Share

Welcome Back

Author: AtengKadiwa
last update Last Updated: 2022-03-06 14:18:23

NATAPOS ang kainan at ang mga bisita ay binati ang bagong dating ng "Maligayang Pagbabalik". Nasa may bandang sulok ako kung saan walang ilaw na pwede magbigay liwanag sakin. Ininom ko ang natitirang laman ng baso ko.

"Athalia, ikaw ba yan?" 

Anang baritonong boses na manggagaling sa likuran ko. Lumingon ako at nasilayan ang isang napakagwapong nilalang na nakatayo malapit sakin.

"Luke? Oo ako nga. Kamusta ka? Maligayang Pagbabalik!" bati ko sa kanya. 

Nginitian ko siya at ngumiti rin siya pabalik. Lumakad siya papalapit sakin. Napakagwapo talaga niya sa suot na kulay abong suit. Yung sapatos niya lang ang itim. Tumabi ito sakin. Tiningala ko ang buwan. Tumingala rin siya.

"Hindi ka parin nagbabago Luke. Ikaw parin yung adik sa Color Gray."

At nagtawanan kami. Tinitigan niya ako. Nagbaba ako ng tingin. Hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya. Parang anumang oras mawawalan ako ng urirat. 

"Ikaw, ang laki ng pinagbago mo. Ang ganda mo ngayon. Dalagang-dalaga ka na."

Puri niya sa akin. Tinitigan niya ako hanggang yung titig niya bumaba sa aking mga labi. Lumakas ang kabog ng aking dibdib. Hahalikan ba niya ako?

"Athalia. You're here!" Si Charles ang tumawag sa akin. Lumapit siya sa amin. 

"Hi, im Charles. Athalia's new friend." inilahad nito ang kamay kay Luke. Tinanggap naman ni Luke ang pakikipagkamay ni Charles.

"I'm Luke, Athalia's Best Friend since childhood."

Pakilala ni Luke. Nagulat ako. Best friend? Tama ba narinig ko? O sinabi lang niya iyon dahil nagpakilala si Charles bilang kaibigan ko. Nasaktan ako sa isiping iyon. Tiningnan ko siya. Mukhang seryuso siya sa sinabi.

"Pwede ko ba mahiram saglit si Athalia para isayaw?" Paalam nito. 

Doon ko lang napansin na nagsasayawan na ang mga ibang panauhin. Wala narin ang mga mesa. Pumapailanlang ang samyo ng musiko sa kalaliman ng gabi. 

"Oo naman" pag sang-ayon ni Luke. 

Umalis na rin siya, naglakad na kami paalis sa lugar na iyon. Ng nasa gitna na sila kinuha ni Charles ang kamay ko at inilagay sa balikat ko. Samantala yung isang kamay ko ay hawak-hawak niya. Yung isang kamay naman niya nasa bewang ko. May ilan din na nakasuot ng kagaya sakin ang nakipagsayawan. 

Nagsimula na kaming sumayaw. Nakita ko sa gilid ng aking mata si Luke at ang nobya niya na nagsasayaw. Magkadikit ang mga katawan nila. Makikita mo pagmamahal nila sa isa't-isa. Naiinggit ako sa nakikita ko. Gusto ko ako ang yung isinasayaw ni Luke. 

Bigla akong nag-angat ng mukha ng magsalita si Charles.

"Kung liligawan ba kita papayag ka ba?" 

At hinapit niya ako. Wala akong maramdaman sa kanya na kahit katiting na pagtingin pero sabi nga nila natututunan ang pag-ibig. Wala naman sigurong masama kong papayagan kong ligawan niya ako.

Oo naman. Wala naman akong boyfriend, kaya pwede ka manligaw." at nginitian ko siya.

Pagkatapos ng kasiyahan na yun ay inihatid kami ni Charles pauwi samin. 

 

. "Salamat sa paghatid Charles."

"Walang anuman. Good Night" tugon niya. Inihatid ko siya ng tingin hanggang sa mawala siya sa aking paningin. Pagpasok ko sa bahay ay agad nag-usisa ang aking ina.

"Sino yun?" 

"Si Charles po Inay. Nagkakilala po kami kanina, at balak po niya akong ligawan. Maari po ba Inay?" tanong ko sa aking Inay.

