Share

Hiding the Miracle Heiress
Hiding the Miracle Heiress
Author: CALLIEYAH JULY

Chapter 1

last update Last Updated: 2023-03-08 11:39:51

LIYANNA'S POV

"NO, hindi ako magpapakasal kay Liya. Hindi ko siya mahal." Galit na sigaw ni Carlos.

Kasalukuyan kaming nandito sa sala nila. Hindi ko alam ang nangyari basta nagising na lang ako kanina na masakit ang gitnang bahagi ng aking katawan. Hindi ko rin inaasahan na nasa tabi ko ang matalik kong kaibigan at pareho kaming walang saplot sa katawan.

"Magpapakasal ka and that's final. Hindi mo puwedeng takasan ang ginawa mo kay Liya!" Galit na sabi ng daddy ko.

"Iho, bakit hindi mo subukan. Besides she's your bestfriend." Sabi ni Tita Rona kay Carlos.

"That's the point mom, she's my best friend at hindi ko kayang magpakasal sa kanya!" Kalmado pero may diin sa boses ni Carlos. Masaktan ako sa mga narinig ko buhat sa kanya.

"Sana naisip mo 'yan bago mo ginalaw ang anak ko. Hindi ako makakapayag na hindi mo pakasalan ang anak ko." Galit na galit na daddy ko kaya pinapakalma ito ni mommy.

Ako naman ay walang ibang magawa kundi ang umiyak na lang. Nalilito ako, hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ko rin puwedeng kontrahin ang mga magulang ko. Nag-iisang anak ako kaya ganito ang reaksiyon nila.

"Okay, fine papakasalan ko siya." Biglang sabi ni Carlos na ikinagulat ko. Nang tumingin ako sa kanya ay isang masamang tingin ang ibinigay niya sa akin.

"Okay na pala ang lahat. Mabuti naman iho at hindi ka mahirap kausap." Sabi ng daddy ko kay Carlos.

Isang civil wedding ang naging kasal namin ni Carlos. Pamilya lang namin ang tanging nakakaalam ng lahat. Pagkatapos nang kasal ay lumipat na kami sa bago naming bahay. Iniregalo sa amin ng parents namin.

"Doon ka sa kabilang room!" Galit na sabi sa akin ni Carlos.

"Sige," tanging sagot ko sa kanya at mabilis na pumasok sa aking magiging silid.

Kami lang na dalawa ni Carlos ang narito. Hindi siya kumuha ng kasambahay dahil nais daw niyang matuto ako sa mga gawaing bahay. Isang linggo na simula noong ikasal kami ni Carlos pero para lang ako wala sa kanya. Palagi siyang galit at sinisigawan ako.

Madaling araw na pero matiyaga akong naghihintay sa asawa ko. Bumukas ang pintuan at pumasok si Carlos. Magulo ang buhok nito at bakas sa mukha niya na pagod siya.

"Bakit ngayon ka lang umuwi?" Tanong ko sa asawa ko.

"Puwede ba! Stop acting like a good wife, dahil hindi bagay sa 'yo. Nakakasuka!" Galit na sigaw sa akin ni Carlos.

"Gusto ko lang naman itanong kasi hininta—"

"How many times do i need to tell you na hindi tayo mag-asawa. So stop acting like that! Asawa lang kita sa PAPEL!" Parang isang sampal ang sinabi niya sa akin. Tumingin ako sa kanya at nakita ko ang galit sa mga mata niya.

Pinipilit kong maging mabuting asawa sa kanya pero hindi niya 'yon nakikita. Lahat ng ginagawa ko ay laging pangit sa paningin niya.

"Hinintay kita," mahinang sabi ko.

"Wala akong pakialam! Get out in my room!" Sigaw niya sa akin.

"Hanggang kailan ka ba magkakaganyan? Hindi na ikaw ang kaibigan ko," umiiyak na tanong ko sa kanya.

"Labas, lumabas kana!" Sigaw niya ulit sa akin.

Mabilis akong lumabas sa silid niya. Pumasok ako at dumapa sa kama ko. Hindi ko na siya kilala. Hindi na siya ang kaibigan ko. Mahirap ba akong mahalin? Hindi ba ako kamahal-mahal? Iyon ang mga tanong na paulit-ulit kong itinatanong sa sarili ko.

Si Carlos ang best friend ko. Ang kakampi ko sa lahat ng bagay NOON. Hindi na ngayon, dahil malaki na ang pinagbago niya. Araw-araw ay masasakit na salita ang natatanggap ko sa kanya. Masakit para sa akin na nakikita siyang nagkakaganyan. Mahal ko siya hindi bilang isang kaibigan kundi bilang isang lalaki. Umiyak ako ng umiyak para mailabas ko ang lahat ng sakit na nararamdaman ko. Hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Napabangon ako bigla dahil may malamig na natapon sa mukha ko. Nang idilat ko ang mga mata ko ay bumungad sa akin ang mukha nang asawa ko.

