"My," bati ko sa kaniya nang makita siya rito sa kusina.
Nagulat siya at hindi inaasahan ang pagdating ko. Gayunpaman ay binigyan ako ng isang malaking ngiti. "Himala ang pagbisita mo ngayon," aniya. "Weekend po e. Nakakatamad din sa bahay, wala akong magawa kaya dito muna ako," sabi ko kahit na hindi pa naman ako umuuwi sa bahay mula pa nang umalis ako roon kahapon. "Where's Lucas? Hindi mo ba siya kasama?" tanong niya. Umiling ako. "Busy po siya," sagot ko. "I see... Napaka-busy talaga niyan ng asawa mo," puna niya. "Si Daddy po?" tanong ko na lang upang ilihis na ang usapan doon. Mabigyan lang ako ng isang kahit isang oras na makalimutan ang lalaki na iyon. "Nasa itaas. May online meeting." "Si Daddy talaga hindi na nagbago pati weekends ginagawang weekdays," sabi ko. "Hindi ka na nasanay," natatawang sambit ni Mommy. Nang pinatay na niya ang stove ay tumulong na akong magsandok ng pagkain. "Pakain po ako ha," natatawang sabi ko. Tumawa siya. "Mas hindi ako papayag kung hindi ka rito kakain," aniya. Sakto na bumaba na rin si Daddy nang matapos kami. Nagkakuwentuhan lang at kumustahan. Wala na nga si Lucas dito sa bahay ay siya pa rin ang kinukumusta. Kung alam niyo lang pinaggagawa sa akin noong lalaki na iyon... Nang sumapit ang gabi ay nagpaalam na rin ako. Isa pa ay para bang pinalalayas na nila ako dahil wala raw katabi si Lucas matulog. Hindi naman kami magkatabi noon. Sa halip na dumiretso sa bahay ay pumunta ako sa Wild Night. Wala pa akong gana na umuwi. Tahimik lang ang ako na uminom sa gilid. Nanunuod sa mga tao na naririto sa loob at nagsasaya. Napaurong ako nang umupo sa gilid ko ang dalawang lalaki. "Hi," bati noon. "Alone?" tanong niya. Umiling ako. "May kasama ako. Nasa comfort room lang baka pabalik na rin," sagot ko. "Can we sit here—" "Asawa... Asawa ko ang kasama ko," pagpuputol ko sa kaniya. Tumango siya at nagpaalam na rin sila na umalis. Tipid lang ako na ngumiti at saka inihiga ang batok sa sofa. Maaga na naman pala bukas para pumasok sa trabaho. Nakakatamad na. Parang dati lang ay gusto ko na agad lumaki ngayon ay parang gusto ko na lang na bumalik sa pagiging bata at magkulay-kulay ng coloring book sa bahay. Nang medyo tamaan ng alak ay nagpasiya na ako na umuwi na rin. Magmamaneho pa ako. Hindi ko man gusto na bumalik sa bahay ay wala rin akong pagpipilian. Isa pa nandoon 'yung mga uniform ko. Wala naman akong dala na damit. Tiningnan ko ang bahay na nasa harapan ko. Maliwanag at buhay na buhay ang mga ilaw. Hating gabi na rin kaya hindi na ako magtataka kung nasa loob na siya. Nagbuga ako ng hangin at pumasok na rin sa loob. Muntik pa ako na madapa dahil sa pagkaka-out of balance mabuti na lang ay napakapit ako sa hawakan ng hagdan. Sapo ang aking noo na ipinikit ang aking mga mata. Medyo tinamaan yata talaga ako sa alak. Kumunot ang noo ko nang makarinig ng tawanan sa itaas. Umakyat pa ako ng ilan pa na baitang ng hagdan. Animo'y dumikit ang mga paa ko at hindi ko na magawang ihakbang iyon sa aking nakita. Nagtatawanan silang dalawa na para bang masaya sa sariling mga mundo nila. "I love you. I can't wait to marry you," malambing na saad ni Iris. Naging mahirap sa akin ang umalis sa kinalalagyan ko at para akong nag-ugat doon nang magdapo ang mga labi nila. Kahit iiwas ang aking mga mata ay hindi ko magawa. "Ako rin," sagot naman ni Lucas matapos humiwalay sa halik. Para akong pinagbagsakan ng lupa. Wala pang dalawang araw na wala ako rito sa bahay may ganito na? May mas mailalala pa pala. Napaiwas ako ng tingin nang maabutan nila ako rito sa hagdan. Ako pa ang nahiya sa kanilang dalawa na dapat hindi naman dahil ako ang mas may karapatan na magalit. Ako pa ang nahihiya na baka nakakaabala na ako sa kanila. "Hi, Aurora!" bati ni Iris. Sinubukan ko na ngumiti ngunit hindi ko nagawa. Nagawa ko pa na tingnan si Lucas. Umaasa man lang na makaramdam ng hiya sa pinaggagawa niya at dito pa sa loob ng bahay namin niya nagawang lumandi at magdala ng babae ngunit wala akong nabakas doon kung hindi ang pagkabugnot. Tumango na lang ako kay Iris. "Akyat na muna ako," paalam ko at hindi na naghintay pa ng sagot mula sa kaniya. Nagtatakbo na ako at agad na isinarado ang pinto. Kinagat ko ang ibabang labi ko at napabuntong hininga na lang. Nag-init ang gilid ng mga mata ko. Parang may bumabara na bato sa lalamunan ko. Ano ba ang nagawa ko sa nakaraan na buhay ko. Sobrang sama ba ng kasalanan ko para danasin ito? Araw-araw na lang ba sasakit ang ulo ko? Kung hindi ulo ay katawan dahil sa pangbubugbog niya. Pinigilan ko ang sarili ko na maiyak. Deserve ko ba ang mga nangyayari sa buhay ko? Deserve ko ba ang mga nararanasan ko? Deserve ko ba ang lahat ng paghihirap na ito? "Tumigil ka nga, Aurora! Hayaan mo siya. Ayaw mo ba noon? Siya na mag-iinsist na mag-divorce na kayo at hindi ka na mahihirapan magpaliwanag sa mga magulang mo kung bakit kayo naghiwalay," pagkausap ko sa aking sarili. "Ayaw mo pa ba nito? Na pagkatapos ng pitong taon ay magiging malaya ka na at mababawasan na ang mga sakit mo sa ulo? Mababawasan na ang mga pasa na nakukuha mo? Hindi ka na magpapakahirap na maging alipin sa isang tao na ni minsan ay hindi ka naman nirespeto? Ayaw mo pa ba noon, Aurora?" tanong ko sa sarili. Pinunasan ko ang mga luha na dumaloy sa aking mukha na dala ng sobrang sakit, galit, inis, at mga emosyon na hindi ko na maipaliwanag pa. Minuto rin ang tinagal ko mula sa pagkakaupo sa likod ng pinto bago lumipat sa higaan. Hindi rin ako dinalaw ng antok na parang kanina lang ay gusto ko na humiga sa kama ko. Tiningnan ko ang orasan na nakadikit sa pader. Mag-uumaga na. Hindi ko alam kung paano na naman ako magtatrabaho nito mamaya. Huwag lang sana ako magkalat mamaya at nang maiwasan na mapagalitan. Iinom sana ako ng tubig ngunit ubos na ang nasa water dispenser ko. Dala-dala ang tumbler ko ay bumaba ako para kumuha ng tubig. Tahimik na ang paligid at mukhang tulog na rin si Lucas. Ang hindi ko sigurado ay kung nandito pa rin ba si Iris o umuwi na. Tanging ang paglipat lang ng tubig sa aking tumbler ang nagiging ingay sa paligid. Sinadya ko na hindi na buhayin pa ang ilaw. Mabuti na lang at stainless din ang nasa loob nito kaya nakatutulong na panatilihin na maging malamig pa rin ang tubig sa loob ng ilang oras. Ito ang lagi ko na dinadala sa trabaho iyon nga lang ay napakaingay kapag nalalaglag o bumabagsak dahil dinig na dinig ang stainless noon. Pinalobo ko ang pisngi ko nang makita ang cupcake na nasa ref. Hindi ko naman p'wede na pakialaman iyon dahil hindi naman sa akin kaya sa huli ay umakyat na lang ako sa itaas. Nagsalubong ang aking mga kilay nang marinig ang mga ingay na nagmumula sa silid ni Lucas. Hindi iyon ganoon kalakasan ngunit sa tahimik ng paligid ay naririnig ko iyon. Lumapit ako roon at marahan na idinikit ang kaliwang tainga sa pinto upang mas marinig iyon ng mas maayos. Kuryoso sa kung ano ang ingay na iyon. Dinig ko ang animo'y nag-uusap. Mukhang nanunuod at nakalimutan na patayin. Hindi ko na sana iyon papansinin dahil wala naman akong pakialam ngunit iniisip ko pa rin naman na hindi makakapagpahinga nang maayos si Lucas kung hindi papatayin iyon. Tahimik ko na binuksan ang pinto at bukas na TV ang siyang nabungaran ko. Hindi ko na inabala pa na buksan ang ilaw sa kaayawan na magising pa si Lucas ngunit ang mas nagpatigil sa akin ay nang tingnan ko ang kama niya at nasaksihan ko ang tahimik na paggalaw ni Lucas sa nakatuwad na si Iris. "Lucas..." si Iris. "Faster..." ungol niya. Mariin ko na tinakpan ang aking bibig upang hindi makagawa ng ingay ngunit aksidente rin na dumulas sa aking kamay ang tumbler na hawak ko dahilan upang gumawa iyon ng ingay. "Lucas!" tawag ni Iris. "What the fuck!" sigaw naman ni Lucas. Natakot ako nang sa direksyon ko kaagad tumama ang mga mata ni Lucas. Napalunok ako at nagmamadali na umalis na roon. Hindi ko na kinuha pa ang tumbler ko dahil gumulong na iyon at hindi ko na alam kung saan na napunta. Sobrang lakas ng kabog ng aking dibdib habang nilo-lock ang pinto ng silid ko. Tiwala ako na hindi niya iyon mapapasok dahil nasa akin ang susi ng sarili kong kuwarto. Wala rin siya pakialam sa silid ko kaya wala siya ni isang spare key.Maaga ako na umalis sa bahay. Hindi pa nga pumuputok ang araw ay umalis na ako. Ayaw ko man na pumasok ngayong araw ay wala akong ibang pagpipilian kung hindi ang umalis at lisanin ang bahay. Hindi ko alam kung ano na naman ang magagawa sa akin noong lalaking iyon. Hindi malabo na saktan niya ako muli nang dahil sa nangyari kagabi.Tiningnan ko ang Trion Building sa harapan ko at saka humikab. Wala pa akong tulog, tangina.Kinuha ko ang cell phone ko at kinalikot iyon upang i-message si Noah. Hindi na muna ako papasok.Niliko ko ang sasakyan upang tahakin ang daan patungo sa condo ko. Doon na lang muna ako magpapalipas at matutulog. Ano ba naman na buhay ang mayroon ako. Sinuwerte nga sa buhay na kinagisnan at mga magulang, sobra naman ang malas sa napakasalan na lalaki. Hindi naman ako pumili sa lalaki na 'yon! Nagising na lang ako at ipakakasal na. Ano raw kaya 'yon. Tiwala naman ako sa mga magulang ko na magiging maayos ang ipakakasal nila sa akin kahit papaano ngunit bakit nagi
Lubog na ang araw nang dumating ako sa bahay namin ni Lucas upang kuhanin ang mga gamit na naiwan. Katulad ng nais niya ay kukuhanin ko lahat ng gamit ko rito at walang ititira.Sarado ang mga ilaw kaya ako na ang nagbukas noon. Mabuti nga at pareho kami na may susi ng bahay kaya hindi hassle kapag pareho kaming wala at walang tao rito sa bahay. Pinalobo ko ang mga pisngi ko nang ilibot ang mga mata sa kabuohan ng bahay. Pitong taon din ako rito pero kahit saan na sulok ko tingnan ay wala man lang ako naging masaya na alaala. Puro masasakit na karanasan ang siyang nakikita ko.Tahimik ang bahay at kulang na lang ay makarinig na ako ng kuliglig sa paligid. Ganito naman lagi ang eksena. Napakalaki ng bahay pero parang wala naman nakatira. Sobrang lungkot din.Sa halip na magtagal pa ay pumunta na ako sa silid ko at niligpit na ang aking mga gamit. Ayos na rin 'to. Tama na 'yung pitong taon na paghihirap ko. Maraming lalaki sa mundo at hindi mauubusan ang bawat isa. Choice na lang nati
Sinamantala ko na iuwi na sa condo ko ang ilang mga gamit habang tulog pa si Lucas. Mahimbing ang tulog niya matapos pagpawisan sa kinain na noodles.Babalik din ako kapag tapos ko maligo upang maipaghanda ko naman siya ng pagkain. Baka mamaya ay dalawin siya ni Iris ay p'wede na ako manahimik.Matapos nga rin ay gumayak na ako paalis sa condo. Ang plano na magluto ay hindi na natuloy pa nang madaanan ang restaurant hindi kalayuan sa condo ko.Tanghali nang makarating ako sa bahay namin. Sa halip na puntahan si Lucas sa itaas ay inihanda ko muna ang pagkain.Nag-unat ako at bahagya na humikab. Wala pa akong maayos na tulog matapos noong nagising ako kaninang hating gabi. Inaapoy ng lagnat si Lucas at nakakatakot. Kung mas may malala pa nga kagabi na nangyari sa kaniya ay baka nasa hospital kaming dalawa ngayon.Kumatok pa muna ako sa pinto bago pumasok. Wala siya sa higaan. Marahil ay nasa banyo kaya nagpasiya ako na maghintay na lang sa loob at kalikutin ang cell phone ko ngunit ilan
Nangangalay ang leeg nang magising ako sa sofa. Napaayos ako ng upo at kinapa ang mukha kung may panis na laway. Nandito pa rin ako sa bahay namin ni Lucas. Kung tutuosin ay p'wede naman na ako umalis na at iwan na siya rito dahil mukhang kaya niya na rin naman. Hindi ko nga rin alam kung bakit nandito pa ako.Nasanay lang yata talaga ako na kapag may nangangailangan ng tulong ko ay handa ako na igugol ang oras ko para roon na animo'y sinasaniban ako ni Mommy.Sa kaniya ko nakuha ang pagiging maasikaso sa mga tao na nasa paligid at hindi kayang iwan iyon hangga't hindi nakikita na maayos pa sa mas maayos ang kalagayan noong tao.Sinagot ko ang tawag ni Noah nang mag-ring ang phone ko."Wala tayong paramdam ah," aniya.Ngumuso ako. "Baka kuwentuhan mo na naman ako tungkol kay Miss Bernadette e," pagbibiro ko. Natawa ako nang manahimik siya. Nagdadamdam na naman iyon panigurado. Tumayo na ako sa sofa. Nais uminom ng tubig dahil sa panunuyo ng lalamunan."Kumusta araw mo?" pagkumusta
Napasigaw ako nang may tumama sa aking sasakyan. Ang pangangatog ko ay hindi nakatulong.Sumiksik ako sa ilalim ng upuan dito sa driver seat upang itago ang aking sarili. Natatakot ako.Walang tigil ang putok na iyon. Tinakpan ko ang aking bibig upang hindi makagawa ng ingay. Natatakot na baka may makakita sa akin at ako ang puntiryahin.Bakit may ganito? Ano ito?Pigil ang paggawa ng ingay habang umiiyak nang lumipas ang segundo at wala pa rin humpay iyon.Medyo may kalayuan ang bahay namin sa iba pa na bahay na nakatira rito. Ang hindi ko sigurado kung naririnig nila ang mga putok na ito dahil sa sobrang tahimik ng gabi.Niyakap ko ang sarili ko at saka sumiksik pa lalo. Gusto kong humagulgol nang dahil sa takot lalo na nang marinig ang pagtama muli ng sunod-sunod na putok sa aking sasakyan. Napahawak ako sa sasakyan nang unti-unti na bumababa iyon. Mukhang pati mga gulong ko ay hindi nila pinalampas. Napadasal na ako sa lahat ng santo na sana tumigil na iyon. Sobrang natatakot ak
Wala ng nagawa pa si Lucas nang gabing iyon. Nanatili ako sa silid niya ngunit pinalayas din ako sa higaan at saka ako pinahiga sa sofa.Simula noong pag-uusap namin na iyon ay masama na naman ang tingin niya sa akin na para bang bawat minuto ay dapat na akong matakot dahil hindi ako sigurado kung sisikatan pa ba ako ng araw."Umalis ka nga rito kung hindi ka naman tutulong," pagtataboy ko sa kaniya nang mas lalo lang na nagkakalat ang maliliit na bubog dahil sipa siya nang sipa habang nakaupo sa sofa.Inirapan niya ako. "Shut up."Inirapan ko siya pabalik at tinuloy na ang ginagawa. Ang hindi ko maintindihan mula pa kanina ay ayaw niya magtawag ng police para ipaimbestigahan ang nangyari rito sa bahay.Ayaw niya kaya ako ang tumawag kaso kinumpiska naman niya ang cell phone ko kaya sa huli ay naiwan ako na walang imik na naglilinis ng bahay.Sa halip na police ang tawagan ay tumawag siya ng mag-aayos at magpapalit sa mga nabasag na bintana. Inuna ko na alisin ang mga nagkalat na bub
Iginugol ko ang oras ko sa pagco-crochet sa mga nagdaan na araw. Nabo-boring na rin ako dahil tinatamad din naman ako na lumabas pero ngayon araw ay hindi ko na kinaya pa. Dala ang susi ng sasakyan ay umalis ako roon at tumungo sa pinakamalapit na sinehan. Manunuod na lang ako. Hindi ako pamilyar sa on showing pero kumuha na lang ako ng solo ticket sa movie na alam ko na maganda naman kahit sa paningin ko na lang. Bumili rin ako ng pagkain bago pumasok sa loob. Nandito ako sa itaas sa pinakadulo. Ayaw makigulo roon sa ibaba. Tamang-tama lang din dahil hindi naman sakop na sakop ng mga mata ko ang radiation doon sa ibaba na binibigay ng led. Nasa kalagitnaan nang sumuko na ako. Hindi ko alam na horror movie pala iyon. Wala akong kasama ay medyo kinikilabutan ako. Mabuti sana kung may kasa-kasama ako rito sa dulong seat kaso wala! Ako lang ang nandito. Bumuga ako ng hangin at kinain na lang ang popcorn na hawak-hawak ko. Tatapusin na lang ang panood dahil sayang din naman ang binay
"Aurora," tawag ni Noah. Marahan pa niya ako na tinapik. "Gising na," sambit ko nang hindi pa rin siya tumigil sa pagtapik sa akin. "Labas ka na riyan. Nagugutom na ako," reklamo niya. Hindi na ako nagpapilit pa nang tumunog na rin ang aking tiyan. Pinagbuksan niya ako ng pinto at nauna rin siya na pumasok bago ako. Nice, gentleman. "Malayo pa tayo?" usisa ko. Umiling siya. "Malapit na," aniya. "Saan ba tayo?" tanong ko. Lumabi siya at nagkibitbalikat. Ayaw sabihin kung saan. Hinayaan ko na lang din siya at hindi na tinanong pa. Dumating na rin ang pagkain namin. Pareho yata kami na gutom na gutom dahil wala nang umiimik sa aking dalawa at pareho na lang na subo nang subo, kain nang kain sa mga nakahanda. Tuloy ay nang natapos kaming dalawa ay halos hindi na ako makahinga sa sobrang busog. Pasimple ko na tinanggal ang butones ng aking pantalon upang makahinga naman kahit papaano ang tiyan ko. Tahimik at mga tulala na nakitingin sa kawalan. Iyon kaming dalawa sa kasalukuyan.