BIHIS na bihis si Ara, paalis na ito papunta sa trabaho. Naka-isang linggo na rin sila sa bagong upahan na bahay. "Kumain ka muna bago ka umalis. Mas maiging may laman ang tiyan mo habang nasa trabaho," aya ni Purity sa kaibigan at umupo na siya. Nakabili na rin sila ng mga kailangan nilang gamit sa bahay. Hindi na siya nagtatanong kay Ara kung saan nito kinukuha ang pera. Pero, ang laki ng pagtataka niya. Parang hindi nauubusan ng pera ang kaibigan niya. Umupo na rin si Ara at tahimik na kumain. Pinapanood lamang ni Purity ito habang nagmamadali ang pagsubo. "HOW is everything? May progress na ba ang ginagawang therapy kay Andy?" tanong ni Pealle sa doktor ng kaibigan. Nahinto muna siya sa paghahanap sa kanyang mag-iina para matutukan ang recovery ni Andy. May naatasan naman siya para sa paghahanap. Sobra ang galit niya ng malaman na umalis si Purity mula sa bahay tinitirhan. Walang nakakita ng pag-alis nito. Kaya labis ang kanyang pagkadismaya. Ngunit, hindi rin siya makak
Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, events, and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.‼️Warning: RATED 18 ‼️ There are some words that may not be suitable for young readers.NAKASANDIG ang likod ni Purity sa pinto habang walang habas ang lalaki sa paghalik sa kanyang leeg. Kasabay ng paggalugad ng mga kamay nito sa kanyang buong katawan. Mariing ipinikit niya ang kanyang mga mata habang ninanamnam ang sensasyong ginagawa nito sa kanyang katawan."Open your eyes, baby. Gusto kong tumingin ka sa mga mata ko habang pinapaligaya kita," sabi ng lalaki sa kanyang paos na baritonong boses. Medyo lasing na ito at amoy ni Purity ang alak sa bibig nito.Napilitang imulat ni Purity ang kanyang mga mata. Para siyang nalalasing habang nakatitig sa mga mata ng lalaki. He has a deep brown eyes. Ang lagkit makatitig na parang hinihigop ka palapit. Napakapit s
"MAGPAPAKASAL ka kay Marcus, Purity! Nakapagdesisyon na kami ng papa mo," balitang ikinagimbal ni Purity. Kauuwi lamang niya ng bahay galing sa university. Pagkatapos ay ipinatawag siya sa libary ng papa niya at ito ang bumungad sa kanya na sabi ng mama niya."Bakit po? Ma, nag-aaral pa po ako at gusto kong makatapos ng kolehiyo. Tsaka ayoko pong magpakasal kay Marcus." Mariing tanggi niya.Napatiim si Sheena, matigas talaga ang ulo ng kanyang anak. Alam na niyang tututol ito sa maging desisyon nila ni Pat. Pero wala na itong magagawa. Dahil nakatakdang ikasal si Purity kay Marcus at 'di na mababali ang plano."Hija, palubog na ang kompanya at tiyak akong hindi mo matatapos ang pag-aaral mo kung magkagayong mawawala ang nag-iisang kabuhayan ko. Gusto mo bang pati ang bahay at ang kotse mo ay kunin ng bangko?" Untag ni Pat, nakikiusap ang tingin niya sa kanyang anak.Bumaling ng tingin si Purity sa papa niya. "Wala na po bang ibang paraan? Kaya ko naman pong magtiis na 'di maganda ang
