Halos hindi ko maigalaw ang katawan ko nang magising ako. Napadaing na lang ako sa sakit na nararamdaman ko sa parte ng katawan ko.Sinanay ko sa liwanag ang mga mata ko. Gusto kong ilibot ang paningin ko kaso nahihirapan ako dahil sa brace na nakalagay sa leeg ko.Dinig ko ang pagbukas ng pintuan. "Aurora, anak," tinig ni Mommy.Nakita ko na lang siya nang lumapit sa gawi ko. Wala siyang kasama at kung magpapakatotoo ay hindi rin siya ang inaasahan ko na makikita pagmulat ng mga mata ko. "My," bati ko sa kaniya at bahagyang ngumiti."What happened to you?" nag-aalalang tanong niya."May sumalubong po kasi na mabilis na sasakyan kaya kinabig ko manibela ko," sabi ko. "Si... Lucas po?" alanganin na tanong ko. "Kaalis-alis lang ng asawa mo. Sabi niya ay may emergency raw sa kumpaniya niya at kailangan siya roon. Sakto na kadarating-dating ko lang din," aniya. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko. Gusto kong tawanan ang sarili ko dahil nag-expect ako na siya rin ang magigisingan ko. "
Lumipas ang mga linggo at tuluyan na akong gumaling. Medyo may nararamdaman pa akong kirot sa leeg ko pero ayos naman na iyon.Sa nagdaan na mga linggo ay wala na akong naging balita pa kay Lucas. Si Noah na rin ang siyang matiyaga na nag-alaga sa akin kaya ngayon ay papunta ako sa bahay namin ni Lucas.Kahit ako sa sarili ko ay hindi ko alam kung anong naisip ko at gusto kong puntahan ang bahay namin.Nang makarating ay hindi rin ako agad na bumaba. Pinagmasdan ko ang bahay namin na animo'y wala ng mas lulungkot pa.Mariin ko na pinikit ang aking mga mata at saka muling ipinaandar ang sasakyan upang umuwi na nang makita sa side mirror ang pagdating ng isang sasakyan.Napalunok ako. Pinatay ko ang makina ng sasakyan ko at hinintay na tuluyang makarating ang sasakyan ni Lucas. Ilan sandali pa nang marinig ko ang pagbukas ng sasakyan niya. Naghintay ako na bumaba siya ngunit ilang minuto pa ang lumipas ay hindi siya bumababa.Sa kainipan ay bumaba na ako. Tumungo ako sa sasakyan niya.
"Hindi natin alam kung ano-ano pa ang binabalak niya. Hindi natin mahuli-huli kung ano ang mga plano niya at ang mas nakakabahala ay parang alam niya ang mga plano natin." "Then, patayin niyo siya," boses ni Lucas. Paalis na sana ako nang marinig ko ang pag-uusap ng mga tao sa pool area.Nanaig ang kuryosidad ko. Sa halip na dumiretso ng lakad upang umalis na ay nagawa ko pang magtago sa likod ng kurtina kung saan alam ko na hindi nila ako makikita."If that's the only way para matigil na siya then so be it. Kill him," sambit ni Lucas."But we are not like that, Lucas. Tinatama natin ang mga nagkakamali at hindi pinapatay kung sino ang nagkamali.""Do you think we can apply it to him? Halang ang kaluluwa ng tao na iyon at kahit anong gawin mo ay hindi na iyon magbabago pa," balik ni Lucas.Nanlaki ang mga mata ko nang hindi sinasadya na magalaw ko ang vase na malaki sa likod ko dahilan upang makagawa iyon ng ingay. Nakaramdam ako ng takot nang wala nang nagsasalita pa. Napalunok na
Tunog ng cellphone ang gumising sa akin. Nakapikit na kinapa ko iyon sa nightstand. "Hello," pagsagot ko sa tawag. "Bakit ba napakatagal mo sagutin!" bugnot na boses ni Lucas. "Pumunta ka rito sa bahay, bilisan mo," utos niya. Salubong ang mga kilay na nagmulat ako ng aking mga mata. "Noong nakaraan kung paalisin mo ako ay ganoon na lang tapos ngayon minamadali mo ako na pumunta riyan." "Just come here, Aurora. Nandito ang parents mo at sinabi ko lang na may pinuntahan ka," aniya na nagpabalikwas sa akin. "Anong ginagawa nila riyan?" hindi rin makapaniwala na tanong ko. "I don't know. Get your ass up and pumunta ka na rito bilisan mo." "Sabihin mo nasa trabaho—" "Hindi ako ganiyan ka-tanga para iyan ang idahilan ko sa kanila kung weekdays ngayon. For fuck sake it's Sunday!" Napakamot ako sa aking kilay at saka nagbuga ng hangin. "Papunta na," walang magawa na sagot ko. Nag-asikaso lang ako ng sarili ko at dumiretso na rin sa bahay namin ni Lucas. Nakaupo sila sa sala nang d