"Wala naman masama kung magpaligaw ka anak. Pero, kilalanin mo siya ng mabuti dahil mahirap kapag di mo pa lubos na kilala tapos kapag naging asawa mo na tsaka mo lang malalaman kung sino siya. Nasa huli ang pagsisisi anak." Sermon niya sa akin 

"Opo Inay, at tsaka nanliligaw pa lang po. Punta napo ako sa kwarto ko Inay. Magpapahinga napo ako. Napagod ako ngayong araw na ito. May pasok pa po ako bukas." paalam ko. At hinalikan siya sa pisngi.

Habang nakahiga ay iniisip ko kung tama ba ang desisyon ko na magpaligaw kay Charles. Bahala na. Ayaw ko muna isipin ang mga bagay-bagay. Ipinikit ko na ang mga mata para matulog.

NAGISING ako sa ring ng cellphone ko. Unregistered number. Sinagot ko iyon. 

"Sino po sila?" Tanong ko sa kung sino man ang tumawag.

"Lumabas ka ng bahay niyo."

Luke? Si Luke ba ang nasa kabilang linya. Paano nito nalaman # ko? At bakit siya napatawag ng ganitong oras? Lumabas ako ng bahay at nakita ko siya na nasa labas nakasandal sa sasakyan niya.

"Anong ginagawa mo dito? Alas singko palang ng umaga ah?" Tanong ko sa kanya.

"Gusto lang kita makita. Baka mamaya pumunta na dito yung Charles at ihatid ka sa trabaho. Ihahatid ko sana kayo kagabi kaso naunahan ako." Parang may halong tampo ang boses niya. Pero bakit? 

"Hindi naman niya ako ihahatid, umuwi ka na at tatawagan nalang kita kapag susunduin mo na ako. Baka magalit girlfriend mo?"

Ayaw ko pagmulan ng away. Pero ano naman ngayon? Mas una kaming nagkakilala ni Luke at magkaibigan lang turingan namin sa isa't-isa. Ipagkakait ba niya yun e mas matagal kong nakasama si Luke kaysa sa kaniya. Lumapit siya sa sakin.

"Talaga? Hindi ka niya ihahatid?" Tinitigan niya ako sa mga mata. Tumango ako.

"Sobrang namiss kita Athalia. Hindi ko lang mapigilan mainis sa kanya dahil imbes na solo kita kagabi nandun siya at sinira yun." Bakit sinasabi niya iyon sa akin?

Mas lumapit pa siya sakin. Tinitigan niya ang mga labi ko. At agad-agad ibinaba ang ulo niya para halikan ako. Malapit na maglapat ang aming labi ng..

Isang malakas na kabog sa pintuan ang nagpagising sakin. Nagpagising sa isang panaginip lang pala. 

"Anak. Gising na. Mag-aalas syete na. Hinihintay ka ni Luke, ihahatid ka daw niya. Halika na at ng makapag-agahan ka na" 

Agad akong napatayo. Napatingin ako sa orasan. Napatapik ako sa aking noo. Alas syete na pala. Napagod kasi ako kagabi kaya napasarap ang tulog ko. Ano sabi ni Inay? Nandito sa bahay namin si Luke. Nanaginip na naman ata ako. -.- Kinurot ko ang aking kamay, nasa reyalidad ako. 

"Opo, bababa na po ako." 

Pababa na ako ng makita ko si Luke na nasa hapag kainan masayang nakikipagkwentuhan kay Inay, habang nakahain sa mesa ang prinitong isda na may sawsawan na bagoong. Mayroong ding itlog at hotdog na nakahain. Napatingin siya sa sakin ng makitang pababa na ako ng hagdan. 

"Good Morning. Pasensya na hindi na ako nakapagpaalam na bibisita ako dito kasi wala naman akong cellphone # mo." Paliwanag niya. Sasagot na sana ako ng maunahan ako ni Inay.

"Okay lang yun iho. Welcome na welcome ka dito sa bahay kahit hindi ka na magpaalam.Kumain ka lang huh. Tiyak na namiss mo itong mga to. Alam ba ng Mommy mo na nagpunta ka dito?"

Umupo na ako sa hapag kainan. Magkaharap kami ni Luke. Nagkatinginan kami.

"Hindi po. At tsaka nasa Manila po siya ngayon kasama po si Mickaela. May inaasikaso po na importante." Paliwanag niya.

Tumingin siya sa akin. Nagtama ang aming paningin. Una akong nagbawi ng tingin at minadali ang pagkain.

"Saan ka nagtratrabaho ngayon Athalia?" Tanong ni Luke sa akin. 

"Sa isang garment factory o Heirwone Enterprise. Marketing Staff ako doon. Pinasok ako doon ni Ate Melissa." sagot ko sa kanya habang nasa pagkain pa rin ang atensyon ko.

