author-banner
twwrites
twwrites
Author

Nobela ni twwrites

The Secret Billionaire and the Fallen Heiress

The Secret Billionaire and the Fallen Heiress

Bumagsak ang mga kompanya ni Miguel Montecarlo, lolo ng dalagang si Mia, at napilitan itong ipagkasundo ang kanyang apo sa mayamang si Don Rico. Noong gabi kung kailan siya kinutya at ipahiya ng mga kaibigan, nakilala naman ni Mia si Liam, isang gwapong lalaking akala niya ay isa lamang waiter at inalok ito ng pera kapalit ng pagtulong sa kanyang makalimot kahit isang gabi lamang.
Basahin
Chapter: Chapter 14
Halos mahulog ang panga ko sa sahig nang ma-realize kung gaano kami kalapit sa isa't isa sa loob ng maliit na stall.At na-realize ko rin na hindi pa pala maayos ang pagkakasuot ko sa dress. Labas ang buong likuran ko, at dahil nga off-shoulder ito, maluwag pa ito sa harapan at mas mababa ang pagkakasuot.Bigla ring nag-iba ang tingin niya kaya agad ko itong inangat bago pa ito mahulog at may makita siyang hindi dapat.Akap akap ko ang sarili ko habang nakatingin sa kanya.Sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko, ramdam ko na ito sa lalamunan ko at nahirapan akong magsalita.“Ba⁠—bakit ka pumasok dito? Nasisiraan ka na ba?”I saw a small smirk at the corner of his lips pero agad din itong nawala.“You need help, right?”“Oo nga pero dapat tumawag ka ng iba. Ano na lang ang iisipin nila kapag nalaman nilang nasa loob tayo ng stall na magkasama?”He shrugged. “Akala nila fiancé mo ako. So, I don't think they would mind.”Nakatitig siya sa mga mata ko at para akong ice-cream na natutunaw s
Huling Na-update: 2025-02-12
Chapter: Chapter 13
Napakagat ako sa loob ng pisngi ko. “May malapit na kainan dito. Why don't we⁠—” “Hindi na siguro,” sagot ko kaagad. “Ano kasi… medyo busy ako ngayon eh.” Bigla namang lumabas ang isa sa mga staff ni Ms. Claire at lumapit sa akin. “Ms. Mia, meron pong mga ni-recommend na dresses si Ms. Claire. Nilagay ko na po sa loob ng fitting room.” Napansin niya ang kausap kong lalaki at ngumiti. “Ay, ang gwapo naman po pala ng fiancé niyo, Ms. Mia,” ani niya sabay paling kay Liam bago pa ako makapagsalita. “Sir, may couch po sa fitting room. Dalhan ko na lang po kayo ng champagne habang namimili si Ma’am.” Umalis siya kaagad at naiwan kami ni Liam sa gitna ng boutique. “Fiancé?” Napansin ko ang biglang pagkunot ng noo niya. I bit my lip and sighed. “Wala lang ‘yon. Sige, mauna na ‘ko.” Naglakad ako papunta sa fitting room pero nahuli niya ang braso ko. “Mia… anong sinasabi niyang fiancé mo?” tanong niya ulit. “Ikakasal ka na?” Tinanggal ko ang kamay niya sa braso ko bag
Huling Na-update: 2025-02-12
Chapter: Chapter 12
“Oh, Ms. Mia Montecarlo! Long time no see!” agad na bati ng babae pagpasok ko sa isang sikat na boutique. Pagmamay-ari ito ng isa sa pinaka-in demand na fashion designer sa bansa, si Ms. Claire Dechanel. Ilang beses na akong nagpa-customized ng dress sa kanya dati, pero hindi ko inaasahan na this time, dress na para sa engagement party ko ang gagawin niya. “Nice to see you again, Ms. Claire,” sabi ko sabay ngiti. “I was surprised nang makita ko ang pangalan mo sa booking list. You're here para sa engagement party mo, right?” tanong niya gamit ang matinis niyang boses. “Congratulations!” “Thank you,” mahina kong tugon. “Okay, let's start na. Kunin namin measurements mo as usual tapos, sisimulan na natin ang pag-design. Meron ka na bang style in mind?” Umiling ako. “Wala pa. Kahit ano na lang. Ikaw na bahala.” Siguro ay narinig niya ang disinterest sa boses ko kaya hindi na siya namilit. Kinuha niya ang measurements ko at pinaupo ako sa harap ng mesa niya sa loob ng off
