Share

Kabanata 6

Author: QueenVie
last update Huling Na-update: 2023-07-25 10:56:07

Kabanata 6

Pain

Maaga akong nagising kinabukasan. Mabuti ay hindi naman masyadong namaga ang aking paa. Iyon nga lang ay medyo makirot ang mga sugat na natamo ko sa bubog ng bote.

Hindi ko na lang ininda ang bagay na 'yon at tinulungan na magluto ng almusal si Aling Betty. 

"Oh, bakit nandito ka? Hindi ba day off mo ngayon?" Puna sa'kin ni Aling Betty.

Ngumiti ako bilang sagot. "Wala naman ho akong lakad ngayong araw. Siguro tatawagan ko na lang ho ang mang Inay sa probinsya mamaya."

"May telepono ka ba?"

Napawi bigla ang mga ngiti ko sa labi. 

"Hayaan mo papahiramin kita ng telepono ko mamaya," aniya sa'kin.

Agad naman nagliwanang ang mukha ko at tinuloy na rin ang pagtulong sa kanya.

Matapos kong tulungan maghain ng almusal sina Aling Betty at Melissa ay dumiretso na ako sa likod bahay upang linisin ang swimming pool.

Tiyak kasi na dito ang tungo ng mga bisita mamaya kapag tapos mag almusal. Hindi naman kasi masyadong mainit sa parteng ito pagkat may naglalakihang puno na tumatabing sa init ng araw. Kaya nga hindi pwedeng hindi ko ito linisin araw-araw dahil sa mga dahon na nahuhulog sa pool at sa mga paligid nito.

Kasalukuyan na akong nagwawalis ng mga tuyong dahon sa duluhang bahagi ng pool nang mapansin ko ang paglabas ng mga parents ni senyorita Yoona kasunod sina Uncle Art at Auntie Cecil. Ngumiti ako nang makita ko ang ngiti sa mga labi nila nang makitang malinis ang pool at maging mga umbrella kung saan sila magpapahinga.

Hindi ko napansin ang mag-asawa na kasunod nila. Marahil ay tulog pa ang mga ito dahil sa gabi na ito nagsitulog at lasing pa.

Bumalik ako agad sa loob matapos kong linisin ang likod bahay. Plano ko naman linisin ang palapag ngayong umaga para maagang makapagpahinga mamaya. Excited na rin akong tawagan sina Inay para kamustahin. Inaalala ko rin kasi ang kalagayan ni Itay na siyang mahina na ang katawan at ang mga kapatid kong makukulit.

Hindi tuloy mapalis ang mga ngiti ko habang nagpupunas ng mga pasimano sa hallway buhat ng maalala ang mga kapatid. Doon ko naman napansin ang mga yabag na palapit sa'kin at napansin ko si Yoona.

Mukhang nakapaligo na ito at ngayon ay pusturang pustura sa suot na floral maxi dress. Angat na angat ang ganda ng kaniyang katawan at height sa suot. Hindi lang 'yon maging ang kutis nitong bumagay sa kulay ng mga bulaklak sa kaniyang damit. Malayong malayo sa itsura niya kagabi na lasing na lasing. Inisantabi ko na lang ang bagay na 'yon matapos umiling.

"Good morming ho, senyorita," nahihiya kong sambit.

Tumango ito ngunit tumigil sa aking harapan.

"Hindi ba day-off mo ngayon?" 

"Oho, wala naman ho akong planong lumabas ngayon araw kaya naglinis na lang ako."

"Ikaw ang bahala," aniya na mabilis na akong tinalikuran.

Sinundan ko pa ito ng tingin at sa huling pagkakataon ay humanga ako sa taglay niyang ganda.

Agad naman akong lumingon nang marinig ang mga yabag na  palapit sa'kin. Inaasahan ko nang si Kendric ang parating ngunit hindi ko inaasahan ang ayos at pustura nito.

He only wore a white sando at walking short. Malayo sa pormal nitong ayos na denim shorts at T-shirt kapag nasa living area lang.

"G-good morning, senyorito," I uttered.

Yumuko ako upang ituloy na ang pagpupunas ng mga pasemano ngunit nagsalita ito.