"That's good, maganda ang Heirwone Enterprise at de-kalidad ang produktong ginagawa nila. Nangangailangan kasi ako ngayon ng katuwang sa pamamahala sa Hacienda. Pero dapat kilala ko, hindi rin kasi biro ang magtiwala ngayon." Saad niya. 

Tumango lang ako bilang pagsang-ayon sa kanya. Matapos kumain, tumayo na ako para maligo at magbihis. Nagpaalam muna ako sa kanila na abala sa pakikipagkwentuhan. Pagkatapos kong maligo agad na akong lumabas. Nakita kong naghuhugas ng pinggan ang aking Inay. Tapos na pala silang kumain. 

"Mauna na ako nay." Paalam ko. 

Pumunta na ako sa labas at nadatnan si Luke na nakatayo at nakasandal sa kotse niya. Ng makita niya ako agad siyang pumunta sa passenger's seat at binuksan ang pinto. Agad naman akong nagtungo doon at pumasok. Umikot narin ito.

WALANG umiimik samin habang binabagtas namin ang daan papunta sa pinapasukan kong Garment Factory. Tumingin ako sa labas ng bintana. Pinagmasdan ang mga bukirin na may tanim na mga palay. Malapit na naman ang anihan. Ang mga nakikita ko ngayon pag-aari ng mga Sebastian. 

Bigla siyang nagsalita. 

"Mukhang nagkakapalagayan kayo ng loob nung lalaki kagabi. Sino ba yun?" sabi niya. Bakit parang naiinis siya base sa tono ng boses niya? O guni-guni ko lang yun?

"Balak niya akong ligawan. Pumayag naman ako. " 

Tumingin ako sa kanya. Biglang tumalim ang mata niya. Ano bang problema niya? Nagagalit ba siya? Ano karapatan niyang magalit? Hindi na siya umimik sa buong byahe hanggang sa narating namin ang Garment Factory o Heirwone Enterprise na pinapasukan ko.

Bumaba na ako ng sasakyan. Ni hindi na siya nag-atubiling pagbuksan ako ng pinto. 

Paglabas ko ng gusali kung saan ako nagtratrabaho, nakita ko si Charles sa isang sulok. Nginitian niya ako, nginitian ko rin siya pabalik. Ng makalapit ako ay agad niyang kinuha ang bitbit kong bag.

"Ano ginagawa mo dito? Paano mo nalaman na dito ako nagtratrabaho?" Tanong ko sa kanya. Nagtataka lang ako kasi hindi ko naman nabanggit sa kanya kagabi kung saan ako nagtratrabaho. 

"Tinanong ko kay Melissa. Pagkahatid ko sayo kagabi bumalik ako sa Hacienda para balikan sina Mom at Dad. Then, nakakwentuhan ko siya at tinanong ko kung saan ka nagtratrabaho." Paliwanag niya. Tumango naman ako. Nilakad na namin ang daan papuntang parking lot. 

"Saan tayo pupunta? Hindi ba pwede na umuwi muna ako para magpalit?" 

Hindi naman pwede na ganito ang suot ko kung may pupuntahan man kami. Kailangan desente din akong tingnan, lalo at makikita sa pananamit niya na may sinasabi siya sa buhay. 

"Okay lang yan. Hindi mo na kailangan magpalit, maganda ka naman kahit ganyan ang suot mo." puri niya sakin.

Pinamulahan ako ng mukha sa papuri niya. Nagpasalamat ako sa sinabi niya at sumakay na ako sa kotse niya. Sumakay narin siya sa driver's seat. Pinaandar na niya ang sasakyan. 

Habang binabagtas namin ang daan patungo sa isang restaurant. Medyo may kalayuan ang restaurant, bigla akong kinabahan. Tama ba ang pagsama ko sa kaniya? Gayung noong isang gabi ko lang siya nakilala.

"Mukhang di ka mapakali. Nag-aalangan ka ba? Harmless ako Athalia. Hindi kita sasaktan. Magtiwala ka lang. Oo alam ko na noong isang gabi lang tayo nagkakilala, pero ibigay mo sakin tiwala mo. Di kita gagawan ng masama."

"Pasensya ka na kung ganun ang tingin ko sayo. Diko lang maiwasan lalo at di pa kita lubos na kilala."

"Ayos lang naiintindihan ko"." 

Nginitian niya ako. Tama na yung sinabi ko iyon para gumaan ang pakiramdam ko. Siguro tama nga siya. Hindi niya ako pababayaan. Magtitiwala nalang ako na alam kong walang masamang mangyayari sakin.

