PAUWI na si Purity at palabas na ng university. Hindi sila magkasabay ni Ara dahil sa may pasok ito sa part time job, kaya nauna itong umuwi sa kanya. Nang mapahinto siya dahil may sa pamilyar na lalaking naglalakad palapit sa kanya. Naka-business suit pa ito at halatang galing pa sa trabaho. Ngunit, hindi ito kasing tikas ng mga lalaking kasing edad niya.
Napaiwas siya ng tingin nang makalapit ito sa kanya. "Good afternoon, Purity. Uuwi ka na ba?" bati at tanong ng nakangiting si Marcus. May dalawang lalaki ang nasa likuran nito na parang bodyguard. "Opo. Bakit po Mr. Alanday?" sagot niya at mahigpit na niyakap ang kanyang bag. "Here we go again. Just call me Marcus at tanggalin mo na ang po at opo sa akin. We're getting married. Magiging asawa na kita kaya sanayin mo na ang sarili mong tawagin ako sa pangalan ko. Kung gusto mo naman puwede mo akong tawaging babe, honey o kaya'y darling." Napabuga ng hangin si Purity. Naalibadbaran siya sa klase ng usap ni Marcus. Masyadong mayabang kaya hindi niya ito magustuhan. Paano ba niya magugustuhan ang isang matandang binata at halos kalahati ang agwat ng edad sa kanya? Bukod sa malaki na ang tiyan ay mataba pa ito. "Ano po bang ginagawa niyo dito?" tanong ni Purity. Napatingin siya sa mga kapwa niya estudyante na panay ang tingin sa kanila. Napabuntong hininga si Marcus. Binalingan ang kanyang mga bodyguard na nasa likuran niya. "Sige na. Safe ako dito." Taboy niya. Umalis agad ang mga lalaki at muling humarap kay Purity. "Gusto ko sanang imbitahan kang kumain sa labas. I would rather say, I want to date you. Normal lang naman 'yon dahil fiancee kita, ri ba?" Napilitan na lamang tumango si Purity. Iniisip niya ang pinag-usapan nila kaninang umaga ni Mama Sheena. Pumayag na siyang magpakasal kay Marcus kahit pa labag sa kanyang kalooban. Agad na sumilay ang malawak na ngiti sa labi ni Marcus. "Let's go. I promise you will enjoy this night." Anang niya sa dalaga. Lumapit si Marcus sa kanya at hinawakan siya sa braso na ikinakibot niya. Napaatras siya sa lalaki para makalayo ng kaunti dito. "Hindi mo na po ako kailangang hawakan. Kaya kong maglakad mag-isa," sabi niya at lumakad na siya. Pinagbuksan ni Marcus si Purity ng pinto at maingat siyang inalalayan papasok sa loob ng kotse. Pagkatapos, mabilis na umikot si Marcus at sumakay sa driver's seat. Binuhay ang makina, pinaharurot paalis sa university. Walang imikan sila ni Marcus sa loob ng sasakyan. Ayaw din naman makausap ni Purity ang lalaki. Wala siyang gana na kausapin ito at wala rin siyang gustong sabihin dito. "I have flowers for you. Nasa likuran mo. Sorry hindi ko nabigay kanina," basag ni Marcus sa katahimikan nila. "Hindi ka na dapat na nag-abala pa. Alam mo naman kung bakit ako nakikitungo sayo at kung bakit ako magpapalasal sayo. Kaya 'wag kang mag-aksaya ng pera sa akin. Ibigay mo na lang sa pamilya ko para maging masaya sila." Walang ganang sabi ni Purity. Natahimik muli si Marcus. 