"Kamusta ang paa mo? Masakit pa ba?"

Mabilis kong itinago sa isang paa ang parteng may sugat at muling nagsalita. "Hindi na ho, ayos na ako. P-pasensya na ho pala kagabi."

Pansin kong bahagya itong yumuko upang silipin ang aking bahagi ng aking daliri sa paa na may band aid.

"Narinig kong day-off mo ngayon? Wala ka bang planong lumabas?"

Doon ako tumuwid ng tayo at tiningala ito ng tingin. "Ah, wala ho, senyorito. Tatawag lang ho ako sa amin mamaya kapag natapos ako sa trabaho ngayong araw."

Tumiim naman ang mga titig niya sa'kin na tila may gusto pang sabihin ngunit sa huli ay tumango lamang. Mabilis na rin niya akong nilampasan upang bumaba kaya't nakahinga na ng maluwag.

Pinagpatuloy ko ang paglilinis at inabot na nga ng ala-una buhat nang matapos ako. Bumaba ako at naabutan kong nagpapaalam na mga bisita sa mag-asawang Monteverde.

Agad naman akong nilapitan ni Auntie Cecil na siyang hinila ako ng bahagya palayo sa kanila.

"Pagbutihin mo ang trabaho mo dito, kung gusto mong magtagal ka dito." Tila bata ako kung pagsabihan nito na siyang dinuduro pa ako sa mukha.

"Opo, auntie," mahinahon kong sagot.

"O, siya, babalik ako dito sa susunod na linggo at marami pa tayong dapat pag-usapan, kaya magtino ka." Pinanlakihan pa n'ya ako ng mata bago ako nito iwanan.

"Opo..." Iyon  lang ang tangi kong nasabi bago niya talikuran.

Hindi ko mapigilan pagtakhan kung ano bang maari namin pag-usapan? Marahil ay tungkol iyon sa pag-aaral ko at pagpasok sa hotel nila. Ngumiti ako baon ang pag-asa sa kaniyang sinabi.

Mabilis akong sumandok ng pagkain nang mapasok sa kusina. Tanging si Aling Betty lamang ang naroon pagkat kasama ng mag-asawang Monteverde si Melissa nang umalis ang mga ito papuntang Mall.

"Ikaw na bata ka, hindi ka ba napapagod? Gabi ka na natulog kagabi tapos ngayon day off mo at kumakayod ka pa rin," aniya sa akin nang babaan ako ng isang basong juice.

"Ayos lang ho, tutal ay wala naman akong pupuntahan, isa pa ho hindi ko kabisado ang lugar kaya hindi na rin ko ako lumabas."

"Hayaan mo minsan isasama kita sa pamamalengke sa market nang makilala mo ang lugar."

Tumango na lang ako sa bagay na 'yon. Nang matapos akong kumain ay inabot na sa'kin ni Aling Betty ang kaniyang telepono. Mabilis naman akong nagtungo sa aking silid upang hanapin sa aking notebook ang numero nina Inay.

Mabilis akong lumabas sa likod kung saan naroon lang swimming pool na katapat ng aking silid. Naupo ako sa isa sa mga silya doon. May ngiti sa mga labi ko nang marinig ang pag ring ng telepono sa kabilang linya. Hanggang sa marinig ko ang paos na boses ni Inay.

"Nay? Nay! Si Chantal ho ito, kamusta na kayo?!"

"Mabuti naman kami anak. Ikaw, kamusta ka d'yan?" Bakas sa boses nito ang matinding pagod kaya tila napawi ang mga ngiti ko sa labi.

Natigil ako saglit nang marinig kong dumating ang sasakyan ng mag-asawang Kendrick at Yoona.

Pansin kong bumaba si Melissa na bitbit ang ilang pinamili kasunod nito si Poncho na may mga dala namang box. Pansin kong huling lumabas mula sa sasakyan si Kendrick na hindi kasama ang asawa. Doon na ako umiwas ng tingin nang sumulyap ito sa banda ko kaya mabilis akong umiwas nang tingin dito.

