Home / Romance / The Billionaire's Babysitter / Chapter 1 - Chapter 10

All Chapters of The Billionaire's Babysitter: Chapter 1 - Chapter 10

39 Chapters

CHAPTER 1

"ANO PO? Paanong wala kayong naipon ma, eh, buwan-buwan ho akong nagpapadala!" Frustrated akong sumabunot sa aking buhok. "Mama naman! Umasa po akong may pampagamot kayo kasi may pinapadala ako! Anong gagawin natin ngayon? Wala na akong trabaho! Wala pa tayong pera! Tapos walang pampagamot!" "A-anak…" si mama. "A-akala ko kasi mananalo ako, eh." Nagbaba siya ng tingin nang humarap ako sa kanya. "Sinabi kasi ni Narseng na suwerte raw ang numerong iyon kaya dapat lang na i-mentain ko. Hindi ko naman aakalaing mauubos ng ganoon… sorry, anak…" Eh, ano pa bang magagawa ko? Mababawi ko ba ang putanginang perang iyon? Hindi na! Ni isang singkong duling wala na akong mababawi! Lahat ng pinaghirapan ko sa ibang bansa, wala na! Parang nabalewala lahat ng sakripisyo ko, ah! Wala akong ibang ginusto mabigyan lang sila ng magandang buhay pero bakit ganito? "Maya… patawarin mo na si Mama, pera lang naman 'yon eh, makikita pa naman 'yon ulit!" Si Ronald, ang nakatatanda kong kapatid kasama ang
last updateLast Updated : 2023-02-04
Read more

CHAPTER 2

ALAM KO kung anong nangyari, sariwa sa aking alaala ang buong pangyayari kaya hindi ako magtataka kung patay na ako. Baka pagmulat ko ng aking mga mata ay si san Pedro na ang kaharap ko, kung mamalasin, si satanas pa. Pero kung si satanas naman, wala naman akong maramdaman na mainit. Hindi ba ay kapag sa impyerno, mainit? Ang naramdaman ko ay iba, malamig. Baka nga sa langit ako mapupunta sa kabila ng mga pagkakamaling nagawa ko sa buhay! Sa isiping iyon ay nagmulat ako ng aking mga mata, at dahil biglaan ay napapikit akong muli dahil sumakit iyon bigla dahil sa liwanag. Confirmed! Nasa langit na ako! "She's awake..." Anang boses sa hindi kalayunan. Teka... Akala ko ba langit? Si San Pedro na ba 'yon? Handa na ba akong makipagkita sa kanya? Kung magkakaharap kami, bibigyan kaya niya ako ng one hundred days para maitama ko ang lahat ng mga kasalanan ko? Makabawi sa mga taong naiwan ko? "Yes, Kuya. I think she's awake. Her eye lids were moving and fist were clenching as well... Or
last updateLast Updated : 2023-02-04
Read more

CHAPTER 3

I FRUSTRATEDLY brushed my hair using my fingers as her figure slowly disappeared by my sight. I couldn't help but to slightly bang my head on the wall because of so much frustration. "Fucking fuck! I'm going crazy again! Who would have in his right mind to think that the stranger who saved his son is his missing wife? They have maybe a resemblance but they're totally different! My wife is a calm and shy person when it comes to me!" Parang akong baliw na kinakausap ang pader. I can't believe it! I just can't! It's really her! She seems familiar yet unfamiliar to me. For fucking sake, it's been years. Years! I shouldn't be looking for her anymore! I've been looking for her but I don't get any information of her whereabouts! Maybe because I couldn't find her because she's gone. Forever. With that thought, walang buhay akong bumalik sa kwartong aking pinanggalingan kanina. My sister, Shalani was still there, busy checking her phone but when she noticed me, she immediately come near me
last updateLast Updated : 2023-02-04
Read more

