Nangangalay ang leeg nang magising ako sa sofa. Napaayos ako ng upo at kinapa ang mukha kung may panis na laway. Nandito pa rin ako sa bahay namin ni Lucas.
Kung tutuosin ay p'wede naman na ako umalis na at iwan na siya rito dahil mukhang kaya niya na rin naman. Hindi ko nga rin alam kung bakit nandito pa ako. Nasanay lang yata talaga ako na kapag may nangangailangan ng tulong ko ay handa ako na igugol ang oras ko para roon na animo'y sinasaniban ako ni Mommy. Sa kaniya ko nakuha ang pagiging maasikaso sa mga tao na nasa paligid at hindi kayang iwan iyon hangga't hindi nakikita na maayos pa sa mas maayos ang kalagayan noong tao. Sinagot ko ang tawag ni Noah nang mag-ring ang phone ko. "Wala tayong paramdam ah," aniya. Ngumuso ako. "Baka kuwentuhan mo na naman ako tungkol kay Miss Bernadette e," pagbibiro ko. Natawa ako nang manahimik siya. Nagdadamdam na naman iyon panigurado. Tumayo na ako sa sofa. Nais uminom ng tubig dahil sa panunuyo ng lalamunan. "Kumusta araw mo?" pagkumusta ko. Nagpeke siya ng ubo. "Ayos lang. Ikaw?" tanong niya pabalik. "Hindi ayos. Nandito ako sa bahay namin," sabi ko. Ni-loud speaker ko na lang ang call upang maiwan iyon sa lamesa at makagalaw nang maayos. Kumuha ako ng baso at saka iyon nilagyan ng tubig. Sobrang nanunuyot talaga ang lalamunan ko. "Ano? Akala ko ba lumipat ka na sa condo mo at hinihintay mo na lang ang annulment paper?" tanong niya. "Nagkasakit si Lucas. Hindi ko naman puwede basta na iwan na lang siya rito," sagot ko. "Pagkatapos ng ginawa niya sa'yo?" natatawang aniya. "Nagagawa mo pa na alagaan siya kahit na wala naman siyang ibang ginawa kung hindi ang saktan ka niya?" "Noah, hindi naman ganoon iyon. Syempre kailangan niya ng mag-aasikaso sa kaniya lalo na ngayon—" "Iyan ba ang dahilan kung bakit nag-resign ka?" pagpuputol niya sa akin. Nangunot ang noo ko. Saan naman niya nakuha ang idea na 'yon. "Hindi. Kahapon lang siya nilagnat. Nagkataon na naghahakot ako ng mga gamit ko para ilipat iyon sa condo. Ano ako? Magre-resign lang para alagaan siya?" natatawang tanong ko. "We never know," aniya. Napailing na lang ako. "Kumusta sa office?" paglilihis ko sa usapan. "Ayos lang. Miss na kita," aniya. Natawa ako. "Mas miss kita," sabi ko. Simula noong mag-resign ako ay hindi na kami pa nagkita. Ayaw ko muna rin sana ng connection sa kahit kanino pero dahil sa nangyayari sa ngayon ay mas gusto ko ng may makakausap. Binalingan ko si Lucas na kapapasok lang sa kusina. Medyo iika-ika pa siyang maglakad kaya tiningnan ko ang binti niya animo'y makikita ko sa likod ng pajama na suot niya ang binti niya. Nagkibitbalikat na lang ako at umupo. "Tara date sa Sunday," si Noah. Tumawa ako. "Go lang ako. Wala naman akong gagawin," pagpayag ko. "Wait lang, Noah. May gagawin lang ako," paalam ko nang maramdaman ang paninitig ni Lucas. "Sige lang... Sunday tayo. Sunduin kita sa condo mo," aniya. "Pangit naman kung hiwalay pa tayo ng sasakyan." "Okay, tawagan kita ulit," paalam ko. Hindi na rin ako mapakali dahil ramdam ko ang mga mata ni Lucas. "Okay, love you," paalam niya. "Love you, Noah," sagot ko at pinatay na ang tawag. Binalingan ko si Lucas na ngayon ay nakatingin pa rin sa akin. "Boyfriend mo?" tanong niya. Tumango ako. "Oo," sagot ko. "I mean, lalaki na kai—" "That's good," aniya. Hindi na ako pinatapos pa. Pinaglaruan ko ang baso na nasa harapan ko. Ilang sandali lang din nang magpaalam siya na aakyat na sa itaas. "Mamaya ka na umakyat. Kumain muna tayo," pagpigil ko sa kaniya. "Iiinit ko lang 'yung pagkain sa ref, sandali lang naman iyon," dagdag ko. Ako