️WARNING: MATURE CONTENT AHEAD️! Inakala ni Malaya Emmanuel Sandoval nang matapos siyang pakasalan ng lalaking nakabuntis sa kanya ay magiging happy ending na, katulad ng mga napapanood niya sa mga palabas sa TV o mga nababasang nobela. Ngunit katulad din pala ng mga palabas, mayroong paghihirap na mararanasan. Kinailangan niyang umalis para sa kapakanan ng kanyang mga minamahal kapalit ang kanyang sariling pagkadurog, matapos ang ilang taon ay nakabalik na siya. Sa kanyang pagbabalik, handa na ba siyang sumugal ulit? Handa na ba niyang harapin ang pagsubok ng buhay? Handa na ba niyang ipaglaban ang dapat sa kanya, lalo na ang lalaking kanyang minamahal? Paano kung kung kailan handa na siya sa lahat, at saka naman ito napagod?
View More"ANO PO? Paanong wala kayong naipon ma, eh, buwan-buwan ho akong nagpapadala!" Frustrated akong sumabunot sa aking buhok. "Mama naman! Umasa po akong may pampagamot kayo kasi may pinapadala ako! Anong gagawin natin ngayon? Wala na akong trabaho! Wala pa tayong pera! Tapos walang pampagamot!"
"A-anak…" si mama. "A-akala ko kasi mananalo ako, eh." Nagbaba siya ng tingin nang humarap ako sa kanya. "Sinabi kasi ni Narseng na suwerte raw ang numerong iyon kaya dapat lang na i-mentain ko. Hindi ko naman aakalaing mauubos ng ganoon… sorry, anak…"Eh, ano pa bang magagawa ko? Mababawi ko ba ang putanginang perang iyon? Hindi na! Ni isang singkong duling wala na akong mababawi! Lahat ng pinaghirapan ko sa ibang bansa, wala na! Parang nabalewala lahat ng sakripisyo ko, ah! Wala akong ibang ginusto mabigyan lang sila ng magandang buhay pero bakit ganito?"Maya… patawarin mo na si Mama, pera lang naman 'yon eh, makikita pa naman 'yon ulit!" Si Ronald, ang nakatatanda kong kapatid kasama ang kanyang asawa. "Kung makasisi ka naman kay mama, parang hindi siya ang bumuhay at nag-aruga sa'yo noong mga panahong walang-wala ka rin, ah!"Matalim kong tiningnan ang kapatid."Ah, talaga, Kuya? Madali lang kitain ang pera? Oh sige, ikaw ang magtrabaho para may makain lahat ng tao rito sa bahay! Ikaw ang maghanap ng pera roon! Ikaw ang magtrabaho! Kalalaki ninyong tao, hindi kayo makapagtrabaho! Anak kayo nang anak tapos ako pa ang ipapabuhay ninyo!" Gigil kong itinuro ang labas, ang ugat sa aking leeg ay kulang na lang magsiputukan."At nanunumbat ka na ngayon? Ha? Porket nakapag-abroad ka lang, ganyan ka na? Ha? Ganyan ka na ba kawalang modo?" Ang asawa niya, si ate Rica. "Mama, oh! Iyang anak mo lumalaki ang ulo, akala mo kung sinong superior kung makapagsumbat! Baka nakakalimutan mong sa akin ka humiram ng pampamasahe mo abroad?" Mayabang siyang ngumisi at minata ako.Inihilamos ko ang aking palad sa mukha ko. Umaakyat na ang dugo sa akin mukha. Tumayo ako at naglakad-lakad sa gitna nila. Tiningnan ko sila isa isa mula ulo hanggang paa at nagtagal ang tingin kay Rica."Baka nakakalimutan mo rin Rica na ako ang nagbayad ng hospital nang manganak ka? Ako ang nagpapa-aral sa mga anak ninyo na dapat responsibilidad ninyo bilang magulang? Ako ang nagpadala niyang damit na suot mo, pera ko ang ginamit mong pang-rebond, may narinig ka ba sa'kin? Huh? Wala hindi ba?" Sarkastiko akong ngumisi, nag-iwas siya ng tingin sa akin. "Ngayong wala na akong trabaho, buhayin ninyo na ang mga sarili ninyo." Malamig kong binitawan ang mga salitang iyon."Ha? Paano iyan? Wala kaming trabaho! May bayarin pa sa school nila Princess!" Nagpa-panic na sinabi ni Kuya. "Si mama? Sinong mag-aalaga sa kanya ngayong may sakit siya?" Tumingin siya sa akin."Oh, bakit? Sa akin? Hindi ba kayo