Share

TMUW 26: Gift

Mabigat ang ulo nang magising ako ng madaling araw na. Hindi ako nagkamali nang dalawin ako ng lagnat. Nagsabay pa ang ubo at sipon ko kaya iritadong-iritado ako. Ito ang dahilan kung bakit ayaw na ayaw ko na umuulan at nauulanan ako. Linggo pa naman ang lilipas bago ito mawala.

Nanatili ako sa kama ko at gusto pa sana matulog nang marinig ang pagtunog ng suite ko. Pinagdadasal ko na umalis na lang iyon pero hindi iyon natigil kaya naman inis na bumangon ako at pinagbuksan iyon.

Pakiramdam ko ay mugtong-mugto na ang mga mata ko kahit hindi naman ako umiyak. "Sandali lang!" sagot ko dahil hindi pa rin iyon tumitigil.

Napapahilot na sintido na nagbukas ako ng pinto. Natigilan ako sa dapat na pagtanong nang wala akong makita na tao sa labas. Nagsalubong ang mga kilay ko na tiningnan ang hallway pero wala naman tao.

Mukhang nanti-trip lang kaya pumasok ako ulit sa loob. Sinagot ko ang tawag ni Mommy nang makarating ako sa kama. I thought it was emergency dahil madalang lang tumawag si Mom
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status