Mayaman ang mga Anderson. Sila ang may-ari ng Anderson’s Group of Companies. May ari ng pinakasikat at naglalakihang villas, resort, subdivision, at condominium sa Manila. Bukod don ay napakarami pa nilang business. May hotels, malls, at naglalakihang resort pa sila sa iba't ibang panig ng bansa. Even out of the country.
Si Holden Anderson ang kaisa-isang tagapagmana. He is an only child. Kaisa-isang taong gusto nilang makitang maikasal sa babaeng dapat lang para sa kanya. But here's his grandmother who wants him to marry a very special girl-- si Solene. Kaibigan nito na nakilala lamang niya matapos siya nitong tulungan years ago. Mula noon ay sobra nang maging malapit sila sa isa't isa.
Sobrang buti ng Lola ni Holden kay Solene. Hanggang sa isang araw ay nakatanggap na lamang siya ng
Marriage certificate na nagpapatunay na kasal na nga silang dalawa. Pero noong araw din na iyon ay umalis ang binata para may trabahuhin sa ibang bansa kaya’t hindi na sila nagkita pang muli.Makalipas ang halos tatlumpong minuto na paliligo ng lalaki ay lumabas siya na nakatapis lamang ng tuwalya sa may baywang nito. Iyong tela lamang ang bumabalot sa kanyang pan-ibaba. Tagaktak pa ang tubig na mula sa basa nitong busog. He is fit and slim. Maganda ang tikas ng
pangangatawan nito. Napakakisig. Talaga naming isa siyang magandang lalaki. Pagkalabas niya ay napangisi siya nang mapansing wala na si Solene. Ang babaeng nakasiping niya kagabi.“Just another typical one-night stand story. Kasalanan ko bang virgin pa
siya?” aroganteng wika pa niya habang nakadapo ang tingin sa puting kumot na iyon na may mantsa na ng dugo.Nag-ring muli ang cellphone niya kaya naman agad niya itong sinagot. Galing kasi ito sa kanang-kamay niya.
“Any news?” Bungad niya sa kabilang linya.
“Ayos na ho ang pinapatrabaho niyo sa ‘kin kagabi, Boss. May iba pa ba
kayong utos?” tanong pa nito.“Yes. Please find the information of the girl na pinakasal sa ‘kin ni
Grandma. I need everything. Have her checked.”“Masusunod, Boss. Meron pa bang iba?”
Agad na napaisip ito ‘yung babae kagabi. He bit his lips and thought about her face for a span of seconds. Umiling-iling siya. Hindi niya talaga maalala ang mukha nito. Siguro kapag nakita niya ito ulit ay mamumukhaan niya ito. But now, he really couldn't recall how this girl looks like.
“Wait. . ." Pagpigil niya sa kausap sa kabilang linya. "please check the information of the girl who I was with last night. She just flew like a bird without a trace. Hanapin mo.” Dagdag niya pa na tila ba desperado na.
Napangisi sa kabilang linya ang kanang-kamay nito. “Himala at naging interisado ka yata sa babae, Boss?” Pag-uusisa pa nito na tila ba may dalang panunukso.
“Shut up and just do as I say.” He firmly stated saka niya binabaan ito ng
tawag.Him? Interested? No. He shrugged to himself.
Isang college student si Solene sa isa sa pinakasikat na unibersidad sa Manila. Ang Bright Quest University. Twenty-years old pa lamang siya at ang dami na niyang kailangang tustusan sa pang-araw-araw. She is a working student. Nagpa-part- time pa siya sa isang high end cafe sa gabi para may sarili siyang pera. Pandagdag na rin sa pambili ng mga pangangailangan ng Mama niya habang ang Papa niya ay palamunin na walang ginawa kundi ang mag-inom at magsigarilyo.
May klase pa siya ngayon at late na nga siya dahil sa nangyari. Ramdam niya pa rin
ang sakit ng pagkababae niya.Pagkadating na pagkadating niya sa first class niya ay agad siyang sinalubong ng
best friend niyang si Eloise.“Girl! Ikaw ha, bakit ka late? Anong oras ka na bang nauwi kagabi from the
party?” Pag-uusisa naman nito.Napatulala na lang si Solene. Kasalanan talaga to ni Eloise, e. Kung sana hindi siya
nito niyaya-yaya hindi sana siya late ngayon. Hindi sana siya napunta kung saang kwarto. Hindi sana masakit ang puso niya dahil sa nangyari kagabi.“A-Ano, m-maaga naman akong nauwi, ah. Ikaw kasi, hindi na kita nahanap. S-
Saan ka ba nagsusuot kagabi?” nauutal na sagot ni Solene.“Anong ako ang hindi mo nahanap? E halos nalibot ko nga ang buong Belmort
Hotel kakahanap sa ‘yo.”Hindi na nakapagsalita pa si Solene. Hindi niya kasi ma-explain ang nararamdaman
niyang sakit down there kahit na nakaligo na siya ay tila nanunuot pa rin ang sakit.Pagkatapos ng klase ay agad na humiwalay ng daan sa kanya ang kaibigan dahil may pupuntahan pa ito. Nagpunta muna si Solene sa computer laboratory para makigamit ng laptop doon para magresearch ng pain reliever para sa nananakit niyang ibaba.
