Share

TMUW 17: Eavesdrop

"Hindi natin alam kung ano-ano pa ang binabalak niya. Hindi natin mahuli-huli kung ano ang mga plano niya at ang mas nakakabahala ay parang alam niya ang mga plano natin."

"Then, patayin niyo siya," boses ni Lucas. Paalis na sana ako nang marinig ko ang pag-uusap ng mga tao sa pool area.

Nanaig ang kuryosidad ko. Sa halip na dumiretso ng lakad upang umalis na ay nagawa ko pang magtago sa likod ng kurtina kung saan alam ko na hindi nila ako makikita.

"If that's the only way para matigil na siya then so be it. Kill him," sambit ni Lucas.

"But we are not like that, Lucas. Tinatama natin ang mga nagkakamali at hindi pinapatay kung sino ang nagkamali."

"Do you think we can apply it to him? Halang ang kaluluwa ng tao na iyon at kahit anong gawin mo ay hindi na iyon magbabago pa," balik ni Lucas.

Nanlaki ang mga mata ko nang hindi sinasadya na magalaw ko ang vase na malaki sa likod ko dahilan upang makagawa iyon ng ingay.

Nakaramdam ako ng takot nang wala nang nagsasalita pa. Napalunok na
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status