Share

Chapter 9: Ang Malamyang Babae

ALIGAGA si Purity sa pagkusot ng bahagi ng coat na nadumihan. Nakakahiya ang ginawa niya. Napaka-lamya niyang kumilos. Ayan tuloy natapunan niya ng pagkain nila ni Ara ang coat ng guwapong lalaking 'yon. Mukha pa namang mamahalin ang suot nito. Sa ganda ng tela ng suit nito ay naiiba ito sa karamihan ng mga suot ng kalalakihan na estudyante sa university.

Halos sang oras niya itong pinatuyo sa air dryer. Hindi na niya malaman kung anong itsura niya. Nagulo na ang mahabang buhok niya at tagaktak ang pawis sa kanyang noo.

"Hoy, Purity! Anong ginagawa mo d'yan?" Tanong ni Ara nang makapasok siya sa loob ng banyo at makita ang kaibigan sa harap ng may air dryer. Kanina pa niya ito hinahanap, nasa banyo lang pala ito.

"Pinapatuyo itong coat no'ng lalaki."

Napaamang si Ara at nahilig ang ulo. "Anong nangyari?"

"Natapunan ko kasi ng pagkain natin," maikli niyang sagot.

"Kaya naman pala ang tagal mo. Kanina pa kita hinihintay, nagugutom na kaya ako." Reklamo ni Ara.

"Eh, pasensiya na. Kumuha
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status