Mabigat ang ulo nang magising ako ng madaling araw na. Hindi ako nagkamali nang dalawin ako ng lagnat. Nagsabay pa ang ubo at sipon ko kaya iritadong-iritado ako. Ito ang dahilan kung bakit ayaw na ayaw ko na umuulan at nauulanan ako. Linggo pa naman ang lilipas bago ito mawala.Nanatili ako sa kama ko at gusto pa sana matulog nang marinig ang pagtunog ng suite ko. Pinagdadasal ko na umalis na lang iyon pero hindi iyon natigil kaya naman inis na bumangon ako at pinagbuksan iyon.Pakiramdam ko ay mugtong-mugto na ang mga mata ko kahit hindi naman ako umiyak. "Sandali lang!" sagot ko dahil hindi pa rin iyon tumitigil.Napapahilot na sintido na nagbukas ako ng pinto. Natigilan ako sa dapat na pagtanong nang wala akong makita na tao sa labas. Nagsalubong ang mga kilay ko na tiningnan ang hallway pero wala naman tao.Mukhang nanti-trip lang kaya pumasok ako ulit sa loob. Sinagot ko ang tawag ni Mommy nang makarating ako sa kama. I thought it was emergency dahil madalang lang tumawag si Mom
"Lucas!" tawag ko sa kaniya.Nanghihina ako pero hindi ko rin mapapalagpas ang ginawa niyang ito."Lucas!" sigaw ko.Walang mapaglagyan ang galit ko nang lumabas siya sa kusina hawak ang baso na may laman na tubig."Why are you here again—""Ayan ba?" tanong ko matapos ihagis sa kaniya ang box kung nasaan ang teddy bear na naliligo sa dugo. "Lucas, hindi na kita maintindihan! Ano ba ang nagawa ko sa'yo!"Nandidilim ang mga mata niya habang nakatingin sa akin habang bahagya na pinupunasan ang iilang tilamsik na dugo sa kaniyang mukha."Anong problema mo?!" galit na tanong niya pabalik.Matapang na sinalubong ko ang mga mata niya. "Ganito ka ba gumanti?" tanong ko. "And in the first place, ano naman ba ang ginawa ko sa'yo para gumanti ka? Linawin mo sa'kin," galit na utos ko.Bahagya siya na umiling. "Umalis ka na habang nakakapgtimpi pa ako," utos niya dahilan upang matawa ako."And why would I? Tell me, Lucas... Why would I?" pagdiriin ko."For the fuck sake, Aurora! You are accusing
Halos manginig ako sa lamig nang magising ako. Malamlam ang mga mata na nagmulat ako at bumungad sa akin si Lucas na may hawak na bimpo at itinataas ang comforter sa akin."Malamig," sambit ko."Nilalamig ka pa rin? I already switch the air-conditioned to heater," aniya.Saka ko lang napansin na wala siyang suot na damit pang-itaas at naka-short na lang siya. Bahagya siya na nagpunas ng pawis sa noo niya.Malamlam ang mga mata na hinila ko ang kumot. Mahigpit ang kapit ko roon at pilit na pinulupot ang sarili.Pinilit ko ang sarili ko na matulog ulit pero hindi ko nagawa pa dahil sa sobrang panlalamig."Kaya mo ba na maglakad? Dadalhin na kita sa hospital," aniya.Mabilis ako na umiling. Mas magkakasakit ako kung mananatili ako sa hospital."Pero nanginginig ka na ng sobra," puna niya."Ganito talaga ako kapag nilalagnat. Mawawala rin ito," sambit ko."Are you sure?" paninigurado niya pero hindi na ako nag-abala pa na sumagot. Sobrang bigat ng talukap ko at ramdam ko rin ang init na n
"Hey, are you with me? Aurora in the Earth," ani Haze na nagpabalik sa katinuan ko."Come again? Ano ulit 'yon?" tanong ko habang natutulala sa kawalan."Nakanguso siya nang balingan ko. "You're not listening to me," nagtatampo na aniya.Nagsalubong ang mga kilay ko at saka napapangiwi na ibinalik ang mga mata sa mga tao na naglalakad-lakad sa ibaba."Ang sagwa, tigilan mo nga 'yan," inis na puna ko na umani naman ng tawa mula sa kaniya."Ano ba iniisip mo? Baka puwede mong i-kwento sa akin," aniya. "Parang sobrang lalim."Umiling ako. "Wala. Natulala lang may iniisip na agad?" defensive na tanong ko. "Ano ba 'yung sinasabi mo kanina?" pagwawala ko sa usapan."I'll be going to a formal foundation party kaso wala akong ka-partner. Then I was asking you if you want to go with me since nasabi mo na lagi ka na lang bored sa condo mo," aniya."Baliw ka na?" natatawang tanong ko. "Bakit ako? Puwede mo naman isama girlfriend mo o kung sino riyan—""Kung sinagot mo na ako edi sana hindi na ki
