Chapter: CHAPTER 17 (FAMILY DINNER PART 2)“Perfect!” tanging naibulalas ng make-up artis na binayaran ni Holden para ayusan ang kanyang asawa sa dinner na ‘to. Hindi naman na-inform si Solene na may pa-ganito pa pala kahit simpleng dinner lang. Siguro ganon na lamang talaga ang takot ni Holden na humarap itong hindi presentable sa harap ng pamilya niya lalo pa at hindi lang si Grandma Lustria ang makakasama nila ngayong gabi kundi pati na rin ang uba pa nitong mga angkan. Nag-aalangan pang tingnan ni Solene ang sarili niya sa salamin. Perfect ba talaga ang pagkakaayos sa kanya? Baka naman hindi maganda at mapagtawanan lang siya. Ni hindi naman kasi siya nagmi-make-up. “Maam, tingnan niyo na ang sarili niyo sa salamin. H’wag kayong matakot.” natatawa pang bulong ng babaeng make-up artist. Naiilang na ngumiti si Solene. Saka niya dahan-dahang sinulyapan ang sarili. Napahawak siya sa mukha niya. Ang maputla niyang balat ay tila nagkaroon ng buhay. Her lips were plummed. Her cheeks were rosy. The make-up is light pero buhay n
Last Updated: 2025-03-05
Chapter: CHAPTER 16 (Family Dinner)Hindi makapaniwala si Solene na iniligtas siyang muli ni Holden sa mga supladong security ng mansiyon nila. Hindi naman siya judgemental pagdating sa mga security pero pakiramdam niya talaga ay feeling tagapagmana ang mga iyon. "You haven't been formally introduced to the whole family yet. Kaya hindi ka nakilala ng mga security."Hindi siya nakapagsalita. Bakit pakiramdam niya mali niya pa rin? "Aren't you going to say anything?" Napatingin sa kanya si Solene nang may pagtataka. Sa dami ng nangyayari sa buhay niya, nasi-speechless na lang talaga siya at madalas na tulala. "Tapos na 'yon. Sa tingin ko ay hindi mo na rin naman ako dapat pang ipakilala sa buo mong angkan dahil hindi naman na tatagal ang kasal natin." Walang kabuhay-buhay na sagot ng dalaga.Tila napaangat ng kanyang kilay si Holden. "At sa 'yo pa talaga nanggaling 'yan? Well, can't you atleast savor the days na asawa mo pa ako? Tsk."Tila uminit ang ulo ni Solene sa narinig. Savor? Paano niya lalasapin ang ganitong bu
Last Updated: 2025-01-30
Chapter: CHAPTER 15 (Saved Again)SARIWA pa rin sa isipan ni Solene ang mga katagang binitawan ni Holden kanina nung nasa sasakyan pa sila. Habang paulit-ulit iyon na nagpi-play sa utak niya ay naninindig ang balahibo niya. She can still feel his soft hands laying on her chest. Mariin siyang napapikit. Kasabay non ay ang pag-iling iling niya.Hindi ito maaari. Bakit ko ba siya iniisip? Bakit ba ako nagpapaapekto sa mga sinasabi niya? Iyon ang tumatakbo sa kanyang isipan habang nagbibihis siya. Tiningnan niya ang kanyang repleksyon sa harapan ng salamin at doon nakita niya ang sugat sa kanyang mukha at katawan. Buti na lang ay maari pang matakpan ng concealer ang sugat sa mukha niya. Ang sa katawan naman, kinakailangan na niyang magsuot ng jacket nang hindi iyon makita ng Mama niya. Sobrang tahimik ng bahay simula nang mamalagi sa hospital ang mama niya. Siya na lang ang nananatili rito at kailan man, hindi na bumalik ang Papa niya. Hindi na rin naman niya hinahangad na bumalik pa ito kung puro pasakit at paghihirap lan
Last Updated: 2024-09-04