'Di naman lingid sa kanya na napipilitan lang si Purity na magpakasal sa kanya pero hindi maari sa kanya na ipakita niya ang kagaspangan ng ugali nya. "I want to give everything for you. Baka sakali kapag nakita mo kung gaano ako ka-sincere sayo ay magbago ang isip mo at mahalin mo rin ako." Napaawang ang bibig ni Purity at napairap. "Asa ka na mamahalin kita. Sorry kung hindi ko talaga kayang maging mabait. Gusto kong iparating sayo na 'wag kang umasa. Ginagawa ko ito para sa pamilya ko. Magiging iyo ako dahil sa pamilya ko pero ang puso ko hinding hindi mo makukuha." Maanghang na bitaw niyang salita. Nagtagis ang bagang si Marcus. Napahigpit ang hawak niya at manibela at biglang inihinto ang kanyang kotse sa gilid ng daan. "Purity, I'm really trying to be nice to you kasi gusto talaga kita. Ayokong masaktan kita o pagbuhatan ng kamay dahil sa mga pinagsasabi mo. Pero huwag mong isipin na kaya mo akong sindakin sa ganyang trato mo sa akin! You will marry me, and you’re mine only! Tandaan mo 'yan..." Si Purity naman ang natigilan. Napalunok siya ng ilang beses. Napaiwas siya ng tingin, na tumingin na lang sa labas. Huminto ang sinasakyan nilang kotse sa harap ng isang mamahaling restaurant. Mabilis na lumabas si Marcus ng sasakyan para pagbuksan ng pinto si Purity. Nang makalabas si Purity ng kotse ay napalinga siya sa paligid ng resto. Sa labas palang ay nagsusumigaw ang magarbo at mamahaling kainan ng mga mayayaman. Naramdaman niya ang marahang paghawak ni Marcus sa kanyang kamay, sabay ikinawit nito ang braso sa kanyang bisig. "Shall we go inside?" tanong ni Marcus nang may lambing. Napilitang tumango si Purity, at magkasabay silang pumasok sa loob ng restaurant. Sa kanilang pagpasok, nilapitan sila ng isang waiter. "Good evening, sir, and ma'am. Do you have a reservation?" tanong nito nang may magalang na ngiti. "Yes, under the name Marcus Alanday," sagot ni Marcus. Matamis na ngumiti ang babae at itinuro ang kanilang mesa. "This way, sir," aniya, habang inaakay sila papunta sa kanilang table. Ipinaghila ni Marcus si Purity ng upuan pagkatapos ay umupo ito sa katapat ng dalaga. "Do you want something? Kahit anong gusto mong kainin, sabihin mo lang sa akin." Sunuod-sunod na umiling ang dalaga. "Actually, busog pa ako, Marcus. Pero, ikaw na ang bahalang mag-order." "All right. Try the salad and pasta here. Masarap ang pasta dito, alam kong hindi ako mapapahiya sayo," sagot ni Marcus na panay ang ngiti. "Okay." Tanging tugon ni Purity. Tinawag ni Marcus ang waiter at nag-order ng pagkain nila. Nagpalinga-linga si Purity. Ang nakalarelax ang ambiance ng resto. Never pa siya nakapasok sa isang mamahaling restaurant. Kahit na may kaya ang pamilya nila, 'di siya nasasama ng papa niya kapag kumakain ang buong pamilya. Hindi nga siya welcome sa family nila. Kaya lagi siyang naiiwan. Wala namamg kaso sa kanya dahil wala siyang hilig sa kahit na anong luho. Sinanay niya ang sarili na maging simple, ayaw niyang maging katulad sa haft sister niya. Na nasobrahan sa luho, bramded na damit, sapatos, designer bags at kung ano ano pa. "Do you like the place?" Biglang napaharap si Purity kay Marcus nang biglang magtanong ito. "A-Ah, yes. Maganda rito. I'm sure lagi ka dito." "Oo. Madalas, mayroon akong meetings dito sa resto na 'to. Suki na nga nila ako," pagmamayabang ni Marcus. Pilit lang na ngumiti si Purity at napainom ng malamig na tubig. Sa kabilang banda, "Pealle, sabi mo magpapakasal tayo. You promised me. Anong nangyari?" Umiiyak