pa ang natigilan nang makita na nanatili nga siya at umupo na lang. Tinaasan niya ako ng kaliwang kilay niya nang tumagal ang tingin ko sa kaniya. Inirapan ko siya at tumayo na lang din upang mag-asikaso. May natira pa sa kanin na sinaing ko kanina at marami pa iyon kaya iyon na lang din ang ininit ko. "Aasikasuhin ko na ang annulment paper," pagbabasag niya sa katahimikan. Tumango ako. "Tawagan mo ako kapag settle na lahat. Dadalo naman ako sa hearing," sabi ko. "No need. I can handle all of that. Tatawagan na lang kita para sa signature mo," aniya. "Sige," sabi ko at inihanda sa harapan ni ang mga ulam. "Nag-resign ka?" Gusto ko mamangha sa effort niya na makipag-usap sa akin. Hindi lang iyon dahil hindi siya sumisigaw! Wala rin mga mura. Gayunpaman ay napakunot ang noo ko nang matanong niya iyon. Mukhang narinig niya ang pag-uusap namin kanina. "I mean... I didn't mean to eavesdrop. Masiyado lang malalakas ang boses niyo," pagtatanggol niya sa kaniyang sarili. Tumango ako. "Kain na tayo," pag-aya ko nang maihanda na ang pagkain. Tahimik ang naging hapunan na iyon ngunit wala akong maramdaman na bigat na dala ng hangin. Magaan iyon at kumportable. Iyon na yata ang kauna-unahan sa bilang na mga sabay namin na paghaharap sa hapagkainan na naging kumportable ako sa presensiya niya. "Hindi mo naman kailangan na manatili pa rito. You can go. I don't mind," pakikipag-usap na naman niya. Sa pagkakataon na ito ay hindi ko na nilihim pa ang pagtawa. Tinakpan ko ng bahagya ang bunganga ko habang nakatingin sa kaniya. "What?" masungit na aniya. Dinaig pa ako sa bilis ng mood swing niya. "Nawiwirduhan na ako sa'yo. Ngayon mo lang ginagawa 'to," puna ko. Kumunot ang noo niya. "Ginagawa ang alin?" tanong niya. Tinuro ko ang sitwasyon. "Ito," pagpo-point out ko. "Huwag na tayo maglokohan. Sa pitong taon natin na magkasama ay ngayon ka lang naging kalmado sa harapan ko. Ngayon ka lang naging mahinahon at higit sa lahat ay ngayon mo lang ginawa ang pag-iinsist na kausapin ako," dagdag ko pa. Napaiwas siya ng tingin habang ako ay pang-asar na tiningnan siya. "Ganito ka ba mag-goodbye?" pang-aasar ko. "Kumain ka na... sa sobrang gutom mo na 'yan. Ang dami mong napapansin," aniya. Lumabi ako. "Paano hindi mapapansin e kung ngayon mo nga lang ginagawa ang mga ito sa buong pagsasama natin," sabi ko. "May nice side ka naman pala puro bad sides lang kasi natatanggap ko noon kaya hindi ako sanay sa pagkausap sa akin ng ganito," sabi ko. "Look, gusto ko lang maging civil sa iyo," aniya matapos ang namayapang katahimikan. Pinaningkitan ko siya ng aking mga mata. "May kinalaman ba ito sa parents ko? Dahil magfi-file ka ng divorce at maghihiwala tayo?" sabi ko. Hindi siya umimik. "Hindi mo naman kailangan na gawin 'yon. Ako na ang bahala magpaliwanag kila Mommy. Huwag ka mag-alala... hindi kita ilalaglag," sambit ko at bahagya pa na ngumiti nang nanatili ang mga mata niya sa akin. Nagpatuloy na lang kami sa pagkain. Inabot ko sa kaniya ang iba pa na ulam dahil puro kare-kare lang ang kinukuha niya. "Try mo. Masarap," sabi ko. Walang imik na tinanggap niya iyon. Wala siyang ibang ginawa kung hindi tanggapin ang pinagbibibigay ko habang ako ay natutuwa dahil sa akto niya na iyon. Natutuwa ako dahil walang bangayan. Walang sigawan. Walang murahan at pisikal na sakitan ang nangyayari. "Stop smiling," aniya. "Ay," nasabi ko na lang at kinagat ang ibabang labi ngunit hindi rin napigilan. Nang mas sumama ang mukha niya ay pinilit ko na ang sarili ko na tumigil. Minsan na nga lang siya ang maging dahilan ng kasiyahan ko ayaw