"A-ayos lang ho ako dito. Si Itay ho kamusta? Ang mga bata?"

Saglit itong natahimik sa kabilang linya hanggang sa marinig ko ang sunod-sunod na pag-ubo sa kabilang linya. Pantaha ko ay si Itay 'yon.

"Medyo masama ang pakiramdam ng Itay mo, ilang araw na rin na may ubo," aniya na mas humina pa ang boses.

Kagat labi akong pumikit at napasandal ako ng upo. "Hayaan n'yo ho, baka pwede akong makabale mamaya at maghuhulog ako pambili ng gamot ni Itay."

"Hindi na anak, may natatabi pa naman ako dito. Saka may iniinom ng gamot ang tatay mo. Alalahanin mo ang sarili mo d'yan. Kumain ka sa oras at huwag masyadong magpakapagod."

Umiling ako. Alam kong sinabi lang 'yon ni Inay para hindi ako mag-alala. Siguradong wala nang pang budget ang mga ito pagkat wala din ako doon upang tumulong sa kanila sa bukid.

"Basta ho, magpapadala ako para na rin may pangkain kayo d'yan huwag nang mabawasan ang pera n'yo. Kayo rin ho, huwag magpakapagod at kumain palagi sa oras," bilin ko dito habang nakayuko.

Kanina ko pa kasi pinipigilang pumatak ang mga luha ko. Ilang beses ko kasing naulinigan ang mabibigat na buntong hininga ni Inay. Sigurado akong may iniinda ito na ayaw lamang sabihin  sabihin sa'kin.

"Ah, si Aia ho?" Iniba ko na ang usapan upang gumaan naman ang loob nito.

"Nasa kabila, kalaro ang anak ni Tonya. Teka at tatawagin ko."

"Huwag na ho, sa susunod ko na lang ho siguro siya kakausapin. Saka nanghiram lang ho ako ng telepono." Pigil ko dito.

"Paano ibaba ko na ito at tutungo ako sa bukid. Naroon si Junior para mag-ani ng mga kamote ngayon."

"Sige ho, i-kamusta n'yo na lang ako sa mga bata. Mag-iingat ho kayo palagi. Miss na miss ko na ho kayong lahat!" Masigla kong sinabi kahit pa sa huli ay hindi ko na napigilan ang pagbalong ng masaganang luha sa pisngi.

 "Mag-iingat ka d'yan anak, ah."

Hindi na ako nakasagot pa dahil pinatay ko na ang tawag. Hindi ko na kasi napigilan pa ang pagbalong ng mga luha. Ngunit mabilis ko 'yon tinuyo gamit ang kamay at huminga ng malalim bago tumingala.

Kailan kong magpakatatag para sa kanila. Kung hindi ko ito gagawin ay sino na lang ang aasahan nila? Lalo na ng mga kapatid ko at si Aia.

Tumayo na ako upang bumalik sana sa loob ng aking silid nang mapansin kong palapit sa'kin si Kendric.

Saglit akong tumigil ilang hakbang ang layo sa pinto ng aking silid. Pansin ko rin ang bitbit niyang paper bag.

"Nakatawag ka na ba sa inyo?" tanong niya na siyang bumaba ang tingin sa hawak kong cell phone.

Dahan-dahan akong tumango dito at mabilis na nag-iwas ng tingin.

"Ito ang gamitin mo pangtawag sa pamilya mo."

Inabot n'ya sa'kin ang papaer bag na wala sa loob kong inabot. Mabilis kong sinilip ang laman no'n at hindi nga ako nagkamali. Isa yung cell phone. Tumingala ako dito na awang ang mga labi at nanlalaki ang mga mata.

"W-wala ho akong ibabayad dito, sir." Inumpisahan kong ibalik sa kaniya ang hawak na apaper bag ngunit mukhang wala siyang balak na tanggapin ito.

"Hindi ko yan iaawas sa sahod mo."

Kumunot ang noo ko sa tinuring niya. Ngunit hindi ko rin mapigilang mahiya sa ginawa n'ya. Ayoko naman tanggihan pa ang bagay na ito pagkat tiyak kong hindi niya magugustuhan kung patuloy akong tatanggi. Isa pa, hindi na ako mahihirapang kontakin pa sina Inay para kamustahin.