"Hindi ka pa ba babangon d'yan?!" Galit na tanong ni Carlos sa akin.

"Pasensiya kana, sandali ipagtitimpla kita ng kape." Sabi ko sa kanya at mabilis na bumaba papunta sa kusina. Hindi ko na binigyang pansin ang mukha ko at ang basa kong damit.

Tumingin ako sa orasan. Nakita ko na maaga pa kaya mabilis akong nagluto ng breakfast. Kahit ganito ang trato niya sa akin ay hindi ko siya kayang pabayaan na lang. Kumakapit ako sa paniniwala ko na mamahalin rin niya ako kagaya ng pagmamahal ko sa kanya. Palagi ko na lang iniisip ang nakaraan. Noong malambing at maalaga siya sa akin.

"Why are you smiling? May lalaki ka?" Nagulat ako dahil bigla na lang itong nagsalita sa likuran ko.

"W-Wala, hindi ba ako puwedeng ngumiti?" Nakayukong tanong ko sa kanya.

"Bakit masaya ka? Are you happy now? Siguro plano mo na talaga simula noon na akitin ako para maikasal ka sa akin. I treated you like my own sister, my most trusted friend pero anong ginawa mo?! Kinulong mo ako sa walang kwentang kasal na ito. Ito ang tandaan mo, hinding-hindi kita mamahalin. Hinding-hindi ka magiging masaya." Galit na sabi ni Carlos bago lumabas dito sa kusina.

Hindi ko na kaya pang pigilan ang mga luha ko. Nagsimula na silang pumatak. Pinalo ki ang dibdib ko dahil pakiramdam ko, parang hindi ako makahinga. Sobrang nahihirapan ako. Hindi ito ang pinapangarap ko. Gusto ko ng masayang pamilya na kagaya sa mga magulang ko. Pinilit kong tapusin ang pagluluto ko. Inayos ko ang sarili ko bago ako umakyat sa silid niya para tawagin siya.

Hindi na ako kumatok at dumiretso lang ako. Pagpasok ko ay palabas si Carlos sa banyo. Bagong ligo ito at nakatapis sa kanyang baywang ang tuwalya. Nakikita ko rin ang pagpatak ng tubig na nagmumula sa basa noyang buhok.

"What are you doing here?" Seryosong tanong ni Carlos sa akin.

"Nakahain na ako, kumain kana." Sagot ko sa kanya at umiwas ako ng tingin.

"Magbihis ka, sasama ka sa akin sa opisina. Wala ang secretary ko kaya ikaw ang papalit sa kanya." Seryosong utos ni Carlos sa akin

"Sige, maliligo lang ako." Sagot ko sa kanya. Ayoko kong tumanggi at kontrahin ang utos niya.

Naligo ako at napili kong isuot ang isang simple dress na bumagay sa hulma ng katawan ko. Matangkad ako kaya lumitaw ang mapuputi kong legs sa suot ko. Kaagad akong lumabas dahil baka naiinip na ito sa kakahintay sa akin.

"Bakit ganyan ang damit mo? Balak mo bang akitin ang mga empleyado kong lalaki?!" Galit na tanong niya sa akin.

"May mali ba sa suot ko?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Stupid! Sasabihin ko ba sa 'yo kung maayos 'yang suot mo. Umakyat ka doon at magpalit. Sa susunod ay 'wag ka ng magsuot ng dress. Mas mabuti kong balotin mo ang sarili mo. Damn it! Bilisan mo na dahil malelate na ako sa trabaho!"

Alam ko na walang mali sa suot ko pero mas pinili ko pa rin na sundin siya. Umakyat ako at nagbihis ng blouse at hight waist pants. Sobrang simple ko sa damit ko ngayon. Tahimik kami pareho sa biyahe. Itinuon ko ang atensiyon ko sa labas nang bintana. Pagdating namin sa building ay tahimik lang akong nalasunod sa kanya. Halos lahat ng employees niya ay binati siya pero hindi man lang ito sinagot ni Carlos.

Bumukas ang elevator at nakarating kami sa office niya. Pero nagulat ako dahil may isang babae na patakbong sumampa at humalik kay Carlos.

"Ang tagal mo baby, kanina pa ako naghihintay sa 'yo." Malambing na tanong nito sa asawa ko.

"Why are you here?" Tanong naman ni Carlos sa babae.