pa niya. "Umuwi ka na pagkatapos kumain. Maayos na ang pakiramdam ko. Huwag mo na akong alalahanin." "Nakailan na ulit ka na," puna ko. "Gustong-gusto mo talaga ako na mapaalis na rito sa bahay. Akala ko pa naman kaya ka nagiging mabait kasi ayaw mo akong umalis," nakangusong biro ko. Inirapan lang niya at hindi na umimik hanggang sa matapos kami. Hinugasan ko na rin ang mga pinagkainan habang siya ay umakyat na. Magpapahinga na raw siya. Wala naman na akong iba pa na gamit sa loob ng silid ko. Iniwan ko lang doon ang iba pa na tingin ko ay hindi ko na rin kakailanganin. Karamihan nga roon ay ang mga regalo na binigay sa amin noong kinasal kami. Pinahalagahan ko talaga kaso ngayon na maghihiwalay na rin kami ng landas... mas makabubuti para sa akin na iwan na lang lahat ng memorya rito. Hindi rin kasi maganda ang mga karanasan ko sa kamay ni Lucas kaya nais ko na ibaon na lang sa limot ang lahat. Gusto ko na rin burahin sa sarili ko na minsan akong kinasal. Bumuga ako ng hangin at saka kinatok si Lucas sa silid niya. "Papasok na ako," paalam ko nang wala man lang sumagot. Walang imik na pumasok ako. Bukas ang ilaw ngunit wala siya. Wala naman ibang lugar pa rito na puwede niyang puntahan bukod sa banyo. Lumabi ako habang nililibot ang mga mata sa kabuoan ng kuwarto niya. Ito na talaga 'yon. Last na 'to at hindi na ako babalik pa rito pagkatapos. Seven years... "Ay, letse!" sigaw ko sa gulat nang bumukas ang pinto sa harapan ko at iniluwa si Lucas na walang damit na suot. Ibinaling ko sa ibang gawi ang aking paningin. Binibigyan ng oras na magsuot siya ng kaniyang damit. "Nasasanay ka nang pumasok sa kuwarto ko nang hindi nagpapaalam," aniya. "Nagpaalam ako! Wala lang sumagot kaya pumasok na ako," pagtatanggol ko sa aking sarili. "And what are you doing here again? I thought..." Tumango ako. "Paalis na nga. Magpapaalam lang," sabi ko. Nang hindi siya sumagot ay binalingan ko siya. Tinatagan ko na lang ang loob at pinilit na ipokus sa mukha niya ang mga mata at maging normal habang nakikipag-usap. "Okay? You may leave now. I assumed that you were not expecting a goodbye kiss from me, aren't you?" tanong niya. Naniningkit pa ang mga mata. Ngumiwi ako. "Kapal mo naman. Papahalik na lang ako sa pirana bago magpabalik sa'yo," pagsusungit ko at tumayo na. "Aalis na ako," paalam ko. "Balitaan mo ako sa annulment," sambit ko. Tumango siya. "Take care," aniya at sumampa na sa kama niya. "Bye," sabi ko at tumalikod na rin upang tahakin na ang daan palabas. Hindi rin naman ako umaasa na ihahatid niya ako sa ibaba. Aba, kung gagawin niya iyon ay magpapa-party na talaga ako. Himala na kasi 'yon. Inisang pasada ko pa na tingin ang bahay namin. Loob at labas. Nakabukas na nga ang pinto ng sasakyan ko pero hindi ko magawang umalis. Pinunasan ko ang luha na pumatak mula sa aking mga mata. Sa paglisan ko ngayong gabi... Ibabaon ko na lahat sa limot. Papalayain ko na ang nakaraan ko at wala akong ibang dadalhin sa future kung hindi ay ang sarili ko lang. Ako lang... ako naman. Ngumiti pa ako bago pumasok sa sasakyan. Sakto lang na makapasok ako sa loob nang marinig ang sunod-sunod na animo'y putok ng baril.Napasigaw ako nang may tumama sa aking sasakyan. Ang pangangatog ko ay hindi nakatulong.Sumiksik ako sa ilalim ng upuan dito sa driver seat upang itago ang aking sarili. Natatakot ako.Walang tigil ang putok na iyon. Tinakpan ko ang aking bibig upang hindi makagawa ng ingay. Natatakot na baka may makakita sa akin at ako ang puntiryahin.Bakit may ganito? Ano ito?Pigil ang paggawa ng ingay habang umiiyak nang