I fixed myself and head towards the Amaricano Café. Hinahanap ko ang pamilyar na mukha niya at nang makita ay dumiretso na ako sa gawi niya. Abala siya sa kaniyang cellphone kaya kahit angatan ako ng tingin ay hindi niya magawa. Nagpeke ako ng ubo upang makuha ang atensiyon niya at mukhang nagtagumpay naman ako nang mag-angat siya ng tingin sa akin. Mukhang nagulat pa siya ngunit kalmado niya na itinaob ang cellphone sa lamesa upang ibigay ang kaniyang buong atensiyon. "You really did. Akala ko paasahin mo lang ako because that's what I am expecting. Knowing how you solidly declined all my efforts," aniya. Umiling ako. "Sana pala hindi na kita pinunatahan," sambit ko. Nagbibiro. Natawa na lang ako nang nagkibitbalikat lang siya. "Hindi pa ako nakakapag-order. Hindi ko alam kung ano ang gusto mo." Kinuha ko ang menu na nakalagay sa gilid ng lamesa. Ganoon din ang ginawa niya. "Won't you mind if I asked bakit bigla mo ka nag-aya na mag-coffee with me?" tanong niya. I
"Sure ka ba na hindi ka busy?" tanong ko kay Haze. "Hindi nga. Let's go, should I pick you up?" tanong niya pabalik. Umiling ako. "Convoy na lang," sagot ko at nagmamadali na kinuha ang bag ko upang umalis na. Sa mga nagdaan na araw ay si Haze lang ang kau-kausap ko. Hindi na rin ako nakakaramdam ng hiya dahil mas nagiging matagal na magkasama kami ay mas nakikilala ko ang ugali niya. Naiwan ko pa ang susi sa kuwarto kaya kinuha ko pa iyon at nang mabuksan ko ang pinto ay halos batuhin ko si Lucas nang siya ang bumungad sa akin. "Anong ginagawa mo rito?!" inis na tanong ko dahil sa gulat. Mukhang maging siya ay nagulat pa na makita ako sa harapan niya ngunit umayos din naman agad na animo'y walang nangyari. "Saan ka pupunta?" tanong niya. Kumunot ang noo at bahagyang nagsalubong ang mga kilay. "May pupuntahan lang," sagot ko. "May kailangan ka ba? Nagmamadali ako," usal ko habang sinasarado ang pinto ng suit ko. Tinaasan ko siya ng kilay nang hindi man lang siya sumagot
"Why didn't you tell me much more earlier?" galit na tanong niya nang tuluyan siya na makasakay sa sasakyan dahil ayaw talaga umandar ng sasakyan ko. Iiwan na lang namin tuloy ito rito pero babalikan naman. Sa ngayon ay hindi na rin ako makareklamo pa dahil galit na agad si Lucas. "It's too late for pete sake, Aurora." "Kung labag naman pala sa loob mo na tulungan ako ay sana hindi ka na nagsayang pa ng oras na pumunta rito. Tutulong ka nga ay manenermon ka naman," sagot ko. Hindi ko maiwasan na mainis. Hindi ba puwedeng tumulong na lang siya. "Do you really think I'll let you here alone? What if something happens to you? Sinong magpaplaiwanag sa mga magulang mo? Paano ko ipapaliwanag sa kanila na hindi ko alam na umalis ka ng bahay—" "Then as simple as that. Sabihin mo na hindi mo alam dahil umalis na ako sa bahay at nasa condo ako," pagpuputol ko. "Sabihin mo na under the process na ang annulment paper natin dalawa dahil iyon naman talaga ang totoo 'di ba? Huwag ka mag-alal
