"Aurora, saan ka pupunta?" tanong ni Noah.Ramdam ko ang pagsunod niya sa likod ko ngunit wala akong ibang maisip kung hindi ang napanood ko sa balita. Nasusunog ang bahay namin na Lucas."No, dito ka lang," pagpigil niya sa akin."Tumabi ka, Noah," utos ko nang humarang siya sa pinto ng sasakyan ko.Walang mapaglagyan ang pagkabog ng dibdib ko. "Sinabi nang tumabi ka!" hindi ko maiwasan na isigaw iyon kay Noah dahil ayaw niyang umalis doon."If I said no, then no, Aurora. Give me your keys," utos niya.Umiling ako at nanginginig na tinulak siya paalis doon. Nagmamatigas na tumayo siya roon kaya ganoon na lang ang buong puwersa na pagtulak ko sa kaniya."Sinabi nang tumabi ka!" galit na sigaw ko."Nag-iisip ka pa ba, Aurora?! Pupuntahan mo si Lucas sa bahay niyo? Ano ba ang matutulong mo? Tingin mo ba papapasukin ka sa loob? Paganahin mo nga 'yang isip mo!" aniya na animo'y ako na ang pinakabobo na tao na nakausap niya."Noah, anong gusto mong gawin ko?! Manatili rito habang nasusunog
Tulala na nakatingin ako sa bahay namin na sunog na sunog. Wala pa akong maayos na tulog magmula ang gabing iyon na mabalitaan ang pagliyab ng apoy. Pumipintig ang ulo ko ngunit hindi ko rin magawa na umalis dito. Ako ang umaasikaso sa lahat dahil wala naman tutulong sa akin.Pinunasan ko ang luha na tumulo sa aking pisngi. Walang lakas na kinuha ko ang cell phone ko nang maramdaman ang pag-vibrate noon.Tiningnan ko lang iyon hanggang sa kusang mamatay. Nanghihina na napaupo sa gutter ng bahay at hindi mapigilan na ibuhos ang luha na ilang araw ko rin na inipon.Pati paglabas ng totoong nararamdaman ko ay hindi ko nagawa dahil sa sobrang abala sa mga bagay para lang mabigyan ng hustisya ang lahat.Malakas ang kutob ko na hindi ito aksidente. Imposibleng sunog lang ang siyang dahilan nito dahil alam ko na may kinalaman ito sa narinig ko na putukan nang tinawagan ako ni Lucas.Wala akong maramdaman kung hindi guilt dahil hindi ko siya tinawagan noong mga oras iyon. Guilty ako dahil hi
Naalimpungatan ako nang maramdaman ang paghaplos sa buhok ko.Nagsalubong ang mga kilay ko nang magising ako sa bahay namin. Nakaupo si Lucas sa kama habang ako ay nakahiga.Tipid siya na ngumiti sa akin. "Lucas," sambit ko. May ngiti na pumaskil sa aking labi habang nakatingin sa kaniya. "Lucas," muling tawag ko sa kaniya.Ninais ko siyang hawakan ngunit natatakot ako. "Dito ka lang," pagmamakaawa ko. "Mag-away na lang tayo ulit," desperada na sambit ko."Aurora," tawag niya sa akin. "Wake up," nakangiting aniya. Humagulgol ako nang tuluyan siya maglaho sa paningin ko. Umiiling na hinanap ko siya sa paligid ko pero wala na siya."Aurora," tawag niya ngunit hindi ko na siya mahanap."Nasaan ka?" humihikbi na tanong ko. "Hindi kita makita.""Wake up. Paano mo ako makikita kung nakayuko ka?" nanghihinang tanong niya.Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang magmulat ako at maghabol ng hininga. Tahimik ang paligid at tanging tunog lang ng makina ang siyang naririnig ko sa paligi. Ba
Hinipan ko ang pagkain na isusubo ko kay Lucas. Masiyadong matigas ang ulo niya at pinilit niya na makalabas agad sa hospital kaya naman ngayon ay naririto kami sa condo unit niya."Kaya kong subuan ang sarili ko. Iwan mo lang ang pagkain diyan," utos niya.Walang karea-reaksiyon ang mukha niya nang balingan ko siya. Napairap na lang ako at hindi siya pinansin. Nang medyo malamig na ang nasa kutsara ay saka ko sinubo iyon sa kaniya."Why don't you just leave my condo, Aurora? May kamay ako at walang kulang sa akin para subuan o kaya alagaan mo pa—""Wala naman akong sinabi na wala kang kamay. Iusubo mo na 'to," kalmado na pagpuputol ko sa kaniya. "Iinom ka pa ng gamot mo. Kapag naubos mo na 'to puwede ka na ulit magpahinga."As long as kaya ko na pakisamahan siya nang hindi kami pareho nagagalit sa isa't-isa ay gagawin ko. Ako ang mas nakakaintindi sa sitwasyon kaya hangga't kaya ko ay mananatili ako."Leave me alone," madiin na bigkas niya. Ilang araw na siyang ganiyan makitungo sa a