Chapter: CHAPTER 14 (Take off Your Clothes)Habang nasa biyahe ay tahimik ang dalawa. Kanina pa binubulabog si Solene sa isipan niya ng mga katagang binitawan sa kanya ni Holden. Hindi niya maatim na makarinig mula sa lalaking ito na malandi siya. Hindi siya ganoong klase ng babae.“Kung tungkol sa pagiging malapit ko kay Kuya Jake. Sa tingin ko, wala kang karapatan na sabihing malandi ako. Ni Mama ko ay hindi pa iyan nasasabi sa ‘kin sa tanang buhay ko.”Napakunot-noo si Holden. “And so? Sasabihin ko kung anong gusto kong sabihin. Ayaw ko na makitang may ibang lalaking associated sa ‘yo.”“Sandali nga, Mr. Holden Anderson. Baka nakakalimutan mo na maghihiwalay na tayo? Sa ‘yo pa talaga nanggaling ‘yan? Gusto mo na akong hiwalayan. Wala kang karapatan na sabihin iyan. Hintayin na lang natin ang annulment papers at hayaan mo na ako sa buhay ko.”Tila nangitim ang awra ng mukha ni Holden nang marinig ang mga katagang iyon mula sa bibig ni Solene. Bakit pakiramdam niya ay nainsulto siya sa sinabi nito? Did he just hear it right?“
Last Updated: 2024-08-15
Chapter: CHAPTER 13 (Wounded)“Umuwi ka na.” Malamig na utos ni Holden sa dalaga.Nanatiling nakatayo si Solene. Ni hindi niya alam paano maihakbang ang mga paa niya dahil naninigas ang mga iyon sa sakit. Buong katawan niya ay tila nananakit. Kahit hilot yata ay hindi ito makukuha.“O-Oo.” Tila walang buhay niyang sagot.Nang maihakbang niya ang kanyang mga paa ay kamuntik pa siyang matumba.“Hey! Be careful!” tila inis na may pag-aalalang wika ni Holden nang saluhin niya ito.Habang nasa bisig niya ito ay salubong lang ang kilay niya na nakatingin sa dalaga.“A-Aray. M-Masakit.” Daing ni Solene saka niya inilayo ang kanyang sarili sa binata.Puro kasi siya sugat at pasa dahil sa ginawa sa kanya ng grupo ni Isabel. Nananakit ang buo niyang katawan.“You need to go to the hospital to get treated.” Payo naman nito.Umiling-iling si Solene. “H-Hindi na. G-Gagaling rin naman ito.” Pagtatanggi pa niya.“Matigas din talaga ang ulo mo ‘no?”Wala nang nagawa pa si Holden kundi buhatin ang dalaga na parang bigas. Pinasan ni
Last Updated: 2024-08-14
Chapter: CHAPTER 12 (False Accusation)Tila napuno ng katanungan ang isipan ni Solene dahil sa huling mga sinabi ng Dean nila bago ito tuluyang lumisan. Klarong klaro pa sa isipan niya at sariwa pa kung anong klaseng ekxpresyon ang ibinigay nito sa kanya kanina lang. Galit na galit ito na para bang may nagawa siyang isang mabigat na kasalanan. Gayong alam niya naman sa sarili niya na wala siyang kahit na anong ginagawa sa kahit na sino. Dagdagan pa ng mga studyanteng kung makatingin sa kanya ay isa siyang makasalanang tao na walang puwang sa institusyong ito.“Girl, don’t feel bad. Alam mo ba ang nalaman ko?” ani Eloise kay Solene.Kasalukuyan silang nasa cafeteria ng school at kumakain habang hindi pa nagsisimula ang susunod nilang klase. Sobrang ingay nga dito dahil halos punuan ang cafeteria.Napakunot-noo naman ng noo niya ang dalaga at napaisip kung anong nalaman ni Eloise. Wala naman itong ibang kinukwento sa kanya kundi mga nagiging boyfriend niyang paiba-iba kada buwan.“Ano iyon? May kinalaman ba ako d’yan?”“Wala
Last Updated: 2024-08-06