na tanong ni Nayla. Nakipag-meet si Pealle kay Nayla para tapusin na ang lahat sa kanila. "I'm sorry. Hindi pa talaga ako handang magpakasal." Pinunasan ng dalaga ang mga luha niyang kanina pa dumadaloy sa mata. "Five years. Pagkatapos sasabihin mong hindi ka pa handang magpakasal. I give you everything. Buong buhay ko sayo lang umiikot ang mundo ko. Ano bang nagawa kong mali?" "It's not you, Nayla. It's me. Hindi ko nakikita ang future ko kasama ka. I'm really sorry, but I think I’m falling apart. Hindi na kita mahal," diretsong sabi niya. Sa loob ng limang taon nilang relasyon, naging mabuting girlfriend si Nayla. Pero kahit anong pilit, hindi niya maintindihan kung bakit bigla na lang siyang nawalan ng gana sa kanya.. Nayla Suarez, she's young, sexy and gorgeous. She's so perfect. Wala na siyang mahihiling para sa kanyang nobya. Ang problema lamang ay parang wala talaga siyang nararamdaman para dito. He tried pero wala talaga. "F**k you! Ang luma na ng linya mo. Iyan lang ba ang irarason mo sa akin after five years of wasting my time and love on you? Anong akala mo sa akin, laruan?" sigaw ni Nayla. "I know, Pealle, darating ang araw na babalik ka ulit sa akin. And when that time comes, ako naman ang magsasabi sa'yo na hindi na kita mahal, that I’ve moved on!" Tumayo siya, at walang pag-aalinlangang binigyan ng magkabilang sampal si Pealle bago mabilis na lumabas ng restaurant. Napagulat si Pealle sa ginawa ni Nayla. Hindi niya inaasahang masasampal siya sa harap ng maraming tao. Napatingin siya sa mga taong nakikiusyoso. Ang mga mata nila ay nasa kanya. May iba na kumukuha pa ng video at pictures. Pinanlakihan niya ng kanyang mata ang mga ito. Agad silang napaayos ng upo. "Mga tsismoso..." usal niya sa sarili. Napansin niya ang kumukuha pa rin ng kanyang video. Kahit tapos na ang palabas nila ni Nayla. "Hey! Delete that video, or I will sue you!" Sigaw niyang banta sa lalaking kumukuha ng videos niya. Namutla sa takot ito at kaagad ibinaba ang kanyang phone. Kumuha si Pealle ng tatlong libuhin sa kanyang wallet. Pagkatapos ay malalaki ang hakbang na lumabas ng restaurant. Alam niya ang mata ng mga taong nakasunod pa rin sa kanya. Napatingin si Purity sa likod ng lalaking palabas ng restaurant. Narinig niya ang komosyon pero hindi siya nagtangkang makiusyuso at panoorin. Hindi niya gawain ang makialam sa problema ng ibang tao, lalong hindi siya tsismosa.INIHINTO ni Marcus ang kanyang kotse sa tapat ng malaking bahay ng mga Manzano. "Do you enjoy the our first date, Purity?" tanong niya habang kinukuha ang bulaklak mula sa passenger seat. Ibinigay niya ang mga bulaklak sa dalaga. "Thank you for the flowers. Oo naman, nag-enjoy ako. Tama ka, masarap ang pasta," magiliw na sagot ni Purity, sabay ngiti ng matamis kay Marcus. Kailangan niyang maging mabait kay Marcus para hindi ito makahalata sa kanyang planong pagtakas. "That's good to hear. I better go. Give my regards to your parents." "Hindi ka na bababa?" tanong ni Purity. Kunwari lamang ang ipinapakita niya para mapalagay ang loob ni Marcus sa kanya. "Hindi na. May pupuntahan pa akong meeting pagkahatid ko sa'yo. Alam mo, masyado akong busy para siguraduhin na maayos ang lahat sa mga negosyo ko. I don't want a single mistake na ikababagsak ko. Lalo na sa mga kompanya ko na marami ang umaasa. And this is for our future, honey," seryosong sagot ni Marcus. Pilit na ngumiti si
