Share

CHAPTER 5 (Fate or Fear?)

“Boss, ang pangalan ng asawa mo ay Solene Jimenez. Iyon ang ipinakasal sa inyo ng lola niyo one year ago,” wika ng sekretarya ni Holden sa kabilang linya. Doon ay napatunayan nga ni Holden na tama ang sinasabi ng babaeng bigla na lang sumulpot sa buhay niya.

Tumango-tango lang ang binata. “Salamat. Email me all the information about her right now.”

“Masusunod, boss.”

Then he hung up.

Agad nitong tinapunan ng tingin si Solene na tahimik lang na nakaupo. He noticed her hands shaking. Naka-close legs din ito.

“Your name?” he coldly asked.

Ang titig nito ay tila papasuin ka kapag sinalubong mo.

“S-Solene. A-Ako si S-Solene Jimenez.”

“Ikaw nga.” Pagkukumpirma ni Holden. “Stop telling everyone that I am your husband or else, I’ll throw you out of this window.” Pagbabanta pa nito.

Mas lalong nakaramdam ng takot si Solene. “B-Bakit? T-Totoo naman ah.”

“That marriage is disgusting! Papel lang ‘yon! Isa pa, I am filing an annulment as soon as possible. Wala kang makukuha sa 'kin kahit na katiting since we agreed on a prenup.”

“A-Ayos lang. H-Hindi iyan ang p-pinunta ko dito,” walang buhay na sagot ng dalaga.

Pagod na pagod na siya at wala na siyang panahon pa para makipagtalo.

“Then what? You really exerted effort to see me huh? I wonder if it’s about money.”

Napakagat ng labi niya si Solene. “Iyon nga. K-Kailangan ko ng pera.” Diretsahang

sagot nito.

He chuckled evilly. “Sinasabi ko na nga ba. Isa ka rin sa mga babaeng pera pera lang at tapos na. Sorry, pero hindi mo ako mahuhuthutan.”

“H-Hindi naman ako hihingi. K-Kailangan kong humiran sa ‘yo. P-Pangako, b-

babayaran kita! K-Kailangang kailangan ko lang talaga ngayon. N-Nasa h-hospital

ang nanay k-ko. W-Wala na akong ibang maisip na m-malapitan bukod sa ‘yo.” Paliwanag ng dalaga.

"Magkano ang kailangan mo?”

“H-Hindi ko alam kung m-magkano ang aabutin sa g-gamutan. B-Baka pupwede

mo akong masamahan sa hospital.”

“Tsk. Nevermind. I’ll have my secretary to work on that. At kapag nalaman kong

niloloko mo lang ako, pagbabayaran mo. I’ll throw you in the river without anyone knowing about it. Naiintindihan mo ba?” Mariing bilin nito na may dala pang pagbabanta.

Wala sa sariling tumango-tango si Solene. Si Holden na mismo ang nagsalita. Nagsasabi naman siya ng totoo kaya hindi siya dapat na matakot.

Tila nabunutan ng tinik si Solene pagkalabas niya ng unit ni Holden. Pakiramdam niya ay solve na ang isa niyang problema. Kailangan na lang talaga ng nanay niyang magpagaling.

Late na naman nga siya sa klase niya ngayon at hindi na siya naka-attend ng first two subjects niya. Kapag nagpatuloy ang ganitong habit niya ay baka ma-revoke na lang bigla anag scholarship niya. Hindi iyon pwedeng mangyari.

Pagkarating na pagkarating niya sa paaralan ay agad siyang pinatawag ng dean

nila.

“Ms. Jimenez.” Boses pa lang nito ay kinakabahan na siya. Mukha pa naman itong wala sa mood. Iniisip niya tuloy na baka hindi lang ito nakapag-agahan.

“Y-Yes, Sir.”

“The board noticed your constant absences on other subjects. Late ka rin daw madalas. May I know your status right now? Ano bang nangyayari sa ‘yo? You used to be the top of the class. Dean’s lister ka pa naman.” May panghihinayang na wika ng dean nila.

This is not her. Alam niyang napapabayaan na niya ang pag-aaral niya.

“Sir, ang dami ko lang pong pinagdadaanan lately. Nasa hospital po ang Mama ko.”

“I am so sorry to tell this, but the board suggests to revoke your scholarship. Unless, may gawin ka to save it? Isang gabi lang, I can convince the board to keep your scholarship.”

“Sir, hindi ho ako tulad ng babaeng iniisip niyo! Ang bastos niyo naman po!” ani Solene sa malakas na boses.

Napalingon naman ang siya nang biglang magbukas ang pinto at inuluwa niyon sina Holden at iba pang mga lalaki sa likod niya na nakasunod sa kanya.

“Mr. Anderson! Our biggest scholarship contributor! Welcome!”

Nagitla si Solene nang makita niya ang kanyang asawa.

“What is this commotion all about? Why are you shouting, Miss? Iyan ba ang itinuturo sa 'yo ng pretihiyosong unibersidad na ‘to?” ani Holden habang seryosong nakatitig kay Solene. 

Pakiramdam tuloy ng dalaga ay sobrang dumi niya.

“Well, as you can see Mr. Anderson, we are having a conversation here about her scholarship that needs to be revoked due to her constant absence.”

“Have it revoked if it’s necessary.” Mariin at prangkang sagot naman agad ni Holden.

Hindi makapaniwala si Solene sa narinig niya.

Napatayo siya. “But Mr. Anderson, kailangan ko ho ng scholarship. H-Hindi ho ako makakapag-aral. Hindi ko ho kayang bayaran ang napakamahal na tuition ng university!” halos mangiyak-ngiyak na sagot ni Solene.

“How dare you shout at the boss?” biglang sabat ng secretary ni Holden.

“See? Ganyan ang ugali niya. She even offered her body to me para lang huwag siyang tanggalin sa listahan. How desperate can this girl be. Mukha ka lang inosente pero nasa loob pala ang kulo mo. You disappoint me so much, Solene.” Pagsisinungaling pa ng dean.

Hindi makapaniwala ang dalaga sa mga bintang sa kanya. Naninikip ang dibdib niya sa poot. Why do they hate me so much? Aniya sa kanyang isipan. Hindi niya lubos maisip kung bakit ganoon na lang siya kung pandirihan ni Holden gayong wala naman siyang masamang ginagawa.

Naghihimutok siya sa galit ng lumabas. This is how unfair life is sa tulad niyang mahirap. Pagkatapos ng klase ay sumaglit lamang siya sa hospital para bisitahin ang nanay niya saka na siya dumiretso sa part time job niya.

Gabi na pero kailangan niyang kumayod. Iniisip niya pa rin kung paano na niyang

pag-aaralin ang sarili niya ngayong wala na siyang scholarship.

“Solene, girl. May delivery tayo ngayon pero wala ang delivery boy natin, e. May service naman. Pwede mo ba itong ideliver sa Belmort Hotel mamayang alas syete y medya? Alam mo na, VIP ang customer natin doon. Hindi natin pwedeng tanggihan.”

Napabuntong-hininga na lang si Solene. As if magagawa niyang tumanggi?

She went straight to the VIP room in Belmort Hotel. She first knocked three times. 

“Come in," wika ng isang pamilyar na boses ng lalaki.

Halos masurpresa pa siya dahil sa pamilyar na mukha na nakita niya sa loob ng malaki at magarang silid na iyon. Mula yata magkrus ang landas nila ay madalas na niya itong makita. Ito ba ang sinasabi nilang tadhana? Sa kabila ng nakakatakot na si Holden Anderson? 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status