CHAPTER 4

"MA, ALIS po muna ako." Paalam ko kinabukasan kay Mama. Maaga akong nagising dahil maaga ang usapan namin ni Inday na pagkikita raw namin ng kakilala niya. Ang akala ko ay nagbabalak pa lamang na umalis pero hindi ko inaasahang kahapon daw agad ginawa dahil hindi na nakayanan! "Saan ka naman pupunta? May bago ka na bang trabaho?" Iyon kaagad ang tanong ni Kuya Roland sa akin. Napatigil ako saglit at tiningnan silang kumakain sa mesa. "Ikaw? Kailan ka magkakabayag at matutong tumayo sa sarili mong mga paa?" Pabalang kong sinabi na agad namang nireskyuhan ng magaling niyang nanay. "Malaya! Ano ka ba naman! Huwag mong kalilimutang nakatatanda mo siyang kapatid! Hindi ka na natutong gumalang!" Halos tumayo na si Mama sa kanyang kina-uupuan. "Oo nga!" Segunda ni Ate Rica. "Baka nakakalimutan mo, ikaw ang dahilan kung bakit..." Sinadya niyang hindi ituloy ang kanyang sinasabi at binigyan ako ng makahulugang ngisi. Oo, hindi ko nakalilimutan iyon. Habangbuhay akong hindi makakalimot.
last updateLast Updated : 2023-02-04
Read more

CHAPTER 5

"NANDITO NA tayo, Malaya." Napukaw ang aking atensyon nang magsalita si Ate Nila kasabay ng pagbaba sa tricycle. "Iyan ang bahay ng mga Stevenson," imporma niya. Nang sandaling bumaba ako ay agad na nilukob ang aking puso ng kaba at sakit. Agad ang marahas na pagkalabog ng aking puso nang sandaling makita ang bahay na nasa aking harapan. Lumunok ako, tila naging tuod ang aking mga paa sa sementong aking kinatatayuan. "Huminahon ka, Malaya. Baka nagkakamali ka lang. Hindi naman siguro. Baka iba na ang nakatira riyan. Ilang tao na ang nakalilipas, baka hindi na sila ang may ari niya. Pero..." Nanlaki ang aking mga mata nang tingnan si Ate Nila na awang ang bibig na nakatingin sa akin! "A-ano nga ulit, Ate? Kaninong bahay po ito?" Nangatal ang aking mga labi."Stevenson. Bahay ng mga Stevenson." Marahan niyang sinabi at para iyong musikang paulit-ulit na nag-play sa utak ko. "Bakit? Ayaw mo? Pwede naman, naghanap ka ng ibang trabaho. Ngunit sinasabi ko sa iyo, Malaya, may makita ka man
last updateLast Updated : 2023-02-04
Read more

CHAPTER 6

||A WEEK LATER||ISANG buntong hininga ang aking pinakawalan habang tinatanggal ang aking relong pambisig. It's just 3 o'clock in the morning and I just came back home after my long week of business trip in Japan. My children is passed asleep and I didn't plan on checking them on their rooms because I might distorb their sleep if I do so. After removing my wrist watch I proceeded to the bathroom to have a cold shower so that I could sleep peacefully. Habang nasa ilalim ng malamig na shower ay halos ipukpok ko na ang aking ulo sa kaharap na dingding nang mag-flash na naman sa aking isipang ang pagmumukha ng babaeng iyon. Hindi dapat ako nababaliw, I swore to myself a long time ago that I will never be the same person again because of that bitch but fucking hell, here I am again. Wala na talaga siyang ibang ginawa kung hindi ang guluhin ang utak ko. Wala akong pakialam kung matagal na siyang patay, it's a good news for me though but after seeing that same face again—in a different pers
last updateLast Updated : 2023-02-24
Read more

CHAPTER 7

KINABUKASAN nang magising ako ay halos hindi ako magalaw sa sobrang sakit ng aking katawan. Hindi naman na ako bago sa mahihirap na trabaho pero ang energy ng mga batang ito ay iba. Pero hindi naman ako nagrereklamo, hindi ako magrereklamo. "Oh, ano? Kaya pa ba? Unang linggo pa lang 'yan, ha!" Tumatawang puna ni Annie nang makita akong namimilipit sa sakit. "Ano ba kasing pinaggagawa ninyo kahapon? Bakit kayo umakyat doon sa likod?" Kamot sa ulong tanong pa niya. "Eh, gusto kasi ni Irie na kumain ng star apple. May star apple naman sa ref pero ayaw niya raw niyon. Gusto raw niya iyong nasa puno pa dahil aniya, hindi na raw iyon fresh at may germs na raw!" Iling kong kuwento. "Kaya ayon, ako ang umakyat sa puno ng star apple gamit ang hagdan tapos nong pababa na ako, sabay nila iyong niyugyog kaya nahulog ako." Ngumiwi ako nang sinubukang bumangon. Awang lamang ang bibig ni Annie. "Pero ayos lang iyon, masaya naman sila, eh. Debale ng masakit ang katawan ko basta mapasaya lang ang
last updateLast Updated : 2023-02-28
Read more