ang nagpapabantay ng mga anak sa kanya? Eh, bakit hindi ninyo alagaan? Para naman may silbi kayo bilang mga anak!" Punong-puno ng galit kong sinabi."Maya! Hindi kita pinalaking ganyan!" Lumapit si Mama sa akin at agad na lumipad ang palad sa aking pisngi, tumabingi ang aking ulo sa sobrang lakas ng sampal. Tila namanhid yata bigla dahil sa ginawa niya pero ininda ko na lang iyon. "Tama ang Kuya at Ate Rica mo! Wala kang utang na loob! Porket nakapag-abroad ka, ganyan ka na magsalita sa amin? Pamilya mo kami, ah! Ako ang nagluwal sa iyo at ako ang bumuhay ng mahabang taon sa'yo!" Halos mabingi ako sa lakas ng boses niya. "Hindi ka na naawa sa Kuya mo! Wala na ngang trabaho ang tao, gaganyanin mo na! Parang wala kang pinag-aralan, ah!"Ako na naman ang naging masama.Hirap akong lumunok, nanlabo ang mga mata ko sa luhang nagbabadyang tumulo at pinigilan ko iyon ngunit hindi naman ako nagtagumpay."Sige Ma, kayo na ho ang tama. Kayo na ang magaling. Ganyan naman kayo lagi, hindi ba? Palagi na lang si Kuya, palagi na lang kawawa si Kuya, nako naman kawawa naman pala iyang anak mong nakatatlong anak na pero nasa puder mo pa rin. Ginagatasan ka pa rin." Ininda ko ang sakit nang lumipad na naman ang kanyang palad sa pisngi ko. "Ma, tingnan mo rin ako, anak mo rin ako." Sunud-sunod na nagsituluan na parang sirang gripo ang mga luha ko at sinundan iyon ng hikbi. Tinuro ko ang aking sarili. "Ako itong nagtatrabaho para sa lahat, ako itong bumubuhay sa inyo na hindi naman dapat. Mga kaedaran ko ho, nag-aaral, nakapagtapos, may magandang trabaho't buhay, pero ako? Heto, isang katulong sa ibang bansa." Marahas kong pinahid gamit ang likod ng aking palad ang basang mukha habang inaalala ang naging kapalaran ko sa ibang bansa. "Ma? Sa lahat ba ng pagkakataong nahahawakan ninyo ang perang padala ko, ni minsan po ba naisip ni'yo rin kung kumusta ako? Kung may natitira pa ba sa akin? Kung nakakakain pa ba ako sa tamang oras? O kung may maayos ba akong tinutulugan? May kumot ba ako tuwing natutulog? Huh? Mama?"Walang ni isang nagsalita. Ginamit ko iyong paraan upang makaalis sa maalimuot na bahay na iyon. Hindi ko yata kakayaning tumira ng matagal doon, nakaka-suffocate. Wala na akong ibang mapuntahan, wala akong gaanong kaibigan. Wala pa akong pera, kararating ko lang galing ibang bansa. Umuwi ako kasi sinabing malubha na raw ang sakit niya tapos malaman-laman kong sa ilang taon kong pagtatrabaho roon, wala na palang natira? Pamasahe lang ang ibinigay sa akin ng amo ko kaya wala akong pera. Bente pesos na lang, tamang pang bananacue lang sa may unahan."Magandang araw, ate. Magkano po itong saging tsaka itong buko juice?" Tanong ko sa babaeng nagpapaypay."Ah, iyan? Sampo." Aniya."Ahh, sige po salamat." Lumunok na lang ako ng laway at labag sa loob na tinalikuran ang paninda.Hindi ko na afford, ang mamahal. Pero bumalik pa rin ako at iyong buko juice na lang sana ang bibilhin ngunit nang na-realize na bente pesos lang ang pera ay umatras muli. Final decision, bibili na lang ng malamig na tubig, iyong tigpipiso.At dahil walang pera, naglakad-lakad na lang muna ako. Mabuti na lang at naka-hoodie ako, may panangga sa init. Sa wakas naman ay may nakita na akong tindahang nagbibenta ng malamig na tubig sa plastik kaya tuwang-tuwa ang katawang lupa ko nang makainom."Phew! Ang hirap ng buhay, Lord! Wala bang plot twist diyan? Bigyan mo naman po ako ng konting kaligayahan!" Bumuga ako ng hangin nang maupo sa gutter sa gilid ng kalsada. "Pambihira naman po kasi, huwag naman ganoong puro na lang