Tila napuno ng katanungan ang isipan ni Solene dahil sa huling mga sinabi ng Dean nila bago ito tuluyang lumisan. Klarong klaro pa sa isipan niya at sariwa pa kung anong klaseng ekxpresyon ang ibinigay nito sa kanya kanina lang. Galit na galit ito na para bang may nagawa siyang isang mabigat na kasalanan. Gayong alam niya naman sa sarili niya na wala siyang kahit na anong ginagawa sa kahit na sino. Dagdagan pa ng mga studyanteng kung makatingin sa kanya ay isa siyang makasalanang tao na walang puwang sa institusyong ito.“Girl, don’t feel bad. Alam mo ba ang nalaman ko?” ani Eloise kay Solene.Kasalukuyan silang nasa cafeteria ng school at kumakain habang hindi pa nagsisimula ang susunod nilang klase. Sobrang ingay nga dito dahil halos punuan ang cafeteria.Napakunot-noo naman ng noo niya ang dalaga at napaisip kung anong nalaman ni Eloise. Wala naman itong ibang kinukwento sa kanya kundi mga nagiging boyfriend niyang paiba-iba kada buwan.“Ano iyon? May kinalaman ba ako d’yan?”“Wala
“Umuwi ka na.” Malamig na utos ni Holden sa dalaga.Nanatiling nakatayo si Solene. Ni hindi niya alam paano maihakbang ang mga paa niya dahil naninigas ang mga iyon sa sakit. Buong katawan niya ay tila nananakit. Kahit hilot yata ay hindi ito makukuha.“O-Oo.” Tila walang buhay niyang sagot.Nang maihakbang niya ang kanyang mga paa ay kamuntik pa siyang matumba.“Hey! Be careful!” tila inis na may pag-aalalang wika ni Holden nang saluhin niya ito.Habang nasa bisig niya ito ay salubong lang ang kilay niya na nakatingin sa dalaga.“A-Aray. M-Masakit.” Daing ni Solene saka niya inilayo ang kanyang sarili sa binata.Puro kasi siya sugat at pasa dahil sa ginawa sa kanya ng grupo ni Isabel. Nananakit ang buo niyang katawan.“You need to go to the hospital to get treated.” Payo naman nito.Umiling-iling si Solene. “H-Hindi na. G-Gagaling rin naman ito.” Pagtatanggi pa niya.“Matigas din talaga ang ulo mo ‘no?”Wala nang nagawa pa si Holden kundi buhatin ang dalaga na parang bigas. Pinasan ni
Habang nasa biyahe ay tahimik ang dalawa. Kanina pa binubulabog si Solene sa isipan niya ng mga katagang binitawan sa kanya ni Holden. Hindi niya maatim na makarinig mula sa lalaking ito na malandi siya. Hindi siya ganoong klase ng babae.“Kung tungkol sa pagiging malapit ko kay Kuya Jake. Sa tingin ko, wala kang karapatan na sabihing malandi ako. Ni Mama ko ay hindi pa iyan nasasabi sa ‘kin sa tanang buhay ko.”Napakunot-noo si Holden. “And so? Sasabihin ko kung anong gusto kong sabihin. Ayaw ko na makitang may ibang lalaking associated sa ‘yo.”“Sandali nga, Mr. Holden Anderson. Baka nakakalimutan mo na maghihiwalay na tayo? Sa ‘yo pa talaga nanggaling ‘yan? Gusto mo na akong hiwalayan. Wala kang karapatan na sabihin iyan. Hintayin na lang natin ang annulment papers at hayaan mo na ako sa buhay ko.”Tila nangitim ang awra ng mukha ni Holden nang marinig ang mga katagang iyon mula sa bibig ni Solene. Bakit pakiramdam niya ay nainsulto siya sa sinabi nito? Did he just hear it right?“
SARIWA pa rin sa isipan ni Solene ang mga katagang binitawan ni Holden kanina nung nasa sasakyan pa sila. Habang paulit-ulit iyon na nagpi-play sa utak niya ay naninindig ang balahibo niya. She can still feel his soft hands laying on her chest. Mariin siyang napapikit. Kasabay non ay ang pag-iling iling niya.Hindi ito maaari. Bakit ko ba siya iniisip? Bakit ba ako nagpapaapekto sa mga sinasabi niya? Iyon ang tumatakbo sa kanyang isipan habang nagbibihis siya. Tiningnan niya ang kanyang repleksyon sa harapan ng salamin at doon nakita niya ang sugat sa kanyang mukha at katawan. Buti na lang ay maari pang matakpan ng concealer ang sugat sa mukha niya. Ang sa katawan naman, kinakailangan na niyang magsuot ng jacket nang hindi iyon makita ng Mama niya. Sobrang tahimik ng bahay simula nang mamalagi sa hospital ang mama niya. Siya na lang ang nananatili rito at kailan man, hindi na bumalik ang Papa niya. Hindi na rin naman niya hinahangad na bumalik pa ito kung puro pasakit at paghihirap lan