NAGPADALA si Marcus ng gown kay Purity na isusuot niya para sa acquaintance party mamayang gabi. Kanina pa niya pinagmamasdan ang napakagandang gown at hindi niya mapigilan ang sarili na humanga.Napaka-elegante ng kanyang isusuot. It's a symphony sequin tassel dress na kumikislap sa bawat galaw niya. Magaling pumili si Marcus ng damit na angkop para sa kanya. Pati ang sukat niya ay nakuha nito. Talagang inilaan ang gown para sa kanya."Ang ganda naman ng gown mo. Puwedeng sa akin na lang pagkatapos mong isuot," biglang sabi ni Clarity na nasa may pintuan.Nilingon niya ang kanyang kapatid. "Sige, sayo na lang 'to pagkatapos bg party. Tutal, hindi ko naman na maisusuot 'yan." Pagpayag niya para tigilan na siya."Ang sabihin mo hindi bagay sayo ang magsuot ng mga eleganteng damit. Kahit anong damit naman ang isuot mo, aalingasaw pa rin ang baho ng pagkatao mo," sabi ni Clarity na may pang-iinsulto.Biglang napatayo si Purity. Masama niyang tinignan ang kapatid. "Pasalamat ka at may res
GABI ng acquitance party sa university. Magkasama na dumating sina Ara at Purity. Iilan pa lamang ang andoon na mga estudayante. May mga estudyante ang napapatingin sa kanya. Humahanga sa kanyang suot. Halatang mamahalin ang kanyang suot na ibinigay pa mismo ni Marcus."Ang aga ata natin," sabi ni Ara, na panay ang lingon sa mga estudyanteng nasa loob auditorium."Maganda nga 'yon. Para maaga tayong makauwi. Nakakabagot naman dito."Tinaasan siya ni Ara ng kilay."Napaka-KJ mo, Purity. Andito tayo para magsaya. Tsaka, para makalimutan mo sandali ang kasal niyo ni Marcus. Kaya ayusin mo ang mukha mo. Malay mo makahanap ka r'to ng mayaman. Di ba? Eh, 'di siya na ang tutulong sa pamilya mo nang hindi na matuloy ang kasal mo sa matandang 'yon."May katuwiran si Ara. Malay nga niya may makilala siyang ka-edad niya na makakatulong sa kanya sa problema niya."Hi, Purity. Ang ganda mo ngayong gabi," bati sa kanya ng kaklase niyang lalaki, si Nelson. Isa ito sa nagpapahaging sa kanya. Hindi la
ALIGAGA si Purity sa pagkusot ng bahagi ng coat na nadumihan. Nakakahiya ang ginawa niya. Napaka-lamya niyang kumilos. Ayan tuloy natapunan niya ng pagkain nila ni Ara ang coat ng guwapong lalaking 'yon. Mukha pa namang mamahalin ang suot nito. Sa ganda ng tela ng suit nito ay naiiba ito sa karamihan ng mga suot ng kalalakihan na estudyante sa university.Halos sang oras niya itong pinatuyo sa air dryer. Hindi na niya malaman kung anong itsura niya. Nagulo na ang mahabang buhok niya at tagaktak ang pawis sa kanyang noo."Hoy, Purity! Anong ginagawa mo d'yan?" Tanong ni Ara nang makapasok siya sa loob ng banyo at makita ang kaibigan sa harap ng may air dryer. Kanina pa niya ito hinahanap, nasa banyo lang pala ito."Pinapatuyo itong coat no'ng lalaki."Napaamang si Ara at nahilig ang ulo. "Anong nangyari?""Natapunan ko kasi ng pagkain natin," maikli niyang sagot."Kaya naman pala ang tagal mo. Kanina pa kita hinihintay, nagugutom na kaya ako." Reklamo ni Ara."Eh, pasensiya na. Kumuha