Napatigil ako sa pag-inom ng tubig ko nang makita ang pamilyar na mukha. Right now, Nadirito ako sa gym. Matagal na rin mula nang tumigil ako sa pagwo-work out and I think this is the best day to continue what I left just for the sake of being a housewife. "Tingnan mo nga naman kung gaano kaliit ang mudo," aniya. Hindi ko siya pinansin at dala ang bag ay tumayo na ako. Tapos na rin naman ako. Amoy pawis na rin ako kaya gusto ko na maligo. "Okay," aniya. Tumatango-tango pa siya sa gilid ko. "Still the girl na hindi namamansin, I see." "Girl locker room." Tinuro ko ang sign na nasa taas nang patuloy pa rin ang pagbuntot ni Haze sa likod ko. Itinaas niya ang kaniyang mga palad na animo'y sumusuko. Napairap na lang ako at pumasok sa loob. Hindi ko alam kung bakit nandito na naman ito. Ni hindi nga pumasok sa isip ko na magkikita pa kaming dalawa. Nilinis ko ang katawan ko. Nagsuot lang din ako ng simpleng maong na short at white shirt. Halos mahampas ko siya nang salubungin niya
Awang ang aking bibig at hindi makapaniwala na nakatingin sa likod niya."Hoy!" sigaw ko. Inis na sinundan ko siya. "Ano ako? Aso?!"Masama ang tingin na ipinukol niya sa akin. "Can you fucking shut your mouth?" inis na aniya. Sinasabayan ang inis na nadarama ko. "Ano pa ang ginagawa mo rito? Ang sabi ko, leave," pag-uulit niya. Napipikon na tumawa ako. "Hindi mo ako aso. Hindi mo ako utusan!"Padarag ko na hinili ang braso niya ngunit nabawi ko rin nang dumaing siya."May— may sugat ka na naman," sambit ko.Sinamaan lang niya ako ng tingin bago tumungo sa kusina. "Wala kang pakialam.""Yes, I care! Asawa mo pa rin ako, Lucas. Mag-asawa pa rin tayo kahit sa papel—""Exactly, Aurora! Mag-asawa lang tayo sa papel. Huwag ka rin umasta na you care for me dahil you never did right from the start! I don't need your pity at all." "If I didn't care for you, bakit ako nagboboluntaryo na gamutin ang mga sugat mo sa tuwing uuwi ka na may pasa, saksak ng kutsilyo, at alagaan ka kahit na may pas
I was keeping an eye to that guy who seems to follow me simula pa kanina. Even though, I came here to have fun with myself, I just can't.Pakiramdam ko ay kanina pa niya ako sinusundan dahil kahit saan ako pumunta ay nakikita ko siya sa paligid ko. Hindi ko naman siya napapansin kanina pero nang minsan ako na humanap ng ibang mapupuntahan ay nakikita ko siyang nakamasid sa akin.Isa pa ay hindi rin ako tiwala sa suot niya. Balot na balot. Naka-cap, mask, naka-pants at naka-jacket na para bang lamig na lamig siya kahit na sobrang init dito sa loob.I looked at his direction and waited to meet his eyes. Although, I failed since he was wearing mask, alam ko na alam niya na aware ako sa presence niya. He acted like he was busy while looking at the aquarium in front of him and I took that chance to hide behind a group of people. Naging malikot ang ulo niya na parang may hinahanap. Nagpalinga-linga pa siya hanggang sa naglakad na rin paalis. Napabuga na lang ako ng hangin at saka nagpatulo
I fixed myself and head towards the Amaricano Café. Hinahanap ko ang pamilyar na mukha niya at nang makita ay dumiretso na ako sa gawi niya. Abala siya sa kaniyang cellphone kaya kahit angatan ako ng tingin ay hindi niya magawa. Nagpeke ako ng ubo upang makuha ang atensiyon niya at mukhang nagtagumpay naman ako nang mag-angat siya ng tingin sa akin. Mukhang nagulat pa siya ngunit kalmado niya na itinaob ang cellphone sa lamesa upang ibigay ang kaniyang buong atensiyon. "You really did. Akala ko paasahin mo lang ako because that's what I am expecting. Knowing how you solidly declined all my efforts," aniya. Umiling ako. "Sana pala hindi na kita pinunatahan," sambit ko. Nagbibiro. Natawa na lang ako nang nagkibitbalikat lang siya. "Hindi pa ako nakakapag-order. Hindi ko alam kung ano ang gusto mo." Kinuha ko ang menu na nakalagay sa gilid ng lamesa. Ganoon din ang ginawa niya. "Won't you mind if I asked bakit bigla mo ka nag-aya na mag-coffee with me?" tanong niya. I