"S-salamat ho." Yumuko ako upang itago dito ang pamumula ng aking dalawang pisngi at ang hindi mapigilang ngiti.

"Huwag mo sana isipin na espesyal 'yan dahil lahat naman ng tauhan ko dito sa bahay bnigyan ko rin nung unang linggo nila dito sa trabaho," aniya matapos ay nagkibit balikat muna sa'kin bago ako talikuran.

Mabilis na napawi ang mga ngiti ko sa labi habang sinusundan ito ng tingin na siyang papasok na sa loob ng bahay.

Hindi ko man aminin pero nadismaya ako sa huli niyang sinabi. . .

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
James Ridon
sana matuloy na ud nito tenc u
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • I Want Your Midnights   Kabanata 7

    NumberHindi ako nag atubileng buksan at ayusin ang cell phone na bigay ni Sir Kendrick sa‘kin. Mabilis ko rin ’yon binida kina Melissa at Aling Betty na siyang natuwa sa‘kin.“Sabi ko sa'yo magsipag ka lang at marami benepisyo ang pagtira dito. Basta number 1 rules huwag na huwag babalin ang bilin ni Madam!” wika ni MelissaTumango naman ako dito habang hinahaplos ang aking bagong telepono. Ngayon lang din ako nakagamit ng high tech na cell phone kaya hindi ko na pinalampas ang pagkakataon na kalikutin ‘yon.Hindi naman bago sa’kin ang bagay na ’yon dahil may mga classmate ako sa school na high tech na ang cell phone. Mabuti na lang din ay agad akong kinonek ni Melissa sa wifi sa mansyon kaya mabilis akong nakapag download ng mga apps. Ngayon ay hindi na ako mahihirapan pang tawagan sila Inay at magkakaroon pa ako ng pagkakataon para ma-explore ang social media.Nakatulugan ko nga ang pagkalikot sa aking telepono at hapon na nang magising. Napabalikwas ako nang bangon dahil oras n

    Huling Na-update : 2024-04-29
  • I Want Your Midnights   Kabanata 8

    Emergency Hanggang pag-uwi ay hindi mawala sa isip ko ang sinabing 'yon ni Melissa. Imposible ang sinsabi Melissa at sa tingin ko'y sadyang wala lang talaga siyang numero nito. Si Poncho at Aling Betty ay malamang meron. Kinabukasan ay nabasa kong muli ang mensahe ni Lisa. Sinabi nitong mag videocall kami para makita ko sina Inay at Itay. Nangunlit na rin kasi si Aia na makita ako kaya sinabi kong pagkatapos ng trabaho ko sila pwede makausap. Sunuksok ko ang cell phone sa aking bulsa bago ako lumabas para simulan ang trabaho ngayon umaga. Naabutan ko na si Aling Betty at Melissa na naghahanda ng almusal. Hindi ko na sila matutulungan pagkat kailangan kong linisan ang mga silid na ginamit ng mga bisita kahapon. Tiyak na hapon na naman ako matatapos nito. Dahil tulog pa ang mag-asawa ay sa katapat na kwarto ako unang naglinis. Hinayaan kong bukas ang pinto para alam nilang may tao doon kung sakali. Inumpisahan kong palitan ang mga kubre kama at mga unan. Nag vacuum na rin ako sa

