"NANDITO NA tayo, Malaya." Napukaw ang aking atensyon nang magsalita si Ate Nila kasabay ng pagbaba sa tricycle. "Iyan ang bahay ng mga Stevenson," imporma niya.
Nang sandaling bumaba ako ay agad na nilukob ang aking puso ng kaba at sakit. Agad ang marahas na pagkalabog ng aking puso nang sandaling makita ang bahay na nasa aking harapan. Lumunok ako, tila naging tuod ang aking mga paa sa sementong aking kinatatayuan.
"Huminahon ka, Malaya. Baka nagkakamali ka lang. Hindi naman siguro. Baka iba na ang nakatira riyan. Ilang tao na ang nakalilipas, baka hindi na sila ang may ari niya. Pero..." Nanlaki ang aking mga mata nang tingnan si Ate Nila na awang ang bibig na nakatingin sa akin! "A-ano nga ulit, Ate? Kaninong bahay po ito?" Nangatal ang aking mga labi.
"Stevenson. Bahay ng mga Stevenson." Marahan niyang sinabi at para iyong musikang paulit-ulit na nag-play sa utak ko. "Bakit? Ayaw mo? Pwede naman, naghanap ka ng ibang trabaho. Ngunit sinasabi ko sa iyo, Malaya, may makita ka mang trabaho ngunit kakapiranggot rin lamang ang sahod. Mabubuhay ba niyon ang pamilya mo?"
Umiling ako. Magkahalong disgusto at pagkagusto. Hindi, hindi maaaring magkita kaming muli. Hindi ako maaaring mapunta rito ulit pero... Paano ang pamilya ko? Saan ako makakahanap ng trabaho na malaki ang sahod? Ayaw ko na ring bumalik pa sa ibang bansa.
"Tanggapin mo na. Kung ano man iyang mga naalala mo, kalimutan mo. Baka nakalilimutan mong ibang tao ang ipakikilala mo sa kanila?" Pinaningkitan ako ng mata ni Ate Nila.
Lumunok ako. Oo nga, ibang tao ako. Hindi ako ang taong kilala nila noon.
Kahit hirap na hirap ay pinilit kong iangat ang aking mga paa palapit sa bahay na iyon kahit pa kasabay ng aking paghakbang ay ang mapait na ala-alang aking naranasan nang mga sandaling... Ipinilig ko ang aking ulo upang sa ganoon ay maiwaglit ko ang isipang iyon. Wala na, dapat ko na iyong pigilan. Baka naman... Kamag-anak nila ang babantayan ko.
Nag-doorbell si Ate Nila. Nang sandaling bumukas ang napakalaking puting gate ay inihanda ko ang aking sarili. Napahugot ako ng malalim na buntong hininga at saka iyon marahas na ibinuga, hindi ako ito noon. Ibang-iba na ako ngayon. Hindi nila ako makikilala sapagkat ibang tao na ako ngayon. Kaya ko 'to, kakayanin ko. Para sa pampagamot ni Mama.
Kinausap lang saglit ni Ate Nila ang guwardiyang nagbukas sa kanya at pinapasok na ako sa loob. Nagtaka ako dahil akala ko ay papasok rin siya ngunit mahina niyang ibinulong na 'sa oras na makalabas ka rito sa pamamahay na ito ay wala ka ng karapatan pang bumalik.' Magtatanong pa sana ako pero may nakaputing uniporme ng sumalubong sa akin.
Nagpakilala lamang siya saglit saka ako iginiya kung saan kahit alam ko na naman. Sumunod naman din ako.
"Ikaw ang bagong magiging tagapag-alaga ng kambal sa pamamahay na ito?" Anang naka-uniporme ng dark blue.
"Opo, ako po si Malaya... Malaya S-Ruiz po. Pinsan po ako ni Nila Ruiz ako po ang hahalili sa kanya." Tiningnan ko sa mata ang ginang at saka ngumiti.
Ininsayo ko ito kanina nang bumalik ako ng bahay para kumuha ng iilang gamit dahil ura-orada raw akong magsisimula. Akala ko ay makalilimutan ko ito kanina ngunit mabuti at hindi naman.
"Ilang taon ka na?" Taas kilay niyang tanong habang hindi ako tinatatantanang suyurin ng tingin na para bang isang making kilos ko, sebak na ako agad.
