Pagkalabas namin sa Elves Club ay pinaghintay niya ako sa tabing kalsada.
Maraming bagay na tumatakbo sa isipan ko at isa na doon ay kung babalik pa kaya siya. Pero ilang minuto lang ang lumipas at bumalik siya na nakasakay sa isang itim na motor at may suot na itim na leather jacket. Ang cool niya tingnan. Para siyang nanggaling sa pelikula. Bumaba siya para isuot sa akin ang isa ring itim na helmet at hinayaan ko lang siya. Para akong lutang na zombie na umupo sa likod niya bago niya tuluyang pinatakbo ang motor. Hindi na ako nagtanong kung saan kami pupunta at hindi na rin siya nagsalita. Ilang minuto ang lumipas at nagbalik ang mga luha sa mga mata ko. Hindi ko na napigilang mapadantay ang ulo ko sa likod niya. Siguro ay napansin niya kaya naramdaman ko ang kanyang marahang pagbuntung-hininga. Nahiya ako bigla at akmang lalayo nang kinuha niya ang isa sa mga kamay ko at inilagay ito sa bandang tiyan niya. “Kumapit ka nang mabuti,” narinig kong sabi niya. Dama ko ang matipuno niyang katawan sa kamay ko pero hindi na ako nahiyang kumapit gamit ang isa ko pang kamay. Binilisan niya ang takbo habang nakaakap ako at umiiyak sa likuran niya. Hindi siya nagsalita at hinayaan lang ako buong byahe hanggang sa makarating kami sa isang malaking building. Ang Hanson Hotel. “Bakit tayo nandito?” tanong ko nang makababa kami. Tumingin siya sa paligid bago nagsalita. “Bakit? Ayaw mo?” Bigla akong kinabahan. Ano bang binabalak niya? Bakit dinala niya ako sa hotel? Tingin ba niya— Mukhang nabasa niya kaagad ang iniisip ko kaya siya napangisi. “Don't worry, Miss. Dinala kita dito kasi alam kong gusto mong malayo sa maraming tao.” Lumabas ang mga dimples niya sa pisngi. Pati na rin ang mahahaba niyang pilik mata ay mas kita dahil sa malakas na ilaw na nagmumula sa harap ng hotel. “May private rooms sa taas kung saan pwede kang uminom nang walang makakakita sa ‘yo.” “Ah…” Nakahinga ako nang maluwag. “Sige.” “Tara?” nakangiti niyang tanong. Pero teka… kaya ko pa bang bayaran ang bill sa hotel na ganito? Ang Hanson Hotel ang nag-iisang 6-star hotel sa bansa. Iilang matataas na tao lang ang nakakapunta rito at kahit kami ni lolo ay pumupunta lang tuwing may okasyon. Pero umiling ako. Hindi. Deserve ko ‘to. Meron naman akong natitira sa savings ko kahit ikansel pa ni lolo ang mga credit cards ko. Hindi siguro sapat para matulog dito ng ilang araw pero sapat naman para sa isang gabi. I bit my lower lip bago tuluyang tumango. “Let's go.” Dumiretso kami sa loob nang hindi na nagchecheck-in, na nakapagtataka kasi napakahirap makahanap ng availability sa hotel na ito. Tinanong ko siya kung bakit pero ang sabi lang niya, may kakilala siya sa loob na nag-book para sa kanya in advance. Siguro may kaibigan siyang staff sa hotel na ito kaya naipasok niya kami kaagad. Sumunod na lang ako sa kanya hanggang sa makarating kami sa isang malaking pinto at bunuksan ito gamit ang room key na nasa jacket niya. Tumambad sa amin ang napakalawak na living space. Kumpleto sa malalaking furnitures at parang nasa loob na kami ng isang mansyon kahit nasa hotel room lang naman kami. Agad ko ring nakita ang malaking bar sa gilid ng kwarto na puno ng iba’t ibang alak at iba pang inumin. Hindi ako makapaniwala. Mas malaki pa ang room na ito sa na-book namin dati at presidential suite na ‘yon a. So, anong room ‘to? Parang hindi na nagulat si Liam. Dire-diretso siyang pumunta sa bar counter at ngumiti sa akin. “I’ll be your personal barista for the night... So? Ano pong gusto niyong inumin?” … Ilang oras na pero hindi pa rin ako tumitigil sa pag-inom. From vodka to whiskey, tinikman ko nang lahat. Sa isip ko, ito na lang ang chance ko na mamili ng gagawin ko. After nito, alam kong sila na ang mamimili ng lahat para sa akin. Pagkatapos ng kasal, alam kong pati ang paghinga ko kokontrolin na ng magiging asawa ko. Kilala si Don Rico bilang isa sa pinakamayaman sa siyudad kung nasaan ang RS Holdings. Kontrolado rin niya halos lahat ng industriya sa rehiyon at