"Visiting you, kakauwi ko lang galing US akala ko nga pupuntahan mo ako sa condo ko pero hindi ka pumunta kagabi." May himig na pagtatampo sa boses nang babae.

"Sorry baby, super busy lang ako. Let's go inside," niyaya ni Carlos ang babae.

"And you! stay here and don't disturb us." Saad sa akin ni Carlos.

"Okay Sir," nakayukong sagot ko sa kanya dahil nasasaktan ako.

"Who is she, baby?" Tanong nang babae sa asawa ko.

"She's nothing, she's my temporary secretary. Pasok na tayo baby," malambing sagot ni Carlos sa babae niya.

Parang gusto ko siyang sagutin. Gusto kong isigaw sa pagmumukha nang babae na 'yon na ako ang asawa ni Carlos. Pero hindi ko magawa. Ngayon ko naisip na malabo akong magustuhan ni Carlos kung ikukumpara ako doon sa kasama niyang babae. Maganda ang babae na may malaking dibdib. Kaagad kong pinunasan ang luha ko sa mga mata ko. Empleyado niya ako ngayon at hindi niya ako asawa.

Baka kaibigan lang niya? Baka ganu'n sila kapag nagkikita." Kausap ko sa sarili ko. Pinipilit ko na kumbinsihin ang sarili ko na hindi niya ito babae.

"Where's Carlos?" Nagulat ako dahil biglang dumating si ate Cathy at hinahanap anga sawa ko.

"Nasa loob po ate," magalang na sagot ko kay ate. Parang gusto ko sana dugtungan na may kalantari na iba sa loob pero pinigilan ko ang sarili ko.

"Anong ginagawa mo dito?" Nagtatakang tanong ni ate Cathy sa akin.

"Ako po muna ang magiging secretary niya ate. May kausap pa po siya sa loob. Saglit po at sasabihan ko siy—"

"H'wag na, aalis na ako. Pumunta ka mamaya sa bahay may ibibigay ako sa 'yo." Saad niya sa akin.

"Sige po ate, magpapaalam po muna ako kay Carlos." Sagot ko kay ate Cathy.

"At bakit ka pa magpapaalam. Ako na ang magsasabi sa kanya, hihintayin kita. Sige aalis na ako." Paalam ni ate sa akin.

"Sige po ate, ingat po kayo." Sabi ko sa kanya.

Nang makaalis na si ate Cathy ay saktong bukas ng pintuan ng opisina ni Carlos. Palabas na ang babae atmay malawak na ngiti sa labi. Dumaan ito sa harapan ko. Ang buong akala ko didiretso ito pero tumigil ito sa harapan ko.

"Ikaw, huwag mong subukan na landiin ang boyfriend ko." Kausap noto sa akin.

Hindi sumagot ako sumagot dahil wala rin naman akong dapat sabihin. Pero nagulat ako sa sumunod niyang ginawa.

"Aray po, nasasaktan po ako." Saad ko sa kanya habang pinipilit na tanggalin ang kamay niya sa buhok ko.

"Masasaktan ka kapag inahas mo ang boyfriend ko. Do you understand?" Galit na anas nito sa akin.

"O-Opo," sagot ko sa kanya. Napapikit ako sa sakit. Pero kaagad rin naman niyang binitawan ang buhok ko.

"Ouch! Baby, hinila ng secretary mo ang buhok ko." Biglang sumbong nang babae kay Carlos na ikinagulat ko.

Mabilis namang lumapit si Carlos at sinampal niya ako. Napahawak ako sa kaliwang pisngi ko. Ito ang unang beses na pinagbuhatan niya ako ng kamay.

"Umuwi ka na lang! Wala kang kwenta! Wala kang silbi! Sa susunod na saktan mo ulit si Sammy hindi lang 'yan ang matitikman mo sa akin." Sigaw ni Carlos sa akin habang galit na galit ito.

"Are you okay baby?" Tanong ni Carlos kay Sammy.

"Masakit baby, here oh." Sumbong pa nito kay Carlos.

Tumalikod na ako ang nagsimulang maglakad paalis sa opisina niya. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Ang tangin alam ko lang ay sobrang sakit ng puso ko. Sobrang nasaktan ako sa ginawa niya sa akin.

