BINAYARAN ni Pealle ang buong club ng isang gabi. Dalawa lamang silang magkaibigan ang nasa loob. Walang ibang puwedeng payagang makapasok kundi ang mga babaeng nagsasayaw sa kanilang harapan ni Andy habang sila'y umiinom ng alak.Nagsasaya si Andy na mayroon pang nakakandong na babae sa kandungan at hinahalikan ang leeg ng babae. Samantalang si Pealle ay panay ang inom ng alam at halos walang pakialam.Ipinikit niya ang kanyang mata, pinilit pigilan ang mga alaala. Matino siya ng gabing 'yon— hindi siya nakainom, kaya lahat ng detalye ng kanilang pag-iisa ni Miss Klutzy ay nakatatak sa isipan niya. Her soft skin, the way her body trembled under his touch, and that sweet, breathless moan still give shivers down to his spine. Ang natural na amoy niya, he is so addictive and so intoxicating, na hanggang ngayon, 'di pa rin niya makalimutan.Nabuhay na naman ang kanyang natutulog na alaga. 'Di na siya mapakali. Hindi na talaga normal ang kanyang nararamdaman.Tumayo si Pealle, tumungo sa
NILAPITAN ni Pat ang anak niya na nakaupo. Hinawakan niya ang kamay ng anak at napangiti kay Marcus. Naunang pumunta si Marcus sa maliit na bulwagan. Sa garden ng mga Manzano ginawa ang engagement party nina Purity at Marcus.Katabi ni Sheena ang kanilang anak ni Pat na si Clarity, nakatayo na sila sa unahan. Iginiya ni Pat ang anak niya sa tabi ni Marcus."It's my pleasure to announce that my daughter, Purity Manzano, is now engaged to Marcus Alanday. They will be getting married next month," masayang anunsyo ni Pat.Nagpalakpakan habang nakatayo ang mga bisita habang si Ara ay 'di makangiti na nakaupo sa unahang upuan. Natuon ang mata niya na kay Purity na pinepeke na lamang ang ngiting nakapaskil sa labi.May kinuha si Marcus na maliit na box sa loob ng bulsa ng kanyang pantalon. Binuksan niya iyon at nanlaki ang mga mata nina Sheena at Clarity sa nakitang singsing na may malaking diyamante sa gitna.Lumuhod si Marcus na parang nagpo-propose kay Purity, hawak ang black box na may s
WALANG ganang bumangon si Purity. Mahigit isang oras na siyang gising pero parang ang bigat-bigat ng kanyang pakiramdam para kumilos. Ngayong araw siya susukatan para sa wedding gown na isusuot niya sa kasal nila ni Marcus. Dalawang linggo na lamang ay idadaos na ang kasal nila sa isang sikat na simbahan sa Manila."Bumangon ka na, mahal na prinsesa. Kanina pa naghihintay ang prince charming mo sa sala," gising ni Clarity sa kapatid, hindi niya alam na kanina pa itong gising.Tinanggal ni Purity ang kumot at dahan-dahang bumangon. "Paki-sabi na lang na bababa na ako.""Opo, mahal na prinsesa," tugon ni Clarity na may halong sarcasm. Hi di na niya hinintay na sumagot si Purity at tumungo sa may pinto. Bago siya tuluyang makaalis ay binigyan niya ng pilit na ngiti ang nakababatang kapatid.Napabuntong hininga si Purity. Kailan kaya sila magkakasundo ni Ate Clarity? Wala na sigurong pagbabago. Hopeless na ang case nilang magkapatid. Ayaw magpatalo ng ate niya kahit na siya na ang nagpapa
NAGKAKAGULO ang mga estudyante sa university. Animo'y may celebrity na dumating. Nagkukumpulan ang mga babae at nagtitilian din ng mga ito. Napataas ang isang kilay ni Ara. Nagtataka siya, mayroon espesyal bang bisita ang university? Kaya halos lahat ay gustong makita ito. Natutulig ang tenga niya sa lakas ng sigawan. Pati sa canteen ay punong-puno ng mga estudyante. Ang ikinataka niya lalo ay puro babae lamang at mga bakla ang malalakas ang tili. Parang mga nasilihan sa sobrang kilig. "Anong nangyayari? May oppa bang dumating? Nagkakagulo ang lahat," Sunod-sunod na tanong ni Ara sa mga kaklase niya na nakikiusyuso rin. "May pogi sa campus, sobrang guwapo niya. Walang pamana si Papa P at iyong ibang mga artista," sagot ng kaklase niya. Kumunot ang noo niya. Parang iyon lamang, nagkakagulo na silang lahat. Akala pa naman niya ay may alien na dumating. "Parang guwapo lang nagkakaganyan na kayo." Asik ni Ara saka napairap. "Hoy, Ara! Baka kapag nakita mo ang inaanak ni Sir Edward,
"MARCUS, kailan ko makukuha ang pera na ipinangako mo? May usapan tayo na ibibigay mo ang parang napag-usapan natin sa oras na pumayag magpakasal sayo ang anak ko," tanong ni Pat, gusto na niyang makuha ang pera na dapat ay ibabayad ni Marcus sa kanya.Sinadya niya si Marcus sa kompanya nito para singilin. Isang linggo na lamang ay ikakasal na sila. Bakit hindi pa ibigay sa kanya ang kahit paunang bayad?"Napaka-sigurista mo talaga, Pat. Ang usapan ay pagkatapos ng kasal. Hindi pa kami naikakasal ni Purity. Naniningil ka ng bayad sa 'kin." Sagot ni Marcus. Atat na ata si Pat na makuha ang pera sa kanya. Maigi na lamang ay hindi nagmana si Purity ng pagkagahaman ni Pat sa pera. Magkaibang-magkaiba ang ugali ng mag-ama. Napapaisip nga siya kung totoong anak nito si Purity."May deal tayo, baka nakakalimutan mo! Baka gusto mong i-atras ko ang kasal niyo ni Purity. At sa iba ko na lang ipapakasal ang anak ko. Doon sa mas malaki ang ibabayad sa 'kin." Pananakot na sambit ni Pat. Wala pa si
BUMALIKWAS ng bangon si Purity nang maramdaman na parang nasusuka siya. Agad siyang tumayo at tumungo sa banyo. Sumuka siya sa bowl pero wala naman siyang naisuka. Napahawak siya sa kanyang dibdib, ang lakas ng kabog ng dibdib niya. Tumayo siya at bumalik sa kanyang kama. Nakatulalang naupo sa gilid ng kama.Napahawak siya sa kanyang sintido nang tila parang nahilo siya. Napapikit si Purity ng kanyang mga mata. Kinuha niya ang kanyang phone at tinext si Ara. Tumayo siya at dahan-dahan na naglakad papunta sa banyo.Makikipagkita siya kay Ara. Mayroon lamang siyang gustong tanungin at linawin sa kaibigan. Ayaw niyang manghula pero sana'y mali ang kanyang kutob.Masama ang pakiramdam niya nang magising at nangangasim ang kanyang sikmura. Wala pa naman siyang nakakain. Bigla siya nakaramdam ng kaba."Saan ka pupunta?" Biglang tanong ni Sheena nang makita si Purity na bihis na bihis."Kikitain ko lang po si Ara," hindi detalyadong sagot ng dalaga.Mariing napatitig si Sheena sa kanyang ste
"NAY, sa loob lang po kami ng kuwarto ko ni Purity," paalam ni Ara sa kanyang ina. Naghahanda na ito sa pagpunta sa palengke."Oh, sige. Ako'y lalakad na rin. May gusto ba kayong ipabili na dalawa ng kaibigan mo para sa tanghalian?"Napatingin si Ara kay Purity at umiling ito. "Hindi na po, nay. Bahala na po kayo kung anong gusto ninyong pananghalian natin. Hindi naman po namimili ng pagkain itong si Purity.""Buweno, aalis na ako. Kayo na ang bahala sa bahay. Mamayang gabi pa uuwi ang tatay mo at ang kuya mo galing sa trabaho.""Mag-iingat po kayo," tugon na paalala ni Ara sa ina.Mahirap ang buhay nila. Pero masaya pa rin. Normal lamang sa isang pamilya na minsan ay mayroong hindi pagkakaunawaan. Ngunit, naayos pa rin nila. Para kay Purity nakakainggit ang pamilyang katulad ng sa kaibigan.Nakaalis na ang ina ni Ara at nasa kuwarto na ang magkaibigan. Hawak ni Purity ang limang box ng pregnancy test kit."Lahat 'yang kit ay gamitin mo para sigurado tayo saka ka pumunta sa ospital pa
KINABUKASAN, magkasama ang magkaibigang sina Ara at Purity para tumungo sa ospital. Magpapacheck up si Purity upang mas maging sigurado silang buntis nga si Purity. Iba pa rin na malalaman nila ito sa isang espesyalista. Dito talaga nila malalaman ng walang palya. Tinawag si Purity at sinamahan siya ni Ara pumasok sa loob ng clinic ng OB. Naupo sila sa upuan sa harap ng lamesa ni doktora. "Good morning po," magalang na bati ni Purity. Sinuyod siya ng tingin ng doktor na babae. "Good morning din. Ilang tao ka na, ineng?" Nagkatinginan sina Purity at Ara. Tsaka, muling napatingin si Purity kay doktora. "I'm 18 po." "Anong maipaglilingkod ko sa inyong dalawa? Sinong magpapacheck up da inyo?" Nagpapalit palit ito ng tingin sa kanila. Parang may kakaibang tingin si doktora sa kanila. Siguro'y dahil sa pareho pa silang bata ni Ara. "Ako po," maagap na sagot ni Purity. "Hmm... Okay. Take urine sample at pagkatapos mo ay bumalik ka rito sa clinic." May kinuha itong maliit na botelya at