    Huling Na-update : 2024-04-29
  • I Want Your Midnights   Kabanata 1

    Kabanata 1Bayong"Mag-iingat ka doon anak, at huwag mong kakalimutan kumain sa oras. Saka ang mga bilin ko saiyo na huwag lalabas sa gabi at makikihalubilo sa mga lasing!"Halos mabali ang mga buto ko sa mahigpit na yakap sa'kin ni Inay Dahlia, kung pwede nga lang ay sumama ito sa'kin sa Maynila ay gagawin n'ya ngunit hindi maari.Hindi na kaya ni Inay ang mabibigat na trabaho at hindi rin niya kaya na mawalay pa sa tatlo ko pang kapatid at si Itay na siya nitong katuwang sa maliit naming lupain dito sa Cordova, Cebu.Sa totoo lang ay ayokong umalis dito sa probinsya dahil isa ito sa may pinakamandang probinsya sa Cebu at dinarayo ng mga turista ang isa sa mga sikat na 10,000 roses at ang mga sikat na resort dito sa probinsya.Kung hindi lamang nakiusap sa'kin ang aking tiyahin na tumungo sa Maynila ay hindi ako aalis. Pero dahil na rin sa kakulangan sa pantustos ng pag-aaral ng mga kapatid at ng maintenance ni Itay sa kaniyang highblood ay hindi ako makikipag sapalaran sa Maynila.I

    Huling Na-update : 2023-07-21
  • I Want Your Midnights   Kabanata 2

    Kabanata 2First DayHabang nasa byahe ay hindi ko mapigilang hindi mamangha sa nagtataasang gusali na aming nadaraanan. Meron namang ganito sa Cordova pero ang makakita nang ganito kadaming building ang nagpapa-awang ng aking mga labi.Kahit ramdam ko ang gutom ay tila hindi ko na alintana sa dahil sa makabagong siyudad sa na aking nadaraanan."Are you new here in Manila?"Lumingon ako sa lalaking nasa unahan na siyang abala sa pagda-drive. Tiyak kong sinulyapan n'ya ako mula sa rear view mirror kahit pa may suot itong sunglasses.Dahan-dahan naman akong tumango. "Pasensya na kayo, sir. Ngayon lang ho kasi ako nakarating ng Manila," mahina kong saad."Masasanay ka rin dito."Sumang-ayon ako sa sinabi n'ya. Sa palagay ko naman ay ngayon lang ito nerbyos na nararamdaman ko at masasanay na rin kalaunan."Ilan taon ka na ulit?" muli niyang tanong sa'kin.Mabilis na akong umayos ng upo at sumagot."Twenty two ho, sir." magalang kong sagot.Pansin ko ang pananahimik niya habang pinipihit

    Huling Na-update : 2023-07-21
  • I Want Your Midnights   Kabanata 3

    Kabanata 3 Rock GlassMatapos kong makapagbihis ng uniform ay sinipat ko ang sarili sa salamin. Hindi ako makapaniwala sa nakita.Sa tingin ko nga ay mas bumagay sa akin ang uniporme ko kaysa sa suot kong mahabang palda at blouse. Ngayon ko lang din napansin ang hubog ng aking katawan sa suot.Kung tutuusin ay hindi naman ako petite. Medyo may laman ang katawan ko gawa nang palagi batak sa trabaho sa bukid at nagmimiryenda ng nilagang kamote.Bumaba ang tingin ko sa aking dibdib matapos ay ngumiti. Ngayon ko lang talaga nabisita ang parteng ito pagkat sa suot kong maluwang na blouse palagi. Ngayon ay tila sinukat sa'kin ang damit na ito at bumagay pa ang kulay na baby pink na may kulay puting detalye sa bandang gilid sa aking kulay morenang kutis.Nang makuntento ay bumaba na ako upang tumulong sana sa paghahanda ng pagkain. Narinig ko kasing dumating na ang mag-asawang amo kaya't nagmamadali akong bumaba na."Chantal, ikaw ba 'yan? Aba, bumagay pa saiyo ang uniporme!" bulalas na sam

    Huling Na-update : 2023-07-21
  • I Want Your Midnights   Kabanata 4

    Kabanata 4 HotSa ilang araw kong pamamalagi sa bahay ng mga Monteverde ay nasanay na rin ang katawan ko sa trabaho at paglilinis ng bahay.Kung tutuusin ay madali lang naman linisin ang mga silid. I yon nga lang sa dami ng mga silid sa bawat floor ay hindi ko maiwasang abutin minsan ng hapon para lang matapos ko ang lahat.Gaya ngayong araw, alas tres na ng hapon ay hindi pa rin ako nakakatapos sa paglilinis. Nalaman ko kasi na may mga bisitang parating mamayang gabi at isa na doon si Auntie Cecil kasama si Uncle Art at iba pang miyembro ng pamilya Monteverde at Castillo.Kaya kahit pagod na ay pilit kong tinatapos ang trabaho upang nang sa gano'n ay hindi naman mapahiya sa Auntie sa pagpasok niya sa'kin dito."Chantal, hija tapos ka na ba d'yan sa ginagawa mo?"Ilang katok mula kay Aling Betty ang pumukaw sa abala kong utak at kamay. Nasa isa sa mga guest room ako ng bahay at hinahanda ang silid na maaring tulugan ng mga bisita kung sakali."Patapos na ho, Aling Betty!" sagot ko h