kasosyo sa iba’t-ibang mga negosyo sa buong bansa. Pero bukod sa pagiging businessman, kilala rin si Don Rico sa mga relasyon niya sa iba't-ibang babae. Kaya hindi na rin nakapagtatakang lahat ng nagiging asawa niya ay ginusto siyang hiwalayan. Alam kong hindi ako magiging masaya sa kanya at alam ko ring alam ito ng lolo ko. Pero bakit… bakit mas gugustuhin niyang mapunta ako sa lalaking ‘yon? Tumulo ulit ang luha ko ngunit sa pagkakataong ito, may isang mainit na palad na pumunas sa pisngi ko. “Hindi pa ba napapagod ang mga mata mo?” nakaupo siya sa tabi ko habang sinasabayan akong uminom. Napatawa na lang ako bago linagok ang natitirang alak sa baso ko.. “Last na ‘to… Pagkatapos ng gabing ‘to, baka pati umiyak ‘di ko na magawa ng malaya.” Aabutin ko pa sana ang bote mula sa counter nang hawakan niya ang kamay ko. Hinila niya ito hanggang nakarating kami sa gitna ng living area. “Anong ginagawa mo?” “Marami ka nang nainom,” sagot niya. “Why don't we dance instead?” Napalunok ako sa gulat nang hawakan niya bigla ang magkabilang bewang ko.“Parang wala naman na ‘kong choice,” natatawa kong sagot. Ngumiti siya at umiling-iling bago kinuha ang phone niya at nagpatugtog ng music. “Ano ‘yan?” naguguluhan kong sambit nang tumugtog ang luma at mabagal na kanta. “Ang gusto ko ‘yung dance music. ‘Di ba ang sabi ko gusto kong mag-enjoy ngayong gabi?” “Alam mo ba kung gaano na karami ang nainom mo? I don't think you can dance like that right now without throwing up.” I rolled my eyes. Hindi ko inasahan na may pagka-inglesero rin pala siya. “Okay, okay. Let's dance then,” pag-payag ko sabay lagay ng mga kamay ko sa magkabilang balikat niya. Lalo siyang lumapit sa akin. Halos ilang pulgada lang ang layo ng katawan ko sa kanya at ramdam ko na rin pati ang paghinga niya malapit sa leeg ko. “Hindi ko pa pala natatanong ang pangalan mo,” marahan kong sambit para makalma ang sarili. “‘Sorry.” “Just call me Liam…” marahan rin niyang sagot. “Ako naman si—” “Mia, Mia Montecarlo, tama?” Napaangat ako ng tingin. “Paano mo nalama
Malakas na pag-ring ng cellphone ang gumising sa akin. Iminulat ko ang aking mga mata at tiningnan ang paligid. Nasaan ba ako? Hindi ko kilala ang kwarto na ‘to. Tsk. Oo nga pala. Nagpunta ako sa Hanson Hotel kagabi. Agad akong umupo pero laking gulat ko nang malamang wala akong suot na kahit ano. Tanging puting kumot lang ang nakatakip sa katawan ko. What? Saglit. Ang alam ko sumama lang ako sa lalaki mula sa bar kagabi… Dinala niya ako rito sa hotel tapos… tapos… Uminom kami… Sumayaw… tapos… Lumaki ang mga mata ko nang maalala kung paano ko siya hinalikan at kung paano… niya ako hinalikan pabalik. Shit. Shit. Shit. Mia! Anong ginawa mo?! Halos sabunutan ko ang sarili ko. May nangyari ba sa amin? Sa dami kong nainom sobrang sakit ng ulo ko at wala akong ibang maalaala. Ano bang pinaggagawa ko?! Have I gone stupid? Inabot ko ang cellphone ko na kanina pa nagri-ring. “Hello?” “Mia!” halos sumigaw si Lolo sa kabilang linya. “Nasaan ka ba? Kagabi pa kita tinatawagan pe
“Kasal?! Ano po bang sinasabi niyo, ‘Lo?” nagtataka kong tanong. “Bakit naman ako magpapakasal?” Huminga nang malalim si Lolo Miguel at linuwagan ang kurbata niya. Bakas sa mukha niya ang stress at pagod. “Apo, wala na akong magagawa. Nakipagkasundo na ako kay Don Rico,” paliwanag niya. “Nangako siyang aalagaan ka niya at tutulungan tayong maiahon ang kumpanya.” “Pero bakit naman kailangan kong magpakasal sa kanya para lang tulungan niya tayo? ‘Di ba kaibigan niyo siya?” “Iyon ang nag-iisa niyang kondisyon, Mia. Wala nang iba,” sagot niya sabay upo sa kanyang office chair. Kakauwi ko lang kanina galing sa mall nang sinabi ng maid na nasa home office niya si Lolo. Hindi siya madalas umuuwi nang maaga kaya excited akong umakyat para ipakita sa kanya ang mga binili kong damit. Pero nakita ko kaagad sa mukha niya na may problema. Dito na niya sinabi na tuluyan nang bumagsak ang stocks ng Montecarlo Realty Group. Matagal na palang may problema sa kumpanya pero ngayon lang niya s