Tumingin ako sa labas, at napasulyap ako sa side mirror ng sasakyan. Parang pamilyar sakin ang sasakyan na sumusunod samin. Parang sasakyan iyon nina Luke. Umiling ako. 

Baka kamukha lang at iisang daan lang tinatahak namin. Bakit naman niya ako susundan? May dahilan para sundan ka niya dahil kaibigan ka niya at nag-aalala siya sayo. Anang isang bahagi ng isip ko. Pero siya nga ba ang nagmamay-ari ng sasakyan na iyon? 

Related chapters

  • My Bestfriend's Affection   First Kiss

    PAGKADATING nila sa Sago Restaurant. Isang sikat na Restaurant sa aming bayan. Na-feature na ito sa TV dahil sa sarap ng mga pagkain dito. Pinagbuksan ako ni Charles ng pinto. Namangha ako sa kanyang nakita. Hindi ko akalain na makakapunta ako sa ganitong mamahaling restaurant. Napatingin ako sa sasakyan na nagpark di kalayuan samin. Napakunot noo ako. Iisa lang destinasyon namin. Posible kayang si Luke yun? "Tara. Ano ba tinitingnan mo?" napatingin ako kay Charles. Nagsimula na kaming maglakad papasok sa Restaurant. "Ah wala. Tinitingnan ko lang kabuuan ng parking area ng restaurant. Sobrang lawak pala." Pagdadahilan ko. Hindi naman pwede sabihin ko sa kaniya na may sumusunod samin. "Magandang gabi po." anang dalawang babae na empleyado ng naturang restaurant ng makapasok kami. Mararamdaman mo talaga na welcome ka sa Restaurant pagpasok mo palang dito. Iginiya kami ng mga ito sa bakanteng mesa na may dalawang upuan. Hinila ni Charle

    Last Updated : 2022-03-06
  • My Bestfriend's Affection   Business Partner

    PAGKATAPOS namin kumain ay agad na kaming pumunta ni Ate Melissa sa kanya-kanyang opisina. Umupo siya sa swivel chair. Naalala pala niya yung bulaklak na bigay ni Charles. Kinuha ko iyon sa gilid kung saan ko iyon nilagay. Binuklat ko ang papel. Pasensya na kung di kita nasundo. May urgent meeting lang talaga ako. Babawi ako pagkatapos nito." - Charles Tumunog ang aking cellphone. Kinuha ko iyon sa loob ng bag. Tiningnan ko kung dino ang tumatawag. Si Charles ang tumatawag, sinagot ko agad iyon. May twenty minutes pa naman ako para magsimula sa trabaho. "Hello, Charles. Kamusta?" tanong ko sa kaniya nang masagot ko ang tawag mula rito. Bumuntong-hininga siya na para bang nahihirapang huminga. "May problema ba Charles?" tanong ko. Parang ang bigat kasi ng dinaramdam niya. "Pasensya na kung hindi kita nahatid kanina. Kaya dinaan ko nalang sa bulaklak ang paghingi ko ng paumanhin. Nagustuhan mo ba?" tanong ni

    Last Updated : 2022-04-16
  • My Bestfriend's Affection   His Secretary

    Athalia'sPOV Nang makapasok ako sa CR. Humarap ako sa salamin at tiningnan ang repleksyon sa salamin. Nakikita ko ang isang babae na kababakasan ng kasiyahan sa mukha, at takot sa mga mangyayari. Ano ba ang naisip ni Luke at kinuha niya akong Sekretarya niya? Nag-iisip ba siya? Bumuntong-hininga ako. Sabagay, walang masama sa ginawa niya. Pero ginulat niya ako. Hindi man lang siya nagpasabi sa akin na may balak siyang ganito para hindi ako nagulat ng ganito. Ngayon, walang dahilan para iwasan ko pa siya. Dahil kahit iwasan ko siya, siya ang kusang lumalapit sa akin. Ano bang ginagawa mo sa akin Luke? Ipinikit ko ang mga mata at kinalma ang sarili. Binuksan ko ang faucet at naghugas ng kamay. Muli, bumuntong-hininga ako bago nagpasyang lumabas ng Comfort Room. Nang makalabas ako, nakita kong seryusong nag-uusap sina Luke at Mr. Lereño habang may papel na nasa harapan. Yun na ba ang kontrata? Naglakad ako palapit

