Share

TMUW 10: Sundate

"Aurora," tawag ni Noah.

Marahan pa niya ako na tinapik. "Gising na," sambit ko nang hindi pa rin siya tumigil sa pagtapik sa akin.

"Labas ka na riyan. Nagugutom na ako," reklamo niya.

Hindi na ako nagpapilit pa nang tumunog na rin ang aking tiyan. Pinagbuksan niya ako ng pinto at nauna rin siya na pumasok bago ako. Nice, gentleman.

"Malayo pa tayo?" usisa ko.

Umiling siya. "Malapit na," aniya.

"Saan ba tayo?" tanong ko.

Lumabi siya at nagkibitbalikat. Ayaw sabihin kung saan. Hinayaan ko na lang din siya at hindi na tinanong pa.

Dumating na rin ang pagkain namin. Pareho yata kami na gutom na gutom dahil wala nang umiimik sa aking dalawa at pareho na lang na subo nang subo, kain nang kain sa mga nakahanda.

Tuloy ay nang natapos kaming dalawa ay halos hindi na ako makahinga sa sobrang busog. Pasimple ko na tinanggal ang butones ng aking pantalon upang makahinga naman kahit papaano ang tiyan ko.

Tahimik at mga tulala na nakitingin sa kawalan. Iyon kaming dalawa sa kasalukuyan.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status