Kakapasok niya pa lang nang may biglang humatak sa kanya. Napasigaw siya sa
gulat.“Hi, babe. Sexy mo ngayon ah?” nakakalokong wika ni Wilhelm.
Hindi sila magkaklase pero kilala si Wilhem na babaero. Nakukuha nito ang lahat
ng gusto niya. Palibhasa, galing sa marangyang pamilya.“Bastos! Huwag mo nga akong hawakan!” tila nandidiring sagot ni Solene rito.
Nagnginitngit ito sa galit. Naalala niya kasi ang nangyari kagabi. Hindi niya maiwasang hindi ma-depress. Duming-dumi siya sa sarili niya pero parang wala siyang karapatang umiyak at magmukmok dahil imbes na gawin niya iyon ay kailangan niyang mag-aral. kailangan niya ring magtrabaho. Wala siyang oras para mag-break down.“Anong h’wag hawakan? Akin ka na ngayon, Babe. Binenta ka na sa ‘kin ng Tatay
mong lasenggo, ah? Hindi ka ba niya nasabihan?” Paliwanag pa nito saka ito napakagat ng labi.Tila ba nabingi si Solene sa mga narinig niya. Hindi siya isang bagay para ibenta. Inisip niya na nababaliw na siguro si Wilhelm para sabihin iyon hindi por que mayaman siya ay mabibili na nila ang lahat.
Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ni Solene ng mga oras na ‘yon. Pakiramdam niya
ay lalayasan siya ng bait. Binenta siya ng Tatay niya? Paano iyong nangyari?“Wala akong alam sa sinasabi mo! Ni hindi mo nga kilala ang Papa ko! Bitawan moa ko!” sigaw pa niya habang nagpupumiglas. Pilit na gusting kumawala sa mga mahigpit na hawak sa kanya ni Wilhem.
Mayaman rin ang angkan nina Wilhelm. Para sa kanya ay disposable lang ang mga babae. Kapag tapos na siya sa paggamit ay saka niya itatapon. Pero umpisa pa lamang na makita niya si Solene ay natipuhan na niya agad ito. Kapag tipo niya ang isang babae, hindi siya titigil hangga’t hindi niya ito nakukuha. At napadali nga iyon dahil sa tatay ni Solene na mukhang pera.
“Hindi ka pa rin naniniwala? Why don’t you ask your Father? Binenta ka niya sa ‘kin sa halagang three hundred thousand pesos lang. Buti na lang galante ako, I gave him half million pesos para naman mas makatulong sa inyo.” May halong pang-iinsultong paliwanag nito. Mga titig pa lang nito ay tila dinuduraan na ang buong pagkatao niya.
Ganito na ba talaga sila kahirap? Habang ang mga Anderson ay nag-uumapaw ang yaman. Tila langit ang mga ito. Samantalang ang pamilya niya, isang kahig isang tuka sa lupa.