"25 years old po." Sagot ko.
"May boyfriend?" Natigilan ako sa tanong na iyon.
"Wala po—"
"Mainam! Nang sa ganoon ay wala kang ibang kababaliwan para malingat sa mga bata!" Ibinuka niya ang kanyang pamaypay at malakas iyong ipinaypay sa sarili. "Sumunod ka sa akin," utos niyang agad ko namang sinunod. "Naipaalam na ba ng pinsan mo ang mga bawal at hindi bawal sa pamamahay na ito?" Tumigil siya dahilan upang mapatigil din ako. "Aba kung oo, uulitin ko!" Nagulat ako sa lakas ng boses niya. "Unang-una! Dapat ay hindi nalilingat sa mga bata! Bawal ang cellphone tuwing nagtatrabaho! Bawal mag-selfie selfie kasama ang mga bata o kung kahit anong sulok ng bahay na ito! Ultimo gate, bawal! Pangalawa, bawal pumasok nang kwarto nang may kwarto! Kung saan ka nakatoka ay roon ka lang! Ikaw, dahil sa mga bata ka ay nasa second floor ang kanilang kwartong dalawa! Magkatabi iyan silang natutulog! Kaya ikaw, ang kwartong papasukan mo lamang ay ang playroom ng mga bata at ang kanilang mismong kwarto! Wala ng iba! Bawal ring natutuyuan ng pawis ang mga bata! Bawal magalusan dahil lagot ka sa kanilang lola! Dapat palagi kang malinis para hindi nahahawaan ang mga bata dahil kapag nagkasakit ang mga iyan, walang mag-aalaga! Hindi nagpapaalaga kaya siguraduhin mong hindi magkakasakit ni isa sa kanila! Naiintindihan mo?!" Bigla na naman siyang humarap sa akin dahilan ng pagtalon ko!
"Opo! Naiintindihan ko po!" Dali-dali kong naitikom ang aking bibig nang napalakas ang aking boses! "Sorry po, nadala lang ng emosyon." Nag-peace sign ako pero inirapan at tinalikuran lang ako!
Aba, may attitude rin. Mga matatanda nga naman.
"May sinasabi ka?" Aatakehin yata ako sa puso sa babaeng ito!
"Wala naman po, naisip ko lang po na ganoon na talaga ang mga matatanda, mabilis uminit ng ulo kaya... Sabi ko po, iintindihin ko na lang." Awkward akong ngumiti sa kanya.
"Aba sinasabi mo bang matanda na ako?!" Nanlisik ang mata niya sa akin.
"Uhm... Opo?" Nakangiwi kong sinabi.
Ay, bakit? Hindi ba? Mukha naman talaga siyang matanda, eh!
"Heh! Ang pinaka-ayaw ko rito ay mga pakialamera! Pwedeng-pwede kitang mapalayas dito kung gugustuhin ko!" Mayabang niyang sinabi na para bang ang kawalan ng trabaho ng kanyang kasamahan ay ang kanyang katuwaan.
Patago na lang ako umirap at inalakbay na lang ang mata sa paligid. Ilang taon na rin ang lumipad, maraming ipinagbago ang bahay. Ngunit ang ala-ala rito ay kailanman hindi magbabago.
"Rito ang maid's quarter." Imporma niya. "Dito kayo magbibihis, lahat ng damit ninyo lalo ka na ay puti. Dapat palaging malinis nang sa ganoon ay hindi magkakasakit ang mga bata. Alagay mo ang mga gamit mo riyan." Utos niyang agad kong sinunod.
Nakita ko ang mga nakahanger na puting scrub suits at hindi ko maiwasang mapahagikhik. Taray, nurse? Saan ang injection at i-injection-an ko sa mata ang mga may-ari ng bahay na ito?
"Tayo na, bilisan mo at ipakikilala kita sa kambal." Aniya na agad kong ikina-alerto. "English speaking ang mga iyon, hindi ka naman siguro bobo para hindi marunong mag-English, ano?" Nakaka-insulto niya akong tiningnan.
"Marunong naman po." Sinabi ko na lang para wala na siyang masabi pa at baka abutan kami ng madaling araw sa dami niyang sinasabi.
Nasa ground floor ang maid's quarter at ngayon ay umaakyat na kami sa ikalawang palapag. Nang makarating kami sa second floor ay tumungo siya sa ikalawang pintuan at kumatok muna siya ng tatlong beses bago niya pinihit pabukas ang pinto.
"Good morning, children. I am here today to let you two know that you're going to have a new babysitter." Imporma niya pero wala akong narinig na nagsalita. Kaya bahagya akong sumilip pero ganoon din ang paglingon niya kaya tumama ang siko niya sa noo ko. "Ayan, tatanga-tanga." Aniya at muntik pa akong hampasin ng hawak na pamaypay. "She's here now, by the way. Meet your new babysitter, Malaya Ruiz, Malaya, ang kambal na aalagaan mo. Irie at Isaac." Iminuwestra niya ako sa loob.
Nakakurap-kurap ako. Kinusot ko pa ang aking mata at pinanlaki iyon. Ang dalawang pares ng berdeng mata ay nakatingin sa akin. Sumeryoso ako at nakipagtitigan sa kanila, ganoon na lamang ang kalabog ng aking puso nang makilala ang batang lalaki. Siya iyong niligtas ko noong nakaraan.
"Hello, nice meeting you both..." Garalgal ang boses kong sinabi ngunit kailangan kong pigilan ang aking sarili.
How time flies so fast, yeah? Ang lalaki na nila. Nice meeting you for the first time in years, my babies...
||A WEEK LATER||ISANG buntong hininga ang aking pinakawalan habang tinatanggal ang aking relong pambisig. It's just 3 o'clock in the morning and I just came back home after my long week of business trip in Japan. My children is passed asleep and I didn't plan on checking them on their rooms because I might distorb their sleep if I do so. After removing my wrist watch I proceeded to the bathroom to have a cold shower so that I could sleep peacefully. Habang nasa ilalim ng malamig na shower ay halos ipukpok ko na ang aking ulo sa kaharap na dingding nang mag-flash na naman sa aking isipang ang pagmumukha ng babaeng iyon. Hindi dapat ako nababaliw, I swore to myself a long time ago that I will never be the same person again because of that bitch but fucking hell, here I am again. Wala na talaga siyang ibang ginawa kung hindi ang guluhin ang utak ko. Wala akong pakialam kung matagal na siyang patay, it's a good news for me though but after seeing that same face again—in a different pers
KINABUKASAN nang magising ako ay halos hindi ako magalaw sa sobrang sakit ng aking katawan. Hindi naman na ako bago sa mahihirap na trabaho pero ang energy ng mga batang ito ay iba. Pero hindi naman ako nagrereklamo, hindi ako magrereklamo. "Oh, ano? Kaya pa ba? Unang linggo pa lang 'yan, ha!" Tumatawang puna ni Annie nang makita akong namimilipit sa sakit. "Ano ba kasing pinaggagawa ninyo kahapon? Bakit kayo umakyat doon sa likod?" Kamot sa ulong tanong pa niya. "Eh, gusto kasi ni Irie na kumain ng star apple. May star apple naman sa ref pero ayaw niya raw niyon. Gusto raw niya iyong nasa puno pa dahil aniya, hindi na raw iyon fresh at may germs na raw!" Iling kong kuwento. "Kaya ayon, ako ang umakyat sa puno ng star apple gamit ang hagdan tapos nong pababa na ako, sabay nila iyong niyugyog kaya nahulog ako." Ngumiwi ako nang sinubukang bumangon. Awang lamang ang bibig ni Annie. "Pero ayos lang iyon, masaya naman sila, eh. Debale ng masakit ang katawan ko basta mapasaya lang ang