Dahan-dahang iminulat ni Solene ang kanyang mga mata. Tila napakabigat ng talukap niyon pero unti-unti niya itong dinilat para mailibot ang paningin sa buong kwarto. Puti at kahoy ang kombinasyon ng lugar. Mukhang mamahalin. Pero pakiramdam niya ay napakabigat ng katawan niya. Napatingin siya sa kanyang kanan. Doon ay bigla siyang kinabahan. May katabi siyang lalaki. Lalaking hindi niya kilala. Nag-vibrate ang phone ng lalaking katabi niya kaya naman mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ng dalagang si Solene. Gusto na niyang umalis sa lugar na ito at tumakas. But she can’t do that now. Ano bang ginawa niya? Ganon na ba siya kapusok kagabi para mahantong siya sa ganito? How can she sleep with a stranger? Hindi naman siya pinalaking ganito ng mga magulang niya. Sinagot ng lalaki ang tawag kaya tumigil na ito sa pag-ring.“Yes?” wika nito sa kabilang linya.“Hmm, mukhang kagigising mo lang, Dude. Nakadali ka na naman ba ng babae kagabi? Ano? Sexy ba at balingkinitan ang katawan?” ma
Mayaman ang mga Anderson. Sila ang may-ari ng Anderson’s Group of Companies. May ari ng pinakasikat at naglalakihang villas, resort, subdivision, at condominium sa Manila. Bukod don ay napakarami pa nilang business. May hotels, malls, at naglalakihang resort pa sila sa iba't ibang panig ng bansa. Even out of the country.Si Holden Anderson ang kaisa-isang tagapagmana. He is an only child. Kaisa-isang taong gusto nilang makitang maikasal sa babaeng dapat lang para sa kanya. But here's his grandmother who wants him to marry a very special girl-- si Solene. Kaibigan nito na nakilala lamang niya matapos siya nitong tulungan years ago. Mula noon ay sobra nang maging malapit sila sa isa't isa. Sobrang buti ng Lola ni Holden kay Solene. Hanggang sa isang araw ay nakatanggap na lamang siya ngMarriage certificate na nagpapatunay na kasal na nga silang dalawa. Pero noong araw din na iyon ay umalis ang binata para may trabahuhin sa ibang bansa kaya’t hindi na sila nagkita pang muli. Makalipas
Napabalik sa huwisyo niya si Solene dahil ayaw pa rin siyang bitawan ni Wilhelm. “Bitawan mo ‘ko sabi! Tulong!” sigaw ng dalaga pero walang nakakarinig sa kanya.“Sorry pero tayo lang dalawa ang nandito ngayon.”Napaatras ang dalaga. “A-Ano?” nauutal nitong tanong na tila hindi makapaniwala.Napangisi si Wilhem na tila ba ngiting tagumpay ito. “You heard it right, my lady.” Kumindat pa ito at ngumisi na parang demonyong may masamang binabalak.“K-Kasal ako! H-Hindi ako pwedeng ibenta ng tatay ko! H-Hindi mo gugustohing malaman ang pangalan ng asawa ko dahil malalagot ka!” Pagbabanta pa ni Solene kahit na nauutal na ito.“Kasal? Sinong asawa mo? H’wag ka ngang magpatawa, Solene. Akin ka nangayon.”“Isang Anderson ang asawa ko! S-Si Holden A-Anderson! Siya ang asawa ko!” sigaw naman ng dalaga na pilit ipinapakitang hindi siya natatakot.“Pwe! Magpapasagasa ako sa tren kung totoo ‘yang sinasabi mo! Baliw!” Natatawa pa nitong sagot.“Hindi ako nagsisinungaling—”Hindi pa man natatapos ni
“Nagkaroon ng blood clott sa ulo ang nanay mo. She needs to undergo prompt medical evaluation and treatment. You will need a big sum of money for it. Please prepare.” Iyon agad ang bungad ng doctor kay Solene. Pasuko na siya talaga. Malapit na siyang masiraan ng bait. Sunod-sunod naman yata. Hindi na niya alam kung paano niya itong lalampasan.Pera na naman. Ni wala na siyang ipon, kailangan pa ng nanay niyang maipagamot. Hindi na niya alam ang gagawin niya.“S-Sige po. G-Gagawan ko po ng p-paraan.” Walang buhay niyang sagot. Pagod na pagod na siya. Bagsak ang balikat niyang naglakad na tila hindi niya alam saan siya dadalhin ng mga paa niya.Ilang oras na rin siyang umiiyak. Tila wala na siyang pag-asa.Pero bigla niyang naalala ang asawa niya. Mukhang ito na lang ang natatanging paraan. Kailangan niyang kapalan ang mukha niya. Makapal na kung makapal. Hindi naman iyon makakabawas ng yaman nila 'di ba? Kaunting tulong lang ang kailangan niya. “M-Ma, aalis lang ho ako. B-Babalik h