sakit, is it forbidden to be happy? Masamang tao po ba ako sa past life ko?" Napatingin pa sa akin ang taong dumaan na para bang nasisiraan na ako ng bait na nakatingala sa langit at malakas ang boses na nagsasalita. "Ano nang mangyayari ngayon? Saan po ako maghahanap ng trabaho? Ayaw ko na pong makipagsapalaran sa ibang bansa at baka pagbalik ko, bangkay na lang ako." Tumawa ako. "Kailangan ko po ng trabaho Lord, mahal ko po ang pamilya ko kahit ganoon sila kaya please na, bigyan mo ako ng trabaho. Iyong mayaman at mabango amo ko ha, para 'di naman ako masyadong ma-stress sa amoy. 'tsaka sana po malaki magpasahod! Kahit mahirap po ang trabaho basta malaki sahod, papatusin ko na po! Peks man!"Tumayo ako mula sa pagkakaupo at inubos ang natitirang tubig saka iyon maayos na itinapon sa basurahan. This is it! Malaya Sandoval, kaya mo 'yan! Fighter ka kaya!Nakangiti pa ako habang humuhugot ng malalim na hininga saka iyon pinakawalan, ihinakbang ko ang aking paa para sana tumawid ngunit naagaw ng aking atensyon ang batang bigla na lang tumakbo galing kung saan! Ni wala akong nakikitang kasama!"Jusko..." Natutop ko ang aking bibig nang makita ang humaharurot na sasakyan patungo sa gawi ng bata!Humugot muli ako ng malalim na hininga saka pikit matang tumakbo tungo sa batang tumatakbo ngunit nang sandaling mayakap ko ang bata ay siya ring tama sa akin ng sasakyan. Mahigpit kong niyakap ang bata habang ingat na ingat sa kanyang ulo para hindi mabagok sa semento at hinayaan ang sariling gumulong-gulong."Lord, ang sinabi ko plot twist, hindi accident." Bulong ko bago magdilim ang paningin.“D-DARIUS…” Naisatinig ko na lamang habang hindi makatingin sa kanya ng diretso. I didn't even know that this happened! “H-Hindi ko alam ‘to, hindi ko kilala kung sino ito…” nanginginig ang mga labi ko. Tumayo ako mula sa kama at kinuha ang ibang larawang nasa sahig na nahulog. Nang tingnan ko ang mga larawan ay nagtuluan ang mga luha ko. Tuluyan na akong napaluhod. Paulit-ulit na umiling. Ang daming pictures. May letrato ko noong lumabas ako ng hospital, kapapanganak ko pa lang sa kambal no'n. May mga larawan akong kalalabas lang ng isang club at nakasuot ng maiigsing damit! May larawan ding nakakandong ako sa lalaki at halos makalabas ang dibdib. Hindi… hindi ako ito! Alam kong sa club kami nagkakilala ni Darius pero hindi ako ang mga ito! Hindi ko naalalang gumawa ako ng ganito! He is the only man that I allow to touch myself. Wala ng iba at hindi magkakaroon ng iba! “D-Darius… I… hindi…” hindi ko mahanap ang dapat na mga salita gayong tumatagos sa kaibuturan ko ang l
MY TEARS rolled down my cheeks non-stop, like a broken faucet. I was clutching my chest as it aches so bad. I slapped it twice, as if the pain would lessen after doing so. But no, the pain didn't stop or lessen. It got worse and worse as I heard the brokenness of his voice. I'm sorry… I'm so sorry… Please forgive me. Please, please… I said those words wordlessly. Gusto kong lumabas sa silid na pinagkalalagyan upang suyuin siya't yakapin. Magpaliwanag ng katotohanan, sabihin kung gaano ko siya kamahal. Ngunit hindi ko alam kung paano itong buksan. Hindi ko alam kung saan ako lalabas. All I could do was cry at the back of this door. Or wall. Ni hindi ko alam kung pintuan ba ‘to o dingding. Ayaw tumigil sa pagtulo ang mga luha ko. Nakadikit ang aking tainga sa dingding, pilit na pinakikinggan ang mga usapang nasa kabila nito. Oo. Kilala ko ang mga kausap niya. Base sa boses ng mga ito, kung hindi ako nagkakamali, ang mga kaibigan niya ito. Falcon and Drako. Falcon na babaero at D