Comments (14)
goodnovel comment avatar
Lea Suan
hayys...Unang episode pa lang inaapi na ang bida.....tsaka na lalaban pgdurog na durog na ang bida.....halos lahat ng story ganito ang sinario...sa huli na Lumalaban ang bida...hayyysss
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
naku kung ako sayo Lyanna layasan mo yong hindi ka nya makita tingnan mo at hahanapin ka din nyan
goodnovel comment avatar
Leonida Guibao
nakakastress pla basahin to
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Hiding the Miracle Heiress    Chapter 2

    WARNING MATURED CONTENT!LIYANNA'S POV "Liya..!""Liyanna, open this damn door!"Nagising ako sa lakas ng katok sa pintuan ko kaya mabilis akong bumangon. Bumungad sa akin ang asawa ko. Una kong naamoy ang alak. Sa tingin ko ay lasing ito dahil malamlam rin ang mga mata niya."May kailangan ka ba?" Tanong ko sa kanya."Wala kang silbi! Isinama kita sa company para tulungan ako at magkaro'n ka man lang sana ng silbi pero wala rin. Nagseselos ka ba kay Sammy?" Lasing na tanong niya sa akin."H-Hindi, bakit naman ako magseselos sa kanya?" Mahinang sagot ko sa kanya."Liar! Alam ko na nagseselos ka. Dapat kang magselos sa kanya. Alam mo ba kung bakit? Dahil, maganda siya, matalino at magaling sa kama. Na kahit kailan hindi mo mahihigitan." Sabi niya sa akin, nasaktan ako pero tama siya. Wala akong panama sa babae niya. Wala akong gaanong alam lalo na pagdating sa kama."Alam ko naman 'yon. Magpahinga kana ihahatid na kita sa silid mo." Hinawakan ko siya sa braso pero iniwaksi niya ang ka

    Last Updated : 2023-03-09
  • Hiding the Miracle Heiress    Chapter 3

    LIYANNA'S POVNakaharap ako ngayon sa salamin. May bakat nang kamay ni Carlos sa pisngi ko. Maputi ako kaya kitang-kita ito. Wala akong balak na pumasok sa opisina. Nagkulong lang ako dito sa silid ko. Mamayang gabi ay family dinner namin sa bahay ng parents niya.Biglang nagring ang phone ko at si Carlos pala ang tumatawag."Hello," sagot ko sa tawag niya."Where are you? Bakit wala ka dito sa office?" Galit na tanong niya sa akin."Masama ang pakiramdam ko. Puwede ba akong hindi pumasok ngayon?" Tanong ko kay Carlos, naging tahimik sa kabilang linya kaya tinignan ko ang phone ko. Akala ko ay ibinaba niya pero hindi pala."Wala akong pakialam, pumasok ka dahil marami kang trabaho ngayon!" Galit na sabi nito bago ibinaba ang tawag.Napaiyak na lang ako. Alam ko sa sarili ko na hindi ko siya kayang suwayin. Ayaw ko man maglagay ng make-up pero tinakpan ko ang pasa ko sa pisngi. Ayoko rin ipakita sa iba ang pasa ko. Nagbihis ako at pumunta sa company niya. Pagdating ko sa opisina niya

    Last Updated : 2023-03-09
  • Hiding the Miracle Heiress    Chapter 4

    LIYANNA'S POV"Maaga ka ba uuwi mamaya?" Tanong ko sa asawa ko. Naghahanda na ito sa pagpasok sa opisina."Hindi ako sure, why?" Parang wala lang na sagot niya sa akin."Gusto ko sana na sabay tayong magdinner mamaya." Saad ko sa kanya. Hindi kasi kami nagkakasabay kumain dahil palagi itong late umuwi. Minsan ay madaling araw na pero madalas hindi na talaga ito umuuwi ang dahilan niya ay sa opisina na daw siya natutulog."Maybe next time. I have a lot of works in the office." aniya sa akin."Okay, naiintindihan ko." Malungkot na sabi ko sa kanya."Babawi ako ako sa 'yo." Ganito siya palagi pero hindi naman nangyayari ang mga sinasabi niya."Okay lang alam ko na busy ka sa trabaho mo. Ingat ka sa pagmamaneho." Sabi ko sa kanya."Okay," tanging sagot niya sa akin at nagmaneho na palabas sa gate. Kahit na sinasabi niya na subukan namin ay pakiramdam ko wala pa rin nagbago. Kasing lamig pa rin siya ng yelo. Tuwing kausap ko siya ay parang napipilitan lang siya sa akin. Pinipilit kong pan