"WHERE is the twins?" I asked the head servant after she poured a coffee in my glass. "Nandoon po sa yaya nila!" Maligalig niyang sinabi. Kapagkuwan ay lumapit sa may gilid ko na parang may ibubulong. "In fairness sir ano, hindi pa siya nagre-resign pagkatapos ng mga pinanggagawa ng kambal sa kanya!" In the middle of reading the important documents, I shifted my weight to the other side so that I could listen to her nonsense stories. I put my thumb and forefinger on my jaw, as if thinking deeply, but the truth is, I am so engrossed in what she is going to tell me about that woman with my kids. "At ito pa sir!" She's gesturing her hands while talking. "Kahapon po, tinapunan siya ni Irie ng orange juice!" I massaged the bridge of my nose. This is just normal for my kid. "Pero alam mo ba 'yon, sir? Imbes na sigawan ang bata o hindi kaya paluin ang kamay o puwede ring umiyak na lang sa harapan ng mga bata kaya lang ang ginawa niya, umupo siya sa harapan ng bata at kalmado itong ngin
ANO kayang trip ng lalaking iyon at ginawa akong tagatimpla ng kape? Of course, hindi ako papayag na hindi iba ang bayad doon. Actually, palusot ko lang naman iyon para hindi na niya gawin but the brute really insisted it to the point na iibahin pa ang bayad sa pagiging yaya ko at personal na tagatimpla. Hays, mga mayayaman nga naman...At bilang isa akong dakilang mukhang pera, tatanggapin ko siyempre. Grasya na ang lumalapit, tatanggi pa ba ako? Speaking of which, tumunog ang aking cellphone. "Hello, magandang gabi po, Mama." Sagot ko sa tawag ni Mama. "Magandang gabi rin naman, Maya, anak..." Humugot siya ng buntong hininga at may kung anong ingay sa background akong narinig. "Ano kasi anak, ngayong may trabaho ka na... Pwedeng magpadala ka naman? Balita ko kasi, sa isang malaking mansyon ka nagtatrabaho. Sigurado akong malaki ang sahod mo riyan." Nakagat ko na lamang ang loob ng aking pisngi sa litanya ng aking ina. "At sabihin mo rin Ma na hindi pa nakakapagbayad ng tuition s
NANG makarating sa maid's quarter ay nag-inat-inat ako dahil naramdaman ko na ang pagod ng aking katawan. Nang masulyapan ang malinis na higaan ay kulang na lang magmakaawa sa akin ang likod kong humilata na. "Hi, Maya!" Si Annie na akala kong tulog ay humarap sa akin, hawak niya pa ang kanyang cellphone at napa-iling ako nang makita ang ka-video call. "Afam lang muna ako, ha? Rest ka na riyan. Alam kong hindi biro ang pinagdaanan mo sa buong maghapon dahil sa mga amo natin!" Ngumiti ako at tumango. Kahit gustuhin kong humilata na kaagad ay hindi ko ginawa. Ayaw kong matulog nang madumi, nakaka-estorbo ng panaginip. Kaya kumuha na lang ako ng bagong damit at towel sa aking bag at saka iyon dinala sa banyo. Doon na rin ako magbibihis nang sa ganoon ay paglabas ko, matutulog na talaga ako. At nang matapos maglinis ng katawan at mag-tooth brush, lumabas na ako ng banyo at inaantok na naglakad patungo sa aking double deck. Isang malawak na ngiti ang sumilay sa aking mga labi nang sa w
"NO! I don't want it! I don't want you!" Irie harshly splashed a water in my face when I attempted to wash her face. "Don't bath me! I can do it myself!" Sigaw niya sabay kuha ng sabon at basta na lang iyon itinapon sa mukha ko. Malaki ang sabon kaya sobrang sakit niyon sa mukha. Halos maiyak ako pero pinigilan ko at pinakalma na lang ang sarili. "Don't do that baby, okay? That wasn't nice to do." I calmly said. Trying to be friendly kahit ang sarap isako ng batang ito! Naku, naku, naku... Kung hindi lang talaga..."I don't care!" She yelled again. Aba, malditang bata talaga! "Baby, do you know that it is bad to shout? If you have something to say just please, say it calmly. Magkaharap lang tayo, oh, kung makasigaw ka parang nasa kabilang lupalop ng mundo naman ang kausap mo." Sambit ko na ikinagusot ng mukha niya, marahil ay hindi naintindihan ang iba kong sinabi."Stop saying nonsense, will you? You're really annoying! I hate you so much!" Namumula ng sigaw niya. "Why would I t