    Huling Na-update : 2023-07-21
  • I Want Your Midnights   Kabanata 5

    Kabanata 5ColdHindi pa man ako nahihimbing sa pagtulog ay nakarinig na ako ng tila pagtatalo sa labas ng aking silid. Kusot matang bumangon ako upang silipin ang oras at nakita kong pasado alas tres pa lang ng madaling araw.Gumawi ang tingin ko sa bandang binatana kung saan naroon ang backyard at ang swimming pool. Doon ko narinig ang mga boses na nagtatalo.Pinakiramdaman ko muna ang paligid at hindi ako nagkamali. Boses 'yon ni Yoona na mukhang lasing. Tuluyan na akong tumayo para buksan sana ang pinto nang marinig ko ang boses ni Kendric. "Stop it, hindi makakatulong sa problema natin 'yang paglalasing mo," halos ibulong na lamang niya sa kausap."Tell me how to calm down matapos lumabas ng resulta? Sabihin mo, hun!" I could hear her frustration while crying.Sa tingin ko'y sobrang bigat ng pinagdaraanan nito. Bahagya akong sumilip sa bintana at pansin ko ang dalawa na nasa may silya malapit sa may pool.Nakatayo si Kendric habang sapo ang dalawang pisngi ni Yoona na siyang wal

    Huling Na-update : 2023-07-25

Pinakabagong kabanata

  • I Want Your Midnights   Kabanata 8

    Emergency Hanggang pag-uwi ay hindi mawala sa isip ko ang sinabing 'yon ni Melissa. Imposible ang sinsabi Melissa at sa tingin ko'y sadyang wala lang talaga siyang numero nito. Si Poncho at Aling Betty ay malamang meron. Kinabukasan ay nabasa kong muli ang mensahe ni Lisa. Sinabi nitong mag videocall kami para makita ko sina Inay at Itay. Nangunlit na rin kasi si Aia na makita ako kaya sinabi kong pagkatapos ng trabaho ko sila pwede makausap. Sunuksok ko ang cell phone sa aking bulsa bago ako lumabas para simulan ang trabaho ngayon umaga. Naabutan ko na si Aling Betty at Melissa na naghahanda ng almusal. Hindi ko na sila matutulungan pagkat kailangan kong linisan ang mga silid na ginamit ng mga bisita kahapon. Tiyak na hapon na naman ako matatapos nito. Dahil tulog pa ang mag-asawa ay sa katapat na kwarto ako unang naglinis. Hinayaan kong bukas ang pinto para alam nilang may tao doon kung sakali. Inumpisahan kong palitan ang mga kubre kama at mga unan. Nag vacuum na rin ako sa

  • I Want Your Midnights   Kabanata 7

    NumberHindi ako nag atubileng buksan at ayusin ang cell phone na bigay ni Sir Kendrick sa‘kin. Mabilis ko rin ’yon binida kina Melissa at Aling Betty na siyang natuwa sa‘kin.“Sabi ko sa'yo magsipag ka lang at marami benepisyo ang pagtira dito. Basta number 1 rules huwag na huwag babalin ang bilin ni Madam!” wika ni MelissaTumango naman ako dito habang hinahaplos ang aking bagong telepono. Ngayon lang din ako nakagamit ng high tech na cell phone kaya hindi ko na pinalampas ang pagkakataon na kalikutin ‘yon.Hindi naman bago sa’kin ang bagay na ’yon dahil may mga classmate ako sa school na high tech na ang cell phone. Mabuti na lang din ay agad akong kinonek ni Melissa sa wifi sa mansyon kaya mabilis akong nakapag download ng mga apps. Ngayon ay hindi na ako mahihirapan pang tawagan sila Inay at magkakaroon pa ako ng pagkakataon para ma-explore ang social media.Nakatulugan ko nga ang pagkalikot sa aking telepono at hapon na nang magising. Napabalikwas ako nang bangon dahil oras n