    Last Updated : 2022-04-19
  • My Bestfriend's Affection   First Day

    Luke'sPOVAraw ng Lunes. Ngayon ang unang araw ni Athalia bilang Sekretarya ko. Alas-sais pa lang ng umaga pero hindi ko mapigilang ma-excite. This is it! Ito na yung araw na pinakahihintay ko. Alas-otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon siya rito. Ang gagawin niya ay imonitor ang mga tanim gaya ng abaka na kadalasang ginagamit sa paggawa ng tela o damit.Subalit, may isang kompanya pa si Mr. Michael Lereño, na ngayon ay nagsisimula pa lang. Ang Pontañe Juicy-yo Company kung saan nangangailangan si Mr. Lereño ng mga produktong gagamitin sa paggawa ng Juice gaya ng Buko, Orange, Pineapple, Grapes, Apple, Mango, Melon.Ang Pontañe ay galing sa pangalan ng kaniyang yumaong ama na si Pontacio Lereño. Mabuti nalang at sa tulong ni Ate Melissa nalaman ko na nangangailangan si Mr. Lereño ng magsusupply sa kaniya ng mga ito lalo at nagsisimula pa lang siya.Kasi gusto niya mapagk

    Last Updated : 2022-04-21
  • My Bestfriend's Affection   The Visit

    Athalia'sPOVNatigilan ako sa ginagawang pagtetext, nang tawagin ako ni Luke sa palayaw na madalas niyang itawag sakin noong bata pa kami. Namiss ko na tawagin niya ako sa palayaw ko sa kaniya. Sobrang namiss! Nag-angat ako ng tingin at tiningnan siya. Seryuso ang kaniyang mukha, walang emosyon na mababasa. Ibinalik ko ang cellphone sa bag."Sino ang katext mo?" tanong niya sakin. Nagbaba ako ng tingin.Galit ba siya? Nahihiya tuloy ako, dahil umuusad ang oras ko pero iba ang ginagawa ko. Sh*t! Ginawa ko lang dahilan yun para hindi mapunta ang atensyon ko sa kaniya na kausap si Mickaela."Pasensya na, may tinanong lang sakin si Charles." ani ko.Tinatanong niya kung matutuloy ang lakad namin mamaya. Alam ni Charles na dito ako nagtratrabaho, ramdam ko sa mga salita niya kagabi ang selos. Pero, nirerespeto niya ang relasyon naming dalawa ni Luke —bilang magkaibigan. Bumuntong-hininga si Luke.

    Last Updated : 2022-04-23
  • My Bestfriend's Affection   Jealousy

    Luke'sPOVHuminga ako ng malalim nang makalabas ako ng barn. Naiinis ako sa topic nila. Sino ba naman ang hindi? Pinag-uusapan nila ang lalaking pinagseselosan ko! F*ck! Kinalma ko ang sarili at inilabas ang cellphone sa bulsa, pumunta sa camera at inanggulo ito sa tamang postora paharap sa abakahan. Kasama sa report na ipapadala ni Athalia ay ang litrato ng abakahan. Pagkatapos kong makakuha ng tatlong litrato, ibinulsa ko na ang cellphone. Saktong palabas ng abakahan sina Lando, Ramon at Tiyo William."Ayos na ang abakahan, siguradong pwedeng pwede na itong anihin sa susunod na linggo." ani Tiyo William sa mga kasama."Tiyo William!" tawag ko sa kaniya. Bumaling sa direksyon ko si Tiyo William na agad na lumapit nang mamukhaan ako."Bakit nandito ka iho? Baka mangati ka." aniya."Ipinasyal ko po si Athalia, nasa barn po siya kasama sina Manong Amboy, Manong Broncio at Daniel. Patungo po ba kayo sa barn?" tanong ko.

    Last Updated : 2022-04-25
  • My Bestfriend's Affection   Charles's Effort

    Athalia's POVBinabagtas namin ni Charles ang daan patungo sa bayan. Hindi ko maiwasang isipin si Luke. Ano kaya ang ginagawa niya ngayon? Kitang-kita ko kanina sa kaniyang mga mata ang sakit at selos dahil magkasama kami ngayon ni Charles. Pero bakit? Hindi ba dapat maging masaya siya para sakin? Pero bakit parang kabaligtaran iyon? Iba kasi ang ipinaparamdam niya kapag kasama ko siya. Nahinto ako sa pagmumuni-muni ng biglang huminto ang sasakyan sa may gilid ng daan. Tiningnan ko si Charles na nakatitig sakin."Bakit ka huminto?" tanong ko sa kaniya. Huminga siya ng malalim habang titig na titig sakin."Kanina pa kita tinatawag, Ath. Subalit hindi ka sumasagot. May problema ba?" tanong niya.Naramdaman ko sa kaniyang boses ang sakit, maging ang pagbabago ng kaniyang ekspreksiyo na kakikitaan ng lungkot. Sino ba naman ang hindi masasaktan at malulungkot? Kung ang ka-date mo ay naglalayag ang isipan? Hindi ko ma