“BAKIT hindi mo na lang ito dinala kahapon?” Iiling-iling na sinabi ni Drako, prente siyang nakaupo sa aking swivel chair na para bang pag-aari niya ito. “Ay, sus! May pa-I don't fucking care-I don't fucking care ka pang sinasabi tapos heto at halos hindi ka na kumurap kakabasa riyan sa impormasyon tungkol sa asawa mo!” He added with full of mockery. “Where is she right now? Did you fire her? Ikinulong mo ba siya? Sa puso mo?” Matalim ang tingin na ginawad ko sa kanya. Nagpatay-malisya siya at bumalik sa pagkain ng chocolate cake. “Talaga namang ikukulong niya si Miss beautiful sa puso niya, lalo na ngayon na nakumpirma na niyang ito ang nawawala niyang asawa!” Nang manahimik si Drako, bumuka naman ang bibig ng gagong si Falcon. “Shut up, fucker.” Binato ko siya ng ballpen. “Why the fuck are you even here? Ang pagkakaalala ko, si Drako lang ang pinapunta ko, hindi ka kasama.” Falcon took a huge sliced of red velvet cake into his mouth and the motherfucker chew it slowly before
NANG buksan ko ang aking mga mata ay agad ko ring ipinikit nang ang sumalubong sa akin ay sinag ng araw, nanggagaling iyon sa nakabukas na bintana. Sapo-sapo ko ang aking noo at umahon mula sa pagkakahiga. When I checked my whole being, I was still fully clothed. Ang kaibahan lang, t-shirt ni Darius ang suot ko, thankfully, the shorts is mine. Nagbuntong-hininga ako. Binaluktot ang aking tuhod saka iyon niyakap. Umaga na, nothing happened last night dahil sinabi kong pagod ako. Totoo naman iyon dahil buong gabi kaming nagchukchakan noong isang gabi tapos hindi pa ako nakapagpahinga dahil sa kambal. Thankfully, he didn't question me much and just let me take a rest. Ngayon ay hindi ko na mahagilap ni anino niya. Siguro ay pumasok sa trabaho. Iniwan ako ritong mag-isa at walang pagkain. Maybe this is his way of punishing me? Tsk. Hanggang ilang araw kaya niya akong ikukulong rito? Ang mga bata, hindi kaya nila ako hinahanap? Maybe they're confuse right now but they'll get over i
“A-A-ANONG pinagsasasabi mo?” Kunot ang noo kong tanong at bahagyang umatras upang magtagpo ang mga mata namin, he gave me that but he made sure that I won't get away from his grip. “Bitawan ni’yo po ako sir, m-may gagawin pa po akong ibang trabaho…” kanda-utal-utal ako nang magtagpo ang mga mata namin. Hayan na naman ang mga matang hinihigop ang buo kong sistema! Sa tuwing titigan ay para bang inaalisan ako ng kontrol sa sariling katawan. I wanted to push him hard, I wanted to use my remaining strength to get away from his grip but I would be a huge hypocrite if I'd say I don't like the way his calloused and strong arms were snaked on my body. “P-Please, Darius… let me g-go…” halos nagsusumamo ang boses kong sinabi iyon. “Uh-huh?” He responded and tilted his head on the other side as if rethinking of his life decisions. “Let you go?” I nod abruptly. “Akin ba sa mga sinabi kong hindi ka maaaring umalis, hindi na ako papayag na mawala ka pa ulit ang hindi mo maintindihan, huh?” His