  • I Want Your Midnights   Kabanata 6

    Kabanata 6PainMaaga akong nagising kinabukasan. Mabuti ay hindi naman masyadong namaga ang aking paa. Iyon nga lang ay medyo makirot ang mga sugat na natamo ko sa bubog ng bote.Hindi ko na lang ininda ang bagay na 'yon at tinulungan na magluto ng almusal si Aling Betty. "Oh, bakit nandito ka? Hindi ba day off mo ngayon?" Puna sa'kin ni Aling Betty.Ngumiti ako bilang sagot. "Wala naman ho akong lakad ngayong araw. Siguro tatawagan ko na lang ho ang mang Inay sa probinsya mamaya.""May telepono ka ba?"Napawi bigla ang mga ngiti ko sa labi. "Hayaan mo papahiramin kita ng telepono ko mamaya," aniya sa'kin.Agad naman nagliwanang ang mukha ko at tinuloy na rin ang pagtulong sa kanya.Matapos kong tulungan maghain ng almusal sina Aling Betty at Melissa ay dumiretso na ako sa likod bahay upang linisin ang swimming pool.Tiyak kasi na dito ang tungo ng mga bisita mamaya kapag tapos mag almusal. Hindi naman kasi masyadong mainit sa parteng ito pagkat may naglalakihang puno na tumatabing

  • I Want Your Midnights   Kabanata 5

    Kabanata 5ColdHindi pa man ako nahihimbing sa pagtulog ay nakarinig na ako ng tila pagtatalo sa labas ng aking silid. Kusot matang bumangon ako upang silipin ang oras at nakita kong pasado alas tres pa lang ng madaling araw.Gumawi ang tingin ko sa bandang binatana kung saan naroon ang backyard at ang swimming pool. Doon ko narinig ang mga boses na nagtatalo.Pinakiramdaman ko muna ang paligid at hindi ako nagkamali. Boses 'yon ni Yoona na mukhang lasing. Tuluyan na akong tumayo para buksan sana ang pinto nang marinig ko ang boses ni Kendric. "Stop it, hindi makakatulong sa problema natin 'yang paglalasing mo," halos ibulong na lamang niya sa kausap."Tell me how to calm down matapos lumabas ng resulta? Sabihin mo, hun!" I could hear her frustration while crying.Sa tingin ko'y sobrang bigat ng pinagdaraanan nito. Bahagya akong sumilip sa bintana at pansin ko ang dalawa na nasa may silya malapit sa may pool.Nakatayo si Kendric habang sapo ang dalawang pisngi ni Yoona na siyang wal

  • I Want Your Midnights   Kabanata 4

    Kabanata 4 HotSa ilang araw kong pamamalagi sa bahay ng mga Monteverde ay nasanay na rin ang katawan ko sa trabaho at paglilinis ng bahay.Kung tutuusin ay madali lang naman linisin ang mga silid. I yon nga lang sa dami ng mga silid sa bawat floor ay hindi ko maiwasang abutin minsan ng hapon para lang matapos ko ang lahat.Gaya ngayong araw, alas tres na ng hapon ay hindi pa rin ako nakakatapos sa paglilinis. Nalaman ko kasi na may mga bisitang parating mamayang gabi at isa na doon si Auntie Cecil kasama si Uncle Art at iba pang miyembro ng pamilya Monteverde at Castillo.Kaya kahit pagod na ay pilit kong tinatapos ang trabaho upang nang sa gano'n ay hindi naman mapahiya sa Auntie sa pagpasok niya sa'kin dito."Chantal, hija tapos ka na ba d'yan sa ginagawa mo?"Ilang katok mula kay Aling Betty ang pumukaw sa abala kong utak at kamay. Nasa isa sa mga guest room ako ng bahay at hinahanda ang silid na maaring tulugan ng mga bisita kung sakali."Patapos na ho, Aling Betty!" sagot ko h