lumipas ang segundo at wala pa rin humpay iyon.Medyo may kalayuan ang bahay namin sa iba pa na bahay na nakatira rito. Ang hindi ko sigurado kung naririnig nila ang mga putok na ito dahil sa sobrang tahimik ng gabi.Niyakap ko ang sarili ko at saka sumiksik pa lalo. Gusto kong humagulgol nang dahil sa takot lalo na nang marinig ang pagtama muli ng sunod-sunod na putok sa aking sasakyan. Napahawak ako sa sasakyan nang unti-unti na bumababa iyon. Mukhang pati mga gulong ko ay hindi nila pinalampas. Napadasal na ako sa lahat ng santo na sana tumigil na iyon. Sobrang natatakot ak
Wala ng nagawa pa si Lucas nang gabing iyon. Nanatili ako sa silid niya ngunit pinalayas din ako sa higaan at saka ako pinahiga sa sofa.Simula noong pag-uusap namin na iyon ay masama na naman ang tingin niya sa akin na para bang bawat minuto ay dapat na akong matakot dahil hindi ako sigurado kung sisikatan pa ba ako ng araw."Umalis ka nga rito kung hindi ka naman tutulong," pagtataboy ko sa kaniya nang mas lalo lang na nagkakalat ang maliliit na bubog dahil sipa siya nang sipa habang nakaupo sa sofa.Inirapan niya ako. "Shut up."Inirapan ko siya pabalik at tinuloy na ang ginagawa. Ang hindi ko maintindihan mula pa kanina ay ayaw niya magtawag ng police para ipaimbestigahan ang nangyari rito sa bahay.Ayaw niya kaya ako ang tumawag kaso kinumpiska naman niya ang cell phone ko kaya sa huli ay naiwan ako na walang imik na naglilinis ng bahay.Sa halip na police ang tawagan ay tumawag siya ng mag-aayos at magpapalit sa mga nabasag na bintana. Inuna ko na alisin ang mga nagkalat na bub
Iginugol ko ang oras ko sa pagco-crochet sa mga nagdaan na araw. Nabo-boring na rin ako dahil tinatamad din naman ako na lumabas pero ngayon araw ay hindi ko na kinaya pa. Dala ang susi ng sasakyan ay umalis ako roon at tumungo sa pinakamalapit na sinehan. Manunuod na lang ako. Hindi ako pamilyar sa on showing pero kumuha na lang ako ng solo ticket sa movie na alam ko na maganda naman kahit sa paningin ko na lang. Bumili rin ako ng pagkain bago pumasok sa loob. Nandito ako sa itaas sa pinakadulo. Ayaw makigulo roon sa ibaba. Tamang-tama lang din dahil hindi naman sakop na sakop ng mga mata ko ang radiation doon sa ibaba na binibigay ng led. Nasa kalagitnaan nang sumuko na ako. Hindi ko alam na horror movie pala iyon. Wala akong kasama ay medyo kinikilabutan ako. Mabuti sana kung may kasa-kasama ako rito sa dulong seat kaso wala! Ako lang ang nandito. Bumuga ako ng hangin at kinain na lang ang popcorn na hawak-hawak ko. Tatapusin na lang ang panood dahil sayang din naman ang binay
"Aurora," tawag ni Noah. Marahan pa niya ako na tinapik. "Gising na," sambit ko nang hindi pa rin siya tumigil sa pagtapik sa akin. "Labas ka na riyan. Nagugutom na ako," reklamo niya. Hindi na ako nagpapilit pa nang tumunog na rin ang aking tiyan. Pinagbuksan niya ako ng pinto at nauna rin siya na pumasok bago ako. Nice, gentleman. "Malayo pa tayo?" usisa ko. Umiling siya. "Malapit na," aniya. "Saan ba tayo?" tanong ko. Lumabi siya at nagkibitbalikat. Ayaw sabihin kung saan. Hinayaan ko na lang din siya at hindi na tinanong pa. Dumating na rin ang pagkain namin. Pareho yata kami na gutom na gutom dahil wala nang umiimik sa aking dalawa at pareho na lang na subo nang subo, kain nang kain sa mga nakahanda. Tuloy ay nang natapos kaming dalawa ay halos hindi na ako makahinga sa sobrang busog. Pasimple ko na tinanggal ang butones ng aking pantalon upang makahinga naman kahit papaano ang tiyan ko. Tahimik at mga tulala na nakitingin sa kawalan. Iyon kaming dalawa sa kasalukuyan.
Mula nang maihatid ako ni Noah noong gabi na iyon ay hindi na nawala pa sa isipan ko ang nangyari.Sigurado ako sa sarili ko na wala naman ako nakaaway at humantong pa talaga sa ganito na susundan ako.Ang nakakaaway ko lang naman ay si Lucas pero imposible iyon. Hindi naman niya siguro ako papasundan. Pero paano kung oo?Kinuha ko ang cellphone ko at hinanap ang kaniyang pangalan. Nais ko sana siya na tawagan ngunit pinigilan ko rin ang sarili ko.Ayaw ko naman na lumabas na pinagbibintangan ko siya. Paano kung hindi naman pala talaga siya ang nagpapasunod?Nagbuga ako ng hangin at naiiling na kinuha ang basket ng crochet kit ko. Ilang araw na rin mula ang insidente na iyon at kahit papaano ay natatakot din ako para sa sarili ko.Hindi pa ako lumalabas. Wala pa naman kasiguraduhan kung ako talaga ang sinusundan ngunit natatakot pa rin ako. Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako naka-encounter ng ganoon at si Noah pa ang unang nakaalam. Iwinaksi ko iyon sa aking isipan at nilibang na l
"What? Why?" tanong niya nang titigan ko siya. Umiling ako at umalis na lang doon sa lipstick section. Pinaalalahanan ko pa ang sarili na hindi ko ugali ang makipag-away dahil handa na akong patulan ang lalaki na iyon. Lumipat ako sa ibang section at ipinagpapasalamat ko na hindi na rin siya sumunod pa. Matapos ko roon ay saka ako dumiretso sa swim wear hall. Medyo nahirapan pa ako sa pagpili dahil sa dami ng magaganda. "Anong maire-recommend mo na color for me?" tanong ko kay Ate na nakasunod sa akin kanina pa. Ang ayaw ko sa lahat ay binabantayan ako habang namimili dahil pakiramdam ko ay iniisip nila na baka magnakaw ako pero sa ngayon ay palalampasin ko. Kailangan ko rin naman ng tulong. "For me, Ma'am. Mas bagay po ang color wine red. Red po ang kadalasan na kinukuha lalo na kung mestiza," aniya. "Napakaputi niyo po, siguradong-sigurado ako na bagay ito sa iyo." Ngumiwi ako. Red was just too overrated for me. Ngumiti ako. "Sige, salamat," sabi ko at kinuha ang emerald gree
"Kailangan mo ng kasama?"Tinaasan ko ng kilay si Haze na nagtanong noon. Nagugulat na lang ako dahil para siyang kabuti na sulpot nang sulpot sa harapan ko."Hindi," sagot ko at muling binalik ang paningin sa harapan.Dinig ko ang pagtawa niya bago naupo sa tabi ko. "Bakit wala kang kasama? Delikado para sa'yo lalo na at babae ka," aniya.Napairap na lang ako. Iwinasiwas ko sa buhangin ang nasa tabi ko na kahoy. "Kanina ka pa pinagtitinginan ng mga kalalakihan kanina. Actually, hanggang ngayon," subok pa niya muli. "Alam mo kung ano ang mas nakakatakot?" baling ko sa kaniya. Naiintriga niya akong tiningnan. Naghihintay ng sagot ko. "Ikaw. Hindi kita kilala pero kung makalapit ka ay para ba na magkakilala na tayo noon pa," pagtutuloy ko. Natigilan siya ng bahagya ngunit natawa rin matapos ang ilang sandali. "Come on, para naman hindi tayo pareho ng city na pinanggalingan—""At paano ka nakasisiguro na pareho lang ang pinanggalingan natin? Mas nakakatakot kung sasabihin mo na alam
Na-bored din ako agad nang hindi ko man lang ma-enjoy ang araw ko. Sinabayan pa ng oras-oras na pagmumukha ni Haze. Sino ang matutuwa? Inabot ko ang wine na inabot sa akin ng bartender. Walang ano-ano'y inisang inom ko iyon.Napapikit na lang ako nang sumakit ang ulo ko. Kanina pa rin nanlalabo ang mga mata ko kaya tinigil ko na mag-inom. Sobrang baba ng alcohol tolerance ko pero gustong-gusto ko naman ang lasa ng alak.Iwinagayway ko na ang kamay ko nang asta na lalagyan na naman niya ang baso ko.Mapungay ang mga mata ko na tumayo na roon. Nais na bumalik sa room ko upang matulog na muna ngunit sa sobrang katangaham ay natisod pa ako. "Salamat," sambit ko matapos umayos ng tayo mula sa pagkakasalo sa akin noong isang lalaki. Iiwanan ko na sana iyon nang hilain niya ako sa aking braso. Tinaasan ko siya ng kilay nang masalubong ang nakakatindig balahibo na ngising nakapaskil sa mga labi niya. "Come with me," aniya at lumapit pa. Salubong ang mga kilay ko na tinulak siya palayo sa