PAGKATAPOS ng tawag na iyon ay natulala ako saglit. Umagang-umaga pero ang lakas ko ay ubos na ubos na. Napahilamos na lang ako sa aking mukha at pinunasan ang kagigising pa lang na pagmumukha. Ayos ah, magkahalong sakit sa katawan at puso ang almusal ko. Puwede nang hindi kumain ng kanin! Magaling! "Oy! Napano ka naman diyan?" Untag ni Annie sa akin. Kababangon lang at sabog pa ang buhok. "Umagang-umaga parang pinagsakluban ka ng lupa, ah? May problema? Ano? Pera?" Sunud-sunod niyang tanong. Umiling ako at ngumiti sa kanya at saka tumayo. Sisimulan ang umagang ganoon ang bungad. Hindi na dapat ako nagtaka pa, iyon palagi ang bukambibig nila kapag hindi ko nabibigay ang gusto nila.As usual, maingay na naman ang maid's quarter dahil sa bunganga ng mayordoma. Ewan ko ba, hindi nauubusan ng sasabihin. Tumitikom lang yata ang bibig nito tuwing natutulog. Kasi maging sa pagkain ay maingay. "Bilisan ninyo! Dapat ay malinis lahat ng makikita ko!" Suplada niyang pinagdududuro ang mga kas
NAPABANGON ako nang tumunog ang alarm ko na naroon sa mismong tainga ko. Tuloy ay muntik ko na itong mahampas sa sobrang gulat ngunit nang makitang alas otso na pala ng umaga ay tumayo na ako ng tuluyan. "Oh? Saan ka pupunta?" Tanong ni Annie na mukhang kagagaling lang sa banyo. "Maliligo para sa trabaho?" Patanong kong sinabi. Ngumiwi siya. "Sira, maaga pa matulog ka pa!" Aniya at saka bumalik sa pagtulog. "Linggo ngayon kaya bumawi ka sa pagtulog, pagod ka mula pa kahapon sa mga alaga mo." Aniya.Saka ko pa lang naalalang sabado nga pala kahapon at linggo ngayon, ibig sabihin ay rest day ng karamihan ng mga kasambahay. Kaya naman bumalik ako sa pagkakaupo sa higaan ko at maya-maya pa'y humiga upang muling matulog nang biglang magsalita si Annie. "Grabe 'no, ang galing mo." Aniya, nababakasan ng paghanga ang tinig. "Biruin mo iyon, hindi kailanman napapainom ng gamot ang mga batang iyon kahit pa man liquid na nga at fruity flavored pa! Pero ikaw? Hinayaan ka nilang alagaan sila!
“D-DARIUS…” Naisatinig ko na lamang habang hindi makatingin sa kanya ng diretso. I didn't even know that this happened! “H-Hindi ko alam ‘to, hindi ko kilala kung sino ito…” nanginginig ang mga labi ko. Tumayo ako mula sa kama at kinuha ang ibang larawang nasa sahig na nahulog. Nang tingnan ko ang mga larawan ay nagtuluan ang mga luha ko. Tuluyan na akong napaluhod. Paulit-ulit na umiling. Ang daming pictures. May letrato ko noong lumabas ako ng hospital, kapapanganak ko pa lang sa kambal no'n. May mga larawan akong kalalabas lang ng isang club at nakasuot ng maiigsing damit! May larawan ding nakakandong ako sa lalaki at halos makalabas ang dibdib. Hindi… hindi ako ito! Alam kong sa club kami nagkakilala ni Darius pero hindi ako ang mga ito! Hindi ko naalalang gumawa ako ng ganito! He is the only man that I allow to touch myself. Wala ng iba at hindi magkakaroon ng iba! “D-Darius… I… hindi…” hindi ko mahanap ang dapat na mga salita gayong tumatagos sa kaibuturan ko ang l
MY TEARS rolled down my cheeks non-stop, like a broken faucet. I was clutching my chest as it aches so bad. I slapped it twice, as if the pain would lessen after doing so. But no, the pain didn't stop or lessen. It got worse and worse as I heard the brokenness of his voice. I'm sorry… I'm so sorry… Please forgive me. Please, please… I said those words wordlessly. Gusto kong lumabas sa silid na pinagkalalagyan upang suyuin siya't yakapin. Magpaliwanag ng katotohanan, sabihin kung gaano ko siya kamahal. Ngunit hindi ko alam kung paano itong buksan. Hindi ko alam kung saan ako lalabas. All I could do was cry at the back of this door. Or wall. Ni hindi ko alam kung pintuan ba ‘to o dingding. Ayaw tumigil sa pagtulo ang mga luha ko. Nakadikit ang aking tainga sa dingding, pilit na pinakikinggan ang mga usapang nasa kabila nito. Oo. Kilala ko ang mga kausap niya. Base sa boses ng mga ito, kung hindi ako nagkakamali, ang mga kaibigan niya ito. Falcon and Drako. Falcon na babaero at D