Naalimpungatan na inabot ko ang kumot. Dinig ko ang malakas na pagbuhos ng ulan. Sa hindi inaasahan ay nalingunan ko si Lucas na natutulog doon sa sofa at medyo nanginginig pa. Inaantok na bumangon ako at saka wala sa sarili na inabot ang kumot na ipapagamit sana niya sa akin kanina bago iyon ipinatong sa kaniya. Nang agawin niya iyon sa kamay ko ay bumalik na ako sa kama at muling natulog. Umaga na nang marinig ko ang boses ni Lucas. Mukhang pinapabangon na ako ngunit sa halip na magmulat ay sumuksok ako sa gawi ng mga unan nang makaramdam ng lamig. Antok na antok na ako at wala akong lakas na bumangon upang kuhanin ang remote ng air-conditioned at hinaan iyon. "Hey, you're hugging me too tight," reklamo niya. Kumunot ang noo ko at inaantok na napilitan akong nagmulat ng mga mata. Napakurap na lang ako nang makita na nakayakap na ako sa kaniya. Mabilis ko na inalis ang braso ko na nakayakap sa katawan niya at nahihiya na tumalikod. "Puwede naman tayo mag-cuddle if that's what
Mabigat ang ulo nang magising ako ng madaling araw na. Hindi ako nagkamali nang dalawin ako ng lagnat. Nagsabay pa ang ubo at sipon ko kaya iritadong-iritado ako. Ito ang dahilan kung bakit ayaw na ayaw ko na umuulan at nauulanan ako. Linggo pa naman ang lilipas bago ito mawala.Nanatili ako sa kama ko at gusto pa sana matulog nang marinig ang pagtunog ng suite ko. Pinagdadasal ko na umalis na lang iyon pero hindi iyon natigil kaya naman inis na bumangon ako at pinagbuksan iyon.Pakiramdam ko ay mugtong-mugto na ang mga mata ko kahit hindi naman ako umiyak. "Sandali lang!" sagot ko dahil hindi pa rin iyon tumitigil.Napapahilot na sintido na nagbukas ako ng pinto. Natigilan ako sa dapat na pagtanong nang wala akong makita na tao sa labas. Nagsalubong ang mga kilay ko na tiningnan ang hallway pero wala naman tao.Mukhang nanti-trip lang kaya pumasok ako ulit sa loob. Sinagot ko ang tawag ni Mommy nang makarating ako sa kama. I thought it was emergency dahil madalang lang tumawag si Mom
"Lucas!" tawag ko sa kaniya.Nanghihina ako pero hindi ko rin mapapalagpas ang ginawa niyang ito."Lucas!" sigaw ko.Walang mapaglagyan ang galit ko nang lumabas siya sa kusina hawak ang baso na may laman na tubig."Why are you here again—""Ayan ba?" tanong ko matapos ihagis sa kaniya ang box kung nasaan ang teddy bear na naliligo sa dugo. "Lucas, hindi na kita maintindihan! Ano ba ang nagawa ko sa'yo!"Nandidilim ang mga mata niya habang nakatingin sa akin habang bahagya na pinupunasan ang iilang tilamsik na dugo sa kaniyang mukha."Anong problema mo?!" galit na tanong niya pabalik.Matapang na sinalubong ko ang mga mata niya. "Ganito ka ba gumanti?" tanong ko. "And in the first place, ano naman ba ang ginawa ko sa'yo para gumanti ka? Linawin mo sa'kin," galit na utos ko.Bahagya siya na umiling. "Umalis ka na habang nakakapgtimpi pa ako," utos niya dahilan upang matawa ako."And why would I? Tell me, Lucas... Why would I?" pagdiriin ko."For the fuck sake, Aurora! You are accusing
Halos manginig ako sa lamig nang magising ako. Malamlam ang mga mata na nagmulat ako at bumungad sa akin si Lucas na may hawak na bimpo at itinataas ang comforter sa akin."Malamig," sambit ko."Nilalamig ka pa rin? I already switch the air-conditioned to heater," aniya.Saka ko lang napansin na wala siyang suot na damit pang-itaas at naka-short na lang siya. Bahagya siya na nagpunas ng pawis sa noo niya.Malamlam ang mga mata na hinila ko ang kumot. Mahigpit ang kapit ko roon at pilit na pinulupot ang sarili.Pinilit ko ang sarili ko na matulog ulit pero hindi ko nagawa pa dahil sa sobrang panlalamig."Kaya mo ba na maglakad? Dadalhin na kita sa hospital," aniya.Mabilis ako na umiling. Mas magkakasakit ako kung mananatili ako sa hospital."Pero nanginginig ka na ng sobra," puna niya."Ganito talaga ako kapag nilalagnat. Mawawala rin ito," sambit ko."Are you sure?" paninigurado niya pero hindi na ako nag-abala pa na sumagot. Sobrang bigat ng talukap ko at ramdam ko rin ang init na n