    Last Updated : 2022-04-28
  • My Bestfriend's Affection   Safekeeping

    Luke'sPOV"LUKE!" Nanhihinang tumingin ako sa pintuan ng kwarto kung saan naroon si Athalia at nakatayo. Dali-dali niya akong nilapitan sa kama kung saan ako nakaupo. Biglang nawala ang kalasingan ko dahil sa presensya niya. Ano ba ang nangyari? Ano ba ang ginawa ko? Umupo siya sa tabi ko at hinawakan ang mukha ko."Ayos ka lang? Bakit ka ba naglasing?" aniya at tiningnan ang nagkalat na mga basag na gamit na nasa kwarto, porcelain jar iyon at vases. F*ck! Naramdaman ko ulit ang pananakit ng ulo. Bahagya kong pinisil ang sintido ko dahil sa kirot niyon."Humiga ka at ako na ang bahala sayo." aniya. Sinunod ko siya dahil pakiramdam ko mabubuwal ako dahil sa sakit ng ulo at ang panghihilo. Nang makahiga sa kama at ipinikit ang mga mata para kahit papaano mawala ang pananakit ng ulo ko. Nakarinig ako ng papalapit na mga yabag."Ayos lang ba siya, iha?" mukhang si Manang Daisy ang nagsalita."Hindi po eh. Pakibantay muna siya Manang. Kukuha lang po ako ng maligamgam na tubig at gamot."

    Last Updated : 2022-05-01

Latest chapter

  • My Bestfriend's Affection   The Surprise (Ang Wakas)

    After 5 yearsLuke'sPOVNang magising ako, nilingon ko ang aking katabi na walang iba kundi si Athalia. Ang aking pinakamamahal na maybahay. Tinitigan ko siya at hindi maiwasan mapangiti dahil sa angkin niyang kagandahan. Kahit lumipas ang mga taon, wala pa rin nagbabago sa kaniya. Siya pa rin ang pinaka-malambing at pinaka-maalaga na babaeng nakilala ko. Sa loob ng limang buwan na pagsasama namin bilang mag-asawa, hindi naging madali iyon. May mga tampuhan at away pero hindi matatapos ang araw na hindi kami nagkakaayos. Hindi namin pinapatagal ang tampuhan at away, at yun ang mas lalong nagpatatag sa aming dalawa. Limang taon na rin si Lath, at nasa kabilang kwarto siya ngayon. Hinaplos ko ang kaniyang pisngi at dahan-dahan lumapit sa kaniya at hinalikan siya sa noo. Ngayon din ang araw ng aming ikalimang anibersaryo bilang mag-asawa. Naghikab si Athalia at inunat ang braso tsaka dahan-dahang iminulat ang mga mata. Nagtama ang aming mata. Ngumiti ako sa kaniya."Good morning, baby."

  • My Bestfriend's Affection   Sacrifice

    Hindi ko maiwasang mapangiti ng madatnan si Athalia na nagluluto ng agahan namin ng umagang iyon. Linggo, kaya wala si Ate Tessa dahil pinag-leave ko muna siya ng dalawang araw para makasama niya ang kaniyang pamilya. Dahil isang buwan siyang walang day-off, pero syempre bayad ang araw niya. Ka-buwanan ngayon ni Athalia, at paniguradong malapit na siyang manganak dahil nangangalahati na ang buwan. Exciten na akong makita ang anak namin. Minsan tinatanong ko kung magiging kamukha ko ba siya o baka magiging kamukha ni Athalia? Lumapit ako kay Athalia at niyakap siya mula sa likuran tsaka hinalikan sa taenga."Ano niluluto mo?" tanong ko sa kaniya habang mahigpit na nakayakap sa kaniya. "Bacon, sausage and ham." aniya. Bigla siyang humarap kaya agad akong dumistansya sa kaniya. Tinitigan ko siya, mata sa mata."Good morning baby." bati ko sa kaniya na may ngiti sa mga labi. Ngumiti siya pabalik."Good morning too, baby. Mas maganda na maupo ka na sa mesa at ipaghahain kita." aniya at