“BAKIT hindi mo na lang ito dinala kahapon?” Iiling-iling na sinabi ni Drako, prente siyang nakaupo sa aking swivel chair na para bang pag-aari niya ito. “Ay, sus! May pa-I don't fucking care-I don't fucking care ka pang sinasabi tapos heto at halos hindi ka na kumurap kakabasa riyan sa impormasyon tungkol sa asawa mo!” He added with full of mockery. “Where is she right now? Did you fire her? Ikinulong mo ba siya? Sa puso mo?” Matalim ang tingin na ginawad ko sa kanya. Nagpatay-malisya siya at bumalik sa pagkain ng chocolate cake. “Talaga namang ikukulong niya si Miss beautiful sa puso niya, lalo na ngayon na nakumpirma na niyang ito ang nawawala niyang asawa!” Nang manahimik si Drako, bumuka naman ang bibig ng gagong si Falcon. “Shut up, fucker.” Binato ko siya ng ballpen. “Why the fuck are you even here? Ang pagkakaalala ko, si Drako lang ang pinapunta ko, hindi ka kasama.” Falcon took a huge sliced of red velvet cake into his mouth and the motherfucker chew it slowly before
NANG buksan ko ang aking mga mata ay agad ko ring ipinikit nang ang sumalubong sa akin ay sinag ng araw, nanggagaling iyon sa nakabukas na bintana. Sapo-sapo ko ang aking noo at umahon mula sa pagkakahiga. When I checked my whole being, I was still fully clothed. Ang kaibahan lang, t-shirt ni Darius ang suot ko, thankfully, the shorts is mine. Nagbuntong-hininga ako. Binaluktot ang aking tuhod saka iyon niyakap. Umaga na, nothing happened last night dahil sinabi kong pagod ako. Totoo naman iyon dahil buong gabi kaming nagchukchakan noong isang gabi tapos hindi pa ako nakapagpahinga dahil sa kambal. Thankfully, he didn't question me much and just let me take a rest. Ngayon ay hindi ko na mahagilap ni anino niya. Siguro ay pumasok sa trabaho. Iniwan ako ritong mag-isa at walang pagkain. Maybe this is his way of punishing me? Tsk. Hanggang ilang araw kaya niya akong ikukulong rito? Ang mga bata, hindi kaya nila ako hinahanap? Maybe they're confuse right now but they'll get over i
“A-A-ANONG pinagsasasabi mo?” Kunot ang noo kong tanong at bahagyang umatras upang magtagpo ang mga mata namin, he gave me that but he made sure that I won't get away from his grip. “Bitawan ni’yo po ako sir, m-may gagawin pa po akong ibang trabaho…” kanda-utal-utal ako nang magtagpo ang mga mata namin. Hayan na naman ang mga matang hinihigop ang buo kong sistema! Sa tuwing titigan ay para bang inaalisan ako ng kontrol sa sariling katawan. I wanted to push him hard, I wanted to use my remaining strength to get away from his grip but I would be a huge hypocrite if I'd say I don't like the way his calloused and strong arms were snaked on my body. “P-Please, Darius… let me g-go…” halos nagsusumamo ang boses kong sinabi iyon. “Uh-huh?” He responded and tilted his head on the other side as if rethinking of his life decisions. “Let you go?” I nod abruptly. “Akin ba sa mga sinabi kong hindi ka maaaring umalis, hindi na ako papayag na mawala ka pa ulit ang hindi mo maintindihan, huh?” His
