“K-Kasal ako! H-Hindi ako pwedeng ibenta ng tatay ko! H-Hindi mo gugustohing malaman ang pangalan ng asawa ko dahil malalagot ka!” Pagbabanta pa ni Solene kahit na nauutal na ito. ~ Si Solene Jimenez ay isang twenty-year old College student. Pumapasok ng iba't-ibang part time jobs para tustusan ang pangangailangan ng kanyang pamilya habang nag-aaral sa isang sikat na unibersidad. Ipinakasal siya sa isang bilyonaryo upang tuparin ang hiling ng Mama niya at ng matanda niyang kaibigang mayaman na pakasalan ang apo nito. Ngunit kahit isang beses ay hindi niya pa man din nakikita. Ano kaya ang mangyayari sa buhay niya kapag nagkita sila sa unang pagkakataon? Will the billionaire keep their marriage o hihiwalayan siya nito nang tuluyan?
View MoreSARIWA pa rin sa isipan ni Solene ang mga katagang binitawan ni Holden kanina nung nasa sasakyan pa sila. Habang paulit-ulit iyon na nagpi-play sa utak niya ay naninindig ang balahibo niya. She can still feel his soft hands laying on her chest. Mariin siyang napapikit. Kasabay non ay ang pag-iling iling niya.Hindi ito maaari. Bakit ko ba siya iniisip? Bakit ba ako nagpapaapekto sa mga sinasabi niya? Iyon ang tumatakbo sa kanyang isipan habang nagbibihis siya. Tiningnan niya ang kanyang repleksyon sa harapan ng salamin at doon nakita niya ang sugat sa kanyang mukha at katawan. Buti na lang ay maari pang matakpan ng concealer ang sugat sa mukha niya. Ang sa katawan naman, kinakailangan na niyang magsuot ng jacket nang hindi iyon makita ng Mama niya. Sobrang tahimik ng bahay simula nang mamalagi sa hospital ang mama niya. Siya na lang ang nananatili rito at kailan man, hindi na bumalik ang Papa niya. Hindi na rin naman niya hinahangad na bumalik pa ito kung puro pasakit at paghihirap lan
Habang nasa biyahe ay tahimik ang dalawa. Kanina pa binubulabog si Solene sa isipan niya ng mga katagang binitawan sa kanya ni Holden. Hindi niya maatim na makarinig mula sa lalaking ito na malandi siya. Hindi siya ganoong klase ng babae.“Kung tungkol sa pagiging malapit ko kay Kuya Jake. Sa tingin ko, wala kang karapatan na sabihing malandi ako. Ni Mama ko ay hindi pa iyan nasasabi sa ‘kin sa tanang buhay ko.”Napakunot-noo si Holden. “And so? Sasabihin ko kung anong gusto kong sabihin. Ayaw ko na makitang may ibang lalaking associated sa ‘yo.”“Sandali nga, Mr. Holden Anderson. Baka nakakalimutan mo na maghihiwalay na tayo? Sa ‘yo pa talaga nanggaling ‘yan? Gusto mo na akong hiwalayan. Wala kang karapatan na sabihin iyan. Hintayin na lang natin ang annulment papers at hayaan mo na ako sa buhay ko.”Tila nangitim ang awra ng mukha ni Holden nang marinig ang mga katagang iyon mula sa bibig ni Solene. Bakit pakiramdam niya ay nainsulto siya sa sinabi nito? Did he just hear it right?“
“Umuwi ka na.” Malamig na utos ni Holden sa dalaga.Nanatiling nakatayo si Solene. Ni hindi niya alam paano maihakbang ang mga paa niya dahil naninigas ang mga iyon sa sakit. Buong katawan niya ay tila nananakit. Kahit hilot yata ay hindi ito makukuha.“O-Oo.” Tila walang buhay niyang sagot.Nang maihakbang niya ang kanyang mga paa ay kamuntik pa siyang matumba.“Hey! Be careful!” tila inis na may pag-aalalang wika ni Holden nang saluhin niya ito.Habang nasa bisig niya ito ay salubong lang ang kilay niya na nakatingin sa dalaga.“A-Aray. M-Masakit.” Daing ni Solene saka niya inilayo ang kanyang sarili sa binata.Puro kasi siya sugat at pasa dahil sa ginawa sa kanya ng grupo ni Isabel. Nananakit ang buo niyang katawan.“You need to go to the hospital to get treated.” Payo naman nito.Umiling-iling si Solene. “H-Hindi na. G-Gagaling rin naman ito.” Pagtatanggi pa niya.“Matigas din talaga ang ulo mo ‘no?”Wala nang nagawa pa si Holden kundi buhatin ang dalaga na parang bigas. Pinasan ni