Napabalik sa huwisyo niya si Solene dahil ayaw pa rin siyang bitawan ni Wilhelm. “Bitawan mo ‘ko sabi! Tulong!” sigaw ng dalaga pero walang nakakarinig sa kanya.“Sorry pero tayo lang dalawa ang nandito ngayon.”Napaatras ang dalaga. “A-Ano?” nauutal nitong tanong na tila hindi makapaniwala.Napangisi si Wilhem na tila ba ngiting tagumpay ito. “You heard it right, my lady.” Kumindat pa ito at ngumisi na parang demonyong may masamang binabalak.“K-Kasal ako! H-Hindi ako pwedeng ibenta ng tatay ko! H-Hindi mo gugustohing malaman ang pangalan ng asawa ko dahil malalagot ka!” Pagbabanta pa ni Solene kahit na nauutal na ito.“Kasal? Sinong asawa mo? H’wag ka ngang magpatawa, Solene. Akin ka nangayon.”“Isang Anderson ang asawa ko! S-Si Holden A-Anderson! Siya ang asawa ko!” sigaw naman ng dalaga na pilit ipinapakitang hindi siya natatakot.“Pwe! Magpapasagasa ako sa tren kung totoo ‘yang sinasabi mo! Baliw!” Natatawa pa nitong sagot.“Hindi ako nagsisinungaling—”Hindi pa man natatapos ni
“Nagkaroon ng blood clott sa ulo ang nanay mo. She needs to undergo prompt medical evaluation and treatment. You will need a big sum of money for it. Please prepare.” Iyon agad ang bungad ng doctor kay Solene. Pasuko na siya talaga. Malapit na siyang masiraan ng bait. Sunod-sunod naman yata. Hindi na niya alam kung paano niya itong lalampasan.Pera na naman. Ni wala na siyang ipon, kailangan pa ng nanay niyang maipagamot. Hindi na niya alam ang gagawin niya.“S-Sige po. G-Gagawan ko po ng p-paraan.” Walang buhay niyang sagot. Pagod na pagod na siya. Bagsak ang balikat niyang naglakad na tila hindi niya alam saan siya dadalhin ng mga paa niya.Ilang oras na rin siyang umiiyak. Tila wala na siyang pag-asa.Pero bigla niyang naalala ang asawa niya. Mukhang ito na lang ang natatanging paraan. Kailangan niyang kapalan ang mukha niya. Makapal na kung makapal. Hindi naman iyon makakabawas ng yaman nila 'di ba? Kaunting tulong lang ang kailangan niya. “M-Ma, aalis lang ho ako. B-Babalik h
“Boss, ang pangalan ng asawa mo ay Solene Jimenez. Iyon ang ipinakasal sa inyo ng lola niyo one year ago,” wika ng sekretarya ni Holden sa kabilang linya. Doon ay napatunayan nga ni Holden na tama ang sinasabi ng babaeng bigla na lang sumulpot sa buhay niya.Tumango-tango lang ang binata. “Salamat. Email me all the information about her right now.”“Masusunod, boss.”Then he hung up.Agad nitong tinapunan ng tingin si Solene na tahimik lang na nakaupo. He noticed her hands shaking. Naka-close legs din ito.“Your name?” he coldly asked.Ang titig nito ay tila papasuin ka kapag sinalubong mo.“S-Solene. A-Ako si S-Solene Jimenez.”“Ikaw nga.” Pagkukumpirma ni Holden. “Stop telling everyone that I am your husband or else, I’ll throw you out of this window.” Pagbabanta pa nito.Mas lalong nakaramdam ng takot si Solene. “B-Bakit? T-Totoo naman ah.”“That marriage is disgusting! Papel lang ‘yon! Isa pa, I am filing an annulment as soon as possible. Wala kang makukuha sa 'kin kahit na katiti
Si Holden-- May kasama itong apat na lalaki na kung titingnan niya ay puro mga empleyado nito. Pero may isang babaeng kasama ang mga ito. Sobrang ganda nito lalo pa sa suot nitong dress na yumayakap sa hubog ng kanyang katawan.“What a small world. Tss. O baka naman sinasadya mo talagang makita ako?” Bungad ni Holden nang mapamilyaran niya agad si Solene. He's holding a glass of alcohol in his hand. “Boss, ikaw na ‘yan, e. Sino ba naman ang aayaw makita ang isang Holden Anderson? Rich, handsome, and famous.” Sulsol naman ng sekretarya nito.“Halos lahat ng kababaihan ay mababaliw sa iyo.” Dagdag naman ng isa.“Nandito lang ako para mag-deliver ng order niyo.”Nagsalita ang babae. “That’s so sweet of you! Put it here, sweety.” Wika naman ng babae.Napangiti si Solene dahil kahit papaano ay may mahinahong kumausap sa kanya. Ilalapag na sana niya ang lahat nang bigla siyang patirin nito.“Ops, my bad! Oh no!” Napasigaw ang dalaga sa gulat.“Isabel!” Suway ni Holden.Nang marinig iyon n