"Hey, are you with me? Aurora in the Earth," ani Haze na nagpabalik sa katinuan ko."Come again? Ano ulit 'yon?" tanong ko habang natutulala sa kawalan."Nakanguso siya nang balingan ko. "You're not listening to me," nagtatampo na aniya.Nagsalubong ang mga kilay ko at saka napapangiwi na ibinalik ang mga mata sa mga tao na naglalakad-lakad sa ibaba."Ang sagwa, tigilan mo nga 'yan," inis na puna ko na umani naman ng tawa mula sa kaniya."Ano ba iniisip mo? Baka puwede mong i-kwento sa akin," aniya. "Parang sobrang lalim."Umiling ako. "Wala. Natulala lang may iniisip na agad?" defensive na tanong ko. "Ano ba 'yung sinasabi mo kanina?" pagwawala ko sa usapan."I'll be going to a formal foundation party kaso wala akong ka-partner. Then I was asking you if you want to go with me since nasabi mo na lagi ka na lang bored sa condo mo," aniya."Baliw ka na?" natatawang tanong ko. "Bakit ako? Puwede mo naman isama girlfriend mo o kung sino riyan—""Kung sinagot mo na ako edi sana hindi na ki
AURORA'S POVI was sore down there. Nang gumising ako ay mahimbing pa rin ang tulog ni Lucas.Nangialam na lang ako sa lagayan niya nga mga damit upang iyon ang isuot at ipantakip sa katawan ko. Nasira ang suot ko mula sa panlabas hanggang sa underwear ko. He was a beast!Kahit na halos hindi na makalakad nang maayos ay wala naman akong pagsisisi na nararamdaman. Ginusto ko iyon at hindi ko ipagkakaila.Hindi niya ako tinigilan hangga't hindi nagmamakaawa na tumigil na siya. Nakapagpahinga lang ako nang makaidlip pero nagising din na niroromansa na naman niya ang katawan ko.Dumiretso ako sa kusina at kumuha ng tubig. Naubusan yata ako ng tubig sa katawan dahil sa pianggagawa niya. Pinipigilan pa niya sarili niya kanina pero nang ibaba naman niya ako sa kama niya ay kulang na lang wasakin na ako.Napaubo ako nang maramdaman ang pagpulupot ng braso sa aking baywang at pagsiksik ni Lucas ng kaniyang mukha sa aking leeg."One more?" tanong niya at bahagya pa na hinila ako, dahilan upang
"Gusto mo pa?" Nilapit ko sa kaniya ang pasta na hindi ko naman nagalaw.I was busy watching her enjoying the food that I cooked. Nagdadalawang-isip niya iyon na tiningnan."Ayaw mo ba?" tanong niya.Umiling ako. "Hindi ako gutom," sagot ko."Nagsasayang ka ng pagkain. Dapat hindi ka nagluto nang marami," pagbubunganga niya kahit na nakangiti nuyang kinukuha ang plato ko."Hinay-hinay sa wine. You have low alcohol tolerance," paalala ko sa kaniya.Ngumiti lang siya sa akin at binigay ang kaniyang buong atensiyon sa pasta na kinakain."Alam ba ng mapapangasawa mo na ako ang pupuntahan mo rito? Do he even know me? Kung sino ako sa buhay mo?"Matagal siyang napatitig sa akin habang mabagal na ngumunguya. Animo'y nag-iisip."Of course," sagot niya kalaunan."Do I know him?""You do," tumatangong sambit niya."Magpapalit lang muna ako ng damit," paalam ko at iniwan siya roon.How I envy her for being able to moved on and healed her heart that fast while here I am, still stuck on the day wh