“DADDY! Daddy! Daddy!” Masayang salubong ng kambal at nag-unahang tumakbo sa kanya. Nawala ang galit sa kanyang mukha at napalitan iyon ng maamo at magaang awra. He opened his arms widely to welcome the twin's hug. “Daddy! You know what, we tried in a real playground! We tried lots of adventures there! We played with other kids as well, and they're twins too!” Tuluy-tuloy na kwento ni Irie, pagkatapos magsalita ay kaswal lamang niyang dinilaan ang hawak ma ice cream. “And we made pancakes with yaya awhile ago! We were sad Daddy because you were not with us this sunday but because of yaya Maya, we were not na!” Isaac said while licking his own chocolate ice cream. “Really?” Darius asked in a sweet voice but when his gaze turned to me, they were burning. Nag-iwas ako ng tingin at napalunok. Lagot na ako nito. Hindi ko alam kung anong maaaring consequences sa mga ginawa ko but I am sure, based on the look that he gave, he'll punish me real hard. Sumakay kami sa kotse. An
PUMARA kami ng four seater electric bike, na siyang maghahatid sa amin sa playground. Nasa loob lang naman iyon ng subdivision kaya kampante ako. Nag-unahang sumampa ang dalawa. “Wow! What is this thing, yaya?” Si Isaac, kuryoso at pagkamangha ang nagningning sa mga mata. “Whoa, this thing is cool!” Si Irie na hindi mapirmi sa kinauupuan, paikot-ikot niyang sinusuri ang bawat parte ng sasakyan. “Be careful, twins. Baka mahulog kayo!” Natatawa kong paalala sa makukulit. “Mga anak ninyo po, ma'am?” Napaangat ako ng tingin nang magsalita ang driver. Ngumiti ako at saka umiling bago sumagot. “Hindi po, mga alaga ko po.” Mula sa akin ay bumaling ang tingin niya sa kambal at saka sa akin ulit. “Ah, ganoon po ba, ma'am? Parang hawig ninyo po kasi, sa mata lang nagkakatalo dahil parehong berde.” Mausyosong komento nito. Hilaw akong ngumiti sa kanya at napakamot ng ulo. “Naku! Mapagbiro naman po kayo, Kuya! Talagang medyo may kahawig talaga sa akin iyon dahil araw-araw kaming magkakas
WE ENDED up in the kitchen, making pancakes. Dahil kahit anong kumbinsi kong mag-bake ng macaroons at cookies ay ayaw nila dahil that activity reserved only with their father. Napaka-sana all naman talaga! “Anong gagawin ninyo?!” Gulantang na wika ni Manang nang mamataan kaming tatlo sa marbled kitchen counter. Ang dalawang bulilit ay may kanya-kanyang hawak ma whisk at spatula. Nakatayo sila sa kani-kanilang wooden kitchen step tools. Nasa gitna ako ng dalawa at siyang nangungunang naglalagay ng harina sa mixing bowl. “We're making pancakes, Manang!” Irie chirped. “Wow! Really? You want to make pancakes with your yaya? Or you want to make it with me?” Ani Manang at akmang hihilahin ako upang siya ang pumalit nang magsalita si Irie. “Uhm… no, yaya is enough.” Sagot ng bata na ikinatigil ni Manang sa pag-aabot sa akin. “A-Are you sure?” Anito na hilaw na ngumiti. “You know, your yaya is not good at making pancakes! I am good at making pancakes, remember?” Giit pa rin niya at tul
“OH, bakit ka raw pinatawag?” Bungad na tanong ni Annie nang makabalik ako galing sa opisina ni Darius. Nasa dining na sila sa kusina at nagkakape. Magkatabi sila ni Sonya na kumakain ng pandesal. Humugot ako ng sariling upuan at saka nag-umpisang magtempla ng sariling kape. “Ako raw muna ang bahala sa kambal niya, may importante raw siyang kikitaing investor.” Kibitbalikat kong sinabi sabay tikim ng kape. Nagkatinginan sila ni Sonya. “Talaga? Ikaw ang ipinagkatiwalaan?” Hindi ko alam ngunit nahihimigan ko ang kakaiba sa tanong na iyon ni Sonya. Para bang… para bang pinahihiwatig niyang mayroong kakaiba sa amin ni Darius kaya niya ako pinagkakatiwalaan sa mga anak niya. “Oo, bakit? May problema ba? Hindi ba dapat ako ang dapat pagkatiwalaan sa mga alaga ko?” Bagama't kalmado ko iyong sinabi ay hindi nakaligtas ang bahagyang pagtaas ng aking kilay. Naningkit ang mata niya sa akin at uminom muna ng kanyang kape saka muli akong tiningnan mula ulo hanggang paa. Hindi ko mawari kung