NARAMDAMAN ni Purity ang mga matang nakasunod sa kanya habang bumabalik sila ni Nelson sa kanilang upuan. Mahigpit ang pagkakahawak ng binata sa kanyang kamay, tila ayaw siyang pakawalan. Pagkaupo ni Purity, napansin niya ang makahulugang tingin ni Ara na parang may iniisip na kung ano. Hindi mapigilan ni Purity ang mapangiti nang makita niyang nakatingin pa rin si Nelson sa kanya, nakangiti ang mga mata nitong nakatingin sa kanya. "Thanks for the dance, Purity," sabi ni Nelson, na hindi mapigilan ang ngiti sa kanyang mga labi. Gumanti ng ngiti si Purity, at ilang segundo ay nagpaalam na ang binata sa kanya na babalik sa kanyang upuan. Biglang sumikdo si Purity nang maramdaman ang siko ni Ara sa kanyang tagiliran. Lumingon siya sa kaibigan na nakangiti nang pilya. "Anong ibig sabihin ng mga tinginan na 'yon? Mayroon ba akong dapat malaman?" Usisa ni Ara, sabay kindat. "Wala..." maikling sagot ni Purity, pilit na itinatago ang kanyang kilig. "Wala? Eh, parang may something sa mga
NAGISING si Purity sa isang silid na hindi pamilyar sa kanya. Napatingin siya sa kanyang tabi at nagmamadali na may pag-iingat na bumaba sa kama. Tulog na tulog ang nakadapa na lalaki sa kanyang katabi.Pinulot niya isa-isa ang kanyang mga damit na nasa sahig. Kumirot pa ng bahagya ang kanyang kaselanan kaya napangiwi siya. Pero tiniis niya iyon saka paika-ikang naglakad patungo sa banyo.Sa pagkasarado niya ng pinto ay napasandal siya. Napahinga siya ng malalim, para kasing kinapos siya ng hangin at halos hindi makahinga."Anong kagagahan ang ginawa mo, Purity?" Untag niya sa sarili, napaharap siya sa salamin. Napasapo siya sa kanyang noo. Gulo-gulo pa ang buhok niya at may mga pulang marka sa kanyang dibdib.Napapamura na lamang siya sa kanyang isip. Naka-ilang beses ba nilang ginawa ang magniig? Halos 'di na niya makilala ang itsura niya. Napahilamos siya ng mukha. Pinaglandas ang daliri sa kanyang labi. Ramdam pa ni Purity ang mainit na halik at haplos ng lalaking estranghero sa k
"SAMAHAN mo ako. Gusto kong magpunta sa club," sabi ni Pealle. Ipagdiriwang ba niya ang paparating na tagapagmana o ipagluluksa ang kabiguan? Wala nga siyang kaalam-alam tungkol sa babaeng 'yon. Napapailing si Andy sa pag-aya ng kaibigan niya sa club. Gustong magpakalango sa alak. Sandali lamang ang epekto ng alak, bukas tiyak na balik ito sa pagiging tuliro. "Mag-isip ka ng maayos. Paano mo makikita ang babaeng 'yon? Hahayaan mo ba na lumaki ang mga anak mo na walang kinikilalang ama?" Isa pang problema na kahaharapin niya ngayon. Paano nga kung may mabuo sa isang magdamag nilang pagniniig? At hindi lamang isang beses nilang ginawa, siguro'y limang beses. Hindi na rin niya matandaan. Ang nangingibabaw sa kanya nang gabing 'yon ay ang sarap habang kaulayaw ang babaeng malamya. Natutuliro na ang utak niya, hindi niya malaman kung ano ang gagawin. Pero hindi niya makakalimutan ang nangyari kagabi. Parang nag-ukit ito ng malalim na marka sa buhay niya, na kahit anong pilit, hinding-
BINAYARAN ni Pealle ang buong club ng isang gabi. Dalawa lamang silang magkaibigan ang nasa loob. Walang ibang puwedeng payagang makapasok kundi ang mga babaeng nagsasayaw sa kanilang harapan ni Andy habang sila'y umiinom ng alak.Nagsasaya si Andy na mayroon pang nakakandong na babae sa kandungan at hinahalikan ang leeg ng babae. Samantalang si Pealle ay panay ang inom ng alam at halos walang pakialam.Ipinikit niya ang kanyang mata, pinilit pigilan ang mga alaala. Matino siya ng gabing 'yon— hindi siya nakainom, kaya lahat ng detalye ng kanilang pag-iisa ni Miss Klutzy ay nakatatak sa isipan niya. Her soft skin, the way her body trembled under his touch, and that sweet, breathless moan still give shivers down to his spine. Ang natural na amoy niya, he is so addictive and so intoxicating, na hanggang ngayon, 'di pa rin niya makalimutan.Nabuhay na naman ang kanyang natutulog na alaga. 'Di na siya mapakali. Hindi na talaga normal ang kanyang nararamdaman.Tumayo si Pealle, tumungo sa
HUMAHANGOS papasok sa loob ng ospital ang mag-asawang sina Gloria at Alvin. "Si Dr. Castro?" kaagad na tanong ni Alvin sa babaeng nasa information. "Nasa emergency room po si doc." "Sige, salamat, hija." Sabi ni Alvin at mabilis na hinawakan ang kamay ni Gloria. Nagmamadali silang mag-asawa na pumunta sa emergency room. Sobra ang kaba at pag-aalala ni Gloria para sa kanilang anak ni Alvin. Narating nila ang emergency room, napatakip ng bibig niya si Gloria nang makita ang sitwasyon ni Pealle. Muli siyang napaiyak at napayakap sa asawa. Nalunos — lunos ang nakikita niyang mga sugat ng anak sa ulo at kamay. Wala itong malay at katabi ng kama ang kaibigang si Andy. "Mr. Solace, I'm glad that you came," sabi ng doktor. Napabitaw si Gloria sa asawa at sabay silang humarap sa doktor ng kanilang anak. "Dr. Castro." At nakipagkamay aa doktor. "Anong lagay ng anak namin?" tanong nag-aalalang si Gloria, napadako ang tingin niya kay Pealle. "He's out of danger. Pero ang kaibigan niya ay
PAGKAPASOK nina Pealle ay Andy sa loob ng bahay ay kapansin-pansin ang ibang taga-bantay na nasa loob. Nagsitayuan ang tatlong lalaki na nakasibilyan."Sir..."Nagpapalit-palit ang tingin ni Pealle sa tatlong lalaki. "Bakit tatlo lang kayo? Nasaan ang iba?""Naa ospital po, sir.""Ospital?" Nagtatakang tanong ni Pealle."Naisugod po si Ma'am Purity sa ospital. Ligtas na po sila ng baby niya," sagot ng isang lalaki.Nanlaki ang mata ni Pealle sa gulat. Parang wala silang nabanggit sa kanya na mayroong nangyaring masama sa kanyang mag-ina.Masamang tingin ang ipinukol niya sa kanyang mga tauhan. Kita sa kanyang mukha ang matinding galit na bumabalot sa kanya dahil sa paglihim ng pangkaka-ospital ni Purity."Bakit walang nagreport sa akin? Binabayaran ko kayong lahat para bantayan at ireport sa akin ang anumang mangyayari sa pamilya ko! Gusto n'yo bang tanggalin ko kayong lahat sa mga puwesto n'yo? Nagsasayang lang ata ako ng perang ibinabayad ko sa inyong lahat! Mga inutil!"Nagkatingin
HINDI na ipinagpaliban ni Pealle ang pagpunta sa lugar ng kinaroroonan ni Purity, kasama niya si Andy. Naibalita sa kanya ng mga nagbabantay na tama ang ibinigay na impormasyon ni Mr. Garcia. Mga limang bantay ang kanyang ipinadala upang proteksyunan si Purity at ang ipinagbubuntis nito. "Talagang desidido kang ikaw ang unang makakuha kay Purity. Kakalabanin mo si Marcus. Sa oras na malaman niya at ng pamilya ni Purity, ikaw ang ama ng ipinagbubuntis nito. Ewan ko na lang, Pealle. Parang mauulit ang World War III sa ginawa mo." "Dapat lang ako ang makakuha sa mag-ina ko. Anak ko iyon at si Purity ay pag-aari ko lamang." May diing tugon ni Pealle. "Nang-angkin ka na naman. Bakit kilala ka ba ni Purity? Nakakasigurado ka bang sayo nga ang batang dinadala niya? Pealle, marami ka pa ring dapat na isipin bago ka magpadalos-dalos ng hakbang. Ora-orada pupunta ka ng Masbate para puntahan ang babaeng 'yon." Nahila pa siya papunta sa probinsya. Nanahimik ang kanyang buhay kasama ang mga gi