"Ibaba mo ako!" reklamo niya nang buhatin ko siya na para bang isang sako ng bigas."Huwag ka nga malikot!" nagsisimula na rin na mainis na sambit ko.Nang mabuksan ko ang sasakyan ko ay saka ko siya pinasok sa loob. Kulang na lang ay patayin na niya ako sa sama ng kaniyang mga mata."Subukan mo lumabas. Hindi na ako natutuwa sa'yo," seryosong sambit ko."Bakit ba kasi pinipilit mo ako na sumama sa'yo? Sinabi na gusto ko na umuwi—""Ako ang maghahatid sa'yo. Mag-uusap muna tayo.""Wala tayong dapat na pag-usapan, Lucas."Umikot ako papunta sa driver seat."Yes, mayroon. Hindi mo pa sinasabi sa akin kung bakit ka pa pumunta rito? Was it too important at lumipad ka pa patungo kahit na puwede mo naman ako tawagan—"Tumawa siya na naging dahilan upang balingan ko siya. "Tawagan para ano? Para hindi ko makita 'yung girlfriend mo?""She's not my girlfriend," pagtatama ko."Naghalikan kayo tapos ngayon hindi mo siya girlfriend? Tangina, ano? Pati girlfriend mo ipagtatabuyan mo?""That was an
I gasped a breath before facing her. Tahimik lang siya sa harapan ko habang nakatingin sa akin. Pinaghalong kaba at takot ang kumain sa sistema ko pero hindi ko iyon ipinahalata."Aurora," banggit ko sa pangalan niya."Lucas," tawag niya sa akin. Kita ang gulat sa kaniyang mga mata na animo'y hindi ako inaasahan na makita sa harapan niya ngayon.Tumagos ang mga mata niya mula sa akin patungo sa likod. Kahit hindi ko tingnan ay alam kong si Justine ang tinitingnan niya."Naiwan mo 'yung girl friend mo," aniya na ngayon ay hindi makatingin ng diretso sa mga mata ko."What are you doing here?" tanong ko sa kaniya.After four years, here she is... in front of me. I don't know how to act dahil masiyado akong nagulat sa mga pangyayari at sa hindi pa magandang sitwasyon niya ako nakita. If... If I can just hug her tight, I would.Nalipat ang atensiyon ko sa kaniyang labi nang kagatin niya iyon, bagay na ginagawa niya tuwing pinipigilan niya ang sarili niya na may masabi na kung ano. Hinabol
Matagal ko na tinitigan ang mukha niya. I was controlling myself to make a move just not to scare her.Iyak siya nang iyak sa harapan ko and God knows kung gaano ko pinigilan ang sarili ko na hatakin siya at kulungin sa bisig ko. Seeing her crying in front of me makes me want to cry my heart too.As much as I don't want to see her crying in front of me, wala akong magawa. Hindi ko siya masisisi dahil alam kong sobrang bigat din ang dinadala niya sa kaniyang puso.Umalis siya ng Pilipinas nang walang kalinawan sa mga nangyari noon. Nagtanim siya ng galit at hanggang ngayon ay tila hindi naman iyon nawala.I am not asking her to forgive me anytime soon now. I just want to apologize for what I did. Alam ko rin na hindi ganoon madali magpatawad.Wala sa plano ko ang magpaalam sa kaniya. It was never on my list to talk to her before I go pero wala akong pagpipilian dahil sadyang mukhang ito ang nakatadhana na mangyari."Goodbye," I love you.Hindi ko na napigilan pa ang mga luha na lumadas
"Aurora left her kids here. Hindi ko maiwanan," bungad ni Chris nang sagutin niya ang tawag ko."Where did she go?" salubong ang mga kilay na tanong ko.Hindi pa rin siya nadala sa nangyari noon. She still left anywhere our kids."I told you hindi ko maiwanan ang mga bata. I am here in front of Aurora parents house. The kids where playing outside," balita niya."Diyan na ako didiretso," sagot ko at pinatay na ang tawag.Niliko ko ang manibela upang bumalik. Nagpaalam na may pupuntahan si Christian at hindi ko rin naman kayang iwan ang mga anak ko na walang bantay ang mga iyon. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring hindi maganda sa kanila.This is the only way, I can do for them. To secure their safety. Matagal akong nawala sa tabi, though not literally since there are times that I visited in Seattle even they weren't aware."Thanks," pagpapasalamat ko aky Chris nang magpaalam na siyang aalis na."Superman!" sigaw ng isang pamilyar na boses ng bata na naging dahilan n