    Last Updated : 2023-03-20
  • Hiding the Miracle Heiress    Chapter 5

    LIYANNA'S POV"Pirmahan mo 'to," utos niya sa akin.Umiling ako sa kanya. Dahil hindi ko kaya."Diba sabi mo gagawin mo ang lahat?" Tanong niya sa akin habang wala akong nababanaag na emosyon sa mga mata niya. Kagaya pa rin ito nang dati. Malamig at may kasamang pagkasuklam."Hilingin mo lang ang kahit ano, 'wag lang 'yan. Hindi kita papakiilaman sa mga ginagawa mo. Hindi ako magtatanong, basta ang mahalaga sa akin ka uuwi. Carlos, kaya kong tanggapin ang lahat. Gagawin ko ang lahat pero 'wag lang 'yan." Umiiyak na sabi ko sa kanya."Desperada kana," 'yon lang ang sinabi niya bago niya nilisan ang silid ko. Nasaktan ako sa sinabi niya pero tama siya desperada na ako. Kung 'yon ang tingin niya sa akin ay tatanggapin ko 'wag lang niya akong iwan.Alam ko na umalis ito dahil narinig ko ang kotse niya na lumabas sa gate. Dinampot ko ang annulment paper at itinago ko ito. Alam ko na hindi pa niya ako kayang mahalin ngayon pero hindi ako nawawalan ng pag-asa. Buong gabi akong dilat, hindi ak

    Last Updated : 2023-03-21
  • Hiding the Miracle Heiress    Chapter 6

    LIYANNA'S POVBumuhos ang luha ko sa nakikita ko ngayon. Ang asawa ko at ang bestfriend ko. Hindi lang sila naghahalikan dahil nakahugpong ang kaselanan nila. Abala sila at hindi man lang nila ako napansin. Nawalan ng lakas ang mga tuhod at kamay ko. Bigla kong nabitawan ang baunan na dala ko kaya napalingon sila sa direksyon ko."L-Liya," nauutal na bigkas ni Carlos sa pangalan ko."Bakit siya pa? Bakit ang bestfriend ko pa Carlos? Bakit?" Umiiyak na tanong ko sa kanya."Li—"Hindi ko na siya binigyan ng pagkakataon na tapusin ang sasabihin niya dahil mabilis akong tumakbo palabas sa opisina niya. Ang sakit, sobrang sakit na pati bestfriend ko niloko ako. Ito ba ang bago niyang secretary. Noon hindi ko pinapansin ang mga tingin ni Pia sa asawa ko dahil alam ko na hindi niya ako kayang lokohin pero nagkamali ako.She betrayed me, at hindi ko man lang makita sa mukha niya na nagkamali siya. Tirik na tirik ang araw pero ito ako naglalakad habang walang tigil sa pag-agos ang mga luha ko.

    Last Updated : 2023-03-22
  • Hiding the Miracle Heiress    Chapter 7

    LIYANNA'S POVNilisan ko ang bahay namin. Doon ko naisip na wala namang magandang alaala, na kailangan kong baonin sa pag-alis ko. Puro maghihirap lang ang meron sa bahay na ito. Sa ginawa niya kanina ay pinatunayan lang niya na kahit kaunti ay wala siyang pakialam sa akin, na kahot katiting ay wala talaga siyang pagmamahal sa akin. Na mas pipiliin pa niya si Pia kaysa sa akin. They betrayed me and it's killing me inside. At habang buhay ko 'yong maalala ang lahat ng ginawa nila sa akin. She doesn't even care about my child. Na kahit nagmakaawa ako ay hindi niya ako pinakinggan. She also make a scene para maging masama ako sa paningin ni Carlos. Ang buong akala ko ay mahal ako ni Pia bilang kaibigan niya but he used me. Para mapalapit sa asawa ko. Ngayon ay malaya na si Carlos at puwede na nilang gawin ang lahat ng nais nila.Nais ko pa sanang sabihin kay Carlos na buntis ako pero mas mabuti na hindi niya alam. Dahil baka hindi lang niya tanggapin ang bata. Kung babalikan ko ang lahat

    Last Updated : 2023-03-22
  • Hiding the Miracle Heiress    Chapter 8

    LIYANNA'S POVNang magising ako ay una kong kinapa ang tiyan ko. Nakaramdam ako ng kirot kaya nataranta ako. Akmang babangon ako nang bigla akong pigilan ni Vena."Ate, h'wag ka mo ng gumalaw." Sabi sa akin ni Vena."Vena, anong nangyari sa baby ko? Vena, nasaan ang baby ko?" sunod-sunod na tanong ko sa kanya."Ate.. ang baby mo, inalis na nila sa tiyan mo. Kailangan nilang alisin si baby." Sagot niya sa akin."May nangyari ba sa baby ko? Vena, anong nangyari sa baby ko?" Natatakot na tanong ko sa kanya at nagsimula ng pumatak ang mga luha ko."Nasa ICU ang baby mo ate, buhay siya at lumalaban para sa 'yo. Premature baby siya ate, kailangan kasi nilang ilabas si baby kahit kulang pa siya sa buwan." Umiiyak na sabi niya sa akin.Hindi ko mapigilan ang sarili ko. Umiyak ako ng umiyak. Nagpapasalamat ako sa Panginoon dahil hindi niya pinabayaan ang anak ko. Pero masakit para sa akin na malaman na nahihirapan ang anak ko. Hindi ko kakayanin na mawala siya sa akin. Ipinaliwanag sa akin ng d