Huling Na-update: 2025-01-31
Chapter: Chapter 11
Pagkauwi sa mansyon, napansin kong nagbalik nang muli ang mga tauhan namin.From my yayas, to the other maids, pati mga hardinero ay nakita kong nagtatrabaho ulit sa garden namin sa likod ng mansyon.Lahat ng gamit namin sa bahay ay hindi rin nagalaw ng bangko, at sa halip ay nadagdagan pa.Katulad ng bagong kama sa kwarto ni Lolo na parehas ng mamahaling higaan sa ospital.Kumpleto rin ang mga gamot na nireseta ng doktor bago kami umuwi. Nakalatag na 'yong lahat sa nightstand ni Lolo.Lahat ay pinaayos na ni Don Rico bago pa kami dumating.Gusto ko mang magpasalamat, may kurot pa rin sa dibdib ko dahil alam ko ang kapalit ng lahat ng ito.… Pagkatapos ng ilang oras, dumating na si Don Rico na may kasamang isang babaeng nakasuot ng asul na nurse uniform.“Don Rico…” sabi ko pagkababa ng hagdan.“Mia!” Malaki ang ngiti niya nang makita ako. “Kamusta si Don Miguel? Kamusta ang byahe? Pasensya na at hindi ako ang personal na sumundo sa inyo kanina.”Umiling ako at pilit na ngumiti. “Oka
Huling Na-update: 2025-01-29
Chapter: Chapter 10
“Under monitoring pa rin po si Mr. Montecarlo,” ani ng doktor na tumingin sa kaniya kanina. “But he is out of danger now. Hopefully, magigising na rin siya soon.”“Thank you po. Thank you po talaga,” sagot ko habang hawak-hawak nang mahigpit ang kamay ni Lolo.Tumigil daw ang puso niya kanina at kinailangan nila itong i-resuscitate. Mabuti na lang at mabilis nilang napatibok ulit ang puso niya.Para akong pinagsakluban ng langit at lupa habang nililigtas nila ang buhay ng lolo ko.Sobrang daming pagsisisi ang naramdaman ko.Sana… sana pala nakinig na lang ako sa kaniya noong araw na ‘yon. Sana hindi na lang ako nagplanong maglayas.Sana hindi ko siya binigyan ng sama ng loob.Hindi sana siya inatake sa puso… Hindi sana siya nakaratay sa ospital ngayon.Sa bingit ng kanyang buhay, napagtanto ko na may mas importante pa kaysa sa sariling kong kaligayahan.Aanhin ko ang pagiging malaya kung wala na si Lolo Miguel?Mas importante ang buhay niya. Mas importante ang buhay ng nag-iisa kong
Huling Na-update: 2025-01-29
Chapter: Chapter 9
Nanginig bigla ang laman ko.“Don Rico⁠—”“Sinimulan ko na ang pag-aasikaso sa Montecarlo Realty Group. In a few weeks time, maibabangon na natin ang kumpanya niyo, isn't that good news?”Madiin ang pagkakakagat ko sa labi ko at halos may nalalasahan na akong dugo.Naiintindihan ko ang mga tulong na kaya niyang ibigay. Pero tama bang ako ang maging kapalit sa lahat ng iyon?Tama bang isakripisyo ko ang sarili ko para sa mga bagay na inaalok niya?Hindi… parang hindi ko ata talaga kaya.“Don Rico…” mahina kong ani sabay ang angat ng mukha ko sa pagkakatungo. “Alam ko hong may ipinangako ang lolo ko sa inyo. Pero hindi ako kasama sa pagdedesisyon niya. Hindi ata tama na basta na lang akong maikasal nang hindi naman ako pumapayag sa kahit ano.”Isang malalim na buntong hininga ang isinagot ni Don Rico, sabay rin ang pagkunot ng noo niya.“Naiintindihan ko, Mia. Hindi mo 'ko kailangang pakasalan,” sabi niya sabay iling. “Syempre desisyon mo pa rin ‘yon at wala akong magagawa kung ayaw mo.
Huling Na-update: 2025-01-28
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status