"PURITY, ako na ang gagawa niyan. Ang laki-laki na ng tiyan mo, galaw nang galaw ka pa," saway ni Ara sa kaibigan. Limang buwan na rin ang tiyan ni Purity. Mabilis na tumulin ang mga araw at ilang buwan na lang ay masisilayan ni Purity ang kanyang anak. "Sabi ng doktor ko, dapat nga daw ay magkikilos ako. Nang mabilis akong manganak. Saka ang OA mo parang nagwawalis lang ako dito sa sala ayaw mo pa akong hayaan. Hindi naman ako mapapagod sa simpleng pagwawalos lang sa sala," mahabang sagot ni Purity. Sobra rin magbawal sa kanya si Ara ng mga gawain sa bahay. Ang katwiran nito ay ang bata sa sinapupunan niya. "Eh, kasi naman sobrang laki ng tiyan mo. Parang sasabog na 'yan. Itong buwan pala malalaman ang gender ng anak mo, di ba? Excited na akong makita sa screen ang baby mo, friend." Excited na silang magkaibigan na malaman ang kasarian ng anak ni Purity. Parang si Ara ang nanay ng kanyang baby. Kulang na lang ay akuin na nito ang lahat ng respinsibilidad niya para sa kanyang anak
"GUESS, what? I found her, Andy. Nakita ko si Miss Klutzy girl!" masayang-masaya na anunsyo ni Pealle nang makapasok sa loob ng opisina ng kaibigan.Kumunot ang noo ni Andy. Baka nagha-halllucinate ka lang. Dahil atat na ata kang makita siya. Tigilan mo na sabi 'yan. D'yan ka talaga mababaliw agad.""No! I didn't even see her in person. I just found out who she was—kung sino ang pamilya niya at kung saan siya nakatira," sagot ni Pealle.Nagulat si Andy sa narinig sa biglang naturan ng kaibigan niya. Sa isang babae lamang nagpakabaliw ng husto si Pealle at isang buwan na rin niya itong hinahanap."Pambihira ka. Nagpapakabaliw ka na talaga d'yan sa babaeng 'yon. Nakatikim ka lang ng v^rgin naging sobra ka naman maghabol sa kanya." Iiling-iling na komento ni Andy sa kaibigan."Hindi mo pa kasi nararanasan ang magmahal, Andy. Kapag naramdaman mo na, siguro maiintindihan mo na ako."'Di rin maintindihan ni Pealle ang sarili. He couldn't live a normal life ever since he met that girl. Kahit
NAKASAKAY na ng bus sina Ara at Purity. Nakadantay ang ulo ng kaibigan niya sa balikat ni Purity. Tulog na tulog si Ara habang nasa biyahe sila papunta sa isang malayong probinsya. Sobrang kaba ang naramdaman ni Purity habang tumatakas kanina. Pero sa kagustuhan na makawala sa kasal niya ay nilakasan niya ang loob. Salamat sa matalino niyang kaibigan na si Ara. Siya ang nagplano ng lahat. Bumilib siya kay Ara, sobrang pinaghandaan ang kanilang pagtakas. Ito nga, patungo na sila sa bahay ng lola nito sa probinsya. "Manong, pakibaba po muna d'yan sa tabi. Iihi lang po itong si Purity," biglang nasabi ni Ara sa driver. Lulan silang magkaibigan ng bridal car patungo sa simbahan. "Ma'am, naghihintay na po si Sir Marcus sa simbahan. Tinawagan po ako kanina para i-checked kayo." Sagot ng driver na nakatingin sa kanilang magkaibigan mula sa rearview mirror. "Naku, manong. Eh, kailan niyo paiihiin itong kaibigan ko? Gusto niyo bang dito pa sa loob ng sasakyan umihi 'to?" Giit ni Ara. Pali