Malamig ang boses ng lalaki at malaanghel ang mukha. Ilang segundo rin akong hindi nakapagsalita. “Ah, okay lang,” mahina kong tugon sabay tayo nang maayos. “Thank you.” Agad sumabat si Alice at nagtaas ng kilay. “At sino ka naman?” Mukhang pati sila ngayon lang nakita ang lalaki. May hawak siyang isang bucket ng beer sa kabilang kamay at nakakulay-puting polo katulad ng mga staff ng bar. Napairap si Alice. “Bagong waiter ka dito?” tanong niya sabay ang pag-fold ng mga braso sa dibdib. “Alis na. May pinag-uusapan kami. ‘Di mo ba nakikita?” Kumunot ang noo ng lalaki pero hindi na ito nagsalita. Alam niya siguro na mapapahamak lang siya kung makipagsagutan siya sa mga tao dito sa second floor. Tumango ako sa kanya at inalis ang kamay niya sa likod ko bago pa siya mapag-initan dahil sa akin. “Sige na. Okay lang ako. Salamat.” Tiningnan niya ako na parang may malalim siyang iniisip at ibinaling ang matalas na tingin kay Alice bago tuluyang umalis papunta sa kabilang table. “Gwa
“Akala ko ba—” hindi ko makapaniwalang turan. “Bakit mo ‘ko tinulak?” “Ang bagal mo kasi,” nakangiti pa rin niyang sabi. “Ay teka, baka akala mo hindi na kita bibigyan ng tulong. Saglit lang ha…” Binuksan niya ang bag niya at humugot ng pera mula rito. Bigla niya itong hinagis sa mukha ko. Nagkalat ang mga one thousand peso bills sa sahig at doon ako nakaramdam ng labis na panliliit sa sarili. “Ayan,” pagpapatuloy ni Kate. “Dahil mahirap na ang lolo mo at wala na kayong pera, tulong ko na ‘yan sa ‘yo.” “Ang bait naman ni Kate, ‘di ba, Mia?” sarkastikong komento ni Alice sa tabi niya. “Pero kung kulang pa ‘yan, may charity ang kumpanya namin for the poor. Pumila ka na lang para makahingi ng ayuda, okay?” Napatungo ako sa hiya habang kagat-kagat ang labi ko. Tuluy-tuloy na rin ang luha na umagos sa pisngi ko. Wala talaga silang balak na tulungan ako umpisa pa lang. Wala silang ibang gusto kundi ipahiya ako sa harap ng maraming tao. “Let's go, guys,” aya ni Kate sa mga kasama na

“Parang wala naman na ‘kong choice,” natatawa kong sagot. Ngumiti siya at umiling-iling bago kinuha ang phone niya at nagpatugtog ng music. “Ano ‘yan?” naguguluhan kong sambit nang tumugtog ang luma at mabagal na kanta. “Ang gusto ko ‘yung dance music. ‘Di ba ang sabi ko gusto kong mag-enjoy ngayong gabi?” “Alam mo ba kung gaano na karami ang nainom mo? I don't think you can dance like that right now without throwing up.” I rolled my eyes. Hindi ko inasahan na may pagka-inglesero rin pala siya. “Okay, okay. Let's dance then,” pag-payag ko sabay lagay ng mga kamay ko sa magkabilang balikat niya. Lalo siyang lumapit sa akin. Halos ilang pulgada lang ang layo ng katawan ko sa kanya at ramdam ko na rin pati ang paghinga niya malapit sa leeg ko. “Hindi ko pa pala natatanong ang pangalan mo,” marahan kong sambit para makalma ang sarili. “‘Sorry.” “Just call me Liam…” marahan rin niyang sagot. “Ako naman si—” “Mia, Mia Montecarlo, tama?” Napaangat ako ng tingin. “Paano mo nalama
Pagkalabas namin sa Elves Club ay pinaghintay niya ako sa tabing kalsada. Maraming bagay na tumatakbo sa isipan ko at isa na doon ay kung babalik pa kaya siya. Pero ilang minuto lang ang lumipas at bumalik siya na nakasakay sa isang itim na motor at may suot na itim na leather jacket. Ang cool niya tingnan. Para siyang nanggaling sa pelikula. Bumaba siya para isuot sa akin ang isa ring itim na helmet at hinayaan ko lang siya. Para akong lutang na zombie na umupo sa likod niya bago niya tuluyang pinatakbo ang motor. Hindi na ako nagtanong kung saan kami pupunta at hindi na rin siya nagsalita. Ilang minuto ang lumipas at nagbalik ang mga luha sa mga mata ko. Hindi ko na napigilang mapadantay ang ulo ko sa likod niya. Siguro ay napansin niya kaya naramdaman ko ang kanyang marahang pagbuntung-hininga. Nahiya ako bigla at akmang lalayo nang kinuha niya ang isa sa mga kamay ko at inilagay ito sa bandang tiyan niya. “Kumapit ka nang mabuti,” narinig kong sabi niya. Dama ko ang ma