Share

TMUW 37: Parents

"Willing naman akong tumulong, Lucas. Bakit ba ayaw mo tumanggap ng tulong? Dahil ba sa pride mo?" hindi maiwasan na tanong ko.

Ibinaba ko na ang hawak ko na beer sa lamesa at nagpangalumbaba sa harapan niya. Nagdadalawa na siya sa paningin ko dala na rin ng kalasingan.

Nakakadalawa pa lang ako na beer samantalang siya ay naubos na niya ang nasa bucket at kumuha pa kanina sa loob ay mukhang hindi pa rin siya nalalasing.

Nakakahiya lalo dahil mababa lang ang alcohol percent ng iniinom namin pero heto ako at lasing na.

"It's not that I don't want to accept your help. Mas maganda kung mananahimik ka na lang at mapapanggap na walang alam dahil mas mahihirapan ako kung pati ikaw ay malalagay pa sa panganib gayon madaragdag ka sa iisipin ko na sa halip na ang mga bata lang ang siyang iniisip ko kung paano isasalba," kuwento niya.

Kumunot ang noo ko at bahagyang ikiniling ulo ko. "Mga bata?" tanong ko. "Sinong mga bata at anong kinalaman nila rito?"

Umiling siya. "Just like what I said, sta
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status