Nang makarating sa mansiyon ng mga Anderson ay agad na inihiga ni Holden ang dalaga sa guest room nila. Bigat na bigat siya dito at halos na malagutan na siya ng hininga. She doesn’t look heavier than he thinks she is. Sa payat kasi nito, sinong mag-aakala na ganon siya kabigat?Tila naguguluhan naman ang mga kasambahay sa mansiyon. Minsan nga lang umuwi ang boss nila tapos may dala pa itong babae.“Take care of this careless woman.” Utos ni Holden sa nakahilera niyang mga katulong sa mansiyon.Ininuwi niya kasi si Solene dahil wala naman siyang iba pang magawa. Kasama na niya ito. Nasa sasakyan niya pa nang sumuka ito ng pagkarami-rami.“Masusunod po, Sir.” Sagot ng kanilang mayordoma.Habang tinitingnan niya ang tulog at lasing na lasing na dalaga sa kama ay sumasakit ang ulo niya. Sobrang gulo kasi ng itsura nito. He went out for a moment para hindi na niya masaksihan pa kung paanong bihisan ng mga katulong si Solene.Minsanan lang siyang umuwi sa mansiyon at ngayon ngang sa abroad
KUMARIPAS nga ng takbo si Solene palabas ng guest room na iyon dahil baka kung ano pang makita niya kapag nag-stay pa siya doon.“Kainis na lalaking ‘yon. Akala niya ba tulad ako ng mga babaeng nakukuha niya? Hindi ako ganon kadaling babae! K-Kahit na nagkasala ako ng isang beses. Na sana naman ay h’wag magbunga.” Bulong niya sa sarili.“Oh? Anong tinutunganga mo d’yan? You should have waited in the car.”“H’wag mo nga akong ine-English. Alas sais pa lang ng umaga at baka magdugo na ang ilong ko sa ‘yo.”“Come with me.” Tipid lang nitong utos saka dire-diretso nang nilampasan ang dalaga.Sobrang bilis nitong maglakad to the point na nahirapan na lang si Solene na maghabol sa kanya. Kung hindi lang dahil sa pera ay hindi siya maghahabol e. Kaso kailangan niya na talaga.Pagkababa ng mansiyon ay agad silang sinalubong ni Grandma. Nagitla si Holden dahil hindi niya inaasahan na darating ang lola niya ngayong umaga. Kung tiklop ang lahat ng tao kay Holden, siya naman ang Malaki ang pagmama
“Saan mo ako dadalhin?” ani Solene sa mahinahong boses.Takot lang niya na galitin ang isang Anderson. Baka mabugahan siya nito ng apoy. Malapit na kasi siyang buminggo sa binata.“Sa salon.”“A-Anong gagawin ko don?” She asked curiously.Bumagsak na lang tuloy ang balikat ni Holden. “Ano bang ginagawa ng mga babae sa salon? Nagbebenta ng katawan?” walang pakundangan nitong sagot.“I-I mean, bakit?”“Look at yourself in the mirror and you’ll know.”Nang sabihin iyon ni Holden ay tila nanliit muli sa sarili niya si Solene. Hindi naman siya pwedeng mabanas dito dahil sino ba naman siya? Kaya kung ano mang sasabihin nito sa kanya ay tatanggapin na lang niya ng buong loob.“So, kailangan ko ng make over, ganon?”“Bingo!” tila walang gana nitong sagot in a sarcastic way.Umirap ng simple si Solene. Nakakainis. Alam na alam talaga niyang sirain ang mood ko. Aniya sa isipan.“Ang sama mo talaga sa ‘kin, ano?”“I know. I ain’t kind, woman. I will never be kind to anyone.”Napaisip tuloy si Sol
KINALADKAD nga ng mga guards si Solene nang walang pag-aalinlangan. Wala na siyang nagawa kahit na magpaliwanag pa dahil sino ba naman siya? Ni wala nga siyang proweba. Pilit niya pa rin kasing gustong mag-stay para mahanap niya ang black card na iyon but they don’t want to let her in anymore.“S-Sandali lang talaga, please? Hahanapin ko lang ‘yung card. Malalagot talaga ako kay Holden.” Pagpapaliwanag niya pa pero tila ba walang naririnig ang mga guards na nakahawak sa kanya. Sobrang higpit pa nga ng pagkakahawak ng mga ito. Ramdam na niya ang sakit at pamumula ng kanyang braso.“P-Please. H-Hayaan niyo na lang akong hanapin—”“Miss isa mo pang pagpupumilit, makakatikim ka na.” Pagbabanta ng isang guard na sobrang lalim ng boses.Gusto niyang maiyak sa nakakatakot na boses na iyon. Wala naman siyang balat sa pwet pero bakit ang malas niya naman yata?“What are you doing?” wika ng isang lalaki mula sa malayo.Napatingin naman silang lahat rito at nagtataka pa. Nakita ni Solene ang pagb