    Last Updated : 2023-03-23
  • Hiding the Miracle Heiress    Chapter 9

    LIYANNA'S POVSobrang sakit na nakikita ko ang ang ko na nahihirapan at nag-aagaw buhay. Kung puwede na ako na lang pero wala akong magawa. Humina ang pananalig ko at nawalan ako ng pag-asa para sa buhay ng anak ko. Bumalik ulit ako sa psychiatrist para magpatingin.At ngayon na maayos na ulit ako ay muli na naman akong sinusubok. Hindi na ba matatapos ang lahat ng ito? Bakit ba ipinagkakait sa akin na maging masaya? Ano bang nagingg kasalanan ko para parusahan ako ng ganito? Mga tanong na paulit-ulit kong tinatanong sa sarili ko. "Anak, lumaban ka. Huwag mo akong iiwan. Vena, hindi ko kakayanin kapag nawala siya sa akin." Umiiyak ako habang nakatingin sa anak ko na unti-unting bumabagsak ang heartbeat niya. Kahit siguro sinong ina ay hindi gugustuhin na mawalan ng anak."Diyos ko, parang awa niyo na po. Hayaan niyo po akong makasama ang anak ko. Siya lang po ang mayro'n ako. Ito lang po ang hinihiling ko sa inyo. Ang anak ko lang po, parang awa niyo na po." Umiiyak na kausap ko sa ka

    Last Updated : 2023-03-24

Latest chapter

  • Hiding the Miracle Heiress    SPECIAL CHAPTER

    CARLOS POVNoong isinama ako ng asawa ko sa loob ng delivery room ay grabe ang kaba ko. Nilalamig ang mga daliri ko sa paa ganun rin ang mga kamay ko. Ang makita na nahihirapan ang asawa ko ay parang torture sa akin. Doon ko lalong hinangaan at minahal ang asawa ko ganun rin ang mommy ko.Tumulo ang luha ko ng makita ko ang anak ko. Sobrang saya ng puso ko. Sa wakas ay naranasan ko ng maging isang ama, naranasan ko ang mga ganitong pangyayari sa buhay ko. Kaya ipinangako ko sa aking sarili na ako ang mag-aalaga kay baby. Na kahit mapuyat ako ay gagawin ko ang lahat. Gusto kong bumawi sa mag-ina ko. Alam ko ang hirap niya sa pagbubuntis at ngayon nais ko na ako naman ang maghirap sa pag-aalaga. Hindi ko ito nagawa kay Mireya kaya bumabawi ako kay Baby Inzio. Kaya kong tiisin ang pagiging moody ng asawa ko. Nalaman ko na nangyayari pala talaga ito. Ang nagbabago ang ugali niya. Postpartum ang tawag nila kaya sinabi rin sa akin ni Dok na lawakan ko pa ang pag-unawa ko sa asawa ko dahil hi

  • Hiding the Miracle Heiress    WAKAS

    LIYANNA'S POVHawak ni Carlos ang kamay ko. Pawis na pawis at ramdam ko ang sobrang sakit. Kung gaano ako nahihirapan ay ganun rin kalamig ang kamay ni Carlos. Ramdam ko na nilalabanan niya ang takot niya. "Uhmmmm.....!" Nakatikom ang bibig ko habang patuloy na umiire. Sabi kasi sa akin ni Dok ay mas makakakuha ako ng lakas kaysa sa sumigaw ako. Lahat ng sinasabi ni Dok ay ginagawa ko."1, 2, 3 push.." utos sa akin ni Dok na ginawa ko naman."Uhmmmmmm!" Tumutulo na ang luha ko sa mata ko. Pero naka-set na sa isipan ko na kahit anong mangyari ay ilalabas ko ang baby ko ng maayos. Ngayon ko naranasan ang hirap ng mag ina na iluwal ang kanilang mga anak. Normal delivery o cesarean delivery ay pareho na mahirap. Paulit-ulit ang utos sa akin ni Dok hanggang sa narinig ko ang iyak ng baby ko. "Congratulations, Liya." Sabi sa akin ni Dok."I love you," bulong ni Carlos sa tainga ko at nakita ko na umiiyak siya. Paulit-ulit rin niya akong hinalikan sa noo.Pagod na pagod ako pero sobrang