  • My Bestfriend's Affection   Pregnant

    Athalia'sPOVIminulat ko ang aking mga mata ng magising ako. Iginala ang paningin sa kung saan naroon ako. Oo nga pala, nakatulog pala ako nang makasakay kami ni Luke sa van kanina. Hindi ko alam pero ramdam ko yung bigat ng katawan ko kanina. Huminga ako ng malalim at bumangon, pero pagbangon ko bigla nalang ako nakaramdam ng pagkahilo. Sh*t! Dali-dali akong nagtungo sa banyo at doon naduwal. "Anak, okay ka lang?" Lumingon ako para tingnan kong sino iyon. Si inay! Pinunasan ko ang aking bibig gamit ang bimpo na nakasabit sa wall tsaka hinarap si inay."Bakit po kayo nandito? Di po ba dapat nasa reception kayo? Asan po si Luke?" sunod-sunod kong tanong sa kaniya. Natawa ng mahina si inay."Pinakiusapan ako ni Luke na bantayan ka at siya muna ang umasikaso sa kasal." ani inay. Tumango-tango ako at tsaka lumabas ng banyo. Nakasunod naman si inay sakin. Umupo ako sa kama at huminga ng malalim. Nakatayo naman si inay sa aking harapan."Kailangan ko na siguro magpa-checkup bukas inay.

  • My Bestfriend's Affection   The Wedding

    Luke'sPOVNgayon ang araw ng kasal namin ni Athalia. Ang araw na pinakahihintay ko. Ang araw na magiging Mrs. Luke Sebastian na si Athalia. Narito ako ngayon sa mansiyon at dito magbibihis, bawal daw kasi magkita ang ikakasal bago ang kasal nila. Napatingin ako sa salamin at huminga ng malalim, kinakabahan ako at the same time excited. Nang matapos, lumabas ako ng kwarto at bumaba ng hagdan tsaka lumabas ng bahay at nagtungo sa sasakyan. Nang makapasok ako, nilingon ako ni Tito Michael na siyang nag-insist na magiging driver ko. Supportive father-in law. Napangiti ako sa isiping iyon. "Kinakabahan?" tanong niya sakin. Ngumiti ako sa byenan ko."Opo, kinakabahan na baka umatras si Athalia. At the same time, naeexcite po ako dahil ang matagalk ko ng pangarap ay mangyayari na, kelan lang noong pinangarap ko na sana maging kasintahan ko siya. Pero higit pa pala doon ang ibibgay, dahil magiging asawa ko siya." ani ko. Natawa si itay. Yun kasi ang gusto niya na itawag ko sa kaniya."Kinak

  • My Bestfriend's Affection   Honeymoon

    Athalia'sPOVNgayon ang araw ng kasal nina itay at inay at sobrang excited ako. Pagkatapos kong magbihis, nagtungo ako sa kwarto nila inay, kung saan inaayusan siya ng baklang inupahan namin na mag-aayos sa kaniya. Gusto sana ni itay na isang sikat na make-up artist na upaan, pero ayaw ni inay. Ang mahalaga lang daw sa kaniya ay maayusan siya at ayaw niyang gumastos ng malaki. Kaya walang nagawa si itay kundi ang pumayag. Kumatok ako sa kwarto ng dalawang beses."Inay, si Athalia po ito." ani ko sa medyo may kalakasang boses para marinig niya ako mula sa loob. Ilang sandali pa ay dahan-dahan bumukas ang pinto, si Marlon o Marizza pala ang nagbukas ng pintuan."Tuloy po kayo Ma'am." aniya na may kasamang ngiti sa mga labi. Pumasok ako sa loob at nilapitan si inay. Samantal, bumalik naman si Marizza sa pag-aayos kay inang. Tiningnan ko si inay mula sa salamin, nagtama ang aming mga mata. Ngumiti siya na ginantihan ko rin ng ngiti."Kamusta po?" tanong ko. Ngumiti si inay."Ito anak, e

  • My Bestfriend's Affection   Grieving

    Luke'sPOVPagkatapos kumain ng agahan, inutusan ko si Manang Carina na papuntahin lahat ng trabahador sa mansiyon at maging sina Tita Odessa at Ate Melissa kasama ang asawa nila. Sina Tita Carmen at Tito Mike ay mukhang alam na ang dahilan kung bakit ko sila pupulungin. Nang makompleto kami sa salas ng mansiyon. Nasa tabi ko lamang si Athalia para suportahan ako."Bakit mo kami pinagtipon-tipon, Luke?" tanong ni Tita Odessa na nakakunot-noo. Bakas sa kaniyang mukha ang pagkalito. Tumikhim ako."Nandito kayong lahat para malaman ninyo ang totoo kong pagkatao. Kung sino nga ba si Luke Sebastian." ani ko at tiningnan ko sila isa-isa. Hanggang sa napunta ang aking paningin kay Athalia. Tumangop siya sakin na may kasamang pagngiti. Hinawakan ko ang kaniyang kamay para doon kumuha ng lakas. Hanggang sa binaling ko ang tingin sa kanila. Nagsimula na ako magkwento sa aking totoong pagkatao pero hindi ko kwenento ang parte na hindi maganda ang trato sakin ni mom. Ayaw kong kamuhian nila si m

