Share

Chapter 16: Nabibili ang Pag-Ibig

NAGKAKAGULO ang mga estudyante sa university. Animo'y may celebrity na dumating. Nagkukumpulan ang mga babae at nagtitilian din ng mga ito.

Napataas ang isang kilay ni Ara. Nagtataka siya, mayroon espesyal bang bisita ang university? Kaya halos lahat ay gustong makita ito. Natutulig ang tenga niya sa lakas ng sigawan. Pati sa canteen ay punong-puno ng mga estudyante. Ang ikinataka niya lalo ay puro babae lamang at mga bakla ang malalakas ang tili. Parang mga nasilihan sa sobrang kilig.

"Anong nangyayari? May oppa bang dumating? Nagkakagulo ang lahat," Sunod-sunod na tanong ni Ara sa mga kaklase niya na nakikiusyuso rin.

"May pogi sa campus, sobrang guwapo niya. Walang pamana si Papa P at iyong ibang mga artista," sagot ng kaklase niya.

Kumunot ang noo niya. Parang iyon lamang, nagkakagulo na silang lahat. Akala pa naman niya ay may alien na dumating.

"Parang guwapo lang nagkakaganyan na kayo." Asik ni Ara saka napairap.

"Hoy, Ara! Baka kapag nakita mo ang inaanak ni Sir Edward,
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status