Tila napuno ng katanungan ang isipan ni Solene dahil sa huling mga sinabi ng Dean nila bago ito tuluyang lumisan. Klarong klaro pa sa isipan niya at sariwa pa kung anong klaseng ekxpresyon ang ibinigay nito sa kanya kanina lang. Galit na galit ito na para bang may nagawa siyang isang mabigat na kasalanan. Gayong alam niya naman sa sarili niya na wala siyang kahit na anong ginagawa sa kahit na sino. Dagdagan pa ng mga studyanteng kung makatingin sa kanya ay isa siyang makasalanang tao na walang puwang sa institusyong ito.“Girl, don’t feel bad. Alam mo ba ang nalaman ko?” ani Eloise kay Solene.Kasalukuyan silang nasa cafeteria ng school at kumakain habang hindi pa nagsisimula ang susunod nilang klase. Sobrang ingay nga dito dahil halos punuan ang cafeteria.Napakunot-noo naman ng noo niya ang dalaga at napaisip kung anong nalaman ni Eloise. Wala naman itong ibang kinukwento sa kanya kundi mga nagiging boyfriend niyang paiba-iba kada buwan.“Ano iyon? May kinalaman ba ako d’yan?”“Wala
Galit na itinapon ni Holden ang pera sa harapan ni Solene. Galit na galit ito. Gulong-gulo ang dalaga kung bakit ganon na lang ito kung magalit gayong wala pa naman siyang nasasabing kahit na ano. Ang alam niya lang ay nanginginig ang tuhod niya sa kaba. Holden sure has a bad temper.“A-Anong ibig mong s-sabihin--”“Huwag mo nga akong ginagawang tanga. Nagmagandang loob na nga ako to treat you in a salon tapos gagawa ka pa doon ng eksena? You dragged my name again! I told you not to tell everyone about us!”“P-Pero, H-Holden. Hindi ko naman iyon sinasadya. S-Saka, hindi naman ako ang nagbulgar na asawa kita, e. S-Si E-Elson naman kasi iyon.” Buong tapang niyang sagot sa kabila ng takot niya.Ayaw na ni Holden na makalat pa ang pagiging mag-asawa nila dahil tutuldukan na rin naman niya iyon sooner or later.“Saka kung hindi dahil sa ginawa ni Sir Elson, I wouldn’t be saved.” Dagdag pa ni Solene.“Take that money at lumayas ka sa harap ko. I don’t want to see your face from now on.”Hin
KINALADKAD nga ng mga guards si Solene nang walang pag-aalinlangan. Wala na siyang nagawa kahit na magpaliwanag pa dahil sino ba naman siya? Ni wala nga siyang proweba. Pilit niya pa rin kasing gustong mag-stay para mahanap niya ang black card na iyon but they don’t want to let her in anymore.“S-Sandali lang talaga, please? Hahanapin ko lang ‘yung card. Malalagot talaga ako kay Holden.” Pagpapaliwanag niya pa pero tila ba walang naririnig ang mga guards na nakahawak sa kanya. Sobrang higpit pa nga ng pagkakahawak ng mga ito. Ramdam na niya ang sakit at pamumula ng kanyang braso.“P-Please. H-Hayaan niyo na lang akong hanapin—”“Miss isa mo pang pagpupumilit, makakatikim ka na.” Pagbabanta ng isang guard na sobrang lalim ng boses.Gusto niyang maiyak sa nakakatakot na boses na iyon. Wala naman siyang balat sa pwet pero bakit ang malas niya naman yata?“What are you doing?” wika ng isang lalaki mula sa malayo.Napatingin naman silang lahat rito at nagtataka pa. Nakita ni Solene ang pagb