  • My Bestfriend's Affection   Takes Time

    Athalia'sPOVHindi ko maiwasang mapangiti ng marinig ang mahinang hilik ni Luke. Tulog na siya, dala na rin siguro ng pagod at sa pag-iyak kanina kaya mabilis siyang nakatulog. Sinuklay-suklay ko pa rin ang kaniyang buhok. Hindi ko maiwasang isipin yung mga narinig ko kanina. Hindi ko akalain na ganun pala kakomplikado ang pagkatao ni Luke. Proud ako sa kaniya dahil napakatapang niya. Kung sa iba lang nangyari ang nangyari sa kaniya ay baka pinanghinaan na sila ng loob. Kaya, masaya ako dahil napagtagumpayan niya iyon.Hinaplos ko ang kaniyang pisngi at dahan-dahang inalis ang kaniyang ulo sa aking hita at inilagay iyon sa unan. Nang matiyak na maayos na ang pagkakahiga niya. Tumayo ako at lumabas ng kwareto. Medyo nararamdaman ko ang sakit sa pang-ibabang bahagi ng aking katawan pero kaya ko naman indahin iyon. Nagtungo ako sa kusina at kumuha ng isang basong tubig. Akmang aalis na ako nang may magsalita sa aking likuran."Gising ka pa pala?" Lumingon ako at nakita si itay na naka

  • My Bestfriend's Affection   The Trurh

    Luke'sPOVBakit ba pagdating kay Athalia napakalambot ko? Ganun siguro talaga kapag mahal mo isang tao. Nang umalis sa pagkakaibabaw sakin si Athalia, bumangon ako at kinuha sa bedside table ang liham. Nang makuha iyon, inilabas ko mula sa envelop ang papel na naglalaman ng liham ni dad. Binuklat at binasa para marinig ni Athalia."Siguro nagtataka ka kung bakit dinaan ko pa sa sulat, kung pwede ko naman sabihin sayo ng personal. Natatakot ako, natatakot ako na baka kamuhian mo ako ng harapan. Ayaw kong makita ang galit sa mukha mo kapag sinasabi ko na sa iyo ang buong katotohanan. Kaya minarapat ko na sa liham ko nalang sabihin sa'yo ang lahat. Dito, masasabi ko sa iyo lahat. Sisimulan ko ito sa tunay mong ina. Hindi si Olivia ang iyong tunay na ina, ang pangalan niya ay Jackie Santiago. Kasintahan ko noon ang iyong ina ng may mangyari samin at hindi ko akalain na magbubunga iyon. Ikinalulungkot kong sabihin sa iyo na naghiwalay kami ng iyong ina dahil sa iyong lolo na ayaw kay Jack

  • My Bestfriend's Affection   The Letter

    Athalia'sPOVNapangiti nalang ako ng pumasok si Luke sa banyo. Talagang gusto niyang May mangyari samin ngayon. Napailing-iling nalang ako. Hindi ko akalain na takot pala siya sakin. Umupo ako sa kama, pero napatayo ako ng mapansin na hindi maayos ang pagkakalagay ng libre-kama. Kaya habang hindi pa lumalabas si Luke. Inayos ko ang kutson, pero laking gulat ko ng aksidenteng maiangat ko ang kutson ay may nakita akong puting envelope roon. Napakunot-noo ako. Para kanino ang envelope? Malamang kay Luke, sa kaniya naman itong kwarto eh. Kinuha ko iyon at tiningnan ang likod niyon, nanlaki ang mga mata ko ng mabasa ang nakasulat. "Fr. : Adan Sebastian" basa ko sa nakasulat."Athalia?" tawag sakin ni Luke na hindi ko namalayan na lumabas na pala siya sa banyo. Lumingon ako sa kaniya, hindi ko maiwasang mapalunok ng makita ang katawan niya dahil nakatapi lamang siya ng tuwalya. Bumaba ang tingin niya sa hawak ko. Napakunot-noo siya."Ano yan?" tanong niya. Napatingin ako sa sobre at sa k

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status