  • I Want Your Midnights   Kabanata 3

    Kabanata 3 Rock GlassMatapos kong makapagbihis ng uniform ay sinipat ko ang sarili sa salamin. Hindi ako makapaniwala sa nakita.Sa tingin ko nga ay mas bumagay sa akin ang uniporme ko kaysa sa suot kong mahabang palda at blouse. Ngayon ko lang din napansin ang hubog ng aking katawan sa suot.Kung tutuusin ay hindi naman ako petite. Medyo may laman ang katawan ko gawa nang palagi batak sa trabaho sa bukid at nagmimiryenda ng nilagang kamote.Bumaba ang tingin ko sa aking dibdib matapos ay ngumiti. Ngayon ko lang talaga nabisita ang parteng ito pagkat sa suot kong maluwang na blouse palagi. Ngayon ay tila sinukat sa'kin ang damit na ito at bumagay pa ang kulay na baby pink na may kulay puting detalye sa bandang gilid sa aking kulay morenang kutis.Nang makuntento ay bumaba na ako upang tumulong sana sa paghahanda ng pagkain. Narinig ko kasing dumating na ang mag-asawang amo kaya't nagmamadali akong bumaba na."Chantal, ikaw ba 'yan? Aba, bumagay pa saiyo ang uniporme!" bulalas na sam

  • I Want Your Midnights   Kabanata 2

    Kabanata 2First DayHabang nasa byahe ay hindi ko mapigilang hindi mamangha sa nagtataasang gusali na aming nadaraanan. Meron namang ganito sa Cordova pero ang makakita nang ganito kadaming building ang nagpapa-awang ng aking mga labi.Kahit ramdam ko ang gutom ay tila hindi ko na alintana sa dahil sa makabagong siyudad sa na aking nadaraanan."Are you new here in Manila?"Lumingon ako sa lalaking nasa unahan na siyang abala sa pagda-drive. Tiyak kong sinulyapan n'ya ako mula sa rear view mirror kahit pa may suot itong sunglasses.Dahan-dahan naman akong tumango. "Pasensya na kayo, sir. Ngayon lang ho kasi ako nakarating ng Manila," mahina kong saad."Masasanay ka rin dito."Sumang-ayon ako sa sinabi n'ya. Sa palagay ko naman ay ngayon lang ito nerbyos na nararamdaman ko at masasanay na rin kalaunan."Ilan taon ka na ulit?" muli niyang tanong sa'kin.Mabilis na akong umayos ng upo at sumagot."Twenty two ho, sir." magalang kong sagot.Pansin ko ang pananahimik niya habang pinipihit

  • I Want Your Midnights   Kabanata 1

    Kabanata 1Bayong"Mag-iingat ka doon anak, at huwag mong kakalimutan kumain sa oras. Saka ang mga bilin ko saiyo na huwag lalabas sa gabi at makikihalubilo sa mga lasing!"Halos mabali ang mga buto ko sa mahigpit na yakap sa'kin ni Inay Dahlia, kung pwede nga lang ay sumama ito sa'kin sa Maynila ay gagawin n'ya ngunit hindi maari.Hindi na kaya ni Inay ang mabibigat na trabaho at hindi rin niya kaya na mawalay pa sa tatlo ko pang kapatid at si Itay na siya nitong katuwang sa maliit naming lupain dito sa Cordova, Cebu.Sa totoo lang ay ayokong umalis dito sa probinsya dahil isa ito sa may pinakamandang probinsya sa Cebu at dinarayo ng mga turista ang isa sa mga sikat na 10,000 roses at ang mga sikat na resort dito sa probinsya.Kung hindi lamang nakiusap sa'kin ang aking tiyahin na tumungo sa Maynila ay hindi ako aalis. Pero dahil na rin sa kakulangan sa pantustos ng pag-aaral ng mga kapatid at ng maintenance ni Itay sa kaniyang highblood ay hindi ako makikipag sapalaran sa Maynila.I

DMCA.com Protection Status