  • Hiding the Miracle Heiress    Part || — Chapter 13

    LIYANNA'S POVIto na ang pinakahihintay naming araw. Ang gender reveal party. Pagkagaling namin sa simbahan ay tumuloy kami sa venue. Napili nila sa open grounds. Hindi ko alam pero ang mga kaibigan ng asawa ko sa racing club ang may pakana. Gusto ko sana sa bahay na lang pero mas gusto daw nila doon.Pumayag naman ako dahil alam ko na namiss nilang mag-race. Hapon na ginanap para hindi gaanong mainit. "Kinakabahan ako, babe." Pabulong na sabi ni Carlos sa akin."Vava, dapat masaya ka. Kasi ito na pinakahihintay mo, natin. Sa wakas ay hindi kana magpupuyat, hahaha!" Pabiro na sabi ko sa kanya."Sorry, babe. Alam ko na napupuyat ka sa akin." Nakangisi na sabi niya sa akin."Hahaha! Sinusulit mo talaga dahil ilang buwan ka rin bago ka ulit makakapasok." Natatawa na sabi ko sa kanya."I love you and thank you for understanding me, for loving me and for carrying our child." Nakangiti na sabi niya sa akin."I love you too and I'm always willing to carry our child." Malambing na sagot ko s

  • Hiding the Miracle Heiress    Part || — Chapter 12

    LIYANNA'S POVMabilis na lumipas ang mga araw at halos hindi ko na namalayan. Nagising ako dahil naririnig ko ang asawa ko. Kaya mabilis akong pumunta sa banyo para silipin siya. "Vava, are you okay?" Nag-aalala na tanong ko sa asawa ko.Bigla na lang kasi itong nagsuka ngayong umaga. Hindi ko alam pero napansin ko na palagi siyang inaantok kaya isang linggo na siyang hindi pumapasok sa trabaho. "Nahihilo ako, babe. At nangangasim ang sikmura ko." Sagot niya sa akin."Magpacheck-up na kaya tayo?" Saad ko sa kanya."Okay lang ako, itutulog ko lang ito," sagot niya sa akin at mabilis na bumalik sa kama namin para matulog ulit.Inayos ko ang kumot niya at hinalikan ko siya sa labi. Lumabas naman ako sa silid namin para puntahan si Mireya at Prexie. Oo sa amin na nakatira si Prexie. Dahil hiniling rin niya kay daddy habang si Precious ay doon pa rin sa mansyon. Masaya ako dahil magkasundo ang dalawang bata. Nakakatuwa dahil si Prexie ang madalas ba nag-aasikaso kay Mireya. Pero may hil

  • Hiding the Miracle Heiress    Part || — Chapter 11

    LIYANNA'S POV"Babe, hindi ito totoo diba? Hindi pa patay si Ate?" Umiiyak na tanong sa akin ni Carlos."Vava," umiiyak ako at niyakap ko siya."Okay na siya eh, noong dinalaw ko siya ay nakangiti na siya at nakakausap na siya ng maayos. Hindi ito, hindi ito ang nais ko. Mahal na mahal ko ang ate ko, kahit na ano pa ang naging kasalanan niya." Umiiyak na saad sa akin ng asawa ko. Ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya."I'm sorry, alam ko na ako ang may kasalanan ng lahat kung bakit naging ganun si ate. Sorry, Vava sana hinayaan ko na lang siya." Sabi ko sa kanya dahil sinisisi ko ang sarili ko."No, babe. It's not your fault, hindi mo kasalanan. Kagustuhan ito ni ate, nakakalungkot lang dahil tinapos niya na kaagad ang buhay niya." Saad sa akin ng asawa ko.Kaagad kaming umuwi sa Pilipinas dahil sa natanggap naming balita. Ate Cathy ended her own life. Nagpakamatay siya at nagluluksa ang buong pamilya namin. Kaya kahit na may magandang balita kami sa kanila ay hindi namin magawang s

  • Hiding the Miracle Heiress    Part || — Chapter 10

    LIYANNA'S POVHindi ko maintindihan ang mga cravings ko ngayon. Ibang-iba sa cravings ko noon kay Mireya. Alam ko na nahihirapan ang asawa ko pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. Kapag hindi niya naiibigay ang gusto ko ay mabilis na sumama ang loob ko. Sobrang maraming nangyayari sa akin lalo na sa ugali ko.Mabilis akong mainis sa kahit na maliit lang na bagay. Ang sabi ko ay uuwi na kami pero nagbago ang isip ko lalo na mabilis akong magalit tapos sobrang init pa sa Pilipinas. At masasabi ko rin na maganda rin talaga na dito na lang ako manganak dahil sa kakagaling ko pa lang naman sa sakit ko at under observation pa rin ako.Ngayon ang araw ng check-up ko. Actually hindi pa naman talaga sana ngayon kaya lang makulit lang talaga si Carlos. Kasama namin si Mireya dahil na rin sa wala siyang kasama sa bahay at excited rin itong marinig ang heartbeat ng kapatid niya.Pagdating namin sa hospital ay sobrang excited na ang mag-ama ko. Kahit na ako ay excited rin na marinig ang heartbeat