"What are you doing here?" tanong ni Noah.He is in front of me. If eyes could kill baka kanina pa ako nakahilata at pinaglalamayan.May mga pulis lang sa paligid namin and I know how does it feels like. Ang pinagkaiba lang ay nakulong ako dahil sa kagustuhan ni Aurora na makulong ako at itong nasa harapan ko ay dahil sinubukan na pumatay ng isang tao."Did Aurora visited you?" tanong ko kahit alam ko naman na ang sagot.Nakararating sa akin ang mga nangyayari kay Aurora. Chris was helping me to keep an eye with Aurora. It's not that I want to invade her privacy but I need to. The last time that I decided to stop checking on her, in just a span of fucking second nasa panganib na naman ang buhay niya."Nakalabas na siya ng hospital for your information. It seems your mother didn't tell you nor give any update about Aurora yet," dagdag ko.Napangisi ako nang makita na mukhang naging interesado siya sa pinagsasasabi ko. Awang-awa na ako rito sa kaibigan na ito ni Aurora. Noon pa ay pinap
Naiwan ako na nakaupo rito sa labas ng bahay. Ilang oras na ang nakalilipas at hanggang ngayon ay wala pa rin bumabalik na Lucas at mga anak ko.Ilang beses na akong panay ang silip sa mga sasakyan na dumaraan. Umaasa na isa sa mga sasakyan noon ay sakay sina Luna at Liam.Gusto ko na magpahinga pero hindi ko magawa. Hihintayin ko na makabalik sila rito. Hindi ko kakayanin kung maging ang mga anak ko ay mawawala pa sa akin. Sila na lang ang tanging pamilya na mayroon ako.Lucas cannot just stole my kids away and hide it from me. Ako ang mas may karapatan sa aming dalawa sa mga bata pero ano rin ang magagawa ko kung tuluyan na niyang inilayo sa akin ang mga anak ko.Pinunasan ko ang luha na tumulo mula sa aking mga mata. Napapagod na ako umiyak. Kung alam ko na ganito ang mangyayari ay nanatili na lang kami sa loob ng bahay.Kung alam ko lang na ang pag-iwan ko na iyon sa mga anak ko para lang makausap ang ama nila ay kapalit naman ng pagkawalay ko sa mga anak ko ay hindi ko na sana si
Kulang na lang ay paliparin ko ang sasakyan ko. Ang problema ko pa ay nang dahil na rin sa rush hour ay nahihirapan akong sumingit-singit.Kanina pa ako binubusinahan ng mga sasakyan na ino-overtake-an ko pero mas nanaig sa akin ang kagustuhan na maabutan si Lucas.Hindi ko rin maipaliwanag kung bakit may kaba akong nararamadaman. Kasasabi ko lang kanina na ilalayo ko ang mga anak ko sa kaniya pero heto ako at halos ibangga na ang sinasakyan makarating lang sa condo building niya.Bakit hindi niya sinabi sa akin na aalis siya? Kung hindi pa sasabihin sa akin ni Noah ay wala akong kaalam-alam.Pagkatapos ng lahat ay aalis siya? Iiwan niya at ibabaon na lang ang lahat? Gusto na niya magbagong buhay at mamuhay nang mas tahimik?Labas sa ilong ang pagbuga ko ng hangin. Napasabunot na lang din ako sa buhok ko habang nakatingin sa sasakyan na nasa harapan ko. Ang ilang segundo na iyon ay parang ilang minuto na."Damn you, Lucas," inis na bulong ko.Panay ang sulyap ko sa cellphone. Hindi ak