Masama ang tingin sa akin ni Iris nang makalapit sila sa gawi namin. Hinila ko si Haze palayo roon pero hindi siya nagpatinag at nakangiti na sinalubong sila Lucas na animo'y hinihintay rin niya makalapit."It's my pleasure to meet you, Mr. Martin," usal ni Haze at saka inilahad niya ang kaniyang palad upang makipagkamay ngunit tiningnan lang iyon ni Lucas.Napapalunok na inabot ko ang kamay ni Haze na naghihintay pa rin na kamayan siya ni Lucas dahil ako ang nahihiya para sa kaniya."Sa ibang lugar na lang tayo, Haze," pag-aya ko sa kaniya."No, that's rude, love. Lumapit sila sa atin," sagot niya.Ganoon na lang ang pagkabog ng dibdib ko habang nakatingin kay Lucas na walang emosiyon ang mga mata. Binalingan ko si Iris na animo'y may galit din sa mundo na nakatingin sa stage. Mukhang ayaw rin ako makita.Lumapit ako sa tainga ni Haze. "Hindi mo ba nakikita na magkaaway sila. Tara na," bulong ko.Ngumuso lang si Haze. Ayaw pa rin niya umalis pero hinatak ko na siya palayo roon."Hind
"Haze?" alanganin na sagot ko sa tawag niya.Mula noong party ay hindi na kami nakapag-usap pa. Isa pa ay nahihiya ako, hindi ko alam kung paano ko siya kauusapin gayon na iniwan ko siya roon mag-isa."Galit ka pa rin ba sa akin?" maya-maya ay tanong niya na nagpagulat sa akin."What do you mean," medyo naiilang na sambit ko."I left early, hindi na kita nahintay pa sa table. I was so embarrassed for what I've done and so I was still contemplating if I should call you," paliwanag niya.My lips parted a bit as I stared at my dinner. I mean, hindi ko alam na umalis din pala siya. Sa halip na aminin na umalis din ako ay nanahimik na lang ako."I'm really sorry," paghingi niya ng paumanhin.Umiling ako. "Hindi, ano ka ba? Ayos lang. Hindi rin naman ako naghintay ng matagal," pagsisingungaling ko.Hindi ko rin naman pwede sabihin na umalis din ako dahil itatanong niya kung sino ang kasama ko o paano ako nakaalis gayon na wala naman akong dalang sasakyan at hindi ko pa alam ang lugar na iyo
"Aurora, saan ka pupunta?" tanong ni Noah.Ramdam ko ang pagsunod niya sa likod ko ngunit wala akong ibang maisip kung hindi ang napanood ko sa balita. Nasusunog ang bahay namin na Lucas."No, dito ka lang," pagpigil niya sa akin."Tumabi ka, Noah," utos ko nang humarang siya sa pinto ng sasakyan ko.Walang mapaglagyan ang pagkabog ng dibdib ko. "Sinabi nang tumabi ka!" hindi ko maiwasan na isigaw iyon kay Noah dahil ayaw niyang umalis doon."If I said no, then no, Aurora. Give me your keys," utos niya.Umiling ako at nanginginig na tinulak siya paalis doon. Nagmamatigas na tumayo siya roon kaya ganoon na lang ang buong puwersa na pagtulak ko sa kaniya."Sinabi nang tumabi ka!" galit na sigaw ko."Nag-iisip ka pa ba, Aurora?! Pupuntahan mo si Lucas sa bahay niyo? Ano ba ang matutulong mo? Tingin mo ba papapasukin ka sa loob? Paganahin mo nga 'yang isip mo!" aniya na animo'y ako na ang pinakabobo na tao na nakausap niya."Noah, anong gusto mong gawin ko?! Manatili rito habang nasusunog
Tulala na nakatingin ako sa bahay namin na sunog na sunog. Wala pa akong maayos na tulog magmula ang gabing iyon na mabalitaan ang pagliyab ng apoy. Pumipintig ang ulo ko ngunit hindi ko rin magawa na umalis dito. Ako ang umaasikaso sa lahat dahil wala naman tutulong sa akin.Pinunasan ko ang luha na tumulo sa aking pisngi. Walang lakas na kinuha ko ang cell phone ko nang maramdaman ang pag-vibrate noon.Tiningnan ko lang iyon hanggang sa kusang mamatay. Nanghihina na napaupo sa gutter ng bahay at hindi mapigilan na ibuhos ang luha na ilang araw ko rin na inipon.Pati paglabas ng totoong nararamdaman ko ay hindi ko nagawa dahil sa sobrang abala sa mga bagay para lang mabigyan ng hustisya ang lahat.Malakas ang kutob ko na hindi ito aksidente. Imposibleng sunog lang ang siyang dahilan nito dahil alam ko na may kinalaman ito sa narinig ko na putukan nang tinawagan ako ni Lucas.Wala akong maramdaman kung hindi guilt dahil hindi ko siya tinawagan noong mga oras iyon. Guilty ako dahil hi