I was looking at him when he turned his back on me. He seems to be still upset with my decision.Kulang na lang ay ayaw na niya akong papasukin dito sa condo niya noong one time na lumabas ako upang sumama kay Daddy na nag-inspection sa bahay namin.The thing is that hindi rin niya alam na nasa akin ang susi ng condo niya. I just can't leave him alone just like what he wanted me to do. Hindi sa ngayon, maybe after all of this happenings."Hindi ka pa ba maliligo? Ang baho-baho mo na," reklamo ko.Gusto kong matawa nang makita na bahagya niyang inaamoy ang sarili niya. Ayaw niya akong pansinin. Kung puwede lang magteleport ay baka ginawa na niya."Ang asim-asim na ng amoy mo dahil sa pawis. Kumakapit sa bed sheet," patuloy na pagrereklamo ko.Inabala ko ang mga sarili ko sa paglalaro ng susi na hawak ko nang maramdaman ang pagbaling niya sa akin. Masama ang tingin niya pero hindi ko siya pinansin."Nakakahiya pa naman lalo na kung may kasamang babae sa loob—""Then leave!" galit na ani
"Willing naman akong tumulong, Lucas. Bakit ba ayaw mo tumanggap ng tulong? Dahil ba sa pride mo?" hindi maiwasan na tanong ko.Ibinaba ko na ang hawak ko na beer sa lamesa at nagpangalumbaba sa harapan niya. Nagdadalawa na siya sa paningin ko dala na rin ng kalasingan. Nakakadalawa pa lang ako na beer samantalang siya ay naubos na niya ang nasa bucket at kumuha pa kanina sa loob ay mukhang hindi pa rin siya nalalasing.Nakakahiya lalo dahil mababa lang ang alcohol percent ng iniinom namin pero heto ako at lasing na."It's not that I don't want to accept your help. Mas maganda kung mananahimik ka na lang at mapapanggap na walang alam dahil mas mahihirapan ako kung pati ikaw ay malalagay pa sa panganib gayon madaragdag ka sa iisipin ko na sa halip na ang mga bata lang ang siyang iniisip ko kung paano isasalba," kuwento niya.Kumunot ang noo ko at bahagyang ikiniling ulo ko. "Mga bata?" tanong ko. "Sinong mga bata at anong kinalaman nila rito?"Umiling siya. "Just like what I said, sta
Nanghihina na inilipat ko ang bigat ko kay Lucas at hinayaan na ipulupot ang mga braso sa kaniyang leeg."Aurora, stop," pagpapatigil niya sa akin."Ang init, Lucas," reklamo ko matapos kagatin ang ibabang labi niya.Napapasinghap na marahan niya akong tinutulak. Hindi ko na alam kung epekto pa ba ang alak ang lahat. Hindi naman ganito ang epekto ng alak kapag nakainom ako."Get up, Aurora," nahihirapan na utos niya.Napapanguso na gumulong ako sa gilid niya dahil hindi ko na kaya pa na tumayo o bumangon man lang dahil sa pagkahilo.Dumadaing sa sakit na hinawakan ko ang balakang ko."Damn it, why did you roll down?!" galit na aniya."Hindi nga ako makatayo!" reklamo ko.Hindi na ako nagreklamo pa nang buhatin na lang niya ako. Inakala ko pa na ididiretso na niya ako sa kama ngunit inupo niya ako sa high chair ng kusina."Here, drink this," utos niya matapos akong salinan ng tubig sa baso.Wala sa katinuan na kinuha ko iyon. Ang masama pa ay ayaw rin tanggapin ng lalamunan ko ang tubi
Hindi ako makatingin kay Lucas habang kumakain kami ng umagahan sa mini dining table niya rito sa kusina. Kahit lasing ako kagabi ay natatandaan ko ang lahat ng nangyari. Dumagdag pa sa isipin ko ang magising na magkayakap kaming dalawa. Sana lang ay hindi niya alam ang tungkol doon dahil mas nauna akong nagising. Sinubukan ko na tingnan siya ngunit ako lang din ang unang nag-iwas nang masalubong ang mga mata niya na mukhang inaabangan lang din ang pagsulyap ko sa kaniya. "Busog— Busog na ako," nauutal na sambit ko at saka ibinaba na ang kubyertos na hawak ko. Hindi ko alam kung paano aakto ngayon matapos ang nangyari sa aming dalawa. "Babalik na pala ako sa condo ko mamaya. Hindi na rin siguro ako pupunta rito—" "Dahil ba sa nangyari kagabi?" pagpuputol niya sa akin. Natataranta na umiling ako. "Hindi— hindi," halos pasigaw na sagot ko dahilan upang magulat siya. Napapalunok na tumungo ako. "Magaling ka naman na. Hindi mo na kailangan ng mag-aalaga sa'yo. Titigil ko