CHAPTER 8.1

"WHERE is the twins?" I asked the head servant after she poured a coffee in my glass. "Nandoon po sa yaya nila!" Maligalig niyang sinabi. Kapagkuwan ay lumapit sa may gilid ko na parang may ibubulong. "In fairness sir ano, hindi pa siya nagre-resign pagkatapos ng mga pinanggagawa ng kambal sa kanya!" In the middle of reading the important documents, I shifted my weight to the other side so that I could listen to her nonsense stories. I put my thumb and forefinger on my jaw, as if thinking deeply, but the truth is, I am so engrossed in what she is going to tell me about that woman with my kids. "At ito pa sir!" She's gesturing her hands while talking. "Kahapon po, tinapunan siya ni Irie ng orange juice!" I massaged the bridge of my nose. This is just normal for my kid. "Pero alam mo ba 'yon, sir? Imbes na sigawan ang bata o hindi kaya paluin ang kamay o puwede ring umiyak na lang sa harapan ng mga bata kaya lang ang ginawa niya, umupo siya sa harapan ng bata at kalmado itong ngin
last updateLast Updated : 2023-03-10
Read more

CHAPTER 8.2

ANO kayang trip ng lalaking iyon at ginawa akong tagatimpla ng kape? Of course, hindi ako papayag na hindi iba ang bayad doon. Actually, palusot ko lang naman iyon para hindi na niya gawin but the brute really insisted it to the point na iibahin pa ang bayad sa pagiging yaya ko at personal na tagatimpla. Hays, mga mayayaman nga naman...At bilang isa akong dakilang mukhang pera, tatanggapin ko siyempre. Grasya na ang lumalapit, tatanggi pa ba ako? Speaking of which, tumunog ang aking cellphone. "Hello, magandang gabi po, Mama." Sagot ko sa tawag ni Mama. "Magandang gabi rin naman, Maya, anak..." Humugot siya ng buntong hininga at may kung anong ingay sa background akong narinig. "Ano kasi anak, ngayong may trabaho ka na... Pwedeng magpadala ka naman? Balita ko kasi, sa isang malaking mansyon ka nagtatrabaho. Sigurado akong malaki ang sahod mo riyan." Nakagat ko na lamang ang loob ng aking pisngi sa litanya ng aking ina. "At sabihin mo rin Ma na hindi pa nakakapagbayad ng tuition s
last updateLast Updated : 2023-03-16
Read more

CHAPTER 9

NANG makarating sa maid's quarter ay nag-inat-inat ako dahil naramdaman ko na ang pagod ng aking katawan. Nang masulyapan ang malinis na higaan ay kulang na lang magmakaawa sa akin ang likod kong humilata na. "Hi, Maya!" Si Annie na akala kong tulog ay humarap sa akin, hawak niya pa ang kanyang cellphone at napa-iling ako nang makita ang ka-video call. "Afam lang muna ako, ha? Rest ka na riyan. Alam kong hindi biro ang pinagdaanan mo sa buong maghapon dahil sa mga amo natin!" Ngumiti ako at tumango. Kahit gustuhin kong humilata na kaagad ay hindi ko ginawa. Ayaw kong matulog nang madumi, nakaka-estorbo ng panaginip. Kaya kumuha na lang ako ng bagong damit at towel sa aking bag at saka iyon dinala sa banyo. Doon na rin ako magbibihis nang sa ganoon ay paglabas ko, matutulog na talaga ako. At nang matapos maglinis ng katawan at mag-tooth brush, lumabas na ako ng banyo at inaantok na naglakad patungo sa aking double deck. Isang malawak na ngiti ang sumilay sa aking mga labi nang sa w
last updateLast Updated : 2023-04-20
Read more
PREV
1234
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status