ARAW ng kasal nina Purity at Marcus. Kasalukuyang nasa isang mamahaling hotel si Purity, inaayusan ng make up artist habang nasa tabi niya si Ara para umalalay sa kanya sa pagbibihis. Nangungusap ang mga mata ng dalaga. Kanina pa nagbabadya ang luha sa kanyang mga mata. Pero pilit niyang nilalaban ang kanyang emosyon. Ayaw niyang umiyak. Halos magdurog ang kaniyang kalooban na ikakasal siya sa lalaking 'di niya gusto. Hindi pa alam ni Marcus ang kaniyang kalagayan. Pasimpleng napahawak si Purity sa kanyang impis pang tiyan saka napadako ang tingin kay Ara. Tinanguan siya ng kaibigan. "Magbibihis na ba ang bride? Ako na ang tutulong sa kanya magbihis," tanong ni Ara na napatingin sa make up artist ni Purity. "Opo. Puwede na po siyang magpalit. Dahan-dahan lang pong hindi masira ang make up po ni ma'am." Sagot ng babae at nagpaalala kay Ara. Ngiti lang ang sagot ng dalaga. Inalalayan ni Ara si Puriry na makatayo sa upuan. Naglakad na sila papunta sa kuwarto. Pagkapasok nila sa loob
PAGKAPASOK na pagkapasok ni Purity sa loob ng bahay nila ay nadatnan niya sina Marcus at Clarity na nagtatawanan sa sala. Sabay pang napalingon ang dalawa sa kanya. "Andito ka na pala. Kanina ka pa hinihintay ni Marcus. Naiinip na nga, eh. 'Di kasi nagpaalam kung saan pupunta at hindi ka rin makontak sa phone mo," sabi ni Clarity na nakataas ang isang kilay. "H-Huh? Pasensiya na. May pinuntahan lang kami ni Ara. Ano bang meron?" tanong ni Purity na nagpapalit-palit ng tingin kina Clarity at Marcus. Napatayo si Marcus. "Gusto ko sana mqgpasana sayo para na puntahan ang mga sponsor natin." Sagot niya at napatingin sa kanyang relo. "Pero, maggagabi na. Kaya mas maganda siguro bukas na lang. Or ipadala ko na lang sa tauhan ko." Napatitig si Purity sa mapapangasawa. Kanina pa naghihintay si Marcus. Teka, nasaan ba ang phone niya? Bakit hindi na lang siya tinawagan nito? "Sana tinawagan mo ako para nakauwi ako ng maaga." "Naka-off po ang phone mo," sabat ni Clarity. Naguluhan naman s
"F*CK! Sige pa, Marcus... A-Ahhh..." mga halinghing na mura ni Clarity habang panay ang mabilis na ulos ni Marcus sa ibabaw niya. Nasa kuwarto sila ng dalaga at gumagawa ng kasalanan. Parehong nagpapasasa sa init ng katawan. At walang ibang nasa isip kundi ang tawag ng laman. "Lower your voice. Maririnig nila tayo sa labas. Gusto mo bang mahuli tayo?" Saway ng lalaki at mas binilisan ang paghugot at baon sa lagus*n ni Clarity. Ang laking eskandalo kung malalaman ni Pat ang pagkakamaling nangyari sa kanila ni Clarity. Isa pa ay malapit na ang kasal niya sa bunsong anak. Biruin mo nga naman dalawang dalagang anak ng Manzano ang kanyang makukuha. Iba talaga ang nagagawa ng pera. May pangangailangan din siya bilang lalaki at alam niyang hindi maibibigay ni Purity ng maluwag sa dibdib ang bagay na ganito. Tiis muna siya kay Clarity habang hindi pa sila naikakasal ng kapatid nito. Tutal, ito naman ang lumapit sa kanya at hindi niya ito tatanggihan. "Sorry. I can't help it. Ang galing-ga