“DADDY! Daddy! Daddy!” Masayang salubong ng kambal at nag-unahang tumakbo sa kanya. Nawala ang galit sa kanyang mukha at napalitan iyon ng maamo at magaang awra. He opened his arms widely to welcome the twin's hug. “Daddy! You know what, we tried in a real playground! We tried lots of adventures there! We played with other kids as well, and they're twins too!” Tuluy-tuloy na kwento ni Irie, pagkatapos magsalita ay kaswal lamang niyang dinilaan ang hawak ma ice cream. “And we made pancakes with yaya awhile ago! We were sad Daddy because you were not with us this sunday but because of yaya Maya, we were not na!” Isaac said while licking his own chocolate ice cream. “Really?” Darius asked in a sweet voice but when his gaze turned to me, they were burning. Nag-iwas ako ng tingin at napalunok. Lagot na ako nito. Hindi ko alam kung anong maaaring consequences sa mga ginawa ko but I am sure, based on the look that he gave, he'll punish me real hard. Sumakay kami sa kotse. An
PUMARA kami ng four seater electric bike, na siyang maghahatid sa amin sa playground. Nasa loob lang naman iyon ng subdivision kaya kampante ako. Nag-unahang sumampa ang dalawa. “Wow! What is this thing, yaya?” Si Isaac, kuryoso at pagkamangha ang nagningning sa mga mata. “Whoa, this thing is cool!” Si Irie na hindi mapirmi sa kinauupuan, paikot-ikot niyang sinusuri ang bawat parte ng sasakyan. “Be careful, twins. Baka mahulog kayo!” Natatawa kong paalala sa makukulit. “Mga anak ninyo po, ma'am?” Napaangat ako ng tingin nang magsalita ang driver. Ngumiti ako at saka umiling bago sumagot. “Hindi po, mga alaga ko po.” Mula sa akin ay bumaling ang tingin niya sa kambal at saka sa akin ulit. “Ah, ganoon po ba, ma'am? Parang hawig ninyo po kasi, sa mata lang nagkakatalo dahil parehong berde.” Mausyosong komento nito. Hilaw akong ngumiti sa kanya at napakamot ng ulo. “Naku! Mapagbiro naman po kayo, Kuya! Talagang medyo may kahawig talaga sa akin iyon dahil araw-araw kaming magkakas
WE ENDED up in the kitchen, making pancakes. Dahil kahit anong kumbinsi kong mag-bake ng macaroons at cookies ay ayaw nila dahil that activity reserved only with their father. Napaka-sana all naman talaga! “Anong gagawin ninyo?!” Gulantang na wika ni Manang nang mamataan kaming tatlo sa marbled kitchen counter. Ang dalawang bulilit ay may kanya-kanyang hawak ma whisk at spatula. Nakatayo sila sa kani-kanilang wooden kitchen step tools. Nasa gitna ako ng dalawa at siyang nangungunang naglalagay ng harina sa mixing bowl. “We're making pancakes, Manang!” Irie chirped. “Wow! Really? You want to make pancakes with your yaya? Or you want to make it with me?” Ani Manang at akmang hihilahin ako upang siya ang pumalit nang magsalita si Irie. “Uhm… no, yaya is enough.” Sagot ng bata na ikinatigil ni Manang sa pag-aabot sa akin. “A-Are you sure?” Anito na hilaw na ngumiti. “You know, your yaya is not good at making pancakes! I am good at making pancakes, remember?” Giit pa rin niya at tul
“OH, bakit ka raw pinatawag?” Bungad na tanong ni Annie nang makabalik ako galing sa opisina ni Darius. Nasa dining na sila sa kusina at nagkakape. Magkatabi sila ni Sonya na kumakain ng pandesal. Humugot ako ng sariling upuan at saka nag-umpisang magtempla ng sariling kape. “Ako raw muna ang bahala sa kambal niya, may importante raw siyang kikitaing investor.” Kibitbalikat kong sinabi sabay tikim ng kape. Nagkatinginan sila ni Sonya. “Talaga? Ikaw ang ipinagkatiwalaan?” Hindi ko alam ngunit nahihimigan ko ang kakaiba sa tanong na iyon ni Sonya. Para bang… para bang pinahihiwatig niyang mayroong kakaiba sa amin ni Darius kaya niya ako pinagkakatiwalaan sa mga anak niya. “Oo, bakit? May problema ba? Hindi ba dapat ako ang dapat pagkatiwalaan sa mga alaga ko?” Bagama't kalmado ko iyong sinabi ay hindi nakaligtas ang bahagyang pagtaas ng aking kilay. Naningkit ang mata niya sa akin at uminom muna ng kanyang kape saka muli akong tiningnan mula ulo hanggang paa. Hindi ko mawari kung
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments