Share

Chapter 15: I think I'm falling in love

WALANG ganang bumangon si Purity. Mahigit isang oras na siyang gising pero parang ang bigat-bigat ng kanyang pakiramdam para kumilos. Ngayong araw siya susukatan para sa wedding gown na isusuot niya sa kasal nila ni Marcus. Dalawang linggo na lamang ay idadaos na ang kasal nila sa isang sikat na simbahan sa Manila.

"Bumangon ka na, mahal na prinsesa. Kanina pa naghihintay ang prince charming mo sa sala," gising ni Clarity sa kapatid, hindi niya alam na kanina pa itong gising.

Tinanggal ni Purity ang kumot at dahan-dahang bumangon. "Paki-sabi na lang na bababa na ako."

"Opo, mahal na prinsesa," tugon ni Clarity na may halong sarcasm. Hi di na niya hinintay na sumagot si Purity at tumungo sa may pinto. Bago siya tuluyang makaalis ay binigyan niya ng pilit na ngiti ang nakababatang kapatid.

Napabuntong hininga si Purity. Kailan kaya sila magkakasundo ni Ate Clarity? Wala na sigurong pagbabago. Hopeless na ang case nilang magkapatid. Ayaw magpatalo ng ate niya kahit na siya na ang nagpapa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status