TUMABI ng upo si Ara kay Purity, nasa gym sila at kasalukuyan na naghihintay ng next subject nila. Kitang-kita ang malungkot na mukha ng best friend niya habang nakatingin sa mga estudyanteng naglalaro. Si Ara Salas, kaklase ni Purity, isang second year student at pareho silang kumukuha ng kursong Bachelor Degree in Architecture. "Anong problema?" Untag ni Ara na napatingin sa mukha ng kaibigan. Umiwas naman si Purity para 'di mahalata nito ang mamula-mulang mga mata. Napabuntong hininga siya. "Wala," maiksi niyang sagot. Napaamang si Ara sa isinagot ni Purity. "Anong wala? Nakita mo na ba ang mukha mo sa salamin? Nanlalalim ang mga mata mo at mugto pa. Kanina ko pa napapansin sa first subject natin ang mukha mo, Purity." Napatakip na si Purity ng mukha at humagulhol ng iyak. Bigla namang nag-alala si Ara sa nakikita paghahulhol ng kaibigan. Hinagod niya ang likod ni Purity para pakalmahin. "Huhulaan ko pa ba kung bakit ka umiiyak ng ganyan? Pamilya mo na naman ang problema mo,
ANG tagal ni Purity sa harap ng salamin. Malamlam ang mga mata na tinititigan niya ang sarili. Makakaharap niya ngayong gabi si Mr. Marcus Alanday, ang matandang binata na ipinagkasundo ng kanyang mga magulang sa kanya. Ni minsan ay hindi pa niya ito nakita ng personal. Pero nakikita niya ang mukha nito sa mga news.Hindi niya malaman kung paanong pakikiharap ang gagawin niya mamaya. Sana'y 'di siya magkamali at makapagtimpi siya nang hindi panimulan ng sigalot nilang buong pamilya.Huminga ng malalim na malalim si Purity. Sinuklay niya ang kanyang nakalugay na buhok at pagkatapos ay lumabas na ng kuwarto niya.Dahan-dahan pa siyang bumaba sa hagdanan. Naririnig na niya ang tawanan sa sala. Ramdam niyang andito na ang pinakahihintay na bisita nila."Andito na pala si Purity," malambing na anunsyo ni Mama Sheena na nakatingin sa gawi niya. Alam niya kung bakit parang ang bait nito sa kanya.Natuon ang tingin nilang lahat sa kanya. Ang mga mata ng kanilang bisita ay nakangiting nakatiti
Nang makaalis si Marcus ay tumayo si Sheena at malalaki ang hakbang na nilapitan si Purity. Hinaklit niya ito sa braso at sapilitang itinayo. Napasinghap si Pat at si Purity. Hila ni Sheena ang dalaga papunta sa sala. "Wala ka na talagang ginawang tama! Nakita mo ang kahihiyang ginawa mo kanina? Masyado mo kaming ipinahiya sa harapan ni Marcus. Ayaw mo talaga kaming tulungan ng papa mo. Eh, kung hindi na kaya kita papasukin sa university? 'Wag ka ng mag-aral. Tutal naman napatapos ka na namin ng senior high. Siguro tama na 'yong para sayo. Hindi na namin pag-aaksayahan pa ng pera ang pag-aaral mo!" Galit na galit na pananakot ni Sheena. "H-Huwag po, mama. Gusto ko pong mag-aral. 'Wag niyo po akong tanggalan ng karapatan kong makapag-aral at makatapos," pagmamakaawa ni Purity. Dumaloy na ang luha na kanina pa niya pinipigilan. Napalingon siya sa kanyang ama, humihingi ng awa rito. "Hmmp. Ang galing mong makiusap pero ayaw mo namang sundin ang gusto nina mama at papa. Ikaw nga ang ma
PAUWI na si Purity at palabas na ng university. Hindi sila magkasabay ni Ara dahil sa may pasok ito sa part time job, kaya nauna itong umuwi sa kanya. Nang mapahinto siya dahil may sa pamilyar na lalaking naglalakad palapit sa kanya. Naka-business suit pa ito at halatang galing pa sa trabaho. Ngunit, hindi ito kasing tikas ng mga lalaking kasing edad niya. Napaiwas siya ng tingin nang makalapit ito sa kanya. "Good afternoon, Purity. Uuwi ka na ba?" bati at tanong ng nakangiting si Marcus. May dalawang lalaki ang nasa likuran nito na parang bodyguard. "Opo. Bakit po Mr. Alanday?" sagot niya at mahigpit na niyakap ang kanyang bag. "Here we go again. Just call me Marcus at tanggalin mo na ang po at opo sa akin. We're getting married. Magiging asawa na kita kaya sanayin mo na ang sarili mong tawagin ako sa pangalan ko. Kung gusto mo naman puwede mo akong tawaging babe, honey o kaya'y darling." Napabuga ng hangin si Purity. Naalibadbaran siya sa klase ng usap ni Marcus. Masyadong
INIHINTO ni Marcus ang kanyang kotse sa tapat ng malaking bahay ng mga Manzano. "Do you enjoy the our first date, Purity?" tanong niya habang kinukuha ang bulaklak mula sa passenger seat. Ibinigay niya ang mga bulaklak sa dalaga. "Thank you for the flowers. Oo naman, nag-enjoy ako. Tama ka, masarap ang pasta," magiliw na sagot ni Purity, sabay ngiti ng matamis kay Marcus. Kailangan niyang maging mabait kay Marcus para hindi ito makahalata sa kanyang planong pagtakas. "That's good to hear. I better go. Give my regards to your parents." "Hindi ka na bababa?" tanong ni Purity. Kunwari lamang ang ipinapakita niya para mapalagay ang loob ni Marcus sa kanya. "Hindi na. May pupuntahan pa akong meeting pagkahatid ko sa'yo. Alam mo, masyado akong busy para siguraduhin na maayos ang lahat sa mga negosyo ko. I don't want a single mistake na ikababagsak ko. Lalo na sa mga kompanya ko na marami ang umaasa. And this is for our future, honey," seryosong sagot ni Marcus. Pilit na ngumiti si
BIHIS na bihis si Ara, paalis na ito papunta sa trabaho. Naka-isang linggo na rin sila sa bagong upahan na bahay. "Kumain ka muna bago ka umalis. Mas maiging may laman ang tiyan mo habang nasa trabaho," aya ni Purity sa kaibigan at umupo na siya. Nakabili na rin sila ng mga kailangan nilang gamit sa bahay. Hindi na siya nagtatanong kay Ara kung saan nito kinukuha ang pera. Pero, ang laki ng pagtataka niya. Parang hindi nauubusan ng pera ang kaibigan niya. Umupo na rin si Ara at tahimik na kumain. Pinapanood lamang ni Purity ito habang nagmamadali ang pagsubo. "HOW is everything? May progress na ba ang ginagawang therapy kay Andy?" tanong ni Pealle sa doktor ng kaibigan. Nahinto muna siya sa paghahanap sa kanyang mag-iina para matutukan ang recovery ni Andy. May naatasan naman siya para sa paghahanap. Sobra ang galit niya ng malaman na umalis si Purity mula sa bahay tinitirhan. Walang nakakita ng pag-alis nito. Kaya labis ang kanyang pagkadismaya. Ngunit, hindi rin siya makak
"PURITY, bilisan mong kumilos. Baka makahalata sila," mahinang sabi ni Ara sa kaibigan. May narinig siyang mga nagmamanman sa kanilang mga lalaki. Napansin niya ang kapitbahay nila. Puro lalaki ang nakatira at parang mga armado. Napagdesisyunan ni Ara na umalis sila sa bahay ng lola niya at lumipat sa ibang lugar. Ito'y para sa kaligtasan ni Purity at mga anak ng kaibigan. "Andiyan na, Ara!" sagot ni Purity. Hirap na hirap na itong lumakad. Lalo't dalawa pa ang nasa loob ng sinapupunan niya. Sinalubong na ni Ara ang kaibigan. May bitbit itong isang malaking bag. Kinuha niya ang bag nito. "Walanju ka naman, Purity. Ang bigat ng bag mo. Ano bang laman nito?" Untag ni Ara. "Mga gamit nina baby. Iiwan ko ba dito? Sayang naman..." Napakamot na lang si Ara sa kanyang ulo. "Makakabili pa naman tayo ng mga ito. Ang mahalaga makaalis na tayo." "Saan na tayo titira? Palipat-lipat na lang tayo.." "Bahala na. Siguro maghanap tayo ng upahan. May natitira pa naman akong pera," sagot
