huminto?" tanong ko sa kaniya. Huminga siya ng malalim habang titig na titig sakin."Kanina pa kita tinatawag, Ath. Subalit hindi ka sumasagot. May problema ba?" tanong niya.Naramdaman ko sa kaniyang boses ang sakit, maging ang pagbabago ng kaniyang ekspreksiyo na kakikitaan ng lungkot. Sino ba naman ang hindi masasaktan at malulungkot? Kung ang ka-date mo ay naglalayag ang isipan? Hindi ko ma
Luke'sPOV"LUKE!" Nanhihinang tumingin ako sa pintuan ng kwarto kung saan naroon si Athalia at nakatayo. Dali-dali niya akong nilapitan sa kama kung saan ako nakaupo. Biglang nawala ang kalasingan ko dahil sa presensya niya. Ano ba ang nangyari? Ano ba ang ginawa ko? Umupo siya sa tabi ko at hinawakan ang mukha ko."Ayos ka lang? Bakit ka ba naglasing?" aniya at tiningnan ang nagkalat na mga basag na gamit na nasa kwarto, porcelain jar iyon at vases. F*ck! Naramdaman ko ulit ang pananakit ng ulo. Bahagya kong pinisil ang sintido ko dahil sa kirot niyon."Humiga ka at ako na ang bahala sayo." aniya. Sinunod ko siya dahil pakiramdam ko mabubuwal ako dahil sa sakit ng ulo at ang panghihilo. Nang makahiga sa kama at ipinikit ang mga mata para kahit papaano mawala ang pananakit ng ulo ko. Nakarinig ako ng papalapit na mga yabag."Ayos lang ba siya, iha?" mukhang si Manang Daisy ang nagsalita."Hindi po eh. Pakibantay muna siya Manang. Kukuha lang po ako ng maligamgam na tubig at gamot."
Athalia'sPOV"May pupuntahan ka ba ngayon?" tanong sakin ni Luke. Tiningnan ko siya tsaka umiling."Wala naman. Baka mananatili lang ako sa bahay kasi pupunta rito si inay para tulungan si Manang Daisy sa paglilinis. Bakit?" tanong ko. Nag-aagahan kami ngayon. Kaming dalawa lang, niyaya namin si Manang Daisy na mag-agahan ngunit tumanggi siya. Kakain nalang daw siya pagkatapos namin. "Ahm, pwede ka ba bumalik mamayang hapon? Mga alas-dos, basta yung free ka. Ililibot sana kita sa pananinam ng prutas, para maging familiar ka sa lugar at makita mo rin ang mga prutas at magkaroon ka ng report sa susunod na araw. Kung ayos lang sayo, kung hindi naman, ayos lang din." aniya at para siyang hindi mapakali habang sinasabi niya iyon.Sabagay, wala naman akong gagawin. Maganda nga ang suhestiyon niya. Gusto ko rin makita ang mga prutas na gagamitin sa paggawa ng juice. Mula sa pag-iisip, tiningnan ko ulit siya. Kitang-kita ko sa kaniyang mga mata na parang nag-aalangan siya sa kung ano ang i
Luke'sPOVPagdating ko sa mansiyon, dumiretso ako sa kwarto at tinungo ang terasa. Kumuha ako ng dalawang stick ng sigarilyo sa cabinet at sinindihan ang isa niyon tsaka isinubo at humithit, samantalang yung isa ay ibinulsa ko. Nagtungo ako sa dulong bahagi ng teresa at nilanghap ang sariwang simoy ng hangin. Tiningnan ko ang kabuuan ng Hacienda na natatamnan ng palay. Malapit na ang anihan.Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili. Ayaw kong may masabing hindi maganda kay Athalia kaya umalis ako dahil ayaw ko magkaroon kami ng hindi pagkakaintindi, pero parang ganoon na rin ang nangyari.Nakaramdam ako ng sobrang pagseselos sa nakita kanina. Napaka-sweet nila sa isa't-isa. Kung hindi pa ako nagsalita hindi nila malalaman na naroon ako at nakatayo. Ganun na ba sila kaabala para hindi mapansin ang presensya ko? F*ck! Sino ba naman ang hindi magseselos? Inaasahan kong makakasama ko siya ngayon pero hindi pala! Gustong-gusto kong sugurin kanina ng suntok si Charles, pero pinigilan ko
Athalia'sPOV"HALIKA NA, sasamahan kita sa kwarto, Luke." ani ko at nagpatiuna ng maglakad patungo sa hagdan.Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Luke. Anong ibig sabihin niyon? Galit ba siya sakin dahil sa nangyari kanina? Dahil mas pinili ko si Charles kaysa sa kaniya? Napipilitan lang ba siyang pumunta rito? Hindi ko maiwasang makaramdam ng kirot sa aking dibdib, ni hindi man lang niya pinakinggan ang eksplanasyon ko kanina. Basta nalang siya umalis.Nang marating ko ang silid na katabi ng aking silid. Pinihit ko ang door knob para buksan iyon. Tumambad sa aking harapan ang hindi kalakihang silid, pinasadya talaga ito ni itay noong nabubuhay pa siya para sa mga kamag-anak o bisita na punta rito sa bahay. Dangan nga lamang, hindi ko na siya nasilayan pa. Pumasok ako sa loob at sumunod naman si Luke na iginagala ang paningin sa loob ng kwarto.Malinis ang kwarto, dahil dalawang beses sa isang linggo kung linisan ito ni Inay. May isang kama sa kaliwang bahagi ng kwarto at isang durab
Luke'sPOVBumaba ang halik ko sa leeg ni Athalia at hindi ko maiwasang mas mag-init ng umungol si Athalia, lalo na ng mapahawak siya sa aking buhok. Ibig lang sabihin at gusto niya ang ginagawa ko. Fxck! Ang mga kamay ko ay kusang naglakbay sa kaniyang katawan. Nang dumako iyon sa kaniyang mayamang d*bdib, bahagya ko iyong pinisil. Hindi ko maiwasang mapaungol sa sensayong na nadarama.Sh*t! Hindi ko akalain na ganito pala ang sensasyong mararamdaman ko kung kay Athalia ko ginagawa ang mga ganitong bagay. Ni minsan hindi ko naramdaman ito sa mga babaeng naidala ko sa kama. Kapag ginagawa ko ito kay Mickaela, wala akong maramdamang ganito. Ayaw ko naman siyang hindian at baka magalit siya sakin at malaman pa ni Mom, magalit pa sakin si Mom. Bahagya kong iniangat ang pang-itaas na pajama ni Athalia. Pero bago ko pa tuluyang matanggal iyon. Kumalas si Athalia sa pagkakayakap sakin at umalis sa pagkakakandong sakin na para bang may sakit akong nakakahawa. Kitang-kita ko sa kaniyang mga m
After 5 yearsLuke'sPOVNang magising ako, nilingon ko ang aking katabi na walang iba kundi si Athalia. Ang aking pinakamamahal na maybahay. Tinitigan ko siya at hindi maiwasan mapangiti dahil sa angkin niyang kagandahan. Kahit lumipas ang mga taon, wala pa rin nagbabago sa kaniya. Siya pa rin ang pinaka-malambing at pinaka-maalaga na babaeng nakilala ko. Sa loob ng limang buwan na pagsasama namin bilang mag-asawa, hindi naging madali iyon. May mga tampuhan at away pero hindi matatapos ang araw na hindi kami nagkakaayos. Hindi namin pinapatagal ang tampuhan at away, at yun ang mas lalong nagpatatag sa aming dalawa. Limang taon na rin si Lath, at nasa kabilang kwarto siya ngayon. Hinaplos ko ang kaniyang pisngi at dahan-dahan lumapit sa kaniya at hinalikan siya sa noo. Ngayon din ang araw ng aming ikalimang anibersaryo bilang mag-asawa. Naghikab si Athalia at inunat ang braso tsaka dahan-dahang iminulat ang mga mata. Nagtama ang aming mata. Ngumiti ako sa kaniya."Good morning, baby."
Hindi ko maiwasang mapangiti ng madatnan si Athalia na nagluluto ng agahan namin ng umagang iyon. Linggo, kaya wala si Ate Tessa dahil pinag-leave ko muna siya ng dalawang araw para makasama niya ang kaniyang pamilya. Dahil isang buwan siyang walang day-off, pero syempre bayad ang araw niya. Ka-buwanan ngayon ni Athalia, at paniguradong malapit na siyang manganak dahil nangangalahati na ang buwan. Exciten na akong makita ang anak namin. Minsan tinatanong ko kung magiging kamukha ko ba siya o baka magiging kamukha ni Athalia? Lumapit ako kay Athalia at niyakap siya mula sa likuran tsaka hinalikan sa taenga."Ano niluluto mo?" tanong ko sa kaniya habang mahigpit na nakayakap sa kaniya. "Bacon, sausage and ham." aniya. Bigla siyang humarap kaya agad akong dumistansya sa kaniya. Tinitigan ko siya, mata sa mata."Good morning baby." bati ko sa kaniya na may ngiti sa mga labi. Ngumiti siya pabalik."Good morning too, baby. Mas maganda na maupo ka na sa mesa at ipaghahain kita." aniya at
Athalia'sPOVIminulat ko ang aking mga mata ng magising ako. Iginala ang paningin sa kung saan naroon ako. Oo nga pala, nakatulog pala ako nang makasakay kami ni Luke sa van kanina. Hindi ko alam pero ramdam ko yung bigat ng katawan ko kanina. Huminga ako ng malalim at bumangon, pero pagbangon ko bigla nalang ako nakaramdam ng pagkahilo. Sh*t! Dali-dali akong nagtungo sa banyo at doon naduwal. "Anak, okay ka lang?" Lumingon ako para tingnan kong sino iyon. Si inay! Pinunasan ko ang aking bibig gamit ang bimpo na nakasabit sa wall tsaka hinarap si inay."Bakit po kayo nandito? Di po ba dapat nasa reception kayo? Asan po si Luke?" sunod-sunod kong tanong sa kaniya. Natawa ng mahina si inay."Pinakiusapan ako ni Luke na bantayan ka at siya muna ang umasikaso sa kasal." ani inay. Tumango-tango ako at tsaka lumabas ng banyo. Nakasunod naman si inay sakin. Umupo ako sa kama at huminga ng malalim. Nakatayo naman si inay sa aking harapan."Kailangan ko na siguro magpa-checkup bukas inay.
Luke'sPOVNgayon ang araw ng kasal namin ni Athalia. Ang araw na pinakahihintay ko. Ang araw na magiging Mrs. Luke Sebastian na si Athalia. Narito ako ngayon sa mansiyon at dito magbibihis, bawal daw kasi magkita ang ikakasal bago ang kasal nila. Napatingin ako sa salamin at huminga ng malalim, kinakabahan ako at the same time excited. Nang matapos, lumabas ako ng kwarto at bumaba ng hagdan tsaka lumabas ng bahay at nagtungo sa sasakyan. Nang makapasok ako, nilingon ako ni Tito Michael na siyang nag-insist na magiging driver ko. Supportive father-in law. Napangiti ako sa isiping iyon. "Kinakabahan?" tanong niya sakin. Ngumiti ako sa byenan ko."Opo, kinakabahan na baka umatras si Athalia. At the same time, naeexcite po ako dahil ang matagalk ko ng pangarap ay mangyayari na, kelan lang noong pinangarap ko na sana maging kasintahan ko siya. Pero higit pa pala doon ang ibibgay, dahil magiging asawa ko siya." ani ko. Natawa si itay. Yun kasi ang gusto niya na itawag ko sa kaniya."Kinak
Athalia'sPOVNgayon ang araw ng kasal nina itay at inay at sobrang excited ako. Pagkatapos kong magbihis, nagtungo ako sa kwarto nila inay, kung saan inaayusan siya ng baklang inupahan namin na mag-aayos sa kaniya. Gusto sana ni itay na isang sikat na make-up artist na upaan, pero ayaw ni inay. Ang mahalaga lang daw sa kaniya ay maayusan siya at ayaw niyang gumastos ng malaki. Kaya walang nagawa si itay kundi ang pumayag. Kumatok ako sa kwarto ng dalawang beses."Inay, si Athalia po ito." ani ko sa medyo may kalakasang boses para marinig niya ako mula sa loob. Ilang sandali pa ay dahan-dahan bumukas ang pinto, si Marlon o Marizza pala ang nagbukas ng pintuan."Tuloy po kayo Ma'am." aniya na may kasamang ngiti sa mga labi. Pumasok ako sa loob at nilapitan si inay. Samantal, bumalik naman si Marizza sa pag-aayos kay inang. Tiningnan ko si inay mula sa salamin, nagtama ang aming mga mata. Ngumiti siya na ginantihan ko rin ng ngiti."Kamusta po?" tanong ko. Ngumiti si inay."Ito anak, e
Luke'sPOVPagkatapos kumain ng agahan, inutusan ko si Manang Carina na papuntahin lahat ng trabahador sa mansiyon at maging sina Tita Odessa at Ate Melissa kasama ang asawa nila. Sina Tita Carmen at Tito Mike ay mukhang alam na ang dahilan kung bakit ko sila pupulungin. Nang makompleto kami sa salas ng mansiyon. Nasa tabi ko lamang si Athalia para suportahan ako."Bakit mo kami pinagtipon-tipon, Luke?" tanong ni Tita Odessa na nakakunot-noo. Bakas sa kaniyang mukha ang pagkalito. Tumikhim ako."Nandito kayong lahat para malaman ninyo ang totoo kong pagkatao. Kung sino nga ba si Luke Sebastian." ani ko at tiningnan ko sila isa-isa. Hanggang sa napunta ang aking paningin kay Athalia. Tumangop siya sakin na may kasamang pagngiti. Hinawakan ko ang kaniyang kamay para doon kumuha ng lakas. Hanggang sa binaling ko ang tingin sa kanila. Nagsimula na ako magkwento sa aking totoong pagkatao pero hindi ko kwenento ang parte na hindi maganda ang trato sakin ni mom. Ayaw kong kamuhian nila si m
Athalia'sPOVHindi ko maiwasang mapangiti ng marinig ang mahinang hilik ni Luke. Tulog na siya, dala na rin siguro ng pagod at sa pag-iyak kanina kaya mabilis siyang nakatulog. Sinuklay-suklay ko pa rin ang kaniyang buhok. Hindi ko maiwasang isipin yung mga narinig ko kanina. Hindi ko akalain na ganun pala kakomplikado ang pagkatao ni Luke. Proud ako sa kaniya dahil napakatapang niya. Kung sa iba lang nangyari ang nangyari sa kaniya ay baka pinanghinaan na sila ng loob. Kaya, masaya ako dahil napagtagumpayan niya iyon.Hinaplos ko ang kaniyang pisngi at dahan-dahang inalis ang kaniyang ulo sa aking hita at inilagay iyon sa unan. Nang matiyak na maayos na ang pagkakahiga niya. Tumayo ako at lumabas ng kwareto. Medyo nararamdaman ko ang sakit sa pang-ibabang bahagi ng aking katawan pero kaya ko naman indahin iyon. Nagtungo ako sa kusina at kumuha ng isang basong tubig. Akmang aalis na ako nang may magsalita sa aking likuran."Gising ka pa pala?" Lumingon ako at nakita si itay na naka
Luke'sPOVBakit ba pagdating kay Athalia napakalambot ko? Ganun siguro talaga kapag mahal mo isang tao. Nang umalis sa pagkakaibabaw sakin si Athalia, bumangon ako at kinuha sa bedside table ang liham. Nang makuha iyon, inilabas ko mula sa envelop ang papel na naglalaman ng liham ni dad. Binuklat at binasa para marinig ni Athalia."Siguro nagtataka ka kung bakit dinaan ko pa sa sulat, kung pwede ko naman sabihin sayo ng personal. Natatakot ako, natatakot ako na baka kamuhian mo ako ng harapan. Ayaw kong makita ang galit sa mukha mo kapag sinasabi ko na sa iyo ang buong katotohanan. Kaya minarapat ko na sa liham ko nalang sabihin sa'yo ang lahat. Dito, masasabi ko sa iyo lahat. Sisimulan ko ito sa tunay mong ina. Hindi si Olivia ang iyong tunay na ina, ang pangalan niya ay Jackie Santiago. Kasintahan ko noon ang iyong ina ng may mangyari samin at hindi ko akalain na magbubunga iyon. Ikinalulungkot kong sabihin sa iyo na naghiwalay kami ng iyong ina dahil sa iyong lolo na ayaw kay Jack
Athalia'sPOVNapangiti nalang ako ng pumasok si Luke sa banyo. Talagang gusto niyang May mangyari samin ngayon. Napailing-iling nalang ako. Hindi ko akalain na takot pala siya sakin. Umupo ako sa kama, pero napatayo ako ng mapansin na hindi maayos ang pagkakalagay ng libre-kama. Kaya habang hindi pa lumalabas si Luke. Inayos ko ang kutson, pero laking gulat ko ng aksidenteng maiangat ko ang kutson ay may nakita akong puting envelope roon. Napakunot-noo ako. Para kanino ang envelope? Malamang kay Luke, sa kaniya naman itong kwarto eh. Kinuha ko iyon at tiningnan ang likod niyon, nanlaki ang mga mata ko ng mabasa ang nakasulat. "Fr. : Adan Sebastian" basa ko sa nakasulat."Athalia?" tawag sakin ni Luke na hindi ko namalayan na lumabas na pala siya sa banyo. Lumingon ako sa kaniya, hindi ko maiwasang mapalunok ng makita ang katawan niya dahil nakatapi lamang siya ng tuwalya. Bumaba ang tingin niya sa hawak ko. Napakunot-noo siya."Ano yan?" tanong niya. Napatingin ako sa sobre at sa k