  • Hiding the Miracle Heiress    Part || — Chapter 9

    CARLOS' POV"Babe, wala namang santol na walang buto. Diba hindi ka naman kumakain ng ganun?" Sabi ko sa kanya. Never ko pa naman siyang nakita na kumain ng ganun."Gusto ko na ngayon, hanapan mo ako. Nakatikim na ako noong college tayo. Kaso may buto 'yon eh. Sinawsaw ko pa nga 'yon sa asin na may sili. Pero mas gusto ko na isawsaw sa ketchup. Vava, please." Malambing na sabi niya sa akin."Babe, hindi ko talaga alam kung may santol na walang buto at kung may santol ba dito sa Amerika." Sagot ko sa kanya.Nakita ko na malungkot na naman ito. Pero ano nga ba ang gagawin ko. Saan ba ako makakahanap ng ganun? Dahil hindi nga ako pamilyar sa ganoong prutas. Buti pa nga siya nakakain na ng ganun ako hindi pa."Babe, uwi na lang kaya tayo sa Pilipinas?" Tanong ko sa kanya."Ayoko, gusto ko dito. Sigurado ako na mainit na naman sa Pilipinas. Dito na lang muna tayo kapag five months na si baby ay saka na tayo umuwi. Pwede rin naman na dito na tayo manganak." Sagot naman niya sa akin.Napaisip

  • Hiding the Miracle Heiress    Part || — Chapter 8

    CARLOS' POVKakabalik ko lang dito sa US galing sa Pilipinas. May mga kailangan lang akong ayusin sa company. Sobrang excited ko pagkalapag pa lang ng eroplanong sinakyan ko ay gusto ko ng liparin makarating lang kaagad sa mag-ina ko. Ang masaya kong mood ay biglang napalitan ng lungkot. Sinabi niya kasi na mabaho ako. Mabilis ko naman inamoy ang sarili ko pero hindi naman. Sa totoo lang ay nagulat ako sa naging reaksyon at ang mga kinikilos niya. Nasaktan ako dahil nilalayuan niya ako. Mabilis siyang magalit at sensitive ang pang-amoy niya.Nilalawakan ko pa rin ang pag-unawa ko dahil alam ko na epekto lang ito ng mga gamot na iniinom niya. Alam ko rin na hindi naman niya ito sinasadya.May mga gusto siya na kapag hindi ko naibibigay ay kaagad na sumasama ang loob niya. Mabilis siyang umiyak at magdamdam. I tried my very best na igawa siya ng bibingka. But I failed pero laking gulat ko dahil sarap na sarap siya. Napilitan pa akong kainin ang ginawa ko. Tiniis kong ubusin kahit na ang

  • Hiding the Miracle Heiress    Part || — Chapter 7

    LIYANNA'S POV"Vava, gusto ko ng bibingka." Biglang sabi ko sa kanya. Bigla akong natakam sa tostadong bibingka na may itlog maalat."Babe, hindi ko alam kung meron dito ng bibingka. Wait, maghahanap ako." Sagot niya sa akin."Gusto ko ikaw mismo ang gumawa." Biglang sabi ko sa kanya."What?! Ako ang gagawa? Seryoso ka?" Gulat na gulat na tanong niya sa akin."Oo, tapos gawin mong tostada pero maputi." Nakangiti pa na sagot ko sa kanya."Babe, puwede naman na maghanap na lang ak—""Sumusuko kana agad. Di mo pa nga sinusubukan. Mas gusto ko na ikaw mismo ang gagawa mahirap ba 'yon?" Naiinis na sabi ko sa kanya."Babe, bakit kasi kailangan pang ako. Bakit ka ba ganyan? Kahapon halo-halo tapos ngayon bibingka naman.""Naging maselan na kasi ang panlasa ko. Sabi ni Doc nangyayari daw talaga 'yon. Pero kung ayaw mo ay okay lang naman. Hindi naman kita pinipilit." Parang naiiyak na sabi ko sa kanya."Okay gagawa na ako. Pero don't expect too much dahil hindi naman ako marunong sa mga ganiton

DMCA.com Protection Status