“Saan mo ako dadalhin?” ani Solene sa mahinahong boses.Takot lang niya na galitin ang isang Anderson. Baka mabugahan siya nito ng apoy. Malapit na kasi siyang buminggo sa binata.“Sa salon.”“A-Anong gagawin ko don?” She asked curiously.Bumagsak na lang tuloy ang balikat ni Holden. “Ano bang ginagawa ng mga babae sa salon? Nagbebenta ng katawan?” walang pakundangan nitong sagot.“I-I mean, bakit?”“Look at yourself in the mirror and you’ll know.”Nang sabihin iyon ni Holden ay tila nanliit muli sa sarili niya si Solene. Hindi naman siya pwedeng mabanas dito dahil sino ba naman siya? Kaya kung ano mang sasabihin nito sa kanya ay tatanggapin na lang niya ng buong loob.“So, kailangan ko ng make over, ganon?”“Bingo!” tila walang gana nitong sagot in a sarcastic way.Umirap ng simple si Solene. Nakakainis. Alam na alam talaga niyang sirain ang mood ko. Aniya sa isipan.“Ang sama mo talaga sa ‘kin, ano?”“I know. I ain’t kind, woman. I will never be kind to anyone.”Napaisip tuloy si Sol
KUMARIPAS nga ng takbo si Solene palabas ng guest room na iyon dahil baka kung ano pang makita niya kapag nag-stay pa siya doon.“Kainis na lalaking ‘yon. Akala niya ba tulad ako ng mga babaeng nakukuha niya? Hindi ako ganon kadaling babae! K-Kahit na nagkasala ako ng isang beses. Na sana naman ay h’wag magbunga.” Bulong niya sa sarili.“Oh? Anong tinutunganga mo d’yan? You should have waited in the car.”“H’wag mo nga akong ine-English. Alas sais pa lang ng umaga at baka magdugo na ang ilong ko sa ‘yo.”“Come with me.” Tipid lang nitong utos saka dire-diretso nang nilampasan ang dalaga.Sobrang bilis nitong maglakad to the point na nahirapan na lang si Solene na maghabol sa kanya. Kung hindi lang dahil sa pera ay hindi siya maghahabol e. Kaso kailangan niya na talaga.Pagkababa ng mansiyon ay agad silang sinalubong ni Grandma. Nagitla si Holden dahil hindi niya inaasahan na darating ang lola niya ngayong umaga. Kung tiklop ang lahat ng tao kay Holden, siya naman ang Malaki ang pagmama
Nang makarating sa mansiyon ng mga Anderson ay agad na inihiga ni Holden ang dalaga sa guest room nila. Bigat na bigat siya dito at halos na malagutan na siya ng hininga. She doesn’t look heavier than he thinks she is. Sa payat kasi nito, sinong mag-aakala na ganon siya kabigat?Tila naguguluhan naman ang mga kasambahay sa mansiyon. Minsan nga lang umuwi ang boss nila tapos may dala pa itong babae.“Take care of this careless woman.” Utos ni Holden sa nakahilera niyang mga katulong sa mansiyon.Ininuwi niya kasi si Solene dahil wala naman siyang iba pang magawa. Kasama na niya ito. Nasa sasakyan niya pa nang sumuka ito ng pagkarami-rami.“Masusunod po, Sir.” Sagot ng kanilang mayordoma.Habang tinitingnan niya ang tulog at lasing na lasing na dalaga sa kama ay sumasakit ang ulo niya. Sobrang gulo kasi ng itsura nito. He went out for a moment para hindi na niya masaksihan pa kung paanong bihisan ng mga katulong si Solene.Minsanan lang siyang umuwi sa mansiyon at ngayon ngang sa abroad
Dahan-dahang iminulat ni Solene ang kanyang mga mata. Tila napakabigat ng talukap niyon pero unti-unti niya itong dinilat para mailibot ang paningin sa buong kwarto. Puti at kahoy ang kombinasyon ng lugar. Mukhang mamahalin. Pero pakiramdam niya ay napakabigat ng katawan niya. Napatingin siya sa kanyang kanan. Doon ay bigla siyang kinabahan. May katabi siyang lalaki. Lalaking hindi niya kilala. Nag-vibrate ang phone ng lalaking katabi niya kaya naman mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ng dalagang si Solene. Gusto na niyang umalis sa lugar na ito at tumakas. But she can’t do that now. Ano bang ginawa niya? Ganon na ba siya kapusok kagabi para mahantong siya sa ganito? How can she sleep with a stranger? Hindi naman siya pinalaking ganito ng mga magulang niya. Sinagot ng lalaki ang tawag kaya tumigil na ito sa pag-ring.“Yes?” wika nito sa kabilang linya.“Hmm, mukhang kagigising mo lang, Dude. Nakadali ka na naman ba ng babae kagabi? Ano? Sexy ba at balingkinitan ang katawan?” ma...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments