CEO'S UNWANTED TWIN (SPG)

CEO'S UNWANTED TWIN (SPG)

last updateHuling Na-update : 2024-10-06
By:  RIDA Writes  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
5 Mga Ratings. 5 Rebyu
30Mga Kabanata
5.2Kviews
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
Leave your review on App

Warning: RATED 18 ‼️There are some words that may not be suitable for young readers. Tumakas si Purity dahil pilit siyang ipinapakasal sa isang bilyonaryong matandang lalaki. At para makalimot sa pamilyang nagbenta sa kanya para maisalba ang kanilang kompanya, kusa niyang ibinigay ang kanyang puri sa isang estranghero. Ang one night stand na magpapabago ng kanyang buhay. Paano kung ang lalaking inalayan niya ng sarili ay ang siyang mismong amo niya? Ang kinatatakutan niyang lihim ay nanganganib na mabunyag sa oras na malaman ng binata ang totoong pagkatao niya.

view more

Pinakabagong kabanata

Libreng Preview

Prologued

Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, events, and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.‼️Warning: RATED 18 ‼️ There are some words that may not be suitable for young readers.NAKASANDIG ang likod ni Purity sa pinto habang walang habas ang lalaki sa paghalik sa kanyang leeg. Kasabay ng paggalugad ng mga kamay nito sa kanyang buong katawan. Mariing ipinikit niya ang kanyang mga mata habang ninanamnam ang sensasyong ginagawa nito sa kanyang katawan."Open your eyes, baby. Gusto kong tumingin ka sa mga mata ko habang pinapaligaya kita," sabi ng lalaki sa kanyang paos na baritonong boses. Medyo lasing na ito at amoy ni Purity ang alak sa bibig nito.Napilitang imulat ni Purity ang kanyang mga mata. Para siyang nalalasing habang nakatitig sa mga mata ng lalaki. He has a deep brown eyes. Ang lagkit makatitig na parang hinihigop ka palapit. Napakapit s

Magandang libro sa parehong oras

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments

user avatar
RIDA Writes
Happy 2k views. Salamat po sa pagbabasa... ......️...️...️
2024-09-24 11:34:11
1
default avatar
Twiny Calma Timbol - Anicete
recommended
2024-09-07 19:30:16
2
user avatar
Docky
highly recommended
2024-08-18 17:12:38
2
user avatar
Mairisian
Recommended 🫶
2024-08-14 23:43:46
1
user avatar
Hane
Recommended! Basahin niyo po.
2024-08-13 20:00:55
1
30 Kabanata

Prologued

Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, events, and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.‼️Warning: RATED 18 ‼️ There are some words that may not be suitable for young readers.NAKASANDIG ang likod ni Purity sa pinto habang walang habas ang lalaki sa paghalik sa kanyang leeg. Kasabay ng paggalugad ng mga kamay nito sa kanyang buong katawan. Mariing ipinikit niya ang kanyang mga mata habang ninanamnam ang sensasyong ginagawa nito sa kanyang katawan."Open your eyes, baby. Gusto kong tumingin ka sa mga mata ko habang pinapaligaya kita," sabi ng lalaki sa kanyang paos na baritonong boses. Medyo lasing na ito at amoy ni Purity ang alak sa bibig nito.Napilitang imulat ni Purity ang kanyang mga mata. Para siyang nalalasing habang nakatitig sa mga mata ng lalaki. He has a deep brown eyes. Ang lagkit makatitig na parang hinihigop ka palapit. Napakapit s
Magbasa pa

Chapter 1: Desisyong Pagpapakasal

"MAGPAPAKASAL ka kay Marcus, Purity! Nakapagdesisyon na kami ng papa mo," balitang ikinagimbal ni Purity. Kauuwi lamang niya ng bahay galing sa university. Pagkatapos ay ipinatawag siya sa libary ng papa niya at ito ang bumungad sa kanya na sabi ng mama niya."Bakit po? Ma, nag-aaral pa po ako at gusto kong makatapos ng kolehiyo. Tsaka ayoko pong magpakasal kay Marcus." Mariing tanggi niya.Napatiim si Sheena, matigas talaga ang ulo ng kanyang anak. Alam na niyang tututol ito sa maging desisyon nila ni Pat. Pero wala na itong magagawa. Dahil nakatakdang ikasal si Purity kay Marcus at 'di na mababali ang plano."Hija, palubog na ang kompanya at tiyak akong hindi mo matatapos ang pag-aaral mo kung magkagayong mawawala ang nag-iisang kabuhayan ko. Gusto mo bang pati ang bahay at ang kotse mo ay kunin ng bangko?" Untag ni Pat, nakikiusap ang tingin niya sa kanyang anak.Bumaling ng tingin si Purity sa papa niya. "Wala na po bang ibang paraan? Kaya ko naman pong magtiis na 'di maganda ang
Magbasa pa

Chapter 2: Problemado

TUMABI ng upo si Ara kay Purity, nasa gym sila at kasalukuyan na naghihintay ng next subject nila. Kitang-kita ang malungkot na mukha ng best friend niya habang nakatingin sa mga estudyanteng naglalaro. Si Ara Salas, kaklase ni Purity, isang second year student at pareho silang kumukuha ng kursong Bachelor Degree in Architecture. "Anong problema?" Untag ni Ara na napatingin sa mukha ng kaibigan. Umiwas naman si Purity para 'di mahalata nito ang mamula-mulang mga mata. Napabuntong hininga siya. "Wala," maiksi niyang sagot. Napaamang si Ara sa isinagot ni Purity. "Anong wala? Nakita mo na ba ang mukha mo sa salamin? Nanlalalim ang mga mata mo at mugto pa. Kanina ko pa napapansin sa first subject natin ang mukha mo, Purity." Napatakip na si Purity ng mukha at humagulhol ng iyak. Bigla namang nag-alala si Ara sa nakikita paghahulhol ng kaibigan. Hinagod niya ang likod ni Purity para pakalmahin. "Huhulaan ko pa ba kung bakit ka umiiyak ng ganyan? Pamilya mo na naman ang problema mo,
Magbasa pa

Chapter 3: Family Dinner

ANG tagal ni Purity sa harap ng salamin. Malamlam ang mga mata na tinititigan niya ang sarili. Makakaharap niya ngayong gabi si Mr. Marcus Alanday, ang matandang binata na ipinagkasundo ng kanyang mga magulang sa kanya. Ni minsan ay hindi pa niya ito nakita ng personal. Pero nakikita niya ang mukha nito sa mga news.Hindi niya malaman kung paanong pakikiharap ang gagawin niya mamaya. Sana'y 'di siya magkamali at makapagtimpi siya nang hindi panimulan ng sigalot nilang buong pamilya.Huminga ng malalim na malalim si Purity. Sinuklay niya ang kanyang nakalugay na buhok at pagkatapos ay lumabas na ng kuwarto niya.Dahan-dahan pa siyang bumaba sa hagdanan. Naririnig na niya ang tawanan sa sala. Ramdam niyang andito na ang pinakahihintay na bisita nila."Andito na pala si Purity," malambing na anunsyo ni Mama Sheena na nakatingin sa gawi niya. Alam niya kung bakit parang ang bait nito sa kanya.Natuon ang tingin nilang lahat sa kanya. Ang mga mata ng kanilang bisita ay nakangiting nakatiti
Magbasa pa

Chapter 4: Mabuting Anak

Nang makaalis si Marcus ay tumayo si Sheena at malalaki ang hakbang na nilapitan si Purity. Hinaklit niya ito sa braso at sapilitang itinayo. Napasinghap si Pat at si Purity. Hila ni Sheena ang dalaga papunta sa sala. "Wala ka na talagang ginawang tama! Nakita mo ang kahihiyang ginawa mo kanina? Masyado mo kaming ipinahiya sa harapan ni Marcus. Ayaw mo talaga kaming tulungan ng papa mo. Eh, kung hindi na kaya kita papasukin sa university? 'Wag ka ng mag-aral. Tutal naman napatapos ka na namin ng senior high. Siguro tama na 'yong para sayo. Hindi na namin pag-aaksayahan pa ng pera ang pag-aaral mo!" Galit na galit na pananakot ni Sheena. "H-Huwag po, mama. Gusto ko pong mag-aral. 'Wag niyo po akong tanggalan ng karapatan kong makapag-aral at makatapos," pagmamakaawa ni Purity. Dumaloy na ang luha na kanina pa niya pinipigilan. Napalingon siya sa kanyang ama, humihingi ng awa rito. "Hmmp. Ang galing mong makiusap pero ayaw mo namang sundin ang gusto nina mama at papa. Ikaw nga ang ma
Magbasa pa

Chapter 5: It's Not You

PAUWI na si Purity at palabas na ng university. Hindi sila magkasabay ni Ara dahil sa may pasok ito sa part time job, kaya nauna itong umuwi sa kanya. Nang mapahinto siya dahil may sa pamilyar na lalaking naglalakad palapit sa kanya. Naka-business suit pa ito at halatang galing pa sa trabaho. Ngunit, hindi ito kasing tikas ng mga lalaking kasing edad niya. Napaiwas siya ng tingin nang makalapit ito sa kanya. "Good afternoon, Purity. Uuwi ka na ba?" bati at tanong ng nakangiting si Marcus. May dalawang lalaki ang nasa likuran nito na parang bodyguard. "Opo. Bakit po Mr. Alanday?" sagot niya at mahigpit na niyakap ang kanyang bag. "Here we go again. Just call me Marcus at tanggalin mo na ang po at opo sa akin. We're getting married. Magiging asawa na kita kaya sanayin mo na ang sarili mong tawagin ako sa pangalan ko. Kung gusto mo naman puwede mo akong tawaging babe, honey o kaya'y darling." Napabuga ng hangin si Purity. Naalibadbaran siya sa klase ng usap ni Marcus. Masyadong
Magbasa pa

Chapter 6: Natuturuan ang Puso

INIHINTO ni Marcus ang kanyang kotse sa tapat ng malaking bahay ng mga Manzano. "Do you enjoy the our first date, Purity?" tanong niya habang kinukuha ang bulaklak mula sa passenger seat. Ibinigay niya ang mga bulaklak sa dalaga. "Thank you for the flowers. Oo naman, nag-enjoy ako. Tama ka, masarap ang pasta," magiliw na sagot ni Purity, sabay ngiti ng matamis kay Marcus. Kailangan niyang maging mabait kay Marcus para hindi ito makahalata sa kanyang planong pagtakas. "That's good to hear. I better go. Give my regards to your parents." "Hindi ka na bababa?" tanong ni Purity. Kunwari lamang ang ipinapakita niya para mapalagay ang loob ni Marcus sa kanya. "Hindi na. May pupuntahan pa akong meeting pagkahatid ko sa'yo. Alam mo, masyado akong busy para siguraduhin na maayos ang lahat sa mga negosyo ko. I don't want a single mistake na ikababagsak ko. Lalo na sa mga kompanya ko na marami ang umaasa. And this is for our future, honey," seryosong sagot ni Marcus. Pilit na ngumiti si
Magbasa pa

Chapter 7: Balakid

NAGPADALA si Marcus ng gown kay Purity na isusuot niya para sa acquaintance party mamayang gabi. Kanina pa niya pinagmamasdan ang napakagandang gown at hindi niya mapigilan ang sarili na humanga.Napaka-elegante ng kanyang isusuot. It's a symphony sequin tassel dress na kumikislap sa bawat galaw niya. Magaling pumili si Marcus ng damit na angkop para sa kanya. Pati ang sukat niya ay nakuha nito. Talagang inilaan ang gown para sa kanya."Ang ganda naman ng gown mo. Puwedeng sa akin na lang pagkatapos mong isuot," biglang sabi ni Clarity na nasa may pintuan.Nilingon niya ang kanyang kapatid. "Sige, sayo na lang 'to pagkatapos bg party. Tutal, hindi ko naman na maisusuot 'yan." Pagpayag niya para tigilan na siya."Ang sabihin mo hindi bagay sayo ang magsuot ng mga eleganteng damit. Kahit anong damit naman ang isuot mo, aalingasaw pa rin ang baho ng pagkatao mo," sabi ni Clarity na may pang-iinsulto.Biglang napatayo si Purity. Masama niyang tinignan ang kapatid. "Pasalamat ka at may res
Magbasa pa

Chapter 8: Coat

GABI ng acquitance party sa university. Magkasama na dumating sina Ara at Purity. Iilan pa lamang ang andoon na mga estudayante. May mga estudyante ang napapatingin sa kanya. Humahanga sa kanyang suot. Halatang mamahalin ang kanyang suot na ibinigay pa mismo ni Marcus."Ang aga ata natin," sabi ni Ara, na panay ang lingon sa mga estudyanteng nasa loob auditorium."Maganda nga 'yon. Para maaga tayong makauwi. Nakakabagot naman dito."Tinaasan siya ni Ara ng kilay."Napaka-KJ mo, Purity. Andito tayo para magsaya. Tsaka, para makalimutan mo sandali ang kasal niyo ni Marcus. Kaya ayusin mo ang mukha mo. Malay mo makahanap ka r'to ng mayaman. Di ba? Eh, 'di siya na ang tutulong sa pamilya mo nang hindi na matuloy ang kasal mo sa matandang 'yon."May katuwiran si Ara. Malay nga niya may makilala siyang ka-edad niya na makakatulong sa kanya sa problema niya."Hi, Purity. Ang ganda mo ngayong gabi," bati sa kanya ng kaklase niyang lalaki, si Nelson. Isa ito sa nagpapahaging sa kanya. Hindi la
Magbasa pa

Chapter 9: Ang Malamyang Babae

ALIGAGA si Purity sa pagkusot ng bahagi ng coat na nadumihan. Nakakahiya ang ginawa niya. Napaka-lamya niyang kumilos. Ayan tuloy natapunan niya ng pagkain nila ni Ara ang coat ng guwapong lalaking 'yon. Mukha pa namang mamahalin ang suot nito. Sa ganda ng tela ng suit nito ay naiiba ito sa karamihan ng mga suot ng kalalakihan na estudyante sa university.Halos sang oras niya itong pinatuyo sa air dryer. Hindi na niya malaman kung anong itsura niya. Nagulo na ang mahabang buhok niya at tagaktak ang pawis sa kanyang noo."Hoy, Purity! Anong ginagawa mo d'yan?" Tanong ni Ara nang makapasok siya sa loob ng banyo at makita ang kaibigan sa harap ng may air dryer. Kanina pa niya ito hinahanap, nasa banyo lang pala ito."Pinapatuyo itong coat no'ng lalaki."Napaamang si Ara at nahilig ang ulo. "Anong nangyari?""Natapunan ko kasi ng pagkain natin," maikli niyang sagot."Kaya naman pala ang tagal mo. Kanina pa kita hinihintay, nagugutom na kaya ako." Reklamo ni Ara."Eh, pasensiya na. Kumuha
Magbasa pa
DMCA.com Protection Status