HUMAHANGOS papasok sa loob ng ospital ang mag-asawang sina Gloria at Alvin. "Si Dr. Castro?" kaagad na tanong ni Alvin sa babaeng nasa information. "Nasa emergency room po si doc." "Sige, salamat, hija." Sabi ni Alvin at mabilis na hinawakan ang kamay ni Gloria. Nagmamadali silang mag-asawa na pumunta sa emergency room. Sobra ang kaba at pag-aalala ni Gloria para sa kanilang anak ni Alvin. Narating nila ang emergency room, napatakip ng bibig niya si Gloria nang makita ang sitwasyon ni Pealle. Muli siyang napaiyak at napayakap sa asawa. Nalunos — lunos ang nakikita niyang mga sugat ng anak sa ulo at kamay. Wala itong malay at katabi ng kama ang kaibigang si Andy. "Mr. Solace, I'm glad that you came," sabi ng doktor. Napabitaw si Gloria sa asawa at sabay silang humarap sa doktor ng kanilang anak. "Dr. Castro." At nakipagkamay aa doktor. "Anong lagay ng anak namin?" tanong nag-aalalang si Gloria, napadako ang tingin niya kay Pealle. "He's out of danger. Pero ang kaibigan niya ay
PAGKAPASOK nina Pealle ay Andy sa loob ng bahay ay kapansin-pansin ang ibang taga-bantay na nasa loob. Nagsitayuan ang tatlong lalaki na nakasibilyan."Sir..."Nagpapalit-palit ang tingin ni Pealle sa tatlong lalaki. "Bakit tatlo lang kayo? Nasaan ang iba?""Naa ospital po, sir.""Ospital?" Nagtatakang tanong ni Pealle."Naisugod po si Ma'am Purity sa ospital. Ligtas na po sila ng baby niya," sagot ng isang lalaki.Nanlaki ang mata ni Pealle sa gulat. Parang wala silang nabanggit sa kanya na mayroong nangyaring masama sa kanyang mag-ina.Masamang tingin ang ipinukol niya sa kanyang mga tauhan. Kita sa kanyang mukha ang matinding galit na bumabalot sa kanya dahil sa paglihim ng pangkaka-ospital ni Purity."Bakit walang nagreport sa akin? Binabayaran ko kayong lahat para bantayan at ireport sa akin ang anumang mangyayari sa pamilya ko! Gusto n'yo bang tanggalin ko kayong lahat sa mga puwesto n'yo? Nagsasayang lang ata ako ng perang ibinabayad ko sa inyong lahat! Mga inutil!"Nagkatingin
HINDI na ipinagpaliban ni Pealle ang pagpunta sa lugar ng kinaroroonan ni Purity, kasama niya si Andy. Naibalita sa kanya ng mga nagbabantay na tama ang ibinigay na impormasyon ni Mr. Garcia. Mga limang bantay ang kanyang ipinadala upang proteksyunan si Purity at ang ipinagbubuntis nito. "Talagang desidido kang ikaw ang unang makakuha kay Purity. Kakalabanin mo si Marcus. Sa oras na malaman niya at ng pamilya ni Purity, ikaw ang ama ng ipinagbubuntis nito. Ewan ko na lang, Pealle. Parang mauulit ang World War III sa ginawa mo." "Dapat lang ako ang makakuha sa mag-ina ko. Anak ko iyon at si Purity ay pag-aari ko lamang." May diing tugon ni Pealle. "Nang-angkin ka na naman. Bakit kilala ka ba ni Purity? Nakakasigurado ka bang sayo nga ang batang dinadala niya? Pealle, marami ka pa ring dapat na isipin bago ka magpadalos-dalos ng hakbang. Ora-orada pupunta ka ng Masbate para puntahan ang babaeng 'yon." Nahila pa siya papunta sa probinsya. Nanahimik ang kanyang buhay kasama ang mga gi
"PURITY, ako na ang gagawa niyan. Ang laki-laki na ng tiyan mo, galaw nang galaw ka pa," saway ni Ara sa kaibigan. Limang buwan na rin ang tiyan ni Purity. Mabilis na tumulin ang mga araw at ilang buwan na lang ay masisilayan ni Purity ang kanyang anak. "Sabi ng doktor ko, dapat nga daw ay magkikilos ako. Nang mabilis akong manganak. Saka ang OA mo parang nagwawalis lang ako dito sa sala ayaw mo pa akong hayaan. Hindi naman ako mapapagod sa simpleng pagwawalos lang sa sala," mahabang sagot ni Purity. Sobra rin magbawal sa kanya si Ara ng mga gawain sa bahay. Ang katwiran nito ay ang bata sa sinapupunan niya. "Eh, kasi naman sobrang laki ng tiyan mo. Parang sasabog na 'yan. Itong buwan pala malalaman ang gender ng anak mo, di ba? Excited na akong makita sa screen ang baby mo, friend." Excited na silang magkaibigan na malaman ang kasarian ng anak ni Purity. Parang si Ara ang nanay ng kanyang baby. Kulang na lang ay akuin na nito ang lahat ng respinsibilidad niya para sa kanyang anak
"GUESS, what? I found her, Andy. Nakita ko si Miss Klutzy girl!" masayang-masaya na anunsyo ni Pealle nang makapasok sa loob ng opisina ng kaibigan.Kumunot ang noo ni Andy. Baka nagha-halllucinate ka lang. Dahil atat na ata kang makita siya. Tigilan mo na sabi 'yan. D'yan ka talaga mababaliw agad.""No! I didn't even see her in person. I just found out who she was—kung sino ang pamilya niya at kung saan siya nakatira," sagot ni Pealle.Nagulat si Andy sa narinig sa biglang naturan ng kaibigan niya. Sa isang babae lamang nagpakabaliw ng husto si Pealle at isang buwan na rin niya itong hinahanap."Pambihira ka. Nagpapakabaliw ka na talaga d'yan sa babaeng 'yon. Nakatikim ka lang ng v^rgin naging sobra ka naman maghabol sa kanya." Iiling-iling na komento ni Andy sa kaibigan."Hindi mo pa kasi nararanasan ang magmahal, Andy. Kapag naramdaman mo na, siguro maiintindihan mo na ako."'Di rin maintindihan ni Pealle ang sarili. He couldn't live a normal life ever since he met that girl. Kahit
NAKASAKAY na ng bus sina Ara at Purity. Nakadantay ang ulo ng kaibigan niya sa balikat ni Purity. Tulog na tulog si Ara habang nasa biyahe sila papunta sa isang malayong probinsya. Sobrang kaba ang naramdaman ni Purity habang tumatakas kanina. Pero sa kagustuhan na makawala sa kasal niya ay nilakasan niya ang loob. Salamat sa matalino niyang kaibigan na si Ara. Siya ang nagplano ng lahat. Bumilib siya kay Ara, sobrang pinaghandaan ang kanilang pagtakas. Ito nga, patungo na sila sa bahay ng lola nito sa probinsya. "Manong, pakibaba po muna d'yan sa tabi. Iihi lang po itong si Purity," biglang nasabi ni Ara sa driver. Lulan silang magkaibigan ng bridal car patungo sa simbahan. "Ma'am, naghihintay na po si Sir Marcus sa simbahan. Tinawagan po ako kanina para i-checked kayo." Sagot ng driver na nakatingin sa kanilang magkaibigan mula sa rearview mirror. "Naku, manong. Eh, kailan niyo paiihiin itong kaibigan ko? Gusto niyo bang dito pa sa loob ng sasakyan umihi 'to?" Giit ni Ara. Pali
ARAW ng kasal nina Purity at Marcus. Kasalukuyang nasa isang mamahaling hotel si Purity, inaayusan ng make up artist habang nasa tabi niya si Ara para umalalay sa kanya sa pagbibihis. Nangungusap ang mga mata ng dalaga. Kanina pa nagbabadya ang luha sa kanyang mga mata. Pero pilit niyang nilalaban ang kanyang emosyon. Ayaw niyang umiyak. Halos magdurog ang kaniyang kalooban na ikakasal siya sa lalaking 'di niya gusto. Hindi pa alam ni Marcus ang kaniyang kalagayan. Pasimpleng napahawak si Purity sa kanyang impis pang tiyan saka napadako ang tingin kay Ara. Tinanguan siya ng kaibigan. "Magbibihis na ba ang bride? Ako na ang tutulong sa kanya magbihis," tanong ni Ara na napatingin sa make up artist ni Purity. "Opo. Puwede na po siyang magpalit. Dahan-dahan lang pong hindi masira ang make up po ni ma'am." Sagot ng babae at nagpaalala kay Ara. Ngiti lang ang sagot ng dalaga. Inalalayan ni Ara si Puriry na makatayo sa upuan. Naglakad na sila papunta sa kuwarto. Pagkapasok nila sa loob